Hi guys. saang Gov't agency ba maganda magwork and ok ang compensation? i have Civil Service eligilibity and gusto ko sana ito magamit.
Thanks!

Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreHi guys. saang Gov't agency ba maganda magwork and ok ang compensation? i have Civil Service eligilibity and gusto ko sana ito magamit.
Thanks!
customs? good luck
mag-private company ka na lang..suggestion yan ng nanay ko, who works in a gov't agency..
ok ba sa DOLE?or Customs?
why michy? saan gov't agency sya? if i may ask
It depends on what is your specialization or college degree. Working for the government has it's own rewards (again highly dependent which agency you're working for).
+1 ako kay mazdamazda.Ok din naman sa gobyerno, pero depende parin sa tinapos mo ang pag angat mo sa gobyerno.. sa pag angat mo nandiyan na yung rice subsidy, loans, clothing allowance etc. Sa aking obserbasyon eh matanda ka na bago mo ma-enjoy yung mga yun.
eto payo ko lang, mag masteral ka![]()
thanks. i'm planning to take MBA when i have funds for tuition na.
mas madali ba umangat sa gobyerno kapag may masteral ka or law?
tingin ko kasi, mas secure talaga sa Government. i've worked for private companies and talagang susulitin nila yung pinapasweldo sayo. whereas sa Government, it's not usually the case right. may standard silang salary and hindi ka basta basta mawawalan ng trabaho as long as eligible ka unlike sa Private pag ayaw na sayo anytime pede ka nilang alisin or pedeng magsara o malugi yung company.
i sent applications to a few govt offices na medyo related sa course ko, (NEDA, DFA, BoC, BI, OWWA, DOLE) and to my disappointment, lahat sila may common ground: sobrang tagal ng processing. I tried my luck sa customs last November yata yun, when they opened posts for Customs officer IV. I didn't make it. Lesson? Make sure may kakilala ka sa loob. Hehe..
Maganda ang benefts and sweldo pag sa government ka nagwowork, esp pag maganda credentials mo. But I have realized hindi ako swerte pagdating sa govt offices..
I graduated in 1996... and lahat na yata ng Government agencies ay naikot namin para mag submit ng resume namin (with my classmates nung fresh grad pa lang kami)... Pero mahirap talaga makapasok kung wala kang kakilala.
Merong pa nga nang agency na sinabihan kami na 'formality' lang (read: requirement) ang pag post ng vacancy pero the truth is meron nang naka puwesto or may naka abang na sa puwesto... This is after we asked why they are saying walang vacant post, pero marami naman nakapost sa bulletin board nila or naka advertise sa dyaryo.
Hindi ako nakapasok sa Government, naging OFW ako... However I have my classmates who are now working in various Government agencies na maayos naman ang naging pamumuhay. Nakakapag suot ng original Lacoste, nakakabili ng Innova (if you can read between the lines)...
nakapasok naman ako sa gov't nang walang backer. swertihan lang sigurokung wala ka pang masyadong experience syempre apply muna as contractual saka magintay sa opening for permanent position.
Customs officer IV? what's your previous job? minsan magsimula muna tayo sa mababang position lalo na kung wala ka pang masteral and doctoral degree.
Tumpak lahat ng mga sinabi niyo. Gusto ko lang idagdag na talagang mahirap ma-regular, meron nga 6 yrs na siya na contractual gov't employee eh.. Kung gusto niyo talaga, try niyo sa City Hall niyo, tiyak may kakikalala kayo dun..
Dagdag ko lang may isa pang meaning yung abbreviation na MBA(May backer ako) ha ha ha
guys, what does x hours of relevant training comprise of? does it include seminars attended that's related to the position?
GOCCs like BSP, Landbank, DBP, SSS, GSIS, Pagcor...in short those agencies that make money.
i'm not that familiar with law/rules regarding employees related to each other working for the same company, so here's my question, if an employee there say for example is the sister of my auntie's husband, will i have the chance of getting hired?
thank you.
Last edited by 00ash00; Jul 9, 2012 at 11:33 PM.
It is better to work as contractual muna sa isang government agency. Actually totoo naman lahat ng sinabi dito, like; kailangan may kakilala ka sa loob, matagal ang processing, at magsisimula ka muna talaga sa mababa.
1. Yung kakilala sa loob, pwedeng sya yung magpapasok sayo, or sya yung magrerefer sayo. Hindi kasi masyadong uso sa government yung mala-jobstreet active repository of vacant positions eh. So pag nagkaroon lang ng vacant saka nagpapasabi na maghanap, eh hindi naman yun madalas na nangyayari kaya ang siste, kung sino ang may mga kakilala-kakilala n na lang may alam sa trabaho din. Same as NGO's, na hindi naman lahat ng nagpopost. May mga government agencies din naman na nagpopost talaga ng vacant pero bibihira sya.
2. Matagal talaga ang processing sa government office, lalo na kung regular position. Kasi ang plantilla (item for permanent position) ay centralized from DBM, so yung sweldo mo ay nanggagaling talaga sa national government, and usually yung vacant positions na yan ay posting rules such as - required syang ipost sa job bulletin (kaya nakikita natin silang nakapost kahit na filled in na, dahil required sya sa law) and 6 months ang allowance to fill-in the position, and usually, tinotodo nila yung time allowance na yun. Kaya kung yung job vacancy ay ipinost ng January, asahan mo ang interview mo ay after a month, then panel, after two months, then job offer sa sixth month, mga ganun.
3. Lastly, magsisimula ka talaga sa mababa, in other words, magcontractual ka muna. Though there are some government agencies na talagang tumatanggap ng external hiring tapos for regular position na agad, eh bihira yun, and meritorious cases yun. Generally, magiging contractual ka muna talaga, alamin ang nature ng job mo, kilalanin ang mga tao sa opisina, makibagay, etc. Then pag nagkaroon na ng opening, mageencourage na magapply sa office din, then bahala na kung mapolitika ka o swertehin ka, depende sa boss yan at sa admin ng office mo. Malabo din talaga yung galing kang corporate, say, 4 years sa isang company, tapos magaapply ka ng, say, Project Director IV sa isang government agency. Kasi ang dating nun eh, taga labas ka pa din, yung mga Project Director III, II, I ang may nakakaalam nung trabaho since most of the jobs in government agencies are highly technical, kaya nire-require lagi ang educational merit (i.e. MBA, Master's degree), unlike sa corporate na output and merit-based.
Hope this helps.![]()
I worked in the government for 15 years, ang masasabi ko lang sa balak mag apply, kapag walk in ka asahan mo ilalagay sa ilalim ang resume mo na abot ata ng 5 feet ang height, maswerte ka kung nakaligataan na ilagay sa ilalim, pero mare-review lang yan sa kaka-follow up mo pag hindi matatabunan na yan. Pag may kakilala ka naman depende sa position ng kakilala mo kung saang department sya lalo na kung nasa HR mabilis pa sa alas kwatro hired ka na basta may requirement o plantilla. At ang tradition na kapag nagpapalit ng presidente siempre may magpapalit din sa management at mga secretary. Kapag ang secretary ng agency balak mong pasukan ay kababayan mo, humanap ka na ng padrino sa bayan nyo para makalapit kay mr secretary o undersecretary panigurado kasama ka na sa for training pag may opening. Sa madaling salita, mas napapabor na mag hire ang mga government agency sa mga kakilala o recomenda dahil nga naman pag may hahabulin ay yung backer ang pagdidiskitahan. Kapag may kaso ka ang unang tanong sa iyo sino ang backer mo
Pag dating naman sa compensation at security of tenure; Wala namang nabago ang mga makukuha mong benefits sa isang contractual at permanent. Kung si permanent ay may bonus at kung ano-ano pang benefits, ikaw na contractual ay meron din at lahat parehong-pareho kayo at talo mo lang as in contractual ka, pag nagkaroon ng lay off, o tsugihan isa ka sa mga kandidato at si permanent kahit na magunaw pa ang mundo kanyang-kanya ang position.
Pagdating naman sa promotion, ay dito talaga ang politika. Damay-damay pag nagpalit ng presidente. Kaya nga ako, presently naandito sa abroad pati na ang kuya ko ng dahil dyan sa Fat-boy na asawa ni GMA. Akalain mo ba namang nakahulma na ang lahat ng mga position ng mga tao pag tapos ng project, eh biglang pasok etong fat-boy at naglagay ng director na pambayad nya ng utang ng loob, na ang tinapos ay major in music, at meron pang bitbit na isang brigada na iaassign nya ng pwesto, ayun tapos ang kasu-kasuhan naming lahat. Kaya kung hindi kami magre-resign maiwan daw kami sa pwesto namin at padidikta sa mga amateur comrades ng bagong director at take note turuan muna daw namin sila bago kami umalisfatboy talaga. Alamin nyo na lang kung anong government agency tinutukoy ko baka sabihin nyo tsismis lang ako.
Maganda naman magtrabaho sa government and of course marami kang mapapakinabangan at present and in the future, yun nga lang, selective lang ang pag asenso depende sa department mo o napuntahan mong agency. Basta kung kaya mong makipaglaro sa political tradition ng pilipinas, puede ka sa government pero pag hindi, think twicedahil yung tinatawag na politika sa mga private ay wala pa sa kalingkingan sa government at eto ang tutuong politika.
![]()
^ just to clarify, contractual employees do not get bonuses unless they are contractual with plantilla positions. i guess you mean coterminous, which is entirely different.
i was with the government for almost 10 years. straight out from college, sa gobyerno na ako nagwork as a personnel officer. for entry level, mas ok sa gobyerno kesa sa private but as you go up the ladder, dun mo mararamdaman ang disparity ng nasa gobyerno vis nasa private. karamihan sa mga nabanggit na dito, totoo. kung me kakilala ka sa loob, mas malaki ang chances mo na makabalita kung me open na posisyon. as to the possibility na mahire naman, depende kung sino ang kakilala mo, hehe.
_Zei_Emu_, trainings and seminars related to the position ang basehan. so kung nag-aapply ka as, say, Cashier, walang bearing ang training mo on Education. Pero medyo broad din ang definition nyan. Kasi yung training on Powerpoint kunwari, pwede sya icount.
00ash00, you have a chance of getting hired as long as ang appointing authority ay hindi mo kamag-anak. Sa mga national agencies, marami kang makikitang magkakamag-anak dahil ang appointing authority naman sa ganyan ay ang Secretary. So kahit nanay mo ang boss sa isang division, by law ay pwede ka pa ring mahire as staff nya dahil hindi naman sya ang pipirma ng appointment papers mo.
Magandang magwork sa mga GFIs dahil hindi sila covered ng salary standardization law. ergo, di hamak na mas malaki ang sahod nila kesa sa ibang government agencies. NEDA ok din.