PHOTOS: NU Outlasts AdU

The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

PHOTOS: Alaska Crushes Ginebra

Alaska survived a late-game rally by Ginebra to win 104-90, leading the series at 2-0 and now one win away from the title.

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

PROMO: Epic

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic!

read more

REVIEW: Hunter X Hunter

Does Hunter x Hunter: Phantom Rouge do the manga justice? Find out in this review!

read more

Page 27 of 47 FirstFirst ... 17 26 27 28 37 ... LastLast
Results 521 to 540 of 929
  1. #521
    FEEL FREE TO ADD YOUR NAME if you're a Certified CarEoffster...
    Please Repost on Every Page, Thank You!




    Code:
    01. richel^C.G.- Kathy
    02. roro051 - Rochelle
    03. Aiem - Irene
    04. OLI77 - Mary 
    05. mikka1219
    06. ncarla69 - Cathy
    07. lynadeguzman - Lyna
    08. iadmirecarla - Jane
    09. peen 
    10. lina1218 - Lina
    11. MCMuffin - Kay
    12. englandrose - Rose
    13. ipopi
    14. ilovehenry - Cecil
    15. agent_carla
    16. crzyhackfinn
    17. pex_adik_c_ako - Vida
    18. sunglao_aica
    19. levinlance - Lance
    20. milenette
    21. iloveyoujen - Bianca
    22. ella_frell16
    23. ricarose
    24. elarebee - Ludy
    25. jopn - Jo
    26. calla
    27. penguin_7 - Lea
    28. babyria - Ria
    29. fishnchips- Jan
    30. cynch94 - Cynthia
    31. kimbeleslynnara
    32. ifone - Apple
    33. peeveemine14 - Vanj
    34. PsychologyAko - Simoune
    35. mariandong07 - Leth
    36. Maril - Marilou
    37. RileyJade - Riley
    38. mikautada
    39. Oncidium - Clarissa
    40. bluberrycrepes - Marite
    41. AiramKris - Kris
    42. iamrenmana
    43. piyayacruz - Pia
    44. Lays
    45. Iniahkris
    46. ryan1990
    * Feel Free to Add Your Birthday to this List!*
    Please Repost on Every Page, Thank You!



    Code:
    January
    01 - crzyhackfinn/sarah 
    13 - lynadeguzman/lyna
    16 - pex_adik_c_ako/vida
    18 - milenette
    19 - sunglao_aica
       - piyayacruz/Pia
    29 - levinlance/lance
    
    February
    -
    
    March
    20 - MCMuffin/kay
    23 - GEOFF EIGENMANN
    25 - AiramKris/kris
    
    April
    
    May
    01 - OLI77/mary
    15 - Oncidium/clarissa
    
    June
    12 - CARLA ABELLANA
    16 - iadmirecarla/jane
    
    July
    06 - ryan1990
    17 - PsychologyAko - simoune
    
    August
    02 - ilovehenry/cecil
    04 - peen
    12 - roro051/rochelle
    
    September
    01 - iloveyoujen/bianca
       - Maril/marilou
    17 - iamrenmana
    
    October
    10 - richel^C.G./kathy
    
    November
    03 - calla
    13 - englandrose/rose
    24 - ncarla69/cathy
    
    December
    05 - ricarose
    12 - elarebee/ludy
    18 - lina1218/lina

  2. #522
    PEP: Geoff Eigenmann talks about Kasalanan Bang Ibigin Ka; working with dad Michael de Mesa


  3. #523
    promo. pic for Kasalanan Bang Ibigin Ka?

    Jake

  4. #524
    Phil. Entertainment Portal, May 30, 2012



    photo by Noel Orsal

    Geoff Eigenmann on co-starring with dad Michael de Mesa in a teleserye: “Weird!"
    by Rose Garcia

    Sa unang pagkakataon ay gaganap na mag-ama sa telebisyon ang tunay na mag-amang Michael de Mesa at Geoff Eigenmann.

    Ito ay mangyayari sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Kasalanan Bang Ibigin Ka.

    Una nagsama ang mag-ama sa pelikulang First Day High ng Star Cinema at ngayon lamang ito nasundan.

    Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Geoff sa press conference ng Kasalanan Bang Ibigin Ka kahapon, May 29, sinabi niyang sanay na siyang binibigyan ng ilang tips sa pag-arte ng kanyang ama.

    “Yung mga tips naman, I listen naman. Hindi naman nawawala 'yun.

    "But I’m sure, he’ll gonna give me my freedom also.

    “Siyempre, kapag masama naman talaga... hindi naman masamang magbigay ng comments o reaction.”

    WEIRD. Ano ba ang pakiramdam na tunay niyang ama ang ka-eksena niya at mag-ama rin ang roles na ginagampanan nila?

    “Weird!” natatawang sabi ni Geoff.

    “The story of this show, gonna hit home. So, may ganoon din — bitter on both sides.

    "So, yeah, it’s gonna hit home.

    “Actually, no'ng sinabi na kami ang magkasama, nagulat ako. But, it’s nice.

    “Yung story kasi, father and son, falling in love with one girl.”

    Ang babaeng pag-aagawan nila sa serye ay si Jackie Rice.

    Isa pa lang naman daw ang eksenang na-i-te-tape nila ni ng kanyang ama na si Michael.

    “Medyo confrontation scene kasi mahu-hospitalize ang mom ko [Sharmaine Arnaiz]. E, ayaw siyang makita. Kaya 'yun…”

    Napag-usapan ba nila ng daddy niya ang kuwento ng Kasalanan Bang Ibigin Ka?

    “Well, hindi naman, but about the story, yeah.

    "Pero nothing about each other na mag-ama or our individual characters.”

    BACK-TO-BACK SERIES. Wala halos pahinga si Geoff dahil pagkatapos ng primetime series niyang Legacy, nabigyan siya agad ng panghapong serye.

    “Sa Legacy naman, ako yung may kaagaw,” sabi ni Geoff.

    “Ngayon, ako ang may inaagaw — father and son for one girl.

    "Doon [Legacy], magkakapatid.

    “Saka sa Legacy kasi, on the side lang ang nangyari sa akin as Josh.

    “This time, it will gonna focus on father and son and love triangle, basically.”

    SEPARATED. Matagal nang legal na hiwalay ang mga magulang ni Geoff na sina Michael de Mesa at Gina Alajar.

    Kinailangan pa ba niyang magpaalam sa ina na gagawa siya ng serye kasama ang ama?

    “Actually, hindi namin napag-usapan. But, they are working together.

    “Ang alam ko yata, sila yata ang nag-usap because they had the chance to talk.

    “Ang sinabi lang yata sa akin ng mom ko, huwag siyang magpapa-panghapon kasi panghapon din siya.

    “'Yun lang yata, if I remember it right.”

    LOVE TRIANGLES. Sa Legacy, sina Geoff at Heart Evangelista ang inaakala ng manonood na magkakatuluyan.

    Pero lumalabas na sina Geoff at Lovi Poe pala ang magkapareha. Si Heart ay napunta naman sa character ni Sid Lucero, na pinsan sa totoong buhay ni Geoff.

    Natawa si Geoff noon sa intrigang nagkagusto siya kay Heart.

    “Si Heart is always been a good friend. Ang dami na naming pinagsamahan — ang tagal na.

    “So, this is our chance na magsama ulit and catch up with old times.

    "Obviously, nakikita naman sa screen, yung chemistry, hindi nawala.

    “So, I guess, based on that, I’m very happy naman and everybody’s happy.”

    Naniniwala ba siyang may maganda ngang pagtitinginan sa pagitan nina Sid at Heart?

    “Well, nakikita naman. They can’t deny it, it’s there. You see what you see.”

    Pero natatawang pahabol niya, “I’m not Sid Lucero!”

    Kung nagkataong walang Carla Abellana sa buhay niya, posible bang sa halip na si Sid ay sila ni Heart ang mas napalapit sa isa’t isa?

    “Well, anything is possible naman. A lot of people believed that we were together before.

    “Hindi sila naniniwala na hindi naging kami. So I guess anything can happen.”

    JACKIE RICE. Sa Spooky Nights unang nagkasama sina Geoff at Jackie Rice at ngayon pa lang sila magtatambalan sa isang regular soap.

    Kumusta naman ang pakikipagtrabaho nila?

    “Okay naman. Very different na yung ginagawa namin from Spooky Nights. So, sa Spooky Nights, medyo may alangan moment pa.

    “Ngayon, very comfortable na.

    "I guess, with me, because nag-workshop kami together and the nature of the scene that we do.”

    Masasabi niyang ito na ang pinaka-mature na ginawa niya?

    “Yes, very mature and with the story of father and son falling in love with the same girl…

    “Ang daming puwedeng pag-ikutan no’n, e, so with that fact alone…”

    Nabalita rin na may kissing scene o love scene sila ni Jackie sa serye.

    “Okay naman. Comfortable.

    "Alangan noong umpisa, pero, okay naman along the way.

    “We did everything that Direk [Mark Reyes] asked us to do. So, okay naman.

    “Actually, it’s hard to talk about something like that, ‘Hahalikan kita ng ganyan?’

    “Ako, rehearsal pa lang, blocking pa lang, I try to be as close as possible, contact lang, para comfortable na.”

    Natawa naman si Geoff nang may humirit ng tanong sa kanya kung "mabango" raw ba.

    “It’s a weird question. It’s the first question that I’ve been asked that, so nakakagulat lang.”

    Posible kayang simula na ito ng mature roles na talaga sa kanya?

    “I guess,” sabi niya.

    “With the story pa lang, ang dami nang puwedeng mangyari.

    “So far, first week pa lang, we had I think, two love scenes, siguro more along the way. I don’t know…”

    GOING STRONG. Bilang loveteam on screen, magkahiwalay na sila ng girlfriend na si Carla. Pero off-screen, ayon kay Geoff, ay sila pa rin.

    “It’s good," sambit niya.

    "Hindi kami nagkikita ngayon. Very busy.

    "Siguro it’s been more than a week since we last saw each other.

    “So, busy kasi, kakagaling lang din ng Dumaguete, Cebu for promo. I’ve been always on taping every day. Siya rin, may taping.”

    Si Carla ang leading lady ni Richard Gutierrez sa upcoming primetime series na Makapiling Kang Muli.

    Hindi ba ito nakakaapekto sa relasyon nila?

    “Okay naman, less communication definitely, pero okay naman. We’re good,” pagtiyak ni Geoff.

    Sabay biro niya na, “Parang may hinihintay kayo, a! Meron ba na hindi ko alam?”

    Expected naman nila ni Carla na maghihiwalay muna silang talaga bilang loveteam.

    “We know naman that we’ll gonna be paired with someone else. But just like before, communication.

    “The phone is always there. Isang text lang naman 'yan, isang tawag — madali lang.”

  5. #525
    PEP: Geoff Eigenmann Talks About Heart Evangelista and Jackie Rice



    PEP: Jackie Rice on working with Geoff Eigenmann; talks about her diet


  6. #526
    Phil. Entertainment Portal, May 30, 2012



    photo by Noel Orsal

    Carla Abellana almost fell off a horse while taping Makapiling Kang Muli
    by Joyce Jimenez

    Malaki ang pasasalamat nina Carla Abellana at Sarah Lahbati sa malaking proyekto na ito na ibinigay sa kanila ng GMA Network, ang Makapiling Kang Muli.

    Bukod kasi sa malaking primetime teleserye ang kanilang gagawin, makakasama pa nila sa drama series na ito sina Richard Gutierrez at Mark Anthony Fernandez.

    Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sina Carla at Sarah sa presscon ng Makapiling Kang Muli kahapon, May 29, na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network Annex Building sa Timog Ave., Quezon City.

    Kung si Carla ay sanay na sa ganitong klase ng mga drama series, ito naman ang unang primetime show ni Sarah at talagang “challenging” daw ang kanyang role.

    “Lahat ng nagawa ko o gagawin ko sa Makapiling Kang Muli is first time ko pong gagawin, at hindi ko pa nagagawa before sa past roles ko.

    “A, talagang challenging, honestly, dahil si Graciela, she comes from a broken family and kumbaga may pagka-cold hearted somehow.

    “But, ‘yon nga, ang dami kong mabibigat na scenes, but I’m thankful na ang huhusay ng mga kasama kong artista, magaan sila katrabaho at hindi nila pinapabayaan ang isa’t isa.

    “Well, it’s a challenge, of course.

    “But I love challenges, I love being challenged, ayaw ko na parang nandyan lang ako sa straight line, hindi nage-effort.

    “Gusto ko laging may progress, laging may bago, laging may bagong challenge.”

    WORKING WITH RICHARD. Ang Makapiling Kang Muli ang comeback ni Richard Gutierrez sa paggawa ng mga teleserye.

    Ito rin ang unang pagkakataon na makatrabaho nina Carla at Sarah ang aktor.

    “First taping day, first eksena ko, kissing scene kaagad!” bulalas ni Carla nang kamustahin namin ang working relationship nila ni Richard.

    “Na-ano lang na, ‘Ano ba ‘yan, kissing scene agad!’ Pero ‘yon nga sabi ko ice breaker nga, at least tapos na, gawa na, at least comfortable na kami sa isa’t isa.

    “So, okay naman, wala namang ilangan.”

    Pinuri din ni Carla ang pag-arte ng Kapuso actor.

    “Ay, magaling, in fairness!

    “A, makikita mong sobrang seryoso siya sa craft niya, ‘tapos magaan katrabaho.

    “He’s very gentleman, he’s a gentleman and sobrang bait, magaan kasama at katrabaho.”

    Samantala, kinuwento naman ni Sarah kung paano siya tulungan ni Richard sa kanilang mga eksena.

    “‘Yon nga po, sa scenes namin sa story, magme-meet kami na pareho kaming broken hearted, and hindi talaga ako maka-relate dahil hindi pa naman nangyayari ‘to sa akin sa totoong buhay.

    “But I’m thankful because hindi naman niya ako pinapabayaan, tinutulungan niya din ako sa scenes, and he’s very professional.

    “He’s also a gentleman na na-appreciate ko talaga dahil siyempre, 2012 na, di ba? Kulang tayo sa mga gentleman.

    “But aside from that he’s professional, nice and magaan din na kasama, katrabaho.”

    HORSEBACK RIDING ACCIDENT. Samantala, hangang-hanga naman si Carla sa ganda ng Calatagan, Batangas kung saan nila kinunan ang teleserye.

    Para na rin daw sila nagbabakasyon habang nagta-trabaho sa ganda ng view sa lugar na iyon. Nagkaroon ang mga cast members ng horseback riding lessons bilang preparasyon sa action drama series na ito na set sa isang ranch.

    Ngunit, bukod sa magandang view, isa sa mga hindi makakalimutan ni Carla sa lugar na iyon ay kamunti-muntikan na niyang pagkahulog sa kabayo.

    Kuwento ng aktres, “‘Yong kabayo natapilok kasi may lubak do’n sa field.

    “So, nasubsob siya sa harap, tumama ako paharap, napakapit ako sa leeg niya. Buti nakabawi siya, pagbangon niya, bumangon na din ako.”

    Mula daw nang mangyari ang aksidenteng iyon ay lalong naging mahigpit ang buong production team sa paggawa ng mga eksena.

    “Pero after that event mas naging careful na kami, lagi kaming nire-remind ni Tito Ricky [Davao] na safety first, kung talagang hindi kaya ‘wag pilitin.

    “Our safety and our health is number one priority, ‘tapos siyempre nandyan ang production at si Tito Ricky [Davao] para suportahan kami.

    “Pero siyempre, you also look after yourself.”

    THE STORY. Ang Makapiling Kang Muli ay kuwento na iikot sa pag-ibig, kapangyarihan, pamilya, at paghihiganti.

    Sina Martin (Richard Gutierrez) at Leilani (Carla Abellana) ay matalik na magkaibigan simula pa ng kanilang pagkabata.

    Dating magkaibigan naman sina Martin at Louie (Mark Anthony Fernandez), ngunit nagkaroon sila ng alitan na siyang dahilan upang masira ang kanilang pagkakaibigan.

    Ngunit sa pagbabalik ni Louie, makikilala niya si Leilani at magkakagusto dito, ngunit hindi siya papansinin ng dalaga.

    Makikipag-ayos si Louie kay Martin upang gamitin itong mapalapit siya kay Leilani, at dahil sa kagustuhan magkaayos sila’y papayag si Martin.

    Ngunit sa gagawin niyang iyon ay aaminin na ni Leilani na si Martin ang mahal nito, at doon din mapagtatanto ng binata na umiibig na siya sa kanyang matalik na kaibigan.

    Ang pagkakaibigan nila’y masisira nang pumanaw ang ama ni Leilani, at ang sinisisi ng dalaga ay si Martin dahil siya lamang ang pinagsabihan niya ng sikreto ng kanyang ama.

    Aalis ang pamilya nina Leilani, at doon makikilala ni Martin si Graciela (Sarah Lahbati) na kasintahan ni Louie na taga-Maynila.

    Pareho silang bigo sa pag-ibig, dahilan upang mahulog ang loob sa isa’t isa. Ngunit bago pa man nila maamin ito’y gagawa na ng paraan si Louie upang tuluyan ilayo si Graciela kay Martin.

    Matapos ang ilang taon ay makakalaya si Martin, magkaka-ayos sila ni Leilani, at muli silang babalik sa rancho ng mga Valencia upang maghiganti.

    Sa kanilang pagbabalik, maharap kaya ni Martin si Graciela na kasal na kay Louie? Maamin kaya ni Leilani na si Martin pa din ang mahal niya bagamat may kasintahan na siya? Ituloy pa kaya ni Martin ang paghihiganti niya sa pamilya Valencia kapag nalaman na niya ang kanilang lihim?

    Ang mga tanong na ito’y masasagot sa pagsisimula ng Makapiling Kang Muli sa June 6, Lunes, pagkatapos ng Luna Blanca sa Primetime Telebabad ng GMA-7.

  7. #527

  8. #528
    Scenes at the press conference of 'Makapiling Kang Muli'

    Last May 29, Richard Gutierrez, Carla Abellana, Mark Anthony Fernandez, Sarah Lahbati, TJ Trinidad, Janine Gutierrez, Paolo Paraiso, Benedict Campos, Dominic Roco, John Lapus, veteran stars Gloria Romero, Philip Salvador, Mark Gil, Robert Arevalo, Rio Locsin, and director Ricky Davao met with the press during the launch of their upcoming Telebabad show.








  9. #529


    Journal, May 31, 2012

    Carla had torrid kissing scene with Richard
    ni Jun Nardo

    PALABAN at matapang ang dating ni Carla Abellana sa programang Makapiling Kang Muli kung saan first time niyang kapareha si Richard Gutierrez. Taliwas ito sa swit-switan niyang role sa mga unang programang ginampanan sa network.

    In fact, sa unang taping nila, siya pala ang ngumasab sa labi ni Chard, huh! Hindi ba siya nahirapang kumbinsihing gawin ang eksenang ’yon?

    “Ha! Ha! Ha! Hindi naman. Minsan nga, nagugulat pa rin ako sa mga pinagagawa sa akin. Depends on my scene and character. Gusto ko ’yon. Para maiba naman. So go lang!

    “Hindi pakipot. Pakawawa,” pahayag ni Carla sa interview sa kanya ng press.

    Ano naman ang feeling niya’t kapareha na niya ngayon ang guwapong si Richard?

    “He’s good. Pinagbubuti niya ang craft. Kita mo ang detalye. Iniisip niya. Very patient. Kahit paulit-ulit kami, go lang. Walang reklamo. Serious about what he’s doing,” paliwanag niya.

    Paano sila nag-break the ice?

    “Eh, yung kissing scene! Ha! Ha! Ha! Ice breaker ’yon. That was the first scene,” sabi ng aktres.

    Hindi pa sila gaanong close to the point na nagsasabihan ng sikreto at problema.

    “Yung bonding namin ngayon ni Chard, purely professional. Halos lahat about work,” saad niya.

    Pero kung taliwas na ang role niya ngayon kumpara sa pagsisimula niya, ganoon din ang boyfriend niyang si Geoff Eigenmann sa bago nitong afternoon drama.

    “O, ilang taon na si Geoff! Dapat lang! Ha! Ha! Ha! Hindi na siya puwede nang basta-basta. He’s of age already so it’s about time he does mature roles already. Remember, I did Kung Aagawin Mo ang Langit? Napaka-mature nu’n. Sabi ko nga, ‘Geoff, ikaw naman ngayon. Tapos na ako diyan!’ Ha! Ha! Ha!” rason ni Carla.

    May panahon pa ba sila sa isa’t isa ni Geoff, eh, kapwa sila subsob sa trabaho?

    “Sabi ko, magagawan naman ng paraan yung pagkikita at pagsasama. Pero kapag wala namang eksena at may time na free siya, bisita siya sa house. Tapos ako, bibisita sa set. Gumagawa ako ng paraan!” tugon ng aktres.

    Sa Lunes, June 4 ang airing ng MKM at bukod kina Richard at Carla, nasa cast din sila Sarah Lahbati, Mark Anthony Fernandez, Philip Salvador, Mark Gil, Janine Gutierrez, Paolo Paraiso, Robert Arevalo, Gloria Romero at marami pang iba. Mula ito sa direksyon ni Ricky Davao.

    * * * * *

    Journal, May 31, 2012

    DIREK RICKY COMMENDS HIS ACTORS
    by Mario Bautista

    RICKY Davao directs “Makapiling Kang Muli” and he’s all praises for the entire cast. “Mahirap gawin ito as we shoot in far locations like Lipa and Calatagan in Batangas, Pila and Pagsanjan in Laguna, and even in Pangasinan. Six hours a day, nauubos sa travel time namin sa set.

    It’s good magaling lahat, makes my job easier. The show starts with Richard Gutierrez as Martin in prison. From there, the story is told in flashbacks.

    Jennylyn Mercado is the daughter of Gloria Romero, rich owner of Rancho Paradiso. She falls in love with a farmhand, James Blanco, but her mom is against it and forces her to marry Gabby Eigenmann. They have a son, who’ll grow up to be Mark Anthony Fernandez. But, she’s still in love with James so they elope. Magkakaanak din sila, pero ipapatapon ni Gloria Romero. He’d grow up to be Richard. Jennylyn will later be played by Rio Locsin and Gabby, by Mark Gil. Richard is raised by Robert Arevalo and becomes a farmhand.

    Kababata niya si Carla Abellana, anak nina Jestoni Alarcon and Lani Mercado. When Mark Anthony falls in love with Carla, Richard gives way, but Mark had Jestoni killed so Carla goes to the city and becomes a lawyer. Dumating naman sa ranch si Sarah Lahbati who falls for Richard but ends up marrying Mark Anthony. Carla naman marries a doctor, TJ Trinidad. Mark frames up Richard and he’s jailed. That’s where he meets Dominic Roco, the son of crime lord Phillip Salvador, who’ll help them escape and help Richard take revenge on Mark’s family.”

    * * * * *

    Pil. Star Ngayon, May 31, 2012

    Carla willing makipag-lovescene kay Richard
    ni Nitz Miralles

    Kasama sa trailer ng Makapiling Kang Muli ang kissing scene nina Carla Abellana at Richard Gutierrez at tinukso ng press ang dalaga dahil sa eksena, siya ang nag-initiate ng halik. First day taping niya kinunan ni direk Ricky Davao ang kissing scene kaya nenerbiyos siya, pero dahil trabaho, ginawa ng walang reklamo.

    Nag-knock on wood si Carla sa tanong kung magkakaroon sila ng love scene ni Richard na wala pa sa script, pero gagawin niya kung meron. Happy si Carla na mapasama sa cast ng MKM na puro magagandang babae ang kasama.

    Mula kay Gloria Romero, Rio Locsin, Sarah Lahbati, Janine Gutierrez, at kay Carla, walang itulak kabigin sa kanila at kasama rin si Jennylyn Mercado na lalabas sa flash back ng story.

    May three-year contract si Carla sa GMA 7 at happy siyang nag-stay sa network dahil sure siyang she’s in good hands and she’s with the people she loves at walang adjustment siyang gagawin dahil lahat halos ay kilala niya.

    * * * * *

    Pil. Star Ngayon, May 31, 2012

    Richard at Carla sumabak agad sa matinding halikan
    ni Sol Gorgonio

    PIK: Parehong natatawa sina Richard Gutierrez at Carla Abellana na kinuwento sa press na unang salang pa lang daw nila sa taping ng Makapiling Kang Muli ay kissing scene agad ang kinunan.

    Nag-workshop naman daw sila bago nagsimula ang taping, pero nabigla lang daw sila na halikan agad ang kinunan.

    Pero mabuti at pareho naman silang professional kaya ginawa naman nila nang maayos at kaagad naman daw naging kumportable sila sa isa’t isa.

    Sa Lunes na magsisimula ang Makapiling Kang Muli sa GMA Telebabad, at excited si Richard dahil ngayon lang siya nakabalik uli sa drama. Kaya parang nanganganay na naman daw siya.

    * * * * *



    Abante, May 31, 2012

    SARAH, madalas ‘dikitan‘ ni RICHARD!
    ni Jun Nardo

    Nasarapan si Richard Gutierrez sa pakikipagtrabaho kay Carla Abellana na latest girl niya sa bago niyang primetime drama sa GMA na Makapiling Kang Muli. Agad ngang pinatikim ni Carla kay Chard ang kanyang mga labi sa unang taping day nila.

    “Ha! Ha! Ha! Oo nga, eh! Okey naman yung ano namin ni Carla. She’s professional. Sarap niyang katrabaho. Magaan siyang katrabaho.

    Tapos, ‘yun nga, she takes her craft very seriously. Nakaka-inspire lang magtrabaho kapag katrabaho ko siya!” pahayag ni Richard sa grand presscon ng traditional drama na mapapanood sa June 4.

    Excitement ang agad nadama ni Chard nang sabihin sa kanya ang konsepto ng bagong programa.

    “Challenge para sa akin.

    Kasi, something different talaga. Aktingan. May drama. Na-excite ako more than anything,” rason niya.

    Bigating veteran actors and actresses ang nakapaligid sa kanya sa project gaya nila Gloria Romero, Robert Arevalo, Philip Salvador at Mark Gil. Eh, ang isa pa niyang leading lady ay ang maganda, makinis at seksing si Sarah Lahbati.

    “She (Sarah) has great potential. She can be one of the top leading ladies of GMA. Ganoon din.

    Magaling ding umakting. Hindi rin nagrereklamo. Very professional. Maganda. Seksi. Ha! Ha! Ha!” sabi ni Chard sa isa pa niyang babae sa series.

    Ano naman ang nakaka-attract sa kanya kay Sarah?

    “Hmmm… Yung ano niya. Eyes. Eyes! Ha! Ha! Ha! ‘Yun ang pinaka-safe na… Ha! Ha! Ha! Eyes! Eyes!” saad ni Richard.

    Eh, kay Carla?

    “Yung dimple niya. Pag nag-smile siya, sweet smile!” tugon ng actor.

    Sa MKM, muling tumulo ang mga luha ni Chard na matagal na niyang hindi nagagawa.

    “Kinailangan ko talagang humugot. Nag-workshops kami para ma-engage ko uli ang mga emotions ko. Kasi ‘yun nga, hindi naman ako malungkuting tao. So, challenge, challenge din ‘yon para sa akin,” katwiran niya.

    Matapos ngang sumisid sa kanyang reality show na Pinoy Adventures, ang husay sa pangangabayo naman ang isa sa ipakikita niya sa programa.

    “Kahit saan ako magpunta, may adventure. May horseback riding kami rito. Si Carla, kamuntikan siyang malaglag sa horse ng isang beses. Hindi rin siya biro. Hindi biro ang horseback riding. Mahirap din siya,” sabi niya.

    Puro puso naman ni Chard ang gumana sa MKM matapos rumatsada sa mga telefantasya.

    “Masarap ding gumawa ng drama. Na-miss ko rin talaga. Puro telefantasya ang mga ginagawa ko.

    Ito naman, puro puso. Masarap din na wala akong powers. Hindi ako superhero. Normal lang ako.

    Regular lang akong tao na umiibig! Masarap din ang pakiramdam,” katwiran ng anak ni Annabelle Rama.

    So feel na feel niya ang umibig sa bago niyang show, huh!

    “Ha! Ha! Ha! Oo naman! Marami tayong ma-i-si-share pagdating diyan. Mga emosyon na may kinalaman sa pag-ibig! Ha! Ha! Ha!” diin ni Richard.

    Umiibig man si Chard ngayon, hindi pa rin niya naiwasang lapitan si Sarah habang kinakausap ng ibang press. Eh, dinig nga namin, sa kanilang taping, kahit hiwalay sila ng tent bilang holding area sa taping, dumadaan daw si Richard sa tent na kinalulugaran ni Sarah upang bumati at makipagtsikahan, huh!

    * * * * *

    Abante, May 31, 2012

    CARLA, lumaban ng ‘tukaan’ kay RICHARD!
    ni Rey Pumaloy

    Bumilib nang husto si Richard Gutierrez sa pagiging professional ng leading lady niya sa seryeng Makapiling Kang Muli ng GMA 7, na si Carla Abellana. Mistulang beterana raw si Carla sa kanilang halikan nang pumayag itong makipaglaplapan agad sa kanya sa first scene nila.

    Sabi nga ni Richard, hindi nagdalawang isip si Carla na ang kissing scene nila agad ang kinunan kahit walang rehearsal at wala ring naganap na workshop. Gusto rin ni Richard na magpaka-professional kaya siya na raw mismo ang nagsabing gawin na natin ito, at gawin nating tama para hindi na tumagal pa.

    Hindi naman nabigo ang dalawa sa kissing scene dahil lumabas na para talagang dumaan muna sila sa pagsasanay bago nila gawin ito. First time ni Richard na makatambal si Carla sa isang acting project kaya nasorpresa siya sa pagiging ‘trooper’ nito.

    Sa trailer ay dalawang beses ipinakita ang kissing scene nina Carla at Richard. Bumubuka ang mga labi nina Richard at Carla sa eksena na halos magsipsipan sila ng kanilang mga hininga.

    Samantala, ramdam ni Richard ang importansyang ibinibigay sa kanya ng GMA 7 dahil bukod sa may pagka-action ang MKM, may drama at romantic element ang show. Gustung-gusto ni Richard ang pagsakay sa kabayo at ang pagiging underdog ng character niya. Maipapakita na naman daw niya ang kakayahan niya sa drama at action.

    Tungkol naman sa pagtakbo ng ina niyang si Annabelle Rama sa kongreso sa Cebu City, ibinigay na ni Richard ang blessing niya sa ina at nangakong susuportahan niya ito kapag natuloy.

    Naiintindihan ni Richard na baka ito ang ‘calling’ ng kanyang mommy kaya ganu’n na lang ang interest nito ngayon sa pulitika. Produktong pulitika ang buong pamilya ng kanyang ina kaya nauunawaan ni Richard kung mahihikayat ang ina niya sa public service.

    * * * * *



    Abante, May 31, 2012

    Richard at Carla, sumalang agad sa kissing scene
    ni Gorgy Rula

    HINDI makakalimutan nina Richard Gutierrez at Carla Abellana ang first day of taping nila sa Makapiling Kang Muli dahil unang sequence na kinunan ay kissing scene na agad.

    “Ang nangyari kasi riyan, first taping day ni Carla at first scene namin, kissing scene na agad. So, wala nang paliguy-ligoy pa, ‘di ba?

    “Gawin na natin ‘to para matapos na.

    “Wala nang rehearsal, salang na agad,” natatawang kuwento ni Richard.

    “You know it was a good experience, kasi nga, first time ko rin na-experience ‘yun na bago pa lang, kissing scene agad.

    “Pero du’n mo makikita na very pro si Carla dahil wala siyang inhibitions. Hindi ko naramdaman na nailang siya or anything.

    “So, makikita mo talaga na she’s very professional, so I appreciate that,” dagdag pang pahayag ni Richard.

    Ganu’n din ang tingin ni Carla kay Richard na ang dali niyang nakapalagayan ng loob ang aktor.

    Nagulat lang siya dahil kissing scene agad, pero mabuti at nagawa nila nang maayos at maingat daw at napaka-gentleman ni Richard sa ganu’ng eksena.

    Aware si Carla na marami pa silang mga intimate scenes ni Richard at wala raw problema sa kanya iyun.

    Hindi ito isyu sa kanila ni Geoff Eigenmann dahil pareho nilang nirerespeto ang kanilang trabaho.

    Base sa AVP na ipinakita sa press con. kamakalawa nang gabi, malamang na marami ang mahu-hook sa pagtutok sa bagong drama series na ito dahil mabigat ang kuwento at dramang-drama ito.

    Medyo nanibago si Richard dahil ngayon na naman siya nasabak sa heavy scenes na drama. Pero excited siya dahil dito na naman niya mapapatunayan ang pagiging aktor.

    Malaking bagay ang alalay ni direk Ricky Davao sa kanya, pati ang mga bigating artista na involved sa seryeng ito gaya nila Gloria Romero, Philip Salvador, Mark Gil, Rio Locsin at si Mark Anthony Fernandez.

    May special participation din sina Lani Mercado at Jennylyn Mercado kaya malaki itong bagong pan-Telebabad ng GMA 7 na magsisimula na sa Lunes pagkatapos ng Luna Blanca.

  10. #530
    Phil. Entertainment Portal, May 31, 2012

    The cast of "Makapiling Kang Muli"
    by Joyce Jimenez

    Photography: Noel Orsal

    Mas matimbang nga ba ang pera at kapangyarihan kaysa sa pag-ibig?

    Sasagutin ito sa pinakabagong primetime drama series ng GMA-7, Makapiling Kang Muli, na ang kuwento'y iikot sa pag-ibig, kapangyarihan, pamilya at paghihiganti.



    Ang bagong drama series ng Kapuso network ay pagbibidahan nina (L-R) Sarah Lahbati, Mark Anthony Fernandez, Carla Abellana at Richard Gutierrez.



    Si Leilani ang panganay na anak nina Atty. Delfin (Jestoni Alarcon) at Laila (Lani Mercado), at nakakatandang kapatid ni Keiffer (Benedict Campos) ang gagampanan ni Carla Abellana.

    Matalik na kaibigan ni Leilani si Martin (Richard Gutierrez), at may lihim din siyang pagtingin dito. Ngunit dahil sa trahedyang sasapitin ng kanyang ama'y magkakalayo silang dalawa. Lilisanin nila ang Rancho Paradiso, at mag-aaral siya sa Maynila ng abugasya.



    Magkakagusto kay Leilani si Louie (Mark Anthony Fernandez), ngunit hindi niya ito bibigyang pansin. Habang nag-aaral sa Maynila'y makikilala niya si Javier (TJ Trinidad), na kanya rin magiging kasintahan.

    Matapos ihanda ang sarili'y babalik si Leilani sa Rancho Paradiso. Kasama si Martin (Richard Gutierrez), upang maghiganti sa pamilya Valencia. Ngunit habang sila'y naghihiganti, mapagtatanto niyang iniibig pa rin niya si Martin.



    Saksikan ang tunggalian sa pagitan ng pag-ibig, pera, paghihiganti at pagkakaibigan sa bagong primetime drama series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli. Ito'y magsisimula na sa June 6, Lunes, pagkatapos ng Luna Blanca.

  11. #531
    Philippine Daily Inquirer, May 31, 2012

    Books
    Carla Abellana on reading




    I enjoy reading “The Art of Racing in the Rain” by Garth Stein because I’m a dog lover. I read anything and everything about dogs. Earlier, I read John Grogan’s “Marley & Me.” Stein’s novel, a work of fiction, caught my attention because it is written from a dog’s point of view. It tackles car racing as well, so men are likely to enjoy reading it likewise. I recommended it to (boyfriend) Geoff (Eigenmann). Stories about pets never fail to make me laugh and cry. This one’s a really good read. - Bayani San Diego Jr./photo by Romy Homillada

  12. #532
    Journal, June 1, 2012

    INTIMIDATED BY DAD
    by Mario Bautista

    GEOFF Eigenmann admits he was intimidated when he first did a scene with dad Michael de Mesa in “Kasalanan Bang Ibigin Ka?” “Sabi nga ni Direk Mark Reyes, before that, Geoff told him: "I was cool and relaxed in my scenes with Jackie Rice and Sharmaine Arnaiz, pero noong confrontation scene na namin ng dad ko, nagkanda-buckle-buckle ako sa nerbiyos."

    Geoff added, "It’s good this came when ‘Legacy’ has finished taping, so I can give this my full attention. Don’t miss ‘Legacy’ as it ends tonight. Ang daming thrilling revelations in the finale. It’ll be revealed kung kanino mapupunta among the three sisters Heart Evangelista, Lovi Poe or Alessandra de Rossi ang Legacy Corporation. Also who’d end up with whom sa amin nila Heart, Lovi, Sid Lucero and I. We’d like to thank all those who faithfully followed us for the past six months.”

    * * * * *

    Abante, June 1, 2012

    GEOFF, ‘di ‘nilasahan’ ang halik ni JACKIE!
    ni Jun Nardo

    Aware si Geoff Eigenmann sa iniisip ng publiko na nagkaroon sila noon ng relasyon ni Heart Evangelista na kasama niya ngayon sa pagtatapos ng adult drama ng GMA na Legacy. Pero ipinagdiinan niyang magkaibigan sila ng aktres na nali-link ngayon sa pinsang si Sid Lucero.



    After Legacy, sa panghapong drama na Kasalanan Bang Ibigin Ka? mapapanood si Geoff at ang young actress na si Jackie Rice naman ang kapareha niya. Mas matindi at mabigat ang roles nila kumpara sa ginawa niyang episode ng Spooky Nights.

    “Okey naman siya ngayon. Kung may ilang pa noon, this time, comfortable na siya in the workshops that we did together especially in the nature of the scenes we do,” pahayag ni Geoff.

    Masasabi nga niya na very mature at very daring ang role niya sa bagong show lalo na nga’t may kissing and love scenes sila ni Jackie.

    “Okey naman yung love scenes namin. We’re comfortable. Alangan siya nu’ng umpisa, but along the way, comfortable naman siya. We did everything that direk asked us to do. Okey naman.

    “Actually, it’s really hard to talk something about that eh. Ako, I try to be as possible na contact lang. Rehearsal pa lang, kapa-kapa pero hindi naman in a bad way. Masama pakinggan,” katwiran niya.

    Mabango ba (si Jackie)?

    “Ha! Ha! Ha! Ohhh, it’s a weird question! That’s the first time I’ve been asked that! Out of the box!

    Nakakagulat lang! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng actor.

    Ano ang lasa ng halik ni Jackie?

    “Ha! Ha! Ha! Hindi ko iniisip ‘yan! I don’t taste! Ha! Ha! Ha!” iwas ni Geoff.

    Kung kaabang-abang ang maiinit na eksena nina Geoff at Jackie sa bago nilang show, higit na dapat panoorin ang huling kabanata ng Legacy ngayong gabi upang malaman kung kanino mapupunta ang Legacy Corporation at ang puso ni Geoff.

  13. #533
    Sunstar, June 1, 2012

    Carla: Relationship with Geoff getting stronger
    by Glaiza Jarloc

    ACTRESS Carla Abellana said her boyfriend Geoff Eigenmann doesn't have any reason to get jealous on her new team-up with Richard Gutierrez.


    MANILA. Carla Abellana says there's no room for jealousy in her two-year relationship with actor Geoff Eigenmann. (Glaiza Jarloc/Sunnex)

    Carla and Richard will be working together for the first time in GMA-7’s newest primetime series “Makapiling Kang Muli,” which will start airing Monday, June 4.

    “There's really no space for jealousy in our relationship. He, of all people, would understand that I will be paired with other people,” she said.

    She said they both respect each other’s work.

    “Whatever we experience between the two of us, hindi namin dadalhin sa trabaho (we do not bring it to work). Kung dadalhin man, eh, gamitin sa mga eksena (If we do though, we apply it in our scenes). And our personal relationship, we do not mix it with our professional lives,” she said.

    In a separate interview, Geoff's father Michael de Mesa said he likes Carla for his son.

    “They have been very welcoming and very friendly ever since. As of now, catching up pa talaga kasi kauuwi n'ya lang din (de Mesa just arrived in Manila from the U.S.). I'm looking forward to know him better,” Carla said.

    “Never akong nagkaroon ng problem (I didn’t have any problems with them). He comes from a really nice family. From his parents to his cousins, everybody is really so nice to me,” she added.

    Carla and Geoff are dating for almost two years now.

    * * * * *

    Sunstar, June 1, 2012

    Geoff nervous about working with dad
    by Glaiza Jarloc

    ACTOR Geoff Eigenmann said he felt nervous taping his first scene with real-life father Michael de Mesa in their newest afternoon soap “Kasalanan Bang Ibigin Ka?”


    MANILA. Geoff Eigenmann will topbill "Kasalanan Bang Ibigin Ka?" with real life father Michael de Mesa and actress Jackie Rice. (Glaiza Jarloc/Sunnex)

    “I'm nervous and excited at the same time. Kinakabahan parin ako sa mga scenes namin together (I still feel nervous taping scenes together with him), but many scenes to come and I expect to feel more comfortable."

    Although the series is not their first project together, Geoff said it is different and tackles a complicated but must-watch plot.

    Both also worked together in “First Day High: The Movie.”

    “Kasalanan Bang Ibigin Ka?” revolves around a man and his son falling in love with the same woman, to be played by actress Jackie Rice.

    Geoff said he is happy that his dad is now back in show business after a long break.

    “It's been a while also for him, so gusto ko na maibigay din lahat and maging maganda ‘yung (I want to give everything and make a great) experience for both of us.”

    Geoff also said his character in the series “is very cocky, loud and arrogant,” very opposite of him.

    Geoff, meanwhile, thanked GMA-7 for giving him several projects. He recently topbilled “Legacy” opposite Heart Evangelista.

    “I'm truly very grateful kasi ‘yung trust ng management is always there. I'm really enjoying my life now,” he said.

    “Kasalanan Bang Ibigin Ka?” will grace the boob tube starting Monday, June 4, after “Hiram na Puso” on GMA Afternoon Prime.

  14. #534
    Abante, June 2, 2012

    Carla, ayaw pang pakasal kay Geoff!
    ni Rose Garcia

    All praises si Carla Abellana sa bago niyang leading man na si Richard Gutierrez para sa Makapiling Kang Muli na magpa-pilot na sa Lunes.



    “Okay siya. In all fairness, napakahaba ng pasensya. Napaka-serious niya,” sey ni Carla.

    Bakit naman kailangan ng mahabang pasensya?

    “Siyempre, with the shots of Direk Ricky Davao, may mga scenes talaga na ilang takes inaabot para lang sa isang eksena. Pero hindi ko nakikitang umaalma siya. Very patient and very, very serious about his craft.

    “Talagang he looks on all the details tapos, gusto niya perfect lahat. Napaka-professional in all fairness.”

    Pangalawang primetime pa lang pala ni Carla ang Makapiling Kang Muli simula ng Rosalinda na kasama raw siya from start to finish. Pero wala naman daw siyang nakikitang adjustment na kailangan niyang gawin.

    “Walang adjustment. Kasi, pareho lang namang magtrabaho sa panghapong soap opera at sa panggabi.

    Mas mahirap pa nga sa pang-hapon because of less taping days and less artists.”

    Nag-aral din daw siya ng horseback riding para sa serye nila.

    “Yes. Kasi, meron man akong experience noon, sa Tagaytay lang, sa Baguio lang. Pero yung professionally ride a horse, ito yung first time na nagkaroon ako ng lesson.

    Kasi, hindi biro yung mga kabayo at saka, hindi ‘yan yung mga kabayo na nakikita mo diyan-diyan lang.”



    Kahit magkahiwalay naman ang mga projects nila ngayon ng boyfriend na si Geoff Eigenmann, wala raw nagiging problema sa relasyon nila.

    Natawa si Carla nang marinig ang naging sagot ng ama ni Geoff Eigenmann na si Michael de Mesa na kung magpapaalam si Geoff na magpapakasal na sa kanya, okay na okay raw rito.

    “Paalam muna siya sa family ko! Ha! Ha! Ha!”

    Hindi ka papayag?

    “Eh, ‘di ba, formally, if you have plans of getting married, you ask for permission for the family of the girl also, ‘di ba?”

    So, papayag na siya?

    “Ay, parang hindi pa! Ha! Ha! Ha! Unang-una, alam ko naman na hindi pa magpu-propose si Geoff.

    Pangalawa, kung magpu-propose man siya, it’s going to be a long engagement. If I say 'yes' man. Ang saya-saya ko sa trabaho.”

    Gaano katagal ang long engagement sa kanya?

    “Siguro more than a year. Kasi, nag-e-enjoy ako masyado sa trabaho. Pero tingin ko, mga three years pa kung sakali man.”

    Hindi pa rin nakakapag-FHM o cover ng Men’s Magazine si Carla. Pero may offer raw sa kanya noon.

    “I think, 2 or 3 years ago. Pero tinanggihan namin. Birthday month ko pa ‘yun. Kasi, bukod sa hindi pa ako ready, ayaw rin ng lola ko at ng daddy ko. Nag-promise ako sa lola ko at sa daddy ko. Ayaw ko rin.

    “Hindi ko iwi-waive ang promise ko.”

    Kung siya ang mamimili ng concept?

    “Hindi na lang, unless I’m fully clothed. Eh, hindi puwede ‘yun. Ha! Ha! Ha!” sey na lang ni Carla.

  15. #535
    Phil. Entertainment Portal, June 2, 2012



    Carla Abellana on “hot scenes” with Richard Gutierrez in Makapiling Kang Muli: “Konti pa lang 'yan, later on mas marami pa.”
    by Rommel Gonzales

    Sa trailer pa lang ng Makapiling Kang Muli, ang bagong soap opera ng GMA-7, matindi na ang kissing scenes nina Carla Abellana at Richard Gutierrez.

    “Konti pa lang 'yan, later on mas marami pa,” ang natatawang sinabi ni Carla.

    PERMISSION. May paalaman bang naganap sa boyfriend niyang si Geoff Eigenmann?

    “Wala, hindi naman kailangang ipaalam.

    “Kapag may soap opera naman, siyempre kasama 'yun, that’s part of your work, that’s part of the whole soap opera.

    “Hindi maiiwasan na may kissing scenes at kung anu-ano pa.

    “Normal lang iyon, hindi kailangang ipaalam.

    Maganda ang leading lady ni Geoff sa afternoon soap na Kasalanan Bang Ibigin Ka.

    “Si Jackie Rice! Oo at ang payat-payat.”

    Hindi ba siya nagseselos?

    “Hindi naman. Magkakilala kami ni Jackie, she seems like a pleasant person, so wala naman, hindi naman ako kinakabahan.”

    PATIENT AND SERIOUS ACTOR. Kumustang leading man si Richard Gutierrez?

    “Okay, in all fairness. Napakahaba ng pasensiya niya, napaka-serious niya.

    “Pasensiya, kasi siyempre with the shots of Direk Ricky [Davao], like our big scenes, ilang takes inaabot e, ilang oras inaabot para lang sa isang eksena.

    “Wala. Hindi mo makikitang umaalma si Richard or nagrereklamo siya.

    “Very patient and he’s very, very serious about his craft.

    “Talagang he looks at all the details tapos gusto niya, perfect lahat.

    “So very patient, very serious sa pag-arte, napaka-professional, in all fairness.”

    WORK ADJUSTMENTS. Ang Kung Aagawin Mo ang Langit ang huling full-length project ni Carla sa GMA at pangalawang full-length project sa primetime; ang una ay Rosalinda.

    “Although nag-appear ako sa mga short roles sa other primetime soaps.”

    May mga adjustments ba siyang ginawa dahil medyo matagal na rin ang Rosalinda?

    “Walang adjustment, pareho lang naman magtrabaho sa panghapon na soap opera at sa panggabi.

    “Mas mahirap pa nga sa panghapon, e.

    “Because you have less taping days and there are less artists so mas marami kang eksena, mas may effort, 'di ba?

    “So in terms of adjusting hindi naman masyado, walang masyadong difference.”

    MARRIAGE PLANS. Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kasama si Michael de Mesa, ang ama ni Geoff, sa press con. ng Kasalanan Bang Ibigin Ka. Nalaman ng PEP na kung magpapaalam daw si Geoff na pakakasalan na nito si Carla ay papayag daw si Michael.

    “Magpaalam din siya sa family ko!” sabay-tawa ni Carla.

    “Dapat! Siyempre dapat formally, if you have plans of getting married, you ask for permission from the family of the girl also, 'di ba?”

    Papayag ba siya?

    “Ayyy, hindi pa, parang hindi pa. Unang-una, alam ko namang hindi pa magpo-propose si Geoff.

    “Pangalawa, kung magpo-propose man siya, it's going to be a long engagement.

    “If I say 'yes' man lang… kasi ang saya ko sa trabaho ko, e.”

    Gaano katagal ang long engagement?

    “How long? Siguro more than a year. Puwede naman, kasi nag-e enjoy akong masyado sa trabaho ko.”

    Sa isang taon na 'yun, kasama na ang pagpaplano ng kasal?

    “Puwede na rin, iyon na rin para hindi rin madalian, hindi ngaragan… Makakapag-concentrate pa rin sa trabaho.”

    Kailan kaya sila magpapakasal?

    “Matagal pa, mga three years pa siguro 'yan.”

    MEN’S MAGAZINE PICTORIAL. Hindi pa nagpo-pose para sa FHM si Carla, although na-offer-an na siya.

    “I think there was an offer before, I don’t remember if it was two years ago, or three years ago.

    “Tinanggihan namin. Kasi bukod sa hindi talaga ako ready, ayaw talaga ng lola ko at ng daddy ko, ayaw nila ‘yan.

    “At pinramis [promised] ko ‘yan sa daddy ko at sa lola ko — hindi ko ibe-break yung promise ko.”

    Kahit siya ang papiliin ng concept?

    “Hindi na lang, no thanks! Unless fully-clothed, 'di ba? E, hindi puwede iyon so hindi mangyayari 'yun.”

    HORSEBACK RIDING. Nag-aral mangabayo si Carla para sa Makapiling Kang Muli.

    “Yes thankfully, naka-ilang lessons din kami, kasi iba, e.

    “First time kong mangabayo… professionally, ha?

    “Kung meron man akong experience nung bata ako, yung sa Tagaytay, or Baguio lang.

    “Ito, first time natuto ako, nagkaroon kami ng ilang lessons.

    “Kasi hindi biro yung mga kabayo, hindi iyan yung mga kabayo na nakikita mo na diyan-diyan lang.”

    LOYALTY. Masaya si Carla na nanatili siya sa GMA…

    “Of course! Very happy. At least makakatulog ako nang maayos gabi-gabi knowing that I am in good hands, that I have regular work.

    “Na I’m still with people I love 'di ba? Hindi ko kailangang mag-adjust, ito pa rin yung mga familiar faces so, masayang-masaya.”

    Three years ang contract ni Carla sa Kapuso Network.

    Naalarma ba siya sa balitang bilihan between GMA and TV5?

    “Nagulat ako the first time I found out na ‘Aba, puwede palang bilhin ang isang network!’

    “Napakalaking network, ang laki ng worth.

    “But I really don’t know kung anong nangyayari, e. Wala akong alam diyan, wala rin akong say diyan.

    “Basta maalagaan kaming lahat na mga artista at mga empleyado, e, 'di iyon lang.

    “'Yun lang ang importante 'di ba? Na alaga pa rin ang lahat.”

    DREAM ROLE. Carla’s dream role…

    “Gusto kong maging obsessed na tao.

    “Na puwedeng obsessed sa tao, sa bagay, kung anuman, sa babae, sa lalaki, sa magulang, basta yung obsessed.”

    Bakit iyon?

    “E kasi Psych [psychology] major ako so parang ang sarap lang mag-research.

    “Kung mabibigyan ako ng ganung role, ang sarap mag-research dahil meron naman akong mga materials.

    “’Tapos ang sarap paglaruan yung obsessed na character.”

    Tulad daw ng role ni Leighton Meester sa The Roommate, at ng mga pelikulang Fatal Attraction at Single White Female.

    “So iba-iba, not necessarily obsessed sa lalaki puwede sa babae na gustong gayahin, gusto ko 'yun.”

    MISSING HER PET. Kung meron siyang gustong sabihan ng “makapiling kang muli,” sino?

    “Puwedeng hindi tao? Gusto ko yung aso ko. Namatay siya three years ago, si Rocky — terrier siya.

    “Nung nakatira pa ako sa house ng lola ko 'yun. Twelve years old siya nung namatay siya.

    “Best friend ko talaga siya, baby ko 'yun. Very unexpected ang death niya, wala ako sa bahay.

    “Umiyak ako nu'n, hagulgol talaga ako. Minsan nga nagagamit ko pa sa eksena iyon e, ‘pag naaalala ko siya.”

  16. #536
    Tempo, March 28, 2012



    Carla renews deal with GMA, plans to marry in 3 years
    ni Rowena Agilada

    Manila, Philippines – VERY happy si Carla Abellana na nag-renew siya ng contract sa GMA-7. Three-year exclusive contract ang pinirmahan niya at super thankful siya sa Kapuso Network sa pagiging patient sa paghihintay na makapagdesisyon siya.

    Malaki ba ang nakasaad na talent fee sa pinirmahan niyang kontrata?

    “Oo naman. Bigger and better (laughs),“ she said.

    First project ni Carla sa panibagong kontrata niya sa GMA ay ang teleseryeng pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez. Titled “Makapiling Kang Muli“ (dating “Rancho Paradiso“ ang working title), this week ay nakatakda na silang magtaping sa Batangas.

    Dalawin kaya siya roon ni Geoff Eigenmann? Dinalaw ni Carla ang boyfriend sa taping nito ng “Legacy“ sa Timberland Sports Club sa San Mateo, Rizal noong nakaraan nitong birthday (March 23).

    Doon nakausap ng Tempo at ilang entertainment writers ang aktres.

    Ani Carla, “Malayo ang Batangas. At saka, busy si Geoff sa taping ng `Legacy.’ Wala pa naman akong taping, kaya dinalaw ko siya rito.“

    Any marriage plans? Sa isang interbyu ay sinabi ni Geoff na ready na siyang mag-asawa. What about her?

    “Sabi ko sa sarili ko, I want to get married at 27 or 28. I’m 25 now. Geoff is 28 pero hindi pa namin napag-uusapan ang kasal.

    “One and a half years na kami together. Maraming pagsubok na ang dinaanan namin sa relasyon namin. Minsan, naiisip namin, baka hindi mag-work. Ako kasi, hindi laro pag pumasok ako sa isang relasyon. The longer the relationship is, the better.“

    'Di ba, babae ang nagdadala sa isang relasyon?

    “Mabunganga ako pero mahaba ang pasensiya ko. Nagsabihan kami ni Geoff na huwag na kaming mag-aaway sa mga nonsense na bagay. Minsan kasi, pinag-aawayan namin ang trabaho, mga mood swings namin. Pero walang selosan sa amin.“

    * * * * *

    Tempo, June 2, 2012



    Richard, Carla hataw sa halikan
    ni Rowena Agilada

    Manila, Philippines – FIRST taping day pa lang nina Richard Gutierrez at Carla Abellana sa “Makapiling Kang Muli” ay kissing scene agad nila ang kinunan ni direk Ricky Davao. Nakasakay sila sa kabayo, ayon kay direk Ricky nang nakausap namin sa press con. ng MKM.

    “Ice breaker, kumbaga,” aniya.

    Take 3 ang kissing scene nina Richard at Carla at ayon kay direk Ricky, marami pa ’yon sa mga susunod na taping days nila.

    Love story ang MKM at kailangan ang maramig kissing scenes, ani direk Ricky.

    “Agad-agad kissing scene?” ang nasabi na lang daw nina Richard at Carla.

    Nakausap namin ang aktres sa press con. at aniya, hindi talaga sila nakapag-prepare ni Richard sa kanilang kissing scene.

    “Pareho kaming nabigla, kaya sige, go na lang kami. Hindi na ako nag-inarte pa,” lahad ni Carla.

    Going strong

    Sa Batangas, Pagsanjan, Tagaytay at Quezon ang location shoot nila kaya hindi siya nadadalaw sa set ni Geoff Eigenmann, ayon kay Carla. Busy rin kasi ang kanyang boyfriend sa taping ng “Kasalanan Bang Ibigin Ka?”

    Parehong sa Monday (June 4) magsisimula ang respectives shows nina Carla at Geoff sa GMA-7.

    Afternoon Prime ang KBIK after “Hiram na Puso” at kapalit naman ng “Legacy” ang MKM. Kung may kissing scene si Carla with Richard Gutierrez sa MKM, meron din si Geoff with Jackie Rice sa KBIK.

    Hindi isyu ’yun sa kanila, ani Carla. Walang selosan sa kanila ni Geoff at buo ang tiwala nila sa isa’t isa. Magtu-two years na sila together on Sept. 2 this year at going strong ang kanilang relasyon. “I’m 100% happy,” ani Carla.

    Dagdag pa ng Kapuso star, no matter how busy sila pareho ni Geoff, they find time for each other. Hindi sila naniniwala na pag busy sa career, wala nang time for each other.

    But then, marriage is still out of their minds.

    “Mag-iipon muna si Geoff,” sabi ni Carla.

  17. #537
    Balita, June 2, 2012

    Geoff Eigenmann, sinuntok ang pader nang makipag-aktingan sa ama
    ni Nora Calderon

    KAYA ni Geoff Eigenmann na magmahal ng sabay sa dalawang babae, tulad ng role niya bilang si Josh sa Legacy pero hindi raw niya kayang makipagribal sa kanyang ama (Michael de Mesa) sa iisang babae, tulad sa bago niyang afternoon prime na Kasalanan Bang Ibigin Ka.



    Lalong hindi raw niya kinaya ang first scene na magkasama sila ng ama. Ito ang first time nilang pagsasama sa isang TV series, although gumanap na silang mag-ama sa pelikulang First Time High three years ago sa Star Cinema.

    Kuwento ni Direk Mark Reyes, sa first taping ng mag-ama, cool lang si Geoff the whole afternoon, pero naging tensed na ito sa last sequence na ginawa, at nakita niyang sinusuntok ng actor ang pader. Natameme
    si Geoff at hindi alam kung paano aarte sa harap ng ama.

    Pero very supportive naman si Michael, alam niya ang nararamdaman ng anak.

    “Close to home kasi ang story ng KBIK,” sabi ni Geoff. “Hindi naman lihim na hiwalay ang parents namin at si Dad, may bago siyang wife sa States na much younger sa kanya. Dito kasi (sa istorya) naghiwalay ang parents ko, Jaime (Michael) at Beatrice (Sharmaine Arnaiz) at na-in love ang ama ko sa mas bata sa kanya, si Erica (Jackie Rice). Ang masakit pa, dati kong girlfriend si Erica na basta ko na lang iniwanan. Nagkaroon ng problema sa finances si Erica at ang younger sister niyang si Bianca (Jennica Garcia) nang parehong namatay ang parents nila, at nagkakilala sila ng daddy ko. Walang makakapitan, pumayag si Erica na magpakasal sa daddy ko.

    “Kung mangyayari iyon sa totoong buhay, siguro ako ang maggi-give way para sa aking ama dahil blood is thicker than water.”

    Excited si Geoff sa bago niyang soap na tiyak daw hindi bibitawan ng televiewers dahil sa pilot week pa lamang, sa Lunes (June 4) na, after ng Hiram Na Puso sa GMA-7, marami nang mangyayari. Isa na rito ang love scenes nila ni Princess Snell at nina Jackie at Andrew Schimmer. Then sila ni Jackie. Kasama rin nila sa afternoon prime sila Angelika dela Cruz, Bobby Andrews, ang nagbabalik-showbiz na si Diego Castro, Bubbles Paraiso at Pancho Magno.

  18. #538
    At Startalk

    Twit pic of Yssa Alvarez:


  19. #539
    Startalk: To SIN or not to SIN


  20. #540
    Not seen on TV: Ang mga paghahanda sa second quarter ng GMA Telebabad

    Panahon na para silipin ang exclusive behind the scenes ng mga paghahanda para sa mga bagong shows ng GMA Telebabad ngayong second quarter ng 2012 - ang Luna Blanca, Makapiling Kang Muli at One True Love.


Page 27 of 47 FirstFirst ... 17 26 27 28 37 ... LastLast

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Whats Happening

Sub title

The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more


PROMO: Epic
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic! view more


The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more


Caught Up Default

Sub title

Trailer: The Great Gatsby
Baz Luhrmann directs an ambitious, visually stunning tale of love, dreams, and tragedy in The Great Gatsby. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more


Review: One Piece
Is One Piece Film Z an epic nautical adventure worth experiencing? Find out in this review! view more


Review: Trance
Director Danny Boyle delivers tons of twists and turns in this well-written mind-bending action thriller view more




Forums Directory