Salot at Tagumpay
Ang mundo ngayon ay nakakaranas ng mga salot sa iba't ibang panig nito. Ang mga malalaking relihiyong ay nagsasara ng kanilang mga churches tulad ng Iglesia Katolika Romana at ng mga sektang Protestante.
Ang bansang New Zealand na isang bansang Protestante ay nakaranas ng napakalakas na lindol upang gumuho ang mga building maging ang mga churches ay hindi nakaligtas. Maraming nakaranas ng kadiliman.
Ang bansang Japan na ang relihiyon ay Buddhism at Shintoism ay nilindol din at mas grabe ang pinsala dahil sa tsunami at nuclear crisis. Maraming nakaranas ng kadiliman.
Maging ang mga bansang ang relihiyon ay Islam nakaranas ng mga pag-aalsa laban sa kanilang puno ng pamahalaan katulad ng Tunisia, Egypt, Libya, Bahrain, Yemen, Syria, Jordan, Algeria, Iraq, Mauritania, Pakistan, etc. Na-expose at napalitan ang mga pinuno at presidente.
Sa Italy ang prime minister ay nahaharap sa kasong "sex with an under-age prostitute and abuse of power". Ano ang direksyon ng pangyayaring ito? Mas grabe ba ang mga susunod na kabanata? Nasaang panahon na ba tayo?
Ang natitiyak ko mas maraming tatangis sa kadilimang dumarating.
Ang natitiyak ko may parada ng pagtatagumpay na nangyayari sa mga labanan.
Sino ang nagpahintulot na mangyari ang mga ito? Tiyak tagumpay ang natamo ng mga nasa panig ng nagpangyari nito?
Ano ang mensahe ng mga pangyayari?
Bakit nangyayari ang mga ito?
Dapat bang malungkot o matuwa?








Reply With Quote












