PEx Highlights

Follow @pinoyexchange on Twitter!

Catch our latest updates on Twitter! Follow us, @pinoyexchange

read more

MOVIE REVIEW: The Giver

Very promising, but tries too hard to fit in the mold of the Hunger Games/Divergent series.

read more

UAAP Basketball Power Rankings: Week 7

With wins over UST and DLSU, the past week in UAAP can be summed up in three letters: FEU. Check out this week's power rankings here!

read more

PHOTOS: Daquis Bags V-League MVP Plum

Wonder who won the other awards? Check out the Shakey's V-League Awarding gallery here!

read more

FIBA FEATURE: Do We Stand a Chance?

Do we really have a shot to make it through? JPM weighs in on the the odds of Gilas Pilipinas in the FIBA World Cup.

read more

PHOTOS: UE Keep Final Four Dream Alive

Despite not fielding in Roi Sumang, the UE Red Warriors managed to get a 64-55 win over the NU Bulldogs.

read more

Page 83 of 128 FirstFirst ... 33 73 82 83 84 93 ... LastLast
Results 1,641 to 1,660 of 2546
  1. #1641
    kung Tunay na God yun He wouldn't dare harm a person regardless if they spit on Him or what coz the God I know is loving. Base lang sa stpry niya na parang ginantihan siya ng spirit ng black nazarene, it means there's something wrong there.


    Ako I'm a catholic pero somehow I don't believe on that Black Nazarene, it's like human sacrifice kasi yung nakikita ko every time na pista nito. People die of heart attacks, stampede, stroke para lang makadalo dito.

  2. #1642
    Quote Originally Posted by dylandarkk View Post
    kung Tunay na God yun He wouldn't dare harm a person regardless if they spit on Him or what coz the God I know is loving. Base lang sa stpry niya na parang ginantihan siya ng spirit ng black nazarene, it means there's something wrong there.


    Ako I'm a catholic pero somehow I don't believe on that Black Nazarene, it's like human sacrifice kasi yung nakikita ko every time na pista nito. People die of heart attacks, stampede, stroke para lang makadalo dito.
    right bro..

    our God is a loving god not a bad god..

  3. #1643
    Life is how you make it lizziebare's Avatar
    Join Date
    Feb 2002
    Location
    boiler room
    Well, you have a point guys.


    suddenly I remember a story about my aunt who died of cancer years ago. Months before she died, lagi niya sinasabi sa pinsan ko na lagi raw may lumalabas na mga spirits/ghosts sa cabinet niya. I still feel chills everytime I remember that. Hindi rin ako comfortable sa bahay nila. Feeling ko parang merong nagmamasid especially at night kaya nagstop na ko makisleep over sa kanila.

  4. #1644
    i had a weird dream last time. Naikwento ko na ata last time na bago kami magmove in sa house namin here sa US e may nagparamdam na black american sa basement and mismo sa kwarto ko. Pero nung pinagpray ko kaluluwa niya wala nang incidents ever since in our house until recently lang.

    Our family goes through some tough problem lately. Mostly emotionally involved yung mga tao kaya lagi pag umuuwi ako ambigat ng pakiramdam ko galing from work. Parang depressing mood kum baga. Yea sure normal lang naman yun sa mga pamilya.

    That's the time na lately nakakaexperience nanaman ako ng pagpaparamdam sa bahay namin.

    1st encounter.

    My room is situated on the second floor of the house, yung bed ko nakalagay sa side ng room dikit sa wall and yung pintuan ng room ko may malaking salamin na nakatapat mismo sa bintana. I don't sleep with lights off coz i think nagkaphobia ako nung nangyare saken nung highschool.

    One night I was about to sleep, medyo insomiac kasi ako. Mga late 1am na yun, medyo sleepy na ako and nakapikit na mga mata ko nang may maramdaman akong kakaiba sa room ko. Yung biglang lumamig yung room ko despite nakaheater na yun. And ang lakas ng pakiramdam ko na meron sa labas ng bintana ko. Kung ano man yun di ko na inalam pero ramdam ko may parang nakamasid saken sa labas mismo ng bintana. Take note yung bintana na yun walang roof na maapakan kasi derecho ground floor ang bagsak mo nun pag tumalon ka dun. Typical bintana lang siya pang old house na US na yung slide up ba. Di ko na pinansin yung pangyayari yun kundi inisip ko guni guni ko lang yun.

    2nd encounter.

    A few weeks apart same din bigla bigla lang may mararamdaman kong mayroon tao o someone na nasa labas ng bintana ko. If there was someone, it'll be creepy as hell since wala sila tatapakan dun, 2nd floor kaya ng bahay yun. Di ko ulit pinansin and tumalikod ako away sa bintana and facing the wall. Thinking na guni guni ko lang yun binaliwala ko nanaman. Nakatulog ako pero naalimpungatan ako nang may parang may tao sa room ko. Triny ko buksan yung mga mata ko and may parang hugis tao na nakatayo sa kabilang banda ng room ko. Itim na coat yung suot pero di ko makita yung muka. Natakot ako syempre at biglang napamulat yung mga mata ko para tingnan maigi and in that instant wala na yung taong naka itim na coat.

    Di na ako nakatulog at kinuha ko laptop ko at nagfacebook nalang. Binaliwala ko nalang yung nakita ko thinking maybe it's just a figment of my imagination again.


    3rd encounter.

    Now eto yung pinaka weird na nanagyare saken. A few days after that incident i had this very lucid dream. Parang totoo yung nangyayari, clear kasi and parang memory.

    Sa dream na yun nasa isang parang not modernized na time ako. Kasi yung nakita ko parang mga cottage house ba yun tapos yung kalsada e hindi sementado but dirt rodes na parang dinadaanan ng mga kabayo at yung carriage ba yun. Yung setting hindi talaga Pinas kaya ang weird lang pero parang totoo. May nakita akong isang pamilya, caucasians sila pero itim yung buhok. Yung suot e yung parang sinaunang kasuotan ng mga taga Europa. yung parang 1800s ba. Nakita ko yung familiar na itim na coat na suot ng isang caucasian na lalaki.

    Nakita ko kung pano pinagpapatay yung pamilya ng lalaki ng parang sundalo ba yun. basta binaril yung mga babae at mga bata. Yung lalaki at isa pa niyang relative na batang lalaki nakaligtas, takbo sila ng takbo sa kagubatan habang hinahabol sila ng parang mga sundalo. dumaan sila sa may isang parte ng bundok na parang papunta sa pantalan. Doon sumakay sila sa isang barko at nagtago sa mga kargo nito. Yung barko makaluma yung itsura. Hindi yung typical na barko nakikita natin ngayun na bakal. May mga kahoy na parte yung barko. Ramdam na ramdam ko yung takot nila at gutom. I dunno kung ano nangyare basta nagjump yung dream ko na biglang nagdock yung barko sa isang bagong lugar. Yung feeling ko nun parang relief kum baga kasi di na ako matutugis "yun ang feeling na naramdaman ko". And yung lugar parang pamilyar saken kasi parang daungan siya ng mga barko na nakita ko sa may East Coast ng Maryland. I can clearly remember yung mga muka nila ampayat payat, tipong malnourished. Tapos nagiba yung setting it was night time and was very cold. Magisa lang yung lalaki na nakacoat na itim. naglalakad siya sa isang iskinita nang may tatlong lalaki na humarang sa kanya. Naalala ko kung pano ang lakas ng kaba ko nun then biglang pinagsasaksak yung nakacoat na tao ng maraming beses. Ramdam na ramdam ko yung bawat saksak na bumabaon sa katawan niya. Dun na ako nagising at halos i can't breath kasi all that time pala i was holding my breath nang nafeel ko yung sakit ng stabbing impact, parang totoo.



    It was still early in the morning mga 2:30am ata kasi tiningna ko yung orasan sa cp ko.


    I dismissed it as a nightmare lang pero ang weird lang kasi napakaclear ng dream parang hindi siya panaginip parang kahapon lang na nangyare yung feeling na ganun.

    Then since maaga pa at antok pa ako binaliwala ko nalang yun. I was trying to get some sleep when someone knocked sa kwarto ko. Alam ng brothers ko na kapag I'm sleeping kahit kumatok pa sila ng kumatok e di ko sila sasagutin. Nagtalukbong lang ako ng comforter and tried to ignore yung kapatid ko. Minsan kasi makulit yung deaf brother ko.

    Mga 30 sec yun naglast yung pagkatok sa kwarto ko. Then tumigil, siguro alam nila na di talaga ako babangon. But right then and there nawala yung antok ko kasi napagisip isip ko madaling araw pala yun. Hindi pa gising yung mga kapatid ko and yung deaf brother ko e nasa first floor yung room niya. And the creepiest part hindi pala galing sa door ko yung katok. Sa bintana pala kasi tunog salamin.

  5. #1645
    Katakot naman iyan! Napa-bless ninyo ba iyang bahay ninyo? Pero di ba iyong last na-encounter mo sa kalye na lalaki or something parang may connection?

  6. #1646
    I only believe in God.
    Join Date
    Jun 2011
    Location
    in limbo
    Quote Originally Posted by DRAZI View Post
    No offense meant to Catholics, but this story was shared to me by a Christian friend. Yung pastor kasi nila went somewhere in Quiapo and couldn't help but notice lots of people lining up for the Black Nazarene. Sumama na din sya sa linya and pagdating nya sa Nazareno, sinabi nya "Marami ka ng taong niloko, marami ka ng nadedeceive" and some other words...

    Nung pauwi na *** pastor sa house nila eh pakiramdam daw nya na parang ang bigat bigat ng pakiramdam nya at parang nadidisorient sya...The pastor called one of the church workers who has the gift of vision and the lady said that she was seeing a big black robe covering the pastor's body. They called the other church workers too and together they prayed and got rid of that evil spirit.

    Tapos nung pinadescribe dun sa sister na may gift of vision about the robe, it was the same robe daw that the Black Nazarene of Quiapo wears...
    hmmm..maling-mali kasi talaga ang pagworship sa rebulto..kaya nga sabi ni Jesus, worship God in Spirit and in Truth..imbes na makipagsiksikan para lang makalapit sa isang rebulto, mas maigi pang manatili sa loob ng bahay at doon taimtim na manalangin..trust me, it's powerful..

    anyway, i enjoy reading these ghost stories..hahaha..

  7. #1647
    @dylandarkk > nyaks, katakot naman yan, parang linked ka somehow dun sa lalaking pinatay, parang ghostly echoes or imprints...saka ang galing, masyadong detailed ang dream mo, interesting pero nakakatakot...

  8. #1648
    ^ i remembered something sa kwento ni Dylan dark. Medyo related. Gusto ko ikwento now kaso some other time na lang siguro para mas detailed. Pagod din kasi ako now. More stories please. :-)

  9. #1649
    ^share it

  10. #1650
    Theistic Apologist Totnak's Avatar
    Join Date
    Sep 2002
    Location
    Hogwarts
    Quote Originally Posted by dylandarkk View Post
    kung Tunay na God yun He wouldn't dare harm a person regardless if they spit on Him or what coz the God I know is loving. Base lang sa stpry niya na parang ginantihan siya ng spirit ng black nazarene, it means there's something wrong there.

    Ako I'm a catholic pero somehow I don't believe on that Black Nazarene, it's like human sacrifice kasi yung nakikita ko every time na pista nito. People die of heart attacks, stampede, stroke para lang makadalo dito.
    the story in itself is doubtful...for one, what do you expect about a non-Catholic's opinion against a devout Catholic devotion?

  11. #1651
    Theistic Apologist Totnak's Avatar
    Join Date
    Sep 2002
    Location
    Hogwarts
    Quote Originally Posted by jkakldjflkja View Post
    hmmm..maling-mali kasi talaga ang pagworship sa rebulto..kaya nga sabi ni Jesus, worship God in Spirit and in Truth..imbes na makipagsiksikan para lang makalapit sa isang rebulto, mas maigi pang manatili sa loob ng bahay at doon taimtim na manalangin..trust me, it's powerful..

    anyway, i enjoy reading these ghost stories..hahaha..
    were there any Catholic/s who confirmed that he/she is worshipping a graven statue and I'll tell you pointblank that he's plain dumb...for one, the Church doesn't have any teachings telling Catholics to worship graven images as God.....that's preposterous.....

  12. #1652
    hala! Natabunan na to...share more stories

  13. #1653
    this just happened a few days ago. Yung lola ko madalas nililigaw ng kung anong maligno dito sa province namin. I often dismiss it as her being old, so I was thinking na baka nadidisorient lang sya due to old age, deteriorating memory and poor sense of direction and all that. Pero madalas na nangyayari sa kanya to and there's a common thing - she claims she hears someone gasping for air, yung parang hingal na hingal daw na hindi parang pagod na hingal kundi yung magaspang na hingal...basta may distinction sya to describe it, I just couldnt find the right term for it as the word is a Batangenyo word na mejo malalim...

    Nung nalaman ng mga relatives ko sa nangyaring ito sa lola ko, nagpuntahan yung mga tito ko pati mga ibang neighbors, and to my disbelief, nangyari din pala sa kanila yun, mas grabe nga daw yung sa tito ko kasi niligaw din daw sya somewhere in the woods, then nung nagka-malay na sya, he found himself in the town proper, which is approximately 6-7 kilometers from our baryo...he ended up being picked up by one of our relatives then.

    Then yung isa ko namang cousin, same story din. Basta ang ganda ganda daw ng dinadaanan nya, derecho lang na malaking highway...then he found himself inside their living room, nakahilata sya sa sahig... di makapaniwala yung mga parents nya pati mga kapatid nya coz they spent almost all-day looking for my cousin, only to find out that he's in the living room lying on the floor unconscious...

    I got so curious with this string of events that I wanted myself to experience this...Im so curious kasi pareho lahat sila ng sinasabi, nung niligaw daw sila, nakita nila na may magandang daan, sort of like a highway, a huge highway pero walang dumadaang mga sasakyan...which is far from reality coz we live in a barrio, the kind where there are lots of bamboo trees and acacia trees, basta probinsyang probinsya ika nga.

    Sa sobrang curiosity ko, nagpunta ako dun sa area na madalas may naliligaw, ito yung part sa baryo namin na maraming puno ng mangga at acacia. Ngapala, everytime kasi na umaalis ako sa bahay namin, laging sumusunod sa akin yung aso namin, sobrang loyal sa akin...hehehe... so nagpunta nga ako sa area na yun with my dog, nung andun na ako sa area, may hangin na nagsway sa mga leaves, and me being particularly observative that time, napansin ko na parang may pattern yung paghampas ng hangin sa mga puno, may certain direction...basta, ang hirap iexplain eh...and here's the creepy part, nagmisbehave yung aso ko in such a way that it stayed beside me...which is unusual kasi pag namamasyal ako sa gubat, although kasama ko tong aso namin, mejo dumidistansya sya, laging nauuna sa akin as if he tries to clear the area, kasi maraming monitor lizards and ahas dito sa amin e...so there, our dog acted so weirdly and unexpectedly, iniwan ako mag-isa sa area na yun, tumakbo pabalik yung aso namin pabalik sa house namin, which is so unlikely of him kasi lagi ko yang kasabay umuwi...so di na ko nagtagal and umuwi na din ako sa bahay namin...there's really something in that area, I dont know. Im yet to find that out...

  14. #1654
    ngyari 'to sa friend ko..

    sa haus nila sa province, around 2:00am-3:00am naalimpungatan sya kasi may narinig xang bumubulong. matandang boses daw ng lalaki. bumangon sya to chek, wala naman daw gising that time and mag isa lang sya sa room.. paghiga nya ulet, narinig nnaman nya, "ARAY KO.. ARAY KO PO" sabi nung boses.. lumabas nlng daw sya at tumabi sa mama nya..

  15. #1655
    Finally nakita narin nung sister ko yung multo sa bahay. mwahaha

    Mga 3 am daw gising pa siya doing some project on her computer tapos parang may napansin daw siyang naglakad sa tabi niya sa loob nang kwarto niya so she looked towards her left and lo and behold, kaharap niya parang tinignan siya, face to face. mga 5 seconds daw siyang hindi huminga. lalake yun eh pero for some reason, we can't tell anong hitsura niya.

    Minsan sinusundan niya din ako sa hagdanan or minsan nakikita ko siya standing at my door kasi laging naka-open pinto ko minsan naman lalakad lang siya sa labas. Minsan din gigisingin ako hahawakan paa ko. kaya pag natutulog ako, since malaki kama ko, I make sure may unan sa mga unoccupied areas. And no, hindi siya bangungot kasi I was hoping and wishing na ganun nga, na produkto nang imahinasyon ko, pero ang dami na saming nakakita eh kahit bisita. nakakatakot, sure, pero its not as scary as some make it out to be. Sanayan lang I guess. And of course I pray everytime.

  16. #1656
    This happened just a few years back. It was around 3am when I woke up from feeling something hot behind me. As I was too sleepy and thinking that it was nothing since I had my back turned at the corner of the room, I disregarded the feeling and did not move and just continued sleeping.

    Another bed was beside mine where my brother slept. He was facing me. He woke up at around 3am as well. Unfortunately for him, he actually saw what was behind me, which resulted in him screaming. My parents and I woke up but since we saw nothing, we just went back to bed and slept.

    The following morning, my brother told us what he saw: it was a tall, black being standing at the corner of the room. It never appeared again. I guess it was just passing by.

  17. #1657
    Creepy talaga ang alas tres ng madaling araw. Pero gisisng pa rin ako pag ganyan oras minsan nanunuod pa ng mga suspense / horror series or movies(Take note ako lang mag isa). Devil's time ata ang term dyan. Gising lahat pag ganyan oras.

  18. #1658
    Madalas around 2 to 3am nagigising ako at ang mother ko. Just two nights ago, my mother woke up at 3 am to pee and while going back to bed she said she heard my voice calling her "mama" during that time nasa room lang ako ng ganung oras at gising na gising, di makatulog at hindi ko sya tinawag. May nanggagaya ng boses! Scary!

  19. #1659
    Forever with you.. lady mint's Avatar
    Join Date
    Sep 2008
    Location
    Katzenhouse/Good G
    Cool keep them coming guys love reading this thread. I'm so into horror movoies/stories, though ive got nothing to share. Just enjoy reading it.

  20. #1660
    It happened yesterday, while my mother and our neighbor were busy chatting outside, my neighbor asked my mother if there is someone inside the house because she saw someone just passed by in our sala. Sabi ng nanay ko wala daw syang kasama dahil pumasok ako..so kagabi di na ko makatulog sa takot...ano ba ang gagawin pag may mumu sa bahay?

Page 83 of 128 FirstFirst ... 33 73 82 83 84 93 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

SHOWBIZ:

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

read more
MUSIC:

Eraserheads to release two new songs

Eraserheads to release two new songs

read more
SPORTS:

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

read more
UAAP:

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

read more
GILAS:

Gilas falls to 0-2 after 82-70 loss to Greece

Gilas falls to 0-2 after 82-70 loss to Greece

read more
CHIT CHAT:

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

read more