Share SCARY Pinoy Ghost Stories! Thread 2 - Page 131 | Buhay Pinoy | PinoyExchange
Page 131 of 164 First ... 31 81 121 130 131 132 141 ... Last
Results 2,601 to 2,620 of 3267
  1. #2601
    abay buti na lang at hindi kong binasa ng maige ang curse.

    Quote Originally Posted by torchie82 View Post
    To keep the ball or rather the severed head rolling:
    Disclaimer: Pulot sa kung saan lamang ito...

    *********************************
    This is the story of my twin classmates in Cavite State University. They are Martha and Maria. Martha gave me the permission and opportunity to put their story into texts. This story was made in honor my late classmate, Maria. What you are about to read was told in Martha’s point of view.

    “Ano ka ba, pag ang letter “V” ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang letter “U” at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter “V” - Maria


    MORITVM TE SALVTAMVS
    EST DEXTRVMI CVRITE
    AVE VERSVS CRISTVS
    VERVM DE TREVI

    VERMI EST REFLEXVM
    ARVM DRI TRIPVM
    DEXTRVMI LENTENVM
    AVE SATANI

    Eto lamang ang huling ala-ala ng kakambal kong si Maria bago siya namatay…

    September 12, 2002…
    Tandang-tanda ko ang araw na ito. Ito ang sumunod na araw matapos bombahin ng mga terorista ang twin tower sa US. Ito rin ang araw kung saan ko huling nakasama pauwi ng bahay ang kakambal kong si Maria.

    Mga bandang alas-kwatro y medja na ng hapon. Nakasakay kami ng kambal kong si Maria ng bus pauwing Cavite City ng may nakita siyang isang lumang wallet ng lalaki sa lapag ng inuupuan naming bus. Medyo luma na ang wallet na ito; kulay itim at medyo laspag na. May isang litrato sa loob. Tama kami ng hinala, lalake nga ang may may-ari ng wallet. Medyo may kalumaan na ang litrato. Malutong na ang papel at black and white or should I say brown and white pa ang kulay ng litrato. Bukod sa litrato ay mayroon ding mga nakaipit na tarheta (calling card) , papel na may sulat, reseta ng doktor, mga tickets sa bus at P78.

    Wala naman talaga akong habol sa wallet maliban sa P78. Gusto ko sana ay paghatian naming magkapatid yung pera, pambili kahit man lamang ng burger. Ngunit iba si Maria. Sa aming magkapatid masasabi ko talagang mabait siya ng higit kaysa sa akin. Gusto niyang isauli namin ang wallet sa mayari dahil baka mahalaga raw ito sa kanya dahil nga may resetang nakaipit sa loob. Noong mga oras na iyon gusto niyang ibigay na lamang sa driver ng bus ang wallet. Kaya naman agad-agad akong nag-isip ng paraan upang huwag na niyang magawa ang binabalak niyang pagsaoli ng wallet sa driver.

    “Para!”

    Kahit mga dalawang kanto pa ang layo ng bababaan namin ni Maria ay pinahinto ko na ang bus. Dahil sa hindi pa handa sa pagbaba ay nataranta si Maria dali-daling inayos ang mga bitbit niyang gamit at bumunot ng pamasahe namin sabay bayad sa driver.

    “Eto pong bayad, dalawa galing Tanza.”

    Matapos magbayad at masuklian ay bumaba na rin siya.

    “Ano ka ba Martha, dalawang kanto pa ang layo ng bahay natin dito sa pinagparahan mo”

    Biglang bumalik sa akin ang sisi. Medyo may kalayuan nga talaga ang pinagparahan ko ng bus. Medyo naiinis na natatawa sa akin si Maria, galing kasi kami sa dorm noon at marami kaming dalang maruruming damit kaya naman may kahirapan nga talaga ang maglakad ng malayo.

    “Tricycle!”

    Lumapit ang tricycle. Una akong sumakay at sumunod naman si Maria.

    “Sa Novero po”

    “Ano ka ba Martha, kulang na ang pera natin pangtricycle”

    “Diba may napulot kang wallet?, Ehdi yung pera muna dun ang gamitin nating pambayad sa tricycle. Palitan nalang natin paghumingi tayo ng pera kina mama.”

    . . . . . . . .

    “Dyan lang po sa may gate na blue.”

    Binayaran rin ni Maria ang driver ng tricycle gamit ang pera mula sa napulot niyang wallet.

    “Ma…, Pa…, nandito na po kami!”

    Walang sumasagot. Walang tao sa bahay. Dumeretso ako sa kusina. Si Maria naman ay dumeretso sa kwarto namin.

    May sulat na iniwan si mama sa mesa sa kusina. Wala pala sina mama at papa, nagpunta sa Laguna para asikasuhin ang titulo ng lupa namin doon. Medyo nagkakagulo na rin kasi ang mga pamilya ni mama doon sa Laguna tungkol sa lupa namin nuong mga panahong iyon.

    Pumasok ako sa kwarto namin ni Maria. Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya at tinitingnan kung ano ang mga laman ng wallet na napulot niya kanina.

    “Maria nasa Laguna raw sina mama at papa para ayusin ang titulo ng lupa natin doon”

    “Martha, halika rito, tingnan mo itong sulat na nakaipit sa wallet.”
    “Ano yan?”

    “Ewan ko, baka anting-anting”

    “Latin yata yan eh.”

    “Ewan”

    Sinubukan kong basahin ang sulat ngunit talagang mahirap bigkasin. Biglang inagaw sa akin ni Maria ang sulat.

    “Ano ka ba, pag ang letter “V” ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay binabasang letter “U” at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter “V”

    “Asus! At saan mo naman natutunang magbasa ng Latin?”

    “Basta alam ko yan”

    “Sige nga.”

    “MORITUM TE SALUTAMUS, EST DEXTRUMI CURITE, AVE VERSUS CRISTUS, VERUM DE TREVI, VERMI EST REFLEXUM, ARUM DRI TRIPUM, DEXTRUMI LENTENUM, AVE SATANI”

    “Ang galing ah parang totoo, bahala ka nga sa buhay mo, kakain na ako”

    “Martha anong miryenda?”

    “Miryendahin mo’ng mukha mo!”

    Pumunta ako ng kusina, binuksan ang refrigerator at naghanap ng maaaring kainin. Samantalang, si Maria naman ay hindi na lumabas ng kwarto namin. Mga bandang ala-sais kwarenta y sinco na nang bumalik ako sa kwarto namin.

    “O, akala ko ba magmimiryenda ka?”

    “Ayoko na. Bigla kasi akong nahilo pagtayo ko kanina kaya hindi nalang ako lumabas.”

    “Nagugutom ka ba?”

    “Hindi na, nalipasan na yata ako ng gutom”

    Pagkasabing-pagkasabi ni Maria noon ay bigla siyang napaduwal. Kaya dali-dali siyang nagtungo sa banyo namin sa kwarto at sumuka sa lababo.

    Makalipas ang ilang minuto…

    “Mmm...arthaaa! Mmm…arthaaa!”

    Nanginginig na sigaw ni Maria. Parang may halong takot ang pagkakasigaw niya noon sa pangalan ko. Nataranta ako sa ginawang pagsigaw ni Maria. Napabalikwas ako sa pagkakaupo at napatakbo papuntang banyo.

    Nakita ko siyang nakatungkod ang isang kamay sa lababo at ang isa ay hawak-hawak ang kanyang dibdib habang patuloy na nakatingin at umiiyak sa harap ng salamin.

    “Baket?”
    “Anong nangyari?”
    “Maria napa-ano ka?”

    Sunud-sunod kong tanong kay Maria.

    Hindi ko alam ang nangyari kay Maria sa loob ng banyo hanggang sa bigla na lamang akong natakot at kinabahan sa sumunod na nangyari…

    Unti-unting napaluhod at umiyak si Maria. Patuloy ang kanyang panginginig. Mula sa paimpit na iyak ay unti-unti itong nagkatinig. Tinig ng hagulgol. Nakakaawa. Nakakakaba. Nakakatakot.

    Matibay si Maria. Matapang. Ngunit bumilis ang kaba ng dibdib ko ng makita ko ang nangyari sa kanya sa loob ng banyo. Alam kong may masamang nangyari sa kanya. Hindi basta-basta magkakaganito si Maria ng walang mabigat na dahilan.

    Kinabukasan…

    “Kring…kring!”

    Nag-ring ang telepono. Si mama, medyo matatagalan daw sila bago makauwi ng bahay dahil may aberya pa rin daw sa lupa. Kailangan daw maayos iyon bago umuwi sina lola (ang nanay ni mama) na nasa US sa 24 (ibig niyang sabihin, September 24, 2002).

    Ok na si Maria. Parang walang masamang nangyari kahapon. Mga ilang ulit ko na ring pinagtangkaang tanungin siya tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya sa banyo, ngunit palagi niya itong iniiwasan. Minsan pa nga, palihis ang mga pagsagot niya sa aking mga tanong upang maiba ang usapan.

    Dumaan ang Sabado, Linggo at sa wakas Lunes na naman. Pasukan na naman. Biglang nilagnat si Maria. Medyo nahihilo raw siya. Ako na lamang daw ang pumasok at ipagpaalam ko raw siya sa aming mga instructors.

    “Sabihin mo sa kanila baka bukas nalang ako pumasok, masama pa kasi ang pakiramdam ko.”

    Martes, September 17, 2002, 7:12 ng umaga.

    “Too-toot, too-toot!”

    One message received. Si Maria.

    “Nwa2la *** ID me. Ndi u b ndla?”

    “Nope. Ala skin *** ID u. Bka nsa bag ng mrumi mong dmit. Ppsok n b u?”

    Walang na akong narecived na text mula kay Maria nung araw na yun. Hanggang mga bandang alas sais ng gabi, ako na ang nagtext kay Maria.

    “Oi, *** hapend 2 u? Msma p b pkiramdam u? Kla me ppsok n u knina?

    Wala pa ring reply.

    Siguro wala nang load si Maria.

    Dumaan ang Miyerkules at Huwebes. Uwian na naman. Apat na araw lang ang pasok namin nuon. Inimpake ko na ang mga marurumi kong damit at umuwi na sa Cavite City.

    Pagdating ko sa bahay…

    “Maria!”

    “Maria!”

    Walang sumasagot. Binukasan ko ang pinto. Ang baho ng bahay. Amoy bulok na laman.
    “Ang baho!”

    “Maria……….Maria!”

    Lumabas si Maria ng banyo. Katatapos lang magsipilyo ng ngipin.

    “Maria ano yung mabaho. Amoy patay na daga.”

    “Dyan yun sa kapitbahay. Namatay kasi yung aso nila. Nasagasaan. At matapos masagasaan ay nagawa pang makabalik ng kulungan at duon na namatay.”

    “Eh bakit hindi inilibing?”

    “Wala ang may ari. Hindi pa umuuwi ilang araw na. Hindi rin naman mailibing ng ibang kapit-bahay dahil naka-lock ang gate.

    “O, naka-lock pala ang gate, bakit nakalabas pa rin yung aso?”

    “Malay ko.”

    “Naku isara mo nga yang bintana para hindi pumasok dito ang amoy. Nakakasuka.”

    Isinara nga ni Maria ang bintana. Maya-maya pa ay naghapunan na ako. Ayaw sumabay ni Maria sa akin dahil nawalan daw siya ng gana. Isa pa nagsipilyo na raw siya ng ngipin. Kaya mag-isa nalang akong kumain.

    Nang matutulog na ako ay tumabi nalang ako kay Maria. Double-deck kasi ang kama namin. Ako sa itaas at si Maria ang sa ibaba. Ayoko sa itaas. Tapat na tapat sa bintana ang mukha ko. Tiyak na langhap na langhap ko ang amoy ng namatay na aso sa kabila.

    Nang nahiga ako, amoy parin ang baho ng patay na aso. Dumikit na yata sa kama namin ang amoy kaya nag spray ako ng air freshener.

    “Bat hindi ko naisip yan?”

    “Oo nga, ilang araw ka nang nagtitiis ng amoy dito, hindi mo man lamang naisipang mag-spray ng air freshener.”

    Kinabukasan…

    Unang nagising sa akin si Maria. Paglabas ko ng bahay nakita ko siyang nanunuod ng T.V. Alas diyes na pala.

    “Martha kumain ka na. Nandyan yung tinapay sa mesa. Yung palaman natatakpan ng plato.”

    Normal ang araw na iyon at ang mga sumunod na araw.

    Linggo ng hapon, inaayos ko na ang mga damit ko na dadalhin ko papuntang dorm. Balak kong umuwi na sa dorm at duon na lamang matulog kahit ala-una pa ng Lunes ang pasok namin ni Maria.

    ‘Ikaw hindi ka ba sasama?”

    “Hindi na. Hindi pa ako naglalaba ng mga gamit ko nuong nakaraan. Marurumi pa ang uniform ko. Mamaya pa ako maglalaba.”

    “O sya paano? Uwi na ako sa dorm?”

    “Sige.”

    Lunes, magtatanghali na. Hindi pa rin bumabalik ng dorm si Maria. Sinubukan ko mag missed call.

    “Sorry, your balance is not enough to make this call. Please reload your phone immediately.”

    Wala na akong load pang missed call. Kaya itinext ko nalamang si Maria.

    “Oi, nsan n u?”

    “Nsa bhay p me. Hndi me nkapaglaba ng dmit khapon dhil ala ng tubig. ***** plang me ngla2ba.”

    Natapos ang araw. Medyo nakakapagod. Ang lalayo kasi ng mga building namin. Pagdating sa dorm,nagpahing na ako. Mahaba ang tulog ko noong araw na iyon. Marahi nga ay dahil sa pagod.

    Miyerkoles, September 25, 2002, 9: 23 A.M.

    Ngayon ang araw ng paguwi nila lola mula sa U.S. siguradong may pasalubong kaming stateside. Eto rin ang araw na nagpagimbal sa akin.

    Alas nueve beintetres ng umaga. Nagising ako sa isang text. Isang number ang nagregister sa cellphone ko nang binuksan ko, si Mama pala.

    “ANG KPATID M PTAY N. UMUWI K AGAD. – MAMA”

    Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi nararamdaman ng katawan ko. Hindi ako umiiyak ngunit nakatulala. Naligo ako. Nagayos ng sarili. Nagayos ng gamit at umuwi na. Hindi man lamang sumagi sa isip ko kung nanloloko ba ang taong iyon, o si kung mama ba talaga iyon. Ni hindi ko rin man lamang naisip na magreply sa number na iyon. Basta ang alam ko lang kailangan kong umuwi.

    Habang papalapit na ang sinasakyan kong tricycle sa bahay, napansin kong nakalabas ang ilan sa mga gamit namin sa bahay. Bukas ang gate at maraming tao. Hinanap ko agad si mama. Nakita ko siyang umiiyak at may binabasang papel. Nang tiningnan ko, isa pala itong autopsy result. Pina-autopsy nila ang bangkay ni Maria.

    “ Ma…anong nangyari?”

    “Nasaan ka ba? Hindi ka ba umuwi sa bahay?”

    “Umuwi po. Bakit ano po ba ang nangyari kay Maria?

    Inabot sa akin ni mama ang autopsy result. Nagulat ako at nanlamig. Ayon sa result labing tatlong-araw nang patay si Maria. Natagpuan siyang patay sa ilalim ng kama. Naaagnas na.

    Nanginig ako. Nanlamig. Sino ang nakasama ko sa bahay nuong umuwi ako noong Huwebes? Sino ang nakatabi ko sa pagtulog? Sino ang nagrereply sa mga texts ko kay Maria? Natatakot ako, kinakabahan. Lalo pa ng makita ko ang kapitbahay namin.

    “Psst…Tagpi! Labas dito!”

    Si Tagpi. Ang asong sinabi ni Mariang nasagasaan at namatay sa kulungan.



    Hanggang ngayon ay malaking palaisipan parin sa akin ang nangyari kay Maria. Malaki ba ang kahulugan ng sulat na napulot namin sa bus? Sinubukan kong hanapin ang kahulugan ng salitang Lating iyon at ayon sa napag-alaman ko, ganito ang kahulugan noon:

    Ang salitang MORITVM (moritum) ay nangangahulugan ng kamatayan, ang SALVTMVS (salutamus) ang nangangahulugang to salute or to give honor, TREVI means life, ang AVE VERSVS CRISTVS (ave versus cristus) means hail the anti-christ, ang REFLEXVM (reflexum) ay nangangahulugang reflection, ang DEXTRVMI LENTENVM (dextrumi lentenum) means there will be a wake (lamay) after thirteen days at ang AVE SATANI (ave satani) ay nangangahulugang hail Satan.

    Sa madaling salita, ito ay spell. Ayon sa aking nabasa, ito ay ginagamit ng mga tao upang magpakamatay. Ginagamit rin nila ang spell na ito upang ihain o ihandog ang sarili nila sa demonyo upang magkaroon ng masaganang ani ang kanilang maiiwang pamilya. Sa loob ng labing tatlong araw ay makikita mo ang taong nagbasa nito ngunit ang totoo pala ay ito ay isang repleksyon lamang niya. Matatagpuan nalamang ang katawan niya thirteen days after reading the spell.

    Ngunit isa sa ipinagtataka ko ay bakit hindi naman nangyari sa akin iyong nangyari sa kapatid ko? Nasagot rin ang tanong kong iyan. Ayon sa librong “The Latin Mystery” ni Johannes Burnt, mahalaga raw ang paraan ng pagbabasa. Marahil isa sa nagligtas sa akin ay ang kamangmangan ko sa pagbabasa ng wikang Latin.

    Teka lang… Saglit…

    Maiba tayo…

    Ikaw binasa mo ba ang sulating Latin na nakapaloob sa kasaysayang ito? Mali kaya ang pagkakabasa mo? Pareho kaya tayo? SANA…

    ***************************************


    (Note: Di ko binasa yung story, atakot akooo ...)

  2. #2602

  3. #2603
    Hi po. Padaan lang po. Pabasa ng mga stories. Sana meron din thread na about paranormal talaga. I mean parang tips and all not just stories. Hehe.

  4. #2604

  5. #2605
    Naikwento ko na to before sa lumang thread. Summarize ko na lang mga experiences namin.

    Bahay namin is compose of three houses na magkakadikit. Marami na kami experience dito even nung mga bata pa kami. May mga naririnig kami na umiiyak during night time. Yung mga borders and bisita namin na natutulog dito nakakakita ng anino, white lady and figure ng bata. Yung mga kasama namin sa bahay minsan may mag bubukas ng gripo pero wala naman tao. Yung pets namin na mga aso for no apparent reason bigla na lang titingin sa hagdanan as if may sinusundan na tao hangang sa kitchen pero wala naman tao. May mga spirit questor na din na nagpunta dito just to talk with the spirits were i felt so drained and imagine 3 hours yung session na parang nasa 30 min lang kami ng ginawa namin yun. Yung bed ko nagalaw yung silya narinig namin na hinihila sa taas knowing na wala naman tao sa taas that time. Basta madami kami nararamdamn dito and may mga umatras na din na healer sa bahay namin saying na madami daw nakatira na indi nakikita at sobrang lakas daw and hindi nila kaya. Yung brother ko nakakita ng mataas na anino. Very creepy pero masasanay ka din

  6. #2606
    Question:
    Can they ( ghosts ) read our minds? Am a newbie here and nice thread!

  7. #2607
    Anyone located near Cainta, Rizal here?

  8. #2608
    from geo002:

    recently na assign ako sa farm/piggery mga tao dun nagkwekwento na before may sinaniban na isang worker, para hindi na maulit yung ganon tumawag sila ng albularyo or faith healer ***** yun na every 5 months eh mag "alay" or offering sila dun sa farm, eh recently hindi na sila nakapag alay lagpas 5 months na ang ngyayari daw yung mga aso laging umaalulong everyday/everynight tapos may tinatahulan wala naman silang nakikita, ayaw kasi i approve ng opisina yung alay eh medyo kinakabahan na yung mga tao ginawan ko na lang ng paraan ako naglabas ng pera para matuloy lang yung alay, then nung friday nga pinatawag na yung magdadasal then nagpunta sila dun sa isang puno na tinuturo nung albularyo dun nila nilagay yung mga alay, habang nagdadasal na yung albularyo witness yung security guard, 2 worker and yung vet, isa isa ng lumabas mula sa lupa color white na entity hugis tao una mga 3 lang daw maya maya ang dami na daw yung iba galing sa mga halaman sa puno more or less 20 daw eh may malaki may maliit yung kasama nga nilang aso tumakbo daw nakabahag yung buntot and ginawa pa nung albularyo vinideohan unfortunately hindi ko nakita yung video kasi nasa opisina ako and wala ng yung nag alay...dati kasi hidi ako 100% naniniwala sa ganon pero after nung mga kwento nila which is naniwala ako kasi imposible namang magsinungaling ang guard, 2 worker and yung vet doctor sa nakita nila, sana nga makita ko yung video eh or sa susunod na alay gusto kong sumama sa manonood and mavideohan ko.

    isang question lang pala sa mga nakaexperience or expert sa ganito if ever videohan ko or ipagkwento ko hindi kaya ako sundan? seryosong tanong haha pero sabi naman nung albularyo mababait daw yung mga puti

  9. #2609
    Quote Originally Posted by incubusfrmhell View Post
    Naikwento ko na to before sa lumang thread. Summarize ko na lang mga experiences namin.

    Bahay namin is compose of three houses na magkakadikit. Marami na kami experience dito even nung mga bata pa kami. May mga naririnig kami na umiiyak during night time. Yung mga borders and bisita namin na natutulog dito nakakakita ng anino, white lady and figure ng bata. Yung mga kasama namin sa bahay minsan may mag bubukas ng gripo pero wala naman tao. Yung pets namin na mga aso for no apparent reason bigla na lang titingin sa hagdanan as if may sinusundan na tao hangang sa kitchen pero wala naman tao. May mga spirit questor na din na nagpunta dito just to talk with the spirits were i felt so drained and imagine 3 hours yung session na parang nasa 30 min lang kami ng ginawa namin yun. Yung bed ko nagalaw yung silya narinig namin na hinihila sa taas knowing na wala naman tao sa taas that time. Basta madami kami nararamdamn dito and may mga umatras na din na healer sa bahay namin saying na madami daw nakatira na indi nakikita at sobrang lakas daw and hindi nila kaya. Yung brother ko nakakita ng mataas na anino. Very creepy pero masasanay ka din
    Nalaman nyo ba ang history ng house nyo? Or yung area na kinatatayuan ng house nyo?

  10. #2610
    Quote Originally Posted by calcifix View Post
    Nalaman nyo ba ang history ng house nyo? Or yung area na kinatatayuan ng house nyo?
    One of the houses is a pre-japan invasion era. Nung una namin sya nabuksan yung windows eh sliding capiz and yung flooring eh antigo na red floors. Yung mga poste is purong kahoy. It was left open, damped and dark for a decade bago namin binuksan ulit and that made the perfect living condition for the entities na nakatira sa amin before. Nung binuksan namin and tinirhan yung bahay dun na lumabas yung hauntings. Doors slamming and a lot of entities are seen roaming sa area walang makatagal. It's really a crazy experience. Though hindi kami nakakakita pero nararamdaman namin presence nila dahil may times na may iiyak na babae na wala nan tao. Then sa akin may sumisitsit galing sa poste eh ako lang ang gising that time and on other time may pumalo sa likod ko wala naman tao...

    Kaya advise ko sa inyo wag na po mag try sa haunted house or ghost hunting. Not worth. Plus ingat din sa mga tao na pinapapasok sa loob ng bahay dahil minsan sila yung may dala ng entities na naiiwan sa bahay....

  11. #2611
    I just experienced this about two weeks ago.

    Our office has a cubicle style set-up. Per row there are 3 cubicles. I occupy the middle cubicle so I can clearly see if there are people on the other cubicles. So one day I was doing some reports and I could see on the reflection from my laptop na one of my colleagues getting a bond paper (nasa bandang gilid ko kasi yung mga papers). So hindi ko na sya pinansin. Then I saw on the reflection na tumayo sya sa likuran ko. I assumed na may kailangan sya sa akin, so humarap ako sa kanya. Lo and behold, walang tao sa likod ko. I just shrugged it off initially kasi I don’t want to scare myself. But after a few days it happened, one of our other colleagues experienced the same thing. Pero yung sa kanya naman nakatayo sa gilid nya pero di nya muna pinansin kasi he was talking on the phone. But when he turned around wala na dun.

  12. #2612

  13. #2613
    Try niyo panoorin horror movies ni madame Marian Rivera. Just saying..

  14. #2614
    Re-posting:

    Quote Originally Posted by JobyBryant24 View Post
    Share some stories sa OLD OFFICE namin sa Makati:

    1. Sa Ladies CR sa loob ng cubicle umiihi yung isang tapos me nakita shang officemate ko na pumasok at naghilamos sa lababo. Habang naghihilamos, kita shempre ng nasa cubicle yung paa since magkatabi. Tapos mamaya pagkalingon nya uli, me pair of paa na sa mismong likod ng naghihilamos. Hindi daw sha nakalabas eh!

    2. Tanghaling tapat in a Saturday, an officemate uli eh nag-oovertime so konti tao. Sa likod ng desktop nya eh me salamin na one-way but kahit papano eh kita mo me reflection ng tao. Maya-maya bigla shang natigilan. Me nakita daw shang naglalakad sa likod nya na matandang kuba.

    3. OT kami ng teammate ko. Gabi na. Maya-maya nagyaya na sha umuwi at sabing "Tara na, me dumaan na sa harap mo". Ilang segundo lang bigla png tayo na kami at pinatay na lang monitor ng PC.

    About naman sa new office dito sa BGC:

    1. Overtime. Around 2AM. Paglingon ng isang ex-officemate ko sa office ng President namin, nakakita sha ng parang pari yung suot at walang ulo.

    2. Overtime kami around 2AM na. Mga 6 kami nun. Bigla na lang me kumalampag sa side ng building namin for 10 seconds. Tuloy-tuloy yun! Rinig namin sa loob ng office. Tapos nawala. Hinanap namin source, wala kami makitang source. Naisipan kong ibaba yung blinds tapos ikalampag yun sa salamin na wall ng building. Same sound! Potek anu yun kinalampag nila isang side ng building namin. Grabe. Haha

    3. Overtime as usual. Pauwi na kami 2 ng officemate ko kasi nagyaya na sha at sabing "Di ko na kaya. Andyan na sha". Tapos tawanan pa kami hanggang elevator. Saktong paghinto namin pareho, biglang me tumawa din na medyo malapit sa amin. Takbo kami papasok ng elevator. Hahahaha

    4. Almost every night, laging me tumatakbo parang bata sa taas na floor namin. I am sure hindi nag-OOT yung office na yun. Confirmed by my officemate na me third eye: "me batang naglalaro sa area natin, di ko na lang minsan pinapansin."

    5. Doppelgangers. Madalas to sa mga on-leave that day. Nakikita nila nasa office pero mga tahimik.

  15. #2615

  16. #2616
    Wala ** sa lolo ko BossVic's Avatar
    Join Date
    Feb 2012
    Location
    acheche
    Manood na lang kayo ng Vampire ang Daddy ko!

  17. #2617
    This is the best story i've ever read before.

  18. #2618

  19. #2619
    Quote Originally Posted by Strider07 View Post
    overnight ba yan?
    hahaha parang gusto kong maka experienced mag ghost hunting pero patapos na halloween

  20. #2620

Page 131 of 164 First ... 31 81 121 130 131 132 141 ... Last

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •