“I’m honored to witness the LEGENDARY MAGIC that happens when
Marian Rivera and Dingdong Dantes share the screen.” - direk dominic zapata
![]()
![]()
![]()

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more“I’m honored to witness the LEGENDARY MAGIC that happens when
Marian Rivera and Dingdong Dantes share the screen.” - direk dominic zapata
![]()
![]()
![]()
Carl Guevara on playing a ghost in My Beloved: "Parang first day-last day na agad?"
Rose Garcia
Friday, February 10, 2012
06:10 PM
Medyo natagalan ang pagbabalik-teleserye ni Carl Guevara kung ang pagbabasehan ay ang huling soap opera na ginawa niya.
Huling napanood si Carl sa afternoon soap na Blusang Itim, na pinagtambalan nila ni Kylie Padilla noong isang taon.
Pero sabay na sabay rin ang pagbabalik nina Carl at Kylie sa teleserye.
Si Carl ay kasama sa cast ng primetime series na My Beloved, samantalang si Kylie ay bida ulit sa afternoon soap na The Good Daughter.
Parehong magpa-pilot ang dalawang shows sa February 13, Lunes.
Ayon kay Carl, "Medyo matagal din bago nasundan kasi nag-end ang Blusang Itim, around October.
"Nang pumasok ang My Beloved, November yata kami nag-shoot or December...
"Hindi naman matagal, yun nga lang, medyo na-move kasi ang airing kaya medyo natagalan."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl sa presscon ng My Beloved at inamin niya na medyo nainip din siya.
Pero katuwiran niya, "Naghihintay na lang ako ng trabaho.
"Nagtatanong rin ako kay Perry [Lansigan, his manager], pero sinasabi naman niya na meron na 'yan.
"At ako naman, tiwala naman ako sobra sa manager ko.
"Actually, tine-tape namin ang My Beloved, before Christmas pa, kaya hindi naman ako naiinip na wala akong ginagawa.
"Siguro yung hindi ko lang din nakikita yung sarili ko sa TV. Yun lang naman," nakangiti niyang sabi.
THE ATHLETE. Sa loob ng tatlong taong kontrata ni Carl sa GMA, masaya raw siya lalo pa't palagi naman daw siyang may trabaho.
Kung hindi siya masyadong busy, yun naman daw ang pagkakataon na nagkakaroon siya ng mas maraming oras sa pamilya niya.
Nakasali rin daw siya sa ilang marathons na sa palagay ni Carl, isa sa magandang nagawa niya.
"Nag-full marathon na ako—42 kilometers.
"Ang plano kasi, by next year, mag-triathlon na ako," banggit niya.
Bakit bigla yata siyang nagkahilig sa marathon?
"Yung pinsan ko kasi, triathlete na siya. Parang ini-encourage niya ako na mag-join ng ganyan.
"Nagpaalam naman ako kay Perry. Sabi naman niya, maganda raw yun kaya ituloy ko lang."
THE GHOST. May nakakatuwang kuwento ang young actor tungkol sa kanyang bagong role sa My Beloved bilang isang multo.
"Actually, noong sinabi sa akin, ako, 'Wow, may show na agad ako!'
"'Tapos sinabi, mababaril daw ako.
"Kaya sabi ko, 'Parang first day-last day na agad?'
"Pero ipinaliwanag naman ni Direk Dom [Dominic Zapata] na, 'Carl, hindi ka agad mamamatay dito.
"'Akala mo may taping ka, patay ka na.
"Yung role mo diyan, kinuha namin ang story n'yo ni Jennica Garcia sa Ghost—yung kay Demi Moore at Patrick Swayze.'
"So, yun, hanggang sa huli... Matatahimik lang ako kung mahahanapan ko si Jennica ng magmamahal sa kanya at makakampante ko.
"At the same time, matatanggap ko na patay na ako," saad ni Carl tungkol sa kanyang role.
Masaya ba siya sa character bilang Junic sa My Beloved?
"Actually, noong makita ko ang role ko, excited ako. Lalo na kapag paiba-iba.
"Pero noong malaman ko noong una na mamamatay agad, parang ang pangit.
"Pero ang totoo, ito ang role ko na nahirapan ako.
"May mga bagay na hinahawakan ko. May mga bagay na hindi ko nahahawakan.
"At kapag umaarte ka, hindi ka dapat masyadong magalaw.
"Minsan may mga bagay na hindi mo masyadong napapagalaw."
REUNITED WITH JENNICA. Balik-tambalan sina Carl at Jennica Garcia dito sa My Beloved—kumusta ang working relationship nila?
"Ganoon pa rin, masaya," sabi ni Carl.
"Kapag kasama mo naman siya, masaya lang, kikay. Excited pa rin kami.
"Masaya siya na nakatrabaho niya ako ulit. Masaya ako na nakatrabaho ko siya.
"Kasi, alam na namin kung saan kami magsasaluhan kapag sa eksena."
Marami ang nagsasabi na bagay silang dalawa, ano ang reaksiyon dito ni Carl?
"Pati nga ang mama ko, sinasabi na bagay daw talaga kami. Sa screen daw, bagay daw kami," nangingiting sabi ng young actor.
May panghihinayang ba siya na may boyfriend na si Jennica—si Alwyn Uytingco?
"Hindi naman," nakangiti niyang sagot.
"Masaya ako actually dahil nakita ko si Jennica noong una na wala pa siyang boyfriend.
"Then, nakita ko siya na may boyfriend.
"Nakita ko na masaya siya at parang inspired na inspired siyang magtrabaho.
"So, okay naman. Ang laki ng pinagbago niya.
"Ngayon, kalma lang siya, tahimik lang naman siya."
WORKING WITH DINGDONG & MARIAN. Masaya rin daw si Carl na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Aniya, "Gusto ko talagang makatrabaho sina Dingdong [Dantes] at Marian [Rivera]—silang dalawa.
"Noong una na sila ang kaeksena ko, kinakabahan ako.
"Si Dingdong, kahit kasama ko siya sa PPL, kahit kapatid ko siya sa showbiz, kinakabahan pa rin ako noong una.
"Pero maayos naman. Kahit si Marian, binibiro-biro ako."
LOUISE DELOS REYES. Kinamusta rin ng PEP si Carl tungkol sa isa pang co-star niya sa My Beloved na si Louise delos Reyes.
Una silang nagkasama sa defunct youth-oriented series ng TV5 na Lipgloss ng TV5. May balitang nagkaroon sila ng gap noong ginagawa nila ito.
Okay na ba sila ngayon ni Louise?
Natatawang sagot ni Carl, "Okay naman kami.
"Nagkakakuwentuhan naman kami. Kahit yung mommy niya, nakakausap ko."
Bakit ba sila nagkaroon ng isyu ni Louise noon?
"Wala, wala... matagal na yun. Binubuhay n'yo naman!" natatawa pa rin niyang sabi.
Dagdag ni Carl, "Noong time ng Lipgloss, parang usap-usap lang kami."
Niligawan ba niya si Louise?
"Hindi naman nanligaw. Kasi, kapag nanligaw, pupuntahan mo, sasabihin mong nililigawan mo siya. Hindi naman.
"Nakakausap-kausap ko lang siya noong time ng Lipgloss.
"'Tapos bigla na lang nawala, hindi kami nagkakausap na.
"Pero wala naman, ganoon lang yun. Wala naman nang problema.
"Okay naman kami. Okay naman si Louise.
"Mabait... ano siya, sweet."
SINGLE. Sa ngayon ba ay may lovelife na siya? Ang huling nabalitang girlfriend niya ay ang Brazilian model-actress na si Daiana Menezes.
"Hindi pa, wala pa. Hindi pa lisensiyado!" natatawang sabi ni Carl.
"Sa ngayon, ito totoo talaga 'to, hindi ko na muna hinahanap ang lovelife. Hindi ko muna yun iniisip," pagtitiyak ni Carl.
OMG, feeling ko ang sama-sama ko today kasi si Mikael Daez ang napagtutuunan ko ng pansin
Sleep na ako guys! Talk to you tomorrow!![]()
![]()
![]()
ove Love Love in Party Pilipinas
Follow a 3-part love story about finding love, fighting the odds, and achieving a “happily ever after”. Prepare for Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid as she finally makes her comeback performance on Party Pilipinas’ stage.
2011 MMFF Best Actor Dingdong Dantes and Primetime Queen Marian Rivera will usher viewers to the grand launch of their new soap MY BELOVED. DongYan’s My Beloved co-star, Katrina Halili joins singing tandems on DUETS. Also on DUETS is worldwide Twitter trending topic Maxene Magalona with Arkin Magalona, Aljur Abrenica, Lovi Poe, Glaiza De Castro, and more!
Afternoon prime’s exciting lineup of Kylie Padilla, Rocco Nacino, and new Kapuso sweetheart Max Collins will introduce their new series THE GOOD DAUGHTER.
http://www.starmometer.com/2012/02/1...rty-pilipinas/
http://www.youtube.com/watch?v=hmEwqa7lCdc
my beloved 2 tulog na lang
Marian naghahanap ng mga bagong kaibigan
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
May countdown ang fans nina Dingdong Dan*tes at Marian Rivera sa airing ng My Beloved na magsisimula sa Monday, Feb. 13. ‘Kaaliw at tila daig pa ng fans ang management ng GMA 7 sa sobrang excitement sa pag-ere ng reunion project ng dalawa.
Isa sa ikina-i-excite ni Marian sa My Beloved, first time niyang makakatrabaho ang karamihan sa kanila at alam niyang madadagdagan ang friends niya. Sa Amaya, naging close siya kina Ana Feleo, Sheena Halili, at Glaiza de Castro, looking forward siyang maging friend si Jennica Garcia na gumaganap na kapatid niya rito.
Tinanong si Dingdong kung posible silang magsama ni Richard Gutierrez sa isang project? Payag na payag ang actor, kaya lang, mas gusto niya sa pelikula para talagang malaki at special ang pagsasama nila.
Ang alam namin, parehong contract stars ng GMA Films sina Dingdong at Richard, ano pa ang hinihintay ng GMA Films!
http://www.facebook.com/v/10150532235921945
DISCUSSION Topic (from TEAM MARIAN thread)
@jingdalangan: i think i like the storyline based on how Direk Dom said it
---------------
@Feistymomma: I do too. It's light compare to Amaya, but there's depth in it.
There are all these questions:
Does Sharina love Benjie becasue he's Benjie or because he looks like the Man in her vision?
That conflict between the good and bad side of Benjie once Arlan occupies his body.
Arlan is essentially going to try his darn best to make Benjie a good man so he could go back to his SUNDO world. But will he be able to leave Sharina in the end?
Aaahhhhhhhhh, then you add the other characters who have their own stories. I hope Zapata intertwines all stories as one. Looks like GMA 7 is spending money too, ie the bus scene. I hope there will be other realistic big accident scenes as the show progresses.
http://www.facebook.com/v/10150532486371945
eto naman ang story nina Jennica at Carl... kakaiyak.. ang galing ni Jennica
DISCUSSION Topic (from TEAM MARIAN and DY thread)
@Feistymomma: dun sa pagbaril kay Junic... mukhang dyan magkakaroon ng conflict ang magkapatid na Sharina at Monica. parang gang ni Benjie ang nakapatay kay Junic...
-------------
@ll_borderline: monica: hindi sabi totoo ang lalaking yun! tumigil ka na!!!
sharina: monica totoo siya nakita ko siya dalawang beses!! niligtas niya ang buhay ko!! mahal ko siya!!
tragis magbitaw ng linya si marian dito ah tagos sa buto!!!
yun pag bitaw niya ng "mahal ko siya!!!" tragis tagos!!! kakalokah!!!
--------------
@Feistymomma: may malaking conflict between sisters, dun sa preview, binaril si Carl ng gang siguro nina Benjie....
syempre sisisihin ni Monica si Benjie by association.. kokontra sa pag-iibigan nila ni Sharina...
Sharina: kapatid or benjie na technically, wala namang kasalanan, OR baka sya nga before naging good boy na si Arlan
grabeh... soooo deep.. sakit sa puso
-----------
@ll_borderline: para ngang si benjie yun bumaril kay carl eh dun sa teaser ni monica and carl, yun benjie talaga!
kay arlan na papatak ang sisi kasi siya na nasa katawan ni benjie! anla!
----------
@feistymomma: pumasok yan sa isip ko at pilit kong inaalis.. mas magiging complicated kung sya nga.. aaahhh wag sana.
-------
@switylicious_20: magiging matindi ang galit ni monica ke arlan...
--------
sali n kayo sa discussion. leave lumad for now...![]()
lapit na...whaaaaa...excited na ko..lalo na nun nakita ko yun new teaser![]()
ligoras Lilybeth Rasonable
Brilliant #MyBeloved pilot!Nakaka-proud!
2012 Most Admired Pinoy Showbiz Couple/Loveteam Update: Kim-Xian and Marian-Dingdong are in a Tight Battle Again
The on-screen team-up of Kim Chiu-Xian Lim and Real life showbiz couple Marian Rivera-Dingdong Dantes are in a close fight once again for the title Most Admired Pinoy Showbiz Couple/Loveteam for 2012.
Read More: 2012 Most Admired Pinoy Showbiz Couple/Loveteam Update: Kim-Xian and Marian-Dingdong are in a Tight Battle Again
my beloved, parang "city of angels" lang ni nicolas cage at meg ryan.