Nilinaw na 'di pa sila mag-dyowa, Jennylyn paghihintayin pa si Luis
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated May 30, 2011 12:00 AM
Noong isang linggo ay pumutok ang balitang may espesyal na ugnayan na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Bagay na kinumpirma na rin ni Gov. Vilma Santos na ina ni Luis.
Sobrang nagpapasalamat naman si Jennylyn sa mga naging pahayag ni Ate Vi tungkol sa kanila ni Luis.
“I want to thank Ms. Vilma Santos for her kind words and tama naman na huwag husgahan ang tao. Nagpapasalamat ako na mabait ’yung pakikitungo niya sa akin,” pahayag ni Jennylyn.
Nilinaw din ni Jennylyn kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ni Luis ngayon.
“Gusto ko lang i-clear, sinasabi kasi dating eh. Ang dating naman hindi ibig sabihin kami na. Hindi pa po kami at hindi pa po ako handang pumasok sa isang relasyon. Hindi pa rin naman ganung kadaling maka-move on pagkatapos ng hindi magandang experience sa buhay ko.
“Si Luis naman very understanding, very patient naman iyan, makakapaghintay naman siya eh,” pahayag ng aktres.
Ayon kay Jennylyn ay malaking bahagi si Luis para sa kanyang muling pagbangon. Isa ito sa mga kaibigan niya ngayon na talagang hindi siya iniwan.
“At nandiyan siya para bigyan ako ng ngiti sa aking face,” sambit pa ni Jen. “Naniniwala pa rin ako sa destiny at kung sino talaga ’yung karapat-dapat at ibibigay ni Lord sa iyo at magpapasaya sa ’yo at magmamahal sa iyo ng totoo at tatanggapin ka ng buong puso.”
ANGEL dedma kina Luis at Jennylyn
Noong Huwebes ay lumipad na patungong Amerika si Angel Locsin para sa international premiere ng pelikula nila ni Aga Muhlach na In the Name of Love. Bago umalis ang aktres ay hinarap muna niya ang ilang mga intrigang ibinabato sa kanya. Una, ang napapabalitang pagsunod sa kanya sa Amerika ni Phil Younghusband.
“Hindi, may game sila. Si Phil naman alam naman niya kung ano ang priorities nila. May game na malapit, doon muna siya sa Azkals. ’Yun naman ang next na suportahan natin, panoorin natin ’yung game,” paanyaya pa ni Angel.
Nakasali ang nasabing pelikula ni Angel sa Top 20 highest grossing films worldwide ngayong first quarter, ayon sa report ng Associated Press.
“Thank you, sana magpatuloy pa. Nakakatuwa rin, ibig sabihin nito ang Pinoy sumusuporta sa Pinoy talaga, tumatangkilik pa rin sa gawang Pinoy. I’m wishing and hoping na kung gaano kainit tinanggap ang In the Name of Love sa Pilipinas ay ganun din sa ibang bansa pag magpapalabas,” dagdag pa ni Angel. Samantala, ano naman kaya ang reaksiyon niya sa naging pag-amin na “dating” ngayon sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano na dati niyang kasintahan?
“Parang wala ako sa posisyon para mag-react. ’Yun,” diretsong sabi ng aktres.— Reports from JAMES C. CANTOS
Philstar










Reply With Quote











