Hindi ba magkakontra ang sabi mo na "si Jesucristo - ang Dios ng katotohanan" at ang Trinity na sabi mo na "hindi si Jesus ang tunay na Dios"? Sang-ayon ka ba sa aral ng Trinidad o hindi?
Ang sabi mo "sa kanila" (Catholics and Protestants). Bakit hindi ka ba kabilang sa mga Katoliko o Protestanteng nagtataguyod ng doktrinang Trinidad. Anong relihiyon (o paraan upang manumbalik ang tao sa Dios) mong tinataguyod? Relihiyong si Cristo ang tunay na Dios pero hindi Trinidad?Nagtanong ka ng, "Is the teaching of the Catholic Church and the Protestants that Christ is the true God, correct or wrong?"
Ang sabi ko sa iyo, sa kanila ay hindi si Jesus ang tunay na Dios, kundi Siya ay isa lamang sa tatlong persona ng Dios.
Ang Trinidad ay nagtuturo na si Cristo ay tunay na Dios. Ang Ama rin ay tunay na Dios. Ang Espiritu Santo rin ay tunay na Dios. Bagamat ang tatlong Dios ito ayaw nilang bilangin tatlo kundi isa lamang! Malaking kasinungalingan o maling aral. Panloloko!Ang sabi ko sa iyo, sa kanila ay hindi si Jesus ang tunay na Dios, kundi Siya ay isa lamang sa tatlong persona ng Dios.
Bakit hindi tama o mali ang pinag-uusapan sa espirituwal? Ang katotohanan ay tama, alangan naman na ang katotohanan ay hindi totoo o hindi tama o mali. Ang kasinungalingan ay mali o hindi tama o hindi katotohanan. Halimbawa: 1+1+1 =3. Ito ay tama o katotohanan. 1+1+1=1. Ito ay mali o kasinungalingan.Sabi ko din, hindi tama at mali ang pinag-uusapan sa espirituwal, kundi katotohanan at kasinungalingan. Halimbawa: Maaaring sa inyo ay tama na ang mga tao ay sumapi sa inyo para maligtas. Ang tanong: Katotohanan baga naman ito, o may sinabi ba si Jesus gaya sa sinasabi ninyo?









Reply With Quote









