PEx Highlights

PHOTOS: FEU Tamaraws Claim Top Seed

Mike Tolomia's late-game heroics helped FEU get sole possession of the number 1 seed, after a 74-70 victory over La Salle.

read more

PHOTOS: Daquis Bags V-League MVP Plum

Wonder who won the other awards? Check out the Shakey's V-League Awarding gallery here!

read more

Follow @pinoyexchange on Twitter!

Catch our latest updates on Twitter! Follow us, @pinoyexchange

read more

UAAP Basketball Power Rankings: Week 7

With wins over UST and DLSU, the past week in UAAP can be summed up in three letters: FEU. Check out this week's power rankings here!

read more

MOVIE REVIEW: The Giver

Very promising, but tries too hard to fit in the mold of the Hunger Games/Divergent series.

read more

FIBA FEATURE: Do We Stand a Chance?

Do we really have a shot to make it through? JPM weighs in on the the odds of Gilas Pilipinas in the FIBA World Cup.

read more

Page 1 of 2 1 2 LastLast
Results 1 to 20 of 21
  1. #1

    Holdapan sa loob ng bus

    Oct 15 ng umaga unang sakay papasok ng eskwelahan 4 na lalaki ang sumakay. Nakita ko na sila nung una palang nila gawin ang modus nila kaya natandaan ko ang mukha ng isa sa kanila. Sabay sabay silang sumakay ngunit naghiwa-hiwalay sila ng upuan. Karaniwan sumasakay sila around V. Mapa at bababa sila ng Pureza.

    Unang incidente ng holdapan yung isang babae na katabi ko na may touch screen na cellphone, isang lalaki na malaki ang katawan ang nakatayo malapit sa pwesto namin. Ng pababa na yung babae humarang yung lalaking malaki ang katawan at yung tatlong lalaking kasama niya ay biglang tumayo at ginitgit yung babae. Sabi nung babae dun sa lalaki na malaki ang katawan." Ano ba bababa kaba?pahara-hara ka sa daan". Ng nakababa na yung babae biglang umupo yung matchong lalake. Matagal na nakatigil yung bus namin sa pureza. Sa tingin ko alam nung driver na nikawan yung babae. Umakyat ulit yung babae sinabi nung babae sa lalaki " nasan ang cellphone ko?". Sabi nung lalaki " hindi ko alam ba't mo sakin hahanapin eh ang layo-layo ko sayo?". Sumagot yung isang lalaki na kasama nila na di kalayuan ang upuan " Miss hawak nung bumabang babae kanina yung cellphone mo". Sabi nung babae. " Saan nagpunta?" sabi ng lalaki "dun sa gawing kanan". Bumaba na ulit yung babae at umandar na yung bus. Pumara yung isang lalaki na kasama sa grupo nila. Sabi nung machong lalake " Makisama ka naman. Kanina ka pa ah. Babarilin ko na to eh."Eto ang unang incidente na nangholdap sila kayak o natandaan ang mukha ng ilan sa kanila.

    Pangalawang incidente na nakasakay ko sila. Umakyat ang machong lalaki at nakasuot ng salamin sumakay siya kasama ang grupo niya. Tumayo na naman yung matching lalaki ng malapit na sa pureza at humarang sa daan. Sabi ng kunduktor " ano ba bababa kaba?" sabi nung lalaki hindi pa. Siguro dahil wala siyang masipat na biktima umupo siya ulit.Yung isang lalaki na kasamahan nila umupo sa harapan. Ng may pababang isang babae sa may sta catalina college tumayo yung lalaki na nakaupo sa unahan. hinarang yung babae sabay tayo ng 3 pa niyang kasamahan. Hindi ko alam kung ano ang nakuha sa kanya. Pero sana naman mapaalalahan ang bawat isa para ingatan ang kanilang mga kagamitan.

    Hindi ko alam kung bakit may mga ganitong tao. Sobrang hirap na ba talaga ng buhay sa pilipinas? Kala ko ba kaya may mga awtoridad ay para pangalagaan ang sambayanan? bakit may mga ganitong krimen pa din? Bawat isa sa amin na nakasakay sa bus na yun ay pikit mata dahil sa pagaalala na baka kung anong masamang mangyari kung isusumbong namin sa konduktor o sa driver. Panu kung may mga armas sila at lahat ng tao sa bus na yun ay masaktan. Sana may seguridad din kahit mga pampublikong transportasyon. Sana matigil na ang krimen.

  2. #2
    kilala mo na pala.. next time pag nakita mo bumaba ka na. at maghanap ka na ng pulis. kahit wala pa silang nakukuha sa inyo gawin mo na yun.. dahil di gagawa ng kalokohan yan kung walang dalang armas yan

  3. #3
    ano ba yan TS parang pang-blog ah!

    kung totoo man yan 2x mo na pala nakita yung grupo wala ka pang ginawang aksyon. next time kapag nakita mo ulit bumaba ka kapag nakakita ka ng pulis, at least madali yang mga hayop na yan kahit man lang makasuhan ng illegal possession of deadly weapon

  4. #4
    katakot talaga maholdap sa bus lalo na pag aircon tapos may kurtina pa. Walang makakasigaw or makakapuna agad

    di pa ba sila kuntento sa CCT? or mukang di sila nakakatanggap nun tsk

  5. Oct 15, 2011, 08:13 PM

  6. #5
    Quote Originally Posted by mocha1209 View Post
    Hindi ko alam kung bakit may mga ganitong tao. Sobrang hirap na ba talaga ng buhay sa pilipinas? Kala ko ba kaya may mga awtoridad ay para pangalagaan ang sambayanan? bakit may mga ganitong krimen pa din? Bawat isa sa amin na nakasakay sa bus na yun ay pikit mata dahil sa pagaalala na baka kung anong masamang mangyari kung isusumbong namin sa konduktor o sa driver. Panu kung may mga armas sila at lahat ng tao sa bus na yun ay masaktan. Sana may seguridad din kahit mga pampublikong transportasyon. Sana matigil na ang krimen.
    thanks for sharing.... naalala ko nung nasa pilipinas ako... ganyan din ang pag - iisip ko... helpless sa mga kasamaan... hangang sisihan at panalangin na lang.

    sa Texas kasi ako nakatira ngayon... pag may ganyang sitwasyon may magsasabi at pagkakaisahan yung mga kriminal... pag bumunot sila ng baril... (lahat ng dito tao may baril)... magbubunutan din ng baril yung mga may dala at barilan na... patay kung patay.. classic good versus evil and good has to win. mga tao dito hindi rin umaasa sa pulis kaya nila pinaglaban nila yung karapatan nilang magdala ng baril dahil alam nilang hindi maasahan ang pulis.

    hindi naman rekomendasyon ito... observation lang. ang kultura kasi na hindi lumalaban ay parating maapi di tulad ng kultura ng mga lumalaban ... walang umaapi.

  7. #6

    Exclamation Not Everyone is a Hero

    All that is necessary for evil to triumph is for good men to do nothing - Burke, Edmund


    Civic Mindedness: Easier said than done but still an idea worth pursuing.



    Most Filipinos will turn into the 3 Monkeys, unless they themselves or their loved ones are threatened or inconvenienced.

    However, who can blame them when they don't have no one with whom they can entrust their security and peace of mind?

  8. #7
    nangyari din sa kin yan. haharang sila sa pinto ng bus tapos mangigipit tapos dudukatan ka ng cellphone kaso sa akin me kasamang distraction me tumatawa sa labas kaya nawala attensyon ko. marami din sila tapos bigla pumara sa alanganin lugar sa kahabaan ng edsa sabi na lang nung isang pasahero kung me nadukatan pag kap kap ko ng bulsa wala na cp ko. nagkataon kasi nun nagmamadali ako 8pm shift ko na nasira kasi mrt kaya nag hanap ako ng bus na masasakyan yun lang na tyempuhan dun din sumakay yung mga mandurukot na yun.

    me isa pang modus operandi pag natutulog ka sa bus dudukatan ng pera sa wallet nangyari sa akin yan tatabihan ka tapos laslasin bulsa ng pantalon. dun naman sa isang insidente sumakay ako ng bus me pasahero natutulog madaling araw o mag hating gabi me pumara sa annapolis grupo sila tinabihan natutulog na pasahero tapos yung isang kasama pumwesto sa likod ko alam din ng kundoktor mandurukot. kaunti lang kami pasahero. Pagkatapos dukutan pumara tapos bumababa yung pasahero nagising na pag baba sa shaw dun nya napansin wala na pera sa wallet iniwan sa tabi ng upuan nya.

  9. Advertisement

  10. #8
    Pwd b pumatay ng holdaper? Baka ako p makasuhan pg gnwa ko yon

  11. #9
    whatever happened to the undercover police bus marshall project?

  12. #10
    They're still there, but you won't know it. Kaya nga undercover. They're the first to take cover.

  13. #11
    soundscapes blue_tracer's Avatar
    Join Date
    Apr 2006
    Location
    behind d waterfall
    napaka rare kasi ng pagkakataon na may nakakasabay na pulis sa bus.

    'di ba dati nangyari na 'yan? binaril ng pulis sa loob ng bus yung mga nang hold up. hehe

  14. #12
    Quote Originally Posted by blue_tracer View Post
    napaka rare kasi ng pagkakataon na may nakakasabay na pulis sa bus.

    'di ba dati nangyari na 'yan? binaril ng pulis sa loob ng bus yung mga nang hold up. hehe
    Yeah. It was a BBL bus from Kamuning going to San Pedro, IIRC. They declared holdup past the Alabang viaduct, pero fortunately there was an undercover cop. It ended up as a shootout.

    There's a difference between a holduper who does it out of poverty, and those who are simply psychopaths. I was put at knifepoint on a bus along EDSA once, and the man left me alone when I showed him that I had nothing of value, not even a sizeable amount of money. He was wearing some laborer's clothes (you know, the unbuttoned light blue polo jacket types), and basically looked very tired and depressed. I'd imagine if it weren't him who put a knife to me, it'd have ended up differently.

  15. #13
    2012 NBA Champs-Miami Heat myas110's Avatar
    Join Date
    Aug 2006
    Location
    @MiamiHEAT
    Quote Originally Posted by gotta lick it View Post
    whatever happened to the undercover police bus marshall project?
    undercover nga sila eh...hindi natin alam kung may pulis yung nasa bus or hindi. (they usually wear civilian clothes)

  16. #14
    hay mga kapatid buti sana kung ganun lang yun kadali. Eh panu kung ako yung gitgitin nila pagbaba ko diba?eh di ako naman yung naholdap. mahirap na. Pero just be aware according sa boyfriend ko ang tawag daw sa kanila ay "ipit gang" tapos yung isang tawag sa kanila "lalag barya" yung kunwari may nahulog sa kanila na barya o bagay pero wala naman tapos mangangapngap sila. Puro aircon bus pa naman sinasakyan ko ngayon on the way sa school. I'm about to buy tear gas nga for my safety na rin just in case. kaya huwag kayo basta basta maglabas ng high end gadgets kasi yun puntirya nila. buti sana kung 3310 dala niyo ok lang kahit ibato niyo pa sa mukha nila.haha

  17. #15
    Kung di ako magkakamali sa G-LINER o RRCG to no? Ako kasi nabiktima na rin. Kaso di ko alam kung parehas sila dun sa sinasabi mo. Madami din sila, Mga 4-6 na lalake ata yun, nakatambay sila sa harap ng bus, gigitgitin yung mga pasaherong sasakay tapos aakalain nung pasahero na normal lang yun kasi standing yung bus. Ganyan ang modus na nakabiktima sakin. Dali dali na lang akong bumaba, kasi baka mamaya magdeklara na sila ng holdap. Hehe. Btw, G-LINER body number 6001 yung bus na nasakyan ko nun, di ko sure kung kasabwat yung driver at kunduktor e, pero kutob ko, oo.

    Ingat na lang tayo palagi. Laging maging alerto.

  18. #16
    Quote Originally Posted by blue_tracer View Post
    napaka rare kasi ng pagkakataon na may nakakasabay na pulis sa bus.

    'di ba dati nangyari na 'yan? binaril ng pulis sa loob ng bus yung mga nang hold up. hehe
    Dati, pumapanatag ang loob ko kapag may suumakay na pulis sa bus. Kung may holdaper man, mag-iisip muna sila kung titira sila.

    Noon yun. Ngayon, kabado ako pag may sumakay na pulis sa bus. Kasi baka mang-HOSTAGE! Naykupo!

  19. #17
    soundscapes blue_tracer's Avatar
    Join Date
    Apr 2006
    Location
    behind d waterfall
    pag may isang tao na naglabas ng baril at naringgan siya ng lahat ng pasahero sa pag deklara niya 'holdup ito'

    palagay ko lang, ke nagbibiro man siya o hindi, dapat putukan na siya kaagad in case may pulis o alagad ng batas sa loob ng sasakyan.

    otherwise, wala nang katapusan siguro ito. matatakot na lang lagi ang mga commuters.

  20. #18
    Quote Originally Posted by blue_tracer View Post
    palagay ko lang, ke nagbibiro man siya o hindi, dapat putukan na siya kaagad in case may pulis o alagad ng batas sa loob ng sasakyan.
    Putukan ang suspect sa loob ng MASIKIP na bus? E kung may tamaang pasajero? Paano na?

    GUMAMIT ka naman ng COMMON SENSE paminsan-minsan....

    --
    my_2_cents

  21. #19
    soundscapes blue_tracer's Avatar
    Join Date
    Apr 2006
    Location
    behind d waterfall
    Quote Originally Posted by my_2_cents View Post
    Putukan ang suspect sa loob ng MASIKIP na bus? E kung may tamaang pasajero? Paano na?

    GUMAMIT ka naman ng COMMON SENSE paminsan-minsan....

    --
    my_2_cents
    mr. just_jt.. just very recently, may nangyaring holdup-pan sa loob ng fx yata yun. (doon sa may link, kindly post na lang po. thanks).

    naging calm muna yung pulis na nasa pasehero din. hinintay muna niya ang tamang tiyempo. pinutukan niya yung isa. tumakas na yung isa. no passengers were injured or harmed.

    and just about more than a decade ago.. may isa ring off-duty na nagkataon nasa loob siya ng bus na may holdup-pan.. pinutukan niya ang ilan sa 3-4 holdaper. i cant remember the details anymore. pero may na-neutralized niya 'yun.

    delikadong move at baka may madamay, pero what choice do you have?

    dati kasi hold up lang, hold up dito.. ayus lang. pero lately, sa ibang insidente pinapatay pa ang mga kawawalang biktima. hindi na natatakot ang mga kriminal.

    okay, i concede ikaw pinaka magaling sa common sense.. eh 'di sige mag suggest ka.

  22. #20
    Quote Originally Posted by blue_tracer View Post
    okay, i concede ikaw pinaka magaling sa common sense.. eh 'di sige mag suggest ka.
    Suggestion: do not fire in a crowded place. Kapag umalis na ang holdupper saka habulin... para walang maputukan na innocent passenger ... easier said than done but what is a life worth?

    --
    my_2_cents

Page 1 of 2 1 2 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement


Hot Topics

SPORTS:

Army a win away from title after four-set victory vs Cagayan, 25-19, 18-25, 25-18, 25-5

Army a win away from title after four-set victory vs Cagayan, 25-19, 18-25, 25-18, 25-5

read more
SHOWBIZ:

UP bestows Gawad Plaridel award to Nora Aunor

UP bestows Gawad Plaridel award to Nora Aunor

read more
BATANG GILAS:

Gilas Pilipinas finishes in 5th place in U-18 FIBA World Championship

Gilas Pilipinas finishes in 5th place in U-18 FIBA World Championship

read more
UAAP:

FEU wins 74-70 thriller against La Salle, takes top spot in standings

FEU wins 74-70 thriller against La Salle, takes top spot in standings

read more
US OPEN:

Want to know more about the US Open Fantasy League?

Want to know more about the US Open Fantasy League?

read more

Advertisement