PEx Highlights

PHOTOS: PLDT Repulses NU

The PLDT Turbo Boosters pulled away with a tough 25-16, 25-23, 24-26, 25-19 victory over the gritty NU Lady Bulldogs.

read more

15peakMyMind: Your song for PinoyExchange

If PinoyExchange will have a theme song for our 15th anniversary, what will it be and why?

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

PHOTOS: DLSU Notches First Win

Jason Perkins drained big baskets in the clutch to help DLSU escape NU 57-55 and notch their first win in the UAAP Season 77.

read more

#NoLastHomeStand After All

Filipino basketball fans let down by PLDT All-Star Charity Event, labeled as, 'Gilas Last Home Stand' after last-minute cancellations.

read more

What's Wrong With the Green Archers?

After being penned the favorites of UAAP Season 77, the DLSU Green Archers are off to a slow opening in the season, now at 0-2.

read more

Page 127 of 165 FirstFirst ... 27 77 117 126 127 128 137 ... LastLast
Results 2,521 to 2,540 of 3299
  1. #2521

  2. #2522

  3. #2523

  4. #2524

    Juday excited kay Coco hindi kay Piolo

    Juday excited kay Coco hindi kay Piolo

    SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated March 19, 2012 12:00 AM



    Ayon kay Judy Ann Santos, malaki ang ipinagbago ng kanyang inang si Mommy Carol mula nang magkaroon ng sariling pamilya ang aktres.
    “You can see kung paano talaga naging subtle si mama. Kung paano niya lambingin ang mga apo niya. Parang tinitingnan mo siya, ’di ka ganyan noong kami lang. After the wedding and after I gave birth, para talaga kaming naging magbarkada, naging mag-best friend,” pahayag ni Judy Ann.
    Minsan naman ay merong ilang bagay na hindi napagkakasunduan sina Juday at Mommy Carol pagdating sa pag-aalaga kina Yohan at Lucho. “Masyado kasi kaming protective ni Ryan (Agoncillo), doon lang siya parang na-off na ‘masyado namang maarte ’tong mag-asawang ’to. Ano ba’ng gusto n’yong iparating? Parang gusto n’yong itago ’yung anak n’yo,’” kuwento ng aktres.
    Iba rin naman ang pamamaraan nilang dalawa ni Ryan na pagdi-disiplina sa kanilang mga anak. “Halimbawa, dini-disiplina si Yohan, isa sa amin ’yung papatol. Hindi rin naman aamuin, bibigyan namin ng time si Yohan na i-absorb lahat ng pangyayari, saka namin kakausapin in a calm way,” paglalarawan ni Juday.
    Samantala, kamakailan ay napabalitang may posibilidad na magkasama sina Judy Ann at Piolo Pascual sa isang proyekto pero hindi naman ito natuloy.
    “Lahat ng bagay napag-uusapan. Lahat ng bagay nagagawan ng paraan, basta maging maayos lang ang pag-uusap na magaganap. Mula sa istorya, naghahanap lang siguro tayo ng maayos na panahon,” giit ni Juday.
    Ngayon ay pinaghahandaan na ng aktres ang bagong proyektong pagsasamahan naman nila ni Coco Martin.
    “Excited akong makatrabaho si Coco kasi kapag pinapanood ko siya, nakikita ko kung gaano siya ka-intense umarte. Nakikita ko kung gaano siya mag-motivate,” pagtatapos ni Juday.

  5. #2525

    Judy Ann Santos on working with Piolo Pascual again: ‘Lahat ng bagay napag-uusapan’

    Judy Ann Santos on working with Piolo Pascual again: ‘Lahat ng bagay napag-uusapan’

    3/18/2012 9:42 PM
    by: Patty Ramirez

    Sa kanyang interview with Boy Abunda about her endorsement Lactum, tinanong din si Judy Ann Santos ng host ng The Buzz tungkol sa mga balitang pakikipagtrabaho niya soon with John Lloyd Cruz at Coco Martin.

    “Si John Lloyd nakatrabaho ko siya nagsisimula pa lang siya. Baby Boy nga ang tawag ko sa batang ‘yan. Proud na proud ako sa bata kasi nakikita ko kung paano siya magtrabaho,” natutuwang pag-alala ni Judai sa days ng Sa Puso Ko Iingatan Ka kung saan gumanap si John Lloyd bilang kanyang nakababatang kapatid.

    Kay Coco naman, matagal nang sinabi ni Judai na bilib talaga siya sa talento ng aktor sa pag-arte. “Excited akong makatrabaho si Coco kasi nakikita ko siya kung gaano siya ka-intense umarte. Nakikita ko kung gaano siya mag-motivate.”

    Naitanong naman ni Boy kung may pag-asa pa bang magkatrabaho si Judy Ann at ang kanyang matagal na naging on-screen partner na si Piolo Pascual. “Lahat ng bagay napapagusapan. Lahat ng bagay nagagawan ng paraan. Maging maayos lang ang pag-uusap na magaganap mula sa istorya … naghahanap lang siguro tayo ng maayos na panahon.”

    Sa usaping pamilya naman ay sinabi ni Judai na hindi madali ang maging isang ina. At natutuwa siya na katuwang niya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak ang kanyang ina na si Mommy Carol. “You can see kung paano talaga naging subtle si Mommy. Kung paano niya din lambingin ang mga apo niya. Makikita mo siya, ‘’Di ka ganyan nung kami lang.’ After the wedding and after I gave birth sobra kaming parang naging magbarkada, naging mag-best friend.”

    Sa kanya namang kabiyak, masyado daw silang nagiging protective ni Ryan Agoncillo sa kanilang mga anak na minsan daw ay naiisip siguro ni Mommy Carol na ‘Masyado namang maarte ang mag-asawang ‘to.’

  6. #2526

    Part 2. Ryan Agoncillo on wife Judy Ann Santos's sexy figure

    Part 2. Ryan Agoncillo on wife Judy Ann Santos's sexy figure: "She's still the same, mapamalaki o mapamaliit, siya pa rin ang babaeng pinakasalan ko at asawang minahal ko."


    Glen P. Sibonga
    Sunday, March 18, 2012 @ 08:19PM



    Ryan Agoncillo on having another baby: "Kung darating ang another baby, darating. Pero sa ngayon, masaya kami na dalawa ang anak namin. Kung bibiyayaan ng isa pa, why not? Kung hindi rin naman, ayos lang. Hindi naman kami nagpapa-pressure." Photo By: Glen P. Sibonga













    Ang pamilya nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang isa sa mga itinuturing na ideal family dahil larawan sila ng isang masayang pamilya.

    Pakiramdam nga ni Ryan ay kumpleto na ang buhay niya dahil sa asawa niyang si Juday at sa mga anak nilang sina Yohan at Lucho.

    "Well, that's a great compliment," sambit ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

    "Kami naman ni Juday, we're trying hard talaga to give the best to our family. Our family naman is getting better.

    "Si Juday, medyo nami-miss ang pagtatrabaho kaya bumabalik siya sa pagtatrabaho ngayon.

    "Okay lang din kasi si Yohan pumapasok na. And on the days na si Lucho ay pumapasok sa kanyang pre-school, si Juday ang nagdadala sa kanya.

    "But on other days, nagtatrabaho kaming pareho... so smooth-sailing naman ang lahat ng bagay sa family namin."

    Wala rin daw problema sa relasyon ng dalawa nilang anak.

    "Yohan understands that Lucho is the new baby. So, wala nang masyadong selos-selos.

    "Then si Lucho, he's the life of the party for us.

    "Sa edad niyang 17 months old, ibang joy yung naiibigay niya sa amin," nakangiting sabi ni Ryan.

    BONDING MOMENT. Ano naman ang usual family bonding moment nila?

    "Well, wala masyadong routine dahil iba-iba yung schedules.

    "But nandun kami lagi sa Camp Yohan na aming ginawang playground para sa mga bata doon din sa bakuran namin. Every free time we have, we are always there.

    "Yung bakanteng lote kasi tinayuan namin ng tent, nilagyan namin ng trampoline, nandoon kami, yun ang aming playground."


    Wala ba silang plano para sa sa family getaway ngayong summer?

    "For summer... well, I'm going to the States for Eat Bulaga! sa last week ng March.

    "I'm not sure if the whole family is joining me or it's just Judy Ann. And then, babalik ako agad para sa Talentadong Pinoy.

    "And then maybe after Talentadong Pinoy, on Judy Ann's birthday on May 11, that's the time siguro na maybe we can leave. Pero wala pa ring solid plans.

    "Maybe we'll spend time sa beach siguro kasi hectic ang trabaho, e, walang time para sa mahabang bakasyon."

    THEIR KIDS ENTERING SHOWBIZ. Sa ngayon, napapanood na rin ng mga tao, through TV commercials and product endorsements, ang mga anak nina Ryan at Juday na sina Yohan at Lucho.

    Nakikita niya bang susunod sa yapak nila ni Juday bilang mga artista ang kanilang mga anak?

    "Hindi naman natin malalaman sa ngayon, e.

    "Ako, makulit ako nung bata. Si Juday, makulit din.

    "Ako, hindi ko naman inakala na magiging host ako o artista.

    "Siguro, tingnan natin," sabi ni Ryan.

    Para kasing ine-expect ng mga tao na sina Yohan at Lucho ang magmamana sa puwesto nila in the future. Ano ang masasabi ni Ryan dito?

    "Siguro we will deal with it 'pag nandun na. Depende pa rin yun sa mga bata, e.

    "Sa ngayon, si Yohan gusto niya raw maging singer.

    "Sabi ko sa kanya, puwede siyang maging singer basta tatapusin muna niya ang pag-aaral niya.



    "And ganun din ang gusto naming mangyari kay Lucho, gusto namin ni Juday na magtapos muna sila ng pag-aaral bago sila magdesisyon kung talagang gusto ba nilang pasukin ang showbiz o hindi.

    "Yung mga bata, susuportahan namin kung ano ang gusto nila basta makatapos ng pag-aaral.

    "Sa ngayon, pumapayag kami ni Juday sa commercials at endorsements kasi it won't take much time naman para makasagabal sa pag-aaral nila."

    A SEXIER JUDAY. Marami naman ang nakakapansin sa mabilis na pagpayat ni Juday at mas naging sexy pa nga raw ito sa kabila ng panganganak. Ano ang reaksiyon ni Ryan dito?

    "Ako, 'pag nakikita ko nga yung mga litrato niya na bagong panganak, natatawa ako, pati siya.

    "Kasi hindi naman namin akalain na lumobo siya ng ganun.

    "Pero kasi sa akin, to be honest, hindi naman naiba yung paningin ko, e. Lumiit lang yung mga damit, napapansin ko.

    "Pero for me, she's still the same, mapamalaki o mapamaliit, siya pa rin ang babaeng pinakasalan ko at asawang minahal ko."

    Ano naman ang reaksiyon ni Juday kapag napapanood yung mga commercials niya na mataba pa siya?

    "Natatawa siya. Pero you know, one of the things I love about Judy Ann's weight loss is that she has a very real view and she has very real expectations about her body. Napakakumportable niya.

    "Kaya ko nasasabing hindi nag-iiba yung pagtingin ko sa kanya kasi yung attitude niya is the same.

    "Hindi siya yung bumabase sa panlabas na anyo. At ako rin, hindi rin naman ako bumabase roon.

    "Pero kumbaga, iniisip niya na lang din na kailangan niyang pumayat para sa trabaho rin.

    "And I admire her for that, for having a healthy view in life."


    ANOTHER BABY? Ngayong yummy-looking na naman si Juday, hindi kaya ma-tempt si Ryan na sundan na agad si Lucho?

    "Well, hindi naman namin pinipigil!" natatawang sabi ni Ryan.



    So, walang conscious effort na huwag munang sundan?

    "Walang conscious effort na huwag muna, pero siyempre hindi rin naman kami yung hindi nag-iisip.

    "Kung darating ang another baby, darating.

    "Pero sa ngayon, masaya kami na dalawa ang anak namin.

    "Kung bibiyayaan ng isa pa, why not?

    "Kung hindi rin naman, ayos lang. Hindi naman kami nagpapa-pressure."

  7. #2527

    Part 1. Ryan Agoncillo not expecting to win despite nominations for Best Actor;

    Part 1. Ryan Agoncillo not expecting to win despite nominations for Best Actor; feels great about third grand finals of Talentadong Pinoy



    Glen P. Sibonga
    Sunday, March 18, 2012 @ 08:08PM

    Ryan Agoncillo on his Best Actor nominations: "It always feels good to be noticed for the hard work that you put in. Kasi hindi biro yung trabaho namin bilang artista. And ako, kumbaga, hindi naman ako full-time actor. So, to be nominated pa lang, okay na; kung manalo, sobra-sobrang bonus na yun." Photo By: Allan Sancon













    Aminado si Ryan Agoncillo na hindi siya umaasa na manalo mula sa nakuha niyang Best Actor nominations para sa pelikula nila ng asawa niyang si Judy Ann Santos, ang My Househusband: Ikaw Na.

    Nominado si Ryan sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress).

    Noong Marso 14 nga ay nag-tie para sa Best Actor sina Aga Muhlach at Governor ER Ejercito sa Star Awards for Movies.

    Sa Marso 24 naman malalaman ang mga magwawagi sa Golden Screen Awards.

    Bagamat hindi umaasa, nagpapasalamat pa rin si Ryan sa PMPC at EnPress dahil napansin nila na worthy of nomination ang ginawa niyang pag-arte sa pelikula ni Direk Joey Reyes.

    Saad ni Ryan, "It always feels good to be noticed for the hard work that you put in. Kasi hindi biro yung trabaho namin bilang artista.

    "And ako, kumbaga, hindi naman ako full-time actor. So, to be nominated pa lang, okay na; kung manalo, sobra-sobrang bonus na yun.

    "Masarap yung ma-nominate kasi yung mga kaibigan natin sa EnPress at PMPC, these are the people who have been around the business longer than I am.

    "So, 'pag sila ang nagsabi na okay ang ginawa mo, nakakatuwa.

    "Kasi ako, laging may kaakibat na kaba yung pag-arte sa akin, e. Kasi rookie ako diyan, e, baguhan pa lang ako sa acting.

    "So, magandang ma-recognize."

    Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa taping ng hinu-host niyang talent show sa TV5, ang Talentadong Pinoy.

    Pero umaasa rin pala si Ryan na tanghalin ding Best Actor balang-araw para naman daw may maitabi siyang acting award sa maraming Best Actress trophies ni Juday.

    Sa ngayon daw kasi ay awards mula sa pagiging mahusay niyang host ang meron siya.

    Ani Ryan, "Masarap ding mag-wish na sana nga someday magka-award sa acting, di ba?



    "Kasi ngayon, sa eskaparate namin, yung kay Juday, acting awards, e. Yung sa akin, awards sa hosting.

    "So, okay din kung manalo ng acting award. Pero okay lang din kung hindi.

    "Ang importante sa akin bilang artista, kumita yung producer at matuwa yung audience.

    "Pero yung award, siguro bonus na lang 'pag nakadale."

    TALENTADONG PINOY FINALE. Sa ngayon, abala si Ryan sa Talentadong Pinoy, lalo na't nalalapit na ang inaabangang pangatlong Battle of the Champions nito sa first week of May.

    Kumpleto na ang Hall of Famers na maglalaban sa grand finals. Nasa proseso ngayon ang show ng pagpili ng wildcard contestant na mabibigyan ulit ng pagkakataon na makipaglaban para sa titulo.

    Ano ang feeling na nalalapit na ang pangatlong grand finals ng Talentadong Pinoy?

    "Ang sarap, napakasarap!" bulalas ni Ryan.

    "Kasi after this, ang next naming ise-celebrate ay ang anibersaryo namin, pang-apat na taon.

    "So, ang sarap. Kasi hindi rin naman naging madali yung biyahe namin, e."

    Natutuwa rin daw si Ryan na tuluy-tuloy ang pag-ere ng Talentadong Pinoy lalo pa't kinikilala rin daw ito bilang pioneer ng makabagong talent shows sa Philippine television.

    "At least for this generation, yes. Kaya mahal namin itong show na ito kasi pamilya kami talaga.

    "Nakakatuwa kasi noong unang taon, halos hindi naman kami pinapansin, e. Not applicable nga kami sa rating dati, e.

    "Halos isang taon yun bago kami napansin.

    "Pero nung napansin naman, umakyat nang umakyat ang ratings hanggang naging double digits at nagna-number one pa kami sa weekend.




    "'Tapos siyempre, sumulpot ang mga kalaban, mahusay din naman sila. Medyo bumaba kami 'tapos bumalik na naman.

    "So, nakakatuwa dahil hindi naman kami talaga nawala, never kaming nagpahinga sa pag-ere tulad ng iba, di ba?"

    Ina-acknowledge din ni Ryan ang mga nagawa ng Talentadong Pinoy para sa kanya.

    "Marami akong utang sa show na ito, e.

    "Binata pa ako nung nagsimula ito, ngayon may asawa na ako, dalawa na ang anak namin.

    "I'm seeing everyone grow and everyone is seeing me grow," sabi ng mister ni Judy Ann Santos.

    BIRTHDAY CELEBRATION. Sa Talentadong Pinoy rin daw pinakabongga ang selebrasyon kapag sumasapit ang birthday niya tuwing April 10. Kasama na nga rito ang sorpresang ibinibigay sa kanya ni Juday sa show.

    Saad ni Ryan, "Hindi ko nga alam kung bakit laging hindi ko nalalaman ang sorpresa ni Juday. Lagi akong caught unaware talaga.

    "For sure, this year, meron na naman. Pero as usual, hindi ko pa rin alam kung ano. I have no idea.

    "And ang Talentadong Pinoy gives the best gifts. Wala pa silang gift na naisantabi ko.

    "Lahat ng regalo, sapul na sapul sa pangangailangan ko."

    Marami raw aabangan sa kanilang third season grand finals dahil maganda ang mix ng finalists na maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Talentado.

    Tina-target nila ang Quezon Memorial Circle sa Quezon City para sa dalawang araw na grand finals nila sa Mayo 5 at 6.

  8. #2528

  9. #2529

  10. #2530
    Quote Originally Posted by jasry_keithleen View Post
    hello po sa lahat!!
    hello sa lahat

  11. #2531

    Judy Ann is eager to work with today's hot actors

    Judy Ann is eager to work with today's hot actors
    By NR RAMOS
    March 19, 2012, 5:21pm

    Judy Ann Santos wants a good balance between career and parenting
    MANILA, Philippines – Actress Judy Ann Santos wants to work with some of today’s hottest, most bankable actors, singling out John Lloyd Cruz and Coco Martin as possible onscreen partners.

    “Si John Lloyd nakatrabaho ko siya nagsisimula pa lang siya. Baby boy nga ang tawag ko sa batang ‘yan. Proud na proud ako sa bata kasi nakikita ko kung paano siya magtrabaho,” said she in a recent interview with push.com.

    As for Martin, Santos said she has long been fascinated with how the actor works and is “excited” to observe him up close.

    “Kasi nakikita ko siya kung gaano siya ka-intense umarte. Nakikita ko kung gaano siya mag-motivate,” she explained.

    But Santos, it seems, is not as eager to work with heartthrob Piolo Pascual.

    “Lahat ng bagay napapag-usapan. Lahat ng bagay nagagawan ng paraan. Naghahanap lang siguro tayo ng maayos na panahon,” said she, seemingly balking at the suggestion that she works again with her former onscreen love interest.

    For now, however, Santos is hard at work being the best mom to her children. Sharing the burden is her husband, actor Ryan Agoncillo.

    "Siyempre Kami naman ni Juday, we're trying hard talaga to give the best to our family,” said Agoncillo in a separate interview with PEP.

    But the “Talentadong Pinoy” host admitted that Santos wants to do another teleserye or a movie and, as such, is motivated to lose weight.

    “Iniisip niya na lang din na kailangan niyang pumayat para sa trabaho rin and I admire her for that, for having a healthy view in life," said he.

    With both of them being busy, the couple isn’t really planning on having another baby anytime soon.

    "Kung darating ang another baby, darating. Pero sa ngayon, masaya kami na dalawa ang anak naming. Hindi naman kami nagpapa-pressure," said Agoncillo.

    The husband and wife team last worked together in "My Househusband: Ikaw Na."

  12. #2532
    3hours ago

    Philippines trends · Change
    #GetOutMyFace
    Pulse Asia
    #KasalKasaliKasalo
    Liz Uy
    #SillyOfMeToThink
    Happy Hunger Games Week
    Hello Tuesday
    PLL
    Draw Something
    The Walking Dead

  13. #2533

  14. #2534

  15. #2535

    Judy Ann misses spending time with Sarah

    Judy Ann misses spending time with Sarah

    ABS-CBNnews.com
    Posted at 03/20/2012 2:02 PM | Updated as of 03/20/2012 2:02 PM

    Actress Judy Santos. File photoMANILA, Philippines – Actress Judy Ann Santos said she misses spending time with Pop Star Princess Sarah Geronimo, whom she treats as her "younger sister" in the entertainment industry.
    In an interview with Push.com.ph, Santos said she and Geronimo have not spent time together recently because of the young singer's hectic work schedule.
    “Matagal na kami hindi nagkikita, palagi na lang text-an. Hindi na nga rin masyado yung texting kasi sobrang busy na rin siya ngayon. Last time ko siyang nakita... noong nag-guest pa ata ako sa ASAP,” she said.
    Santos, however, said they always try to keep in touch to give updates about each other’s lives.
    “Dumadalaw naman sa akin 'yan sa bahay kung minsan kapag may time siya, nagkuwe-kuwentuhan kami. Pero ngayon nga siguro dahil sobrang busy, hindi na siya makadalaw. Nami-miss ko siya bilang siya as a whole. Lahat sa kanya nami-miss ko,” Santos said.
    According to Santos, she is proud of Geronimo because she has a God-given talent that no one could ever take away from her.
    “Mayroon siyang talent na hindi niya alam mayroon siya pero kapag nakaharap siya sa camera, it just comes out naturally. Like with acting, ang tindi ng timing niya sa comedy. Hindi niya alam na may timing siya sa comedy. Pero 'pag hindi gumigiling yung camera, nakatabi lang yan sa akin. Pagka-nalulungkot sasandal lang,” she said.
    “Same goes with singing, para siyang nagmo-morph. Para siyang nagiging halimaw kapag nasa stage, kapag nagco-concert, totally ibang tao. Nakaka-amaze kasi galing ito sa isang mahiyaing tao ah,” she added.
    As Geronimo’s “older sister,” Santos said she knows the singer-actress will be able to go through anything because she has a very strong personality.
    “Feeling ko kumukuha siya ng strength sa talent niya. Ito talaga 'yun eh, ito 'yung gusto niya. She wants to sing, she wants to act and dito ko nakikita na she’s her own person kapag nakaharap siya sa camera. Walang nagdi-direct sa kanya kung anong gagawin niya, walang nagmamando kung anong diskarte kung kelan siya ngingiti, kung kelan siya tatawa, iiyak. Lahat 'yun kanya lang. At lahat 'yun kaya niya, hindi lang niya siguro napapansin na kaya niya pero kaya niya eh, mahusay siya,” she said.
    Santos and Geronimo first worked together in the movie “Hating Kapatid.”

  16. #2536

    Judy Ann, nami-miss si Sarah

    Judy Ann, nami-miss si Sarah
    SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated March 21, 2012 12:00 AM Comments (1)

    Matagal-tagal na rin mula noong nagkasama sa pelikula sina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos pero hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin daw ang dalawa. Maituturing daw ni Judy Ann na isa si Sarah sa mga pinakamalalapit niyang kaibigan sa industriya. “Matagal na kaming hindi nagkikita, palagi na lang text-an. Hindi na nga rin masyado ’yung texting kasi sobrang busy na rin siya ngayon. Last time ko siyang nakita, ganun na katagal kasi hindi ko na maalala. Noong nag-guest pa ata ako sa ASAP. Pero dumadalaw naman sa akin ‘yan sa bahay kung minsan kapag may time siya, nagku-kuwentuhan kami. Ngayon nga siguro dahil sobrang busy, hindi na siya makadalaw. Nami-miss ko siya bilang siya as a whole. Lahat sa kanya nami-miss ko,” nakangiting kuwento ni Judy Ann.

    Samantala, alam din daw ng aktres ang pinagdaanan ni Sarah noong isang taon kaugnay sa buhay pag-ibig ng singer. Hinangaan daw ni Juday ang pagiging matatag ni Sarah sa lahat ng mga nangyari sa kanya. “Feeling ko kumukuha siya ng strength sa talent niya. Ito talaga ‘yun eh, ito ‘yung gusto niya. She wants to sing, she wants to act, and dito ko nakikita na she’s her own person kapag nakaharap siya sa camera. Walang nagdi-direct sa kanya kung anong gagawin niya, walang nagmamando kung anong diskarte kung kelan siya ngingiti, kung kelan siya tatawa, iiyak, lahat ‘yun kanya lang, at lahat ‘yun kaya niya. Hindi lang niya siguro napapansin na kaya niya eh, mahusay siya,” paglalarawan pa ni Juday kay Sarah.

  17. #2537


    Gino dela Pena ‏ @ginodelapena Close
    So blessed to have a picture with Judy Ann santos (mrs Agoncilio) she's so beautiful and charming #mumuntinglihim

  18. #2538

  19. #2539

  20. #2540

Page 127 of 165 FirstFirst ... 27 77 117 126 127 128 137 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

UAAP:

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

read more
PBA:

Third-party agency admits NBA declined request for sanction on Gilas event as early as April

Third-party agency admits NBA declined request for sanction on Gilas event as early as April

read more
LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

Senator Osmena criticizes PNoy for being "disrespectful", "childish" for DAP defense

Senator Osmena criticizes PNoy for being "disrespectful", "childish" for DAP defense

read more
SHOWBIZ:

Raymart Santiago slams Claudine Barretto camp for "battered wife" allegation

Raymart Santiago slams Claudine Barretto camp for "battered wife" allegation

read more
TV:

Tensions flare between Jane and Joshua over "touchy" remark

Tensions flare between Jane and Joshua over "touchy" remark

read more
SPORTS:

PLDT batters Air Force 25-15, 26-24, 25-22 in Shakey's V-League

PLDT batters Air Force 25-15, 26-24, 25-22 in Shakey's V-League

read more
CHIT CHAT:

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

read more