^
Nash, lahat ng pinag dutyhan kong ospital, laging may horror stories, ilang beses na akong naka encounter ng pasyente, nagpapalipat ng room, kasi may kakaiba daw doon sa room na napasukan nila.
Ang pinakanakakatakot for me, eh yung isang batang pasyente, sigaw ng sigaw, at may maitim daw na nakatayo doon, pasok kaming mga nurses, wala naman doon sa tinuturo nung bata, grabe kilabot ko noon.
Notorious talaga ang ospital na yun, dati nga, nung papasok ang isang kasamahan ko sa work sa pintuan ng patient's room, sabi nung pasyente:
"Alam mo nurse, kada papasok ka dito, may nauunang kumakatok, at nauunang pumapasok, pag labas mo naman, kasama din siya, hindi naman mukhang nurse".
Omaygawd, natindig balahibo ko while typing.
