
Alaska survived a late-game rally by Ginebra to win 104-90, leading the series at 2-0 and now one win away from the title.
read more
The ADMU Lady Eagles overpowered UST in 4 sets, ousting the Golden Tigresses and advancing to the V-League finals
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike.
read morecan somebody post a link where I can listen to Echo's new song...please....
Ano yon? Buhay and daddy ni Andrea?
DAHIL SA PAG-IBIG
MAY 22, 2012 / TUESDAY
http://www.pnoytv.com/2012/05/dahil-...2-episode.html
Makakapasok si Oliver sa bahay ng mga Valderama at magtatagumpay na makapasok sa kwarto ni Leo at buksan ang vault nito. Pero wala nga syang matatagpuan na mga dvd’s sa loob nito. Biglaan namang uuwi sila Leo at Zandro at mapapansin ang kotse ni Oliver na nakapark malapit sa bahay nila. Pagdating nila Leo sa bahay ay sasabihin ni Yaya Seding na kanina pa nakauwi si Oliver. Sa loob ng bahay ay nataranta naman si Oliver ng marinig na may dumarating mapapapasok sya sa kwarto ni Jasmin na pilit syang papalabasin. Dahil hindi naman naniniwala sila Leo magmamadali silang pumasok sa bahay at maririnig ang komosyon sa taas. Pagpanik nila ay maabutan nila si Oliver na nakaluhod at tinatanong si Jasmin ng “will you marry me?” sasabihin ni Jasmin na nabigla sya dahil ni hindi nga sila magkarelasyon ni Oliver tapos ay tatanungin sya nito ng ganun. Walang magagawa si Oliver kungdi ang magsorry dahil nashock nya si Jasmin sa ginawa nya. Sa loob ng bahay ay pinag-uusapan naman nila Leo at Zandro ang ginawang proposal ni Oliver, weird daw ito. Pag-uwi ni Oliver ay tatawagan sya ng daddy nya at kakamustahin ang pagbukas nya ng vault. Sasabihin nya lahat ang nangyari hanggang sa bigla syang napa-propose ng kasal kay Jasmin.
KInabukasan ay humahangos si Yaya Seding sa simbahan ng Guadalupe at binabalita dito na ikakasal na si Jasmin at Oliver.
Makikita naman si Oliver at Agnes na iniisip ang isa’t isa. Umiiyak silang pareho, habang nakatingin si Agnes sa mga pictures nila ni Oliver, si Oliver naman isa-isang dini-delete ang mga pictures niAgnes sa cellphone nya.
Kinagabihan ay mag-aapologize si Oliver kay Jasmin sa harapan nila Leo at Alfred. Hindi papayag si Jasmin sa kasal agad kaya kakailanganing manligaw na muna ni Oliver Hihingi naman si Oliver ng chance na mapatunayan nya na malinis ang intension nya kay Jasmin. Magkakausap si Oliver at Alfred kung saan mababanggit ni Alfred na kailangan ni Jasmin ang isang katulad ni Oliver para maging maligaya ito. Ipagkakatiwala ni Alfred si Jasmin kay Oliver, at mangangako naman ito na gagawin nya ang lahat para maging maligaya si Jasmin. Mag-uusap din si Jasmin at Leo kung saan sasabihin ni Leo sa anak nya na hindi naman nya ipagpapalit ang kaligayahan ni Jasmin para lang masagip ang kumpanya nila. Ayaw nya nito na mag-asawa si Jasmin dahil sa pangangailangan nila sa pera.
Uumpisahan na ni Oliver ang panliligaw kay Jasmin. Kakantahan nya ito sa isang resto na may magandang set-up at matapos kumanta ay bibigyan nya ng bulaklak.
kawawa naman si Jasmin, she's happy now, pero paano kaya pag-nalaman niya na kunwari lang pala ang lahat... baka ma trauma na sya na magmahal... [kasi base sa mga actions and dialogue ni Oliver, it doesn't look like he's falling for Jasmin.]..
life nga naman... bumabalik na agad kay Oliver ang parusa sa revenge nya.... idaan kasi sa malinis na paraan....
Went back to my 'imaginary plot'
Jasmine is slowly falling for Oliver... that part is progressing.
Will Agnes commit suicide? Not sure. But she succumbs to depression and gets hospitalized... close enough. hehehe
Maricar earned her talent fee, and somewhat stole the show, tonight with that brief 'breakdown' scene. Nakabawi na ang production dun sa mga lame ipad-tinkering scenes...
Oliver has got to be the most complicated character on this show right now. Kudos to Echo. That last scene with Father Alfred was so exciting! I can't wait till the two brothers finally find out the truth about each other's identity...
I like Agnes and Oliver, but I have to admit, Echo and Cristine also have chemistry. I really enjoy Jasmin and Oliver's scenes together, but that last scene with Agnes and Oliver really broke my heart, and made me realize I still want Agnes and Oliver in the end.
he eventually fall for Jasmin.
remember sa trailer, @3:45
http://www.youtube.com/watch?v=BhWNV...eature=related
may confession siya kay Fr. Alfred na "hindi sapat ang pagmamahal ko para malampasan ang labis kong galit"
malamang sa ibang confession ito mangyayari.
anyway, dahil sa mga conflicts na ito, supposed to be maganda ito.
lately, parang ayow kong manood dahil parang wala halos nangyayari
DAHIL SA PAG-IBIG
MAY 23, 2012 / WEDNESDAY
http://www.pnoytv.com/2012/05/dahil-...2-episode.html
Patuloy na nanliligaw si Oliver kay Jasmin at ang paraan nya ng panliligaw ay nagpapaalala kay Jasmin sa mga dating ginagawa sa kanya ni Alfred. Ang pilit na paggising sa kanya, pagbuhat at pagdala sa kanya sa hapagkainan, sinusubuan sya, at maalam din sa pamamalengke. Matatanong tuloy ni Jasmin kung nagpaturo ba itong manligaw kay Alfred. Makalipas ang ilang araw ay dadalhin ni Oliver si Jasmin sa beach at muli doon ay magpopropose ito kung saan naman finally ay sasagutin na sya ni Jasmin pumapayag na itong magpakasal sa kanya. Habang nakayakap naman si Jasmin sa kanya ay maalala ni Oliver si Agnes. Makikita naman si Agnes na mahihimatay habang nag-iispeech sa harapan ng mga empleyado ng Javier Corp. Kinabukasan ay makikitang masayang nag-uusap si Jasmin at Alfred bilang magkapatid tungkol sa nalalapit na kasal ni Jasmin. Kinagabihan ay magse-celebrate sila Jasmin, Alfred at Leo sa pagtanggap ni Jasmin sa proposal ni Oliver.
Dadalawin nila Jasmin at Oliver si Andrea sa rehab center. Hindi naman Masaya si Andrea na Makita si Jasmin pero Masaya syang Makita si Oliver. Magugulat si Jasmin na magkakilala na pala ang dalawa. Maya-maya ay magpapaalam si Jasmin na pupuntahan na muna si Janus kaya makakapagkwentuhan si Andrea at Oliver tungkol sa vault at kay Leo. Ikukwento ni Oliver na wala naman laman ang vault. Sasabihin naman ni Andrea na sana daw ay maniwala na lang sya sa sinasabi nya dahil hindi naman sya baliw. Makukwento nya kay Oliver kung bakit nya sinasabing masama si Leo, kasi nung araw na namatay ang daddy nya tumawag pa daw ito sa kanya at sinabi na wag magtiwala kay Leo. Kaya lang di nya agad nasabi sa mommy nya kaya nung sinasabi na nya wala ng gustong maniwala sa kanya. Sasabihin ni Oliver na naiintindihan nya si Andrea dahil ganun din daw sya nung bata sya punong puno ng galit pero nagbago sya. Mangangako si Oliver na tutulungan si Andrea kaya naman nung nagpaalam na sila Jasmin at Oliver kay Andrea nanibago si Jasmin na mabait na ulit si Andrea sa kanya.
Si Alfred naman ay dadalaw bilang guest priest sa parish ng dati nyang kaklase sa Rome. Bago naman magumpisa ang misa ay lumabas si Alfred sa simbahan at nakakita sya ng isang taong grasang bulag na kahawig ng tito Marlon nya. Sasabihin naman ng tinderang kasama nito na matagal na nyang kilala si Mang Carding.
Dadaan sila Jasmin at Oliver sa vacation house nila at sasabihin ni Jasmin na dahil napapangako ni Oliver si Andrea na magtitino ipagluluto daw nya ito.
US – mako-confine si Agnes dahil sa pagkahimatay nito. Sasabihin ng doctor sa nanay nya na depressed daw ito, kulang sa tulog at hindi rin nagkakakain. Dahil dito ay maiisipan ng nanay nya na tawagan si Oliver para malaman ang nangyari kay Agnes. Sobrang mag-aalala si Oliver at mageexcuse kay Jasmin na may kailangan file sa kumpayan para makalabas at matawagan si Agnes. Pagsagot ni Agnes ay pareho na silang maluluha habang nakikiusap si Agnes na bumalik na si Oliver sa tabi nya dahil kailangan nya ito. Hindi na makakapagsalita si Oliver at ibababa na lang ang phone nya. Magdadrive sya hanggang sa makarating sa isang simbahan. Maiisipan nyang mangumpisal. Papasok sya sa booth at sasabihin sa pari ang poot na nilalaman ng puso nya at ang balak nyang paghiganti at pagsira sa pamilya ng isang tao. Matapos mangumpisal ay tatayo na agad sya para lumayo pero lalabas naman ang pari sa loob ng kumpisalan dahil nabosesan nya ang nangumpisal. Malalaman ni Oliver na si Alfred pala ang pari na napagsabihan nya ng kanyang plano.
I don't think Oliver will ever love Jasmin dahil revenge lang ang nasa isip niya. I think yung line na yan means na kahit gaano niya kamahal si Agnes hindi iyon sapat para kalimutan niya yung plano niya na pagbayarin si Leo Valderama.
Naging dragging nga yun story pero I think it's beginning to pick up na. Ngayon na nalaman na ni Fr. Alfred ang plano ni Oliver, ano kaya ang gagawin niya to stop him? It's going to be brother against brother until he finds out the truth about his dad. Exciting!![]()
@coachlv
it makes much more sense to me that Oliver will eventually fall for Jasmin, dahil habang sinasabi ni Oliver iyung confession niya sa trailer, nalipat ang frame kay Jasmin. But your explanation na si Agnes ang tinutukoy niya ay plausible din.
but after this, I'm also eager to know kung ano iisipin at mararamdaman ni Alfred kapag malaman niyang si Leo ang nakapatay sa kanyang tunay na ama
pwede din yung scene na tinutukoy mo ay yung original version pero iniba nila. remember they re-shot some of the scenes. for some reason I don't see Oliver going to another confession![]()
looking forward din ako sa mangyayari diyan. how will Fr. Alfred handle the truth? will he practice what he preach and forgive? or, will he forget all his promises to God at magsasanib pwersa sila magkapatid para itumba si Leo Valderama? abangan....
but base on his confessions last night,.. i think not...[but i can be wrong in the near future].. but with his confessions, right now it's not possible... it can also mean Agnes... hmmm, her asking him to come home.. then he went home... maybe her next request will be for him to stay, forget and move-on.. and let God judge Leo... pero di kaya ni Oliver yun....he wants revenge? pwede rin diba?
don't base things on trailers/teasers... they are just their to tease and attract viewers....
@RyuTaige
wait and see tayo.
if si Agnes nga all the way ang mahal ni Oliver, then it means kahit kulang airtime nya, malaki pa rin talaga magiging role niya at hindi lang extra. Who knows, posible ring magsuicide siya as a poster above speculated
if eventually magfall si Oliver kay Jasmin as I am inclined to believe, then it will really be a major, major conflict para kay Oliver dahil para matuloy ang kanyang paghihiganti ay kakailanganin nyang saktan hindi lamang si Leo kundi pati na rin si Jasmin.
If this scenario happens, it opens the door to the scenario that Oliver will have a change of heart and not push through with his plan to murder Leo Valderama dahil sa pag-ibig