Goma tinanggap ang Hihintayin Kita sa Langit ng ABS-CBN
Marami kaming napagkuwentuhan ni Richard Gomez nang magkita kami sa Talentadong Pinoy noong Miyerkules.
Si Richard ang nagkuwento sa akin na tinanggap niya ang offer ng ABS-CBN na umapir sa television remake ng Hihintayin Kita Sa Langit. Tinanggap ni Richard ang project na malapit sa kanyang puso dahil isa ‘yon sa mga hit movie niya, twenty years ago.
Ganyan kabilis ang panahon. Twenty years na pala ang nakalilipas mula nang gawin nina Richard at Dawn Zulueta ang Hihintayin Kita sa Langit at dito rin nagsimula ang kanilang relasyon.
Kung hindi ako nagkakamali, kasali rin si Dawn sa TV remake ng pelikula nila ni Richard.









Reply With Quote















