http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96
PAK: Magkasabay na nag-guest sina Alessandra de Rossi at Sid Lucero sa Startalk nung isang hapon at ang pinag-uusapan pa rin ay ang pagkaka-link ni Sid kay Heart Evangelista.
Habang ini-interview si Sid na itinatanggi ang closeness nila ni Heart, panay naman ang react ni Alessandra na naghihintay ng cue niya para tawagin.
Pagpasok ni Alex, nagbitaw lang ng linyang ganun talaga ’pag walang isyu sa love life, call-in na lang siya.
Sa kanilang lahat ay mas maraming alam si Alessandra sa kung ano ang namagitan kina Sid at Heart.
Napakaaga pa kasing aminin kung meron ngang na-develop. At least, bago natapos ang Legacy, maganda ang kinalabasan ng kanilang closeness sa halos araw-araw na pagsasama nila sa taping.









Reply With Quote















