PHOTOS: Alaska Sweeps Ginebra

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.

read more

Philippine Road-trip Destinations

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!

read more

PHOTOS: NU Outlasts AdU

The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

PROMO: Epic

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic!

read more

REVIEW: Hunter X Hunter

Does Hunter x Hunter: Phantom Rouge do the manga justice? Find out in this review!

read more

Page 48 of 68 FirstFirst ... 38 47 48 49 58 ... LastLast
Results 941 to 960 of 1358
  1. #941
    Quote Originally Posted by aida View Post
    Paano kong kinontra ang sinabi ko? Sabi ko, iisa lamang ang paraan para ang tao ay makalaya sa mga maling katuruan at doktrina at ito ay ang makilalala ng tao ang KATOTOHANAN (o ang Dios ng katotohanan ) na si Cristo.
    Hindi ba magkakontra ang sabi mo na "si Jesucristo - ang Dios ng katotohanan" at ang Trinity na sabi mo na "hindi si Jesus ang tunay na Dios"? Sang-ayon ka ba sa aral ng Trinidad o hindi?

    Nagtanong ka ng, "Is the teaching of the Catholic Church and the Protestants that Christ is the true God, correct or wrong?"

    Ang sabi ko sa iyo, sa kanila ay hindi si Jesus ang tunay na Dios, kundi Siya ay isa lamang sa tatlong persona ng Dios.
    Ang sabi mo "sa kanila" (Catholics and Protestants). Bakit hindi ka ba kabilang sa mga Katoliko o Protestanteng nagtataguyod ng doktrinang Trinidad. Anong relihiyon (o paraan upang manumbalik ang tao sa Dios) mong tinataguyod? Relihiyong si Cristo ang tunay na Dios pero hindi Trinidad?

    Ang sabi ko sa iyo, sa kanila ay hindi si Jesus ang tunay na Dios, kundi Siya ay isa lamang sa tatlong persona ng Dios.
    Ang Trinidad ay nagtuturo na si Cristo ay tunay na Dios. Ang Ama rin ay tunay na Dios. Ang Espiritu Santo rin ay tunay na Dios. Bagamat ang tatlong Dios ito ayaw nilang bilangin tatlo kundi isa lamang! Malaking kasinungalingan o maling aral. Panloloko!

    Sabi ko din, hindi tama at mali ang pinag-uusapan sa espirituwal, kundi katotohanan at kasinungalingan. Halimbawa: Maaaring sa inyo ay tama na ang mga tao ay sumapi sa inyo para maligtas. Ang tanong: Katotohanan baga naman ito, o may sinabi ba si Jesus gaya sa sinasabi ninyo?
    Bakit hindi tama o mali ang pinag-uusapan sa espirituwal? Ang katotohanan ay tama, alangan naman na ang katotohanan ay hindi totoo o hindi tama o mali. Ang kasinungalingan ay mali o hindi tama o hindi katotohanan. Halimbawa: 1+1+1 =3. Ito ay tama o katotohanan. 1+1+1=1. Ito ay mali o kasinungalingan.

  2. #942
    Quote Originally Posted by rsyel View Post
    Hindi ba magkakontra ang sabi mo na "si Jesucristo - ang Dios ng katotohanan" at ang Trinity na sabi mo na "hindi si Jesus ang tunay na Dios"? Sang-ayon ka ba sa aral ng Trinidad o hindi?
    Revelation 18:4 "And I heard another voice from heaven, saying, Come out of her, my people, that ye be not partakers of her sins, and that ye receive not of her plagues."

    Ang utos ay "lumabas" tayo, o o huwag nating tangkilikin ang mga katuruan ng Iglesia Katolika. Kayo, dahil LITERAL ninyong inunawa ang utos, lumabas nga lamang kayo o umalis sa kanila.

    Ang isang aral ng Iglesia Katolika ay ang pagba-bautismo "sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo." Ang paraan ng mga Katolikong ito dahil minana ninyo (at ng marami), ibig sabihin nito ay hindi pa rin kayo lumalabas sa kanila (o sa katuruan nila).

    Kaiba sa inyong lahat, ang lahat ng mga alagad ni Cristo ay "sa pangalan ni Jesucristo" nagbautismo. Ito ay tandang nakikilala nilang lahat na si Jesucristo ang tunay na Dios, at si Jesus mismo, na siyang Espiritu Santo (Acts 2:4, Acts 20:28), ang nagpahayag ninyo sa kanila (1 John 5:20).

    Kayong lahat na nasa mga sekta at relihiyon, alam ba ninyong ang mga Katoliko ay mga biktima ng maling katuruan kaya dapat ay inaagaw ninyo sila sa apoy sa halip na walang patumangga at walang lubay ninyo silang silang nilalait? Pero paano nyo nga ba gagawin ito gayung kayo rin naman ay mga biktima rin at mga espirituwal na bulag (o hindi nakikilala ang Dios)?

    Ang sabi mo "sa kanila" (Catholics and Protestants). Bakit hindi ka ba kabilang sa mga Katoliko o Protestanteng nagtataguyod ng doktrinang Trinidad.
    Hindi. Dahil sila ay IBANG JESUS ang nakikilala. Sa kanila ay tatlong persona ng iisang Dios ang Ama, Anak at Espiritu Santo. At sa inyo naman ay tatlo sila na iba sa isa't-isa. Pareho lang kayo ng paniniwala.

    Anong relihiyon (o paraan upang manumbalik ang tao sa Dios) mong tinataguyod?
    Hindi relihiyon ang makapagliligtas sa tao kundi relasyon sa Dios. Kung hindi nga nakikilala ng tao ang Dios, paano mangyayari ito?

    Iisa lamang ang paraan para ang tao ay makapanumbalik sa Panginoon at ito ay ang siya ay "lumabas at humiwalay sa lahat ng mga relihiyon at sekta" (Rev. 18:4, 2 Cor. 6:17) at maging tulad sa isang "maliit na bata" (Mateo 18:3) na sa Panginoon lamang iniaasa ang lahat ng mga bagay na nauukol sa espirituwal, at ang kaligtasan.

    Relihiyong si Cristo ang tunay na Dios pero hindi Trinidad?
    Tatlong kapahayagan ng Dios ang sinasabi ng Biblia, at hindi tatlong persona.

    Ang Trinidad ay nagtuturo na si Cristo ay tunay na Dios. Ang Ama rin ay tunay na Dios. Ang Espiritu Santo rin ay tunay na Dios. Bagamat ang tatlong Dios ito ayaw nilang bilangin tatlo kundi isa lamang! Malaking kasinungalingan o maling aral. Panloloko!
    Tama ka diyan. Lamang, dahil ang pagba-bautismo ninyo ay gaya din sa paraan nila, tanda rin ito na hindi ninyo naranasan ang sa 1 John 5:20.

    Bakit hindi tama o mali ang pinag-uusapan sa espirituwal? Ang katotohanan ay tama, alangan naman na ang katotohanan ay hindi totoo o hindi tama o mali. Ang kasinungalingan ay mali o hindi tama o hindi katotohanan. Halimbawa: 1+1+1 =3. Ito ay tama o katotohanan. 1+1+1=1. Ito ay mali o kasinungalingan.
    Pakinggan mo kung gusto mo, at kung ayaw mo ay huwag pero nananatiling ang pinag-uusapan sa espirituwal ay "katotohanan at kasinungalingan" lamang (at hindi tama o mali).

  3. #943
    Quote Originally Posted by aida View Post
    Revelation 18:4 "And I heard another voice from heaven, saying, Come out of her, my people, that ye be not partakers of her sins, and that ye receive not of her plagues."

    Ang utos ay "lumabas" tayo, o o huwag nating tangkilikin ang mga katuruan ng Iglesia Katolika. Kayo, dahil LITERAL ninyong inunawa ang utos, lumabas nga lamang kayo o umalis sa kanila.
    Tama hindi mali na "lumabas" dapat ang tao mula sa Iglesia Katolika kaya ang mga kaanib sa iglesia ni Cristo ay lumabas diyan sa iglesiang iyan hindi lang LITERAL na lumabas diyan kundi espiritual. Hindi na aral ng Iglesia Katolika ang sinusunod ng mga iglesia ni Cristo kundi aral na ni Cristo ang sinusunod. Ang Ama na iisang Dios na tunay ang aral ni Cristo ang siyang sinusunod. si Cristo ay tao na anak ng Dios at hindi espritu sa kalagayan si Cristo kundi may laman at buto. Ito ang aral ni Cristo. Kaya ang mga taong ang aral ay tunay na Dios si Cristo ay hindi pa lumalabas sa kasinungalingan katulad ng iyong paniniwala. Nasa kaguluhan at kasinungalingan ka pa rin. Nasa Babylonia pa rin kaya patuloy na sinasalot ang mundo. Ang mga maling relihiyon ay patuloy na tinutuyo at sinasalot taliwas sa nangyayari sa iglesia ni Cristo, na pumaparada ng mga tagumpay. Ito ay sa paghahanda ng ikalawang pagparito ni Cristo.

    Ang isang aral ng Iglesia Katolika ay ang pagba-bautismo "sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo." Ang paraan ng mga Katolikong ito dahil minana ninyo (at ng marami), ibig sabihin nito ay hindi pa rin kayo lumalabas sa kanila (o sa katuruan nila).

    Kaiba sa inyong lahat, ang lahat ng mga alagad ni Cristo ay "sa pangalan ni Jesucristo" nagbautismo. Ito ay tandang nakikilala nilang lahat na si Jesucristo ang tunay na Dios, at si Jesus mismo, na siyang Espiritu Santo (Acts 2:4, Acts 20:28), ang nagpahayag ninyo sa kanila (1 John 5:20).
    Aral at utos po ng Biblia ang sinusunod ng iglesia ni Cristo na ang mga umaanib sa iglesia ay bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Iyan ay nakasulat sa (Mat. 28:19)

    "Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo."

    Kung hindi mo ito tanggap at sinusunod wala ka pa rin sa tamang aral at katotohanan. Nasa maling doktrina ka pa rin at nasa kasinungalingan.

    Kayong lahat na nasa mga sekta at relihiyon, alam ba ninyong ang mga Katoliko ay mga biktima ng maling katuruan kaya dapat ay inaagaw ninyo sila sa apoy sa halip na walang patumangga at walang lubay ninyo silang silang nilalait? Pero paano nyo nga ba gagawin ito gayung kayo rin naman ay mga biktima rin at mga espirituwal na bulag (o hindi nakikilala ang Dios)?
    Alam naming mga iglesia ni Cristo kaya nga itinakwil na namin ang mga "maling katuruan" kaya nga iniaagaw namin sila sa apoy. Iyan po ang ginagawa ng mga iglesia ni Cristo sa pamamagitan ng pamamahayag ng mga salita ng Dios na pinangungunahan ng sugo sa mga huling araw na si kapatid na Felix Manalo, ang ibong mandaragit sa Malayong Silangan partikular sa Pilipinas na bansang Katoliko na dinadagit ang mga kaluluwa upang maligtas sa paghuhukon na nagbabadya na malapit ng dumating. Hindi natakot ang sugo bagamat naglalakihang mga bundok ang kalaban sapagkat ang gawaing ito ay gawain ng Dios upang maligtas at maliwanagan ang mga tao. May pagpapala ng tunay na Dios!

    Hindi. Dahil sila ay IBANG JESUS ang nakikilala. Sa kanila ay tatlong persona ng iisang Dios ang Ama, Anak at Espiritu Santo. At sa inyo naman ay tatlo sila na iba sa isa't-isa. Pareho lang kayo ng paniniwala.
    Salamat naman at HINDI ka kabilang sa mga Katoliko at Protestante na naniniwalang may tatlong persona ang iisang Dios. ang katotohanan, silang tatlo ay hindi pantay-pantay at taliwas sa aral ng Trinidad. ang Ama ang iisang Dios na tunay na siyang ng nagsugo kay Cristo. Mas mataas po ang ang nagsusugo (ang Dios) sa isinusugo (si Cristo). Hindi sila pareho. Si Cristo ay tao at pangulo ng iglesia at sinusugo ni Cristo ang Espiritu Santo. Hindi sila pare-pareho.
    Ikaw ang paniwala mo tunay na Dios si Cristo. Pareho lang kayo ng mga Katoliko at Protestante ng paniniwala. IBANG JESUS ang nakikilala. Iba sa aral ni Cristo at ng mga apostol.

    Hindi relihiyon ang makapagliligtas sa tao kundi relasyon sa Dios. Kung hindi nga nakikilala ng tao ang Dios, paano mangyayari ito?
    Iisa lamang ang paraan para ang tao ay makapanumbalik sa Panginoon at ito ay ang siya ay "lumabas at humiwalay sa lahat ng mga relihiyon at sekta" (Rev. 18:4, 2 Cor. 6:17) at maging tulad sa isang "maliit na bata" (Mateo 18:3) na sa Panginoon lamang iniaasa ang lahat ng mga bagay na nauukol sa espirituwal, at ang kaligtasan.
    Tama hindi relihiyon ang tagpagligtas sa tao kundi si Cristo. At ang paraan ni Cristo upang maligtas ang tao ay ang tunay na relihiyon o ang tunay na iglesia. Itinayo ni Cristo ang iglesia upang magkaroon ng karapatan at relasyon ang tao kay Cristo. Ang mga pumasok sa kaniyang iglesia ay mga bahagi na kaniyang katawan. Sila ay tinatawag na mga iglesia ni Cristo. May iisang Dios, isang bautismo at hindi sekta-sekta katulad ng mga Protestante. Nakikilala nila ang tunay na Dios at sila ay kinikilala ng Dios.

    Tatlong kapahayagan ng Dios ang sinasabi ng Biblia, at hindi tatlong persona.
    Tama po na hindi tatlong persona ang tunay na Dios, kundi ang Ama lamang ang iisang tunay na Dios. Ito ang ipinahayag na katotohanan ni Cristo.

    Tama ka diyan. Lamang, dahil ang pagba-bautismo ninyo ay gaya din sa paraan nila, tanda rin ito na hindi ninyo naranasan ang sa 1 John 5:20.
    Salamat na sang-ayon ka na mali ang aral ng Trinidad at ito ay panloloko. Hindi po pareho ang bautismo ng Katoliko sa iglesia ni Cristo. Sa Katoliko ay wisik at tinatawag nila itong binyag. Ito ay ginagawa sa mga sanggol na taliwas sa aral ng Biblia na lubog. Hindi po pwedeng bautismuhan ang sanggol sapagkat hindi pa sila puwedeng aralan at manampalataya. Kaya mali ang iyong sinabing "ang pagba-bautismo ninyo ay gaya din sa paraan nila".

    Pakinggan mo kung gusto mo, at kung ayaw mo ay huwag pero nananatiling ang pinag-uusapan sa espirituwal ay "katotohanan at kasinungalingan" lamang (at hindi tama o mali).
    Tama po na malaya tayong mga tao sa gusto nating pakinggan at paniwalaan dahil ang Dios ay pag-ibig. Ayaw ng Manlalalang ng sapilitan lalo na sa usaping esprituwal. Nasa atin ang pagpipili at pagtanggap ng tama at mali, katotohanan at kasinungalingan. Ito ay upang ang hatol ay matuwid. Ang masama ay magpakasama pa. Ang mabuti ay magpakabuti pa.

  4. #944
    Quote Originally Posted by rsyel View Post
    Tama hindi mali na "lumabas" dapat ang tao mula sa Iglesia Katolika kaya ang mga kaanib sa iglesia ni Cristo ay lumabas diyan sa iglesiang iyan hindi lang LITERAL na lumabas diyan kundi espiritual. Hindi na aral ng Iglesia Katolika ang sinusunod ng mga iglesia ni Cristo kundi aral na ni Cristo ang sinusunod. Ang Ama na iisang Dios na tunay ang aral ni Cristo ang siyang sinusunod. si Cristo ay tao na anak ng Dios at hindi espritu sa kalagayan si Cristo kundi may laman at buto.
    2Corinthians 3:17 "Now the Lord (Jesus Christ is the only Lord - 1 Cor. 8:6b) is that Spirit....."

    Acts 2:4 "And they were all filled with the Holy Ghost, and began to speak with other tongues, as the Spirit (Jesus Christ - 2 Cor. 3:17) gave them utterance."

    1John 5:20 "And we know that the Son of God is come (Holy Spirit or Holy Ghost or Counsellor), and hath given us an understanding, that we may know him that is true, and we are in him that is true, [even] in his Son Jesus Christ. This is the true God, and eternal life."

    Ito ang aral ni Cristo. Kaya ang mga taong ang aral ay tunay na Dios si Cristo ay hindi pa lumalabas sa kasinungalingan katulad ng iyong paniniwala. Nasa kaguluhan at kasinungalingan ka pa rin. Nasa Babylonia pa rin kaya patuloy na sinasalot ang mundo.
    Ang mga tao ay LITERAL lamang na lumabas sa Iglesia Katolika. Kaya ang Panginoon ay muling nanawagan sa mga nagsigaya sa kanila na nagsipagtayo ng LITERAL na churches:

    2Corinthians 6:17 "Wherefore come out from among them, and be ye separate, saith the Lord, and touch not the unclean [thing]; and I will receive you,"

    2Corinthians 6:18 "And will be a Father unto you, and ye shall be my sons and daughters, saith the Lord Almighty."

    Ang mga talata na ang nagpapaliwanag sa kaniyang sarili. Ang Panginoong Jesucristo maging dapat ang Dios o espirituwal na asawa ng mga tao. Kaya ang lahat ng mga nabibilang sa mga relihiyon at sekta ay nananatiling espirituwal na mapangalunya!

    Revelation 18:3 "For all nations have drunk of the wine of the wrath of her fornication, and the kings of the earth (RELIGIOUS LEADERS) have committed fornication with her, and the merchants of the earth are waxed rich through the abundance of her delicacies."

    Ang mga nasa Babylonia pa din ay silang LITERAL lamang na umalis sa kanila datapuwa't minana ang pagtatayo ng LITERAL na churches, at may mga kinikilalang mga pinuno at mga lider. Sila ang mga espirituwal na mangangalakal na nagsisiyaman dahil sa kanilang mga paninda na ang kapital ay ang evangelio!

    Ang mga maling relihiyon ay patuloy na tinutuyo at sinasalot taliwas sa nangyayari sa iglesia ni Cristo, na pumaparada ng mga tagumpay.
    Ang pananagumpay ng anomang relihiyon at sekta ay hanggang sa lupa lang.

    Ito ay sa paghahanda ng ikalawang pagparito ni Cristo.
    Matagal nang natapos ang ikalawang pagparito (SECOND COMING) ni Cristo.

    Ephesians 4:10 "He that descended (Siya na bumaba sa kapahayagang Espiritu Santo nang Araw ng Pentecostes - Acts 2:1-4)) is the same also that ascended (ang siya ding umakyat) up far above all heavens, that he might fill all things.) (upang ang Kaniyang pangako sa mga alagad na "I will come to you" ay matupad)."

    Aral at utos po ng Biblia ang sinusunod ng iglesia ni Cristo na ang mga umaanib sa iglesia ay bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Iyan ay nakasulat sa (Mat. 28:19)
    Tama na nakasulat ang sa Mateo 28:19. Ang tanong diyan ay ito: Sinunod ba agad ng mga alagad ang utos, o matapos lamang na ang Espiritu Santo ay suma kanila sa Araw ng Pentecostes? At sila ngang lahat ay "sa pangalan ni Jesucristo" nag-bautismo (Acts 2:38).

    "Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo."
    Sa KJV, ang nakasulat ay "teaching all nations" at hindi "gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa." Dahil si Jesus ang nagtatalaga sa mga tao (Ephesians 4:11).

    Kung hindi mo ito tanggap at sinusunod wala ka pa rin sa tamang aral at katotohanan. Nasa maling doktrina ka pa rin at nasa kasinungalingan.
    Walang tao na my karapatang humusga ng kaniyang kapwa tao sa ESPIRITUWAL kundi sila lamang na may mga "kaisipan ni Cristo" na kinapaparoonan ng Espiritu ni Cristo (Roma 8:9).

    1Corinthians 2:15 "But he that is spiritual judgeth all things, yet he himself is judged of no man. For who hath known the mind of the Lord, that he may instruct him? But we have the mind of Christ."

    Alam naming mga iglesia ni Cristo kaya nga itinakwil na namin ang mga "maling katuruan" kaya nga iniaagaw namin sila sa apoy.
    Paanong inaagaw ninyo ang mga tao sa apoy gayung ang "apoy" ay sumisimbolo sa impierno (o sa impiernong kalagayan o katayuan) at ang mga lider ng pananampalataya ang naglalagay sa mga tao sa apoy o impiernong katayuan/kalagayan?

    Matthew 23:15 "Woe unto you, scribes and Pharisees, hypocrites! for ye compass sea and land to make one proselyte, and when he is made, ye make him twofold more the child of hell than yourselves."

    Nililibot nila ang dagat o tubig o salita o pinag-aaraan nila ang Biblia gamit ang sariling kaisipan nila, at pagkaraan nito ay nililibot nila ang lupa o tao upang mabihag nila sila na umanib sa kanila (proselyte). At pag nandoon na sila at napa-anib na sa kanila, ay ginagawa nila silang mas higit pang impierno ang kanilang espirituwal na buhay.

    Salamat naman at HINDI ka kabilang sa mga Katoliko at Protestante na naniniwalang may tatlong persona ang iisang Dios. ang katotohanan, silang tatlo ay hindi pantay-pantay
    Si Jesucristo ang Dios ko. At Siya mismo ang nagpakilala sa akin (o nagkaloob ng FAITH) - mula sa Kaniyang mga salita at patnubay - Siya bilang siyang Espiritu Santo (1 John 5:20).

    at taliwas sa aral ng Trinidad. ang Ama ang iisang Dios na tunay na siyang ng nagsugo kay Cristo. Mas mataas po ang ang nagsusugo (ang Dios) sa isinusugo (si Cristo). Hindi sila pareho. Si Cristo ay tao at pangulo ng iglesia at sinusugo ni Cristo ang Espiritu Santo. Hindi sila pare-pareho.
    Sa Lumang Tipan pa lang ay ipinahayag na ng Ama na siyang nagsusugo ang siya ring isinusugo.

    Exodus 3:14 "And God said unto Moses, I AM THAT I AM: and he said, Thus shalt thou say unto the children of Israel (CHOSEN ONES), I AM hath sent me unto you."

    Ikaw ang paniwala mo tunay na Dios si Cristo. Pareho lang kayo ng mga Katoliko at Protestante ng paniniwala. IBANG JESUS ang nakikilala. Iba sa aral ni Cristo at ng mga apostol.
    Titus 2:13 " Looking for that blessed hope, and the glorious appearing (SECOND APPEARANCE) of the great (ONE) God and our Saviour Jesus Christ;"

    Tama hindi relihiyon ang tagpagligtas sa tao kundi si Cristo. At ang paraan ni Cristo upang maligtas ang tao ay ang tunay na relihiyon o ang tunay na iglesia.
    Hindi relihiyon pero ang tunay na relihiyon? Iba ang sinabi ni Jesus para maligtas ang tao at ito ay ang Siya ay sampalatayanan ng tao (o ang lahat ng mga nasusulat (Acts 16:31).

    Itinayo ni Cristo ang iglesia upang magkaroon ng karapatan at relasyon ang tao kay Cristo.
    Kailan itinayo ni Cristo ang iglesia (o tao)? Para magkaroon ng relasyon ang tao kay Cristo kailangan ay suma sa tao ang Kaniyang Espiritu.

    Ang mga pumasok sa kaniyang iglesia ay mga bahagi na kaniyang katawan. Sila ay tinatawag na mga iglesia ni Cristo. May iisang Dios, isang bautismo at hindi sekta-sekta katulad ng mga Protestante. Nakikilala nila ang tunay na Dios at sila ay kinikilala ng Dios.
    Ephesians 4:4-5 "For there is one body (BODY OF GOD), and one Spirit (ONE SPIRIT OF GOD)...One Lord (JESUS CHRIST), one faith (FAITH IN JESUS CHRIST), one baptism (IN THE NAME OF HESUS CHRIST),"

    Tama po na hindi tatlong persona ang tunay na Dios, kundi ang Ama lamang ang iisang tunay na Dios. Ito ang ipinahayag na katotohanan ni Cristo.
    Ang Ama ang tunay na Dios, na ang pangalan ay "Jesucristo."

    Isaiah 52:6 "Therefore my people shall know my name: therefore they shall know in that day that I am he that doth speak: behold, it is I."

    Salamat na sang-ayon ka na mali ang aral ng Trinidad at ito ay panloloko. Hindi po pareho ang bautismo ng Katoliko sa iglesia ni Cristo. Sa Katoliko ay wisik at tinatawag nila itong binyag. Ito ay ginagawa sa mga sanggol na taliwas sa aral ng Biblia na lubog. Hindi po pwedeng bautismuhan ang sanggol sapagkat hindi pa sila puwedeng aralan at manampalataya. Kaya mali ang iyong sinabing "ang pagba-bautismo ninyo ay gaya din sa paraan nila".
    Pareho kayo ng bautismo na "sa pangalan ng Ama, at ng Anank, at ng Espiritu Santo." Ito ay tanda ng hindi ninyo pagkakilala sa Dios.

  5. #945
    Napakahalagang maunawaan ng tao kung sino ang tunay na Dios. Ang tamang pagkaunawa ng mga salita ng Dios at ang katotohanan.

    Quote Originally Posted by aida View Post
    2Corinthians 3:17 "Now the Lord (Jesus Christ is the only Lord - 1 Cor. 8:6b) is that Spirit....."

    Acts 2:4 "And they were all filled with the Holy Ghost, and began to speak with other tongues, as the Spirit (Jesus Christ - 2 Cor. 3:17) gave them utterance."

    1John 5:20 "And we know that the Son of God is come (Holy Spirit or Holy Ghost or Counsellor), and hath given us an understanding, that we may know him that is true, and we are in him that is true, [even] in his Son Jesus Christ. This is the true God, and eternal life."
    Sinipi mo ang mga talatang iyan. Ano ang pagkaintindi mo sa mga talatang iyan? Pinatutunayan ba ng tamang salin na si Cristo ang tunay na Dios?*

  6. #946
    Quote Originally Posted by rsyel View Post
    Napakahalagang maunawaan ng tao kung sino ang tunay na Dios.
    Ang "pangulong utos" ay nauukol sa FAITH o sa tunay na pagkakilala sa Dios. Ito (ang FAITH) dahil isa sa mga bunga ng Espiritu (Galatians 5:22) na si Jesucristo (2 Cor. 3:17), ito ay kaloob. Kaya ang sabihin lang kabod ng tao na siya ay may FAITH sa Dios, ito ay hindi tunay na FAITH.

    Sa pakikinig at pakikinig sa mga salita ng Dios (o sa lahat ng mga nasusulat mismo, na walang kahalong pagtuturo ng tao) dumarating ang FAITH, o ipinagkakaloob (Roma 10:17) ni Cristo. Nakikinig ng nakikinig ang tao sa lahat ng mga nasusulat, ito ay simbolong siya ay nananampalataya kay Jesus (Acts 16:31). Nananampalataya kay Jesus (BELIEVE), ang tao ngayon ay isa nang tagasunod ni Cristo, at isa nang alagad Niya. Kung ang tao ay magpapatuloy nang pagsamba o pananalangin o pakikipag-ugnayan kay Jesus nang buong katapatan (ito ang "Pray without ceasing"), sa orasan ni Cristo, Siya na siyang Espiritu Santo ay sasa kaniya, at ipagkakaloob Niya ang Kaniyang Espiritu.

    1John 5:20 "And we know that the Son of God is come, and hath given us an understanding, that we may know him that is true, and we are in him that is true, even in his Son Jesus Christ. This is the true God, and eternal life."

    Ang tamang pagkaunawa ng mga salita ng Dios at ang katotohanan.
    Sumasa tao ang Espiritu ni Cristo, si Cristo na ang lubusang magpapakilala, at magpapaunawa ng Kaniyang mga salita sa kaniya.

    Ito ang DAAN na ito ng kaligtasan na pinagdadaanan ng lahat ng mga alagad ni Cristo - kahapon at ngayon. Kaya nga:

    Romans 8:9 "...Now if any man have not the Spirit of Christ, he is none of his."

    Sinipi mo ang mga talatang iyan. Ano ang pagkaintindi mo sa mga talatang iyan? Pinatutunayan ba ng tamang salin na si Cristo ang tunay na Dios?*
    Ang Dios ay Espiritu (John 4:24), ang Panginoong Jesucristo ang siyang Espiritu (2 Corinthians 3:17), at ang Espiritu (o ang Ama na ang pangalan ay "Jesucristo"), ang siyang Espiritu Santo (Acts 2:4).

    Acts 20:28 "Take heed therefore unto yourselves, and to all the flock, over the which the Holy Ghost hath made you overseers, to feed the church of God, which he hath purchased with his own blood."

  7. #947
    Quote Originally Posted by aida View Post

    1John 5:20 "And we know that the Son of God is come, and hath given us an understanding, that we may know him that is true, and we are in him that is true, even in his Son Jesus Christ. This is the true God, and eternal life."
    aida, sa talatang ito 1 John 5:20 na iyong sinipi, ito ang aking mga katanungan na gusto kung malaman mula sa iyo kung tama ba ang iyong pagkaunawa:

    1. Pareho ba ang "God" sa "Son of God"?
    2. Ang "God" (Dios) ba ay may Son (Anak) o wala?
    3. Sino ang "Son of God"?
    4. Sino ang naparito, ang "God" o ang "Son of God"?
    5. Ano ang dahilan ng pagparito niya?
    6. Sino ang "true God" o ang tunay na Dios, ang God o ang Son of God?
    7. Ano ang makakamtan kung atin itong mauunawa?

  8. #948

    Sa talata ay ipinahahayag ni Juan na si Jesus, na sa kapahayagang Anak ng Dios na umakyat, ay naparito (come). Ang tinutukoy niya ay ang SECOND COMING ni Jesus (sa papel na Banal na Espiritu o Espiritu Santo sa Araw ng Pentecostes). Bumaba o naparito, Siya din ang umakyat, upang Kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay. Ang sinasabi ni Juan ay ang pangako ni Jesus sa kanila na "I will not leave you comfortless, I will come to you" (John 14:18).

    Ephesians 4:10 "He that descended is the same also that ascended up far above all heavens, that he might fill all things.)

    At si Jesus nga, sa kapahayagang Espiritu Santo ay naparito (Acts 2:4). At sila ay binigyan ng pagkaunawa, upang makilala nila Siya na totoo (o Siya ang Ama), samakatuwid baga ay sa Kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ay nagpapahayag lamang na ang Ama at ang Anak ay iisa. Dahil ang naparito nang una (o ang Ama na nagkatawang-tao), ang siya ding umakyat.

    Ephesians 4:9 "Now that he ascended, what is it but that he also descended first into the lower parts of the earth?"

    Kaya nga, ang Dios ay Espiritu (John 4:24), at NGAYON (simula sa Araw ng Pentecostes magpahanggang ngayon) ang Panginoong Jesucristo ang siyang Espiritu o Ama (2 Cor. 3:17).

    2. Ang "God" (Dios) ba ay may Son (Anak) o wala?
    Sa Genesis 1:26 pa lang (sa paggamit ng Biblia ng "us at our") ay ipinahayag na ng Biblia na ang Dios, sa Kaniyang orasan, ay magpapahayag sa tatlong kapahayagan - Ama, Anak, at Espiritu Santo. Hindi natin maaaring baliin ito dahil iisang Dios lamang ang lumalang sa atin (Genesis 1:27).

    3. Sino ang "Son of God"?
    Ang "Son of God" ay si Jesucristo - ang Dios o Ama na nagkatawang-tao (1 Timothy 3:16, KJV only).

    4. Sino ang naparito, ang "God" o ang "Son of God"?
    Gaya ng sinasabi sa Efeso 4:9, Siya na umakyat ang nang UNA ay Siya ding bumaba o naparito.

    5. Ano ang dahilan ng pagparito niya?
    UNA: upang maisakatuparan ng Ama ang Kaniyang TIPAN.

    Genesis 17:7 "And I will establish my covenant (or TESTAMENT) between me and thee and thy seed after thee in their generations for an everlasting covenant, to be a God unto thee, and to thy seed after thee."

    Na nangangailangan ng kamatayan ng gumawa niyaon:

    Hebrews 9:16 "For where a testament is, there must also of necessity be the death of the testator."

    At si Jesucristo nga ang nakilalang Dios (na si Jesus mismo o ang Ama, sa papel na Espiritu Santo ang nagpakilala sa kanila - 1 John 5:20) at kinilalang Dios ng lahat ng mga alagad ni Cristo (TO BE A GOD UNTO THEE):

    Titus 2:13 "Looking for that blessed hope, and the glorious appearing (SECOND APPEARANCE) of the great God and our Saviour Jesus Christ;"

    Ang mga binhi ni Abraham, na mga "kay Cristo" (o si Jesucristo ang nakilala at kinikilalang Dios) ang mga tunay na mananampalataya (Galatians 3:7). Sila ang mga binhi ni Abraham o sali't-saling lahi ng mga tunay na Kristiano (thy seed after thee in their generations - Genesis 17:7) kung saan ay sa kanila lamang ang pangakong kaligtasan):

    Galatians 3:29 "And if ye be Christ's, then are ye Abraham's seed, and heirs according to the promise."

    PANGALAWA:; upang gampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios, bilang panganay na modelong Kristiano, na itinuturo ang DAAN ng kaligtasan sa pagbibigay ng HALIMBAWA - sa salita at sa gawa.

    1Peter 2:21 "For even hereunto were ye called: because Christ (SAVIOUR) also suffered for us, leaving us an example, that ye should follow his steps:"

    6. Sino ang "true God" o ang tunay na Dios, ang God o ang Son of God?
    Ang tunay na "pangalan ng Dios" simula pa sa simula ay "Jesucristo."

    Isaiah 63:16 "Doubtless thou art our father...thou, O LORD (JESUS IS THE ONLY LORD - 1 Cor. 8:6b), art our father, our redeemer (Messiah); thy name is from everlasting."

    7. Ano ang makakamtan kung atin itong mauunawa?
    John 5:39 "Search the scriptures; for in them ye think ye have eternal life: and they are they which testify of me."

    Ang lahat ng nilalaman ng Biblia ay tungkol lamang kay Jesus, at sa kaligtasan.

    Sa tanong mo kung ano ang kakamtin natin kung mauunawaan natin o makikikilala si Jesucristo nang lubusan? Ang Biblia na ang sumasagot sa iyo na ang kakamtin mo ay kaligtasan o buhay na walang hanggan.

    .

  9. #949
    aida narito ang mga sagot mo sa mga katanungan:

    1. Pareho ba ang "God" sa "Son of God"?
    Sagot: oo

    2. Ang "God" (Dios) ba ay may Son (Anak) o wala?
    Sagot: oo, ang Dios ay may Anak

    3. Sino ang "Son of God"?
    Sagot: Ang "Son of God" ay si Jesucristo - ang Dios o Ama na nagkatawang-tao

    4. Sino ang naparito, ang "God" o ang "Son of God"?
    Sagot: Pareho naparito ang "God" at ang "Son of God"

    5. Ano ang dahilan ng pagparito niya?
    Sagot: UNA: upang maisakatuparan ng Ama ang Kaniyang TIPAN.
    PANGALAWA:; upang gampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios, bilang panganay na modelong Kristiano, na itinuturo ang DAAN ng kaligtasan sa pagbibigay ng HALIMBAWA - sa salita at sa gawa.

    6. Sino ang "true God" o ang tunay na Dios, ang God o ang Son of God?
    Sagot: Ang tunay na "pangalan ng Dios" simula pa sa simula ay "Jesucristo." kaya ang sagot mo ay parehong tunay na Dios ang "God" at ang "Son of God" na si Jesucristo.

    7. Ano ang makakamtan kung atin itong mauunawa?
    Sagot: Ang Biblia na ang sumasagot sa iyo na ang kakamtin mo ay kaligtasan o buhay na walang hanggan.

    Para mas malinaw, aida final na ba ang mga buod sa iyong mga sagot sa aking katanungan o gusto mo pang baguhin bago natin check-an? Binibigyan pa kita ng pagkakataon na itumpak ang iyong mga sagot.
    Last edited by rsyel; May 22, 2012 at 12:35 PM.

  10. #950
    Quote Originally Posted by rsyel View Post
    aida narito ang mga sagot mo sa mga katanungan:

    1. Pareho ba ang "God" sa "Son of God"?
    Sagot: oo
    Oo dahil ang Ama at ang Anak ay iisa at Siya din.

    Ang literal na SECOND COMING ay nangyari sa Araw ng Pentecostes. Ganoon pa man, dahil ang pangako ni Jesus na "I will come to you" ay para sa lahat ng mga tunay na Kristiano, kinakailangan ay mangyari na ang Espiritu Santo (na si Jesucristo) ay suma kanila at ipagkaloob ang Kaniyang Espiritu. Kaya nga:

    Romans 8:9 "...Now if any man have not the Spirit of Christ, he is none of his."

    Mahirap mong maunawaan ang 1 John 5:20 kung IBANG JESUS ang iyong nakikilala (na ipinakilala lamang sa iyo ng tao, ayon sa LITERAL na unawa nila sa Biblia).

    2. Ang "God" (Dios) ba ay may Son (Anak) o wala?
    Sagot: oo, ang Dios ay may Anak
    Ito ang sagot ko at hindi ang gaya ng sinabi mo:

    "Sa Genesis 1:26 pa lang (sa paggamit ng Biblia ng "us at our") ay ipinahayag na ng Biblia na ang Dios, sa Kaniyang orasan, ay magpapahayag sa tatlong kapahayagan - Ama, Anak, at Espiritu Santo. Hindi natin maaaring baliin ito dahil iisang Dios lamang ang lumalang sa atin (Genesis 1:27)."

    3. Sino ang "Son of God"?
    Sagot: Ang "Son of God" ay si Jesucristo - ang Dios o Ama na nagkatawang-tao
    Sa 1 Timothy 3:16 (KJV only) ay sinasabing AT WALANG PAGTATALO, ang Dios ay nagkatawang-tao. Iisa lamang ang Dios, kaya Siya mismo ang nagkatawang-tao.

    4. Sino ang naparito, ang "God" o ang "Son of God"?
    Sagot: Pareho naparito ang "God" at ang "Son of God"
    Iniba mo na naman ang sagot ko. Narito ang sagot ko:

    "Gaya ng sinasabi sa Efeso 4:9, Siya na umakyat ang nang UNA ay Siya ding bumaba o naparito."

    5. Ano ang dahilan ng pagparito niya?
    Sagot: UNA: upang maisakatuparan ng Ama ang Kaniyang TIPAN.
    PANGALAWA:; upang gampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios, bilang panganay na modelong Kristiano, na itinuturo ang DAAN ng kaligtasan sa pagbibigay ng HALIMBAWA - sa salita at sa gawa.
    Dalawang papel ang ginampanan ni Jesucristo nang Siya ay nasa lupa - ang papel ng Ama, at ang papel ng Anak ng Dios.

    6. Sino ang "true God" o ang tunay na Dios, ang God o ang Son of God?
    Sagot: Ang tunay na "pangalan ng Dios" simula pa sa simula ay "Jesucristo." kaya ang sagot mo ay parehong tunay na Dios ang "God" at ang "Son of God" na si Jesucristo.
    Sinabi kong ang tunay na pangalan ng Dios mula pa sa simula ay Jesucristo. At ito ang pangalan ng Dios na ipahahayag sa takdang kapanahunan.

    Isaiah 52:6 "Therefore my people shall know my name: therefore they shall know in that day that I am he that doth speak: behold, it is I."

    Ang "they shall know in that day" ito ay ang gaya sa ARAW (day) ng Pentecostes (na ipinahayag sa 1 John 5:20 ng mga alagad) na pagsa tao ng Espiritu Santo.

    Bakit dinugtungan mo na naman na ang sagot ko ay parehong tunay na Dios ang God at si Jesucristo?

    7. Ano ang makakamtan kung atin itong mauunawa?
    Sagot: Ang Biblia na ang sumasagot sa iyo na ang kakamtin mo ay kaligtasan o buhay na walang hanggan.
    Napakamahalaga talaga na nakikilala ng tao ang Dios dahil Siya ang Tagapagligtas.

    Titus 2:13 " Looking for that blessed hope, and the glorious appearing (SECOND APPEARANCE) of the great God and our Saviour Jesus Christ;"

    Para mas malinaw, aida final na ba ang mga buod sa iyong mga sagot sa aking katanungan o gusto mo pang baguhin bago natin check-an? Binibigyan pa kita ng pagkakataon na itumpak ang iyong mga sagot.
    Kung gagawin mo ang ganito, hindi ba dapat ay ang Biblia ang gawin nating batayan (at hindi ang inyong katuruan?), para lumabas ang KATOTOHANAN, o ang ayon sa tunay na pakahulugan ni Jesus sa Kaniyang mga salita?

    Ite-check mo ang mga sagot ko? At bibigyan mo ako ng pagkakataon para itumpak ang aking mga sagot? Bakit? Ikaw ba si Jesus na siyang IKALAWANG SAKSI para magpatunay sa katotohanan ng Kaniyang mga salita?

  11. #951
    aida narito ang mga sagot mo sa mga katanungan:

    1. Pareho ba ang "God" sa "Son of God"?
    Sagot: oo

    2. Ang "God" (Dios) ba ay may Son (Anak) o wala?
    Sagot: Ito ang sagot ko at hindi ang gaya ng sinabi mo:

    "Sa Genesis 1:26 pa lang (sa paggamit ng Biblia ng "us at our") ay ipinahayag na ng Biblia na ang Dios, sa Kaniyang orasan, ay magpapahayag sa tatlong kapahayagan - Ama, Anak, at Espiritu Santo. Hindi natin maaaring baliin ito dahil iisang Dios lamang ang lumalang sa atin (Genesis 1:27)."

    Ang sabi mo "us at our" . Ang "us at our" ay plural at hindi singular kaya higit sa isa. pero ang sabi mo hindi gaya ng sinabi ko na "oo, ang Dios ay may Anak" kaya tutol ka na ang Dios ay may Anak! Sa tanong na Ang "God" (Dios) ba ay may Son (Anak) o wala, ang sagot mo ay:

    a. mayroon
    b. wala

    linawin mo aida, mayroon o wala?

    3. Sino ang "Son of God"?
    Sagot: Ang "Son of God" ay si Jesucristo - ang Dios o Ama na nagkatawang-tao

    4. Sino ang naparito, ang "God" o ang "Son of God"?
    Sagot: Iniba mo na naman ang sagot ko. Narito ang sagot ko:

    "Gaya ng sinasabi sa Efeso 4:9, Siya na umakyat ang nang UNA ay Siya ding bumaba o naparito."

    a. Ang "God" ba ang naparito.
    b. Ang "Son of God" ang naparito.
    c. Pareho: a & b. Ang "God" at "son of God" ang naparito.

    Linawin mo ang iyong sagot sa katanungan, aida.

    5. Ano ang dahilan ng pagparito niya?
    Sagot: UNA: upang maisakatuparan ng Ama ang Kaniyang TIPAN.
    PANGALAWA:; upang gampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios, bilang panganay na modelong Kristiano, na itinuturo ang DAAN ng kaligtasan sa pagbibigay ng HALIMBAWA - sa salita at sa gawa.

    6. Sino ang "true God" o ang tunay na Dios, ang God o ang Son of God?
    Sagot: Ang tunay na "pangalan ng Dios" simula pa sa simula ay "Jesucristo." kaya ang sagot mo ay parehong tunay na Dios ang "God" at ang "Son of God" na si Jesucristo.

    7. Ano ang makakamtan kung atin itong mauunawa?
    Sagot: Ang Biblia na ang sumasagot sa iyo na ang kakamtin mo ay kaligtasan o buhay na walang hanggan.

    Malinaw ang iyong sagot sa tanong bilang 1, 3, 5, 6, 7 maliban sa natira. Kaya liwanagin mo ang iyong kasagutan sa mga tanong bilang 2 at 4. Tatanggapin ba natin ang iyong mga sinasabi o hindi? Dapat nating suriin. Iwawangis natin ang iyong mga sagot sa sinasabi ng Biblia na ating batayan (at hindi ang inyong katuruan), para lumabas ang KATOTOHANAN, o ang ayon sa tunay na pakahulugan ni Jesus sa Kaniyang mga salita.

    Hindi ako si Jesus pero gagamitin natin ang pahayag niya para magpatunay sa katotohanan ng Kaniyang mga salita.

  12. #952
    Quote Originally Posted by rsyel View Post
    aida narito ang mga sagot mo sa mga katanungan:

    1. Pareho ba ang "God" sa "Son of God"?
    Sagot: oo
    Muli, ang Ama at ang Anak ay iisa at siya din. Kaya nga, ang tumatanggi sa Ama at sa Anak ay isang anticristo (1 John 2:22). TUMATANGGI dahil tinatanggihan nila ang nasusulat at sinabi ni Jesus na, "Ako at ang Ama ay iisa" - John 10:30).

    2. Ang "God" (Dios) ba ay may Son (Anak) o wala?
    Sagot: Ito ang sagot ko at hindi ang gaya ng sinabi mo:

    "Sa Genesis 1:26 pa lang (sa paggamit ng Biblia ng "us at our") ay ipinahayag na ng Biblia na ang Dios, sa Kaniyang orasan, ay magpapahayag sa tatlong kapahayagan - Ama, Anak, at Espiritu Santo. Hindi natin maaaring baliin ito dahil iisang Dios lamang ang lumalang sa atin (Genesis 1:27)."

    Ang sabi mo "us at our" . Ang "us at our" ay plural at hindi singular kaya higit sa isa. pero ang sabi mo hindi gaya ng sinabi ko na "oo, ang Dios ay may Anak" kaya tutol ka na ang Dios ay may Anak! Sa tanong na Ang "God" (Dios) ba ay may Son (Anak) o wala, ang sagot mo ay:

    a. mayroon
    b. wala

    linawin mo aida, mayroon o wala?
    Kung ayaw mong tanggapin na ang "us at our" ay ginamit sa Genesis 1:26 para sa nakatakdang pagpapahayag ng Dios sa tatlong kapahayagan, tatanggapin mo kaya na tayo ay sa larawan ng Dios nilalang na may katawan, kaluluwa at espiritu? Kung hindi pa rin, sa "wangis" ng Dios, ayon sa Kaniyang tatlong kapahayagan nilalang ang mga PILI, payag ka na kaya?

    3. Sino ang "Son of God"?
    Sagot: Ang "Son of God" ay si Jesucristo - ang Dios o Ama na nagkatawang-tao
    John 1:1 "In the beginning was the Word (Body), and the Word was with God (and the Body was with God - Spirit and Soul), and the Word was God (Body + Soul and Spirit = God).

    Kay Jesus ay nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kapahayagan ayon sa laman (o sa kapahayagang-tao o Anak), dahil nang Siya ay nasa lupa Siya ay binubuo ng katawan ng Dios, kaluluwa ng Dios, at ng Espiritu ng Dios.

    4. Sino ang naparito, ang "God" o ang "Son of God"?
    Sagot: Iniba mo na naman ang sagot ko. Narito ang sagot ko:

    "Gaya ng sinasabi sa Efeso 4:9, Siya na umakyat ang nang UNA ay Siya ding bumaba o naparito."

    a. Ang "God" ba ang naparito.
    b. Ang "Son of God" ang naparito.
    c. Pareho: a & b. Ang "God" at "son of God" ang naparito.

    Linawin mo ang iyong sagot sa katanungan, aida.
    Ang Ama, na ang pangalan ay "Jesucristo" ang pumarito dahil iisang Dios lang ang nagkatawang-tao (1 Timothy 3:16, KJV only).

    Ang UNANG PAGPARITO (first coming) ng Dios ay sa kapahayagang-tao, at ang ikalawa (second coming) ay sa kapahayagang-Espiritu Santo (Acts 2:4). Alinman sa dalawa, dapat ay ang Biblia ang nagpapaliwanag nito. Kaya nga:

    FIRST COMING

    Ephesians 4:9 "(Now that he ascended, what is it but that he also descended first (FIRST COMING) into the lower parts of the earth?

    SECOND COMING

    Ephesians 4:10 "He that descended SECOND COMING) is the same also that ascended up far above all heavens, that he might fill all things.)"

    5. Ano ang dahilan ng pagparito niya?
    Sagot: UNA: upang maisakatuparan ng Ama ang Kaniyang TIPAN.
    PANGALAWA:; upang gampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios, bilang panganay na modelong Kristiano, na itinuturo ang DAAN ng kaligtasan sa pagbibigay ng HALIMBAWA - sa salita at sa gawa.
    Genesis 17:7"And I will establish my covenant (TESTAMENT) between me and thee (ABRAHAM) and thy seed after thee in their generations for an everlasting covenant, to be a God unto thee, and to thy seed after thee."

    At si Jesus nga ang naging Dios nang lahat ng mga binhi/anak ni Abraham (Titus 1:13), o ng sali't-saling lahi ng mga tunay na mananampalataya (Galatians 3:7) na mga "kay Cristo" o si Jesucristo ang nakilala at kinikilalang Dios (Galatians 3:29), ayon sa kapahayagan Niya - 1 John 5:20).

    6. Sino ang "true God" o ang tunay na Dios, ang God o ang Son of God?
    Sagot: Ang tunay na "pangalan ng Dios" simula pa sa simula ay "Jesucristo." kaya ang sagot mo ay parehong tunay na Dios ang "God" at ang "Son of God" na si Jesucristo.
    Sinabi ko na ngang ang tunay na pangalan ng Dios ay "Jesucristo" tapos sasabihin mong sinabi kong ang tunay na Dios ay si God at ang Son of God?

    7. Ano ang makakamtan kung atin itong mauunawa?
    Sagot: Ang Biblia na ang sumasagot sa iyo na ang kakamtin mo ay kaligtasan o buhay na walang hanggan.
    Malinaw ang iyong sagot sa tanong bilang 1, 3, 5, 6, 7 maliban sa natira. Kaya liwanagin mo ang iyong kasagutan sa mga tanong bilang 2 at 4. Tatanggapin ba natin ang iyong mga sinasabi o hindi? Dapat nating suriin. Iwawangis natin ang iyong mga sagot sa sinasabi ng Biblia na ating batayan (at hindi ang inyong katuruan), para lumabas ang KATOTOHANAN, o ang ayon sa tunay na pakahulugan ni Jesus sa Kaniyang mga salita.
    Tanggapin mo man o hindi ang mga sinabi ko, walang namimilit sa iyo. Ang mga ipinahayag ko ay para lamang sa mga taong gustong maligtas.

    Hindi ako si Jesus pero gagamitin natin ang pahayag niya para magpatunay sa katotohanan ng Kaniyang mga salita.
    Bago ka sumagot, dapat ay isaalang-alang mo na NGAYON ang Panginoong Jesucristo ang siyang Espiritu o Ama (2 Corinthians 3:17). Siguruhin mo din na isa kang UNANG SAKSI at kinapaparoonan ng Espiritu ni Cristo (Roma 8:9) dahil hindi lahat ng gumagamit ng pangalan Niya ay sa Kaniya (kundi isinasangkalan lamang Siya na ginagamit ang Kaniyang mga salita).

  13. #953
    Bago natin alamin kung tama ang mga sagot mo, aida, ano ang iyong relihiyon (o paraan upang manumbalik ang tao sa Dios, organisado man o hindi) na tinataguyod? Ito ay upang malaman kung talagang ganyan ang mga aral na inyong tinuturo o hindi salungat sa aral ng iyong relihiyon. Tinanong ko na ito sa iyo ngunit hindi mo sinabi ang pangalan ng iyong relihiyon. Iglesia Katolika ba o isa sa mga sekta ng mga Protestante katulad ng Born Again, Lutheran, Methodist, Baptist, Adventist, etc. Kung talagang naniniwala ka sa iyong relihiyon at ang iglesia o katawang ito ay kay Cristo, hindi ka dapat mahiya o sabihin ito.

  14. #954
    Quote Originally Posted by rsyel View Post
    Bago natin alamin kung tama ang mga sagot mo,
    Hindi tama at mali ang pinag-uusapan sa espirituwal kundi katotohanan at kasinungalingan. Alin man sa dalawa, dapat ay hindi ikaw ang maging hukom kung katotohanan ba ang mga sinasabi ko kundi ang Dios lamang mula sa Kaniyang mga salita.

    aida, ano ang iyong relihiyon
    James 1:27 "Pure religion and undefiled before God and the Father is this, To visit the fatherless and widows in their affliction, and to keep himself unspotted from the world."

    Ang relihiyon maging dapat ay hndi isang samahan o grupo. Dahil ang TUNAY NA RELIHIYON sa Dios, ay ang dalawin o ipangaral ang evangelio sa mga ulila sa ama at asawa. Sino sila kundi silang nagsipakinig sa panawagan ng Panginoon na sila ay magsilabas at magsihiwalay sa mga sekta na pinamumunuan ng mga lider ng pananampalataya (Rev. 18:4. 2 Cor. 6:17). Nagsi-alis sa mga sekta, sila ay ulila sa espirituwal na ama at espirituwal na asawa na si Satanas.

    IN THEIR AFFLICTION - Sila ay napipighati sa paghahanap sa katotohanan kaya dapat ay ipangaral sa kanila ang purong evangelio, na ang ipinahahayg ay katotohanan at pawang katotohanan lamang (keep himself unspotted from the world).

    (o paraan upang manumbalik ang tao sa Dios, organisado man o hindi) na tinataguyod?
    Nang si Adan at si Eva (o ang mga tao) ay magkasala sa Dios, ang Punong Kahoy ng Buhay (o ang Espiritu ng Dios ) ay nawala sa kanila. Ang KALIGTASAN ay ang manumbalik ang Espiritu ng Dios sa tao. Mangyayari lamang ito kung ang tao ay magpapakababa sa Panginoon (Mateo 18:3) sa paraang pagpapasakop sa Kaniya sa bahaging espirituwal, na nananampalataya sa Kaniya o sa lahat ng mga nasusulat (Acts 16:31). Ipinanganak ng TUBIG o salita, ang ESPIRITU ni Cristo ay (muling) sasa tao (ito ang ipinanganganak ng Espiritu). Ipinanganak na muli, ang tao ngayon ay BAGONG NILALANG na (o hindi na espirituwal na patay).

    Ito ay upang malaman kung talagang ganyan ang mga aral na inyong tinuturo o hindi salungat sa aral ng iyong relihiyon.
    Ang lahat ng itinuturo ko sa mga tao ay kung ano lang ang sinabi ng Dios.

    Tinanong ko na ito sa iyo ngunit hindi mo sinabi ang pangalan ng iyong relihiyon.
    Paniwlaan natin ang Biblia na ang relihiyon ay hindi isang samahan, kaya ang tao dapat ay hindi tinatawag sa pangalan ng isang samahan. Ako ay Kristiano na "kay Cristo." at nabibilang sa anak/binhi ni Abraham (o ng sali't-saling lahi ng mga tunay na mananampalataya.

    Galatians 3:7 "Know ye therefore that they which are of faith, the same are the children of Abraham. 29 And if ye be Christ's, then are ye Abraham's seed, and heirs according to the promise."

    Iglesia Katolika ba o isa sa mga sekta ng mga Protestante katulad ng Born Again, Lutheran, Methodist, Baptist, Adventist, etc.
    Ang SEKTA ay ang lahat ng mga samahan na nagsipagtayo ng literal na church.

    Kung talagang naniniwala ka sa iyong relihiyon at ang iglesia o katawang ito ay kay Cristo, hindi ka dapat mahiya o sabihin ito.
    Kung nauunawaan ng tao ang evangelio, ikakahiya n'ya talaga na siya ay nabibilang sa mga relihiyon at sekta dahil hindi ang Panginoon ang niluluwalhati nila doon kundi ang mga lider nila. Bilang isang Kristiano (hango sa pangalan ng kanilang Dios na si CHRIST-ian - Jeremiah 15:16) dapat talaga ang lahat ng kaluwalhatan sa bahaging espirituwal ay sa Panginoon lang niya ipinaparoon.

    1Peter 4:16 "Yet if any man suffer as a Christian, let him not be ashamed; but let him glorify God on this behalf."

  15. #955
    aida, sa talatang ito 1 John 5:20 na iyong sinipi,

    1John 5:20 "And we know that the Son of God is come (Holy Spirit or Holy Ghost or Counsellor), and hath given us an understanding, that we may know him that is true, and we are in him that is true, [even] in his Son Jesus Christ. This is the true God, and eternal life."

    Anong salin po ng 1 John 5:20 ang ginamit mo? Narito po ang talatang 1 John 5:20
    New International Version (NIV)

    http://www.biblegateway.com/passage/...20&version=NIV

    20 We know also that the Son of God has come and has given us understanding, so that we may know him who is true. And we are in him who is true by being in his Son Jesus Christ. He is the true God and eternal life.

    Ito ang aking mga katanungan na gusto kung malaman mula sa iyo kung tama ba ang iyong pagkaunawa. At narito ang mga sagot mo sa mga katanungan:

    1. Pareho ba ang "God" sa "Son of God"?
    Sagot: oo

    Hindi po pareho ang "God" sa "Son of God". Ang "God" po ay ang Dios hindi po ang Anak ng Dios. Hindi po pareho ang Dios sa Anak ng Dios kaya ang iyong sagot ay MALI.

    2. Ang "God" (Dios) ba ay may Son (Anak) o wala?
    Sagot: Ito ang sagot ko at hindi ang gaya ng sinabi mo:

    "Sa Genesis 1:26 pa lang (sa paggamit ng Biblia ng "us at our") ay ipinahayag na ng Biblia na ang Dios, sa Kaniyang orasan, ay magpapahayag sa tatlong kapahayagan - Ama, Anak, at Espiritu Santo. Hindi natin maaaring baliin ito dahil iisang Dios lamang ang lumalang sa atin (Genesis 1:27)."

    Ang sabi mo "us at our" . Ang "us at our" ay plural at hindi singular kaya higit sa isa. pero ang sabi mo hindi gaya ng sinabi ko na "oo, ang Dios ay may Anak" kaya tutol ka na ang Dios ay may Anak!

    Hindi mo dapat tutulan na ang Dios ay may Anak sapagkat may Anak ng Dios o "Son of God" kaya ang sagot mo ay MALI.

    3. Sino ang "Son of God"?
    Sagot: Ang "Son of God" ay si Jesucristo - ang Dios o Ama na nagkatawang-tao

    Tama po na si Jesucristo ang "Son of god" pero mali ang karugtong mong sagot na Ang Dios o Ama ay nagkatawang-tao. Hindi po ang Ama ang nagkatawang tao. Wala po sa talata iyon. kaya mali ang iyong sagot. Ang tamang sagot ay ang "Son of God" ay si Jesucristo - ang Anak ng Dios hindi ang Ama kaya ang sagot mo ay MALI.

    4. Sino ang naparito, ang "God" o ang "Son of God"?
    Sagot: Ang Ama, na ang pangalan ay "Jesucristo" ang pumarito dahil iisang Dios lang ang nagkatawang-tao (1 Timothy 3:16, KJV only).

    Ang naparito ay ang Anak hindi ang Ama kaya ang sagot mo ay MALI.

    5. Ano ang dahilan ng pagparito niya?
    Sagot: UNA: upang maisakatuparan ng Ama ang Kaniyang TIPAN.
    PANGALAWA:; upang gampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios, bilang panganay na modelong Kristiano, na itinuturo ang DAAN ng kaligtasan sa pagbibigay ng HALIMBAWA - sa salita at sa gawa.

    Ang dahilan ng pagparito ng Anak ng Dios ay
    UNA: "so that we may know him who is true" o "upang makilala natin siya na totoo".
    PANGALAWA: "And we are in him who is true by being in his Son Jesus Christ." o "At tayo ay nasa kaniya na totoo, samakatuwid, sa kaniyang Anak na si Jesucristo."

    Wala pong sinasabi na 1 John 5:20 na ang dahilan ng pagparito ay "upang gampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios". Nasaan sa talata ng gagampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios??? pumapapel ang Ama na Anak? o ikaw ang pumapapel na wala sa talata ang mga sinasabi? Hindi ka kasi kasama sa mga "tayo" na "nasa sa kaniya na totoo" Kaya ang sagot mo ay MALI!

    6. Sino ang "true God" o ang tunay na Dios, ang God o ang Son of God?
    Sagot: Ang tunay na "pangalan ng Dios" simula pa sa simula ay "Jesucristo." kaya ang sagot mo ay parehong tunay na Dios ang "God" at ang "Son of God" na si Jesucristo.

    hindi po totoo na 'Ang tunay na "pangalan ng Dios" simula pa sa simula ay "Jesucristo."' Ang "true God" o ang tunay na Dios ay ang "God" at hindi ang son of God. Ang Dios ay ang Ama. At ang Ama ay hindi ang Anak at ang pangalan ng Ama ay hindi "Jesucristo" kaya ang sagot mo ay MALI na naman!

    7. Ano ang makakamtan kung atin itong mauunawa?
    Sagot: Ang Biblia na ang sumasagot sa iyo na ang kakamtin mo ay kaligtasan o buhay na walang hanggan.

    TAMA. kaya alam mo na kung mauunawaan ng tao ang kung sino ang Dios na totoo, kakamtin niya ang kaligtasan o buhay na walang hanggan. Marami ang hindi nakakaunawa ng katotohanang ito kahit magdala pa ng Biblia (dahil binulag at nadaya ni Satanas) kaya sinasalot ang mundo habang ang mga taong nasa Anak na si Cristo o ang mga iglesia ni Cristo ay nagtatagumpay!

    No. of Items: 7
    MALI: 6
    TAMA: 1

    Score: 1/7 = 14.28% BAGSAK! aida, hindi mo naunawaan kung sino ang Dios na totoo.

    Ito ba ang dahilan bakit hindi mo masabi ang pangalan ng iyong relihiyon sapagkat katulad mo din ang aral na taglay? Kaya dapat bang paniwalaan natin ang iyong pahayag na
    Ako ay Kristiano na "kay Cristo."
    ?

    Wala ring pinag-iba sa Katolisismo na tunay na Dios daw si Cristo? Bagama't nagdadala rin ng Biblia. Totoong maraming nadaya si Satanas. Ayaw ipakilala ang tunay na Dios.
    Last edited by rsyel; May 28, 2012 at 12:15 PM.

  16. #956
    [QUOTE=rsyel;62983634]

    4. Sino ang naparito, ang "God" o ang "Son of God"?
    Sagot: Ang Ama, na ang pangalan ay "Jesucristo" ang pumarito dahil iisang Dios lang ang nagkatawang-tao (1 Timothy 3:16, KJV only).

    Ang naparito ay ang Anak hindi ang Ama kaya ang sagot mo ay MALI.
    1Timothy 3:16 KJV "And without controversy AT WALANG PAGTATALO) great is the mystery of godliness: God was manifest in the flesh...."

    Ang Dios ay iisa lamang kaya ang Dios mismo ang sinasabi ni Pablo na nagkatawang-tao. Sinabi niya na "at walang pagtatalo" dahil si Jesus mismo ang nagpahayag nito sa kaniya.

    Galatians 1:11 "But I certify you, brethren, that the gospel which was preached of me is not after man. For I neither received it of man, neither was I taught it, but by the revelation of Jesus Christ."

    Kung paanong pinagpahayagan ni Jesus si Pablo, ganito ang sinabi niya tungkol dito:

    2Corinthians 3:17 "Now the Lord (JESUS CHRIST IS THE ONLY LORD - 1 Corinthians 8:6b) is that Spirit (OR FATHER): and where the Spirit of the Lord is, there is liberty."

    Kung kanino ang Espiritu ni Cristo ay sumasa kaniya, siya ay malaya na sa pagkakagapos sa mga maling katuruan at doktrina. Sa mga taong hindi "kay Cristo" dahil hindi sumasa kanila ang Kaniyang Espiritu, isinasangkalan nga lamang nila Siya sa kanilang mga pangangaral, gamit ang Kaniyang mga salita.

    Romans 8:9 "... Now if any man have not the Spirit of Christ, he is none of his."

    5. Ano ang dahilan ng pagparito niya?
    Sagot: UNA: upang maisakatuparan ng Ama ang Kaniyang TIPAN.
    PANGALAWA:; upang gampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios, bilang panganay na modelong Kristiano, na itinuturo ang DAAN ng kaligtasan sa pagbibigay ng HALIMBAWA - sa salita at sa gawa.
    NASUSULAT:

    Genesis 17:7 "And I will establish my covenant (or TESTAMENT) between me and thee (ABRAHAM) and thy seed after thee in their generations for an everlasting covenant, to be a God unto thee, and to thy seed after thee."

    Ang Dios o si Jesucristo ay nagpapakilala sa mga tao mula sa Kaniyang mga salita at patnubay (Siya bilang siyang Espiritu Santo). Kung tinatanggihan mo nga na ang Ama at Anak ay iisa at siya din (o tinatanggihan ang sinabi ni Jesus na "Ako at ang Ama ay iisa"), at ito ay tanda ng pagiging isang anticristo, maaasahan ba natin na mauunawaan mong ang Ama na Maygawa ng TIPAN ay si Jesus?

    Gaya ng sinasabi sa Genesis 17:7 na, "between me and thee and thy seed after thee in their generations" ang Biblia mismo ang nagpapatunay na ang mga tunay na mananampalataya (kahapon at ngayon) ay sila lamang na mga binhi ni Abraham (Galatians 3:7) na sali't-saling lahi ng mga taong "kay Cristo" (o si Jesucristo ang nakilala at kinikilalang Dios). At sila din lamang ang mga tagapagmana sa kaligtasan:

    Galatians 3:29 "And if ye be Christ's, then are ye Abraham's seed, and heirs according to the promise."

    Ang dahilan ng pagparito ng Anak ng Dios ay
    UNA: "so that we may know him who is true" o "upang makilala natin siya na totoo".
    Ang SECOND COMING na ni Jesus ang tinutukoy ni Juan sa 1 John 5:20 (sa kapahayagang Espiritu Santo) na naganap sa Araw ng Pentecostes.

    Acts 2:4 "And they were all filled with the Holy Ghost, and began to speak with other tongues, as the Spirit gave them utterance."

    Dito ay ipinahahayag na ang Espiritu na si Jesucristo, ang siya ding Espiritu Santo. At Siya mismo ang nagbigay-paunawa sa kanila, upang Siya ay kanilang makilala na totoo (o ayon sa TUNAY NA PAGKAKILALA). Kaya nga ang kabuuan ay si Jesus na siyang Espiritu (o Ama), ang siya ding Espiritu Santo.

    Acts 20:28 "Take heed therefore unto yourselves, and to all the flock, over the which the Holy Ghost hath made you overseers, to feed the church (PEOPLE OF GOD) of God, which he hath purchased with his own blood."

    PANGALAWA: "And we are in him who is true by being in his Son Jesus Christ." o "At tayo ay nasa kaniya na totoo, samakatuwid, sa kaniyang Anak na si Jesucristo."
    Kulang na kulang na, ay may dagdag pa ang talata mo. Ang sinabi ay "And we are in him that is true (WALA ANG BY BEING IN HIS SON JESUS CHRIST AT SA HALIP AY), even in his Son Jesus Christ. This is the true God, and eternal life"

    Wala pong sinasabi na 1 John 5:20 na ang dahilan ng pagparito ay "upang gampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios". Nasaan sa talata ng gagampanan ng Ama ang papel ng Anak ng Dios??? pumapapel ang Ama na Anak? o ikaw ang pumapapel na wala sa talata ang mga sinasabi?

    Hindi ka kasi kasama sa mga "tayo" na "nasa sa kaniya na totoo" Kaya ang sagot mo ay MALI!

    Wala akong sinasabi na ang 1 John 5:20 ay may kinalaman sa dalawang papel na ginampanan ni Jesus sa lupa.

    Ang Biblia ang dapat magsabi kung sino ang mga "kay Cristo" at hindi ikaw. Sumasa iyo ba ang Espiritu ni Cristo para masabi mong sa Kaniya ka? Kaloob ba sa iyo ang FAITH (o tunay na pagkakilala sa Dios) na isa sa mga bunga ng Espiritu na si Jesucristo, o kung sino ang Dios ng lider mo ay siya na ring naging Dios mo?

    6. Sino ang "true God" o ang tunay na Dios, ang God o ang Son of God?
    Sagot: Ang tunay na "pangalan ng Dios" simula pa sa simula ay "Jesucristo." kaya ang sagot mo ay parehong tunay na Dios ang "God" at ang "Son of God" na si Jesucristo.
    Kasinungalingan. Wala akong sinasabing ganyan! Iisa lamng ang Dios at Siya ay ang Ama na ang pangalan ay ""Jesucristo."

    hindi po totoo na 'Ang tunay na "pangalan ng Dios" simula pa sa simula ay "Jesucristo."' Ang "true God" o ang tunay na Dios ay ang "God" at hindi ang son of God. Ang Dios ay ang Ama. At ang Ama ay hindi ang Anak at ang pangalan ng Ama ay hindi "Jesucristo" kaya ang sagot mo ay MALI na naman!
    Kung hindi "Jesucristo" ang pangalan ng Dios, ano ang pangalan na sinasabi ng Ama dito na ipahahayag Niya sa Kaniyang mga tao ayon sa Kaniya? At bakit sinabi ni Jesus na Siya ang I AM HE sa John 8:24?

    Isaiah 52:6 "Therefore my people shall know my name: therefore [they shall know in that day that I am he (JOHN 8:24) that doth speak: behold, it is I."

    Hindi mo ba nauunawaang ang tinutukoy Niya sa John 8:24 ay ang Ama (o Siya ang Ama)?

    John 8:27 "They understood not that he spake to them of the Father."

    7. Ano ang makakamtan kung atin itong mauunawa?
    Sagot: Ang Biblia na ang sumasagot sa iyo na ang kakamtin mo ay kaligtasan o buhay na walang hanggan.

    TAMA. kaya alam mo na kung mauunawaan ng tao ang kung sino ang Dios na totoo, kakamtin niya ang kaligtasan o buhay na walang hanggan.
    Hindi tama kundi katotohanan. Na ang buong Biblia ay nauukol lamang tungkol kay Jesus, at sa buhay na walang hanggan (John 5:39).

    Marami ang hindi nakakaunawa ng katotohanang ito kahit magdala pa ng Biblia (dahil binulag at nadaya ni Satanas)
    Ang lahat ng mga nasa relihiyon at sekta ang nadaya at dinadaya ni Satanas. At ginagawa niya ito sa oras ng kanilang pagsamba, pagsisimba o pagdalo dahil siya ang nagunguna sa kanilang lahat:

    Revelation 19:19 "And I saw the beast (SATAN), and the kings of the earth (RELIGIOUS LEADERS), and their armies (THEIR MEMBERS), gathered together to make war against him that sat on the horse, and against his army."

    kaya sinasalot ang mundo
    Walang kinalaman ang Dios sa nangyayaring mga salot sa mundo.

    habang ang mga taong nasa Anak na si Cristo o ang mga iglesia ni Cristo ay nagtatagumpay!
    Mga "Kay Cristo" ang sinasabi ng Biblia at hindi ang mga taong nasa Anak na si Cristo.

    Ang magtatagumpay sa espirituwal na pakikipag-digmaan nilang mga nasa relihiyon at sekta sa pakikipagbaka sa Panginoon (Rev. 19:19) ay Siya!

    Revelation 17:14 "These shall make war with the Lamb, and the Lamb shall overcome them...."

    No. of Items: 7
    MALI: 6
    TAMA: 1

    Score: 1/7 = 14.28% BAGSAK! aida, hindi mo naunawaan kung sino ang Dios na totoo.
    Ang FAITH ko (o pagakakilala sa Dios) ay kaloob (at hindi itinuro ng tao) kaya ang katotohanan ang tagumpay!

    Ito ba ang dahilan bakit hindi mo masabi ang pangalan ng iyong relihiyon sapagkat katulad mo din ang aral na taglay? Kaya dapat bang paniwalaan natin ang iyong pahayag na ?
    Lahat kayong nasa relihiyon at sekta ay ipinagpipilitang ako ay may samahan na kinaaaniban. Bakit, gusto ba ninyo ay matulad ako sa inyo na sa halip na kabilang sa "Sangbahayan ng Dios," ay sa samahan ng mga espirituwal na patay mapabilang gaya ninyo?

    Proverbs 21:16 "The man (NATURAL MAN) that wandereth out of the way of understanding (THE SPIRITUAL LANGUAGE OF GOD) shall remain in the congregation of the (SPIRITUALLY) dead."

    Wala ring pinag-iba sa Katolisismo na tunay na Dios daw si Cristo? Bagama't nagdadala rin ng Biblia. Totoong maraming nadaya si Satanas. Ayaw ipakilala ang tunay na Dios.
    Sa pangangaral tungkol sa Dios, literal na pangalan lamang ang ipinahahayag ng mga tao ng Dios. Sa tunay na pagpapakilala sa mga tao, ang Dios ang gumagawa nito - mula sa Kaniyang mga salita at patnubay, Siya bilang siyang Espiriut Santo.

  17. #957
    Quote Originally Posted by rsyel View Post
    aida, sa talatang ito 1 John 5:20 na iyong sinipi,

    1John 5:20 "And we know that the Son of God is come (Holy Spirit or Holy Ghost or Counsellor), and hath given us an understanding, that we may know him that is true, and we are in him that is true, [even] in his Son Jesus Christ. This is the true God, and eternal life."

    Anong salin po ng 1 John 5:20 ang ginamit mo? Narito po ang talatang 1 John 5:20
    New International Version (NIV)

    http://www.biblegateway.com/passage/...20&version=NIV

    20 We know also that the Son of God has come and has given us understanding, so that we may know him who is true. And we are in him who is true by being in his Son Jesus Christ. He is the true God and eternal life.

    Ito ang aking mga katanungan na gusto kung malaman mula sa iyo kung tama ba ang iyong pagkaunawa. At narito ang mga sagot mo sa mga katanungan:

    1. Pareho ba ang "God" sa "Son of God"?
    Sagot: oo

    Hindi po pareho ang "God" sa "Son of God". Ang "God" po ay ang Dios hindi po ang Anak ng Dios. Hindi po pareho ang Dios sa Anak ng Dios kaya ang iyong sagot ay MALI.
    Sa mga taong ang pagkakilala sa Dios (FAITH) ay hindi kaloob (o hindi "ayon sa kapahayagan ng Ama"), ang Dios ay kinilala nila sa pamamagitan ng kanilang "laman at dugo" (personal competence), o ayon sa kanilang sariling unawa sa Biblia, gamit ang sariling kaisipan at pisikal na karunungan.

    Titus 2:13 " Looking for that blessed hope, and the glorious appearing of the great God and our Saviour Jesus Christ;"

    Ang nagpapahayag dahil isang binhi ni Abraham na nabibilang sa sali't-saling lahi ng mga tunay na mananampalataya (Galatians 3:7), ang OUR mangyari pa ay tumutukoy lamang sa kanila na mga "kay Cristo" o si Jesucristo ang kinikilalang Dios (Galatians 3:29) at Tagapagligtas. Sa kanila na malalim na ang pagkakilala sa Panginoon, ang hinihintay nila "sa darating" ay ang IKALAWANG PAGPAPAKITA na ni Jesus (glorious appearing). Hambing sa mga taong si Jesus ay "nakilala" sa pamamagitan ng "laman at dugo" (personal competence), ang kanilang hinihintay magpahangga ngayon ay ang Kaniyang IKALAWANG PAGPARITO (second coming) gayung ito ay nangyari na sa Araw ng Pentecostes (Acts 2:1-4).

    Ano ang ipinagkaiba ng mga tunay na mananampalataya sa mga taong kasapi sa mga relihiyon at sekta kundi ang pagkakaroon at kawalan ng espirituwal na karunungan, kaalaman at unawa sa mga salita ng Dios. Maaari bagang angkinin ng nahuhuli na sila ay mga anak ng Dios gayung hindi nila nakikilalang tunay ang Ama, at walang nalalaman tungkol sa Kaniyang ikalawang pagpapakita? Ang Biblia ang hahatol:

    1John 3:1 "Behold, what manner of love the Father hath bestowed upon us, that we should be called the sons of God: therefore the world knoweth us not, because it knew him not."

    1John 3:2 "Beloved, now are we the sons of God, and it doth not yet appear what we shall be: but we know that, when he shall appear (SECOND APPEARANCE), we shall be like him; for we shall see him as he is."

    2. Ang "God" (Dios) ba ay may Son (Anak) o wala?
    Sagot: Ito ang sagot ko at hindi ang gaya ng sinabi mo:

    "Sa Genesis 1:26 pa lang (sa paggamit ng Biblia ng "us at our") ay ipinahayag na ng Biblia na ang Dios, sa Kaniyang orasan, ay magpapahayag sa tatlong kapahayagan - Ama, Anak, at Espiritu Santo. Hindi natin maaaring baliin ito dahil iisang Dios lamang ang lumalang sa atin (Genesis 1:27)."

    Ang sabi mo "us at our" . Ang "us at our" ay plural at hindi singular kaya higit sa isa. pero ang sabi mo hindi gaya ng sinabi ko na "oo, ang Dios ay may Anak" kaya tutol ka na ang Dios ay may Anak!

    Hindi mo dapat tutulan na ang Dios ay may Anak sapagkat may Anak ng Dios o "Son of God" kaya ang sagot mo ay MALI.
    1John 5:20 "And we know that the Son of God is come, and hath given us an understanding, that we may know him that is true, and we are in him that is true, even in his Son Jesus Christ. This is the true God, and eternal life."

    SON OF GOD IS COME. - Ang sabi mo, may Anak ng Dios at Siya ay ang Son of God. Sinasabi naman ni Juan na ang SON OF GOD ang siyang naparito (SECOND COMING), at Anak Niya ang SON JESUS CHRIST - ang tunay na Dios.

    TANONG: Iba ba ang Son of God sa Son Jesus Christ?

    3. Sino ang "Son of God"?
    Sagot: Ang "Son of God" ay si Jesucristo - ang Dios o Ama na nagkatawang-tao

    Tama po na si Jesucristo ang "Son of god" pero mali ang karugtong mong sagot na Ang Dios o Ama ay nagkatawang-tao. Hindi po ang Ama ang nagkatawang tao. Wala po sa talata iyon. kaya mali ang iyong sagot. Ang tamang sagot ay ang "Son of God" ay si Jesucristo - ang Anak ng Dios hindi ang Ama kaya ang sagot mo ay MALI.
    Dahil sa pagbabasa mo sa Biblia ay mayroon ka nang paunang ideya (preconceived idea) sa halip na umaaasa ka sa Panginoon tungkol sa espirituwal na karunungan, sukdulang tanggihan mo ang isang talata ay gagawin mo mamayani lamang ang katuruan ninyo! Halimbawa: Sa sinasabing ang Dios ay nahayag sa laman o nagkatawang-tao, dahil tinanggihan mo ito, nangyaring tinatanggihan mo na rin ito:

    1John 3:16 "Hereby perceive we the love of God, because he laid down his life for us...."

    Ang isang nasusulat na wari ay sumasaungat sa isa pang nasusulat, at ito ay hindi mo nakayang ipaliwanag, ibig sabihin nito ay kulang ka sa espirituwal na karunungan, kaalaman at unawa. Bunga ito ng hindi pagsa iyo ng Espiritu ni Cristo (Romans 8:9):

    Exodus 35:31 "And he hath filled him with the spirit of God, in wisdom, in understanding, and in knowledge, and in all manner of workmanship;"

  18. #958
    aida, napatunayan na hindi mo nauunawaan ang iyong mga sinasabi. Sumisipi ka ng mga sitas ng Bibliya ngunit kung susuriin ay sinsay sa katotohanan. Iyong sinipi mong sitas na 1John 5:20 ay mali ang iyong pagkaunawa.

    We know also that the Son of God has come and has given us understanding, so that we may know him who is true. And we are in him who is true by being in his Son Jesus Christ. He is the true God and eternal life.

    Hindi mo naunawaan ang mga ito:

    1. Hindi pareho ang Dios sa Anak ng Dios. Ang Ama ay ang Dios at ang Ama ay hindi ang Anak

    2. Ang Dios ay may Anak. Ang sabi ng talata "his Son Jesus Christ" sa Tagalog ay "sa kaniyang Anak na si Jesucristo"

    3. Ang "Son of God" ay si Jesucristo. Ang Anak ng Dios, hindi ang Ama! ang Ama ay hindi si Jesucristo.

    4. Ang naparito ay si Jesucristo, ang Anak ng Dios o "the Son of God". Sabi nga ng talata "the Son of God has come" o sa Tagalog "naparito ang Anak ng Diyos" ang naparito ay ang Anak ng Dios hindi ang Dios mismo ang naparito.

    5. Ayon sa talata, ang dahilan ng pagparito ng Anak ng Dios ay upang makilala at maunawa natin ang tunay na Dios na siyang nagsugo sa Anak at upang magkaroon tayo (mga taong nakaunawa at tunay na nakilala ang tunay na Dios) ng buhay na walang hanggan.

    6. At ipinakilala ng Anak ng Dios na si Jesuscristo ang tunay na Dios nang pumarito si Cristo sa lupa. Ang tunay na Dios ay may Anak. Hindi ipinakilala ni Cristo ang Kaniyang sarili bilang tunay na Dios kundi ang Ama na nagsugo sa Anak. Kung si Jesucristo ay ang tunay na Dios, sino ang Anak ni Jesucristo? Jesucristo Jr? Mayroon ka bang mababasa na "Jesucristo Jr." sa Biblia? Gamitin ang unawa! At walang sinasabing may Anak si Jesucristo.

    7. Ang mga tunay na kay Cristo ay totoong naunawan at nakilala nila kung sino ang tunay na Dios. Ang tamang pagkaunawa ay ang katotohananang magdadala sa buhay na walang hanggan. Wala ito sa mga maraming tao kahit magbasa pa ng Biblia (ang Biblia ay hindi bukas na aklat na kahit sino na lang ay makakaunawa nito) kaya ipinangangaral ng mga iglesia ni Cristo ang katotohanang ito.

    Kaya aida tiyakin mo muna na nuunawaan mo ang sitas ng Biblia bago mo ito sitasin maliban na lang kung nagtatanong ka dahil sa hindi mo alam. Huwag iyong parang totoo ang mga sinasabi mo at ayon sa Biblia pero kung iwawangis sa talata ay lumalabas na mangmang. Ganyan ang taktika ng mga kay Satanas. Kung hindi mapagpanggap (mga lobong maninila na akala mo tupa) ay nadaya (mga tumanggap ng mga maling aral). Kaya huwag padaya.

  19. #959
    Quote Originally Posted by rsyel View Post
    aida, napatunayan na hindi mo nauunawaan ang iyong mga sinasabi. Sumisipi ka ng mga sitas ng Bibliya ngunit kung susuriin ay sinsay sa katotohanan. Iyong sinipi mong sitas na 1John 5:20 ay mali ang iyong pagkaunawa.

    We know also that the Son of God has come and has given us understanding, so that we may know him who is true. And we are in him who is true by being in his Son Jesus Christ. He is the true God and eternal life.
    1John 5:20 "And we know that the Son of God is come, and hath given us an understanding, that we may know him that is true, and we are in him that is true, even in his Son Jesus Christ. This is the true God, and eternal life."

    AND WE KNOW - Ang tinutukoy ni Juan dito na "WE" ay silang lahat na pinangakuan ni Jesus ng salitang ito:

    John 14:18 "I will not leave you comfortless: I will come to you."

    At si Jesus nga ay naparito o muling naparito (second comng) sa kapahayagang Espiritu Santo sa Araw ng Pentecostes (Acts 2:4). Ito ang katuparan ng Kaniyang pangako sa mga alagad sa Juan 14:18.

    Ang Dios ay Espiritu at NGAYON (magsimula sa Araw ng Pentecostes magpahanggang ngayon - hanggang sa Kaniyang "muling pagpapakita"), ang Panginoong Jesucristo ang siyang Espiritu (2 Cor. 3:17). At ang Espiritu, (ang Ama o si Jesucristo), ang siyang Espiritu Santo (Acts 2:4).

    Acts 2:4 "And they were all filled with the Holy Ghost, and began to speak with other tongues, as the Spirit gave them utterance."

    Jesus Christ is the TRUTH (or the God of truth - Deu. 32:4) and will never tell a lie. Therefore He must have come already and the Apostles/Disciples (WE) recognized Him as the HOLY GHOST. This was confirmed by Paul when he wrote:

    2 Corinthians 3:17 "Now the Lord is that Spirit (JESUS IS THE ONLY LORD - 1 Cor. 3:17): and where the Spirit of the Lord is, there is liberty."

    Conclusion:

    Acts 2:1 "And when the day of Pentecost was fully come, they were all with one accord in one place."

    The Disciples were "all with one accord" regarding:

    1.The truth about the identity of the Holy Ghost who, by divine revelation, is Father God named Jesus Christ. How many people talking about Pentecost and claiming its benefit have this truth? And

    2. The veracity as regards the "letter" of the word considered only as "FIRST WITNESS" that further requires the "testimony" of the Holy Ghost, as "SECOND WITNESS" to the truth:

    Corinthians 2:12 "Now we have received, not the spirit of the world, but the spirit which is of God (spirit of Christ - Romans 8:9); that we might know the things that are freely given to us of God."

    The "spirit of the world" refers to human spirit (without the spirit of Jesus Christ) in understanding and interpreting the word of God. The chosen people however rely solely on the wisdom coming from the Holy Ghost on the hidden message of the "letter" of the word.

    1 Corinthians 2:13 "Which things (spiritual things/things of Gpd) also we speak (teach), not in the words (literal words) which man's (natural man's) wisdom teacheth (physical wisdom), but which the Holy Ghost teacheth (Jesus Christ - Acts 20:28, Acts 2:4); comparing spiritual things with spiritual."

    Hindi mo naunawaan ang mga ito:

    1. Hindi pareho ang Dios sa Anak ng Dios. Ang Ama ay ang Dios at ang Ama ay hindi ang Anak
    Ang sabihing ang Ama ang Dios ay hindi sapat. Dahil ang basta lang na naniniwalang ang Dios ay iisa datapuwa't hindi Siya nakikilala "ayon sa tunay na pagkakilala" ay isang demonio ang kapara (James 2:19).

    Madali lang sabihing ang Ama ang Dios. Ang tanong: Dahil ang FAITH ay simbolo ng tunay na pagkakilala sa Dios, at ito ay isa sa mga bunga ng Espiritu na si Jesucristo (Galatians 5:22), ang FAITH mo ba ay kaloob sa iyo ni Cristo? Isa ka bang PILI na pinapangakuan ni Jesus na pagkakalooban Niya ng bunga/mga bunga ng Espiritu (John 15:16) - kabilang ang FAITH?

    Sa pakikinig at pakikinig sa mga salita ng Dios dumarating ang FAITH (Roma 10:17). Nakikinig ka ba ng nakikinig sa lahat ng mga nasusulat (ng walang tinatanggihan at binabaling talata) na simbolong nananampalataya ka kay Jesus (Acts 16:31)? Dahil ang pananampalataya kay Jesus o pakikinig sa lahat ng mga nasusulat ay simbolo ng "ipinanganak ng TUBIG o salita, sa taong ipinanganak ng Tubig, sa kaniya ay doroon ang espiritu ni Cristo (ito ang "ipinanganak ng ESPIRITU". Ipinanganak na muli, dito nangyayaring ang isang tao ay nagiging "KAY CRISTO" na. Na Siya ang sinasamba (o pinanananalanginan o pinakikipag-ugnayan). Sa mga taong hindi sa Kaniya, ang kanilang sinasamba at pinaglilingkuran ay ang kani-kanilang mga lider.

    Romans 1:25 "Who ]changed the truth of God into a lie, and worshipped and served the creature more than the Creator, who is blessed for ever. Amen."

    2. Ang Dios ay may Anak. Ang sabi ng talata "his Son Jesus Christ" sa Tagalog ay "sa kaniyang Anak na si Jesucristo"
    Ang tanong: Ang Son of God ba ay iba sa Son Jersus Christ?

    3. Ang "Son of God" ay si Jesucristo. Ang Anak ng Dios, hindi ang Ama! ang Ama ay hindi si Jesucristo.
    Sinomang nagpapahayag ng ganito, sa kaniya ay hindi pa nangyayaring ang espiritu ni Cristo ay suma kaniya.

    4. Ang naparito ay si Jesucristo, ang Anak ng Dios o "the Son of God". Sabi nga ng talata "the Son of God has come" o sa Tagalog "naparito ang Anak ng Diyos" ang naparito ay ang Anak ng Dios hindi ang Dios mismo ang naparito.
    Iba ang UNANG PAGPARITO sa IKALAWANG PAGPARITO (second coming).

    Sa UNANG PAGPARITO, nagkatawang-tao; isinakatuparan ng Ama ang Kaniyang TIPAN (Genesis 17:7) sa pamamagitan ng kamatayan (Hebrews 9:16). Sa Kaniyang IKALAWANG PAGPARITO, isinakatuparan Niya ang Kaniyang pangako sa mga alagad na Siya ay sasa kanila.

    5. Ayon sa talata, ang dahilan ng pagparito ng Anak ng Dios ay upang makilala at maunawa natin ang tunay na Dios na siyang nagsugo sa Anak at upang magkaroon tayo (mga taong nakaunawa at tunay na nakilala ang tunay na Dios) ng buhay na walang hanggan.
    Ang sinabi sa 1 John 5:20 ay kaibang-kaiba sa mga sinasabi mo.

    6. At ipinakilala ng Anak ng Dios na si Jesuscristo ang tunay na Dios nang pumarito si Cristo sa lupa. Ang tunay na Dios ay may Anak. Hindi ipinakilala ni Cristo ang Kaniyang sarili bilang tunay na Dios kundi ang Ama na nagsugo sa Anak. Kung si Jesucristo ay ang tunay na Dios, sino ang Anak ni Jesucristo? Jesucristo Jr? Mayroon ka bang mababasa na "Jesucristo Jr." sa Biblia? Gamitin ang unawa! At walang sinasabing may Anak si Jesucristo.
    Hindi mo dapat ginagamitan ng pilosopiya at lohika ang mga salita ng Dios.

    7. Ang mga tunay na kay Cristo ay totoong naunawan at nakilala nila kung sino ang tunay na Dios.
    Ang mga "KAY CRISTO" ay silang mga binhi ni Abraham, o sali't-saling lahi ng mga tunay na mananampalataya (Galatians 3:7), na mga "'tagapagmana" sa kaligtasan (Galatians 3:29).

    Ang tamang pagkaunawa ay ang katotohananang magdadala sa buhay na walang hanggan.
    Ang pagsasaliksik sa Biblia na tungkol lamang kay Jesus, ayon mismo sa Kaniya, ang makapagdadala sa atin sa buhay na walang hanggan (John 5:39).

    Wala ito sa mga maraming tao kahit magbasa pa ng Biblia (ang Biblia ay hindi bukas na aklat na kahit sino na lang ay makakaunawa nito) kaya ipinangangaral ng mga iglesia ni Cristo ang katotohanang ito.
    Ang mga taong nakauunawa sa Biblia (o sa espirituwal na wika ni Jesus) ay sila lamang na mga TAONG ESPIRITUWAL na may kaisipan ni Cristo (dahil ang espiritu ni Cristo ay sumasa kanila). Sa mga taong walang espiritu ni Cristo, ang kanilang ginagawa ay ang isangkalan lamang Siya sa kanilang mga pangangaral, gamit ang Kaniyang mga salita na hindi nila nauunawaan.

    Kaya aida tiyakin mo muna na nuunawaan mo ang sitas ng Biblia bago mo ito sitasin maliban na lang kung nagtatanong ka dahil sa hindi mo alam. Huwag iyong parang totoo ang mga sinasabi mo at ayon sa Biblia pero kung iwawangis sa talata ay lumalabas na mangmang. Ganyan ang taktika ng mga kay Satanas. Kung hindi mapagpanggap (mga lobong maninila na akala mo tupa) ay nadaya (mga tumanggap ng mga maling aral). Kaya huwag padaya.
    Ang mga lobong maninila ay silang lahat na mga lider ng pananampalataya na espirituwal na pumapatay ng tao, at ang kani-kanilang mga miembro na nadamay na sa kanila. Kaya nga hindi nila kayang sundin ang sumusunod na utos ng WALANG SALAPI AT WALANG BAYAD (o ng walang pagbibigay ng salapi o pag-aabuloy):

    Matthew 10:8 "Heal the sick, cleanse the lepers, raise the dead, cast out devils: freely ye have received, freely give."

    ALAM MO BA KUNG PAANO ANG BUMUHAY NG MGA ESPIRITUWAL NA PATAY? kUNG HINDI, IKAW ANG ESPIRITUWAL NA MANGMANG AT HINDI AKO.

  20. #960
    aida, matapos na ma-exposed na mali ang pagkaunawa mo sa talatang 1John 5:20. Muli ka namang nagmarunong at nagpahayag na

    Quote Originally Posted by aida View Post
    At ang Espiritu, (ang Ama o si Jesucristo), ang siyang Espiritu Santo (Acts 2:4).
    Nasaan sa talata ng Acts 2:4 na si Jesucristo ay siyang Espiritu Santo? Narito po ang sinasabi ng talata:

    All of them were filled with the Holy Spirit and began to speak in other tongues[a] as the Spirit enabled them.

    http://www.biblegateway.com/passage/...:4&version=NIV

    May nabasa ka bang si Jesuscristo ang siyang Espiritu Santo? Nasaan? ang nakalagay ay "All of them were filled with the Holy Spirit and began to speak in other tongues[a] as the Spirit enabled them." Sa salin ng Tagalog ay ganito:

    At silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagsimulang magsalita sa ibang mga wika ayon sa ibinigay ng Espiritu sa kanila na kanilang sasabihin.

    http://www.biblegateway.com/passage/...:4&version=SND

    Wala iyong sinasabi mo na si Jesucristo ang siyang Espiritu Santo.
    Ikaw ay nagmamarunong ngunit lumalabas na mangmang! Delikado ang mga nagbabasa ng iyong mga pahayag na kapag hindi sinuri baka maniwala sa mga sinasabi mo.

Page 48 of 68 FirstFirst ... 38 47 48 49 58 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Whats Happening

Sub title

The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more

The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more

PROMO: Star Trek
Get a chance to win limited edition Star Trek picnic chairs! view more

Caught Up Default

Sub title

Trailer: The Great Gatsby
Baz Luhrmann directs an ambitious, visually stunning tale of love, dreams, and tragedy in The Great Gatsby. view more

Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more

Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more

Review: One Piece
Is One Piece Film Z an epic nautical adventure worth experiencing? Find out in this review! view more

Review: Trance
Director Danny Boyle delivers tons of twists and turns in this well-written mind-bending action thriller view more

Forums Directory