im gonna share a personal experience, wala naman akong nakita pero kinilabutan lang ako. dumalaw kasi kami nuong 2009 sa burol ng barkada ng ate ko. we were there for about an hour nakipag shot pa kasi siya tapos nagpasama ako sa friend niya na kapatid nung namatay. nag cr kami dun sa baba, nung first medyo natakot pa ako kasi yung stairs na dadaan eh katabi nung tree kung saan nagbigti yung ate niya pero goraa lang.. tapos after ko mag CR sabi niya siya rin so naghintay ako sa parang lumang small bar na katabi lang naman ng cr. while waiting biglang may tumulak sa front door yung as in ang lakas napatalon pa ako sa kinauupuan ko tapos sabay takbo dun sa may door ng cr at kinatok ko agad si ate Neri. paglabas niya sinabi ko sakanya yun tapos sabi niya wala naman daw siyang narinig, also when we checked the door walang signs na naitulak siya.
==========================
another personal experience sa boarding naman ng friend ko na nasa ilocos na ngayon. mga 7:30 na yun ng gabi apat kaming girls na tumambay sa boarding house niya naglalaro kami ng tong-its. tapos biglang may narinig kaming parang hinihila na bakal coming from the house upstairs. nag sstop siya siguro after 5 or more minutes tapos tutuloy nanaman. kinatok pa namin yung bubong gamit yung kawayan stick pero tuloy tuloy parin. tapos sobrang naiirita yung friend ko napag disiyonan naming katukin yung house sa taas. tao po kami ng tao po pero walang tao biglang sumabat si ate sa store na medyo katabi nung house, sabi wala daw tao nasa BMC (Baguio Memorial Chapel) namatay na daw pala yung matanda nung morning lang. natakot kaming lahat di na kami bumaba sa boarding pinakuha nalang namin yung mga bag namin dun sa friend ko. sabi ng friend ko nawala naman daw yung mga sounds after mailibing yung matanda, she even attended the libing.
==========================
eto di ko lang alam kung scary siya since sa panaginip. my grandfather died last 2005, tapos during his lamay pag umuuwi kami samen tapos dun din natutulog naririnig namin yung mga kalderong nag bubukas and stuff. eh style kasi yun ng lolo ko, bago siya ma-stroke and when we still lived with my grandparents. late umuuwi tapos maghahanap ng food. nung nailibing na siya never na yun nangyari.. until the night after his forty days. may mga bisita kami that time so pinatulog namin sila sa bedroom. kami ni mommy tabi kaming natulog sa sala at ginamit nalang namin yung sofa-bed. in the morning kwento ng ate ko may nagbubukas nanaman daw ng mga kaldero, nung sinabi yun ng ate ko biglang nag open na din si mommy. sabi niya dumalawa daw si lolo sakanya sa panaginip. ang kwento kakauwi daw niya galing somewhere tapos ang dami daw tao na nakasuot ng puti parang party daw the weird stuff eh hindi daw niya kilala kung sino sila some of them even didn't have a face. tapos the only one she recognized daw is my grandfather sitting on our living room smiling back at her using his favorite brown vintage amerikana. she sat beside her daw tapos he told her things daw like advice's and stuff after that daw he put down a plate with half of the food finished and wiped his mouth sabay sabi ng "apan akun" (di ko alam kung correct spelling basta ilocano siya ng alis na ako) tapos tumayo at biglang nawala among the people. sinundan daw ni mommy pero parami daw ng parami bigla yung tao to the point na she was being blocked, he only saw the back of my grandfather walking away from her. after that never nang nagparamdam yung lolo ko.








Reply With Quote





first time ko makaranas ng ganun, sana huwag na maulit.












