PEx Highlights

PROMO: Gone Girl

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

read more

RPG: 2014 PEx School of Witchcraft and Wizardry

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry!

read more

REVIEW: Annabelle

Annabelle is a fun, scary screamfest for the barkada.

read more

PHOTOS: La Salle Extends Series vs FEU

Jeron Teng and the DLSU Green Archers had no problems defeating the FEU Tamaraws on Saturday, 94-73.

read more

An FEU-NU Matchup in the UAAP Finals?

Well, you guys were calling for an FEU-NU matchup and we wrote about it! Check out our article about a potential Tamaraws-Bulldogs matchup in the UAAP Finals.

read more

Show Me Your Nahulog na Teeths!

Chelsey takes over hosting duties for this week's episode! She and her guest talk about the big fall from the recently held Cosmo Bachelor Bash.

read more

Page 1 of 2 1 2 LastLast
Results 1 to 20 of 22
  1. #1

    Utang na loob

    paano ka tumanaw ng utang na loob? by doing a good favor to the person who helped you or pay it forward na lang?

    ang dami ko kasing kakilala na pagkatapos silang tulungan ng mga relatives nila, nagiging demanding kung sino yung tumulong. kesyo pinag-aral kita noon, pinahiram kita ng pera. it's like they are always reminded na "kung hindi dahil sa akin wala ka sa pwesto mo ngayon". kaya yung mga pobreng kakilala ko, no choice to help kahit wala na sa lugar.

  2. #2
    Quote Originally Posted by bridget_jones View Post

    kalokohan yan, people should not expect anything back when they give help.

  3. #3
    depende kung ano yung pinautang na loonb.. kung atay ito, atay din ang balik.. kung balun balunan , eh di balun balunan din..

    joke lang...

    iba iba naman kasi ang sitwasyon eh , may mga tao naman kasing hindi marunong makaalala sa mga tumulong sa kanila.. guminhawa lang nakalimot na.. may mga ganyan.. wala naman akong kilala pero may ganyan siguro

  4. #4
    Sombrero Man joeff's Avatar
    Join Date
    Apr 2011
    Location
    Pasay City, Phils
    Natural po sa tao ang maningil ng utang na loob. Kahit pa sabihin niyong tinulungan niyo si kumpare nang walang hinihinging kapalit, pero once na mag-away kayo or gawan niya kayo ng mali sasabihin niyo rin sa sarili niyo, "aba, ang kapal naman nun... matapos ko siyang tulungan? Walang utang na loob!"

  5. #5
    Ang pagtulong sa tao ay kusa at hindi dapat sinisingil. Kapag naniningil ang tumulong ... para sa akin ... WALANG KUWENTANG TAO IYAN.

    YMMV.

    --
    my_2_cents

  6. #6
    Ang utang na loob ay walang kabayaran... hanggang sa hukay hindi mo pa bayad yan...

  7. #7
    I think I'm in love...again
    Join Date
    Jun 2006
    Location
    P.I.
    I don't need a THANK YOU...wag lang akong walang hiyain pagkatapos ko tulungan. Marami rin Pinoys na pagkatapos mo tulungan sila pa ang unang mag-wawalang hiya sayo at sila rin ang unang-unang tatalikod sayo kahit wala ka pang sinasabi or hinihingi. (esp. RELATIVES)

  8. #8
    as-long-as-i-know-how-to NeoDyn's Avatar
    Join Date
    Apr 2009
    Location
    love-i'll-survive
    Quote Originally Posted by my_2_cents View Post
    Ang pagtulong sa tao ay kusa at hindi dapat sinisingil. Kapag naniningil ang tumulong ... para sa akin ... WALANG KUWENTANG TAO IYAN.

    YMMV.

    --
    my_2_cents
    nainlove ako sa sinabi mo

  9. #9
    may mga tao naman na kahit wala kang utang na loob eh pinipilit ka pa rin tumulong, tested ko sa mga aunts ko yan, palibhasa buong buhay nila pulos tulong ginawa nila sa mga kapatid nila dito sa pilipinas habang nasa ibang bansa sila, na iinsecure siguro na hindi ako nagpapakamatay tumulong sa mga kapatid ko, aba kung anu ang meron ako na sobra tutulong ako, at isa pa wala sila karapatan sa pera ko, tiyahin ko lang sila at wala ako utang na loob sa kanila para pagsabihan ako sa dapat kong gawin sa pera namin mag asawa

  10. #10
    Quote Originally Posted by my_2_cents View Post
    Ang pagtulong sa tao ay kusa at hindi dapat sinisingil. Kapag naniningil ang tumulong ... para sa akin ... WALANG KUWENTANG TAO IYAN.

    YMMV.

    --
    my_2_cents
    True. What's ymmv? You mother mother vucker?
    --
    On topic: I pay it back and forward. Sorta like dancing cha-cha.

  11. #11
    Quote Originally Posted by invi View Post
    True. What's ymmv? You mother mother vucker?
    --
    On topic: I pay it back and forward. Sorta like dancing cha-cha.
    Your mileage may vary = YMMV. Sa Tagalog, ibig sabihin iba-iba ang nararanasan ng bawa't tao.

    --
    my_2_cents

  12. #12
    ✡Irish Fairy✡ _BANSHEE_'s Avatar
    Join Date
    Jun 2011
    Location
    Venturna
    Oh di tumulong pag nangailangan ng tulong yung tao. Ganun lang. O kahit di humihingi, mag-volunteer na tumulong.

  13. #13
    Quote Originally Posted by bridget_jones View Post
    paano ka tumanaw ng utang na loob? by doing a good favor to the person who helped you or pay it forward na lang?

    ang dami ko kasing kakilala na pagkatapos silang tulungan ng mga relatives nila, nagiging demanding kung sino yung tumulong. kesyo pinag-aral kita noon, pinahiram kita ng pera. it's like they are always reminded na "kung hindi dahil sa akin wala ka sa pwesto mo ngayon". kaya yung mga pobreng kakilala ko, no choice to help kahit wala na sa lugar.
    Lol... kasalanan yan ng humiram. Bakit kasi nanghiram? Lahat ng taong inutangan ay may obligasyong maningil. They are only doing what they have to do. It is always best to avoid those positions. never akong umutang sa kamag anak.. Mamatay na ako sa gutom kesa bigyan ko sila ng pagkakataong singilin at tapakan pagkatao ko.

  14. #14
    baldo!baldo!baldo!baldo!b al
    Join Date
    May 2007
    Location
    do!baldo!baldo!bal
    oo nga dapat walang utang na loob.

    pag may tinulungan ka tapos dumating iyong oras na ikaw naman nangangailangan ng tulong tapos di ka tinulungan wag ka magalit, isipin mo na lang di lahat ng tao katulad mong mabait at matulungin sa kapwa. hanap ka na lang ng katulad mo

  15. #15
    Everywhere I am Trixie_282's Avatar
    Join Date
    Nov 2009
    Location
    There you will be
    Ang utang na loob ay hindi dapat isinusumbat, kasi once na sinumbat mo na ito, bayad na siya sayo at wala na siyang utang.

  16. #16
    the title of this thread is utang na loob. so pag utang dapat mey kabayaran whether in kind o with other means, depende na sa usapan.

  17. #17
    Utang ng loob, something na naaalala bigla ng relatives pag guminhawa na ang buhay mo. real or imagined (most of the time imagined) na utang ng loob ultimong singkong duling ay sisingilin sa iyo. Isa sa mga pangit na kaugalian ng pinoy. Example: Tumira ako sandali sa Tita ko sa Encinitas (2 weeks lang naman) kasi yung apartment na dapat tutuluyan ko pagdating dito sa California ay hindi pa tapos i-vacate ng previous tenant (I moved to California all the way from Los Baņos Laguna). During the time I was there daming violent reactions ng mga pinsan ko (anak ng Tita ko) na andyan sa Pinas. Ngayon na okay na ako dito, sa work etc tuwing humihingi sila ng tulong at hindi ko agad maibigay (like pera, gusto nila automatic pagtawag nila ngayon mag-appear na agad sa ATM nila 5 seconds later) yung 2 weeks na itinira ko sa nanay nila ay isinusumbat (palamunin lang daw ako etc). Masakit pakinggan dahil yung 2 weeks na pagtira ko doon ay nasuklian ko naman ng sobra-sobra (muntik ma-foreclose ang bahay ng Tita ko; ako ang tumulong financially para mabayaran na yun in full). Siguro sa panahon ngayon, sana alisin na natin sa mga future children natin yung sense ng utang-ng-loob. Pangit kasi ang nagiging epekto sa relations between family/friends diba?

  18. #18
    I think I'm in love...again
    Join Date
    Jun 2006
    Location
    P.I.
    Case to case basis...wala dapat maningil pero DAPAT kusa magkaroon ng utang na loob sa nakatulong sayo.

    Sa dinami-dami ng taong (relatives, so-called friends, kahit kakilala lang) natulungan ng family ko ni-isa walang nagkaroon na utang na loob (not that we're asking)...ayun lahat bum parin. Umangat na, nung yumabang...lagapak ulit.

  19. #19
    flustered and bewildered che_vitress's Avatar
    Join Date
    Apr 2010
    Location
    Euphoria
    Isa rin yan sa major issue sa family ko. Before nung bum ako at palamunin pa ng parents kung anu-ano sinasabi ng ibang kapatid ko pero nung nagka-work ako, ayun everytime uuwi ako may mga palad na naghihintay ng biyaya. Kesyo tinulungan nila ako nung nag-aaral pa ako and kung anu-ano pang drama. Pag-aralin ko rin raw mga anak nila. Huh? Gagawa kayo ng anak tapos ako magpapa-aral?

    Agree ako hindi magandang trait ng Pinoy ang utang na loob. Minsan kahit konting konting bagay na ginawa nila sayo dati ipapaala bigla dahil may pabor silang hinihingi. Pag hindi pinagbigyan, sasabihan ka ng walang utang na loob. Buhay nga naman...

  20. #20
    Banned by Admin
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    InYourDreams ^_^
    sabihin na nila na wala akong utang na loob lalo na ng tatay ko na mukang pera na lahat ng ginawa at kilos nya eh kailangang may kapalit.. Isa lang isasagot ko sa kanila..

    WAPAKELS!

Page 1 of 2 1 2 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

RPG:

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry.

It's back! Enroll now in the 2014 PinoyExchange School of Witchcraft and Wizardry.

read more
PROMO:

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

Join the promo and get a chance to win advance screening tickets to Gone Girl!

read more
SHOWBIZ:

The Amazing Race Philippines reveals participating teams for upcoming season

The Amazing Race Philippines reveals participating teams for upcoming season

read more
ASIAN GAMES:

Join the 2014 Asian Games discussion thread!

Join the 2014 Asian Games discussion thread!

read more
UAAP:

La Salle extends series, blows out FEU, 94-73

La Salle extends series, blows out FEU, 94-73

read more
NMFtv:

#TBT: Alfonso, Nigel and Enrique talk about their first gaming memories. What about yours?

#TBT: Alfonso, Nigel and Enrique talk about their first gaming memories. What about yours?

read more