Hi.
I'm a BSBA Management graduate from Ateneo de Naga and I'm interested in getting a BA Film. Ano po bang requirements for admission? Alam ko walang connection yung dalawa. Napilitan lang akong tapusin yung Mgt kasi nanghinayang ako sa ginastos. Waitlisted lang kasi ako sa Admu tapos last minute na ako naka-submit ng appeal-literal. Wala akong reply na natanggap. Actually, di ko naman talaga gusto mag-mgt pero yun nalang pinili ko kasi may scholarship offer tsaka wala akong contigency plan in case di ako matanggap. Hindi ko rin talaga alam ang gusto kong course that time. Honestly, gusto lang talaga mag-Admu kasi Ateneo din ako nung HS, yung close friend ko dun niya din gusto and dun din yung mga pinsan ko. Typical mentality ng HS seniors-school muna bago course. Nagstruggle ako sa ADNU kasi parang hindi motivating sakin ang environment tapos hindi naman ako passionate sa course ko. Lagi akong lutang sa klase. Except sa Philo classes kasi favorite ko. Hindi ko rin gusto yung policies ng attendance(5 hours lang ang allowable absences) at uniform. First sem, natanggal ako sa honors program at scholarship tapos andami kong AF. Dalawang beses ko na-F yung dalawang ComArts subjects ko kasi hindi ako naka-complete. Hindi kasi ako nag-individual report. Stage fright since birth. Kahit nung HS hindi ako nagrereport kahit major requirement. Natauhan ako 4th year ko na. Hindi ako kasama sa graduating class, extended ako ng 1 sem. Inayos ko na tapos nag-DL naman ako.
Ngayon ko lang narealize kung ano talagang gusto ko. BA Film.
Nung HS ako, member ako ng cinema club(yun lang ang club ko) tapos nung college, ang pinakana-enjoy ko yung mga times na nagdirect ako ng plays(3 beses lang ata at sa general subjects lang yun).
May chance ba akong makapasok? Titingnan ba ng Admissions yung records ko sa ADNU? Wala na ba akong pag-asa dahil may AF ako? yung HS grades ko? o mas possible na basis ang UPCAT? Medyo confident naman ako na kaya kong pumasa sa UPCAT pero hindi ako confident na kaya kong makakuha ng sobrang taas na score. Nung ACET, hindi ako nakapagreview pero kung kailangan ko magtake ng UPCAT, magrereview ako ng seryoso.








Reply With Quote













