ate...cnu pOh *** npangasawa mOh...c bf o pOh vha Or iba????...answer plZ..ang gnda..nka2iyak infairness...npkagentleman nung la2ke..hehehehe..repZ plZ

PBA historian Jay P. Mercado chronicles some of the most notoriously celebrated crowd-clearing brawls in PBA history.
read more
Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read moreate...cnu pOh *** npangasawa mOh...c bf o pOh vha Or iba????...answer plZ..ang gnda..nka2iyak infairness...npkagentleman nung la2ke..hehehehe..repZ plZ
for the 1st time,napaiyak ako ng love story![]()
sobrang ganda teh..sana ts post mo na agad yung kasunod pls?!
![]()
te...add pOh sna kta anO pOh email id mOh pOh a facebook.....plZZZ..repZ pOh..thankZ..at nung bf mOh pOh....kng pd...ad lang pOh *** sa facebook...thankZ pOh.![]()
sobrang love ni bf sa'yo hindi siya bumitiw..excellent job. that's the real man..
Mga friends eto na ang continuation.. Just keep reading, mahaba pa ito, madami pang mga nangyari hehehe..![]()
“It’s so painful if what you believed for so long was only a lie” that was one of my comment on my wall post sa fb, I was referring sa paniniwala ko dati na hindi lahat ng lalake eh babaero, kasi sa panahon ngayon ang paniniwala ay wala ng lalakeng hindi nambababae, but I don’t believe on that before, kahit na halos lahat ng kakilala ko and ibang tropa kong lalake eh ganun, naiiba ang pananaw ko pag naiisip ko na si bf, yung faithfullness niya sa loob nung 10 years, pero mali pala ako, I was so disappointed and thought na siya ang ebidensya ko na meron paring matitinong mga lalake, but he proves me wrong.
I was so down for the past few days, feeling ko I was alone and left out, mas mahirap sa akin cuz my family is not around then jobless pa ako. He’s all that I got tapos nawala pa siya sa akin, I was so dipressed, malimit akong umiyak sa twing naaalala ko lahat. I really can’t imagine that bf is saying iloveyou’s, I miss you, to another girl after all this time, I can’t believe na kaya niyang sabihin yun sa iba, hindi bale sana kung nagkulang ako sa pagmamahal sa kanya, I asked him kung may mali ba sa akin, meron ba akong pag kukulang, he even said na walang mali or kulang sa akin, siya daw ang may mali.
Nag iba na ang atmosphere sa bahay, parang sa sobrang emotional ko pati yung aura ng bahay naapektuhan, I loose weight as well, halos hindi ako nakain and natutulog, in almost a week wala akong matinong kain at tulog. Ang pinaka nakaka praning is the thought na nasa iisang company lang sila, na hindi ko alam kung nagpapatuloy parin ba sila, kahit na sinabi niyang tinapos na niya, I’m having a hard time to trust him again,
Ganun pala yun, kapag sobrang trust ang binigay mo sa tao, kapag nasira ito, sobrang hirap na maibalik. I was seeking for an advice, kung kaya minsan sa fb wall ko ito na popost. Nangangailangan talaga ako ng tulong, I even thought na magpa council kasi nahihirapan na talaga ako emotionally.
I missed my family so much, there’s no one to comfort, no one except BF. Sa kabila ng lahat, kahit na pinag tatabuyan ko siya malimit, he never stop giving me comfort. Pinaramdam niya sa akin na hindi ako nag iisa, na kahit siya ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa akin lahat ng yun wala siyang pakialam, wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba at mga galit sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin, pinupuntahan parin niya ako after work, kung wala siyang work, at tntawagan malimit and all means of communication. He makes me feel happy kahit na galit ka sa kanya, he’s doing everything mapa gaan lang ang pakiramdam ko. I remember one time after attending church, he wanted to take me out, so kumain kami sa labas, ang daming inorder, pero halos hindi namin nakain at pina take out nalang
Cuz naalala ko parin lahat, then nag change kami ng place, nag aya siya magpunta kami sa iba, while ridding his vespa scooter at papunta kami sa gusto niyang place, I was crying the whole ride, pagka dating namin sa lugar hindi pa kami nakaka baba nag aya na akong umuwi, but he understands kaya sinunod niya ako. Sinusunod at ginagawa niya lahat ng gusto ko, he’s sticking to his word na babawi siya.
THIS IS A BIG CHANGE FOR ME..
One night, nakausap ko si I.G. I told him some of the story, gusto niya akong puntahan, lalo na nung nalaman niyang kinulong ako ni bf sa bahay, he gave me some advice, at nalaman ko din na may gf pala siya, pero on that same day na nag uusap kami eh nakipag break na din daw siya, wala akong naramdaman na selos or kung ano nung malaman yun, siguro nga nawala na yung dating feelings ko sa kanya, pero natutuwa ako kahit pano he makes me feel he’s always there for me lalo na everytime na magkaka problem kami ni bf, siya laging takbuhan ko, at alam ni bf yun kaya ang laking galit niya kay I.G. at ang sabi ni bf ay iba daw ang gusto sa akin ni I.G. hindi daw maganda kaya he’s only protecting me from I.G. that’s what he said.
Nalaman na din ng family ko ang nangyayari sa amin ni bf dahil sa mga post ko sa fb, pinilit nila akong sabihin kung ano talaga ang problem namin kasi nag aalala sila at ako lang dito at marami din daw nag memessage sa mommy ko at nag tatanong kung anong nangyayari sa akin dahil concern sila sa mga nagiging status ko sa fb. Since that moment eh nasa bahay si bf at sa amin matutulog kung kaya tinawag ko si bf para siya ang mag sabi sa kanila through web cam, kaya sinabi ni bf sa harap ng parents ko, sister ko at half brother ko kung ano ang naging problem namin.
Nagulat ang mom ko at hindi makapaniwala, they acted maturedly at tinanong si bf kung sino ba daw talaga ang gusto sa amin between flirty b!tc#, bf emphasized na walang hihigit pa sa akin at ako lang ang gusto niya ngayon wala ng iba, inexplain niya rin na tinapos na niya yung mga pagkakamali niya dun sa isa at nag promise siya sa harap ng parents ko na hinding hindi na niya uulitin or sasaktan ako, nag sorry din siya sa kanila at nag sabing pinag sisisihan niya lahat.
The following day, kinontak ako ng mom ko and asked me kung gusto ko muna mag bakasyon at kinausap na daw niya yung pinsan kong taga province at welcome naman daw ako doon at for sure maaaliw daw ako dun kasi maraming pwedeng gawin, merong night life, merong pang nature din, halos lahat andun na daw, kasi napansin niyang dipressed parin ako at sobrang laki daw ng pinayat ko sa loob *** ng 2 weeks mula nung huli naming pagkikita. I said yes, pumayag akong mag bakasyon since I really wanted to get away somewhere far at move out from the house kasi lalo ko lang naaalala ang mga pangyayari.
Kinausap ako ng pinsan ko at agad agad tomorrow morning susunduin na nila ako, binilin sa akin maige ng mom ko na wag ipapaalam kay bf na mag babakasyon ako. Sa totoo lang, I’m having a second thought kung tama ba ang gagawin ko kasi hindi din ako sanay na titira at matutulog sa ibang bahay, gusto ko naman din makapag bakasyon para kahit pano gumaan ang pakiramdam at makalimot sana, kaya nag decide akong dapat akong umalis talaga.
The night before ako umalis, I checked bf’s account, at nakita kong nag chat pa pala sila! Grabe, they said na iiwasan na ang isa’t isa pero ano nanaman ‘to?? Nagalit nanaman ako, after he promised sa harap ng mga friends ko, sa harap ng mga parents niya at sa harap ng mga parents ko?? I didn’t saw his messages, yung message lang ng babae ang nag aappear kasi ibang IM ang gamit niya. Nagtatanong yung babae kung kamusta na daw kami at may mga kung ano2ng kwento pa. Nag init talaga ulo ko at sa sobrang asar ko I posted “SINUNGALING!!!” sa fb wall ko, and tada! Ilang minutes palang ang dami ng nag cocomment. Kung kaya nalaman din ng mga friends ko at nag aya yung 2 kong friend na lumabas to make me feel better, pumayag na din ako since gustong gusto ko ng umalis ng bahay, so sinundo ako nung isa kong friend, mga 11pm na that time.
Kwentuhan, at nalaman nila yung ibang nangyari, kasi hindi nila alam ang detalye (iba sila dun sa naka inuman namin ni bf from the previous chapter). They were disappointed with bf as well kahit na friendship din nila si bf lalo na yung isa kong tropang guy na close ni bf, ang sabi niya pinag sabihan na daw niya si bf na mag focus lang muna sa akin pero bakit ganun at nakikipag usap parin dun sa babae..
Mga 4am na kami nakauwi at hinatid na ako nung friend ko na kaclose ni bf. Hindi pa ako nakapg empake kung kaya nag ayos na ako pag dating sa bahay, as usual, wala nanaman akong tulog. I kept on posting on my fb wall, at naka chat ko ngapala siya that night before I go out with my friends asking him kung ano nanaman ibig sabihin nung pag uusap nila, ang sabi niya tinapos niya lang daw lahat sa kanila, formality lang daw kung kaya kinausap niya uli yung babae, I said to him “diba tinawagan mo na siya before yung time na sinundo ka ng papa mo at nag iiyak ka nga daw sa kanya diba, sabi mo tinapos mo na lahat dun kaya mo siya tinawagan at sinabi mo yun sa harap ng tropa nung nag inom tayo! Tapos sasabihin mo ngayon na tinatapos mo uli kaya mo siya kinausap? Eh kelan mo ba talga balak tapusin ‘to?!”
After that hindi na ako nakinig sa mga sinasabi niya, hindi na ako nag rereply sa kanya, sobrang nagalit na talaga ako sa lahat ng mga kasinungalingan niya at inuulit pa niya uli matapos niyang mag promise. Habang magkakausap kami nung mga friend ko nung lumabas kami eh tawag siya ng tawag sa phone ko, sa phone nung tropa ko, dahil ayaw ko na siyang pakinggan, ayoko na, feeling ko durog na ako tapos inapak apakan pa uli, sobra na yung pananakit na ginawa niya sa akin
Kaya lalo akong nakumbinseng umalis at magbakasyon.
So, nakapag empake na ako, nag aantay nalang ako ng text from my cousin kung anong oras sila dadating. I posted on my fb wall “All my bags are packed, I’m ready to go…” ang daming nagtanong kung saan ako pupunta and they sensed that I really have a serious problem na kelangan ko pang lumayo ng dahil dito.
It was around 6:30am na at inaantay ko nalang ang text ng pinsan ko nang biglang may kumatok sa gate, sinilip ko sa bintana, sh3t! si bf!! Anong ginagawa nito dito ng ganitong kaaga? Ang alam ko dapat maya-maya pa ang out niya sa opisina bakit andito siya? Hindi ko alam ang gagawin at nag uulan pa that time, panigurado basang basa na siya sa labas dahil hindi naman yun nag papayong, pero hindi, nagmatigas ako at hindi ko siya pinag buksan, matapos mong mag sinungaling uli at baka mamaya eh pigilan lang ako nitong umalis.
It has been more than 30 minutes na mula nung kumakatok siya sa gate at ayaw niya parin umalis kahit ulan ng ulan. Hindi ako nagpapakita sa kanya, hindi ako nasagot. Maya maya, sumilip ako uli sa bintana dahil wala na akong naririnig na katok, mukang sumuko na at umalis dahil wala ng tao sa gate, pero bago ko saran ang bintana may narinig akong susi at naaninagan siya kaya bigla kong sinaran ang bintana at narinig kong nag bukas ang gate. Sh3t! Kinuha niya malamang yung duplicate ng susi dun sa bahay ng isa kong pinsan na nakatira sa loob din ng subdivision, iniisip ko kung pano niya nakuha yun eh hindi niya alam ang bahay noon, at bakit ibinigay naman nitong pinsan ko eh kabilin bilinan kong wag ibibigay ang susi sa kanya kung sakaling puntahan siya. Sh3t naman…
In other words, naka pasok siya sa loob ng bahay, nag kulong ako sa kwarto at hindi nagpakita sa kanya, iniisip ko malamang nakita na niya yung bagahe ko at malamang alam na niyang paalis ako. Lumabas na din ako ng kwarto since hindi naman ako makakapag tago the whole day at aalis pa ako. Tinawagan pala niya yung isang friend namin na nag hatid sa akin at sinabihan siyang puntahan na ako bago pa ako maka alis, kung kaya nagpaalam siya sa boss niya kahit hindi pa niya time mag out nun kaya alam pala niya na aalis ako.
The first words that he said at me “mag iingat ka dun baby ah, sulitin mo po yung bakasyon mo, ienjoy mo lang..” naiiyak na ako that time, then lumapit siya sa akin and he wanted to hug me, pero ayaw ko. It’s hard for me na umalis cuz I’m not used to it, lalo nang hindi ako sanay na mapalayo kay bf, sa loob ng more than 10 years naming pagsasama, siguro 1 week lang yung pinaka matagal naming hindi pag kikita at napaka dalang nun mangyari, kahit na pareho kaming may work before, siguro mga 4 times a week parin kami kung magkita dati.
I said “bakit ka pa nagpunt dito? Bakit ka pa nagpakita dito?” while crying, cuz after seeing him, biglang nawala yung tibay ng loob kong umalis, I was convinced na umalis na talaga, pero nung makita ko siya, parang nagkaroon ako ng second thought uli, lalo na’t he’s doing everything for you, kahit na sabihin mong sinaktan ka niya ng ilang bes, pero pag nakikita mo siyang ginagawa ang lahat just to win you back, parang lumalambot ang puso ko, I don’t know kung nag ******* tangahan ako, pero yun ang nararamdaman ko eh. Nahihirapan lang akong iaccept ang mga bagay, dahil sabi nila, kung makikipag balikan ako eh dapat wala ng mga flash back from the past at dapat mag move on na, dun ako nahihirapan, I can’t help but to remember all of those bad memories.
Then I can’t take it anymore, I hugged him at humagulgol ako saying “bakit nagpakita ka pa dito!...” (kung kelan buo na ang loob kong umalis) he cried as well, sabi niya “nasaktan talaga kita baby, ngayon lang kita narinig na umiyak ng ganyan”
Hi yuriko14 thanks so much po and natutuwa ako at nagugustuhan niyo ang storyhehe.. gusto sana kita sagutin sa tanong mo kaso hindi pa po tapos yung story eh
Mas maganda po siguro kung malaman niyo yung details
.. At oo tama ka, talagang true gentleman si bf, just keep reading para malaman mo kung ano ang ending hehehe
THanks again!
![]()
I'm flattered at may mga nag babasa din pala ng story hehehe
Maraming salamat po, natutuwa din ako kasi merong PEX to share our thoughts and experiences sa iba't ibang bagay.
Marami pa pong mga susunod na chapters na exciting, kaya just keep reading
Anyone can comment kung ano palagay nila sa story or any advice or somethingwelcome po kayo.. THANKS AGAIN!! MUCH LOVE EVERYONE!!!
![]()
I'd like to be friends with u on fb sana yuriko14 kaso I hope you'll understand that I want to keep my privacy.. Feeling ko kasi all out na lahat ng mga importanteng moments sa buhay ko yung mga nakasulat dito eh, kaya I guess that's enough for me to share sa madlang people.. I hope you understand, I hate to disappoint you pero hanggang dun lang po kaya ko
...
![]()
Continuation..
Me: (hugging him while crying) hirap na hirap na ako baby..
He sat on the arm chair sa sofa namin while naka hug parin ako sa kanya at ganun din siya..
He wipped away my tears and kissed me 3 times, I saw tears from his eyes.
BF: sorry talaga baby, sorry po talaga.. Naiintindihan ko nararamdaman mo at ramdam ko yun sa mga iyak mo… Tama na po, tahan na baby…
I can’t say a word, wala na, bumigay na ako, hindi ko na napigilan. Kahit sobrang sakit ng ginawa niya sa akin, I can’t deny na siya rin ang kailangan ko, and with a time such as this, wala akong ibang hahanapin kundi siya lang, kaya ako nahihirapan. I know, siya mismo ang nanakit sa akin and that’s unacceptable, but deep in my heart, I’m needing him, I’m longing for him, I want his comfort lalo na sa ganitong kalagayan ko. He’s always been there for me kapag nagkaka problema ako, siya lang ang nakakapag pagaan ng pakiramdam ko whenever I’m down and I feel secured once na kinocomfort na niya ako, ang diperensya lang ngayon eh siya ang naging problema ko.
BF: Iiwan mo na talaga ako baby?
I’m not answering..
BF: grabe talaga yung ginawa ko, sobrang pinag sisisihan ko yun baby, ayaw na kitang saktan, hindi na kita sasaktan po ulit ha (he kissed me again then hug me so tight). Kung ika gagaan ng pakiramdam mo sige po, mas maige po siguro kung mag bakasyon ka muna kesa andito ka lang lagi sa bahay.
Ang mga naaalala kong sumunod eh pina kalma niya ako at inalagaan. I said, “nag aantay nalang ako ng text nila ate para sunduin ako dito.” He held my hands at ang lungkot ng itsura niya, he said “saglit ka lang dun diba? Babalik karin agad diba?”
I said “hindi ko alam kung gaano ako katagal dun, ewan ko, bahala na, sabi nila para sa’kin din ‘to, siguro pag naka get over na ako sa lahat lahat at pag tanggap ko na…”
He’s so worried sa pag alis ko, mukang kung ano ano ang naiisip niya.
BF: dito ka nalang baby, tutulungan kitang makalimot, gagawin ko lahat, diba sabi ko I’ll prove myself, liligawan uli kita po, gagawin ko maka bawi lang ako sa’yo.
Ayun na, I’m starting to think twice if I have to go. Kapag si bf na ang nag sabi hirap na akong tumanggi. Sa isip isip ko “ano ka ba __ ang t@ng@ t@ng@ mo, magpapa loko ka nanaman ba? Pero pano kung totoo lahat ng sinasabi niya? Mukang ginagawa niya naman lahat at mukang nag sisisi talaga siya eh..”
A couple of hours had passed, hindi pa nag tetext ang pinsan ko. Then I texted my cousin saying “’te, mukang hindi na muna ako sasama sa inyo, hindi pa ako decided talaga kung ready na akong umalis eh, sorry po…” I decided to stay and listened to my heart. Ganun ako, I’m ready to give up anything for him, kahit na alam kong malaking abala sa cousin ko yun, at maraming beses ng nangyari yung may mga pinapalampas akong pagkakataon just for him, and it’s always worth it…
HELP ME EASE THE PAIN IN MY HEART…
And so I stayed, but it’s not that easy. Ganun parin nararamdaman ko, whenever I’m with him, kahit pano nawawala ang lungkot and I feel secured and safe, pero once na ako nalang, all I can feel is pain… At dahil sa mausisa nga talaga ako, para akong detective, pag nasa amin siya, wala akong ginawa kundi kalkalin mga gamit niya, every piece of paper sa bag niya binubuklat ko, lahat ng features sa cp niya nabuksan ko na at nahalungkat, kapag nasa office naman siya, wala akong ginawa kundi mag abang ng every conversation niya sa lahat ng account niya lalo na sa IM kasi may archive ako noon at halos real time yun kung kaya dun ako naka tutok at abang talaga na daig pa ang security. Para akong t@nga talaga…
I’m still crying, lalo na sa gabi, adik adik nanaman ako nito puyatan session nanaman. Wala akong ginawa kundi mag check from time to time ng mga account niya while chatting with him, at sa twing nag chachat kami eh nauuwi sa pag tatalo at inaaway ko na siya dahil wala akong ginawa kundi mag tanong ng mag tanong sa kanya sa kung ano pa mga nangyari sa kanila ni flirty b!tc#, kung gaano niya kagusto si flirty b!tc#, at ano ang mga diperensya namin. In fairness sinasagot niya naman ako kahit alam niyang masasaktan ako, alam niya kasing ganun ako, mas gusto ko ng alam ko lahat, at gusto ko alam ko in detail!
Tinanong ko siya kung ano mga napapag usapan nila, ang sabi niya mga kung ano ano lang, malimit nga ang ikwento nun eh yung mga nag kaka gusto lang sa kanya (kay flirty b!tc#) sa loob ng opisina nila, kasi daw marami daw nag bibigay ng mga regalo dun at maraming nag kaka gusto dun. Pero wala daw siyang pakialam kung sino man magka gusto dun kasi alam niya naman daw from the start na wala silang patutunguhan nung girl dahil ni minsan hindi daw sumagi sa isip niya na ipag palit ako doon at pangalawa alam niyang wala siyang mapapala sa babae dahil may anak na nga rin. Sobrang takang taka talaga ako kung bakit nagka gusto si bf dun lalo na second hand yung girl?? Iniisip ko baka ginayuma nung babaeng yun si bf at nun lang nagka ganun si bf na nakayanang mag sinungaling sa akin sa napaka raming paraan, at yung puntahan siya from laguna to makati at ihatid hatid.. haaaaay… At lalo nang hindi ako papayag na mas maganda siya sakin!! Te’ nakita ko na mga pics niya sa fb, Maputi lang siya, siguro may itsura, pero malamang makarisma sa personal kaya maraming nagkaka gusto, kasi yun din ang sabi nung nang hula sa amin, hindi naman daw kagandahan pero makarisma.
But compared with me?? Duh?! Hindi ako papayag!ang yabang ba? Hehe..
Sobrang galit na galit ako kay flirty b!tc#, oo nga medyo nagka sundo kami from the last time na nag usap kami, pero hindi siya tumupad sa usapan na iiwasan na niya si bf, talagang napapag halata ang pagiging makate niya! (hindi naman ako masyadong galit! hehehe..) She’s really a b!tc#, may anak na nga’t lahat, at take note, nag sasama parin sila nung tatay nung anak niya, hindi lang sila kasal, pero sila parin, meaning on a comittment din siya, talagang malande, and it really frustrates me twing naaalala kong pinag tanggol ni bf yun na hindi daw nun deserve yung word na malandi! T@ng!na!!
Kasi base on bf’s word, mabait daw yun, nakokonsensya pa nga daw yun at sinasabihan siyang “hindi ka ba nakukunsensya sa ginagawa natin?” ang sabi ni bf he answered “nakukunsensya, pero masaya ako eh…” Sh3t!! ang sakit nun grabe… I have also seen some messages of bf kay flirty b!tc# at yung ibang lambing na sinasabi niya sa akin ay sinasabi niya sa babae niya, that I really can't take, thinking palang kung gaanong ka sweet si bf tapos parang half nun gagawin niya sa babaeng yun?? Hindi ko talaga matanggap...
Thinking palang na naging masaya siya sa piling ng iba?? Omg, I can’t take the pain. Kapag kaharap si bf napaka bait nung babaeng yun, pero pag ako na lumalabas ang sungay, kaya ngayon naiintindihan ko na kung bakit galit na galit ang mga misis sa babae ng asawa nila, naiintindihan ko na’t nararamdaman yun, at tulad nila, gigil na gigil talaga ako sa mga ganun…
Lahat lahat ng problema bigla kong naramdaman isang gabi, this time, I can’t cry, I don’t know why, nararamdaman kong sobrang sakit ng nasa loob ko na gusto kong iiyak para mawala at para mailabas ko, pero hindi ako maiyak, mukang naubos na ang luha ko or napagod na. I’m starting to feel self pitty, I was questioning kung bakit naiwan pa ako dito at hindi nakasama sa family ko at bakit ako natira dito, I don’t have a job, I’m really unsure with my life, sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko before pa dumating ‘tong problemang ‘to, I’m confuse kung anong career ang ittake ko, I can’t see any bright future ahead of me, talagang si bf lang lahat lahat ko tapos ginanito niya ako? Ano pang matitira sa akin?
That night, I can’t take it anymore, gusto ko nang sumuko sa buhay, I never imagined na maiisip ko yung bagay na yun, tinamaan ako ng sobrang dipression. Then I think na wala namang mapang hihinayangan siguro kung mawala ako, there’s nothing left for me except for my family na nasa malayo, so, I started writing my last words for my family, ganun pala yun, talagang mapapa sulat ka ng suicide note kapag nasa ganung stage ka na, cuz I want to be fair with my family somehow, para atalis kung sakaling mawala talaga ako eh alam nila kung ano ang dahilan ko and I said sorry and thank you as well… Then, before I do it, I messaged bf, and that moment, parang bigla akong nakaramdam ng luwag sa dibdib, as if I’m floating, parang alam ko nang eto na yung huling pag papaalam and I want him to know how thankful I am for knowing him. Ganun nga ginawa ko, I said thank you and I mentioned kahit pano magaan na ang pakiramdam ko at pinagka bilinan ko sa kanya to take care of himself, and that time, mukang napagod na din siya and he’s saying na binigo niya ako at kung makaka buti sa
Akin ang mapag isa eh gagawin niya, he also said thank you, cuz probably napapagod na din siya sa kakaaway ko sa kanya araw araw and he thought that I need a break din, but he didn’t know na iba ang balak kong gawin. At the end of our conversation, he sensed na iba ang balak ko, he started to worry and said “mukang dapag kitang puntahan ngayon diyan baby…” but that time was only 3am at mahirap mag byahe, he said “kokontakin ko sila mama papapuntahin ko diyan” I said no, Kinonvince ko nalang siya na hindi yun ang balak ko kaya naging ok na.
All I can feel is pain, that was the most down moment in my life. Ready na ang lahat, I’m finish with my note, I said a little prayer, pumwesto na ako sa kwarto ko, I’m thinking na mag laslas ng pulso hanggang sa maubusan nalang siguro ako ng dugo. Wala akong makitang matalas na bagay, ayaw kong gumamit ng kutsilyo, ayaw ko ng gunting, ayaw ko ng cutter may kalawang baka matetano pa ako, naisip kong basagin yung mug or plato katulad ng nangyari kay bf nung binato ko siya, pero baka marinig sa kapitbahay at magising, hindi ko kayang mag bikti at baka bumigay yung pag sasabitan at maging bloopers pa, ayokong uminom ng pills baka ma-over dose kaya ako, haaaay.. Ano ba naman ‘to, horrific moment ko ‘to bakit nagiging comedy? So, nakita ko ang pang shave ko, gosh, nagamit ko na ‘to sa legs ko, Ah! May bagong bili ngapala ako, so binuksan ko yun, at sinira ang pang shave at kinuha ang pagka liit liit na blade, ok, eto na ‘to, pero wait, may pagka O.C.D. ako eh, punasan ko muna ng bulak na may alcohol ‘tong blade, mahirap na, baka mauwi sa infection imbis na darecho libing.. Urgh! Ang daming interuptment!! Ah wait, kuha pa ako ng bulak na may alcohol at punasan ang wrist ko, diba ganito ginagawa pag tuturukan ka sa ospital? Haaaayss.. Magpapaka matay nalang puro ka kengkoyan pa.
Ok! This is it! So, how do I do it? AYOKONG MASAKTAN!!! Ok ok, I know, ididiin ko nalang siguro yung blade sa wrist ko, ganun na nga lang, Arrrrrgh.. HANGSAKET!!! Ouch ouch!! Pero in fairness, nagka sugat siya ng konting konti, ok, ididiin ko nalang yung blade ulit dun sa nagsugat na, Ahhhhhwww!! Torture ito!!! Wait wait lang.. Kaya ko ba talaga ‘to?? Ano ba naman ‘to??... Ok ___, you can do this, wala ng atrasan, matapos mong isulat yung last will and testament mo at magpaalam kay bf (pride nalang ang umiral sa akin). Siguro isang madiin at mabilis na slash nalang and it will work, ok!
And so I did it and it worked, at may mga dugong lumabas medyo madami, I can remember nung makita yung ganung karaming dugo from me, I said “oh my god, oh my god, my blood, I can see my blood!!!!! Bwisit ng yan, naging comedy eh.. I just lay down on bed na naka hang ang kamay kong dumudugo sa gilid ng kama, pero ilang minuto lang, it stopped bleeding.
Me: What?! Hanggang diyan ka lang? Why do you stop bleeding? Gosh ang saket, no way, hindi ko na kayang ulitin pa ‘to sa kabilang kamay ko no!..
And so walang nangyari kundi pinahirapan ko lang ang sarili ko’t nag inarte, in fairness ang sakit niya talaga, napagod na ako, natulog nalang ako ng hindi pinupunasan ang dugo.
Around 9am dumating kumatok si bf sa gate, medyo hilo pa ako galing tulog, ang nasa isip ko lang eh buksan ang gate at andun na siya, kaya hindi ko na nagawang hugasan ang mga dugo. Pagpasok niya, pumasok ako sa kwarto at nag talukbong sa kumot, he kissed and hug me just like the usual, he didn’t noticed yung sugat ko at mga dugo, lumabas siya ng kwarto at nakita ang note ko sa table pati narin yung maliit na blade na ginamit ko, pumasok agad siya ng kwarto at chineck ako at nakita niya yung ginawa ko.
BF: ano ba ‘tong pinag gagawa mo baby?..
I didn’t say anything..
Kumuha nalang siya ng towel na basa at pinunasan ako…
And until now I still have the scar on my wrist from that stupidity…
Next Chapter: IS THIS A NEW BEGINNING??
Just keep reading everyone! May mga ilan pang Chapters, and hindi pa nagtatapos ito, and I’ll say again na hindi pa kami tapos ni flirty b!tc#!!! wahahaha!! (evil laugh).. Much love!
Napaka careless naman ng bf mo.
Kung magloloko siya sana binura niya lahat ng ebidensiya. Alam naman niyang alam mo ang mga passwords sa mga accounts niya. Sana naman gumawa siya ng ibang set of accounts at doon lang siya kontakin nung babae. Pwede rin siyang kumuha ng ibang cellphone para doon makipag communicate sa babae.
Nagpapahuli talaga siya sa iyo.