PEx Highlights

UAAP End of Eliminations Power Rankings

Fun times in Katipunan, the streaking Red Warriors and a very happy Norbert Torres. All that and more in this week's power rankings!

read more

PHOTOS: Adamson Finally Captures Elusive Win

Check out match scenes from the final elimination game of the UAAP Men's Basketball season!

read more

First BPO Choice Awards Official Launch

The Core Productions, Inc., presented the first industry and awards night that revels the voice of the IT-BPO industry at the ICITE Auditorium.

read more

Show Me Your One Big Teeths!

Virgie is absent but Merly has a special guest in this week's episode! Find out who it is in this week's Cheerdance edition of Show Me Your Teeths!

read more

FEATURE: The Travails of Chot Reyes

Find out as Jay P. Mercado weighs in on the criticism handed to our national basketball team coach, Chot Reyes.

read more

MOVIE REVIEW: Wish I Was Here

Joey King breaks out in her role in a pretty decent dramedy, Wish I Was Here.

read more

Page 49 of 83 FirstFirst ... 39 48 49 50 59 ... LastLast
Results 961 to 980 of 1657
  1. #961
    Hello padaan po



    Thank You so much po for the space! ♥

  2. #962
    Quote Originally Posted by pruedish View Post
    Ask ko lang, ano pala yung instrumental song na tinutugtog kapag scene na ni Piolo and Christine?
    The title of the music is SO IN LOVE, composed by the musical director / scorer of the show DSP. :-)

  3. #963
    Quote Originally Posted by Liyah08 View Post
    Over exposed na si Andrea! LOL!

    I watched it tonight while it was showing on TV. Usually I just watch the replays online. Anyway, I was so bummed that it was that annoying character that I first saw on the first scene, which lasted for an agonizingly long moment. urgh! I think I agree with kkk11, I want to kill her off and let her rot in the dumps. I feel like becoming a criminal because of her. I have never felt this strongly towards a fictional character before. She just have this effect on me.

    bwisit din ako sa character na yan, nung bata ang artistang yan ok naman pero ngayon nakabwisit talaga

  4. #964
    Banned by Admin
    Join Date
    May 2012
    Location
    Land Down Under
    pwede bang ipost ang love scene ni Cristine with Fafa Fiolo?

    isaw: kapamilya goldmemvah

  5. #965
    Calling Leo Valderama ---> Andrea
    naiirita na kami sa kanya, pati si father Alfred inaaway
    hahaah joke lang.

  6. #966
    effective ang role ni andrea. i like andrea it looks like oliver wants to get information from andrea about leo v.

  7. #967
    DAHIL SA PAG-IBIG
    MAY 3, 2012 / THURSDAY
    http://www.pnoytv.com/2012/05/dahil-...2-episode.html

    Maabutan ni Leo si Alfred at Jasmin sa loob ng kwarto ni Alfred habang sinosoli ni Jasmin ang kwintas ni Alfred. MAgpapaliwanag si Jasmin na kaya lang sya nasa loob ng kwarto ni Alfred ay dahil sa kwintas. Tatanungin ni Leo ang tungkol sa nakita ni Andrea sa may ilog, sasabihin ni Alfred na muntik na kasing malunod si Jasmin kaya binigyan nya ng CPR. Tatanungin ni Leo for one last time ang mga anak nya kung talaga bang wala na silang nararamdaman para sa isa’t isa, sasagot silang dalawa na matagal na daw yun at wala na daw ang dati nilang nararamdaman para sa isa’t isa. Sabay ng lalabas si Leo kasama si Jasmin dahil hindi raw maganda sa isang babae ang pumapasok sa kwarto ng isang lalaki.

    Nang makabalik sa simbahan si Alfred para magmisa sumasabay sya sa paghingi ng tawad sa Diyos sa nangyari sa kanila kanina lang ni Jasmin. Habang si Jasmin naman ay naglalabas ng sama ng loob kay Yaya Seding. Naiinis sya dahil madumi ang isip ni Andrea at ng daddy nya. Papaliwanag ni yaya Seding na di daw kasi mawawala sa isip ng mga tao ang tungkol sa kanila ni Alfred hanggang di sya nakikita na may kasamang ibang lalaki. Ibig sabihin daw kasi ng di pakikipag date ni Jasmin ay di pa sya nakakamove-on kay Alfred. Nung gabi din yun ay hihingi ng tawad si Leo kay Jasmin, sasabihin nya na nadala lang daw sya ng emosyon nya. Aaminin naman ni Jasmin na nasaktan sya sa pagdududa ng daddy nya sa kanila ni Alfred pero naiintindihan naman daw nya kung saan nanggagaling ang daddy nya. Sasabihin ni Leo na subukan daw ni Jasmin na makipagdate na sa iba, sasang-ayon si Jasmin dahil si Alfred at Yaya Seding yun din daw ang sinasabi. Mangangako si Jasmin sa daddy nya na magmo-move-on na sya.

    Kinabukasan makikitang nageexercise sila Alfred at Oliver sa isang park, pero hindi sila magkikita. Habang nagjo-jogging si Alfred ay may makikita syang mga batang rugby, maalala nya si Andrea na baka daw matulad sa mga batang ganun. Sa bahay naman ng mga Zaguirre pag-uwi ni Oliver ay tatanungin sya ni Wendy kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan nila ni Agnes. Bakit daw ba talaga sila naghiwalay? Sasabihin ni Oliver na hindi naman sa ayaw nyang sabihin kay Wendy ang tungkol dito, hindi pa daw kasi sya handing pag-usapan ang tungkol dito at sana maintindihan ito ni Oliver. Matapos humingi ng sorry si Wendy ay tatanungin ni Oliver ang statute of limitation ng murder sa Pilipinas – 20 yrs daw sabi ni wendy according sa revised Penal Code. Maya maya pa ay darating na si Edson, sasabihin ni Wendy kay Oliver na mahal na sya ng asawa nya ay balak na nilang bumuo ng pamilya.

    US – Makikita naman si Agnes na kausap ang kanyang nanay tungkol sa paghihiwalay nila ni Oliver. Pinipilit sya ng nanay na makipagbalikan kay Oliver, pero iiwasan ni Agnes ang topic at sasabihin sa nanay nya na saka na lang daw nila pag-usapan yun dahil busy pa sya.

    FALCON IND – Tatawagan ni Dan si Leo at sasabihin na in constant communication daw sya kay Dennis Velasco at wag mag alala about sa pag-iinvest nila sa Velasco Corp. Positive naman daw so far ang tingin nila sa proposal ng Velasco Corp.

    GUADALUPE – Magkakausap sila Alfred, Mike at Theo. Sinasabi ni Alfred sa kanila ang tungkol sa Drug problem na nalaman nya. Magugulat sila na merong drug problem ang Milagros. Magdedecide sila na sabihin ito sa Mayor nila na si Edson Zaguirre. Ipapagpatuloy nila ang usapan ang about drugs over breakfast nila. Sasabihin ni Mike na yayain sa charismatic group nila yung mga batang nag-da-drugs. Suggest nila kay Alfred na tanungin yung batang nakausap sa Brgy Solana kung sino ba ang supplier nila. At pag nalaman na nila kung sino si Theo ang magsasabi kay Edson samantalang si Alfred na ang bahalang dumirecho kay Gov. Leo.

    ZAGUIRRE MANSION – habang nagbebreakfast sila Oliver, Wendy at Edson. Pasimpleng kumukuha ng impormasyon si Oliver sa mag-asawa tungkol kay Leo Valderama. Malalaman nya na minsan daw namimigay ito ng pera out of his own pocket. Tatanungin ni Oliver kung corrupt daw ba as a governor si Leo, sasabihin ng mag-asawa na hindi naman daw. Mapapansin ni Oliver na wala syang makukuhang baho ni Leo kila Wendy. Kinagabihan ay maguusap sila ng tatay nya at sinabi nya na wala syang napala sa pagtatanong kila Wendy. Hahanapin na lang daw muna nya si Andrea dahil ito lang ang nagsasabi na masamang tao si Leo.

    Kinabukasan hahanapin ni Oliver si Andrea at makikita nya ito sa park na sumakay sa isang motor kaya papasundan nya ito sa driver nya. Habang si Alfred ay pinuntahan ulit si Janus at yayayain na sumali sa charismatic group, mauuwi ang usapan nila sa pagtatanong ni Alfred kung sino ba ang supplier ng drugs ni Janus.

  8. #968
    DAHIL SA PAG-IBIG
    MAY 4, 2012 / FRIDAY
    http://www.pnoytv.com/2012/05/dahil-...2-episode.html

    GUADALUPE - Sasabihin ni Janus na naninidak daw si Alfred, sasabihin naman ni Alfred na masama ang ginagawa nya dahil hindi lang buhay nya ang sinisira nya kungdi pati na rin buhay ng ibang tao. Makikita naman natin si Oliver na nakarating rin sa brgy kung nasaan si Alfred. Umakyat ng bubong si Oliver dahil hindi nya mahanap kung nasaan na si Andrea. Tatakasan naman ni Janus si Alfred sa pamamagitan ng pagsakay nito sa motor ng kaibigan nila ni Andrea. Hahabulin sya ni Alfred sa pamamagitan din ng motor na hiniram nya. Makikita ni Oliver ang habulan nila Alfred at ng mga bata kaya tutulungan nya ito dahil andun din ang sadya nya na si Andrea. Bigla namang ibaba nila Janus si Andrea at bibigay nya dito ang bag nya para itakbo na daw ni Andrea. Sa wakas maabutan na rin ni Alfred sila Janus sa tulong na rin ni Oliver. Mapapaamin ni Alfred si Janus na galing pala sa isang taga-munisipyo ang mga drugs nila. Masusuntok ulit ni Janus si Alfred kaya makakatakas ito. Magpapasalamat si Alfred kay Oliver, maalala naman ni Oliver ang kanyang kuya kay Alfred. Iimbitahan ni Alfred si Oliver na sa bahay na nila mananghalian.

    Magkikita-kita naman sila Andrea at Janus sa isang lugar at mapapagdesisyunan na sumibat na muna sila ng Guadalupe dahil tiyak na babalikan si Janus ng supplier nya dahil sinabi nya kay Alfred na galing sa munisipyo ang drugs nila.

    VALDERAMA HSE - Sa bahay naman ng mga Valderama ay pipilitin ni yaya Seding si Jasmin na magpalit ng damit ng malaman nya na lalabas ito para may bilhin, hindi raw kasi maganda ang suot nito dahil baka daw mameet nya ang lalaking para sa kanya tapos yun daw ang suot nya baka di raw sya mapansin.

    KAPITOLYO – Nag-uusap sila Leo at Edson. Malalaman ni Leo kay Edson na andito pala si Oliver sa Milagros, nagbabakasyon daw dahil nabroken hearted daw ito. Maya maya pa ay magsisimula na ang meeting ni Leo with the Mayors. Pumipili kasi sila kung sino ang tatakbong Governor sa kanilang Partido dahil magko-congressman na sya sa susunod na eleksyon. Habang nagdidiskusyon ang mga mayors makakatanggap ng tawag si Leo na nasa bahay nila si Oliver Falcon kaya magpapaalam sya na uuwi para dun kumain. Ibibilin ni Leo sa mga mayors na ituloy ang diskusyon nila.

    VALDERAMA HSE - Pagdating nila Oliver at Alfred sa bahay nila ay matutuwa si Yaya Seding at tatanungin ito kung may asawa na or girlfriend. Nang malaman nyang wala pa ay maiisip nyang bagay ito kay Jasmin. Kaya pagbaba ni Jasmin na nagpalit na ng damit ay sasabihan sya ni Yaya Seding na mamaya na lang umalis. Sasabihijn ni Yaya Seding na andito na raw ang lalaking ipapalit nya kay Alfred, magugulat silang lahat dahil pagkasabi ni yaya Seding nga pangalan ni Oliver Falcon ay nasa likod na pala ito ni Jasmin. Mapapahiya si Jasmin kila Oliver at Alfred kaya papanik na lang ulit sya pabalik sa kwarto nya. Hihingi naman ng pasensya si Alfred kay Oliver sa ginawa ni Yaya Seding. Mayamaya pa ay darating na si Leo at makakaharap na si Oliver. Magpapanggap si Oliver na okay lang sya, darating naman si Alfred at tatawagin si Oliver at ang daddy nya sasabihin nya na handa na ang lunch. Susunod na tatawagin ni Alfred si Jasmin, dahil naghihintay na daw sila Oliver at daddy nya sa hapagkainan. Pagtutulungan kumbinsihin nila Alfred at Yaya Seding si Jasmin na sumabay kumain at magtatagumpay naman sila na pababain na si Jasmin. During lunch naman ay patuloy na binebenta ni Jasmin kay Oliver, isasuggest pa ni Leo na ipasyal daw nito si Oliver. Tatanggi naman si Oliver sasabihin na okay lang sya dahil may pinahiram na driver naman daw si Wendy sa kanya. Bigla naman makakatanggap ng tawag si Leo tungkol sa away ng mga mayors kaya mage excuse sya na aalis na at babalik na sa kapitolyo. Sasabay naman si Oliver sa paglabas nya. At habang sumasakay si Leo sa kanyang sasakyan ay tinitignan sya ni Oliver at sinasabi sa sarili nya na pagbabayarin nya si Leo Valderama.

  9. #969
    Pa-daan at pa-promote...

    Vote Brigade For Jessica Sanchez



    For those who are interested to join us in voting Jessica Sanchez, here are some helpful tips for you...

    Voting numbers are posted on www.americanidol.com and on twitter by @4JessicaSanchez, @JSanchezFanClub, @Vote4Jessica, @Akazukincha15 @ThiaMegiaFanClub and others.
    6. Splitting votes (ie, voting for other contestants in addition to Jessica) has to stop since you are in effect canceling one vote for Jessica for every vote submitted for another contestant.

    Also Join Our Group for more updates...
    http://www.facebook.com/groups/pexai

    Various other voting FAQs can be found on American Idol website http://www.americanidol.com/faq/
    So this is how to vote pexers, indaytards, blujays


    1. AT&T votes



    2. ONLINE VOTES THROUGH FACEBOOK




    3. Toll-free Landlines



    4. SKYPE VOTING



    5. GLOBE7



    6. Magic Jack



    7. GLOBE Telcom or TM subscribers



    we are hoping for your cooperation Indaytards in pex, blujays and the international fans of Jessica Sanchez!!!

    DONT FORGET TO CALL FOR 2 FULL HOURS!!! SHE IS NOT SAFE!!!



    Thank you!

  10. #970
    Paano kaya ipaghihiganti ni Oliver ang pamilya niya? Echo certainly portrays his character well. He doesn't even have to talk. You can see the intensity of emotions in his eyes...anger and revenge. Now that's an actor!

    And the ring? When does the plot go back to the ring? Sinong makakahanap nito after Jasmine threw it away? All I know is I won't miss any episodes for sure.

  11. #971
    Dahil Sa Pag-ibig (ABS-CBN) 10.1%

    hindi umubra ang pagdidiklara ng paghihiganti para tumaas ang ratings inaasahan panaman ng abs yun

  12. #972
    It's intriguing kung paano ginagawa yong mga polls sa Pinas. I know a lot of people who follow DSP. And sa mga TFC subscribers worldwide - malakas ang dating ni Echo.

  13. #973
    Quote Originally Posted by akosiangela View Post
    Echo certainly portrays his character well. He doesn't even have to talk. You can see the intensity of emotions in his eyes...anger and revenge. Now that's an actor!
    ^ This I strongly agree!

    As of this moment, he is the only other character I follow besides Wendy and Edson.

    I used to follow him and Agnes together but I'm starting to feel a bit cold towards Agnes' character. She's starting to make no sense.

  14. #974
    mas may kilig nga sina Oliver at Jasmin, hindi ko kasi type si Agnes parang matanda na at medyo OA

  15. #975
    Dahil Sa Pag-Ibig - May 07, 2012 Episode 39

    http://bit.ly/ys2cP7
    http://bit.ly/ys2cP7
    http://bit.ly/ys2cP7


    Dahil Sa Pag-Ibig - May 07, 2012 Episode 39

    http://bit.ly/ys2cP7
    http://bit.ly/ys2cP7
    http://bit.ly/ys2cP7
    Last edited by GajimaGajima; May 7, 2012 at 10:58 PM.

  16. #976
    I liken Oliver and Jasmin and also agnes, sino kaya ang makaktauluyan ni olver.

  17. #977
    DAHIL SA PAG-IBIG
    MAY 7, 2012 / MONDAY
    http://www.pnoytv.com/2012/05/dahil-...2-episode.html

    CALIENTE - Hinabol ni Yaya Seding si Oliver at tinanong ito kung gusto ba syang ipagbalot ng pagkain, kasama nito ay ang pagbebenta na rin ni Yaya Seding sa alagang si Jasmin para kay Oliver. Pero tatanggi pa rin si Oliver kaya maawa si Yaya Seding para kay Jasmin.

    Naiwan si Alfred kaya naman nagkaroon sila ng pagkakataon ni Jasmin na mag-usap. Masasabi ni Alfred ang hinala nya na baka gumagamit ng drugs si Andrea dahil ang mga kaibigan nito na nakausap nya ay malinaw na gumagamit at maaari ngang nagtutulak pa ng droga. Magaalala naman si Jasmin lalo para sa kanyang kinakapatid. Sasabihin ni Jasmin na kay Daddy na muna nila sabihin ni Alfred ang tungkol sa drugs dahil baka magtampo daw ito pag kay Edson muna sinabi ni Alfred. Habang nagpapaalam naman si Alfred kay Jasmin ay dadating naman si Yaya Seding at sasabihin na hindi daw ito type ni Oliver, nahuhurt daw kasi sya para kay Jasmin dahil tingin daw nya ay expired na si Jasmin dahil di na raw pinapansin ng lalaki. Maiinis si Jasmin sa sinabi ni Yaya at sasabihin nya na sinabi nga nyang bubuksan nya ang puso nya pero hindi ibig sabihin nun na desperado na sya kaya okay lang na di sya type ni Oliver dahil hindi rin naman daw nya ito gusto.

    MILAGROS CAPITOL – Pagdating ni Leo sa kapitolyo ay sasawayin nya ang mga mayors at mapapatigil nya ang mga ito. Magkakaisa naman ang mga nag-aaway na mayors kung si Edson daw ang magiging kandidato nila for Governor. Tatanungin ni Leo si Edson kung tinatanggap ba nya ang nominasyon ng mga kapwa mayors nya. Tatanggapin ito ni Edson kaya magchi-cheers na ang mayors na mabuhay si Edson Zaguirre. Kita naman sa mga mata ni Leo at Zandro na hindi nila gusto ang nangyaring naging si Edson ang pambato ng kanilang partido bilang governor. Mapipilitan si Leo na itaas ang kamay ni Edson bilang simbolo ng pag endorse nya dito.

    ZAGUIRRE MANSION – Pag-uwi ni Oliver ay kakausapin nya ang daddy nya at sasabhin ang tungkol sa alok ni Leo na ipasyal sya ng anak nitong si Jasmin. Sasabihin din ni Oliver na miss na miss na nya si Agnes at alagaan nya ito. Mababanggit din nya na kailangan nyang magsimula kay Andrea. Matatapos ang pag-uusap nila ng makatanggap ng text si Oliver mula kay Wendy na sinasabing may thanksgiving dinner sila dahil tinanggap na ni Edson ang alok na maging kandidato ng partido nila para sa pagkagobernador.

    US - Makikita si Agnes na tinitignan ang picture ni Oliver sa kanyang Ipad habang inaalala nya ang masasayang memories nya with Oliver. Maluluha na naman sya at matatauhan lang ng makatanggap sya ng tawag sa cellphone nya.

    MILAGROS – Nagdidinner sila Edson, Wendy, Marina, Zandro, Leo at Oliver. Mapapansin ni Oliver na kahit na sinasabi ni Leo na Masaya sya para kay Edson iba ang sinasabi ng mata nito. Mageexcuse si Leo after ng toast nila for Edson at susundan naman sya ni Zandro sa CR. Maglalabas ng galit si Leo sa loob ng CR dahil sa balak ni Edson na linisin ang pangalan ng mga Zaguirre, bigla namang papasok si Oliver at tatanungin kung okay lang sya. Tatango naman si Leo at sasabihin na ayos lang sya. Nang nagpapaalam na sila Leo kila Edson matatanong ni Oliver si Wendy kung sigurado ba sya sa suporta ni Leo, sasabihin ni Wendy na “oo naman” sigurado sila dito. Pag-uwi nila ay di makatulog si Oliver at makikita sya sa may poolside na nag-iisip tungkol sa maaring masamang binabalak ni Leo laban kay Edson.

    Si Edson naman ay papasok sa dating opisina ng daddy nya at maaalaala ang mga sinabi sa kanya ng tatay nya noon. Hindi raw nya akalain na darating ang araw na magkakaroon sya ng pagkakataon na malinis ang pangalan ng mga Zaguirre. Sinasabi ni Edson sa harap ng picture ng daddy nya na kung buhay ito ay magiging Masaya sya sa naging desisyon nya. Walang kaalam-alam si Edson na may masamang balak sa kanya si Leo dahil hindi nito hahayaang umupo muli ang isang Zaguirre bilang governor ng Milagros.

  18. #978
    DAHIL SA PAG-IBIG
    MAY 8, 2012 / TUESDAY
    http://www.pnoytv.com/2012/05/dahil-...2-episode.html

    Kausap ni Alfred si Leo at sinasabi nya ang tungkol sa droga sa Milagros. Darating din sila Edson at Wendy para magsimba. Habang nagmimisa si Alfred ay nakatingin si Leo kay Edson at nag-iisip kung paano nya gagamitin ang video laban kay Edson. Finally maiisip ni Leo na gamitin ang sariling anak at ipadala dito ang video na makakasira kay Edson. Kinagabihan matatanggap ni Alfred ang isang envelope na may laman na dvd, makikita sa dvd si Edson na nakikipagpalitan ng briefcase sa isang lalaki. Mako-conclude ni Alfred na si Edson ang druglord. Kinabukasan naman ay pinag-uusapan nila Leo at Zandro ang tungkol sa dvd na pinadala nila kay Alfred ng biglang dumating si Jasmin.

    Nagmimisa si Alfred at ang sermon ay tungkol sa pagkagahaman sa pera, na mapupunta sa mga tiwaling pulitika. Mararamdaman nila Edson at Wendy na pinaparinggan ni Alfred si Edson hanggang sa lahat na ng tao ay nakatingin na kay Edson. Matapos ang misa ay pupuntahan ni Edson si Leo. Sasabihin ni Leo ang tungkol sa batang nakausap ni Alfred na sinasabing taga-munisipyo daw ang mismong nagtutulak ng droga sa kanila kaya protektado sila. Kaya babalikan naman ni Edson si Alfred at kakausapin tungkol sa drogang sinasabi nito. Gusto rin daw makausap ni Edson ang sinasabing bata ni Alfred. Sasamahan naman Alfred si Edson sa bahay ni Janus pero may kapitbahay na magsasabi na matagal na daw walang nakatira dito. Maiinis si Alfred sa pagpapanggap ni Edson kaya magkakasagutan sila kaya magwo-walkout na lang si Edson. Makikita naman sila ni Oliver na andun dahil kasalukuyan naman nitong hinahanap si Andrea.

    Pagbalik sa rectory kinukwento ni Alfred kila Mike at Theo ang nangyari kanina sa kanila ni Edson. Isasuggest ni Mike kay Alfred na dapat ng ilabas ang dvd at wag matakot sa mga consequences like masira ang pagkakaibigan ni Edson at Theo at matigil ang pagdodonate nito sa simbahan, habang si Alfred naman natatakot na masira ang pagkakaibigan ng mga Valderama at Zaguirre. Igigiit ni Mike ang mga prophetic mission nila kaya magdedecide si Alfred na aaksyon na sya at gagamitin na nya ang dvd.
    Habang si Edson naman ay galit ding sinasabi kila Wendy ang nangyari sa pagitan nila ni Alfred kanina. Si Jasmin naman ay kinakausap ang daddy nya na wag naman sanang sumuko kay Andrea.

    Magkikita si Andrea at Oliver ng lapitan ni Andrea si Oliver sa park. Yayayain ito ni Oliver na kumain at sasama naman sya. Habang kumakain ay magkakakwentuhan sila. Ipipilit ni Andrea na masamang tao si Leo at may pruweba sya. Sasabihin ni Andrea ang tungkol sa vault ng dvd na nakita nya dati sa kwarto ni Leo.

    Kinabukasan ipapapanood na ni Alfred kay Edson at Wendy ang dvd na natanggap nya. Sinasabi ni Edson kay Alfred na dinoktor ang video nay un at smear campaign daw siguro yun dahil tatakbo syanggovernor. Sasabihin ni Alfred na walang karapatang tumakbo for any government position si Edson dahil sa video na ito. Magagalit si Edson dahil sa agarang panghuhusga ni Alfred sa kanya. Papagitna naman si Wendy sa kanila at tatanungin si Alfred kung ano ba ang gusto nitong kapalit para hindi nya ilabas ang dvd sa media. Sasabihin ni Alfred na hindi nya ibibigay sa media ang dvd kung di na tatakbo si Oliver as governor or for any other position sa gobyerno.

  19. #979
    DAHIL SA PAG-IBIG
    MAY 9, 2012/ WEDNESDAY
    http://www.pnoytv.com/2012/05/dahil-...2-episode.html

    Tinuro ni Andrea kay Oliver ang kwarto ni Leo at sinabi na dun daw nakatago yung vault na naglalalman ng DVD.

    Sa opisina naman ni Leo ay kausap nya si Zandro habang masaya silang umiinom dahil nalaman na nila ang ginawa ni Alfred na sinabihan si Edson na wag ng tumakbo sa susunod na election. Medyo disappointed pa nga daw si Leo dahil akala nya ay ilalabas ni Alfred sa media ang dvd, pero okay na rin yun at least hindi pa rin tatakbong governor si Edson at yun naman ang gusto ni Leo.

    Makikita sa isang flashback noon na nalaman pala ni Leo noon na balak bumili ng helicopter ni Edson sa kaibigang si Ronald. Kinausap ni Leo si Zandro na kailangan nilang gumawa ng panangga sakaling kailanganin nila ito. Kumausap si Zandro ng isang tao na nagpanggap na tauhan ni Ronald. Pinatulog nila ang totoong taong pinadala ni Ronald at kinunan ng camera na may hawak na drugs ang pinagpanggap ni Zandro. Kaya ng dumating si Edson para ibigay ang bayad nyang pera aakalain ng nanonood ng video na bumili ng drugs si Edson sa taong nasa video.

    Darating naman na si Oliver sa bahay nila Edson at makikitang galit na galit si Edson, sasabihin ni Wendy na saka na lang sya magpapaliwanag saka hahabulin si Edson.

    Darating si Edson sa bahay ng dating Vice Mayor na si Calvento dahil iniisip nya na ito lang naman ang kalaban nya at maaaring gumawa ng video. Mauuwi sa away ng dalawa hanggang sa mabaril ni Calvento si Edson. Hahangos naman sa ospital sila Wendy, Oliver, at Marina. Sasabihin sa kanila na kasalukuyang inooperahan ang asawa nya. Napapanood din nila Alfred, Theo, at Mike ang balita tungkol sa nangyari kay Edson. Dahil sa napanood nila ay mapapasugod sila Alfred sa ospital pero pagkakita sa kanya ni Wendy ay itataboy sya nito. Sinisisi sya ni Wendy na dahil sa kanila at sa video na sinabi na nga daw fake ni Edson ay hinusgahan pa rin sya ni Alfred. Darating naman si Leo at sasabihin na dapat magdahan dahan si Wendy sa pagsasalita sa isang public place dahil baka madistort ang balita at kumalat na isang drug pusher nga si Edson. Sa gitna naman ng pag-aaway ay maririnig ni Oliver ang tungkol sa video na pinag-ugatan ng lahat ng ito. Mapapaisip si Oliver kung may kinalaman kaya si Leo dito. Aalis naman sila Alfred at pupunta na lamang sa Chapel ng hospital para ipagdasal si Edson na ilang oras na ring inooperahan dahil nagkakaroon sya ng kumplikasyon.

    Gabi na matatapos ang operasyon ni Edson at paglabas ng doctor ay sasabihin na kritikal pa rin si Edson kaya kailangan nitong mag-stay sa ICU. Awang-awa naman si Wendy habang minamasdan nya si Edson sa loob ng ICU. Ipinagtatanggol naman ni Leo si Alfred dahil hindi naman daw nya ito masisi dahil malinaw naman daw na si Edson ang nasa video. Maririnig ito ni Oliver at maisisip na may video at drug dealing pala ang pinagmulan ng lahat. Lalabas sila Jasmin at Oliver at papaliwanag ni Jasmin kay Oliver ang tungkol sa prophetic mission ni Alfred at sabihin daw sana ito ni Oliver kay Wendy. Mapuputol naman ang usapan nila ng dumating si Leo para sunduin si Jasmin. Pag-alis ni Jasmin ay maiisip ni Oliver kung ang video ni Edson ay isa sa mga nasa vault na sinasabi ni Andrea na nasa kwarto ni Leo.

    Pag-uwi naman sa bahay ay kausap ni Leo si Zandro at sinasabi nya na hindi nya akalain na aabot sa barilan ang mga pangyayari. Ang gusto lang naman daw nya ay wag ng tumakbo si Edson at masira ang buhay nito, ngayon baka daw maka-apekto pa ito sa kandidatura nya dahil masyado ng lumaki ang issue. Nadamay pati si Calvento, si Alfred at ang droga sa Milagros.

    Awang-awa naman si Oliver kila Wendy at Edson, pero hindi pa rin nya maisip ang dahilan kung bakit gagawin yun ni Leo kay EDson. Kung ito nga ang nagpadala ng video ano kaya ang dahilan nya para sirain si Edson gayung wala naman itong ginagawang masama sa kanya, bagkus ay supporter nga ni Leo si Edson.

  20. #980
    DAHIL SA PAG-IBIG
    MAY 10, 2012 / THURSDAY
    http://www.pnoytv.com/2012/05/dahil-...2-episode.html

    Nag-uusap si Leo at Zandro sa dapat nilang gawin para Makita daw ng mga tao na may ginagawa sila laban sa droga sa bayan nila. Pinuntahan naman ni Jasmin si Alfred para sabihin na kakampi nya sila at sinusuportahan nila ang ginawa ni Alfred dahil naniniwala sila na tama ito.

    Maikukwento naman ni Marina kay Oliver kung paano naging anak-anakan ni Leo Valderama si Edson Zaguirre. Nalaman ni Edson na matagal ng magka-away ang mga Valderama at Zaguirre kaya madami ang nagulat ng magkabati ang dalawa, at si Edson ang nagsimulang makipag-reconcile kay Leo. Nagsimula daw yun nung namatay si Rodolfo. Sasabihin ni Marina na kahit na mabait si Leo sa anak nya parang di pa rin sya gaanong convinced, parang may mali daw. Masa-suggest ni Marina na kung pwedeng tignan ni Oliver ang video na pinadala kay Alfred baka nga daw fake ito. Papayag naman si Oliver.

    Pupuntahan ni Oliver si Alfred at papanoorin ang video. Malalaman ni Oliver kay Alfred na hindi pa pala ito pinapakikita kay Leo kaya magtataka sya dahil narinig nya sa ospital na alam ni Leo ang laman ng video nung kausap nito si Wendy. Nagsisimula ng magduda si Alfred sa dvd at maiisip nya na kung fake nga ito ay mayroong gumamit sa kanya. Malulungkot si Alfred sa ideya na mayroong gumamit sa pagkapari nya.

    Dadalaw ulit si Leo sa ospital at magsosorry kay Wendy. Sasabihin ni Leo na susuyurin nila ang Milagros para mahanap ang drug pusher, pero mas gusto ni Wendy na mahanap ang taong gumawa ng fake video.

    Matapos ang usapan nila Oliver at Alfred ay sasabihin nya sa daddy nya ang nalaman nyang pangagamit ni Leo sa sarili nyang anak. Galit na galit si Dan sa kawalanghiyaan ni Leo na ginamit ang sariling anak sa kasamaan nya. Naikwento rin ni Oliver ang tungkol sa away ng mga Valderama at Zaguirre.

    Kakamustahin naman ni Leo ang mga mayors nya tungkol sa pagsuyod sa mga munisipyo nila. Sasabihin ng mga ito na malilinis naman daw ang mga munisipalidad nila, kaya sasabihin ni Leo na ulit ulitin nila hanggang mahuli nila ang drug pusher. Kakamustahin naman ng mga mayors si Edon at mapapaisip sila kung sino ang ipapalit dito as their gubernatorial candidate.

    Kinausap ni Oliver ang driver nyang si Estong at tinanong kung marunong ba itong magbukas ng vault. Malalaman ni Oliver na dati pala itong nagtrabaho sa intelligence unit ng military. Ipapaliwanag ni Oliver na ang bubuksan nilang vault ay ang kay Leo Valderama, at sasabihin din nya ang plano kung paano makakapasok si Estong sa kwarto ni Leo para mabuksan ang vault.

    Pupuntahan naman ni Leo si Alfred at hihilingin na mapanood nya ang video. Sasabihin ni Alfred na nagpunta na nga rin daw si Oliver kanina para mapanood din yun. Naghihinala na rin daw kasi sya na baka nga fake ang video at ginamit sya ng taong nagpadala nun. Medyo kakabahan sila Leo at Zandro.

    Kinabukasan makikita ni Oliver si Yaya Seding na bumibili ng suman, iimbitahan sya ni yaya Seding na sa kanila na maghapunan at ipagluluto nya daw ito. Malalaman ni Oliver na wala si Leo dahil may meeting daw sa Manila. Pag-uwi ni Yaya Seding ay aabutan nya si Jasmin na nag-aalala kay Andrea. Sasabihin ni Yaya Seding na may surpresa sya kay Jasmin at ito ay ang pag imbita nya kay Oliver Falcon mamayang gabi para saluhan sila sa hapunan. Imbes na matuwa ay maiinis si Jasmin dahil lagi daw syang pinapahiya ni Yaya Seding sa harap ni Oliver, mangangako naman ni Yaya Seding na hindi na nya yun gagawin.

    Kinagabihan ay isasama ni Mike si Fr. Roy isang kaibigan nila na eksperto sa video para tignan kung peke nga ang video na pinadala kay Alfred. Sasabihin nito na may inconsistencies ang video dahil may mga jump sa time code nito. Lalong malulungkot si Alfred dahil nakumpirma nga nya na ginamit sya ng nagpadala ng video.

Page 49 of 83 FirstFirst ... 39 48 49 50 59 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

SHOWBIZ:

Celebrities strut their bodies in annual Bench underwear and denim fashion show

Celebrities strut their bodies in annual Bench underwear and denim fashion show

read more
UAAP:

NU sets up Final Four matchup vs Ateneo with 51-49 win against UE

NU sets up Final Four matchup vs Ateneo with 51-49 win against UE

read more
LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

Typhoon Mario causes floods in Metro Manila, leaves behind 5 casualties

Typhoon Mario causes floods in Metro Manila, leaves behind 5 casualties

read more
GILAS:

Ranidel De Ocampo on Asian Games: "Wala kaming pinag-uusapan kundi gold."

Ranidel De Ocampo on Asian Games: "Wala kaming pinag-uusapan kundi gold."

read more
TV:

Join the "I Do" discussion thread!

Join the "I Do" discussion thread!

read more
CHIT CHAT:

Who's going to the Manila International Book Fair?

Who's going to the Manila International Book Fair?

read more
NMFtv:

Fashionpulis joins Mo Twister in an episode of gossip and revelations!

Fashionpulis joins Mo Twister in an episode of gossip and revelations!

read more