Ang biblia lamang ang theopneustos. Fine. Tanging kinasihan in other words ng espirito ng Dios - tindig ng mga ebanghelico/protestante. Matatalim na mga pangangatwiran ang ginagamit ng mga protestante/ebanghelico upang ipagtanggol ang kanilang bilang ng 66 book na biblia. Ang tanong, nasa biblia ba ang tindig nilang ito?
1) Ang biblia lamang ang Kinasihan, Tangi, Huli at Pinakamataas na Autoridad sa aral at doctrinang Cristiana.
Kung magkagayon - baket kailangan pang kumunsulta sa mga bible scholar, hudyo at protestante kung wala naman palang ibang dapat panggalingan ng doctrina?
2) Nasa biblia ang lahat ng kaalaman ukol sa kaligtasan.Ang dapat lang tanggapin na mga doctrina ay yung matatagpuan direktamente sa biblia.
So nasaan dito matatagpuan na ang canon of scripture 66 books?
3) Ang mga autoridad ay nasa pailalim at dapat maitutuwid ng biblia.
Paano naituwid ng biblia ang 66 canon ng mga Hebreo at mga Protestante?
Tanong sa mga ebanghelico/protestante: Paano niyo nasabi na yang hawak niyong biblia walang labis walang kulang samantalang di niyo naman mahugot yang numero na 66 libro ang bumubuo sa biblia sa biblia mismo - na dapat tanging batayan sa usapin ng pananampalataya ayon sa inyo?








Reply With Quote












