REVIEW: Fast and Furious 6

Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush

read more

PHOTOS: ADMU Draws First Blood

The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals

read more

PROMO: The Hangover 3

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3!

read more

Top Female Celebs

The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!

read more

The Apprentice Asia

Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

Page 4 of 120 FirstFirst ... 3 4 5 14 54 104 ... LastLast
Results 61 to 80 of 2392
  1. #61

    Toni Gonzaga Receiving the Award as the "Best Female TV Host" PMPC Star Awards for TV


  2. #62
    new house na!!!!!!

    ang saya at nakakatouch *** interview ni tin kay joey de leon.....sana magkamovie silang dalawa

  3. #63
    Congrats new house na ulit!

    long time, no post

    thanks sa videos IMHOJS!!!

  4. #64
    Toni Gonzaga gets emotional during interview with Joey de Leon

    Ruben Marasigan

    Monday, November 28, 2011
    03:33 PM



    Napakasarap daw ng pakiramdam ni Toni Gonzaga dahil sa kanyang panalo bilang Best Female TV Host sa nakaraang 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

    Nanalo si Toni para sa ASAP Rocks.

    Masayang-masaya siya na mabigyan ng recognition sa larangan ng TV hosting kung saan siya natuto at nahasa nang husto.

    "Isang malaking karangalan iyon para sa akin," ani Toni nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa The Buzz kahapon, November 27.

    INTERVIEW WITH JOEY DE LEON.
    Nakausap ng PEP si Toni pagkatapos niyang ma-interview nang live si Joey de Leon, na first time nag-guest sa The Buzz para mag-promote ng pelikulang Won't Last A Day Without You nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

    Ginagampanan ni Joey sa naturang pelikula ang papel bilang ama ni Sarah.

    Dati namang magkasama sina Toni at Joey sa Eat Bulaga! bago lumipat ang TV host-actress sa ABS-CBN.

    Sa umpisa pa lang ng panayam niya kay Joey ay naiiyak na si Toni. Bakit nga ba siya emotional sa paghaharap nilang iyon?

    Paliwanag ni Toni, "Kasi, hindi ko naman akalain na darating ang araw na mai-interview ko siya, e. At magkakasama ulit kami sa iisang entablado."

    Inamin ni Toni na noong umalis siya sa Eat Bulaga! at lumipat sa ABS-CBN, iniyakan niya na nagalit sa kanya si Joey.

    Paano ba nagalit sa kanya ang veteran comedian-TV host noong mga panahong yun?

    "Hindi... Sinabi naman sa akin ni Ate Ruby [Rodriguez, isa sa mga co-host sa Eat Bulaga!] na, 'Hindi naman talaga galit sa 'yo si Tito Joey, inaasar ka lang no'n.'

    "Na siyempre raw, sa loob-loob ni Tito Joey, masaya siya na malayo pa ang puwede kong marating.

    "Na...nangyari naman. Nakarating ako dito sa Mother Ignacia!" natawang biro ni Toni, na ang tinutukoy ay ang lugar kung nasaan ang ABS-CBN compound.

    Kung sabagay, nasabi rin ni Joey na kung hindi umalis si Toni sa Eat Bulaga! para lumipat sa Kapamilya Network ay baka wala siya sa kanyang estado ngayon bilang si Toni Gonzaga.

    "Baka daw EB Babes ako... sabe!" tawa ni Toni.

    "E, totoo naman talaga 'yon. Di ba, sometimes you have to take risks in life para malaman mo kung hanggang saan 'yong kaya mong abutin?

    "So, iyon din lang naman ang ginawa ko.

    "And gaya nga ng sinabi ni Tito Joey, sila rin naman, nanggaling din sila doon sa mga risks na tineyk nila from different channels—from Channel 9, Channel 2, Channel 7.

    "I think I've learned also so much from him."

    SWAP GUESTING.
    Nag-guest si Joey de Leon sa The Buzz. Puwede rin kaya siyang mahiritang mag-guest minsan sa Eat Bulaga!, lalo't hanggang ngayon ay itinuturing pa rin siyang kapamilya sa nasabing noontime show ng GMA-7?

    "Ang tagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na 'yan," nangiti si Toni.

    Pahabol niya, "Pero hindi ko alam kung possible dahil may Happy Yipee Yehey!. Parang sinagasaan ko niyan ang sarili ko!"

    Magkatapat ang timeslot ng Eat Bulaga! ng GMA-7 at Happy Yipee Yehey! ng ABS-CBN.

    Speaking of Happy Yipee Yehey!, bakit hindi mamatay-matay ang tsismis na nanganganib nang mamaalam sa ere ang kanilang programa?

    "Ay, hindi ko alam!" bulalas ni Toni.

    "Kasi ako naman, e, nagtatrabaho lamang. At kung ano lang ang ibinibigay sa akin na trabaho ay pinagbubuti ko.

    "Kung hanggang saan, hanggang kailan, it's up to the management's decision.

    "Basta ako, ang abot ng aking makakaya ay ang trabaho ko, ibigay ko 'yong best ko at ibigay kung ano ang nararapat sa programang iniatas sa akin.

    "At masaya ako sa estado ko ngayon.

    "Kasi, may Pinoy Big Brother, may The Buzz, may ASAP...

    "So, I feel really blessed na malagay sa ganitong kalagayan."

    BONGGANG LOVELIFE.
    Bukod dito, may bonggang lovelife pa siya. Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang Toni Gonzaga?

    "A... okey!" napabungisngis na reaksiyon niya.

    Kailan naman kaya ang kasal nila ni Direk Paul Soriano?

    "A... hindi ko pa alam.

    "Kasi laging kong sinasabi dati, in two or three years.

    "Actually, na-realize ko, I'm 27, pero ayoko namang magpadala do'n sa pressure na it's about time."

    Paano kung mag-propose na sa kanya si Direk Paul?

    "Ay, e, di go!" sabay hawi ni Toni ng bandang likuran ng kanyang buhok.

    "Naku, go! Go agad!

    "Agad agad! Ang dami pang arte... go rin naman pala! Ha-ha-ha!"

    Proposal lang pala ang kulang?

    "Oo. Darating tayo diyan.

    "Pero sa ngayon, wala pa...wala pa nga akong singsing."

    Career pa rin at magpapayaman muna siya nang husto?

    "Iyon naman ang importante... mag-impok sa bangko para sa kinabukasan. Iyon ang importante."

    SISTER'S ADVICE.
    'Yong payo sa kanya ni Joey de Leon dati at ng iba pang malapit sa kanya na huwag mag-boyfriend ng kapwa-artista, in-extend pala niyang i-advice sa younger sister niyang si Alex Gonzaga.

    Ibig sabihin ba nito ay no'ng time na nali-link kay Alex si Kean Cipriano ay hindi siya boto?

    "Hindi naman," sabi ni Toni.

    "Nothing personal naman 'yong akin.

    "Basta ako, sa kapatid ko, ang payo ko sa kapatid ko, lalo na kung nagsisimula ka [sa showbiz], e, mag-focus ka sa trabaho mo kasi iyon ang hinawa ko naman noon.

    "Kaya hindi ako naabala sa mga lalakeng kung anu-ano na umaaligid."

    Aware ba siya na laging kinakantiyawan lately si Alex ng mga ka-close nito dahil sa rebelasyon nitong nahilig siya sa panonood ng X-rated films kasama ang ilang kaibigan no'ng high school days nito?

    "Aba!" nanlaki ang mga mata ni Toni, na hindi pa pala alam ang tungkol do'n.

    "Luku-lukong Alex 'yan na kung anu-ano ang pinagsasasabi!" sabay tawa niya.

    "Hindi ko alam 'yon.

    "E, siguro lahat naman ng teenager... kasi mga bata... lahat naman siguro dumaan sa ganyang stage.

    "Ang kalokohan lang niya, e, sinabi niya sa tao. Ha-ha-ha!

    "Puwede namang hindi na sabihin, e, sinasabi pa ang mga gano'n.
    "Luka-luka talaga! May batok siya sa akin pag-uwi ko.

    "May batok talaga siya pag-uwi ko!"

    LIPATAN ISSUE.
    Marami nang naglilipatang artista from the Kapamilya and Kapuso networks going to TV5.

    Paano kung magkaroon din ng tempting offer sa kanya ang Kapatid Network, tatanggapin ba niya?

    "Alam mo, isa lang ang natutunan ko dito sa industriyang ito—na hindi mo maipapangako ang loyalty mo sa kahit na anong istasyon at kahit anong programa.

    "Ang loyalty ko ay nasa pamilya ko. Kasi, at the end of the day, showbiz industry... these will all come and go—'yong kasikatan o 'yong karangyaan.

    "Pero ang maiiwan sa lahat, 'yong pamilya mo.

    "Kaya kung saan masaya ang pamilya ko, kung saan nila gusto para sa akin, do'n ako."

    Honestly, may paramdam ba sa kanya coming from TV5?

    "Ayoko nang sabihin 'yon. Hayaan na lang natin, oo.

    "Sa ngayon, ang alam ko, magre-renew ako sa ABS. So, walang problema sa akin ngayon.

    "I'm happy where I'm at right now. And I feel really blessed."
    http://www.pep.ph/news/32094/Toni-Go...ce=twitterfeed

  5. #65
    ^^^ kelan ba magrerenew si MissTin?? alam ko di pa siya pwede lumipat kasi diba may kontrata pa siya sa Star Cinema 2year-3picture project... paero at least kampante na rin na alam niya mag-rerenew siya, at kapamilya pa rin siya...

    sa the buzz naman, ang saya nung interview nila ni Joey, and i must sy na posibleng mainterview ni miss tin si bossing sa december para sa promo ng Enteng ng Ina Mo.. iniisip ko kasi dati kaya di si Miss tin nag-interview kay bossing nung nag-comeback movie siya sa Star cinema nung April, is because baka kasi magkatapat yung channel(which i know is the same reason kung bakit hindi si miss tin ang naging leading lady ni bossing nung April sa SC).. pero nung napanood ko yung the buzz kahapon, hindi pala... ibig sabihin may chance talaga... yiieee!!!! i'll look forward to the Bossing promotion sa The Buzz on december.. (libre naman ang mangarap)

    and since si Miss Tin ay humihiling na sana ay makatrabaho niya si Joey, Star Cinema, nananawagan po ako, may 2 movies pa si Toni sa inyo, so sana mapagbigyan niyo siya, kahit sa isang movie lang... =)

  6. #66


    Sana mag renew na si Tin sa ABS. Hindi talaga ako kampante eh. Kasi ang dami daming naglilipatan. I believe Tin din naman. Sya ang nakaka alam what's good for her

    Share ko lang. Si Tin din ba pumili ng scent nito?



  7. #67
    so... amazing! Kim Sun Ah prettycrizzy's Avatar
    Join Date
    Feb 2010
    Location
    be with you...
    ‎"Kung hindi ka lumayas ng Eat Bulaga, hindi ka aasenso. Kung hindi ka lumayas, baka naging EB Babes ka na lang"

    Dito ko pinaka natawa...


    here's the link:

    http://wowhaneptv.com/2011/abs-cbn/t...vember-27-2011


    sa lahat ng mga OL and Loyal Lurkers!!!


  8. #68
    so... amazing! Kim Sun Ah prettycrizzy's Avatar
    Join Date
    Feb 2010
    Location
    be with you...
    tin_addict12-kaka-order ko lang nung perfume actually... not sure if personal choice ni Tin yung scent na yan...

  9. #69
    Sa wakas, makakauwi na rin si Tin sa kanila...grabe ang haba ng time niya sa ABS...

  10. #70
    bagong thread na pala!

    up for tin!

  11. #71
    I ♥ ToniG/ScottyM/Samtin! Jigs03's Avatar
    Join Date
    Sep 2010
    Location
    Bikini Bottom! :)
    Sa ABS na nga ata nakatira si Tin eh. Isipin niyo ang aga ng Call time nya sa HYY,Tapos gabing gabi na siya natatapos for PBB.Lalo na pag Sunday,Live pa PBB hahaha!

    Nakakatuwa yung Ryan sa PBB last sunday. Hindi nya maintindihan si Tin sabe nalang nya "Gandang Gabi Toni......... Ganda mo."
    Tapos last night,Bakit ganun,Parang may something kay slater and Tin(Tin naten..) Parang nagkakilala na sila somewhere. hahaha! feeling ko lang naman ha. Para kaseng normal na sa kanila yung magkausap silang dalawa.
    Last edited by Jigs03; Nov 29, 2011 at 05:51 AM.

  12. #72
    Joey de Leon visits The Buzz for an interview with former Eat Bulaga! co-host Toni Gonzaga

    Rose Garcia

    Monday, November 28, 2011
    05:11 PM



    "Never in my wildest dreams na inakala [kong] mangyayari ang araw na ito. Live na live! It's my first time na ma-experience ito. Let's give our grand welcome para sa nag-iisang Joey de Leon!"

    Ito ang buong-ningning at ma-emosyunal na introduction ni Toni Gonzaga sa dating kasamahan sa Eat Bulaga! na si Joey de Leon.

    Nag-live guest appearance si Joey sa The Buzz kahapon, November 27.

    Ito ang unang pagkakataon na nag-guest sa The Buzz ang J sa pamosong TVJ—Tito Vic & Joey—ng Eat Bulaga!

    Pero nauna na siyang nag-guest sa isa pang programa ng ABS-CBN, ang Kris TV ni Kris Aquino, noong nakaraang linggo.

    Ito ay kaugnay ng promotion para sa pelikulang Won't Last A Day Without You ng Star Cinema at Viva Films.

    Ginagampanan ni Joey rito ang papel na ama ni Sarah Geronimo.

    CLEARING THE AIR. Pagpasok pa lang ni Joey sa gitna ng palakpakan at sigawan ng mga tao sa loob ng studio, nakangiting nagpasakalye na ito: "Anong kaguluhan ito?"

    Pagkatapos ay iniabot niya kay Toni ang isang bag, sabay birong, "May dala akong Hermes sa 'yo."

    Ang laman pala ng bag ay ang commemorative book ng Eat Bulaga!, ang noontime show ng GMA-7 na dating kinabibilangan ni Toni.

    Pagbukas ni Toni ng libro, nakita nito sa inside front cover ang isang pirmadong message para sa kanya.

    At sa pinabuksan na page ni Joey kay Toni, nandoon ang picture ni Toni kasama ang buong Dabarkads ng Eat Bulaga!.

    Hindi napigilan ni Toni ang mapaiyak pagkakita sa picture niya.

    Biro naman ni Joey sa kanya, "O, bakit umiiyak ka?"

    Sa pagitan ng pag-iyak, sinagot ito ni Toni ng: "E, kasi galit ka sa akin...Hindi ka na galit sa akin?"

    Sagot ni Joey, "Hindi, hindi ako galit sa 'yo. Hindi lang nagkaintidihan.

    "Hindi ako galit sa 'yo noon. Binibiro lang kita, lumaki lang nang lumaki."

    Sabi naman ni Toni, "Binibiro n'yo lang ako noon? Dinamdam ko yun ng isang taon kasi akala ko galit ka. Pero hindi naman pala."

    Hirit ni Joey, "Tingnan mo, umalis ka, umasenso ka.

    "Alam mo minsan, may mga bagay na gagawin ka na may mas mabuti palang mangyayari para sa atin.

    "Kung hindi ka lumayas sa Eat Bulaga!, baka EB Babes ka na!"

    Natawa si Toni sa banggit ng EB Babes, ang grupo ng back-up dancers ng Eat Bulaga!

    Pero lalo pang natawa ang dalaga sa sumunod na biro ni Joey: "Ngayon naman, napapanood pa rin kita...Wowowee!"

    Sabi ni Toni: "Wala ako sa Wowowee. Iba yun.

    Biro ulit ni Joey, na may kasama pang pagtaas ng kamay: "Magandang Gabi, Bayan!"

    Sagot naman ni Toni: "Wala ako sa Magandang Gabi, Bayan. Tingnan n'yo, hindi n'yo na alam.

    "Sa dami ng tinapatan n'yo, hindi n'yo na alam kung sino ang katapat n'yo."

    Hirit naman ni Joey, na title daw ngayon ng show ni Toni: "A, Happy birthday to you!"

    Pero sa huli ay itinama rin nito at binanggit ang show ni Toni na katapat ng Eat Bulaga!—ang Happy Yipee Yehey!

    LEARNING FROM THE BEST.
    Seryoso namang pahayag si Toni, "Alam n'yo po, every time na magkakaroon ako ng award, like Best Female TV Host, palagi kong iniisip na hindi ko naman matututuhan ang lahat ng natutunan ko sa hosting kung hindi ko yun na-witness firsthand sa 'yo.

    "Alam n'yo, mabibilang ko ho ang sarili ko sa isa sa masuwerte sa henerasyon na ito na nakatrabaho ang isang Joey de Leon, dahil iba."

    Sabi naman ni Joey, "Hindi mo rin alam...alam n'yo ho, si Toni Gonzaga, bukod sa magaling na mag-host ito, ibang klase yung sexy nito. Ibang klase.

    "Narinig mo na bang sinabi sa 'yo 'yan?"

    Ayon kay Toni, wala pa raw nagsasabi sa kanya ng ganoon.

    Kaya sabi ni Joey, "Ibang klase ang dating nito. Kaya lang nirerespeto namin.

    "Wala pa noon si Direk [Paul Soriano] ha. Baby namin 'to."

    Masayang kuwento naman ni Toni, "Oo, naaalala ko, palagi mong sinasabi, 'Huwag kang magbo-boyfriend, ha. Huwag kang magbo-boyfriend sa showbiz.'

    "Oo nga, hindi ako nag-boyfriend sa showbiz.

    "Director lang. Hindi on-cam.

    "Kasi, sinabi mo 'yan sa akin."

    REMINISCING. Ayon kay Toni, nakakapanibago na makita sa ABS-CBN compound si Joey.

    Naaalala pa raw niya noon na ikinukuwento ng veteran TV host-comedian sa kanya yung mga panahong nakapagtrabaho siya sa ABS-CBN.

    Limang taon daw nagtrabaho noon si Joey sa radio station ng ABS-CBN.

    Kuwento pa ni Joey, "Ako lang, ipinagmamalaki ko nga 'yan sa ABS.

    "May pangalan nga ako sa pader do'n, ewan ko kung nandiyan pa yun.

    "Ako lang ang nakaupo sa seven [radio] stations.

    "Kasi, kaya naman ako ang nakaupo, dahil hindi ako magaling.

    "Ang ABS, ginawa kong bahay. Dito ako natutulog. Totoo yun, partly true.

    "Ako lang ang nakaupo, seven 'yan. Naupuan ko lahat.

    "Utility ako, e. Utility-announcer ako."

    Tila pabulong pang kuwento ni Joey kay Toni, "Alam mo kung magkano ang suweldo ko rito noon?

    "Inabutan ko pa ang lolo ni Gabby, Boss Gabby [Lopez], 200 pesos a month. 1968, e."

    Tinanong naman ni Toni kung ilang taon si Joey noon.

    "Three months," natatawang biro nito.

    Sabi naman ni Toni: "Baby? Nagtatrabaho agad!"

    Natatawang hirit ni Joey: "Huwag mo nang itanong, matanda na, e."

    Dugtong pa niya, "Alam mo ba na may itinago akong bato ng ABS? Memorabilia nga. Sayang pala...sana nadala ko."

    KING OF ALL MEDIA.
    Ayon kay Toni, hindi lang radio stations ang naikot ni Joey kundi maging TV stations din.

    Kuwento naman ni Joey, "Nag-co-host ako kay Vilma [Santos], ako ang first co-host noon.

    "Si Alma Moreno, si Maricel [Soriano]...yung pagbalik ng Channel 2, si Sharon [Cuneta].

    "Si Nora Aunor nga lang ang ano, dahil katapat namin ni Sharon."

    Sabi ni Toni, si Joey raw ang dapat tawaging "King of All Media."

    Sagot ni Joey, "Hindi, ayoko no'n."

    Pero ayon na rin sa komedyante, "Alam mo kung ilang shows na ang nagawa ko?

    "More or less today, mga 60 TV shows. Lahat na ng channels."

    Diretsuhan din nitong sinabi kay Toni: "Ikaw, ikaw ang Joey de Leon na babae."

    Halatang natuwa si Toni sa tinuran sa kanya ni Joey.

    Sabi ni Toni, "Kasi nga, idol kita! Palaging sinasabi ni Daddy, 'Tingnan mo si Joey de Leon, hanggang ngayon, hindi tumitigil.'"

    Ayon naman kay Joey, "Kaya yung sinabi mong nagalit ako—alam mo naman ang magnanakaw, galit sa kapwa magnanakaw!"

    Tinawag din ni Toni si Joey na "icon," pero hindi ito tinanggap ni Joey at sinabing nakakapangilabot daw.

    Mas gusto raw ni Joey na maging "ara."

    Hindi agad nakuha ni Toni ang joke ni Joey na kaya ayaw niya ng "icon" ay dahil nahihiwalay sa asawa.

    Kinonek ito ni Joey kina Aiko Melendez at Ara Mina na parehong nagkaroon ng kaugnayan kay Jomari Yllana.

    Nang makuha ni Toni ang joke niya, hiniritan ito ni Joey na ang tagal niya maka-pickup kaya binabawi na raw niya rito ang bansag na siya ang babaeng Joey.

    Natatawang sabi naman ni Toni, "E, kasi, ang tagal kong nawalay sa 'yo, bumagal na.

    "Alam n'yo dati, nakakatuwa, naaalala ko sa Eat Bulaga!, kapag isasalang ako at hindi ako makakasagot sa 'yo, palagi akong pinapagalitan ni Tito Jimmy [Santos].

    "Sasabihin niya sa akin, 'Hindi ka na naman nakasagot kay Joey.

    "Mali ka. Dapat naghahanda ka kay Joey de Leon.'

    "Ako naman, 'Oo nga.'"

    Biro ni Joey, "Ang nakakatawa, mas natawa ako, si Jimmy ang nagsalita!"

    Sabi pa ni Toni, "Pero nakakatuwa kasi pinapagalitan niya talaga ako kapag hindi ako nakakasagot sa 'yo.

    "Kaya nga isa yun sa natutunan ko, Tito Joey, at palagi mong itinuturo sa amin, na basta lumabas ka sa harap ng camera, kahit anong ibato sa 'yo, kailangan kaya mong gawin."

    Ayon naman kay Joey, "Dapat alert. Baka may nakikinig na iba, dapat kapag nagho-host kayo, nakikinig kayo sa co-host n'yo.

    "Yung iba kasi, ang iniintindi, 'Maganda ba ako sa TV?'

    "Kailangan makikinig ka dahil mawawala ka sa takbo ng usapan."

    Tanong naman ni Toni, ito ba ang ina-apply ni Joey sa samahan ng Tito, Vic, Joey?

    Natatawang sagot ni Joey: "Naku, ang laki ng pagtitiis ko sa dalawang yun!"

    Bawi niya, "Biro lang...ano na kaming tatlo, e, kumbaga, tinginan lang. Hindi na kailangang mag-usap."

    Pero sino ang pinaka-close niya sa dalawa?

    "Yung pinaka-close sa akin, umalis na...ikaw yun," biro ni Joey kay Toni.

    Dagdag ni Joey, "Wala...close ako sa show. 'Yan ang huwag kang aasa.

    "Kunwari, absent lahat ng co-hosts mo, kahit ikaw mag-isa, magagawa mo.

    "Close ka sa show, sa trabaho."

    LOYALTY.
    Sa dami na ng napagtrabahuhan niyang istasyon, nasaan ba talaga ang loyalty ng isang Joey de Leon?

    Sagot ni Joey, "Ako nga, binubura ko na ang Kapuso, Kapamilya, Kapatid. May bago na ngayon—Kalagare!"

    Natatawang sabi ni Toni na ito'y dahil lahat ng istasyon ay nalalagare ni Joey.

    Ayon naman kay Joey, "Mahal ko ang TV, mahal ko silang lahat.

    "Pero yung mother show namin, nasa Kapuso, sa Seven, so nandoon yun.

    "Pero, lahat...may loyalty ako sa ABS dahil dito ako nanggaling.

    "Puwede namang tawaging loyalty yun dahil hindi mo nakakalimutan.

    "Kapag dumadaan ako dito, nagku-krus ako," biro pa niya.

    Natatawang hirit naman ni Toni: "Gawing simbahan!"

    Sagot ni Joey: "Ganoon kalupit!"

    Paano naman kung sa Channel 9 siya nadadaan?

    Naluluha naman daw si Joey.

    Aniya pa, "Iba yun. Doon ang first ten years ng Eat Bulaga!"

    MOVIE WITH STAR CINEMA.
    Sabi ni Toni, kung dati raw ay si Joey ang nagtatampo sa kanya, ngayon daw ay siya naman ang nagtatampo kay Joey.

    Pumayag daw kasi itong gumawa ng pelikula sa Star Cinema kasama sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson, ang Won't Last A Day Without You.

    Pero siya raw ay hindi pa niya nakakatrabaho si Joey kahit kailan.

    Kuwento pa ni Toni, "Alam mo ba, noong nag-concert ako sa Araneta, akala ko ikaw ang walk-in surprise ko talaga.

    "Nag-ready na ako, sabi ko, 'Iiyak ako kapag si Tito Joey.'"

    Sabi naman ni Joey, "Parang dumating sa kamalayan ko ang concert mo. Wala, nasa bahay na lang ako, although...

    "Ano ba, nagbobolahan ba tayo or ano?" natatawang hirit nito.

    Pero dugtong ni Joey, "Hindi, totoo, pero siyempre, yung mga network war..."

    Ano ang nakapagpapayag kay Joey na gumawa ng pelikulang gaya ng Won't Last A Day Without You?

    Ayon kay Joey, "Si Marivic Ong, matagal ko nang kaibigan 'yan.

    "At sa mga interview, nababanggit ko rin...First two reasons, si Sarah.

    "Parang kayo ni Sarah, kayong dalawa ang favorite ko.

    "Ikaw sa TV, siya sa pelikula. Totoo 'yan, ha.

    "Natutuwa ako sa batang yun.

    "Tapos yung role, yung role na tatay niya. Rocker na madyondis [matanda] na ayaw sumuko na rocker pa rin.

    "Yun ang dahilan.

    "Tapos ang pangatlo pang dahilan, gusto mong malaman?"

    "Ano?" sagot naman ni Toni.

    Ani Joey: "Gusto kong magkita tayo. O, hayan, ang galing kong mag-segue."

    Natatawang nahampas ni Toni si Joey sa mga hirit nito sa kanya.

    Aniya, "Ikaw ha, ang galing mo talagang mag-segue, napapaiyak mo na naman ako!"

    Napatayo naman si Toni sa kinauupuan at napahawak kay Joey sa sumunod na hirit nito sa kanya.

    Sabi ni Joey nang natatawa: "Alam mo kung bakit ako naiiyak? Biro mo, ang kasama mo sa Eat Bulaga!, Tito, Vic and Joey; tapos ngayon, si Rico J. Puno?

    "Ano ka ba naman, wala kang kahihiyan?"

    Paliwanag naman ni Toni, na natatawa rin, "Alam mo, Tito Joey, natutunan ko sa ating industriya, trabaho lang, walang personalan."

    Hirit naman ni Joey: "So Rico, alam mo na, pina-plastic ka lang ni Toni."

    Sagot naman ni Toni: "Hindi! Marami rin akong natutunan sa kanila.

    "Pero, marami rin akong natutunan sa 'yo dahil lahat ng natutunan ko sa paghu-host, lahat yun, natutunan ko sa 'yo.

    "Kaya noong sinasabi nila, kapag nananalo ng Best Female TV Host, kaya ko naman nakukuha yun because I've learned from the best.

    "Galing yun sa puso ko. Yun, totoo yun."

    KC INTERVIEW. Nang sabihan naman ni Toni si Joey na mag-plug na ng Won't Last A Day Without You, sinabi ni Joey, "Oo, dahil hinihintay ko na rin ang pag-iyak ni KC. Nadadala ako."

    Ang tinutukoy ni Joey ay ang taped interview kay KC Concepcion kung saan inamin nito na break na sila ni Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

    Patuloy ni Joey, "'Yan, totoo, magalit na ang ibang show. Pero talagang aabangan ko 'yan, matindi 'yan.

    "Sorry Pia [Guanio] ha, hindi, talagang matindi 'to. Maski kayo, manonood dito."

    Si Pia, na kasamahan ni Joey sa Eat Bulaga!, ay host ng katapat na programa ng The Buzz—ang Showbiz Central ng GMA-7.

    Dagdag pa ni Joey, "Bakit kaya umiiyak si KC? Hindi ba yung pagkakalipat ng nanay [Sharon Cuneta]?"

    Kinorek naman ito ni Toni at sinabing hindi dahil sa paglipat ni Sharon sa TV5 ang pag-iyak ni KC kundi dahil heartbroken ito.

    Hanggang sa makapag-promote at matapos ang interview, hindi tinantanan ni Joey si Toni.

    Biniro pa ni Joey si Toni tungkol sa boyfriend na si Paul Soriano na guwapo raw.

    Pero hindi raw ba nito napapansing tumatalsik ang daliri ng boyfriend?

    Pabiro rin itong sinagot ni Toni ng: "Minsan lang."

    Natatawang binawi rin ito agad ni Toni. Na baka next week, siya naman daw ang mag-tell-all interview dahil sa mga hirit ni Joey.

    Pero nahiritan pa rin ito ni Joey na balita raw niya ay may third party.

    Itinanggi agad ito ni Toni at pinaalalang five years na silang magkasama ng boyfriend niyang si Paul.

    Pero hirit ulit ni Joey: "Huwag kang mayabang. Meron nga diyan, twenty years, naghihiwalay. It comes in threes."

    Tatlo raw silang co-hosts ng The Buzz—si KC, siya, at si Charlene Gonzalez.

    Napa-knock on wood na lang si Toni na natatawa.

    http://www.pep.ph/news/32097/Joey-de...medium=twitter

  13. #73
    Joey de Leon's appearance on talk show trends on Twitter
    By NEIL RAMOS
    November 28, 2011, 2:36pm

    MANILA, Philippines – Veteran actor and comedian Joey de Leon trended on Twitter while he was on ABS-CBN talk show "The Buzz" last Nov. 27.

    De Leon, who ranked fifth on the list Sunday afternoon, was on the show to promote “Won’t Last A Day Without You,” a film where he plays the father of actress Sarah Geronimo. Informed of the matter, de Leon simply shrugged it off saying, “dahil sa inyo ‘yun,” alluding to show host, Toni Gonzaga.

    Several Twitter users were thrilled to see the reunion of sorts between Gonzaga and de Leon. Gonzaga started her career under the latter’s wings as a co-host in the long-running noontime show, "Eat Bulaga," on GMA-7. She jumped ship to ABS-CBN soon after.

    Twitter user 12jaworz kulot12 said: “i purposely recorded joey de leon interviews just to watch them over& over again. di nakakasawa.heartwarming&nakakaiyak kc may reconciliation.”

    Brewbles Bubbles Magpayo on the other hand tweeted, “Nakakatuwa naman ang interview ni Toni Gonzaga kay Joey de Leon sa The Buzz. Para silang magtiyuhin na nag-aasaran hahaha!”

    Meanwhile, kulturangewan Dustin Carbonera shared, “Good to see Joey de Leon in ABS. This should be a trend. No more kapamilya ang kapuso or kapatid. Gusto nio unity eh division yan.”

    In the interview, De Leon admitted to "missing" Gonzaga. He went on to deny that he was mad at her when she decided to leave “Eat Bulaga” and GMA 7 altogether.

    Gonzaga turned emotional when de Leon gave her a bag containing an "Eat Bulaga" coffee table book, which has an old photo of her when she was with the show.

    "‘Di lang tayo nagkaintindihan. Hindi ako nagagalit sa'yo noon. Binibiro lang kita noon," said de Leon to a sobbing Gonzaga.

    "O tignan mo naman, nung umalis ka umasenso ka," he added in jest. "Kung ‘di ka lumayas sa 'Bulaga' edi baka EB Babes [an all-girl dance group] ka na."

    On her part, Gonzaga, who is currently a host of "Happy Yipee Yehey," thanked de Leon for helping jump start her showbiz career.

    “Hindi ko matutunan lahat ng natutunan ko kung hindi ko nakita yun first hand sa inyo,” she said.

    "Mabibilang ko ang sarili ko sa isa sa mga pinakamaswerte sa henerasyon na ito na nakatrabaho ang isang Joey de Leon," she added.

    In the same interview, de Leon revealed that he also once worked in ABS-CBN more than 40 years ago.

    “Utility announcer ang tawag nila dun [his position]. Inabutan ko pa ‘yung lolo ni boss Gabby [Lopez, current Chairman and Chief Executive Officer of ABS-CBN].”

    De Leon said he was with ABS-CBN for more than five years.

    "Ako lang ang nakaupo sa seven stations ng ABS-CBN sa Bohol,” said he. “Hindi dahil ako ay magaling kundi dito ako natutulog. Ginawa kong bahay ito [ABS CBN studios]. And that's partly true.”

    http://www.mb.com.ph/articles/342886...trends-twitter

  14. #74
    Ang sarap mag basa dito sa Sassy Panu po ba maging member? gusto ko po sana sumali?

  15. #75
    Ultimate Multimedia Star engr_lynjy30's Avatar
    Join Date
    Aug 2010
    Location
    THE REAL QUEEN :-)
    on the pep column: just one correction. i didn't hear na nagbiro si joey sa pagbawi nung sinabi niya na " ikaw ang joey de leon sa babae" . :-)

  16. #76
    Assiloj, nandito ka na nga! Welcome sa Sassy Thread!!! Enjoy posting here!

    engr_lynjy30, I didn't hear it either. I even watched it again just to make sure. Hindi niya binawi, ang sabi pa nga niya "Hindi, the best ka pa rin sa akin."

  17. #77
    it was a nice, epic interview of Toni to Mr. Joey de leon..
    biruin mo, isang taon ndinala ni toni yung akala nya na galit si sir joey. EPIC talga
    lalakeng version ni joey talaga no?
    congrats kay toni for grabbing the best female tv host sa PMPC!! she deserves it, multimedia star indeed.

    hi, mga ka-toni i'm always a lurker here, first time to post here sa thread nyo.

  18. #78
    ROXY_LIQUIGAN Roxy L
    Toni G is super happy sa bago niyang movie!!!

  19. #79
    Oh...now that made me curious...what is her next movie?

    Assiloj and secretlylovejen...welcome to sassy...

    I just watched Tin's interview with Joey again...kakautuwang ulit-ulitin..

  20. #80
    micodelrosario Mico del Rosario
    Sino ang tunay na Toni Gonzaga? @MikeeNavarro mypict.me/mnacH


    ROXY_LIQUIGAN Roxy L
    Toni G and Toni Ferrer ************/s/160476681


Page 4 of 120 FirstFirst ... 3 4 5 14 54 104 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Whats Happening

Sub title

PROMO: The Hangover 3
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3! view more


PROMO: The Great Gatsby
Get a chance to win The Great Gatsby goody bags! view more


The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more


The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more


PROMO: Star Trek
Get a chance to win limited edition Star Trek picnic chairs! view more


Caught Up Default

Sub title

Trailer: Fast and Furious 6
The entire gang's back and badder than ever, reuniting for their most high-octane adventure yet. view more


Trailer: Epic
From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more


Review: The Great Gatsby
Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more




Forums Directory