PROMO: The Hangover 3

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3!

read more

PHOTOS: Alaska Sweeps Ginebra

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.

read more

Philippine Road-trip Destinations

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!

read more

PHOTOS: NU Outlasts AdU

The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: The Great Gatsby

Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience

read more

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 77
  1. #1

    A Film Starring Ms. Judy Ann Santos & Mr. Coco Martin



    Coco Martin is Judy Ann's new leading man

    By Ginger Conejero, ABS-CBN News

    Posted at 05/12/2011 5:46 PM

    MANILA, Philippines - The stars are aligned for independent actor and prime time star Coco Martin.

    In addition to his lead role in “Minsan Lang Kita Iibigin,” which is hitting top ratings on the prime time block, Martin is still hitting big marks in his film career.

    The actor will be the new leading man of Judy Ann Santos in her comeback movie slated to be released later this year.

    Martin is overwhelmed with news of the project as he said he never thought his dream of working with the soap opera queen would come true.

    “Bata pa lang ako pinapanood ko na si Ms. Judy Ann... in ‘Esperanza,’ ‘Krystala,” he said.

    The film boasts of a strong supporting cast as well, with the likes of Gina Pareño and Maja Salvador joining Santos and Martin.

    Meanwhile, Martin is receiving nods from the country's prestigious Urian Awards yet again as he is nominated for his role in the film “Noy.”

    This nomination comes after winning as Urian's Best Supporting Actor several years back for “Serbis" and being nominated in the Best Actor category for “Kinatay.”

    Martin will also be awarded as Actor of the Decade at this year's Urian Awards, a recognition that caught even the actor himself by surprise.

    "Since 2009, tuloy tuloy ang blessings talaga... Feeling ko nasa tamang landas ako ngayon. Gusto ko dito lang ako," he said.

    Martin added that this is another feather in his cap, especially since he is relatively a newcomer in the industry.

    He is wholeheartedly thankful for the support of his fans and colleagues, saying it is a great privilege to be able to continue his passion in life.
    Last edited by crystalblast; May 13, 2011 at 01:29 PM.

  2. #2


    Judy Ann, makakasama si Coco Martin sa pelikula

    Tila hindi nawala sa harap ng kamera ang soap opera queen na si Judy Ann Santos na all-out sa photo shoot sa comeback TV project niya na “Junior Master Chef.”

    Halos isang taong namahinga si Juday sa showbiz matapos manganak kay Baby Lucho.

    Sabik na daw si Juday sa pagbabalik-trabaho kahit first time niyang mag-host sa TV.

    "One hundred-fifty percent ang kaba ko. Hindi ako parang si Ryan (Agoncillo) na mahusay... Sabi ko sa kanya, 'Puwede bang sa rehearsal, nandun ka?'" biro ni Juday.

    Magbabalik din sa big screen ang aktres bago matapos ang taon at ang kanyang makakatambal ay ang kapwa Urian Award-winning actor na si Coco Martin.

    Handa man sa mabigat na dramatic role, mananatili raw wholesome ang kanyang imahe.

    Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino

  3. #3
    Judy Ann Santos admits she has many demands before she accepts her next TV acting project

    5/12/2011 8:46 AM

    by: Bernie Franco

    After being away from showbiz for eight months to fulfill her domestic duties, Judy Ann Santos will soon return to the limelight via the reality-based cooking show for kids, Junior MasterChef Pinoy Edition. The Teleserye Queen, who also has a degree in Culinary Arts, said that she is excited but also nervous about the project because it will be her first-ever full-fledged hosting job.

    Apart from the cooking show, Juday explained that it might take a while before she will return to acting. Since she concentrated on being a mom to Yohan and Lucho for many months, Juday said that she needs to be prepared with being away from her kids. “Nagre-ready pa ako hindi ko pa kaya matagal mahiwalay sa mga bagets ko kasi nasanay ako for eight months na sila lang nakikita ko, kami lang ang magkakasama,” Juday shared.

    She revealed that she was already in talks with her home network regarding her acting comeback on TV. “May mga usapan pero nag-iisip pa rin kami ng magandang storya kasi parang lahat na rin ng ginagawa ngayon kung ‘di remake, kagaya sa ibang bansa or mag-ina na nahiwalay o magkapatid sa ending. I want a story that’s refreshing na hindi pa talaga napapanood ng ganong storya.”

    She pointed out also that there will be adjustments in her working habits in favor of her duties as a wife and a mother. “Pag nag-start ka na uli mag-taping may mga restrictions ng time, location, kasi siguro… ako lang… maarte ako. Inaamin ko po maarte akong ina. Marami akong demands pagdating sa anak ko.” This is why she is grateful to ABS-CBN management because they are understanding about her demands. “What’s good with ABS-CBN is that they are more than willing to wait and they really respect my decision.”

    She said that one good thing about her hosting stint is that it does not require too much of her time, unlike with an acting project. “Nami-miss kong umarte pero ‘di ko ata [makakayanang] malayo sa mga anak ko.” Judy Ann also said she needs to shed the extra pounds before she can return to acting.

    She revealed though that she might do a movie this year with Coco Martin, which Judai said she can accommodate because the schedule won’t be as gruelling as with a teleserye. “I think that’s enough for the whole year. Next year pag-uusapan ulit kung ano pwede pa magawa. ‘Pag bumalik na ako sa teleserye, dire-diretso na ‘yan, so mahirap ‘pag wala ka do’n sa bahay.”

    She also pointed out that she won't do sexy scenes. “Hindi na ata makikita ‘yan, ako kasi ‘di ko pa nakikita eh, hinihintay ko pang dumating sa akin. Hindi ko na ata kaya,” she joked. Judy Ann's most daring role to date is 2004’s Sabel. “‘Yun na ‘yung ginawa ko. After non ‘di na uli ako nangahas. Nung pinanood ko kasi ‘yon, ‘Anong nangyari?! Anong ginagawa mo Juday?!’ Pero okay lang naka-Urian [Award as Best Actress] naman ako so bayad na bayad naman ang ginawa ko,” she recalled fondly.

    For her birthday on May 11, Judy Ann and her family went on an out-of-town trip, which is what they always do on her birthday. “’Pag birthday talagang naga-out-of-town talaga kami. One reason din para sa family to bond and to leave Manila for a short time. ‘Yung birthday ko tatapat siya ng ilang weeks na lang pasukan na naman [so] moment din namin kay Yohan (her daughter) ‘yon na ma-enjoy namin siya and si Ryan [para] makapagbakasyon ng konti sa trabaho niya kasi everyday ang trabaho niya.”

  4. #4
    ChorBA!
    by Melchor Bautista

    Coco Martin cannot be brought down by his detractors!
    Friday, May 13, 2011, 1:21

    NABIBIGO ANG MGA intrigero na hanapan ng mga pagkakamali si Coco Martin para gawan ng mga intriga at ibagsak. Kasi nga, ito na talaga ang panahon ng kanyang kasikatan, dahil bukod sa magagandang teleseryeng ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN para kanyang pagbidahan, malalaking pelikula rin ang nakatakda niyang pagbidahan. Habang patok ngayon ang teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin na pinagbibidahan niya sa Kapamilya network, siya na ang susunod na magiging leading man ni Judy Ann Santos sa pagbabalik-showbiz ng wife ni Ryan Agoncillo.

    Bukod kay Juday, marami talagang malalaking pangalang artista sa showbiz ang gustong makatrabaho si Coco, dahil bukambibig ngayon ng kapwa niya artista ang kahusayan sa pag-arte ng guwapong aktor. Masarap din daw kasing katrabaho si Coco, dahil bukod sa alam mong seryoso sa kanyang pag-aartista, napakasimple lang daw, na ang mga kilos sa kanyang pakikisama ay lagi pa ring para siyang baguhang artista.


    Hindi rin mapagsamantala si Coco, dahil kapag nalalaman niyang sinasabi ng mga bagets stars ngayon sa showbiz na crush siya, hanggang ngiti na lang ang kanyang isasagot, dahil parang hindi siya kumportable na sobra siyang pinupuri ng mga tao sa showbiz. Ang mga beteranong artista na nakakasama niya sa mga proyekto, ipinagkakalat ang tsika na mabait katrabaho ang aktor. Kaya bigung-bigo ang mga intrigero na ang layunin ay ibagsak ang career ng sikat na Kapamilya star.

  5. #5
    Congrats kay Coco Martin..........

  6. #6
    scoopbox: Judy Ann Santos will be paired with Coco Martin for her comeback film, which is slated to be shown within the year. Click here to read more: http://bit.ly/m2KGJW about 3 hours ago

  7. #7
    Coco Martin will be Judy Ann Santos's leading man for her comeback film

    Mari-An Santos

    Saturday, May 14, 2011
    12:00 PM

    Si Coco Martin ang magiging leading man ni Judy Ann Santos sa kanyang comeback movie. Ang naturang pelikula, na wala pang title, ay ipapalabas ngayong 2011.

    Tuwang-tuwa si Coco sa napakagandang pagkakataon na ito sa kanyang career. "Bata pa lang ako pinapanood ko na si Ms. Judy Ann... in Esperanza, Krystala," aniya sa isang panayam ng ABS-CBN. Makakasama din nila sa pelikula sina Gina Pareño at Maja Salvador.

    Ngunit hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sa iisang pelikula ang dalawang talents. Noong 2001 ay may role si Coco sa pelikulang pinagbidahan ni Judy Ann na pinamagatang Luv Txt.

    Kasalukuyang gumaganap ng dual roles si Coco sa teleserye ng ABS-CBN na Minsan Lang Kita Iibigin. Dito ay gumaganap siya bilang kambal na magkaiba ang landas: isang sundalo at isang rebeldeng miyembro ng NPA.

    Nominado ngayon si Coco sa Urian Awards para sa kanyang pagganap sa pelikulang Noy. Nanalo na din siya dati sa nasabing patimpalak bilang Best Supporting Actor para sa Serbis. Paparangalan din siya ng Urian bilang Actor of the Decade.

    Samantala, si Judy Ann ay napakarami nang natanggap na acting awards, kabilang na ang Best Actress Awards sa 2007 PMPC Star Awards, ENPRESS Golden Screen, FAP Luna Awards, at FAMAS Awards para sa Kasal, Kasali, Kasalo. Sa 2008 Gawad Pasado ay ginawaran siya para sa Ouija. Sa 2009 Gawad Pasado at Gawad Tanglaw naman ay pinarangalan rin siya para sa Ploning, kung saan siya din ay nagsilbing producer.

    Ngayong taon ay inaabangan na ang pagbabalik-showbiz ni Judy Ann, matapos siyang ikasal kay Ryan Agoncillo noong 2009 at ipanganak ang kanilang anak na si Juan Luis noong October 2010.

  8. #8
    Pilipino Star Ngayon
    Boy Abunda

    Coco excited na kay Juday

    Isa si Coco Martin sa pinakamagaling na aktor sa kanyang hene*rasyon. Masaya si Coco sa karangalan na kanyang natanggap mula sa 34th Gawad Urian — actor of the decade.

    “Hindi ako makapaniwala sa sunud-sunod na blessing at saka sunud-sunod na mga awards na nakukuha ko sa iba’t ibang award-giving bodies, lalung-lalo na sa Urian. Parang napakabata ko para bigyan ng ganitong klaseng award. Kaya sabi ko, sobrang sulit ng lahat nang pinaghirapan ko.

    “Sa paggawa ko ng pelikula, lalung-lalo na noong indie pa ako, kumbaga ito na ’yun eh. Ito na ’yung kabayaran para makasabay ko sina Ms. Gina Pareño at Ms. Cherry Pie Picache, parang sobrang bonus na at ito na ’yung masasabi kong kayamanan ko na maipagmamalaki ko sa magi*ging anak ko,” nakangiting pahayag ni Coco.

    Nagpapasalamat din si Coco sa patuloy na pamamayagpag sa ratings ng teleserye niyang Minsan Lang Kita Iibigin.

    “Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga nanonood at sumusuporta sa Minsan Lang Kita Iibigin, sabi ko nga eto na ’yung pag-ani ng mga itinanim sa istorya at talaga namang napakagaling ng mga kasama kong artista kaya I’m sure mas lalo pang gaganda nang gaganda ang istorya,” sabi pa ng aktor.

    Samantala, ngayon pa lamang ay excited na si Coco sa napabalitang pelikula na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos. “Sana matuloy, mas sobrang excited ako siyempre Ms. Judy Ann Santos ’yun. Noong ’di pa ako nag-aartista, kumbaga isa ako sa mga tagahanga niya, ’tapos ngayon makakatrabaho ko na siya. Hindi ko alam kung ano’ng preparasyon at kung ano’ng mararamdaman ko if ever na magkakatrabaho na kami,” sabi ni Coco.

    Reports from JAMES C. CANTOS

  9. #9
    HINDI NA MAAWAT sa pag-angat ang career ngayon ng binansagang ‘Indie Prince’ na si Papa Coco Martin dahil magiging leading man lang naman ang guwapong aktor ng magaling ding aktres na si Judy Ann Santos sa comeback movie nito. Trulili ito at ‘di etching, he-he!

    Iba na talaga ang level ni Papa Coco. Matapos niyang tanggapin ang parangal bilang Prince of Philippine Movies sa katatapos na Guillermo Mendoza Box Office Entertainment Awards, narito pa ang isang giant project na paparating sa kanya with the presence of Juday of course. Sure na tapatan ng galing sa aktingan ito, ‘di ba? Balitang makakasama din nila sa pelikula ang award-winning veteran actress na si Gina Pareño at isa pa ring dekalibreng young actress na si Maja Salvador. Laking tuwa naman ni Papa Coco nang malaman ang napakagandang pagkakataong ito sa kanya bilang artista.

    Ang tanong eh, kung magkakaroon ng love scenes sa gagawin nilang movie, makaya kaya ng powers ni Papa Coco ang makapareha rito ang lovely wifey ni Papa Ryan Agoncillo?

    By MK Caguingin

    Parazzi Chikka
    Parazzi News Service

  10. #10
    pa post lang po :')

    want to earch extra income while at home by just posting and blogging, visit the link below, register and go to free job (no registration fee)

    http://www.online-home-jobs.com/28593.html

  11. #11
    Journal Online
    Published : Thursday, May 19, 2011 00:00 Article Views : 191 Written by : Vinia Vivar

    Panahon talaga ni Coco Martin ngayon. Umaarangkada nang husto ang career niya and one could easily say na talagang he’s on his way up.

    Bukod sa katakut-takot na papuring natatanggap niya sa bawat proyektong ginagawa niya, sunud-sunod ang mga parangal na nakakamit niya.

    Ginawaran siya ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ng Prince of Philippine Movies award this year kaya hindi na siya prince of indie ngayon at kumbaga, elevated na.

    Nito namang nakaraang Urian Award, pinarangalan siya bilang actor of the decade habang sina Gina Pareno at Cherry Pie Picache naman ang actresses of the decade.

    Coco deserves all the awards he’s reaping right now dahil talaga namang hindi rin matatawaran ang kahusayan at dedikasyong ipinakikita niya sa kanyang trabaho. At labis ding nagpapasalamat ang aktor sa pagkilalang ibinibigay sa kanyang ginagawa.

    “Hindi ako makapaniwala sa sunud-sunod na blessing at saka sunud-sunod na mga award na nakukuha ko sa iba’t ibang award-giving body, lalung-lalo na dito sa Urian, parang napakabata ko para bigyan ng ganitong klaseng award.

    “Kaya sabi ko sobrang sulit ng lahat ng pinaghirapan ko. Sa paggawa ko ng pelikula lalung-lalo na noong nasa indie pa ako, kumbaga ito na ’yon eh.

    “Ito na ’yung kabayaran para makasabay ko dito sina Ms. Gina Pareno at si Ms. Cherry Pie Picache, parang sobrang bonus na at ito na ’yung masasabi kong kayamanan ko na maipagmamalaki ko sa magiging anak ko,” pahayag ni Coco in a VTR interview.

    Lubos din ang pasasalamat ng aktor sa napakagandang feedback na natatanggap niya sa kanyang pagganap sa dual role sa Minsan Lang Kita Iibigin, pati na rin sa mataas na ratings na natatanggap ng serye.

    “Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga nanonood at sumusuporta. Sabi ko nga, ito na ’yung pag-ani ng mga itinanim sa istorya at talaga namang napakagaling ng mga kasama kong artista dito kaya siguro, I’m sure, mas lalo pang gaganda nang gaganda ang istorya at ’yung pagkapit ng mga tao, sana huwag silang bumitaw,” pahayag pa ng aktor.

    After Minsan Lang Kita Iibigin, may pelikula namang gagawin si Coco kung saan ay makakasama niya si Judy Ann Santos.

    Ang dinig namin, pang-filmfest ang movie at ngayon pa lang, sobrang excited na raw ang aktor since first time niyang makakatrabaho si Juday.

    “Sana matuloy, mas sobrang excited ako, siyempre, Ms. Judy Ann Santos ’yon. Kumbaga, dati noong ’di pa ako nag-aartista, kumbaga, isa ako sa mga tagahanga niya, tapos ngayon, makakatrabaho ko na siya.

    “Hindi ko alam kung anong preparasyon at kung anong mararamdaman ko if ever na magkakatrabaho na kami,” say ng aktor.

  12. #12
    ASAP honors Coco Martin
    The Philippine Star
    Updated May 21, 2011 12:00 AM



    MANILA, Philippines- ASAP Kapamilya honors Coco Martin (photo) being one of URIAN’s Actor of the Decade awardees and GMMFI’s Prince of Philippine Movies tomorrow.

    Expect concert experience and unparalleled production numbers from Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Jed Madela, Erik Santos, Yeng Constantino, Jovit Baldivino, Angeline Quinto, Monica Sacay, Akiko Solon, Krissel Valdez, K-la Rivera and the ASAP Sessionistas. Ryan Bang, Martin and new favorite group Maldita unleash a back-to-back album launch.

    Bea Alonzo, Gerald Anderson, Maja Salvador, Cristine Reyes, Jake Cuenca, Melissa Ricks, Iya Villania, ASAP Supahdance Crew, Dance Quad, G Force, Supahdance Off finalists and the Phenomenal Comedy Star Vice Ganda take charge of more dance numbers and supahdancing.

    ASAP Rocks airs at 12:15 p.m. every Sunday.

  13. #13
    will it be under star cinema/???

  14. #14
    Journal Online

    Published : Monday, May 23, 2011
    Written by : Beth Gelena

    MAGSASAMA sina Coco Martin at Judy Ann Santos sa isang pelikula.

    Bale ito ang magiging comeback movie ni Juday after niyang manganak last year of October sa kanilang eldest son ni Ryan Agoncillo. Makakasama din nila sa pelikula sina Gina Pareño at Maja Salvador.

    Wala namang pagsidlan sa kaligayahan ang young actor na si Coco dahil noon pa pala ay inaasam na niyang makapareha sa pelikula ang mahusay na actress.

    Samantala, nagpapasalamat si Coco sa blessings na dumarating sa kanya hindi lang sa rami ng projects kundi maging sa acting award.

    Katatanggap lang niya ng tropeo kamakailan mula sa Urian Awards kung saan siya ang itinanghal na Decade Actor.

  15. #15
    DIRECTLINE By Boy Abunda
    The Philippine Star
    Updated May 25, 2011 12:00 AM

    Coco Martin to co-star with Judy Ann

    Congratulations to Coco Martin for winning Actor of the Decade in the recently concluded Gawad Urian. Coco is thankful for all the blessings that he has been getting. He could not believe that he was bestowed the honor of being Actor of the Decade. “Kayamanan ko ito na maipagmamalaki sa aking mga anak,” he said.

    Coco is over the moon with a new project he will co-star with Judy Ann Santos. “Sana matuloy. Noong araw ng hindi pa ako nag-aartista, tagahanga niya ako. Sana matuloy.” Coco is also at a loss as to what preparation he will make in case the project with Juday pulls through.

  16. #16
    Coco to [be] paired with Juday?
    Thursday, May 26, 2011

    SERYOSO sa trabaho. ’Yan ang isang katangian ni Coco Martin na wala sa ibang artistang kaedad niya kaya suwerte sa pag-aartista. Mula nang magsimula sa industriya bilang indie actor sa Tirador, Masahista, atbp., mas pinahalagahan ni Coco ang mensahe ng mga ginagampanan kesa perang maibubulsa niya.

    Sa isang interview kamakailan para sa pagwawagi bilang pinakamahusay na aktor ng dekada sa Urian, sinabi niya na mula’t mula, hindi niya iniintindi ang kita kundi ang craft niya dahil babalik iyon sa tamang panahon.

    Alam n’yo bang P2,000 lang pala ang TF (talent fee) ni Coco sa Tirador? Hindi raw siya sure kung magtataas ang manager niyang si Biboy Arboleda ngayong aktor na siya ng dekada.

    Malaki raw ang pasasalamat at natutunan ni Coco sa paggawa ng indie movies tulad ng pagiging hardworking, independent at professional. Naa-apply niya raw ang mga ito ngayon sa TV.

    Sa ongoing series niyang Minsan Lang Kita Iibigin sa ABS-CBN kung saan dual role ang kanyang pino-portray, napapakinabangan ni Coco ang mga leksyong napulot sa indie scene.

    Kadalasan, 70 sequences a day daw ang kinukunan nila at aminado siyang may mga oras na sa sobrang hirap at pagod, gusto na niyang maiyak.

    May mga pagkakataon din daw na nalilito siya dahil nga dalawang karakter (Javier at Alexander) ang ginagawa niya, pero nag-e-effort siyang tutukan at bantayan ang continuity ng emosyon pati damit na gagamitin sa mga eksena.

    Ganu’n siya ka-dedicated. Kaya naman umaani ng tagumpay at pagkilala sa award-giving bodies gaya nga ng Urian. Para kay Coco, isang malaking karangalan ang mapabilang sa liga ng mga beteranong tulad nina Philip Salvador at Christopher de Leon.

    Aniya, “Sunud-sunod ang lahat ng blessings, awards. Nagulat din ako na sa edad ko, bibigyan nila ako ng ganu’ng award. Siguro, may narating ang mga indie film na ginawa ko sa abroad. Du’n siguro sila nag-base.

    “Mapili kasi ako sa projects na gagawin ko. Gusto ko laging may message, hindi lang basta pelikula. Gaya nu’ng Noy, ang mensahe nu’n, parang ’yung character ko, nire-represent niya ang lahat ng Pilipino. Timing naman na nu’ng ginagawa namin ‘yon, campaign period.”

    Ang pangarap ni Coco, mapag-isa ang indie at mainstream movies. Handa siyang maging instrumento sa katuparan nito.

    Ang pelikula nga palang Noy ay isa sa mga napili ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa Sineng Pambansa Pampanga Film Festival na gaganapin sa Robinsons Pampanga Cinema 4 ngayong May 26, 5 p.m.

    Inaasahang dadalo si Coco sa okasyon.

    “Gusto ko ang ganitong mga event para malaman ko kung ano ang tingin ng mga tao, lalo na ang mga kabataan, sa pelikula namin,” sey niya.

    Mukhang may tsansa rin siyang makagawa ng pelikula para sa darating na Metro Manila Film Festival sa ilalim siyempre ng Star Cinema.

    Ang dinig namin, sakaling matuloy, may bago siyang makakapareha rito.

    Ito na kaya ang sinasabing pagtatambalan nila ng young superstar na si Judy Ann Santos? Ang alam namin, sabay-sabay din ang offers sa alaga ni Tito Alfie Lorenzo sakaling mag-comeback ito. So, malamang, unahan na naman ito. May the best produ win!

  17. #17
    Quote Originally Posted by crystalblast View Post
    ChorBA!
    by Melchor Bautista

    Coco Martin cannot be brought down by his detractors!
    Friday, May 13, 2011, 1:21

    NABIBIGO ANG MGA intrigero na hanapan ng mga pagkakamali si Coco Martin para gawan ng mga intriga at ibagsak. Kasi nga, ito na talaga ang panahon ng kanyang kasikatan, dahil bukod sa magagandang teleseryeng ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN para kanyang pagbidahan, malalaking pelikula rin ang nakatakda niyang pagbidahan. Habang patok ngayon ang teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin na pinagbibidahan niya sa Kapamilya network, siya na ang susunod na magiging leading man ni Judy Ann Santos sa pagbabalik-showbiz ng wife ni Ryan Agoncillo.

    Bukod kay Juday, marami talagang malalaking pangalang artista sa showbiz ang gustong makatrabaho si Coco, dahil bukambibig ngayon ng kapwa niya artista ang kahusayan sa pag-arte ng guwapong aktor. Masarap din daw kasing katrabaho si Coco, dahil bukod sa alam mong seryoso sa kanyang pag-aartista, napakasimple lang daw, na ang mga kilos sa kanyang pakikisama ay lagi pa ring para siyang baguhang artista.


    Hindi rin mapagsamantala si Coco, dahil kapag nalalaman niyang sinasabi ng mga bagets stars ngayon sa showbiz na crush siya, hanggang ngiti na lang ang kanyang isasagot, dahil parang hindi siya kumportable na sobra siyang pinupuri ng mga tao sa showbiz. Ang mga beteranong artista na nakakasama niya sa mga proyekto, ipinagkakalat ang tsika na mabait katrabaho ang aktor. Kaya bigung-bigo ang mga intrigero na ang layunin ay ibagsak ang career ng sikat na Kapamilya star.

    " marami talagang malalaking pangalang artista sa showbiz ang gustong makatrabaho si Coco, dahil bukambibig ngayon ng kapwa niya artista ang kahusayan sa pag-arte ng guwapong aktor. "



    COCO MARTIN is the best ACTOR in his generation ima proud COCOHOLIC

  18. #18
    Judy Ann Santos hopes her movie project with Coco Martin will push through
    6/09/2011 8:36 AM
    by: Napoleon Quintos

    Fans of Judy Ann Santos continue to wait for her to become active again on television and in movies. The actress is preparing for her newest TV project, ABS-CBN’s reality show Junior Master Chef where she will serve, for the first time in her career, as host. However, in terms of other projects, Judy Ann said her comeback is still dependent upon discussion with different producers and the material to be offered to her.

    As early as now there are talks that the Young Superstar is set to star in a movie opposite Coco Martin. Judy Ann clarified that the said project is still under discussion. Nevertheless, the actress expressed her admiration for Coco as an actor. “Hindi ko man siya kilala personally, wala man kaming direct connection, alam kong pinaghirapan niya kung ano man ‘yung narating niya ngayon. Nakikita ko ‘yung pagka-intense niya bilang aktor kaya gusto ko rin maranasang makatrabaho siya.”

    Judy Ann was further flattered when told that Coco looks up to her as an actress. In return, she praised the actor for having achieved so much at a young age, one of which is being recently named as Aktor ng Dekada by the Gawad Urian. Judy Ann said, “Para sa akin naman kung talagang mahusay ang isang tao wala namang imposible. Nakikita ko kay Coco kung paano niya pinagbubuti ‘yung trabaho niya, magaganda ‘yung mga projects niya.”

    She promised that once the movie with Coco is finalized, she will quickly fill everyone in on the details.
    For now, all that is in her mind is her first venture into hosting with JMC, produced but the same team that brought us Pinoy Big Brother and The Biggest Loser: Pinoy Edition. How does the Filipino version of JMC differ from the other ones shown abroad? Judy Ann explained, “Siyempre may mga ginagawa sa abroad na hindi mo pwedeng gawin dito sa Pilipinas kasi we have a different culture. Itong version natin for sure makaka-relate ang maraming Pilipino habang nanonood sa mga bata.”

    JMC Pinoy Edition is already in the process of trimming down 60 young hopefuls to the official contestants who will make it to the competition proper. The 60 kids from all over the Philippines were recently gathered together in general assembly held at ABS-CBN’s Dolphy Theater last May 23. Judy Ann talked about how she is very much excited about meeting these kids and bonding with them over culinary activities. “Gusto kong makita ‘yung reaction nila kapag nakita na nila ‘yung kitchen. Masarap kasi sa pakiramdam ng isang bata na mahilig magluto tapos makakakita ng isang professional kitchen. Magandang experience ‘yun para sa mga bata. Feeling ko magiging super close ako sa mga bata kasi almost everyday kaming magkakasama sa taping.

  19. #19
    Abante
    Alfie Lorenzo

    Sharon-Juday-Sarah Filmfest movie, ‘di na tuloy!

    Wala palang MMFF entry ang Viva Films this year.

    Matamlay si Boss Vic nung kausap ko siya dahil nanghihinayang siya sa ‘di nagawa na Sharon-Juday-Sarah movie sana for the MMFF titled Magkakapatid.

    Lonely man si Boss Vic, super excited naman si Boss Orly Ilacad dahil sinabmit na niya ang type sana niyang pang-MMFF ng OctoArts na Househusband starring Juday and Ryan Agoncillo, and to be directed by the KKK and SSS topgrosser director Joey Reyes.

    Niliwanag lang ni direk Joey na hindi ito part 3 ng dalawang naunang topgrossers ng mag-asawa.

    This is a “bahala na kung alin ang maaprub ng komite ng festival” dahil sinabmit na rin ang istorya ng Juday-Coco Martin-Maja Salvador starrer na prodyus ng grupo na gumawa ng Noy.

    Siyempre hindi payag ang MMFF Committee na dalawa ang entry ng isang lead star. Alinman sa dalawang istorya ang maaprub ay malaking tuwa na para sa mga Juday fanatics na matagal na ring naghihintay ng movie ni Juday o kung kelan daw ito magbabalik-telebisyon.

    Ewan ko po kay Lucho!

  20. #20
    Judy Ann Santos on Coco Martin: "Nakikita ko yung pagka-intense niya bilang aktor."

    Paula Joan Garcia

    Monday, June 13, 2011
    03:28 PM

    After months of being away from the spotlight, Judy Ann Santos is hoping to make a comeback on the big screen. Indie prince turned drama prince Coco Martin is reportedly being eyed to be her leading man.

    In a previous interview, Coco said he would love to be given this rare opportunity. He was quoted as saying: "Bata pa lang ako pinapanood ko na si Ms. Judy Ann...in Esperanza, Krystala.

    For her part, Judy Ann also expressed her admiration for Coco, who is currently topbilling ABS-CBN's primetime series Minsan Lang Kita Iibigin. "Nakikita ko yung pagka-intense niya bilang aktor kaya gusto ko rin maranasang makatrabaho siya," Juday told entertainment website, PUSH, recently.

    Though Juday clarified that the said project has yet to be finalized, she complimented the young actor for taking his acting career to heart. "Para sa akin naman kung talagang mahusay ang isang tao wala namang imposible. Nakikita ko kay Coco kung paano niya pinagbubuti yung trabaho niya, magaganda yung mga projects niya."


    Versatile actress that she is, Juday is also preparing for her first stint as a TV host. She will share her passion for the culinary arts by hosting ABS-CBN's upcoming reality cooking show, Junior MasterChef Pinoy Edition.

    Produced by the same team that adapted Pinoy Big Brother and The Biggest Loser for Philippine television, Junior MasterChef Pinoy Edition is the local adaptation of the British show that features contestants aged 8 to 12.

    Juday promises a kitchen culture that Pinoys can claim as their own: "Siyempre may mga ginagawa sa abroad na hindi mo puwedeng gawin dito sa Pilipinas kasi we have a different culture. Itong version natin for sure, makaka-relate ang maraming Pilipino habang nanonood sa mga bata."

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Watch New Trailers

Watch New Trailers




Caught Up Default

Sub title

Trailer: Fast and Furious 6
The entire gang's back and badder than ever, reuniting for their most high-octane adventure yet. view more


Trailer: Epic
From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more


Review: The Great Gatsby
Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more




Forums Directory