PHOTOS: ADMU Ousts UST

The ADMU Lady Eagles overpowered UST in 4 sets, ousting the Golden Tigresses and advancing to the V-League finals

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: Star Trek

Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike.

read more

PHOTOS: Alaska Rips Ginebra

Alaska were on fire as they dominated Ginebra from the get-go, cruising to an 87-70 victory and taking Game 1 of the Finals

read more

PROMO: Epic

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic!

read more

Page 65 of 83 FirstFirst ... 15 55 64 65 66 75 ... LastLast
Results 1,281 to 1,300 of 1657
  1. #1281
    DAHIL SA PAG-IBIG
    JUNE 7, 2012/ THURSDAY
    http://www.pinoytvfriends.com/2012/0...l#.T9SlO5jbyJQ

    US - Makikiusap si Alfred na tulungan sya na sagipin si Jasmin kay Oliver. Sasabihin ni Agnes na hindi naman nya matutulungan si Alfred dahil matagal na daw silang wala ni Oliver. Ipapaalala ni Alfred na ilang linggo lang ang nakakaraan ng Makita nya sila sa ospital ni Oliver na nagsasabihan ng “i love you” sa isa’t isa kaya hindi sya naniniwala na wala na sila. Iinsist ni Agnes na hindi nya talaga kayang tulungan si Alfred sabay walkout papunta sa CR para di sya masundan ni Alfred. Pagpasok dun ay agad nyang tatawagan si Oliver pero hindi naman maririnig ni Oliver ang tawag nya dahil kausap nito si Jasmin. Aksidenteng mapipindot ni Yaya Seding ang telepono ni Oliver paglapag nya ng pagkain kaya maririnig ni Agnes ang masayang usapan nila Jasmin at Oliver. Kinabukasan bago pumasok si Agnes sa opisina nya ay naka-abang si Alfred sa labas ng bahay nya pero hindi sya kakausapin ni Agnes. Dahil mapilit talaga si Alfred ay maging sa opisina ni Agnes ay kukulitin nya ito, hanggang sa park. Madadama ni Agnes na hinaharass na sya ni Alfred at sasabihin nya na kung di sya titigilan nito ay ipapapulis na nya ito. Magsosori na si Alfred matapos sabihin ni Agnes na wala na talaga syang magagawa para sa kanya. Iaabot na lang ni Alfred ang kanyang calling card kay Agnes dahil baka sakaling magbago ang isip nito ay tawagan na lang sya.

    MILAGROS – During breakfast magugulat si Wendy ng ibigay sa kanya ni Edson ang 2 invitations na iniwan ni Oliver para sa kanya. Maiinis si Wendy dahil engagement at wedding invitation ang iniwan ni Oliver na ang ibig sabihin ay itutuloy pa rin nito ang pagpapakasal kay Jasmin. Sasabihin nila Edson at Marina na matanda na si Oliver at alam naman nito ang ginagawa nya, at baka naman talagang tapos na daw sila Oliver at Agnes at si Jasmin na ang mahal nito. Magdi-disagree si Wendy dahil kagabi lang daw ay nahuli nya si Oliver na kausap ang picture ni Agnes at sinasabi nito na mahal nya ito. Kaya desisidido si Wendy na gumawa ng paraan para mapaamin si Oliver sa totoo at pigilan ang pagpapakasal ni Oliver kay Jasmin. Kaya naman tatawagan ni Wendy si Agnes at kokosensyahin ito tungkol sa relasyon nila Oliver at Jasmin. Mapapaiyak ni Wendy si Agnes at mapapaamin na talagang mahal pa nga ni Agnes si Oliver, pero sasabihin ni Agnes na mas mabuti maging malayo na lang sya kay Oliver kaya magtataka si Wendy bakit ayaw ipaglaban ni Agnes ang pagmamahal nya kay Oliver.

    Si Dan at Helen naman ay nasa park at pinag-uusapan ang tungkol sa singsing at sa hula dito. Masasabi ni Dan na noon ay pinagtatawanan nya si Madam Lucille pero ngayon ay parang naniniwala na sya dito dahil si Jasmin nga ang nagbigay ng singsing ni Helen at sa ngayon ito ang mapapakasalan ni Oliver. Pero sasabihin naman ni Helen na ngayong nasa kanya na ang singsing nya ano naman kaya ang mangyayari.

    Si Oliver at Jasmin ay makikitang nagpipicnic at pinapakita ni Jasmin ang sketch nya ng dream house niya kay Oliver. Mapapag-usapan din nila kung ilan ang gustong anak ni Oliver, magbibiro ito at sasabihin na 20 daw ang gusto nya.

    US – Matapos ang pag-uusap nila Wendy at Agnes ay titignan ni Agnes ang calling card ni Alfred parang gusto na nya itong tawagan, pero maiisip nya na di nya talaga kayang i-betray si Oliver.

    MILAGROS – Kinabukasan naman ay makikita na nasa isang feeding program sa isang ampunan sila Leo, Jasmin, Oliver, Zandro at Yaya Seding. Busy naman si Jasmin sa kakausap sa caterer sa phone nya at dahi, hindi sila magkaintindihan ay pupuntahan na nya ito para personal na silang magkausap. Sasama naman si Yaya Seding sa kanya. Maiiwan si Oliver na kasama si Leo dahil sasabihin ni Leo na gusto nyang maka-bonding ito. Ikukuwento ni Leo kay Oliver na may soft spot sa kanya ang mga batang ulila at ikukwento nya ang childhood nya kay Oliver. Habang kinukwento ito ni Leo ay inis na inis naman si Oliver dahil sa isipan nya ay si Leo ang dahilan kaya sya naulila. Masasabi rin ni Leo na minsan sa buhay ay di laging choice between good and evil, sometimes its a choice between two evils, so you choose the loser evil.

    REHAB AREA – Matatanong ni Marlon kay Ringgay ang tungkol kay Alfred kung ito daw ba ay regular priest sa simbahan. Sasabihin naman ni Ringgay na hindi ito regular dun, bisita lang daw yun ni Fr. Dio.

    US – Makakatanggap ng tawag si Alfred galing kay Mike at sinasabi nito na ikakasal na si Jasmin kay Oliver. Agad namang tatawagan ni Alfred si Oliver at sasabihin na tigilan nito ang kasal. Tatanggihan naman sya ni Oliver at ang dapat daw sisihin ni Alfred sa mabilisang kasal ay ang tatay nyang si Leo na atat na atat na ipakasal sya kay Jasmin. Sasabihin ni Oliver kay Alfred na pigilan na lang sya kung kaya nya sabay baba nito ng phone

  2. #1282
    DAHIL SA PAG-IBIG
    JUNE 8, 2012 / FRIDAY
    http://www.pnoytv.com/2012/06/dahil-...2-episode.html

    US - Makikitang naghihintay si Alfred sa bahay nila Agnes, magugulat sya ng dumating ang mommy nito at sabihin na nasa New York daw si Agnes for a meeting. Pero pag pasok sa loob ni Mrs. Javier makikita na andun naman pala talaga si Agnes, pinagtataguan lang si Alfred.

    MILAGROS – Magugulat sila Jasmin at Leo ng malaman na dumating na pala si Melinda. Nagmamadali daw syang umuwi ng malaman na ikakasal na si Jasmin.

    Si Wendy naman kinukulit si Edson na kausapin si Oliver ng lalaki sa lalaki para malaman ang totoo tungkol sa relasyon nila ni Agnes. Hindi naman nya mapipilit si Edson dahil ayaw talaga nitong makialam sa lovelife ni Oliver. Magugulat ang mag-asawa ng biglang magring ang phone ni Oliver kaya malalaman nila na kanina pa pala ito nakatayo sa may gilid at naririnig ang pinag-uusapan nila. NIyaya ni Jasmin si Oliver na samahan sila ni Melinda para dalawin si Andrea. Tatanggi naman si Oliver dahil may lakad daw sila ni Wendy. Sasabihin ni Oliver ito ay para sagutin daw ang tanong ni Wendy.

    Kinabukasan ay makikitang bumibyahe na papunta sa Rehab sila Melinda at Jasmin. Tatanungin ni Jasmin kung magkakabalikan nab a sila ng daddy nya, ang sagot ni Melinda ay hindi pa dahil gusto nyang maging maayos muna sila ni Andrea at pag-usapan pa ang ibang bagay na hindi nila pinagkakasunduan.

    US – Makaraan ang ilang araw maabutan na ni Alfred si Agnes pag-uwi nito sa bahay nya at magmamakaawa na naman sya na tuluyan ang kapatid nya. Madudulas si Agnes kay Alfred na ayaw nya itong tulungan dahil parte daw yun ng plano. Kaya malalaman ni Alfred na talagang alam nga nya ang plano ni Oliver para kay Jasmin. Kaya naman pagbaba ni Agnes ay sasabihin nya na makikinig na sya sa mga sasabihin ni Alfred. Sasabihin ni Alfred na bago sya naging pari ay anak at kapatid muna sya, kaya ang ikinumpisal sa kanya ay hindi nya lang basta pwedeng talikuran. Ipagtatanggol ni Agnes si Oliver kay Alfred saying hindi sya dapat manghusga dahil hindi nya lubusang kilala ito at hindi nya alam kung ano ang pinagdadaanan nito. Sasabihin din ni Maricar na wag syang husgahan ni Alfred na basta lang nangungusinte dahil di naman nito alam ang nararamdaman nya, dahil naghihirap din naman ang kalooban nya pero iniintindi nya si Oliver.

    REHAB CENTER – Marereunite na si Andrea sa nanay nyang si Melinda. Improving na daw ito at baka di magtagal ay mailabas na ito. Matatouch naman si Jasmin sa nakitang reunion ni Melinda at Andrea. Ibabalita ni Jasmin kay Andrea ang tungkol sa nalalapit nilang kasal, at dahil nagbago na si Andrea ay iko-congratulate nya si Jasmin. Matapos yun ay magyaya syang ilabas naman sya ng nanay nya.Pupunta ng simbahan sila Andrea, Jasmin at Melinda para magdasal. Matapos magdasal ay mageexcuse si Andrea na lalabas na muna para bumili ng maiinom.

    BUNDOK NI BENJAMIN - Dinala ni Oliver si Wendy sa puntod ng pamilya nya. Ipapakilala ni Oliver si Wendy sa mga magulang at kuya nya. Mapapagdesisyunan ni Oliver na wag na munang sabihin kay Wendy ang pagtraydor ni Leo kay Edson, hanggang dun na muna sa pagpatay nito sa pamilya nya. Maya maya pa ay ipagtatapat na ni Oliver kay Wendy na kilala na nya ang pumatay sa tatay nya at yun ay si Leo Valderama. Mapapagtagpi-tagpi na ni Wendy kaya masasabi nya na kaya papakasalan ni Oliver si Jasmin kahit hindi nya ito mahal ay para gantihan si Leo. Hindi naman sasang-ayon si Wendy sa pag-gamit ni Oliver kay Jasmin para sa paghihiganti nya, kaya magtatalo sila ni Oliver. Sasabihin ni Oliver na kung di naman sya susuportahan nito ay wag na syang pigilan at sermunan dahil di nya alam ang pakiramdam ng Makita ang magulang mo na patayin sa harap mo, at ang mangako na hahanapan sila ng hustisya pero patuloy na mabigo. Magsosori si Wendy kay Oliver at mangangako na tulungan syang humanap ng ebidensya laban kay Leo.

  3. Jun 11, 2012, 01:42 AM

  4. #1283
    maganda ang story nito at ang attempt...medyo kakaiba sa mga nakagisnan na teleserye, pero medyo mabagal lang ang development...may mga araw na magandang maganda ang isang episode, tapos papatayin na naman nila the next day ng isang walang ka kwenta kwentang ganap...dapat everyday may isang pasabog na eksena...pero maganda talaga tong serye na to, kung okay lang sana talaga ang pagka execute...

  5. #1284
    balik-istambay uli ceedee's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    nasa kanto uli
    ^^ I don't think mabagal ang story development dito. kasi binubusisi talaga ng mga writers ang bawat subplots ng story to create a whole story. ang maganda pa dito, they researched well in order to adapt into current settings. kaya tingin ng iba, mabagal ang storytelling. sa totoo lang, ang dami kong natutunan sa serye na ito regarding sa priesthood life. and so far, I'm very satisfied with the flow of the story unlike dun sa kabilang serye na nawindang na talaga ako.

  6. #1285
    Quote Originally Posted by RoseFina View Post
    Natawa naman ako dito promise
    Yes, I agree misposted lang yan! Obviously yung isang show ang dragging na at ikot ng ikot dahil natotorete na ang mga writers kung paano ito pahahabain, a common pinoy soap sickness na pilit pinahahaba. Why not stick to the original plan, para di nagsa-suffer yung integridad ng story and the soap itself. Besides, abscbn has tons of other soaps in the line up! Si Dawn lang din ang gusto ko dito and Richard of course.

    Now, back to our regular programming
    Friday's epi was brilliantly edited except dun sa singit scenes with jasmin, andrea & her mom in the church which I find unnecessary & boring. They could have used the time for a much relevant and interesting scene. The exchange of dialogues between Fr Alfred & Agnes in States and Oliver & Wendy in the Bundok was very well done and acted. Although PJ delivered his lines superbly & naturally, medyo nakulangan ako kay Maricar dito. I couldn't say the same for Echo and Denise coz these two were just great in this scene. Yung galit ni Oli kay Wendy when he heard her insult Agnes, sobrang galing nung scene na yon. Yung outburst ng emotion and pati yung stunned reaction from Wendy, ang husay nila talaga.

    I just love where this soap is going. Gusto ko yung pinag-iisip nila ang mga viewers kung ano ba ang mga mangyayari. It keeps the viewers on their toes wanting for more. Next week's revelation...am hoping that Fr Alfred will remember who he really was is exciting!

    Thank you ABSCBN for bringing this kind of show to Philippine television. It's about time that we not only concentrate on "kilig" shows but an intelligent one like this. Kudos to staff/crew! DahilSaPagibig FTW!
    ehem, ehem.... uboh, uboh... i somewhat thought the opposite towards agnes. i felt her character completely. the pain, confusion and suffering. agnes, or maricar reyes for that matter, is always a class act. denise is somewhat okay because her the situation does not require more than what was ask. bakit ganun, they are supposed to be BFF's pero may kilig ng konti when oliver held her by the hand when they went up the burol? these two look good together.

    but inper, we feel the same way towards the magkapatid, oliver and fr alfred. and yes! superb editing and exchange of lines/dialogues. ang daming quotable quotes. especially love it when fr alfred recited parts of 1Corinthians 13. kudos to writers! friday's episode was so compelling, i don't think my eyes blinked. thanks to jasmine and mag-ina, i had a break, haha! i think they were shown to highlight jasmine's vulnerability, hence, reinforcing where fr alfred is coming from or what's at stake for him, even the err of oliver's revenge. btw, favorite one-liner on that episode was 'because jasmine is my revenge!'. such impact, WOW!

  7. #1286
    Quote Originally Posted by lee_mclino View Post
    maganda ang story nito at ang attempt...medyo kakaiba sa mga nakagisnan na teleserye, pero medyo mabagal lang ang development...may mga araw na magandang maganda ang isang episode, tapos papatayin na naman nila the next day ng isang walang ka kwenta kwentang ganap...dapat everyday may isang pasabog na eksena...pero maganda talaga tong serye na to, kung okay lang sana talaga ang pagka execute...
    agree and disagree. in my opinion, yes, medyo laylay yung ibang execution especially the first few weeks when they focused too much on the valderramas instead of trying to establish side by side or at least not neglecting the falcons until about 3rd week into airing. naging rush tuloy ang character developement and even love story of oliver and agnes. and let's face, the people behind this teleserye admitted that it's brave and somewhat unconventional, and the audience was turned off by the controversial topic like incest and even a priest who meddle too much outside his religious duties. pero nakabawi naman sila once the conflicts of other characters, particularly of Oliver, was introduced.

    as for kailangan araw-araw may pasabog, sorry, natawa ako dito. in the first place, i think that's not even possible, hehe. more importantly, that's what kills the integrity of the story. i believe though i'm not surprise, that this teleserye should not be compared with 'walang hanggan' coz it's completely different. unang-una DSP is more male-character driven whereas WH has a lot of scathing women and we all know na mas juicy and explosive kapag mga babae ang naga-away. very formulaic ang WH, typical Pinoy soap opera that's why kagat na kagat ng masa.

    but to say that DSP is not good enough is totally demented! it dares to be different and if people can not appreciate it for its merits, so be it .i think the people behind this teleserye should be proud. lastly, i feel sorry for those who are skipping this drama coz you are missing out!

  8. #1287
    Quote Originally Posted by akosiangela View Post
    Obviously nagkamali ka kung saan ka nag post mananghenya. Talagang may Alzheimer's ka na talaga. Kasi ang Dahil Sa Pagibig ay Walang Hanggan sa kagalingan. Nakakaawa ka rin naman dahil walang ng naniniwala sa iyo managhenya. Tulog ka na lang at inumin mo yong pang patulog na bigay ni Margaret. Good night!
    You are so funny! Wala ngang naniniwala sa akin, pero totoo ang mga sinasabi ko. Anak ni Emily at Marco si Daniel!

  9. #1288
    ang hinhintay kong scene kung papano mababalik ang memory ni Alfred/Boy, at kuing ano ang gagawin niya kay Gov. Valderama.

  10. #1289
    The Punisher Sydfd's Avatar
    Join Date
    Apr 2006
    Location
    Land of the Loving
    excited na for this week's episodes....!

  11. #1290
    Quote Originally Posted by mananghenya View Post
    Ano ba tong teleserye na to? Napakabagal ng development ng story. Paikot ikot lang sila. Sobrang hilo na ako and I have lost my interest. Super OA pa lahat ng charcters. Very poor directing and writing.. Wala ring chemistry ang mga main characters..
    OA ka din magreact..
    Okey naman ah.mejo matagal lang ang big revelation.. hopefully puro pasabog na this week..

  12. #1291
    I watched the first week of dsp pero nag-skip ako ng epi at hanggang bumitaw na ako kasi may pagka-OA talaga yung ibang characters. Kaya kaysa naman makonsomisyon ako, hindi na lang ako nanood. I heard patapos na ang serye, panonoorin ko ang last epi.

  13. Jun 12, 2012, 07:56 AM

  14. #1292
    balik-istambay uli ceedee's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    nasa kanto uli
    siguro akala ng iba dyan, bumagal na naman ang pacing ng story kagabi ano???

    anyway, nagpapasalamat ako sa mga writers at binalikan nila ang character ni Marlon kagabi. isa-isa na bumabalik ang mga kalaban ni Gob.

  15. #1293
    Quote Originally Posted by RoseFina View Post
    Yey! hello there. Kaytagal kang hinintay kasi I always love reading your long comments naks uboh, uboh, uboh
    well, about agnes aka mcar, my labs, the emotions were there, pero yung pagbigkas nya ng ibang lines medyo di ugma sa pandinig ko kaya po sinabi ko na medyo nakulangan ako, yun lang yun ok

    hayyy kelan kaya sila magbabalikan ni oliver? hopefully bukas na kapag bumagsak na yung ring. i can't wait to see the execution of that scene!
    paganda na ng paganda ang DSP. Nakakboring na ang Walang Hanggan, panay na lang nanalo ang mga contrabida.

  16. #1294
    Quote Originally Posted by RoseFina View Post
    Yey! hello there. Kaytagal kang hinintay kasi I always love reading your long comments naks uboh, uboh, uboh
    well, about agnes aka mcar, my labs, the emotions were there, pero yung pagbigkas nya ng ibang lines medyo di ugma sa pandinig ko kaya po sinabi ko na medyo nakulangan ako, yun lang yun ok

    hayyy kelan kaya sila magbabalikan ni oliver? hopefully bukas na kapag bumagsak na yung ring. i can't wait to see the execution of that scene!
    hahaha, magtino ka dyan. hindi natin teritoryo 'to, baka mabugbog tayo.

    and yes, i think tomorrow's epi would be epic! but i have a bad feeling that agnes will die in the end. i remember when she was hospitalized, they mentioned that her type of anemia is incurable. sana mali ang dinig or pakiramdam ko. .

    kung magkaganun, it will be absolutely tragic (calling DSP writers!). after all, their love story is ala romeo & juliet. but jasmine is not that bad after all. but i think it's utterly ironic to love the daughter of the man who killed your parents, unless oliver found in his heart complete forgiveness.

    sa tradisyon ng abs-cbn teleseryes, laging may namamatay na lead character in the end so this is not far-fetched. so brace yourselbes team Olines.

  17. #1295
    ^ why not Jasmin ang mamatay for a change.. hahahhaha

  18. #1296
    for a while there akala ko na inlove na rin kay Jasmine si Oliver ang lagkit kasi ng tingin nung pictorial nila. Or maari nga kaya lang ayaw niyang aminin dahil s paghihiganti niya. hmmmm

  19. #1297
    Quote Originally Posted by ceedee View Post
    siguro akala ng iba dyan, bumagal na naman ang pacing ng story kagabi ano???

    anyway, nagpapasalamat ako sa mga writers at binalikan nila ang character ni Marlon kagabi. isa-isa na bumabalik ang mga kalaban ni Gob.
    para sa akin tama lang yun mabilis na nga ang takbo ng kwento nila kaya enjoy ako nanonood kahit late na

  20. #1298
    Custom User Title rockstaridol's Avatar
    Join Date
    Mar 2006
    Location
    Locked w/Rorschach
    Quote Originally Posted by mananghenya View Post
    Ano ba tong teleserye na to? Napakabagal ng development ng story. Paikot ikot lang sila. Sobrang hilo na ako and I have lost my interest. Super OA pa lahat ng charcters. Very poor directing and writing.. Wala ring chemistry ang mga main characters..
    LOL maybe you are talking about the show where you are currently in This show trumps WH now. It's far from perfect and from being a classic, but at the rate WH is going, nilalampaso ng DSP ang WH in terms of pacing and character development.

  21. #1299
    balik-istambay uli ceedee's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    nasa kanto uli
    Quote Originally Posted by dewed View Post
    for a while there akala ko na inlove na rin kay Jasmine si Oliver ang lagkit kasi ng tingin nung pictorial nila. Or maari nga kaya lang ayaw niyang aminin dahil s paghihiganti niya. hmmmm
    let's all see how Cristine (Jasmine) will fare in her confrontation scene with Maricar (Agnes). kakayanin kaya niya ang acting nya dito. Abangan....

  22. #1300
    Quote Originally Posted by ceedee View Post
    let's all see how Cristine (Jasmine) will fare in her confrontation scene with Maricar (Agnes). kakayanin kaya niya ang acting nya dito. Abangan....
    ok naman na si CR ngayon compared nuon.. i think she can deliver, thou not as intense nina Echo but she can.. hindi na nakakatawa...

Page 65 of 83 FirstFirst ... 15 55 64 65 66 75 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Whats Happening

Sub title

The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more


PROMO: Epic
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic! view more


The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more


Caught Up Default

Sub title

Trailer: The Great Gatsby
Baz Luhrmann directs an ambitious, visually stunning tale of love, dreams, and tragedy in The Great Gatsby. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more


Review: One Piece
Is One Piece Film Z an epic nautical adventure worth experiencing? Find out in this review! view more


Review: Trance
Director Danny Boyle delivers tons of twists and turns in this well-written mind-bending action thriller view more




Forums Directory