Me and my friend have tried rebonding kaya lang hindi po perfect yung kalalabasan, may wave pa rin.

Gamit naming gamot is Loreal Xtenso.

Question po para dun sa mga marunong mag rebond. Ano po ba yung tamang process?

Ganito ang ginagawa namin (step by step):
  • wash hair using clarifying shampoo (no conditioner)
  • towel dry hair hanggang medyo basa lang ng konti
  • section hair
  • apply Loreal Xtenso straightening cream by sections
  • babad using steamer hanggang maluto yung buhok (rubberize) - usually mga 30-40 minutes (tama ba ito?)
  • rinse hair
  • blow dry and straighten hair using ceramic hair iron
  • section hair
  • apply Loreal Xtenso neutralizer by sections
  • babad for 30 minutes (tama ba ito? may nagsabi kasi sa amin dapat 5 minutes lang)
  • rinse hair
  • apply Loreal Powerdose
  • blow dry and straighten hair using ceramic hair iron
  • set hair for 3 days (walang ligo)


May mali po ba sa proseso namin? Help naman po dyan ...