marami ba dito nakaexperience na nangingisay yung aso, particularly yorkshire terriers?

The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
marami ba dito nakaexperience na nangingisay yung aso, particularly yorkshire terriers?
Hi fellow dog lovers here in pex...
I have a puppy he's a poodle/chow mix, date of birth nya ay Sept 2011. pero nakuha namin sya Nov 25, 2011 inuwi lang ng anak ko binigay daw sa kanya ng friend nya. that is the day when i first met him, and he is our first dog. Btw his name is BRIZZLE. (for me he's a cute & sweet puppy)
I've been in love with him, maharot, magana kumain, kagat ng kagat kasi tinutubuan ng ngipin. malambing siya.. yun tipong pag alam na niya na nakauwi na ako from work pupunta na agad sakin at didilaan ako. Di nga ako nag-oOT lately sa work kasi gusto ko makauwi agad para makita siya. malaro, mapalitan ng damit at mapakain.
Dec. 16, 2011 naka-sched siya para sa 5in1 vaccine nya. pero mga 2 days before nun nagka sipon siya. so nung time na dinala namin sa vets di siya ininjectionan (di daw kasi pwede) instead binigyan kami anti-biotic at ipainom daw. saka nalang daw bakunahan pag gumaling na. So yun, pinapainom naman namin ng gamot but its almost a week na di pa din naalis sipon niya. parang may dry cough siya, gusto niya idahak pero ayaw lumabas. (nakakaawa, though medyo masigla pa din sya nung time na yun)
Another days has passed, ganun pa din sya..binalik ko sa vets, niresetahan na naman gamot para sa plema (BROMHEXINE) saka vitamins C. pero after days ng painom di pa din sya gumagaling... naawaa ako habang nakikita ko sya nahihirapan, parang dinudurog ang puso ko. iniisip ko sana ako nalang yung maysakit at wag na yung walang kalaban laban na puppy.
Next day pag uwi ko galing sa work, di na siya kagaya nung dati na sasalubungin ka at makikpagharutan agad. parang matamlay, lagi tulog, may sipon pa din and i noticed nagmumuta sya, wala gana kumain... UMIYAK ako, dinala ko agad sa ibang vets sabi itest daw namin for CANINE DISTEMPER kasi tingin nya meron. kahit mahal ang bayad pina-test ko na. Tapos the sad part ay nag POSITIVE siya... nalungkot ako ng sobra nakakaawa si brizzle.
Ngayon matamlay na siya, pina confine na namin.. di na kumakain. puro tubig nalang.. pinasyalan namin kanina, pumayat siya. sobrang iyak ko na naman nung nakita ko siya... pina-dextrose ko na... di ko sure kung makaka-recover pa siya.. :-(
Nakakalungkot pala... while im typing this nga walang patid ang luha ko kasi naiisip ko kalagayan ni brizzle ngayon.
GUYS, sa tingin niyo po ba may gumagaling pa sa sakit na canine distemper?
salamat po sa sasagot at magtyatyaga magbasa nitong post ko.. Thanks!
Hello Dog lovers, I'm actually a cat lover pero I will post po muna sa forum nyo para mag-appeal for your help and support para sa PAWS. They need donations of dog food and Liveraide para sa mga pitbull na narescue nila from dog fight arena sa Cavite. Post ko lang po galing sa kanilang Facebook account (pakiadd na rin sila @ https://www.facebook.com/pawsphilippines):
[CALL FOR DONATIONS] 3 more sturdy tents are highly appreciated to protect the dogs from the heat of the sun and rain. The old tarpaulins right on top of the cages get very hot during the day. Also urgently needed are stainless steel food bowls because some of the bowls the pitbulls are using already have sharp edges due to chewing.
Other donations to help these pitbulls are also appreciated:
* IV line--macro drip
* IV cannula--gauge 22, 24 and 26
* Pet multivitamins like Pet-tabs but generic multivitamins will also be appreciated.
* Liver supplements like Liv.52 (specific for dogs) or human liver supplements like Silymarin, Liveraide, Jetepar.
* Syringes--we need mostly 3cc syringes.
* Lactated Ringers Solution: both LRS and D5LRS
* Doxycycline capsules (100mg)
* Silver Sulfadiazine cream
* Hydrogen Peroxide
* Dog food
* stainless steel bowls
* plastic matting (to line bottom of cages)
* cleaning materials (deck brushes, walis tingting, detergent powder)
* other veterinary supplies (gloves, Zoletil, etc) also appreciated
Donations may be dropped off at PARC, Aurora Blvd., Katipunan Valley , Loyola Heights. QC between the hours of 10am to 5pm, Mondays to Saturdays.
Map to PAWS: http://paws.org.ph/Portals/_Rainbow/...arc_bigmap.jpg
Commuting tips to PAWS: http://parc.mefindhome.org/
Cash Donations may be deposited in any of the following banks:
Bank of the Philippine Islands
Swift no. BOPIPHMM
BPI USD Account # 3944-0021-61
BPI PHP Account # 3943-0086-11
Philippine National Bank
Swift no. PNBM PHMM
PHP Account#072-830174-0
Account Name: PHILIPPINE ANIMAL WELFARE SOCIETY
Donors are suggested to fax to PAWS (475-1688) or email supportpaws@paws.org.ph a copy of their validated deposit slip, unless they wish to remain anonymous. Please indicate that your donation is for the pitbulls.
Thank you.
In advance po salamat sa space at Merry Christmas.
my choco lab has given birth already, and i'm selling her litter...i have 2female yellow lab and 1 male yellow lab...hope you can check their picture, they've just turned 2months last 9th december.
here's the link:
http://www.sulit.com.ph/index.php/vi...brador+puppies
Member
Canine distemper din nakadali sa 5 aso namin nung early 2000.huli na namin nalaman kaya nung nagpapakita na ng symptoms sabi nung vet slim na daw chance.sobrang nakakaawa akala pa namin rabid yung mga aso namin kasi parang wala sila na sila sa isip nung infected na sila.nung nabasa kong kuwento mo naluha ulit ako kasi yung isang aso ko si oglas sa lap ko na nalagutan ng hininga. sana may vaccine na tlaga laban sa distemper
Wala na si Brizzle.. :-( he just died yesterday because of distemper.. sana nga may maibentong gamot para dito, kawawa naman mga aso. lalung lalo na yung mga puppy na walang kalaban laban!
Pero ang pinagtataka ko lang.. bakit yung mga normal na aso (askal) di sila tinatamaan ng ganung sakit, kahit makikita mo na pagala-gala lang sa daan, madumi pa mga kinakain. kung sino pa yung malinis at nasa bahay lang ay yun pa yung nagkakasakit!
kawawa naman yung puppy kong si brizzle... :-(
Virus kasi yan. Kaya immunity siguro. Yung mga askal yung iba immune na pero hindi lahat. Myth yang askal e hindi nagkakasakit. Maraming askal na namamatay di lang natin pansin kasi hindi naman natin sila alaga o naoobserbahan. Mas naalagan ang aso mas mahaba ang buhay. Malas lang talaga na tinamaan ng sakit yung puppy mo.
Pero tingin ko parang late na yung 5in1 vaccine mo. Included kasi dyan yung para sa distemper virus. Ang alam ko 1st to 2nd month pa lang kailangan may 5 in 1 na tapos 4-5 times yan for 5 months so every month may 5 in 1.
[QUOTE=Dogman;60305705]for me the best pa din ang frontline.
what I did before, nilagyan ko frontline yung dog, then yung paligid at cage nilinis ko ng asuntol. effective ang asuntol, prob lang kasi pag direct ko apply sa dog, may tendency na malason.[/QUOTE
Brad, anung ginamit mo? spray o yung applicator?
last month namatay din pup ko due to distemper, akala ng vet parvo, na confine 1 week, tapos medyo nag ok na sya, kaso after 2 weeks lumabas yung symptoms ng distemper, yung involuntary movements ng muscle. pero umabot pa din sya ng ilang weeks, hangang nanghina ng todo tapos namatay din.
about sa askal, usually kasi mga yan survival of the fittest, kaya karamihan sa kanila immune na. usually pag nanganak mga yan di naman nilalagay sa whelping box, hindi nilalagyan ng bumbilya para mainitan etc. kung baga halos pinababayaan lang sila, then yung mga mahihina ang katawan namamatay na lang, so ang mga natitira at lumalaki yung mga malalakas talaga katawan. then pag laki nila at nagkasakit bihira naman makikita mo nagaalaga ng askal na dinadala sa vet ang alaga pag may sakit. so yung mga nagkakasakit karamihan namamatay lang din, so ang mga askal na nagme-mate kadalasan mga malalakas talaga immune system. kaya naipapasa nila sa mga anak nila.
5 days na nakalipas since namatay *** dog ko dahil sa parvo,
naiiyak pa din ako pag naaalala ko sya, ang hirap naman makarecover, hehe. hai
ahh 1st to 2nd month pa lang pala dapat meron na ganun vaccine..di ko kasi alam, like i said first puppy ko si brizzle. and two months na siya nung dumating samin tapos dun palang siya nagkaruon ng first injection which is deworm. tama sabi ng vets naunahan siya ng sakit!
nakakalungkot pa din everytime naaalala ko siya... gusto ko pag nagka puppy ulit ako ay yung kamukha niya. and ibibigay nga ata ulit sa anak ko yung kapatid ni brizzle.
Kaso ang tanong ko guys, sa tingin niyo ba need muna namin magpalipas atleast 1month bago kami magdala ulit ng aso sa bahay? kasi baka daw nandito pa yung virus na distemper na pwede makahawa. plano ko nga i-disinfect muna buong bahay eh... ayaw ko na kasi maulit yung nangyari kay brizzle...
Thanks!
I love dogs too! My whole family actually. We currently have 3 dogs (2 are corgis, one is an askal) and they are all boys and neutered. The askal (named Juno) was rescued by my brother during the Davao flooding. He's now doing better although I feel that he is missing his old owners
I'll post pictures soon!
Kaso ang tanong ko guys, sa tingin niyo ba need muna namin magpalipas atleast 1month bago kami magdala ulit ng aso sa bahay? kasi baka daw nandito pa yung virus na distemper na pwede makahawa. plano ko nga i-disinfect muna buong bahay eh... ayaw ko na kasi maulit yung nangyari kay brizzle...
Thanks![/QUOTE]
Tama brad, wag muna kayo magdala ng pup sa haus nyo. 1 - 2 months para safe at disinfect the surroundings with chlorine bleach solution. And protect your pup by giving vaccines.