PROMO: The Hangover 3

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3!

read more

PHOTOS: Alaska Sweeps Ginebra

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.

read more

Philippine Road-trip Destinations

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!

read more

PHOTOS: NU Outlasts AdU

The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: The Great Gatsby

Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience

read more

Page 3 of 4 FirstFirst ... 2 3 4 LastLast
Results 41 to 60 of 77
  1. #41
    Juday confirms movie with Coco
    abs-cbnNEWS.com
    Updated as of 08/02/2011 10:47 AM

    MANILA, Philippines – Actress Judy Ann Santos definitely has her hands full with her show business career as she already has a number of projects she is set to do.

    In an interview with “Showbiz News Ngayon” on Monday, Santos confirmed that she will do a movie with actor Coco Martin soon.

    “Nabasa ko ang script, sinabi ko agad sa producer namin na ‘Please huwag mo ibibigay sa iba yang istoryang yan. Akin yan,’” she said.

    According to Santos, it will be her first project in year 2012.

    [snipped]

  2. #42
    Judy Ann Santos excited over Nora Aunor's homecoming, her new TV show and movie with Coco Martin
    By ALEX VALENTIN BROSAS
    August 2, 2011, 8:24am

    [snipped]

    Another thing that excites Ryan’s wife no end is a movie with actor Coco Martin.

    “Nabasa ko ‘yung script. Sinabi ko sa producer namin na, ‘Please ‘wag mong ibigay sa iba ‘yan. Akin ‘yan. Akin ‘yang istoryang ‘yan’. Siguro mga next year na magagawa ‘yan. ‘Yan ang magiging first movie ko for next year.”

  3. #43
    Judy Ann nagpapahintay kay Coco
    SHOWBIZ NEWS NOW NA!
    Ni Boy Abunda
    Pilipino Star Ngayon
    Updated August 02, 2011 12:00 AM

    [snipped]

    Bukod sa pelikulang gagawin nina Juday at asawang si Ryan Agoncillo para sa Metro Manila Film Festival ay matutuloy na rin ang pelikula ng aktres kasama si Coco Martin.

    “Nung nabasa ko ’yung script, sinabi ko sa producer namin na please huwag mong ibigay sa iba ’yung istorya. Akin ’yang istoryang ’yan. Mga next year na talaga magagawa ’yun, ’yun ang magiging first movie ko for that year,” pagtatapos ni Judy Ann.

  4. #44
    Judy Ann Santos confirms movie with Coco Martin; enjoys her first hosting experience

    Jocelyn Jimenez

    Tuesday, August 2, 2011
    11:12 AM

    [snipped]

    MOVIE WITH COCO. Kaugnay sa paggawa niya ng pelikula, kinumpirma na ng aktres na may gagawin nga siyang pelikula kasama ang aktor na si Coco Martin.

    Ang pelikulang ito ang unang proyektong gagawin ni Juday para sa susunod na taon.

    Aniya, gustong-gusto niya ang kuwento ng pelikula kaya hiniling niyang huwag ibigay ang proyektong ito sa iba.

    "Nabasa ko ang script, sinabi ko agad sa producer namin na 'Please huwag mo ibibigay sa iba 'yang istoryang 'yan. Akin 'yan.'"

    Pero sa ngayon, abala siya sa pelikulang pagsasamahan nila ng asawa niyang si Ryan Agoncillo.

    Ilalahok ang pelikulang My House Husband sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

    [snipped]

  5. #45
    Judy Ann Santos and Coco Martin Joins ASAP Rocks ‘Feel na Feel’ Episode this Sunday
    August 12, 2011 by cd

    Feel a massive dose of superstar power as “ASAP Rocks” takes you to a rollercoaster ride of unbelievable highs led by Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, KC Concepcion, John Lloyd Cruz, Coco Martin, Piolo Pascual and “Junior MasterChef Pinoy Edition” host Young Superstar Judy Ann Santos.

    Exhilarating Kapamilya surprises begin with the hottest launch of the newest teleserye “Maria la del Barrio” topbilled by Erich Gonzales, Paw Diaz, Arron Villaflor and Enchong Dee; the excitement builds up with the return of the country’s ultimate Primetime Princess – Kim Chiu via “My Binondo Girl”; Boots Anson Roa, Ronaldo Valdez, Lorna Tolentino, Amy Austria, John Estrada, Tonton Guttierez, Martin del Rosario and Coco Martin of “Minsan Lang Kita Iibigin” bid a heartbreaking farewell to their supporters.

    It’s a moving Sunday as ASAP Sessionistas reminisce the most requested poignant songs and memories plus sentimental favorites fill the air with special renditions from ASAP Pinoy Champs Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy and Angeline Quinto.

    Plus electrifying surprises from Maja Salvador, Matteo Guidecelli, Shaina Magdayao, Nikki Gil, Gab Valenciano, Jessy Mendiola, Zaijan Jaranilla, birthday celebrator Young JV with APOP, Starpower Four, Neilbeth, B4, Camper’s Champs, XB Gensan, Freestylers, Kiss, Laoag Gymnastics Group, G-Force and “Way Back Home” stars Julia Montes, Sam Concepcion, Enrique Gil and Kathryn Bernardo.

    Experience all the drama and all the action only on “ASAP Rocks” feel na feel episode this Sunday, 12:15 high noon. For updates, photos and to hang out live with the stars at ASAP Chill-Out, visit http://asap.abs-cbn.com/.
    Last edited by crystalblast; Aug 14, 2011 at 11:45 AM.

  6. #46
    Philippine Daily Inquirer: Are you also working on film projects?

    Judy Ann Santos: We started filming “My House Husband” (Octo-Arts Films) last Monday. I’m working with Direk Joey (Reyes) and the cast of “Kasal Kasali Kasalo” (2006) here. I also can’t wait to work on my scenes with Eugene Domingo.

    I will also do a movie with Coco Martin (under Star Cinema). The film was supposed to be a Metro Manila Film Festival entry but it wasn’t able to meet the deadline. I guess it’s better if it would have its own play date. It’s a really beautiful story.

  7. #47
    PEP.PH
    Sunday, August 14, 2011 01:19 PM

    [snipped]

    NEXT LEADING MAN. Sino sa palagay niya ang puwede pa niyang maging leading man sa isang teleserye?

    "Maaaring Jericho [Rosales], John Lloyd [Cruz]."

    Si Coco Martin?

    "Si Coco! Pero magtatambal kasi kami sa pelikula. Sino pa?

    "Maraming-maraming magagaling ngayon e, ang daming mahuhusay na artista ngayon."

    Speaking of her movie with Coco, hindi nga ito tuloy this year sa pagsali sa Metro Manila Film Festival. At okay lang naman ito kay Judy Ann.

    "Kasi di ba pag Metro Manila Filmfest marami kayong pelikulang sabay-sabay. Baka itong pelikula namin ni Coco nararapat lang yata na... o baka, baka lang, baka naman iba ang dating sa tao ng nararapat... baka mas magandang ipalabas siya ng siya lang kasi maganda yung istorya. Pagkabasa ko ng script ang ganda!"


    Open ba si Judy Ann sa muling pagtatambal nila ni Piolo Pascual?

    "Ang sabi ko, ang lahat ng bagay, madadaan sa maayos na usapan."

  8. #48
    Hi pexers,

    Ano kaya ang story nito? Si Maja and Coco ba ang magka love team dito kahit na si Coco and Juday ang main lead?

    Thanks sa mag reply..

  9. #49
    ^if maja will be included, it'd be interesting to see how things will play out...but i'm kinda hoping there would be a juday-coco and maja-coco movie...just make 2 films to make everyone happy ;p

  10. #50
    Abante-Tonite
    Alfie Lorenzo

    [snipped]

    Kalat na kalat na ang Coco Martin Fever!

    Sila na ni John Lloyd Cruz ang magka-level ngayon sa ABS-CBN.

    May nakaabang na movie si Coco with Judy Ann.

    Hindi pa nga lang masimulan ang shooting abroad dahil busy pa si Juday sa shooting ng MMFF entry nila ni Ryan Agoncillo for OctoArts films.

    Four times a week pa mag-teteyping si Juday para sa Junior Master Chef. Wala pa ring time mag-shoot ng bagong commercial niya si Juday.

    Eh may nakaamba pa ring dalawang movies si Juday with Aga at Jericho Rosales. Buti na lang at nagkaroon siya ng time para sa guesting niya sa 100 Days to Heaven kaya tuwang-tuwa si Ethel Espiritu at napagbigyan siya ni Juday kahit umagaw ‘yun ng time for Lucho!

    Pumupusta ako na sa Star Magic Ball ay si Coco Martin na naman ang aagaw ng pansin at makakatanggap ng pinakamalakas na palakpak as usual.

    [snipped]

  11. #51
    PEP
    February 19, 2012

    MOVIE WITH JUDY ANN. Kinumusta rin ng PEP kay Coco ang pelikulang pagsasamahan nila ng young superstar na si Judy Ann Santos.

    Sabi niya, "Baka makapag-start na kami by the end of March. Medyo may mga trabaho pa kaming pareho na dapat tapusin."

    Ano ang reaksiyon niya sa tawag sa kanya ni Juday na "bagets"?

    Napangisi si Coco, at sinabing, "Hindi pa kasi kami nagkakasama. Baka kasi ang akala niya sa akin, bagets pa talaga at inosente pa.

    "Pero sabi ko nga, nung makita ko siya noon sa Anak TV [Awards], e, hindi ko alam kung paano siya lalapitan.

    "Kasi Judy Ann Santos 'yan, di ba? Pero nang magkalapit na kami, e, nilakasan ko na ang loob ko at sabi ko, 'Ms. Judy Ann, congratulations po.' Ngumiti naman siya sa akin.

    "Ang payat-payat pa niya ngayon at ang ganda, di ba?" papuri pa ni Coco sa future leading lady niya.

  12. #52
    PEP.PH
    February 16, 2012

    Nabalik ang usapan sa paggawa ni Juday ng pelikula, kaya tinanong siya ng PEP kung ano nga ba ang plano ngayon ng Star Cinema para sa kanya.

    "Well, di ko alam, may plano pa ba sila sa akin?" natatawang balik-tanong ng tinaguriang young superstar.

    Hindi ba't may gagawin siyang pelikula katambal si Coco Martin?

    "Well, sa amin ni Coco Martin, e, sa Cine Media yun. Pero hindi ko lang alam kung co-production sila ng Star Cinema.

    "Baka yun ang isa sa gagawin ko sa Star, pero hindi nga lang kami magkasundo ngayon sa schedule namin ni Coco.

    "Kasi ang bagets, e, mas busy pa kaysa salitang busy. Hinintay ko lang siya.

    "Pero okey din naman, kasi meron pa rin naman akong MasterChef."

  13. #53
    PEP.PH
    March 22, 2012

    Pagkatapos ng Junior MasterChef Pinoy Edition, ang reality show ng ABS-CBN, may mga nakaplano nang projects si Judy Ann Santos.

    Isa na rito ang pagre-release at pagpu-produce ng video niya at ang mga pelikula niya katambal sina Coco Martin at John Lloyd Cruz.

    Kuwento ni Juday sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yung movie with Coco, supposedly sisimulan namin early this year.

    "Kaso, ang dami rin ginagawa ni bagets. 'Tapos, nag-finals din ako ng Junior MasterChef.

    "Relax muna. Tingnan natin. Siguro bago mag-school year, magawa na namin.


    "Ngayon, may isang araw pa ako kay Direk Joey [Reyes] sa Mga Mumunting Lihim [intended for Cinemalaya].

    "May talks na movie with John Lloyd Cruz, pero hindi ko alam kung mangyayari lahat 'yan sa loob ng isang taon.

    "But most definitely, MasterChef will push through.

    "Kasi nga, ang hirap. Hindi na ako puwedeng kagaya noong dalaga ako na puwede akong sa kalsada na lang natutulog at sa set ako naliligo. Okay lang yun.

    "Ngayon kasi, ibang istorya na.

    "Ibang chapter na ito ng buhay ko na, siyempre, ite-take into consideration mo na rin yung kapag wala ka sa bahay ng isang araw, may mga bagay ka na hindi makikita o mababantayan sa mga bata.

    "Hindi mo puwedeng ipa-rewind yun sa mga kasama mo sa bahay at paki-rewind nga.

    "Ang sakit ng ganoong feeling, e," saad ng aktres na may dalawa nang anak.

  14. #54
    Judai praises Coco Martin
    abs-cbnNEWS.com
    Posted at 11/18/2011 11:12 AM | Updated as of 11/18/2011 11:12 AM


    Actor Coco Martin. File photo

    MANILA, Philippines - Young superstar Judy Ann Santos is looking forward to working on a film with actor Coco Martin next year.

    "Oo, unang una hindi naman ako tatanggap ng isang pelikula na si Coco ang partner ko kung di ko siya napapanood at the same time hindi ako bilib sa talent ng bata. Nakita ko kung gaano siya ka-seryoso sa craft niya," Santos said.

    "Nakikita ko sa kanya ang sarili ko noong nagsisimula ako na sobra siyang dedicated sa bawat trabahong ginagawa niya," she added.

    The actress said she's happy that ABS-CBN is giving Martin, who is known as the Prince of Indie films, projects that are suited for him.

    "Nakakatuwa at nabibigyan siya ng tamang proyekto ng ABS-CBN," Santos said.

    In a previous interview., Martin said he is overwhelmed with news of the project with Santos. He said he never thought his dream of working with the soap opera queen would come true.

  15. #55
    Hopefully, after the Coco-Angeline (Star) and Coco-Marian (Regal) movies, this much-anticipated project will be the one next in line.

    Coco Martin thrilled to work with Judy Ann
    abs-cbnNEWS.com
    Posted at 05/18/2011 11:30 AM | Updated as of 05/18/2011 11:30 AM

    MANILA, Philippines - Actor Coco Martin is excited to work with Young Superstar Judy Ann Santos.

    Martin told "Showbiz News Ngayon" that he still can't believe that he will be doing a project with one of his showbiz idols.

    "Sana matuloy. Mas sobrang excited ako kasi Judy Ann Santos 'yon. Dati, noong hindi ako nag-aartista, isa ako sa tagahanga niya. Ngayon makakatrabaho ko na siya. 'Di ko alam kung paanong preparasyon at kung anong mararamdaman ko kung makakatrabaho ko na siya," Martin said.

    Their movie might be released before the year ends.

    Aside from having Santos, the movie will also star veteran actress Gina Pareńo and young star Maja Salvador.

  16. #56
    Judy Ann Santos says she believes in Coco Martin’s acting skills
    11/26/2011 12:34 AM
    by: Rhea Manila Santos

    After finishing filming for the Metro Manila Film Fest entry My Househusband last week, Judy Ann Santos admitted she is excited to start working on her next film project which will also star Coco Martin.

    “Mga early next year namin siya gagawin kasi si Coco may ginagawa pa ring movie ngayon with Angeline (Quinto) ... and at the same time, ang dami ko rin namang kailangan gawin for the movie as well dahil nga sa Metro Manila Film Festival entry siya. Baka mga early next year namin siya gawin,” she explained.

    The Junior Master Chef Pinoy Edition host said that from what she has seen in Coco's past projects, she has full faith in the actor's talent and his ability to portray complex characters onscreen. “Kasi unang-una, hindi naman siguro ako tatanggap ng pelikula na si Coco ang partner ko kung hindi ko siya napapanuod. At the same time kung hindi ako bilib sa talent ng bata pagdating sa pag-arte. Nakita ko kung gaano siya ka-seryoso sa craft niya. Nakikita ko sa kanya yung sarili ko nung nagsisimula ako na sobra siyang dedicated sa bawat trabahong ginagawa niya. Nakakatuwa at nabibigyan siya ng tamang mga proyekto ng ABS-CBN,” she explained.

    Although they have not had time to talk about their upcoming project, Juday sent Coco her birthday greetings. “Coco, I will see you very, very soon. Excited ako makatrabaho ka. I’m hoping na itong pelikulang gagawin natin ay magustuhan ng mga tao and at the same time mahusay ka namang artista. Excited ako makatrabaho ka kasi alam ko marami rin akong matututunan sa 'yo. So happy birthday Coco. Keep your feet on the ground, dahil kung hindi, ay hindi mo pa man nakikita pag lumaki ang ulo mo isa ako sa mga babatok sa 'yo! (laughs),” she joked.


    With her movie Househusband going up against other grand MMFF entries, Juday admitted that there is definitely pressure in this year's competition. “Siyempre kinakabahan, sa bawat entry naman naming na binibigay sa MMFF andun yung kaba hindi naman nawawala yun. But then again, happy kami kasi nakasama kami dito sa filmfest. Eh talaga namang napakagaganda at mahuhusay na pelikula kasama sa MMFF. We’re just hoping and praying na sana magustuhan ng mga tao itong ginawa namin kasi funny siya, nakakatawa siya. Maraming matututunang aral uli ang mga mag-aasawa pati na rin ang mga kapitbahay, ganun na kalawak yung usapan,” she explained.

    The actress also shared what her Christmas wish will be for this year. “Sana maging happy lang ang lahat. Tanggapin lang kung ano yung puwedeng mangyari sa pasko nila. Ang pasko naman hindi kailangang bongga basta ma-celebrate ng maayos yung birthday ni papa Jesus. At ang isang bonggang Christmas wish ko ay sana mapanuod ng lahat ng tao yung pelikula namin. Ang masasabi ko lang ay masaya siya, masayang pelikula talaga with Eugene Domingo. Isang masaya at makabuluhang pelikula ang ihahandog ng Octo Arts.”

    For more updates on Judy Ann Santos and Junior Master Chef Pinoy Edition, log on daily to Push.com.ph and follow @Push_Mina on Twitter.com.

  17. #57
    PEP.PH
    May 20, 2012

    COCO AND JOHN LLOYD. Tuloy ba yung pelikula niya sa Star Cinema na ang kasama niya ay si Coco Martin at si John Lloyd Cruz?

    “Hindi ko rin alam e, kasi mas busy pa sa salitang busy yang dalawang binatang yan, e.”

    Pero interesado siya?

    “Oo naman, oo naman. Basta siguro two years from now,” at tumawang muli ang aktres.

    “Pag natapos siguro yang mga projects na yan, magpapahinga muna ako sa bahay ng mga tatlong buwan siguro kung saka-sakali.”

  18. #58
    Judy Ann Santos on Coco Martin: ‘I think he has a good heart’
    5/22/2012 9:48 AM
    by: Rachelle Siazon



    Judy Ann Santos expressed her disappointment over the fact that her supposed movie with Coco Martin might not push through due to conflict of schedules. “Hindi ko nga rin alam e. Kung dati sobrang sure ako sa pagsabi na yes tuloy, ngayon ‘di na ako sure. Kasi ang daming ginagawa ni bagets. Meron siyang teleserye, pelikula kay Angeline Quinto at may pelikula din kay Marian Rivera. Ako din ang dami ko rin gagawin at sabi ko sa ABS-CBN (management) hindi ako makakapagsabay-sabay ng projects—may dalawang naka-line up, isang teleserye at yung Master Chef.”

    Nevertheless, Judy Ann remained thrilled at the idea of meeting Coco for the very first time. “Gusto [ko] siya. Pero nire-reserve ko yung moment na magkakakilala kami ni Coco kasi may eksena kami sa pelikula na kakakilala lang namin. Ewan ko, siguro nageeksperimento ako. Gusto ko lang tignan yung magiging rapport namin yung umpisang kita namin on cam. [Para malaman ko kung] anong lebel ng pagkailang niya sa akin. Ewan ko kung matupad pero yun lang naman ang gusto ko.”

    Although they haven’t met each other yet, Judy Ann said that she heard nothing but good words about Coco from common friends. At the same time, the country’s teleserye queen happens to be familiar with his body of work as well. “Sa nakikita ko sa kanya, at base sa kwento ni Mother Biboy (Arboleda, Coco’s manager) sa akin, napaka-hardworking na tao. Wala siyang ibang gusto mangyari kundi makapagpatayo ng bahay para sa pamilya niya. Wala ring reklamo yung bata [kahit pa] gaano katindi yung trabaho na pinapasok niya, wala kang makikitang pagkayamot sa araw araw na ginagawa niya. I think he has a good heart kasi alam ko meron din siyang mga taong tinutulungan kaya sobrang blessed din niyang bata.”

    With this, Judy Ann said she believes that Coco has a brighter future ahead of him as an actor. “Matindi naman ang passion na ipinapakita niya sa pagarte. Nakikita ko yun ’pag napapanood ko siya. Kung gaano siya ka-intense at kung paano niya pinagaaralan bawat character na ibinibigay sa kanya sa teleserye [nang hindi nagkakapareho]. Oo naman tatagal siya, basta wala siyang gagawing kabalbalan,” she added.

  19. #59
    Juday-Coco movie malabo nang matuloy
    SHOWBIZ NEWS NOW NA!
    Ni Boy Abunda
    Pilipino Star Ngayon
    Updated May 23, 2012

    MANILA, Philippines - Mukhang hindi na matutuloy ang pelikulang pagsasamahan dapat nina Judy Ann Santos at Coco Martin. Hindi kasi talaga magtugma ang schedule ng dalawa.

    “Hindi ko nga rin alam eh. Kung dati sobrang sure ako sa pagsabi na, yes tuloy, ngayon ’di na ako sure kasi ang daming ginagawa ni bagets. Meron siyang teleserye, pelikula kay Angeline Quinto at may pelikula rin kay Marian Rivera.

    “Ako rin ang dami ko ring gagawin at sabi ko sa ABS-CBN, hindi ako makakapagsabay-sabay ng projects. May dalawang naka-line up, isang teleserye at ’yung Master Chef,” pahayag ni Judy Ann.

    Gusto na nga makita at makausap ng personal ng aktres si Coco dahil hindi pa ito nangyayari kahit kailan.

    “Gusto ko siya pero nire-reserve ko ’yung moment na magkakilala kami ni Coco kasi may eksena kami sa pelikula na kakikilala lang namin. Ewan ko, siguro nag-eeksperimento ako. Gusto ko lang tingnan ’yung magiging rapport namin, ’yung umpisang kita namin on camera. Ano’ng level ng pagkailang niya sa akin. Ewan ko kung matupad pero ’yun lang naman ang gusto ko,” paliwanag ni Juday.

    Nakikita rin ng aktres kay Coco ang pagiging magaling na aktor at talagang malayo ang mararating nito. “Matindi naman ang passion na ipinapakita niya sa pag-arte. Nakikita ko ’yun kapag napapanood ko siya. Kung gaano siya ka-intense at kung paano niya pinag-aaralan ang bawat character na ibinibigay sa kanya sa teleserye. Tatagal siya basta wala siyang gagawing kabalbalan,” deretsahang sabi ni Juday.

  20. #60
    sad ako hinde natuloy ito...

Page 3 of 4 FirstFirst ... 2 3 4 LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Watch New Trailers

Watch New Trailers




Caught Up Default

Sub title

Trailer: Fast and Furious 6
The entire gang's back and badder than ever, reuniting for their most high-octane adventure yet. view more


Trailer: Epic
From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more


Review: The Great Gatsby
Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more




Forums Directory