ANGELINE QUINTO: The Next Female POP Superstar Thread - Page 2 | Music Fans | PinoyExchange

PEx Highlights

From court to courtside!

New commentators are making waves in the UAAP scene. Who's giving you the best impression so far?

read more

Ligaw tips!

Konting effort na lang, malay mo mapasagot mo na siya. Nauubusan ka na ba ng paandar? Anti-torpe tips here!

read more

PBA Updates!

Check out the latest PBA news and updates here. Looking for some interesting commentaries? We got it here!

read more

Restuarant hunt

Find some of the recommended hidden restaurants in the metro here. Plan your next food trip now!

read more

Recommended driving schools

Looking for a driving school? Here are some recommended schools you may want to check!

read more

PROMO: Fist Fight

Check out this thread to know how to win screening tickets to Fist Fight!

read more

Page 2 of 4 First 1 2 3 ... Last
Results 21 to 40 of 65
  1. #21

  2. #22

  3. #23

  4. #24

  5. #25

  6. #26

  7. #27

  8. #28
    Angeline has new endorsements coming up.
    More concerts! Sana may Araneta this year!
    More theme songs
    A new album
    World tour
    Movie
    Potential soap opera?!!!!

  9. #29
    hi guys.. my concert c angeline with jovit baldivino here sa rome italy sa april 29.. cnu cnu po tga rome na member dto ang manonood???

  10. #30

  11. #31
    Question to ** hardcore fans:

    1. do u think guys yung 1st album nya describe her as a singer? an artist?

    2. is she a songwriter too?

    3. i noticed lately puro theme songs sa mga teleserye ang kinakanta nya at no originals...bakit?ganito ba gusto ipackage ng abscbn si Angeline?

    4. may upcoming album ba sya? magiging content ba ng albums nya eh puro covers and theme songs from abscbn teleserye?

    yan na lang muna.
    i think kasi ** can really collaborate with good songwriters and other artist around in an album
    gusto ko yung PILIIN MO ANG PILIPINAS na hirap ako makakita ng cd quality mp3/audio file.

  12. #32
    http://www.youtube.com/watch?v=M_yFh6dvmGY

    1. I think the first album showcased her more as a singer.
    2. I think she can write songs but she has not explored that area yet. First and foremost, she is a singer and she is establishing that right now.
    3. I think singing teleserye theme songs is one of the best exposures. Not everyone listens to the radio and the broadest audience comes from the television (during the primetime block). So this gives her a strong crowd to expose her music to.
    4. Her new album comes out this March or April. Maraming covers, theme songs and new original OPM music.

  13. #33
    Angeline Quinto on 'shadowing' Regine
    By JOJO P. PANALIGAN
    March 12, 2012, 11:34am

    Angeline so busy these days: ‘Ang schedule ko, buhol-buhol…ang tulog ko minsan, tatlong oras lang’ (PHOTO by JOJO PANALIGAN)
    MANILA, Philippines – Some of Angeline Quinto’s career moves have been done by Regine Velasquez yet the former has no problem with it.

    When Bulletin Entertainment pointed out that Regine could very well say “Been there, done that” to Angeline’s remake of “Minsan Lang Kita Iibigin,” her duet “In Love With You,” and her guest performance in the upcoming Brian McKnight’s concert, the young singer merely shrugged and smiled.

    “Syempre ito po ang trabaho na dumarating sa akin at ayoko naman ding tanggihan. Matagal kong dinasal to,” she said.

    Angeline pointed out that Regine, herself, tells her to not mind such comparisons.

    “Isa po siya [Regine] sa mga taong masaya para sa akin. Bata pa lang ako, nakilala ko na siya sa ‘Star for a Night’ and when she sang as guest in my first solo concert sa Skydome last year, she told me na I have my own style.”

    There have been times when she tried to sing differently in order to skirt comparison but Angeline said it didn’t work.

    “Halata kasing pilit binago so ang pangit,” she quipped.

    Despite the criticisms, Angeline continues to make hay. Aside from her music career, she is doing a movie with Coco Martin titled “You Light Up My Life.”

    “Si Coco, di niya ako pinababayaan sa bawat eskena. Alam naman natin na magaling na actor si Coco at ako naman ay nagsisimula pa lang kaya pag nahihirapan ako, tinutulungan niya ako. Minsan kasi sa sobrang pagod, nablablanko na utak ko,” she said.

    How busy is she these days?

    “Ang schedule ko, buhol-buhol…ang tulog ko minsan, tatlong oras lang,” she admitted, adding, “Pero nakakaraos naman araw-araw, nakakayanan.”

    Angeline works non-stop these days and she rarely gets a day off. It has reached the point when she has to reject offers due to prior commitment. She doesn’t see a vacation coming soon but she wishes for one anyway.

    “Pangarap ko po mag-Boracay,” she said.

    The white sands have to wait. Angeline is busy preparing for the Brian McKnight show at the Smart Araneta Coliseum on March 16 where she is set to perform a solo song and a duet with the international singer.

    Some of Brian’s hit songs are “Back At One” and “One Last Cry” (Angeline’s favorites), “6, 8, 12,” “Love Is…,” “Home,” “My Kind Of Girl” and “Love of My Life.” He has collaborated with such artists as Mariah Carey, Christina Aguilera, Quincy Jones, Rascal Flatts and Willie Nelson.

    Brian has won awards from the American Music Awards and Soul Train Awards as well as having been cited as Billboard Songwriter of the Year.

    “Back with Brian McKnight Live in Manila 2012” is presented by MJM Productions. For ticket inquiries, contact Ticketnet

  14. #34
    http://www.pep.ph/guide/movies/9957/...oco-martin/1/4


    Will Angeline Quinto wear a swimsuit for her debut film with Coco Martin?

    Joyce Jimenez





    Dalawang buwan din naudlot ang taping ng pelikula nina Angeline Quinto at Coco Martin na You Light Up My Life.


    Noong isang taon pa sinimulan ang kanilang taping ngunit panandalian itong nahinto dahil sa taping ni Coco para sa teleserye na Walang Hanggan.

    Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Angeline noong Biyernes, Marso 7, sa Cravings Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

    "A, hanggang ngayon naman po tinutuloy namin 'yong pelikula," sagot ni Angeline nang tanungin siya tungkol sa pelikulang ginagawa niya.

    "Medyo nag-stop nga lang po mula no'ng December hanggang no'ng January po, kasi nga po dahil sa Walang Hanggan, kaya medyo na-stop po 'yong shooting.

    "Pero, ngayon pong February at March tuloy na po, kasi alam ko po medyo malapit na 'yong play date kaya minamadali na rin po."

    ACTING PREPARATIONS. Inamin ni Angeline na malaking preparasyon ang kanyang ginawa para sa pelikulang You Light Up My Life.

    "Siyempre kahit kayo alam naman po ninyo na singer lang talaga ako," pahayag ni Angeline.

    "Kaya parang ang bilis na sa pelikula agad, parang nakakagulat po talaga. Hindi man lang ako napalabas sa MMK [Maalaala Mo Kaya] para gumanap sa buhay ng isang artista.

    "Kaya ng nalaman ko nga po na magkakaroon ako ng pelikula, akala ko hindi totoo, e, kaya sabi ko, talagang ang bilis-bilis po ng pangyayari.

    "Pero masasabi ko na, talagang ilang buwan akong nanonood ng mga lumang pelikula nina Ma'am Sharon [Cuneta], ni Ms. Regine Velasquez, 'yong mga idol ko po talaga, si ms. Nora Aunor, talagang pinanood ko 'yong mga pelikula nila noon. Tapos pinag-aralan ko po talaga 'yong bawat pag-arte nila."

    Sa ilang buwan nilang taping ng pelikula, tiwala naman si Angeline na kaya na niyang "makipagsabayan" sa iba pang mga cast.

    "A, para sa akin po, sa tingin ko naman po... A, kaya ko naman po siguro makipagsabayan sa ibang artista," nakangiti niyang sagot.

    "Pero sa ngayon po nagsisimula pa lang ako, pero ginagawa ko naman po ang makakaya ko, tinutulungan po ako nila direk [Jerome Pobocan], lalung-lalo na po si Coco."

    SWIMSUIT SCENE? Nabalitaan ng PEP na magkakaroon daw ng isang eksena si Angeline kung saan swimsuit lamang ang kanyang suot.

    Wholesome ang image ni Angeline sa industriya, kaya naman inalam namin kung totoo ba ang balitang ito at kung sakali'y ano ang reaksyon niya dito.


    "A, sinabi nga po sa akin ng direktor," pagpapatotoo niya.

    "Pero feeling ko nga po parang binibiro lang ako, pero sabi nga po nila kasi totoo 'yon.

    "Sabi ko nga, 'wag naman masyadong two-piece. Hindi po ako handa sa gano'n,' sabi kong ganyan.

    "Pero, kung pagsusuotin naman po ako ng swimsuit, 'yong medyo may balabal pa, parang gano'n po."

    WORKING WITH VETERAN STARS. Malalaking artista ang makakasama ni Angeline sa pelikulang You Light Up My Life.

    Kabilang na rito sina Eula Valdes at Albert Martinez.

    Hanggang ngayon nga raw ay hindi pa rin siya makapaniwala na makakasama niya sa isang pelikula ang mga beteranong artista na ito.

    "Sa totoo lang nape-pressure pa rin po ako kapag nakakaeksena sina Ms. Eula Valdes," pag-amin niya.

    "Kasi hanggang ngayon po hindi pa rin ako makapaniwala na nakakasama ko 'yong mga taong ito.

    "Kasi parang last year pinapanood ko lang sila sa TV, lalo na si sir Albert Martinez po.

    "Talagang nagpapasalamat po ako na nabigyan ako ng chance.

    "Ang bilis-bilis po talaga kasi pelikula agad."

    Nabigla man sa malaking oportunidad na ibinigay sa kanya, may bago naman daw natutunan si Angeline.

    "A, no'ng una po kasi, kapag umaarte ka, e, basta umaarte ka lang, 'yon po ang pagkakaalam ko talaga.

    "So, wala pa po akong alam sa pag-arte, pero mahirap po talagang umarte.


    "'Tsaka para sa akin po pareho pala ang pag-arte sa pagkanta.

    "Kasi, kapag hindi mo nararamdaman 'yong role mo, parang hindi rin mararamdaman ng tao 'yon, di ba?

    "Kaya kailangan po pala talaga, kapag umaarte ka nararamdaman mo din sa sarili mo kung ano ka talaga sa pelikulang 'to."

    WORKING WITH COCO. Samantala, hindi pa man sinisimulan ang paggawa sa pelikula'y inamin na ni Angeline na tagahanga siya si Coco Martin.

    Kaya naman nang malamang gagawa sila ng pelikula'y lubos ang saya ng dalaga.

    Simula nga raw ng gawin nila ang You Light Up My Life ay madalas kay Coco siya humihingi ng tulong sa mga eksenang gagawin niya.

    Ano naman ang mga acting tips na ibinigay ng kanyang leading man?

    "A, unang-una sinabi niya sa akin na huwag na huwag akong aarte hanggang hindi ako ready.

    "Kumbaga kasi dapat bago ka umarte ihanda mo talaga 'yong sarili mo. Hindi pwede 'yong parang hindi mo nararamdaman 'yong ginagawa mo 'tsaka 'yong role mo sa pelikula.

    "Kasi minsan 'yon talaga nangyayari sa akin, 'yong sa sobrang pagod na po nabablangko na 'yong utak ko kaya hindi ko na nararamdaman 'yong inaarte ko.

    "Kaya dapat talaga mararamdaman mo muna, e."

    CLOSER TO COCO. Inamin din sa amin ni Angeline na mula nang gawin nila ang pelikulang ito'y mas naging malapit siya kay Coco.

    "Opo naman," mabilis na sagot niya nang tanungin kung mas malapit na ba sila ni Coco.

    "Kasi dahil sa pelikulang 'to talagang mas nakilala ko siya, at saka 'yon nga sinasabi niya sa akin na natutuwa siyang mas nakilala niya din ako."

    Ang pagiging malapit na ito'y nagsimula sa pagtulong ni Coco kay Angeline pagdating sa pag-arte, na lubos na pinagpapasalamat ng dalaga.


    "Sobra-sobra din 'yong pasasalamat ko kay Coco kasi hindi naman po niya ako pinapabayaan sa bawat eksenang ginagawa namin," nakangiting sinabi ni Angeline.

    "Kasi alam naman po natin na si Coco Martin, e, napakagaling na aktor, tapos ako nagsisimula pa lang.

    "Kaya minsan 'pag may oras po na nahihirapan talaga ako sa eksena, talagang siya 'yong sinasabihan ko na, 'Coc's nahihirapan ako dito, ano ba dapat gawin ko?'

    "Talagang tinutulungan naman po niya ako 'tsaka 'yong direktor namin [Direk Jerome Pobocan]."

  15. #35
    Angeline Quinto to release her “Fall in Love Again” album this year

    Posted on March 13, 2012 by Flow Galindez

    Share on facebookShare on twitterShare on emailShare on printMore Sharing Services
    After the success of her first album entitled “Patuloy Ang Pangarap” which reached platinum status, Angeline Quinto who was the grand champion of the singing reality show "Star Power: The Search for the Next Female Pop Superstar" will be releasing her second album this year entitled “Fall in Love Again”. She maintained her status as a music royalty by being the singer with the most number of teleserye theme songs of ABS-CBN including "Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin" from Minsan Lang Kita Iibigin, "Hulog Ng Langit" from Mundo Man ay Magunaw, "Saan Darating Ang Umaga"from Budoy and "Hanggang" from Walang Hanggan.


    Aside from gaining platinum, Angeline has already earned several recognitions from various award giving bodies, including Best New Artist at the 24th Aliw Awards, Best Secular Song at the 33rd Catholic Mass Media Awards for the song “Patuloy Ang Pangarap", and Best New Female Recording Artist of the Year and Song of the Year for "Patuloy Ang Pangarap" at the 3rd PMPC Star Awards for Music. She is currently one of the mainstays of ASAP 2012 with a regular segment entitled "Angeline on Q".

    Her “Fall in Love Again” album will be distributed by Star Records.

  16. #36
    She was so cute kanina sa Kris TV!
    Flawless ang rendition niya ng "In Love With You" and "Hulog Ng Langit"!

  17. #37

  18. #38
    Angeline is future Philippine music royalty and I predict, she will be one of the biggest stars in the entertainment industry in 2-3 years. She is already exploding at a very fast rate and is very well managed. I love her humility and humble beginnings. How she's staying true to who she is but at the same time handling the rising superstardom really well. I am happy she has commercials, billboards, platinum albums, a regular appearance on ASAP- "Angeline On Q", her 2nd album "Fall In Love Again" and a movie with Coco Martin entitled "You Light Up My Life". Her concert in Araneta is also on the works.

  19. #39

  20. #40
    "You Light Up My Life" is showing this April!

    Her 2nd album "Fall In Love Again" is out this March! First single is "Bakit Nga Ba Minamahal Kita"!

    She is also a part of the OST of "Dahil Sa Pag-ibig"
    She sings the song "Maghihintay Sa'yo"


    http://www.youtube.com/watch?v=V6Nom...nItkoXLXAWg2HU

    http://www.youtube.com/watch?v=-fVG5...eature=channel

    http://www.youtube.com/watch?v=u_Cia...eature=channel

Page 2 of 4 First 1 2 3 ... Last

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •