Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Oyo Boy Sotto noong Lunes, October 7, sa storycon ng Valiente.
*
Gagawan ng remake ng TV5 ang naturang teleserye na umere sa ABS-CBN at GMA-7 noong 1990s.
*
Sa February 2012 pa ipalalabas ang Valiente sa TV5.
*
Ang dating Valiente ay produksiyon ng TAPE Inc., na siya ring producer ng Eat Bulaga!— ang longest-running noontime show sa bansa.
*
Isa sa senior hosts ng programa ang ama ni Oyo na si Vic Sotto.
*
Dahil dito ay ipinahayag ni Oyo ang karangalan na mapasama sa cast ng remake ng Valiente.
*
Gagampanan ni Oyo ang role na Theo Braganza, na unang ginampanan ni Tirso Cruz III.
*
Saad ni Oyo, agad niyang tinanggap ang role nang i-offer ito sa kanya dahil nga konektado ito sa kanyang pamilya.
*
Natatandaan niya ba ang dating Valiente?
*
Aniya, "Bata pa 'ko noon, e.
*
"Nakita ko siya, pero hindi ko talagang na-recall lahat ng mga nangyari.
*
"Naalala ko lang yung si Daddy ko yung kumanta ng theme song ng Valiente."
*









Reply With Quote
Watch our spoof of that Nescafe commercial!
We only have 'til 5pm left to win this contest. 
















