PEx Highlights

Wake Me Up When You Show Me Your Teeths!

In this week's Show Me Your Teeths!, the ladies talk about the -ber months, the upcoming Bench Fashion Show and the Cosmo Bachelor Bash.

read more

MOVIE REVIEW: The Giver

Very promising, but tries too hard to fit in the mold of the Hunger Games/Divergent series.

read more

FIBA FEATURE: Do We Stand a Chance?

Do we really have a shot to make it through? JPM weighs in on the the odds of Gilas Pilipinas in the FIBA World Cup.

read more

Calling All Travel Bloggers!

Wanna get featured in PEx-Travel? Share with us your travel blogs and have your entries promoted around PinoyExchange!

read more

Watch 'The Legend Ends' Trailer!

Check out the trailer of the final instalment of the Rurouni Kenshin series, 'The Legend Ends.'

read more

PHOTOS: UE Keep Final Four Dream Alive

Despite not fielding in Roi Sumang, the UE Red Warriors managed to get a 64-55 win over the NU Bulldogs.

read more

Page 22 of 256 FirstFirst ... 12 21 22 23 32 72 122 ... LastLast
Results 421 to 440 of 5115
  1. #421

  2. #422
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    Coco, sobrang alalay kay Julia


    MULA sa pagiging pa-tweetums na tween actress ay sasabak na sa medyo mature na role si Julia Montes sa teleseryeng Walang Hanggang kung saan kapareha niya si Coco Martin.

    16-anyos lang si Julia kaya inusisa siya ng press kung anong mga limitasyon niya pagdating sa paggawa ng intimate scenes.

    “Limits? Siguro, ayoko pong magsalita. Pero ‘yun po ‘yung dapat aba*ngan sa Walang Hanggan.

    “Kasi, ibang-ibang karakter po talaga ‘yung ipapakita ko rito. Kumbaga, ibang Julia po, from Mara Clara, Growing Up, ibang-iba po talaga sa Walang Hanggan,” bulalas ni Julia sa presscon ng nasa*bing teleserye kamakalawa nang gabi.

    Anong sabi ng lola niya ngayong gagawa na siya ng mga mapa*ngahas na eksena at magkakaroon sila ng kissing scene ni Coco?

    “Go lang si lola, lagi lang nakabantay sa set. Ha! Ha! Ha!”

    Walang problema sa lola niya kung magkaroon man sila ng intimate scenes ni Coco?

    “Wala naman po, kasi nakilala na rin po niya noon pa si Coco,” sey ng dalaga.


    Ayon kay Julia, natuwa ang pamilya niya dahil hindi ine-expect ng mga ito na ito ang kasunod niyang show at ganito kalaki. Sobrang saya ng mga ito at may tiwala siya sa mga nasa likod ng programa na aalagaan siya.

    May posibilidad bang madebelop sila ni Coco sa isa’t isa?

    “Siyempre ano naman po, ayoko rin pong magsalita nang tapos. Pero ngayon po kasi, masaya lang talaga ako na nakatrabaho ko siya ulit.


    “Kasi, hindi talaga siya nagbago. At mas nakikilala ko pa po siya ngayon.”

    ***

    Bago naging Kapamil*ya stars sina Julia at Coco ay nagkakilala na sila at nagkasama sa trabaho.

    Totoo bang niligawan ni Coco si Julia nu’ng mga panahong ‘yon?

    “Hindi naman. Ilang taon pa lang si Julia nu’n! Ha! Ha! Ha!”
    natatawang reaksyon ni Coco.

    “Hindi, si Julia kasi, sa kabilang channel, I think sa Channel 13, nu’ng hindi pa kami ganito ka-established, nagkasama na kami sa Pangarap Kong Jackpot. ‘Yung mga ganu’n-gano’n.

    “Basta sa show na ‘yon, mga dalawang beses yata kaming nagkatrabaho. Siyempre, nagkakasama kami, ayun, na*ging magkaibigan kami. Pero ligawan, wala. Sobrang bata niya pa nu’n.

    Reaksyon ni Julia sa sinabi ni Coco, “Wala po, wala talaga.”

    Kumusta si Julia nga*yon bilang kapareha niya sa Walang Hanggan?

    “Natutuwa ako kay Julia, kasi open siya, eh. Kasi siyempre, kami ang mag-partner, kailangan magkaroon kami ng rapport. Si Julia kasi, nakikinig and willing matuto.

    “Kumbaga, dahil kailangan naming magtulu*ngan at mag-share sa isa’t isa, kapag may mga eksena kami, ako kasi, concerned ako sa bawat pro*ject ko.

    “At ang ginagawa ko talaga, sobrang alalay ang ginagawa ko kay Julia.


    “And then siyempre, merong mga intimate scenes na ginagawa kami. Siyempre, pinararamdam ko sa kanya kung gaano ako ka-professional pagdating sa trabaho.

    “Ayoko namang ma-offend siya. Baka mamaya, isipin niya, nagti-take advantage ako sa mga eksena.

    “Ang nakakatuwa sa kanya kasi, nagsi-sharing kami ng mga idea sa trabaho namin,” masiglang tsika ni Coco.

    Alam ng lahat na medyo malayo ang agwat ng edad nilang dalawa. Paano in-adjust ni Coco ang sarili niya para mag-blend at bumagay sila ni Julia sa isa’t isa?

    “Hindi naman po gaanong mahirap, kasi 2 years lang naman po ‘yung agwat ko, eh. Ha! Ha! Ha!

    “Hindi, sabi ko nga, kailangan kong mag-adjust para kay Julia. Para siyempre maging maganda ‘yung rapport namin, maging maganda ‘yung kombinasyon naming, lalo na ‘pag pinapanood sa screen.

    “Effort talaga. Kailangang trabahuhin. Kailangang pag-aralan ‘yung karakter para mag-blend po kami.”

    Ayon kay Coco, hindi lang ‘yung physical look niya ang kakaiba rito kundo pati ang akting na ipapakita niya.


    “Sabi ko nga, ito ‘yung isa sa pinakabagong experience ko sa paggawa ng soap. Kasi kadalasan, parang lagi akong kontrabida, lagi akong galit, lagi akong intense, lagi akong umiiyak.

    “This time, susubukan ko namang magpainlab. Kasi dito sa Walang Hanggan, ‘yung karakter ko, laging nakatawa, laging feel good, gano’n.

    “Masarap palang gumawa ng love story, kasi ang sarap nu’ng everytime na dumarating ka sa set, ang gaan-gaan. Parang pakiramdam ko, hindi ako nagti-taping.

    “Kasi minsan, siyempre bilang artista, nadadala mo sa bahay at naisasabuhay mo na ‘yung bawat karakter na ginagampanan mo. Dito, kaya magaan ako, kasi nga, magaan din ‘yung ginagawa ko ngayong trabaho.”

    Sa totoong buhay, paano ba magpainlab ang isang Coco Martin?

    “Siyempre, nagbibi*gay ka ng mga small things na alam mong maa-appreciate nu’ng tao. Gano’n.

    Mga simpleng bagay lang. Hindi ko pa natatanong kay Kuya Richard (Gomez, co-star nila sa show) kung paano ‘yung mga style na dapat gawin, eh! Ha! Ha! Ha!”

    http://abante-tonite.com/issue/jan12...z_others01.htm

  3. #423
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    It's Helen's first time to be the antagonist

    WOW, aside from having a powerhouse cast, Walang Hanggan, the ABS-CBN series set to open Monday, has a lot more to offer.

    Ito’y maliban pa sa napakagandang kuwento, na insiders say ay inspired by the inspirational novel, Wuthering Heights.

    Ilang eksena rin pala ng Walang Hanggan will be taped in Milan, Europe, tampok ay sina Coco Martin at Dawn Zulueta.

    The two will leave for Milan on January 23.

    If you think bakasyon grande ang rest of the cast, na kinabibilangan ng dalawang reyna ng pelikulang Pilipino, sina Susan Roces at Helen Gamboa, and leading man of his time Eddie Gutierrez, Richard Gomez, Julia Montes, Joem Bascom at Paolo Avelino, you are wrong.

    “Tuloy ang trabaho for us,” ani Helen. “And no one is complaining since we all enjoy working on the series.

    “We all feel it’s a once-in-a-lifetime chance na makasama sa isang tunay na maipagmamalaking series.”

  4. #424
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    Going back to Dawn, aniya, kaya sila magkasama ni Coco sa mga eksenang kukunan sa Milan ay dahil sa supposedly, tutulungan niya ito na makapagtrabaho sa isang vineyard doon.

    Di ba, supposedly ay mag-ina sila ni Coco sa series?

    Well, ayaw sagutin ni Dawn ang tanong. Basta raw, about a week silang mawawala with some crew and production staff accompanying them.

    She is not bringing her two young kids. Maiiwan daw ang mga bata with their congressman-dad, si Anton Lagdameo.

    The series marks Dawn’s first time na maka-trabaho si Coco. Actually, except for Richard, wala pa siyang nakakatrabaho sa members ng Walang Hanggan cast.

    Kaya raw all the more na inspired siya dahil all of her co-stars ay talaga namang inspiration to work with.

    http://journal.com.ph/index.php/ente...the-antagonist

  5. #425
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    Masayang-masaya si Coco sa bagong primetime teleserye dahil isa na namang mabigat na project ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN kung saan ay kasama niya ang dalawang reyna ng pelikulang Pilipino na sina Susan Roces at Helen Gamboa plus Eddie Gutierrez, Richard Gomez and Dawn Zulueta.

    First time rin niyang mai-pair kay Julia Montes na ngayon pa lang ay itinutukso na sa kanya. Pero tinatawanan lang ni Coco ang pangangantiyaw, pero aminado rin siyang masaya siya na makapareha ang young actress.

    “Natutuwa akong makatrabaho siya dahil mabait, magaling, tapos professional siya sa work niya, so, magaan siyang katrabaho.”

    Aminado rin ang aktor na crush niya si Julia at nagagandahan siya talaga.

    “Napakaganda at napaka-talented na bata. Wala namang masama.”

    Sa Jan. 16 na magsisimula ang Walang Hanggan mula sa direksyon nina Trina Dayrit and Jerry Sineneng.

    Kasama rin dito sina Melissa Ricks, Paulo Avelino, Joem Bascon, Rita Avila at marami pang iba.
    http://journal.com.ph/index.php/ente...not-attraction

  6. #426
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    WORKING AGAIN WITH JULIA. Sa presscon, hindi naiwasang usisain muli si Coco tungkol sa napabalita noong niligawan niya ang kapareha niya ngayon sa Walang Hanggan na si Julia Montes.

    Natawa si Coco at agad sinabing, "Hindi naman! Ilang taon pa lang si Julia noon!"

    Pagkatapos ay ikinuwento ng 30-year-old actor, "I think noon sa Channel 13, noong hindi pa kami ganito ka-established, magkasama na kami sa Pangarap Kong Jackpot.

    "Dalawang beses na yata kami magkatrabaho. Nagkakasama kami."

    Sa muling pagsasama nila sa isang proyekto, sabi ni Coco, "Natutuwa ako kasi ano siya, e, mabait, magaling, at saka professional siya sa work niya.

    "Siyempre, kumbaga, gusto namin maging smooth ang trabaho namin."

    Tinitiyak din ni Coco na aalagaan niya ang kanyang 16-year-old leading lady sa Walang Hanggan.
    "Sobrang alaga talaga ang ginagawa ko kay Julia.

    "Siyempre, may mga intimate scene na ginagawa kami, pinararamdam ko kung gaano ako ka-professional pagdating sa trabaho.

    "Ayaw ko naman na ma-offend siya. Baka mamaya isipin niya I'm taking advantage.

    "Nakakatuwa rin kasi nagse-sharing kami ng mga idea sa trabaho namin."

    http://www.pep.ph/news/32539/coco-ma...yari-39yon/1/1

  7. #427
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground

    thanks to franz5!

  8. #428
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    Walang Hanggan,’ paiibigin ang sambayanan
    Posted by Online Balita on Jan 12th, 2012

    Sa Lunes na ipalalabas ang inaabangang Walang Hanggan, bagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN tampok ang isang powerhouse cast na kinabibilangan ng dalawang reyna ng pelikulang Pilipino na sina Susan Roces at Helen Gamboa; nina Richard Gomez at Dawn Zulueta; at ang unang pagtatambal nina Julia Montes at Coco Martin.
    Tuklasin sa isang obra-maestrang pantelebisyon ang kuwento ng walang hanggang pag-ibig mula sa tatlong magkakaibang henerasyon: ang ‘love triangle’ nina Virginia (Susan), Margaret (Helen), at John (Eddie Gutierrez); nawasak na relasyon nina Marco (Richard) at Emily (Zulueta); at ang umuusbong na pag-iibigan nina Daniel (Coco) at Katerina (Julia).
    “Ako’y mahilig manood ng mga teleserye at tagahanga din ako ng mga bidang sinusubaybayan ko, kaya masayang-masaya ako na gawin ang seryeng ito,” ani Susan na umamin ding mas naging espesyal ang Walang Hanggan para sa kanila ni Helen, dahil ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sila. “Isipin n’yo, kinailangan pa naming maghintay nang ganito katagal bago kami nagkasama.”
    “Sa ganda ng istorya, nahirapan akong tanggihan,” sabi naman ni Dawn. “Siguradong makaka-relate ang mga manonood sa iba’t ibang love story ng mga karakter ng show.”
    “Bagong challenge ito para sa akin kaya naghanda ako,” kuwento ni Coco. “Nanood ako nang nanood ng mga love story movies. Abangan n’yo kami dahil talagang ma-i-in love kayo.”
    Kabilang din sa powerhouse cast sina Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon, Paulo Avelino, at Joel Torre, sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit.

  9. #429
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    Julia Montes is ABS-CBN’s ‘Girl of the Hour’

    Julia Montes takes a more mature role in the upcoming primetime series on ABS-CBN, “Walang Hanggan.”

    http://pinoypower.net/wp-content/upl...lia-Montes.jpg

    17-year-old Julia Montes is now doing a more mature and serious role in the upcoming teleserye “Walang Hanggan” in which she is being paired with 30-year-old Coco Martin.

    In an interview by PEP, Julia said she and Coco have no problem with the age gap issue.

    “Okay lang sa ‘min. Actually, napag-usapan namin kasi mero’n nga kaming ipapakita rito sa Walang Hanggan,” Julia said.

    “Kumbaga, hindi nila maiisip yung age gap. Kasi du’n sa story pa lang, talagang mai-in love ka na,” she added.

    Julia also revealed something about their reported kissing scene in the primetime series.

    “Hindi naman siya kiss talaga, e. About to kiss, pero hindi kiss. Goody-good ako dito at in love, in love nang sobra-sobra,” she said.

  10. #430
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    The Cast: Walang Hanggan
    ABS-CBN presents, "Walang Hanggan," a story about the struggles of love that transcends two generations. Directed by Jerry Lopez Sineneng and Trina N. Dayrit, the TV series will air beginning January 16, Monday to Friday after "Budoy." (Photos courtesy of ABS-CBN)


    Coco Martin as Daniel (Photo courtesy of ABS-CBN)



    Julia Montes as Katerina (Photo courtesy of ABS-CBN)


  11. #431
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    Julia Montes talks about her first love scene with Coco Martin in ‘Walang Hanggan’
    Sixteen-year-old Julia Montes admitted that she has been getting a lot of negative comments on Twitter because of her team-up with Coco Martin, who is 13 years her senior. But she implored people to give her a chance to prove herself as an actress in ABS-CBN’s latest primetime soap, Walang Hanggan.

    “Nagwo-worry din ako kasi iba-iba yung opinion ng tao. Kung yung iba nagagalingan sila dahil na-portray ko yung role ni Katherina, may iba na against kasi bata nga ako. Pero sana naman maintindihan nila yung side ko kasi gusto ko din talaga i-improve yung craft ko. Iba yung acting ko dito,” she said in an interview after the grand press con of Walang Hanggan, Tuesday, January 10.

    Based on the Emily Bronte’s novel Wuthering Heights, the series will bring to life the passionate but doomed love between Katherina (Julia) and Daniel (Coco). Asked to describe her first love scene with Coco, Julia said that it was really intense but he made sure that she wouldn’t feel awkward at the time.

    “Talagang kinakabahan ako, nanginginig ako ng literal. Pero bago nag-take, nagbibiruan kasi kami na ako daw ang mag-guide sa kanya. Kaya wala talaga kaming ilangan at mas madali para sa amin umarte. Tsaka inisip din naming na ginagawa namin yun para sa show so naitawid naman naming ng maganda yung eksena.”

    Julia added that it helps that she’s emotionally prepared for the project. “Kasi sa age ko, masasabi ko na medyo mature din ako magisip, medyo naging factor din yun. And nanonood din ako ng ibang films. And siguro yung lahat ng kilig na eksena dito, yun din ang dream ng babae na mangyari sa kanya sa totoong buhay. And siguro nagkaroon na ako ng idea sa bawat nangyayari sa character ko na what if ako yung nandudun.”

    While she’s not ready for a serious commitment at this point in her career, Julia revealed that she’s the type of girl who’d fall for a man much older than her. “Masasabi kong oo kasi mature ako magisip, so gusto ko mas mature sa akin magisip. Gusto ko tutulungan ako mag-grow as a person. And sa relationship din, gusto ko hindi ako yung tutulong sa kanya paangat, kundi siya yung tutulong sa akin.”

    But does she agree that Coco is boyfriend material? “Kung titignan mo naman siya oo, maalaga siya, at mabait naman. Ang best quality niya yung pagiging maalaga niya on and off cam—maalalay sa role, sa kilos… Tsaka ‘pag naka-skirt ako sasabihan ako niyan, ‘O yung upo mo.’ Ganon siya.”
    http://www.push.com.ph/features/4374...alang-hanggan/

  12. #432
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    Abangan ang tambalang Coco Martin at Julia Montes ngayong Lunes na sa Primetime Bida #WalangHanggan

    Julia Montes on team-up with Coco Martin: ‘Kinakabahan at sobrang honored’

    Julia Montes finally gets the chance to be on her own and veer away from her popular team-up with fellow actress Kathryn Bernardo, via the highly anticipated teleserye Walang Hanggan slated to air early next year. The said teleserye will build Julia and Coco Martin as a love team and will also reunite former popular tandem Richard Gomez and Dawn Zulueta.

    “Syempre nung una nung nalaman ko kinakabahan ako at sobrang honored din Coco Martin yan,” shared Julia when asked how she felt upon knowing the good news. She continued that this won’t be the first time that she and Coco will work together because they worked before when she was younger and in another TV station. “Masaya ako ulit at nagkatrabaho kami ulit at sa ABS-CBN na. Napakalaking break ito and magandang project talaga.”

    Since this project will also mark her separation from Kathryn, who both rose to fame because of the teleserye Mara Clara, Julia describes this chance as a new challenge. “Siyempre nasanay din naman ako na kasama si Kathryn and siya ‘yung kumbaga tandem din kami, kumbaga ibang challenge talaga.”

    She confirmed that this is her most mature role yet although she did not confirm if she will have kissing scenes with Coco. She continued that she is sure that her team-up with Coco will be compared with the actor’s popular onscreen partnership with Maja Salvador but rather than worry, Julia said that she would rather focus on it positively. “Hindi maiiwasan pero sobrang happy (ako),” she said.

    by: Bernie Franco/ push.com.ph

  13. #433
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    Julia Montes Talks About Coco Martin As Her Leading Man In Walang Hanggan
    BY JAMIE ORTEGA

    Julia Montes makes the leap from teenybopper to dramatic actress in the ABS-CBN teleserye Walang Hanggan. She plays Katerina Alcantara, a woman who falls in love with Daniel, portrayed by Coco Martin’s character. The pairing of the two is unexpected to say the least, because of Coco and Julia’s age gap. Julia is 16 years old and Coco is 30 years old.

    At Walang Hanggan’s press conference last January 11, Julia shared that she knows that the unusual pairing will raise more than a couple of eyebrows. “Unang-una po inaasahan na namin yun, pinag-usapan na namin yun, na feeling namin maraming mag-re-react dahil sa age gap. Pero dito masasabi namin na hindi mapapansin ang age gap naming. Love ang makikita ng mga viewers.”

    In the said teleserye Julia portrays a spoiled and hopeless romantic hailing from a wealthy family. Coco takes on the role of street-smart Daniel who romances Katerina. Julia revealed that she was nervous about doing intimate scenes with Coco. “Nung una talgang kinakabahan ako. Nanginginig ako ng literal. Binibiro ako ni Coco na ako ang mag-ga-guide sa kanya. Unti-unting nawala na ang ilang ko sa kanya.”

    Julia said that, just like her character, she could definitely fall for an older man. “Yes, kasi mas matured ako mag-isip. Gusto ko yung tutulungan ako mag-grow as a person and gusto ko na tutulong sya sa akin sa pa-akyat ng relationship. Tulungan kami.”

    Could that older man be Coco? Julia revealed that the award-winning actor is definitely boyfriend material. “Pag titingnan mo, oo, maalaga sya, mabait. Maalaga on and off cam, nakaalalay sa role, sa kilos. Typical na pag naka-skirt sinasabihan ako na, ‘Oh, upo mo.’”

  14. #434
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    Filipino Drama: Walang Hanggan, a soap of explosive characters Kris TV episode reveals

    Walang Hanggan Teleserye with Coco Martin and Julia Montes

    With a Filipino drama like Walang Hanggan, it will surely be a different daily view of soaps of ABS-CBN in 2012. This is the reason why the lineup of cast have been the daily dose of guest for Kris TV a couple of days now and I never failed to watch Kris Aquino grace to her seat on the daily morning show. Today, another set of cast were her guests and this time, its the wife of the King, Fernando Poe Jr – Susan Roces and Helen Gamboa Sotto.
    Just the other day, Joem Bascon, Julia Montes, Melissa Ricks and Paolo Avelino were the day’s guests in Kris TV episode, January 11, 2012. The line up was earlier announced by the queen of all media so there is no getting shocked everyday if you watch ABS-CBN program on a time slot of 9:30-10:30 daily.

    I just hope that this year will be a new set and new breed of story that people will want to watch Philippine drama. ABS-CBN has already announced a couple of nights ago and revealed their upcoming list Korean drama and I hope this won’t stop Pinoys from around the world and not just in the Philippines to patronize our very own. City Hunter is on its way and Heartstrings has already started. Let’s see what Walang Hanggan does when it opens up this coming Monday on its premier episode, January 16, 2011.

  15. #435
    ♫ Can't b8 da real th¿ng ♫ rhaxky's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    higher ground
    Coco Martin: “Susubukan Kong Magpa-In Love.”
    by admin posted on January 12, 2012

    Award-winning actor Coco Martin is very excited about his upcoming ABS-CBN drama series, Walang Hanggan. At the press conference for the said teleserye, Coco shared to members of the media present that this new project is different from anything he’s done before. “Kasi ‘di ba ‘yung mga last na soaps ko medyo kontrabida, barilan, heavy drama. Ito, this time, susubukan ko naman magpa-in-love,” shared the actor, who usually portrays dark, heavy and angst-ridden characters.

    For Walang Hanggan, Coco takes on the role of the “maginoo pero medyo bastos” Daniel who romances a younger woman, Katerina, played by Julia Montes. To prepare for his character, Coco revealed that he watched romantic movies like Titanic, Romeo and Juliet, and listened to love songs every night before sleeping. “Umaangat ang aura ko pag ganun. Nagiging magaan ang pakiramdam ko sa bawat eksena.”

    Because he is paired with a much younger leading lady (Montes is only 16 years old), Coco revealed that he took extra care of her, especially during intimate scenes, to avoid misinterpretation. He admitted that, because of her age, he does feel a certain amount of pressure to make their onscreen pairing look natural. “Oo, may pressure, pero hindi ko pinapansin. Kumbaga sabi ko naman, ang set of mind ko, gusto ko, magtrabaho lang.”

    Coco is one of ABS-CBN’s hottest and most sought after leading men. Because of the huge projects that he’s been given people are claiming that Coco is the new King of ABS-CBN, overtaking Piolo Pascual. “Hindi naman. Piolo is Piolo at hinahangaan ko siya. Tinutumbasan ko lang ang suportang binibigay sa akin ng ABS, pinagbubutihan ko lang ang trabaho ko,” he ended.

  16. #436
    Undying love of Julia Montes and Coco Martin

    Walang Hanggan, the anticipated drama on ABS-CBN will finally premiere on January 16 (Monday), showcasing a powerhouse cast composed veteran actors Susan Roces and Helen Gamboa; ‘eternal love team’ Richard Gomez and Dawn Zulueta; and the first onscreen team-up of Julia Montes and Coco Martin.



    “Walang Hanggan” features the undying love that revolves around characters from three different generations: the love triangle among Virginia (Roces), Margaret (Gamboa), and John (Eddie Gutierrez); the ill-fated lovers Marco (Gomez) and Emily (Zulueta); and young sweethearts Daniel (Martin) and Katerina (Montes).

    Roces expressed excitement over their newest series. She said, “I’m a fan of teleseryes myself, that’s why I’m very happy to be part of it. But what makes “Walang Hangan” more special is that this is Helen and I’s first-ever onscreen project.”

    Meanwhile, Zulueta, who is set to revive love team with Gomez, took pride in the narrative that they will be offering to the audience. “The story was so great, that it was hard to turn down the role. Everyone can surely relate with the characters’ journey,” Zulueta mentioned.

    While Zulueta and Gomez rekindle an old onscreen romance, Martin and Montes starts anew. Martin shared, “This is a new challenge for me since this is the first time that I’ll be doing a ‘full love story.’ But I’m getting inspiration from the fact that I’m working with the best actors and actresses of the industry.”

    Completing the powerhouse cast are well-regarded actors Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon, and Paulo Avelino; with the special participation of Eddie Gutierrez and Joel Torre. The series is directed by Jerry Lopez Sineneng and Trina Dayrit.

    Never miss the beginning of a story of true love bound to last forever in ABS-CBN’s biggest teleserye offering this 2012, “Walang Hanggan,” this Monday, (January 16), after “Ikaw ay Pag-ibig” on Primetime Bida.

  17. #437
    Coco Martin, 30, kissing scene with Julia Montes, 16, in "Walang Hanggan" causes stir online
    ~ MyKiRu IsYuSeRo http://www.mykiru.ph/2012/01/coco-ma...#ixzz1jEdjaMEk

    Coco Martin topbills ABS-CBN's 'Walang Hanggan', which will hit TV screens starting Monday, January 16, 2012.

    This will be Coco Martin's 4th primetime soap already on ABS-CBN and this time, Coco is being paired with a brand new, so fresh and young leading lady Julia Montes.

    Julia is only 16 years old while Coco is, (almost twice of Julia's age) 30 years old.

    But admit it, they have great chemistry, as seen on the trailer.

    They complement each other, as Julia already looks like a grown-up woman
    while Coco is baby-faced and looks like he's only 16.

    But the fans have one thing they keep on worrying about: the kissing scene between Coco and Julia.



    The trailer shows Coco and Julia were about to kiss, and some fans are against it.

    Check out some of their reactions anywhere on the web:

    kimbum1kimsoeun on Youtube: "Oh Nooo! Kissing scene between Coco & Julia?? Sana wala po munang kissing scene please...ok na ok *** kahit loveteam sila, 'wag lang muna ang kissing scene kasi Julia is so young pa compared kay Coco right?"

    @_IM_princess on Twitter: "Ewwww! Kissing scene of Julia Montes and Coco Martin! Why so young? Abuse much..."

    rictos16 at PEX 'Walang Hanggan' thread: "Kinakabahan ako, bata pa kasi si Julia. Menor de edad tapos may kissing scene na sila ni Coco. Parang pedo..."

    Duds Bartolome Santiago via ABS-CBN Facebook Page: "true, she's too young to have love scenes. Wala bang guardian at pinayagan yan nang
    ganyan?"

    'Walang Hanggan' hasn't premiered yet but the kissing scene is already stirring up the fans. What more if it's shown already? Or they will just omit that scene?

    But I think Coco and Julia's characters won't really kiss there. They're about to kiss and it's only up to there.

    In real life, Julia never had a boyfriend and she is yet to experience her first romantic kiss.


    Read more: Coco Martin, 30, kissing scene with Julia Montes, 16, in "Walang Hanggan" causes stir online ~ MyKiRu IsYuSeRo http://www.mykiru.ph/2012/01/coco-ma...#ixzz1jEeBkDnf

  18. #438


    cto

  19. #439


    cto

  20. #440
    Quote Originally Posted by franz5 View Post
    Coco Martin, 30, kissing scene with Julia Montes, 16, in "Walang Hanggan" causes stir online
    ~ MyKiRu IsYuSeRo http://www.mykiru.ph/2012/01/coco-ma...#ixzz1jEdjaMEk

    Coco Martin topbills ABS-CBN's 'Walang Hanggan', which will hit TV screens starting Monday, January 16, 2012.

    This will be Coco Martin's 4th primetime soap already on ABS-CBN and this time, Coco is being paired with a brand new, so fresh and young leading lady Julia Montes.

    Julia is only 16 years old while Coco is, (almost twice of Julia's age) 30 years old.

    But admit it, they have great chemistry, as seen on the trailer.

    They complement each other, as Julia already looks like a grown-up woman
    while Coco is baby-faced and looks like he's only 16.

    But the fans have one thing they keep on worrying about: the kissing scene between Coco and Julia.

    http://external.ak.fbcdn.net/safe_im...Fhqdefault.jpg

    The trailer shows Coco and Julia were about to kiss, and some fans are against it.

    Check out some of their reactions anywhere on the web:

    kimbum1kimsoeun on Youtube: "Oh Nooo! Kissing scene between Coco & Julia?? Sana wala po munang kissing scene please...ok na ok *** kahit loveteam sila, 'wag lang muna ang kissing scene kasi Julia is so young pa compared kay Coco right?"

    @_IM_princess on Twitter: "Ewwww! Kissing scene of Julia Montes and Coco Martin! Why so young? Abuse much..."

    rictos16 at PEX 'Walang Hanggan' thread: "Kinakabahan ako, bata pa kasi si Julia. Menor de edad tapos may kissing scene na sila ni Coco. Parang pedo..."

    Duds Bartolome Santiago via ABS-CBN Facebook Page: "true, she's too young to have love scenes. Wala bang guardian at pinayagan yan nang
    ganyan?"

    'Walang Hanggan' hasn't premiered yet but the kissing scene is already stirring up the fans. What more if it's shown already? Or they will just omit that scene?

    But I think Coco and Julia's characters won't really kiss there. They're about to kiss and it's only up to there.

    In real life, Julia never had a boyfriend and she is yet to experience her first romantic kiss.


    Read more: Coco Martin, 30, kissing scene with Julia Montes, 16, in "Walang Hanggan" causes stir online ~ MyKiRu IsYuSeRo http://www.mykiru.ph/2012/01/coco-ma...#ixzz1jEeBkDnf
    Julia is turning 17 on March 19. Jessy was 17 when she was paired with Coco in Kung Tayo'y Magkakalayo. Pero walang nag-nega comments

Page 22 of 256 FirstFirst ... 12 21 22 23 32 72 122 ... LastLast

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

GILAS:

Gallant Gilas Pilipinas drops to 0-3 after 85-81 defeat vs Argentina

Gallant Gilas Pilipinas drops to 0-3 after 85-81 defeat vs Argentina

read more
SHOWBIZ:

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

read more
MUSIC:

Eraserheads to release two new songs

Eraserheads to release two new songs

read more
SPORTS:

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

read more
UAAP:

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

read more
CHIT CHAT:

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

read more