Anong type ng Government ang mas bagay sa mga PILIPINO?
Suggestion ko lang:
FEDERAL SYSTEM para hindi na makihati ang metro manila sa tax na nakukuha ( mining etc. ) na dapat sa mismong local government kung saan nakabase ang operations ng kumpanya lamang napupunta ang tax samantalang mga opisina lang naman ng mga kumpanya ang nakabase dito pero nakikihati pa sila sa tax ‘’ganyan sila sa makati ‘’at para may sapat na representasyon ang mga taga Mindanao sa national government.
MONARCHY para may sarili na tayong mga hari’t reyna at para hindi na maingit yung mga media station dito sa pilipinas sa monarchy ng ibang bansa na panay ang balita sa utot ng reyna,damit ng prinsesa anung pangalan nun?wala naman kinalaman ang mga Pilipino sa mga yun binabalita pa rin nila.
O kaya parang eleksyon na lang sa mga classroom sa mga public school dito sa pilipinas na bumoboto ng mga ‘’muse at escort’’,para may nakatalaga lang talaga na magpapogi at magpaganda kasi lahat na lang ng pulitiko gusto rin mag papogi’t magpaganda.
Pero mas gusto ko talaga ang PARLIAMENT para matawag ko si president noynoy na ‘’optimus prime minister’’ para maging katulad siya ni optimus prime sa transformers na nagiging TRUCK kasi para mas madami siya maISAKAY sa ‘’DAANG MATUWID’’ kasi sa Porsche niya unti lang ang sinasakay niya sa ‘’DAANG MATUWID’’.








Reply With Quote











