i can't wait what happen next....![]()

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read more
i can't wait what happen next....![]()
Nasa bahay na ko, nasa kwarto, hindi ako makatulog.."bakit nga ba ayoko marinig sasabihin niya?" napatanong ako sa sarili ... biglang nag ring yung telepono. "uy, A****, may kakausap daw sayo, nung una di ko nakilala, kaklase ko pala, di pa sila tapos mag inuman. "hello?" boses ni TL.. "sino to?" kunwari di ko nakilala. "bakit umalis ka kaagad kanina?" sabi ni TL. "eh, baka hinahanap na ko ng nanay ko, tsaka medyo late na din." casual kong sinagot. "kumsta ka na?" sunod na tanong ni TL. "ok lang naman, inaantok na. "bakit ka umiiwas sakin kanina?" sabi ni TL. "eh, ikaw kaya unang umiiwas sakin." mabilis kong nasagot. Hindi siya kumibo.
Nararamdaman ko na ang pwedeng sabihin niya, ayokong ako yung magtanong, ayokong ako unang magsabi. Ilang minuto pa ang nakalipas, ganun yung takbo ng usapan namin, pareho kaming umiiwas sa gusto naming marinig. alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya, ayaw ko lang aminin.
Ewan ko ba di ko na maalala kung ano exacto nangyari, next thing I know, umamin siya, napa amin ako. Di ko rin alam kung kami na o lahat ay usapan lang. Ang sigurado lang ako, after ng usapan sa telepono na yun, mas naging close na kami ni TL. Mas naging sweet siya sakin, lagi na siya nasa bahay. Sumama siya sakin para mag summer school, magkaklase kami, nahahalata na ng ibang kaibigan namin, pero pinipilit naming itanggi at itago sakanila. Maraming magagalit, isa doon yung 2nd bf ko na kaibigan namin. Isa din doon yung isang close friend ko na ex ni TL. Maraming complication.
dalawang buwan ang nakalipas. Pasukan nanaman, 4th year nakami. Kaklase pa rin namin si 2nd bf, hindi pa namin inaamin sakanya, sa mga kaklase namin. Pero, nagtatanong na sila. Ngumingiti lang kami. Sabi namin, close lang talaga kami, pilit kaming umiiwas sa mga tanong na yun.
Isang araw, kinausap ako ni TL. Nag usap na daw sila ni 2nd bf, sinabi na niya na kami na. Naging maayos naman daw yung usapan nila. ok lang daw kay 2nd bf, kasi kilala naman daw niya si TL. hindi naman daw ako sasaktan. Na touch naman ako. Gumaan yung pakiramdam ko, hindi na namin kailangan magtago. Masayang masaya ako nung mga sumunod na araw.
Noon ko lang naramdaman kung paano alagaan ng isang taong importante sayo, noon ko lang naramdaman kung pano talaga magmahal. Napaka sweet and romantic niya. May instance pa ngang dumating ako ng bahay galing school, pagpasok ko ng kwarto ko, may mga bulaklak. Dumaan daw si TL sa bahay dala dala yun, pinasok niya sa kwarto. ang nakakahiya pa nga, inayos nya pa yung kwarto ko, eh kasi naman, malay ko bang papasok siya doon.
May mga araw din na bigla niya nalang akong bibigyan ng isang rose sa klase, hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako pag ginagawa niya yun. Ganoon pala pag may nagmamamahal sayo.
Alam naman nating lahat na hindi naman laging masaya sa isang relasyon. May mga tampohan at di pagkakaintindihan din kami ni TL. Lalo na kasi magka-ibang magkaiba ang ugali naming dalawa. Kung siya tahimik, ako maingay. kung siya lagi nasa bahay, ako laging nasa labas. Ganun kami ka opposite. Pero lagi naman naming pinag uusapan. nag aadjust ako, nag aadjust din siya. meet half-way kung baga.
Pero may mga panahon at araw din kami na hindi talaga magka sundo. .
September 2003..
May klase si TL, gabi, 7pm, Minor subject siya kaya hindi kami magkaklase. Isusurprise ko siya, inantay ko matapos klase niya. monthsary namin, may ibibigay akong regalo.. Tagal matapos, tagal nila lumabas sa building. Umaambon na, sumilong sa kabilang building. .. Ilang minuto lang, lumabas na yung mga kaklase niya, nakita ko na siya. Palapit na sana ako, ng bigla kong nakita may kumabit sa braso ni TL, isang babae, mahaba buhok, di ko na nakita mukha. Napahinto ako, di ko alam kung lalapit pa ako o hindi na. tinitingnan ko lang sila. Inalis ni TL yung pagkaka-kapit nung babae. Buti naman, naisip mo. napabulong ako sa sarili ko. Nabigla ako ng nilagay niya kamay niya sa ulo ng babae. Umuulan kasi, sinakloban niya yung ulo. Ang sakit talaga! Umalis na ako. Di ko na alam ang gagawin ko. Tinapon ko yung regalo. Noon ko lang din naramdaman yun, iba pala kapag nakita mo, naalala ko si FL, pareho pareho lang sila. Ang sakit sakit. Bakit kaya lagi ako? May pagkukulang ba ko?
Kinaumagahan sa klase, hindi ako umiimik, iniiwasan ko si TL. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Pilit niya kong kinukulit. Ngumingiti lang ako. Hanggang sa tumigil na rin siya sa pangungulit, nahalata na din niya. Sabay pa rin kaming umuwi, Naglalakad kami papuntang sakayan... "bakit di ka umiimik? may problem?" tanong ni TL.. "wala".. yun lang ang nasagot ko. Ayoko pa pag usapan. Hinatak niya ko, pumunta kami sa isang kainan. "mag-usap tayo" sabi niya. Umupo ako, ang sakit na ng dibdib ko, parang sasabog na.. "sino yung babae?, bakit ganon kayo ka-close?....." nakwento ko sakanya nangyari nung gabi, nung hinintay ko siya, nung nakita ko lahat... tumawa lang siya. Kinuha niya yung phone niya. Pinapapunta niya doon yung kausap niya sa phone.. Pag baba niya ng phone. Nakangiti lang siya sakin. Inis na inis ako. Hindi naman joke yung sinabi ko eh, bakit siya tumatawa, halos maiyak na ko. Aalis na sana ko. hinatak niya uli kamay ko. "sandali lang, may papakilala ako sayo, antayin lang natin siya." sabi ni TL. Naguluhan na talaga ko. Bat ngayon niya pa papakilila? nasa gitna kami ng confrontation.
May dumating na babae, pinakilala niya, Pinsan niya, galing ibang probinsya, sakanila nakatira. Transferee. Gumaan yung pakiramdam ko. Pero nahiya ako. Siguro pulang pula ako noon. Malay ko ba. Kahit sino namang gf pag nasa sitwasyon na yun, iisa lang ang iisipin diba? So, yun, ok nanaman kami, tinatawanan na namin yung problema. Malaking bagay din pala sa relasyon ang tiwala. Kailangan yun para lalo tumibay ang isang relasyon.
Pero talaga sigurong sinusubok kami ni TL...
Nakwento na dati ni TL yung ex nya, yung niloko siya, yung nasa ibang school, di naman daw niya minahal yun (yun yung sabi nya noon). Nakwento niya ulit na tumatawag daw ulit sakanila. Kaibigan nalang daw sila. Sinasabihan na din daw niya na may bago na siyang gf. . . Tiwala . . Dapat meron nga diba? so, ayun, nagpaka ***** ako, sabi ko hayaan mo na. Basta alam din niya kung saan siya lulugar, magkaibigan lang naman siguro.
Ayun na, sinubok yung tiwala ko. Nagpapa-alam si TL, gusto daw magpa tutor nung ex niya sa kanya. Sa bahay lang daw nila. nung una di ako pumayag, ayoko. Sabi naman daw ni TL, last na yun kapag pinagbigyan niya, di na daw siya kukulitin. ok fine, naisip ko nalang andoon naman nanay niya. Basta wag lang gabihin sa bahay nila yung ex niya. Susugurin ko talaga siya.
Isang gabi.. Tumawag si TL. Mukhang seryoso.. di umiimik.. "you don't deserve me" sabi bigla ni TL. Kinuwento niya hinalikan daw siya nung ex niya, habang tinuturuan niya. Naku!!! narinig ko na to! bakit ulit nanaman?! Umiiyak na ko, nag eexplain siya sa kabilang linya, di ko na siya maintindihan, humagulhul na ko. Isa lang ang nasasabi ko.. "bakit? may pagkukulang ba ko..?"
Binaba ko na yung phone, di na kasi ako makapagsalita. Nagkulong na ko sa kwarto. Simula noon, di na kami nag uusap. Umaalis ako kaagad pagkatapos ng klase. Ayoko siyang makita. Sobrang sakit kasi. Binigay mo yung tiwala mo, wala pala. Ang hirap. Gulong gulo ako noon. HIndi na rin siya tumatawag. Parang hindi na kami magkakilala. Sa klase, Umuupo ako kung saan pinakamalayo sa kanya. Nagtatanong na mga kaklase namin, hindi ko sila pinapansin. Di na rin nila ko kinukulit.
Ilang linggo na ang nakalipas, umiiyak pa rin ako bago matulog, pagkagising, habang kumakain. Ang sakit eh. Hindi ko alam noon kung ano gagawin ko..
Isang gabi.. Nasa kwarto ako, nagmumuk-muk pa rin, Tumunog yung cellphone ko. "uy, kumusta ka na? pwede tayo magusap?"... number lang, wala siya sa phonebook ko. Ewan ko ba, parang kilala ko kaagad kung sino.. Pero, di ako sigurado. Kinabahan ako, sumakit yung tiyan ko (uulitin ko, hindi naman ako natatae nun).. nag reply ako kung sino siya.. Nagulat ako ng sinabi niyang si FL siya. Hala!! paano niya nalaman number ko? "Pwede ba kong tumawag?" .. ewan ko ba, na excite ako. since hindi naman nagbago yung phone number namin, tumawag siya. First time namin ulit mag usap after 3 years, nag kumustahan, nagkwentuhan, parang dati lang. parang walang nangyari.
Nalaman kong kakabreak lang niya with his gf, kailangan niya lang daw ng makaka usap. Ako daw yung naisip niya. hindi nga din niya daw alam kung bakit ako. Nasabi ko rin sa kanya na kaka break ko lang sa bf ko. pero di ko sinabi kung bakit. Ayun, simula nanaman ng pagkakaibigan namin, lagi na siyang tumatawag. Parang dati nga lang ulit. Pero hindi na namin napag usapan yung naging problema namin, ewan ko ba. Napatawad ko na naman kasi siya, tska matagal na rin naman yun.
Birthday ng nanay ni FL, ininvite niya ko pumunta sa bahay nila. Pinag isipan ko, since may 5 hours vacant naman ako noon. pumayag ako. Parang dati lang... ang bait pa rin ng nanay niya sakin, parang walang pinagbago bahay nila.. pagkatapos kumain, nasa likod kami ng bahay nila. kwentuhan kami. maya maya, pumasok siya, pagbalik niya.. may bitbit na siyang guitara. Hinarana niya ko, kung dati sa telepono lang.. ngayon, personal na. Kinilig talaga ako. Naging masaya nanaman ako. Pero in the back of my mind, iniisip ko pa rin si TL. Ano kaya ginagawa niya ngayon? tanong ko sa sarili ko. Ewan ko ba, habang kumakanta si FL, ang naiisip ko si TL. Haist... Natapos ni FL yung kanta, kwentuhan ulit kami, napagkwentuhan namin nung kami pa, yung kulitan namin, yung mga magagandang nangyari samin (iniiwasan pa rin namin yung pangit na nangyari).. Napag usapan namin yung mga letter na binigay ko sakanya. Sabi ni FL, nakatago pa daw yung mga yun. Pero hindi niya daw papakita sakin. Kinulit ko siya, gusto kong makita ulit. Pumunta ako ng kwarto niya, hinanap ko, sa drawer, wala; sa ilalalim ng kama wala.. asan kaya (gusto ko kasi talagang makita kung tinago niya talaga).. nasa may pinto lang siya, nakatawa "hindi mo talaga mahahanap yun dyan, sabay tumingin sa kisame ng kwarto. "ano? nandyan sa taas??!!" nagulat ako bakit nasa taas?! .. kumuha siya ng upuan, inabot yung kisame, tinulak, maya maya may binaba siyang isang box.
Andun nga lahat ng letters ko sakanya, pati mga gift ko, Panyo ko na pinahiram sa kanya nung minsang pawisan siya., lahat nandun. Magkaharap kami nung inuungkat ko yung mga gamit, napa tingin ako sakanya. Gusto ko siyang halikan (di ba nga hindi namin nagawa yun nung kami), gusto ko siyang yakapin. Pero pinigilan ko yung sarili ko. Nakatingin lang siya sakin, napatitig ako sakanya. lakas ng kabog ng dibdib ko. kinakabahan ako.. Nag smile nalang din ako, tska biglang inayos na yung mga gamit. "bakit, mo naman tinago pa tong mga itp, dapat tinapon mo na." biro ko sakanya habang nililigpit na at isa isang binabalik sa kahon. "eh, sakin yan, binigay mo yan." sagot ni FL. Tinakpan ko na yung box, binigay ko na sakanya, "O, itago mo na, baka bawiin ko pa yan." sunod na biro ko sakanya. "tara, na nga, may klase pa ko" sabay sabi ko habang palabas na ng kwarto niya. Sa totoo lang gusto ko pa mag stay, gusto ko pa siyang makasama.
Oo, alam ko, kakabreak lang din namin ni TL, wala pa ngang formal breakup kasi hindi na kami nakapag usap. hindi naman bawal makipag kaibigan ulit kay FL di ba? Masaya nanaman ulit ako, ok na ako doon, magkaibigan ulit kami. At hindi na rin ako nag eexpect na magkakabalikan kami ni FL..
Niyaya ako minsan ni FL, manonood daw ng sine. Since, wala naman ako ginagawa noon, pumayag ako.. Papasok na kami ng sinehan.. Since nga maliit lang ang probinsya namin, ayun! may naka kita saming kaibigan namin ni TL. Ewan ko ba, kinabahan ako. Parang feeling ko i'm cheating on TL. eh, hindi naman kami diba? Pagkatapos naming manood ng sine, uneasy pa rin ako. Bahala na.
Kumain kami sa isang carenderia, hindi pa rin siya nagbabago, makulit pa rin. mahilig pa rin mag joke. Kontento na ako na ganito na ulit kami. Ok na ako. Pero, si FL, hindi pala...
Isang araw nag text si FL.. Out of nowhere, sinabi niyag gusto niyang makipag balikan. Nagalit ako. Bakit?? Akala ko, ok na muna kaming magkaibigan. Binabalik lang namin yung dating samahan namin diba? ok na ko dun eh. Bakit kailangan niya i-complika. Masaya na ko kung ano meron kami. Nagalit talaga ako. inexplain ko sakanya yung situation namin: Siya, kaka-break lang nila ng gf niya, same din with me. Ang pangit kung papasok kami sa ngayon sa isang relasyon. Na alam naming meron pa kaming nararamdaman doon sa mga taong yun. Ayaw ni FL i-accept yung reason ko kung bakit ayoko. Hindi na siya nag reply. Hindi na rin siya ulit nagparamdam...
my gosh don't keep us hanging...can't wait for the continuation...ty![]()
Sis nbitin ** s kwnto.pls 2loi mu.knkilg xe q.
Sis nbitin ako sa kwnto.pls 2loi mu.knkilg xe q.
Sis nbitin ** s kwnto.pls 2loi mu.knkilg xe q.
..wow ang ganda ng pag kakagawa mopo nagus2han kopo talaga hmm...amazing brain pwede share mpo ako ng brain mpo gegegege
..ay bitin ako pwede po 2loy mo napo para napo kc akong baliw sa katatawa ehhh..super maganda po sia sarap basahin hmhmhm...
..post monapo *** karugtong d napo ako mapakali ehhhh......
awtchhhhhhh....![]()