so ayun di na nga nagparamdam si FL. Hindi ko alam kung magagalit talaga ako sakanya, kasi naman, ok na eh. friends na ulit kami. Bakit nagmamadali siya? Haist.. Binigyan ko ba siya ng false hints? hindi ko talaga alam.
sa school, nag-yaya ang isang kaklase namin, house blessing daw, may kainan. O syempre, di ko papalampasin yun, pagkain yun. Dumating ako sa bahay nila medyo late na, kasi late na din natapos yung klase ko. Pag dating ko, halos andun mga kaklase namin except kay TL (oo, hinahanap ko pa rin siya, di ko rin alam kung bakit). Deadma lang ako, syempre galit ako kay TL di ba? Wala din nakabanggit kay TL, kasi alam pa ng mga kaklase ko na maselan pa yung subject na yun.
Pagkatapos naming kumain, wala na. nagkukuwentuhan nalang. Syempre, may nagsuggest na maglaro. as usual, truth and consequence ulit (oo, usong uso pa noon ang larong yan). Since, wala din naman si TL, game ako! Halfway sa laro... tada! dumating si TL. anak ng! kinabahan ako, di ko rin alam kung bakit, iniiwasan kong tingnan siya. kung alam niyo lang kung gaano ko pinalangin na huwag matapat sakin o sakanya yung bote. . . syempre, di ko kukuwento 'to kung hindi nga di ba? so ayun, kinulong nanaman kami sa kwarto (ewan ko nga ba kung bakit yun yung consequence namin)...
"sorry.." yun yung una niyang sinabi. nagpapaliwanag na siya sa akin.. bigyan ko daw ng second chance.. napapluha na ako. hindi ko na napigilan, lumalabas yung mga tinatago kong emosyon. Sinabi ko sakanya lahat, yung galit ko, yung sakit na nararamdam ko. lahat. Umiiyak na ako. Umiiyak din siya.. ilang minuto kaming ganun. Ewan ko nga din kung bakit ang tagal namin doon sa kwarto, akala ko 5 mins lang yung consequence...
Naki-usap si TL. mag simula daw kami sa simula, liligawan niya daw ako. Kasi nga hindi naman kami dumaan sa stage na yun di ba? bigla nalang kaming nadevelop kung baga. Ano? ano ba dapat kong gawin? Oo, gusto ko pa rin siya. Pero hindi ko alam kung mababalik pa kami sa dati. kung baga, nawala na kasi tiwala ko. Ayoko namang mamatay kakaisip kung nasaan siya at sino kasama niya pag hindi ko siya nakikita, diba? Haist... pero, ewan ko ba. mahal ko pa rin talaga kasi siya. kung sabagay, everybody deserves a second chance. maybe.. we need a second a chance. So yun na nga. Pumayag na ko. Pero, i made it clear to him na kailangan niya i-earn ulit tiwala ko. kapag nangyari ulit yun mga ganon, magkalimutan na talaga kami.
And I made the right choice. Naging mas ok kami ni TL. Mas nagka-intindihan kami. He adjusted, I adjusted. Oo, hindi pa rin mawawala ang mga tampuhan, pero we made sure na napag uusapan at nagagawan ng solusyon. unti-unti ring bumalik yung tiwala ko sakanya.
Dumaan ang graduation, napakilala ko na rin siya sa tatay ko as boyfriend ko. wala na rin namang nagawa yung tatay ko. Sa wakas, legal na talaga kami.
Lumuwas na kami ng maynila. mag rereview na para sa board exam. Naka dorm ako, naka apartment si TL, magka-iba ang review center namin. Hindi man kami araw-araw nagkikita tulad nung college. Dumadalaw siya sa dorm paminsan-minsan para mag aral kami. Na hospital ako during the review, andoon siya sa tabi ko. Nagkalagnat ako, andun din siya. Sa haba ng review namin hindi ko alam kung masusurvive ko yun kung wala si TL.
Board Exam..
Hindi nakami nagkita 2 days before the exam.. Para makapag concentrate na rin. Dumating ang nanay at tatay ko galing probinsya para supportahan ako. 2 araw lang naman ang exam. First day.. ok pa sakin, nakahinga na ko, Isa na lang tapos na ang exam. 2nd day.. Nahirapan ako sa huling subject. Bahala na. Pagkatapos na pagkatapos ng exam. Bumalik na ko sa dorm. Kinakabahan ako, mukhang marami akong di nakuhang tamang sagot.
Andun si TL sa dorm. Nag aantay. Tinulangan niya ko mag impake, uuwi na kami ng magulang ko papuntang probinsya. Maiiwan si TL. Nasa maynila lang din kasi mga kapatid niya. Nagyaya siya magsimba kami bago ako umuwi.
November 2006
Nasa bahay ako, apat na araw na since natapos yung exam. Apat na araw na din kaming hindi nagkikita ni TL. First time naming magkalayo. (oo, apat na araw lang naman, hindi kasi ko sanay na iniisip na ang layo ng distansya naming dalawa)..Tumunog yung cellphone ko.. nagtext yung kaibigan namin ni TL. "congratz sa inyong dalawa!" .. huh? bakit? kinabahan ako.. tinwagan ko yung kaibigan ko... Nakapasa daw kami pareho ni TL. Tuwang tuwa talaga ako noon. Naglulundag kami ng nanay ko. Tinawagan ko kaagad si TL. Alam na din daw niya. Haay.. pareho na kami pasado. Natapos na ang pagiging estudyante namin. Magsisimula na kami sa career namin. Hindi namin alam pareho kung saan papunta ang mga buhay namin. Natatakot din ako, kasi madami pwedeng mangyari. dadaan nanaman kami ni TL sa mga bagong pagsubok.. kakayanin kaya namin?
Dumaan ang 2 taon.. 5 years na kami ni TL... pareho na kami may sariling trabaho. Andito na rin ako sa maynila.. Siya nasa pasay ako nasa ortigas. Paminsan minsan dumadalaw siya sa aprtment ko sa pasig. minsan naman, ako yung pumupunta sa kanila. Masasabi kong ok pa rin kami ni TL. Wala na kaming masyadong pinag aawayan. Naubos na yata namin noon ang lahat na pwedeng pag-awayan.. Napapag usapan na rin namin ang mga plano namin.. kung kelan kami magpapakasal, kung ilan ang gusto naming anak. etsetera.. (lahat naman yata ng magka relasyon, napapg usapan yan)..
Pero, pilit binabalik nga talaga ng panahon ang nakaraan...
May 2008
Papasok ako ng opisina, nagmamadali.. malalate nanaman ako. Nasa MRT platform ako.. nag aantay ng tren.. Sa gitna ng maraming tao.. May nakita akong familiar sakin.. palapit siya sakin.. ng makita niya ako, napahinto din siya... si FL! wapak!! ang lakas ng kabog ng dibdib ko. ang gwapo na niya. Kung noon, lagi ko siyang nakikitang naka rugged na porma, ngayon, ibang iba na siya. Naka pang opisina. Malinis. Mukhang mabango. Tinitigan ko siyang mabuti. Siya ba talago to?? Ng ngumiti siya. ayun! siya nga si FL. hindi ako nagkakamali. ***** sa sobrang panic ko.. wala na akong ibang nagawa kung 'di kumaway at magsmile. Pumasok na ko sa dumating na tren. . hindi pa rin ako mahimasmasan. iniisip ko pa rin si FL. Bakit ko siya nakita dito? bakit ngayon?? ...








Reply With Quote

).. nakwento niya na baka bumalik na siya sa probinsya, nag resign na daw siya sa trabaho niya, mag masteral daw siya doon. aba, seryoso na sa buhay si FL, na isip isip ko. Kinumusta ko sila ng gf niya. hindi siya umimik. In-open niya sakin na nagkakalabuan daw sila, kasi gustong makipag break sakanya nung gf niya and aalis na daw ng pinas yung babae. Nakita ko naman sa mata niya yung sincerity at lungkot niya. Pero pilit siyang ngumingiti. Nung pansin kong masyado ng seryoso yung usapan.. pinutol ko na yung conversation. nag change subject ako. Napansin niya yata. "tara, nagdinner ka na ba?" tanong ni FL. "bakit manlilibre ka?" biro ko sakanya. Kumain muna kami sa isang restaurant (sosyal, hindi na siya nagyaya sa fast food). Ang laki na talaga ng pinag bago niya. Pero andoon pa rin yung pagiging makulit at joker niya. Ang saya ng dinner namin.














