PEx Highlights

Watch 'The Legend Ends' Trailer!

Check out the trailer of the final instalment of the Rurouni Kenshin series, 'The Legend Ends.'

read more

MOVIE REVIEW: The Giver

Very promising, but tries too hard to fit in the mold of the Hunger Games/Divergent series.

read more

FIBA FEATURE: Do We Stand a Chance?

Do we really have a shot to make it through? JPM weighs in on the the odds of Gilas Pilipinas in the FIBA World Cup.

read more

Calling All Travel Bloggers!

Wanna get featured in PEx-Travel? Share with us your travel blogs and have your entries promoted around PinoyExchange!

read more

Wake Me Up When You Show Me Your Teeths!

In this week's Show Me Your Teeths!, the ladies talk about the -ber months, the upcoming Bench Fashion Show and the Cosmo Bachelor Bash.

read more

PHOTOS: UE Keep Final Four Dream Alive

Despite not fielding in Roi Sumang, the UE Red Warriors managed to get a 64-55 win over the NU Bulldogs.

read more

Page 1 of 135 1 2 11 51 101 ... LastLast
Results 1 to 20 of 2697
  1. #1

    TV5's Willing Willie: Ang Programa ng Bawat Pinoy Saan Mang Sulok ng Mundo!

    (Thread 2)



    APRIL 16 - Willing Willie sa CEBU!
    MAY - Willing Willie World Tour!
    MAY - TV5 Global Launch!


    Willing Willie official website:
    http://www.tv5willingwillie.com

  2. #2

  3. #3
    naku me abuse nanaman si willie, pinaiyak si pak ngayon lang sa willing willie..hehehehe

    wala bang babati ke pak nang happy birthday dyan?..hehehe

  4. #4

  5. #5
    ^
    nope, about her mother ata, parang di pa nya ata nakita since pinanganak sya, not really sure kasi labas pasok ako sa room ko, nasa labas ang TV at wala akong TV sa room, pinamigay ko na at panay lang ako download nang series and anime e..hehehe

    sure lang ako its her birthday..hehehe

  6. #6
    DAPAT KA NANG SUNUGIN NANG BUHAY, WILLIE REVILLAME!
    ni Abner Afuang, Hataw


  7. #7
    RAFFY TULFO, TO THE RESCUE KAY WILLIE, COMMISSION ON HUMAN RIGHTS INUPAKAN!
    (Sa dami raw ng dapat unahin, nakiki-sawsaw pa sa issue...)
    ni Cristy Fermin, Bulgar

    Inupakan sa himpapawid ng brusko at ma-tapang na komentaristang si Rafffy Tulfo nu'ng Miyerkules nang tanghali ang mga taga-Commission On Human
    Rights (CHR). Tinawag niyang pala-sawsaw ang ahensiya pati na ang tagapamuno nito na si Ms. Etta Rosales.

    Hindi ang programang Willing Willie ang pinag-ugatan ng komentaryo ng host ng Most Wanted ng TV-5, ang isang kababayan nating kasambahay ang
    pinagmulan ng issue, sina-saktan kasi ng kanyang among banyaga ang kababayan nating dumulog sa kanya sa radyo.

    Bukod sa bina-batuk-batukan na ang dalaga ay isinu-subsob pa sa semyento, "Ma-sakit na ma-sakit na po ang ulo ko sa mga pananakit na gina-gawa
    niya sa akin!" panaghoy ng ating kababayan, na ipinagkaila naman ng banyagang nasa kabilang linya ng telepono ng Radyo Singko.

    Pagkatapos niyang kuwestiyunin ang banyaga ay sinabi ng ma-tapang na komentarista, "'Yang mga ganyang kaso ang dapat na pinagtutuunan ng pansin
    ng departamento ng CHR! Ang kapakanan ng mga kinakawawa nating kababayan ang dapat nilang ayudahan at tinu-tulungan! Ang mga ganitong problema
    dapat ang ina-asikaso niyo, mga taga-CHR, 'hindi yung nakiki-sawsaw kayo sa issue tungkol sa batang nag-sayaw sa Willing Willie para lang kayo
    mag-ingay, para mapag-usapan kayo, para kayo sumikat.

    "Bakit, Aling Etta Rosales, masyado mo na bang na-miss ang limelight? Napakarami niyong dapat unahing problemahin, napakaraming kababayan natin
    ang mina-maltrato ng mga banyaga, sila ang dapat niyong tulungan at hindi 'yung ganyan na sawsaw kayo nang sawsaw sa controversy ni Willing
    Willie!" dire-diretsong komento ni Raffy Tulfo.

    Naki-sabay na rin kasi sa agos ng kontrobersiya ang CHR, tulad din ng DSWD, kaya ang sabi uli ni Raffy Tulfo, "Bakit si Willie at ang show
    niya ang pinagiinitan niyo? Bakit hindi niyo sisihin ang mga magulang ng bata na beinte-kuwatro oras niyang kasama? Minsan lang nag-punta ang
    bata sa Willing Willie, naging contestant lang du'n at sumayaw, ano ang kasalanan du'n ni Willie Revillame? Malay niyo, baka may isang network
    diyan na nag-maniobra nito!

    "Wala akong binanggit na network, isang network lang ang sinabi ko, napakaraming network diyan, Nina (Taduran, ang kanyang co-host sa programa)!"
    mariin pa ring komentaryo ng bruskong TV host-radio commentator.

    Nakaka-lungkot isipin, pero totoo, halos ma-takpan ng kontrobersiyang ito ang pag-bitay sa tatlo nating kababayan sa China. Kahit saan ka
    mag-punta ay ang isyu tungkol sa pag-sa-sayaw ni Jan-Jan Suan sa Willing Willie ang pinag-u-usapan, kinu-kumusta ng kanyang mga taga-suporta si
    Willie, ganu'n ka-sarap pakisawsawan ang kuwentong ito.

    Pati ang mga artistang kuma-kalaban kay Willie ay inu-upakan din ngayon ng mga ka-kampi niya, sakdal-linis daw ba ang mga personalidad na 'yun
    para kunwari'y maki-simpatiya sa bata, samantalang hindi naman nila alam ang puno't dulo ng istorya?

    Laman ng mensahe sa text na tinanggap namin, "Ito namang si Aiza Seguerra, akala mo kung sinong moralista kung mag-komento tungkol kay Willie?
    Upak siya nang upak, eh, siya nga, hindi niya malaman kung ano talaga siya? Mag-compose na lang uli siya ng kanta para ma-sundan na ang hit
    song niya noon. Huwag na siyang maki-sawsaw pa, hindi rin naman pinakikialaman ni Willie ang pagka-tomboy niya!" kabuuang laman ng mensahe.

    Ganyan talaga ang magiging labanan kapag nakiki-sawsaw ang mga artista sa mga isyung kinapapalooban ng mga kapwa nila artista rin, paksiyun
    paksiyun na ang upakan, hanggang sa magkasawaan na sila.

  8. #8
    ^ hahaha tama yan. daming problema sa bansa.

    ang going bulilit na imbestigahan na ba?

    kahit na may DOLE permit di pweding magmacho dancing, ang sagwa tingnan.

    kasama pa naman ang anak ng director ng show. kakasuka talaga

  9. #9
    Quote Originally Posted by CaRm3nRoSal3s View Post
    ^ hahaha tama yan. daming problema sa bansa.

    ang going bulilit na imbestigahan na ba?

    kahit na may DOLE permit di pweding magmacho dancing, ang sagwa tingnan.

    kasama pa naman ang anak ng director ng show. kakasuka talaga
    sisihin mo ang mtrcb. kasi sila nag-aaprove ng mga shows bago ito ipalabas. except of course pag live. di naman kasi ipapalabas yan kung hindi nila inapprove. kaya wag ibunton ang sisi sa goin bulilit. at wag ilihis ang issue.

  10. Apr 5, 2011, 12:00 AM

  11. Apr 5, 2011, 12:33 AM

  12. Apr 5, 2011, 12:38 AM

  13. #10
    Quote Originally Posted by rock_lee View Post
    HAPPY BIRTHDAY PAK

    Walang hiya sila! That's exploitation!

  14. #11
    Napaka fishy naman yung claim nung tatay ni janjan na may gustong mag offer ng scholarship kay janjan in exchange na ilaglag nila si willie. Unang una, ganon ka ba kaloyal kay willie at imbes na masecure ang future ng anak mo eh pagtatanggol mo ang taong pinagmukhang ***** ang anak mo sa tv? At baka naman kase si willie na mismo ang nagbigay ng pera sa kanila para ipagtanggol si willie. Kakataka lang kse mega tanggol sila kay willie..

  15. Apr 5, 2011, 04:10 AM

  16. #12
    DSWD, CHR, GABRIELA, MGA SAWSAWERA!
    ni Cristy Fermin, Bandera

    Kung ti-tingnan mo ang pila ng mga kababayan natin sa labas ng TV-5 ay parang walang kontrobersiyang kinapapalooban ngayon si Willie Revillame.
    Sobrang haba pa rin ng pila, bata at matanda ay nag-ti-tiis ma-bilad sa araw, talagang walang pakialam ang mga kababayan natin sa mga upak na
    ina-abot ngayon ng Willing Willie sa mga broadsheets.

    Alam nila ang kuwento ni Jan-Jan Suan, napanood nila 'yun, at nagkaka-isa sila sa pagsasabing wala namang malisya ang ginawang pag-sa-sayaw ng
    bata sa Willing Willie. Para sa kanila ay simpleng pag-sa-sayaw lang 'yun ng isang inosenteng bata, walang kabastusan, lalong hindi kinawawa si
    Jan-Jan dahil sarili namang kagustuhan ng kanyang mga magulang ang pag-sali nito sa primetime show.

    "Tumigil na nga ang mga pulitikong nakiki-sawsaw sa kuwento ng bata! Ang dami-daming problema ng bayan na dapat nilang unahing bigyan ng lunas,
    huwag na silang maki-sali pa sa ganitong issue na halatado namang gina-gamit lang nila para sila mapag-usapan!" inis na sabi ng isang nanay
    na na-kausap namin sa parlor ni Bambbi Fuentes.

    Nakiki-sawsaw kasi agad sa kontrobersiya ang DSWD, ang CHR, ang Gabriela at iba pang grupong sumi-sigaw ng katarungan para sa batang kinawawa
    raw sa show ni Willie. Ano ngayon ang magiging laban nila, samantalang mismong ang mga magulang ni Jan-Jan Suan ang nag-di-diin na walang
    na-ganap na exploitation at child abuse nu'ng sumali ang bata sa Willing Willie? Meron pa bang isyu ngayon tungkol du'n?

  17. #13
    Cristy, Makitid Ang Utak Sa Pagtuligsa Kay Aiza
    ni Alfie Lorenzo, Abante Tonite

    HAY! Salamat naman at wala nang kalaban si Kuya Germs sa Walang Tulugan dahil mula nga*yong Lunes, 10:00 AM na ang timeselot ng Juicy nina Cristy Fermin, Mo Twister, IC Mendoza, Alex Gonzaga at Shalala (na naawa raw kay Kuya Germs at ayaw niyang tapatan mismo ang pinag-extra-han niyang midnight show)!
    Pre-programming at ka-back-to-back na ng Face to Face ang Juicy.

    Sigurado akong ang magiging pinaka-juicy and center of discussions ng Top 5 Chikadora ay ang kinasasangkutan na namang issue ni Willie Revillame.

    Sikat na talaga si Willie in whatever way you look at it and look at him kaya sari-sari ang mga nakikisawsaw (inclu*ding me? Hahahaha!!!) , good or bad (and others evil pa nga!) ay posted na sa Facebook, Youtube, Twitter, blogs at kung saan-saan pang puwedeng makita at mabasa.

    Heto ang email ni Ed Nunez (ednun2775 ang gmail username) who wants to share his opinions, particularly, on Cristy Fermin, known as the number one defender of Willie Revillame!

    So, read on and react... if interested!

    “My writing is about the recent controversy that hounded this controversial host, Willie Revillame, over a six-year old kid na sumayaw ng macho dancing on national television sa kanyang programang Walang-Wala (este Wiling-Wili raw).

    “Nagsanga-sanga na ang isyung ito at sa huling account ay nagkakapersonalan na ang mga banat, birada o tirada sa mga taong nagbigay lamang ng kanilang POV (point-of-view) sa kontrobersyang ito as against sa mga taong nagtatanggol (parang isa lang naman yata) sa nasabing host.

    “Hindi dapat dumadating sa personalan ang mga atake.

    Kung gusto mong ipakita ang pagpapahalaga mo sa isang tao na malapit sa iyo dahil natutulungan ka nang husto o nabibiyayaan ka ng marami, ipakita mo sa madlang mambabasa mo ang kahusayan mo sa pakikipagtalastasan (in print media).
    Hindi mo kaila*ngang manlibak, manlait at mambastos!!!

    “I am referring to Cristy over her discriminatory and derogatory remarks on Aiza’s comment about Willie’s recent issue.

    “You can write and say everything you want in defense of the person whom you considered close friend but guard your emotions moreso your write-ups.

    “You are a co*lumnist, and being that, entails a big responsibi*lity to your readers and followers (ilan nga ba?) na makakabasa ng iyong mga isinusulat.

    “Ang recent na depensa mo kay Willie at pagtuligsa kay Aiza bilang imoral dahil sa kanyang kasarian ay hindi lamang uncalled for kundi nagpapakita lamang ito ng kakitiran ng iyong utak!

    “Bago ka magsalita ng kung anu-ano sa iyong kapwa ay pakitingnan mo muna ang iyong sarili dahil tiyak kong makikita mo kung ano ang iyong sinasabi.

    “Pwede kang maging matapang, higit pa kay Sen. Santiago, subalit ilagay mo sa tamang lugar…

    “Cristy, huwag mong gamitin ang mikropono sa walang kuwentang bagay o paghamak sa iyong kapwa.

    “Huwag mong gamitin ang iyong makinilya at papel para ipakita mo ang iyong pagiging ma*l-edukado o kagaspangan ng pag-uugali, pamemersonal at pagiging atribida.

    “Ilagay mo ang iyong sarili sa tamang lugar.

    Hindi porke’t kaibigan mo ay idedepensa mo kahit wala ito sa tamang lengguwahe.

    “Tularan mo ang katoto mong si Boy Abunda na isang mabu*ting ehemplo sa iyong komunidad.

    He can be harsh in his opi*nion kung kinakaila*ngan at nararapat pero he can be tame sa mga isyung hindi na dapat pinalalaki.

    “Tumulad ka rin kay Ka Alfie na ipinapapakita ang kanyang katapangan sa mga taong walang kwenta o utang na loob, pero nag-iingat din siyang i-overexpose ang mga ito (sa mga [sekretong] bagay na personally ay may alam siya) lalo at hindi dapat.

    “Napanood mo ba ang nasabing video ng bata?

    Kung oo, malamang siguro na katulad ka rin ng tita nu’ng bata na tuwang-tuwa at nagtatalon habang pinanood niya ang umiiyak na batang pinagkakatuwaan ni Willie over P10K price?!

    “Bilib ako kay Aga Muhlach. Tulad mo, kaibigan ding itinutu*ring ni Aga si Willie.

    Pero tama ang kanyang ginawa na hindi siya nagbigay ng anumang komento (kahit sabihin pang importante ito bilang isang mabuting ehemplo na nakakatulong sa mga taong may kapansanan at nakapagbibigay ng maraming trabaho sa bayan) tungkol sa isyu at kay Willie.

    “He politely declined to comment to the media simply because what he will say will not matter, bagkus ay baka malagay pa siya at ang kaibigan niyang si Willie sa kahiya-hiyang sitwasyon.

    “Lahat tayo ay may moral/immoral na isyu sa buhay.

    Nagkamali tayo minsan, pero hindi nangangahulugan ito na bawat isa sa atin ay may karapatang hamakin ang ating mga pinagdaanan o pinagdesisyunan sa buhay.

    “Wala ka na roon. Buhay mo ang intindihin mo at isipin mo.

    “Gamitin mo ang iyong propesyon para maging isang mabuting ehemplo sa bayan.

    Kung kinakailangan, tularan mo si Rizal na ginamit ang kanyang talino sa pagsusulat sa makabuluhang bagay na pumukaw sa damdamin ng mamamayan na magpahangang ngayon ay pinakikinabangan ng bawat isa sa atin…”

  18. #14
    Congratulations Sa New Thread!

  19. #15
    Willie-nilly
    Inside Business Agenda
    By EM P. GUEVARA
    April 4, 2011, 12:32pm

    MANILA, Philippines -- I never thought I’d see the day when I will come this close to “defending” Willie Revillame.

    We all know the issue by now, the ruckus that ensued from the March 12 episode of “Willing-Willie” on TV5 where six-year-old Jan-jan showcased his macho dancing skills to the audience’s profound amusement. Everything was fine on the set after that. Jan-jan and family were ecstatic over the unexpected good fortune of their “pambato” getting all that attention and twice as much money than the usual amount given to show contestants. Willie and the show were feeling victorious over a segment that generated that much spontaneous laughs for everyone involved—the host, the audience, the show’s regular TV viewers.

    But then the video clip finds its way to youtube and netizens soon get wind of it and an uproar ensues. The image of the crying boy doing macho dancing offended countless sensibilities, mostly of people who are not regular (or even irregular) watchers of the show. The outcry eventually translates to official complaints to the Department of Social Welfare and Development (DSWD) and the Commission on Human Rights (CHR), both of which eventually issue statements that what occurred constituted child abuse. People went on and on about how they found the child to have been publicly humiliated, traumatized and bullied by Willie Revillame. Blame was also pinned on the parents for teaching Jan-jan how to macho dance, and to do so for money.

    I myself am familiar with how Willie conducts his show because my helper before liked to watch “Wowowee”. This is why when I saw the video in question, I saw it to be not much different from the fare that Willie’s show churns out on a daily basis. Was it inane? Yes. Was it silly? In many parts, yes. Was it funny? It had its moments, yes. Was there abuse?

    The Points

    First, the crying. Almost all, if not all, of the contestants in Willie’s show cry. They are just so happy to have made it after the days of lining up and the auditioning among thousands of other hopefuls. And they are joyous to meet Willie in person, so they cry. I am not saying here that I find a child crying to be something good and positive. I am just stating the most probable reason Jan-jan was crying at the time.

    Second, the macho dancing. The boy’s act was originally to the tune of “Careless Whisper,” of Hayden Kho fame, hence the macho dancing. The family thought it was entertaining, and the audience obviously did too. I am not saying it is a good thing to make children dance dances with sexual overtones. I remember many years ago when I was interviewing top choreographer Douglas Nierras and he was ranting precisely about this, about how all the dancing on TV is pretty much sexual, even lewd, and I couldn’t agree more.

    Third, Willie’s hosting and the segment stretch. Willie was fooling around with the kid, playing up his answers and reactions to elicit laughs. That’s what Willie does. Jan-jan ended up dancing several times on cue to the same tune, and his spontaneity and the kind of moves he was making made the audience laugh and laugh and laugh some more. True to form, Willie and staff squeezed the entertainment value of Jan-jan’s act, as they are wont to do with every contestant whose antics prove to be a hit.

    Inane

    Here’s the thing…the show is inane. Countless versions of this kind of entertainment is what it offers day in and day out. It just so happened that the image of a crying boy doing macho dancing had a different kind of impact on the people who saw the video on the net. The moralists got fricking mad and the maternal instincts of many women got triggered. But I hold that you cannot take this incident out of its context if you really want to give it a fair assessment. But is it even possible in this case? Apparently not.

    The hatred for Willie among the parties that caused the uproar is so strong and palpable that he didn’t stand a chance. Here was a person who not only can do no right anymore in the eyes of the thinking, educated Pinoy, but whose wrongs will be magnified to the high heavens and used to sink him as low as is possible when such wrongs occur.

    The thing is many of those who reacted said that they couldn’t even watch the entire segment because their hearts already broke at the sight of the weeping, dancing child. And I dare put forth that majority of those who posted comments all over cyberspace have not watched, do not watch and have no intentions of watching this particular show or any of its kind. Sorry, but that’s really tantamount to reviewing a movie without watching it, of judging a meal without tasting it, and so forth. If you do not know and understand the nature of the show and of the people who participate in it, how can your assessment of what goes on in it be valid or close to the truth?

    Damned if he does…

    The real problem I believe is expressed perfectly by UP professor and respected writer Neil Garcia. At the height of the controversy, he posted the following in his Facebook wall, and I quote: “We’re shocked every time we see glimpses of just how abject and desperate our fellow Filipinos have become, who—after all—are simply trying to survive on a daily basis. We’re shocked when we see how easily media uses them for entertainment and for the production of images of ‘misery porn.’ I think what’s really shocking is what all this actually says about us, who live in this country blissfully unaware (by choice or by simple indifference) of the reality of its chasmic cultural (in truth, economic) divides. We feel offended because this shy, poor, and teary-eyed boy has been so blatantly exploited and turned into a spectacle by the shady unethical mass media multimillionaire with shady political affiliations. I think we should be more offended that occasionally feeling offended is all that we can permit ourselves to do. Oh, the pathos of the haves faced with the stark and irrefutable suffering of the have-nots...”

    Damned if he does, damned if he doesn’t—that’s Willie in this scenario. He is deemed the devil incarnate, when in fact, what should be questioned, if we are to question something, is why no moves are being made to get ALL inane shows off the air, once and for all. (Then where would Willie be after that, right?) The harsh truth is that it’s all about the money, it’s all about the bottom line. Here’s what an urban markets specialist has to say about the issue: “I really find it funny that DSWD and CHR collectively joined forces to lash out at Willie Revillame. Pwede ba, wag kayong OA, dami ninyong dapat asikasuhin na mas may katuturan! Why the ruckus on this particular episode? Inane shows pervade the airwaves. And such inanities pervade because the people who should crack the whip to elevate the standards of TV shows are sleeping on their jobs and those who rule it are not looking beyond the bottom line! And now the moralists all come down from heaven to castigate! C’mon....”

    The discussions will perhaps continue but I rest my case.

    Feedback is welcome at mb.businessagenda@gmail.com. “Like” our official Facebook page at www.facebook.com/MB.BizAgenda.

  20. #16
    No photo
    The sins of the father... of a macho-dancing kid
    STAR BYTES By Butch Francisco (The Philippine Star) Updated April 05, 2011 12:00 AM Comments (0) View comments

    Photo is loading...

    | Zoom

    In the mid-‘60s, the famous parents of the late master rapper Francis M., Pancho Magalona and Tita Duran, had a weekly sitcom in the old ABS-CBN called Pancho Loves Tita. In scenes where they were supposed to retire after a long day filled with comic twists and turns, they were shown going to sleep in separate beds.

    Off-camera, as a properly married couple Pancho and Tita already had several kids that time between them, Francis M. included (he was still a baby then). And yet they couldn’t be shown on TV sharing one matrimonial bed, which I can imagine was what they had in their home in Mandaluyong (then still Rizal).

    However, foolish as it may have seemed, that was what the guardians of morality in media dictated in those days.

    A decade later, in ‘Yan ang Misis Ko, Rosa Rosal and the late Ronald Remy, playing husband and wife in the sitcom, were already allowed to be shown chatting in their huge bed like most couples do before retiring at night.

    Rules obviously change through the years and society becomes more permissive. All that is supposed to be part of progress.

    The very controversial video clips (all on You Tube) of six-year-old Janjan Suan dancing in Willing Willie, however, beg for a re-examination of values.

    The kid came out on the show twice. The first time was when he did the macho dancing in tears. When howls of protest — all screaming child exploitation — flooded the Internet, the show had to do damage control.

    Janjan’s comeback performance did save host Willie Revillame’s skin, but only up to a certain layer (his detractors will always blame the ugly incident on him). His redeeming value came the second time around — when he stopped the kid from rendering a Michael Jackson routine that began with the boy touching his crotch, like the late Jacko did in many of his performances that have all been immortalized on videos.

    Willie, at least, was sensible enough to have prevented further damage when he restrained the kid from proceeding with the Michael Jackson dance. He and the program displayed remorse — in due fairness.

    Unfortunately, Janjan’s second appearance in Willing Willie proved to be even more disturbing. Of course, that was done to save the show from trouble. And so they brought in the kid’s parents, plus the little sister, who mechanically kept wiping the tears off Janjan’s eyes.

    Why was the boy constantly in tears in the first place? Did the parents drag him to the show against his own volition? Was he really just scared of that giant of a man Bonnel Balingit, who was in the studio? Then why was he still crying the second time around? Was Balingit still there?

    Or is there something medically wrong with his lachrymal glands? I’m not making light of the kid’s situation, but maybe medical experts should also look into that possibility.

    What proved truly appalling and bothersome in Janjan’s return engagement were the statements issued by the parents. Forgive me, but I have to give it to them straight: Their sense of values are warped. It’s all about money, money, money.

    Is it their fault that they’re that way? It’s easy to condemn and crucify them. But should we? Actually, they are also victims of this sick society that can no longer distinguish right from wrong. We’ve lost it — our moral compass. Even I am not sure if I can still spell scruples correctly. What does it mean again?

    Blame it on poverty, corruption, politics and even modernization. There are so many factors why we’ve gone astray.

    First, there was World War II that turned us into beasts. Japan also suffered with that war they started. But they recovered — economically, especially morally. No looting during that last major calamity.

    Then came Marcos — and the succeeding administrations.

    Media has also committed a lot of sins against humanity. As a showbiz talk show host, who will kill for the ratings, even I am guilty of some crimes.

    But how do we correct the damage? That will take time, but we have to start somewhere. This Janjan Suan episode should serve as another wake-up call for all of us, especially those in media.

    Okay, no more macho dancing for six-year-old kids on TV. But what about those little girls who join kiddie pageants and gyrate during the talent portion like they had been trained by bikini-clad performers in the seediest of girlie joints?

    There is a lot of cleaning up to do. In media, let us be more careful with what we say and present on television. In the field of government, maybe politicians can begin by not grandstanding and using this ongoing controversy to gain more media mileage. That may just be a little step, but it is a start.

    In his Funfare column last Saturday, Ricky Lo already suggested to Dinky Soliman, secretary of the Department of Social Welfare and Development, to also pay attention to the plight of the street children. That’s a perennial problem that had long been hounding this country and it had always been my fervent wish to see the end of it.

    My suggestion, however, is for Secretary Soliman to send a team of social workers to the Suan home regularly and monitor the environment there. The Suan elders (including the uncle who taught Janjan the macho dancing moves) should also be given counseling.

    And I bet that they are not the only set of parents who need proper guidance on how to raise children and be told what values to teach them.

    Materialism has destroyed our moral fiber. I can only hope this entire Janjan Suan brouhaha will be the one factor to trigger us to move and take steps to make ourselves whole again.

    When that happens, I’ll dance with joy. Macho dancing? Why not? I’m not six.

  21. #17
    Close relatives of Willing Willie child contestant issue separate sworn affidavits
    Philippine Entertainment Portal Inc

    Isa sa pinanghahawakan ng kampo ni Willie Revillame ay ang mga isinumiting affidavit ng mga malapit na kamag-anak ni Jan-Jan Suan—ang anim-na-taong-gulang na naging contestant ng Willing Willie nung March 12, 2011 episode nito.

    Kasalukuyang nahaharap sa paratang na child abuse ang primetime variety-game show program matapos umalma ang ilang grupo at sektor. Ang pakiramdam nila ay nagkaroon ng paglabag sa karapatan ng batang contestant. (CLICK HERE to read related article.)

    Ngunit dinepensahan naman ni Atty. Leonardo de Vera ang programa at ang main host nito na si Willie Revillame sa pagsabi na walang naganap na paglabag. Alam daw ni Jan-Jan ang kanyang ginagawa at kusang loob niya itong ipinamalas sa harap ng kamera.

    Para pagtibayin ang kanilang argumento ay minabuti ng kampo ni Willie na hingan ng sworn statement ang ilang kamag-anak ni Jan-Jan.

    Makakatulong raw ito, ayon pa kay Atty. de Vera, para malinaw na maipakita na hindi ideya ng programa ang "sexy" dance number na ipinamalas ni Jan-Jan nung sumali ito.

    Nauna nang nailathala dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sinumpaang salaysay ng mga magulang ni Jan-Jan na sina Joe at Diana Suan. (CLICK HERE to related article.)

    Ang dalawang kamag-anak pa ni Jan-Jan na nagsumite ng kanilang affidavit ay sina Argie Estrada at Jocelyn Santiago.

    UNCLE'S STATEMENT. Sa kanyang isinumiteng affidavit ay sinabi ng tiyo ni Jan-Jan na si Argie Estrada na siya ang nagturo sa kanyang pamangkin ng istilo ng pagsasayaw na napanood ng publiko sa March 12 episode ng Willing Willie.

    Hindi na raw bago ang ganung klaseng sayaw para sa kanyang pamangkin dahil nagawa na rin niya ito sa maraming okasyon, katulad ng school programs, piyesta, at iba pang masasayang pagdiriwang.

    Katulad ng sinumpaang salaysay ng mga magulang ni Jan-Jan, na sina Joe at Diana Suan, naka-notaryo rin ang pahayag ni Argie at ito ay pinirmahan ni Atty. Chino Paolo Z. Roxas nung April 2, 2011 sa lungsod ng Pasig.

    Narito ang nilalaman ng buong affidavit ng tiyuhin ni Jan-Jan na si Argie Estrada:

    Ako ang tiyuhin ni John David Suan, na may nickname na Jan Jan. Ang kanyang tatay, si Joe Suan at ako, ay magpinsang buo. Ako ay nakatira sa bahay nila Jan Jan.

    Masayahin kaming pamilya. Libangan at hilig namin ang kantahan at sayawan sa bahay. Kadalasan, pag nakikita ako ni Jan Jan na sumasayaw sa bahay ay sinasabayan at ginagaya niya ako pati na rin ang aking isang pamangkin na si Jillian Suan, tatlong taong gulang. Me marinig lang na tugtog ang mga pamangkin ko, sumasayaw na sila. Lahat kami ay mahilig sumayaw, isa sa mga sayaw namin ang sinayaw ni Jan Jan sa Willing Willie.

    Dahil mahilig sumayaw, si Jan Jan ay sumasayaw din sa paaralan. Sumali din siya sa Little Mr. SM sa Mall of Asia para mas lalong ma-develop ang talent niya sa pagsayaw. Nung pista nga sa may Culiat, Quezon City noong January 2011, may talent show kung saan nagsayaw din si Jan Jan katulad ng sayaw niya sa Willing Willie. Nasiyahan naman ang mga tao at pinuri siya. Mahilig din ipakita ni Jan Jan ang kanyang talent sa pagsayaw sa mga bertday at ibang selebrasyon ng pamilya.

    Nung nag-audition si Jan Jan para sa Willing Willie, ako ang nagturo ng kanyang sayaw. Sinamahan ko siya sa kanyang audition, at nakita namin kung gaano karaming bata ang gustong sumali. Mainit, maingay, at sobrang dami ng tao pero pinagtiyagaan namin dahil gusto talaga ni Jan Jan na sumali. Nung siya na ang magpapakita ng talent, sumayaw si Jan Jan sa tugtog ng "Careless Whisper," katulad din ng sayaw na ipinakita namin noon sa pista ng Culiat.

    Ang turo ko kay Jan Jan, kapag sumasayaw siya, dapat seryoso ang mukha niya kasi seryoso ang sayaw. Sinunod naman niya ito. Kapag kasi nakangiti siya, hindi akma ito sa sayaw at magmumukha siyang katawa tawa.

    Nung nakuha siya bilang isa sa mga contestants para sa Marso 12, 2011 palabas ng Willing Willie, mas lalo ko siyang inensayo para sa sayaw niya. Seryoso yung sayaw, kaya dapat seryoso din ang mukha niya. Ito ang turo ko sa kanya.

    Kaya nung nagsayaw na siya sa Willing Willie noong Marso 12, 2011, alam na niya na dapat seryoso ang mukha niya. At sinunod naman niya, bagkus naluha pa siya.

    Pinapatunayan ko na ang lahat ng nakasaad dito ay pawang katotohanan lamang at kusa ko itong isinalaysay at nilagdaan ngayong ika-2 ng Abril 2011.

    AUNTIE'S SIDE OF THE STORY. Nagbigay rin nang pahayag ang tiyahin ni Jan-Jan na si Jocelyn S. Santiago sa pamamagitan ng isang affidavit.

    Matatandaang si Jocelyn ang kasama ng batang contestant sa loob ng studio nang sumalang ito sa larong "Wiltime Bigtime" na isang segment ng Willing Willie. Si Jocelyn ang nakitang humiling ng yakap kay Willie.

    Sa kanyang salaysay ay binanggit ni Jocelyn na kaya umiyak ang kanyang pamangkin ay dahil sa natakot ito nang makaharap ang dating PBA (Philippine Basketball Association) player na si Bonel Balingit.

    Ito raw ang tunay na rason kung bakit napaluha si Jan-Jan at hindi dahil sa napipilitan ito sa ginagawang pagsasayaw.

    Pirmado rin ni Atty. Chino Paolo Z. Roxas ang dokumento at nakasaad na ito ay sinumpaan ni Jocelyn sa kanyang tanggapan sa Pasig City.

    Narito ang salaysay ni Jocelyn sa buong pangyayari:

    Ako ang tiyahin ni John David Suan, na may nickname na Jan Jan. Ang kanyang tatay, si Joe Suan at ako ay magkapatid.

    Ako ang sumama kay Jan Jan nung sumali siya sa palabas na Willing Willie noong March 12, 2011. Sa larong Wiltime Bigtime, ako ang pinakilala ni Jan Jan na kasama niya. Ako ang nagsalita at nagbigay ng paalala kay Jan Jan.

    Saksi ako kung gaano kagaling sumayaw ang pamangkin ko sa palabas. Nakita ko rin kung gaano kasaya ang mga tao nung sumayaw si Jan Jan.

    Pagkatapos niyang magsaya, pumunta siya sa akin at sinabing kaya siya umiyak ay natakot siya sa "kapre," ibig niyang sabihin, kay Bonel Balingit. Hindi ko naman siya tinanong kung bakit siya umiyak pero kusa niyang sinabi na umiyak siya dahil natakot sa "kapre."

    Ang pamangkin kong si Jan Jan ay iyakin. Konting saway lang yan ay umiiyak na. Kaya hindi na ko nagtaka nung umiyak siya sa palabas na Willing Willie dahil natakot sa "kapre."

    Pinapatunayan ko na ang lahat ng nakasaad dito ay pawang katotohanan lamang at kusa ko itong isinalaysay at nilagdaan ngayong ika-2 ng Abril.

  22. #18
    Kanta ni Aiza, banned sa Willing Willie?

    ***Pinabulaanan ni Jay Montelibano, ang business unit head ng Willing Willie, ang balita na banned sa Wiltime Bigtime segment ng kanilang show ang mga kanta ni Aiza Seguerra dahil sa mga pagbatikos nito kay Willie Revillame sa Twitter.


    Ayon kay Jay, iginagalang nila ang opinyon ng ibang mga showbiz personality tungkol sa bagong kontrobersya sa Willing Willie.


    In fact, ang kanta ni Aiza ang isa sa mga pinahulaan sa contestant ng Wiltime Bigtime habang mainit na mainit ang isyu tungkol sa pagsasayaw ni Jan Jan.


    Last week, isang contestant na look-alike ni Aiza ang kasali kaya nagbiro si Willie na “May kamukha ka na singer, tweet nang tweet.”


    Bukod kay Aiza, binabatikos din ni Monique Wilson si Willie. Mahaba ang litany ni Monique sa open letter niya para sa mga kapwa artist sa Pilipinas.


    Hindi lamang si Willie ang binatikos ni Monique dahil idinamay rin nito ang TV5 at ang ABS-CBN.


    Dahil na rin siguro sa matinding bugso ng emosyon, hindi napansin ni Monique na mali ang spelling ng pagkakasulat niya sa pangalan ni Willie. It’s Willie, not Willy.


    ***


    Para kay Willie, eye opener sa ating lahat, lalo na sa mga magulang, ang kontobersya na idinulot ng macho dance ni Jan Jan Suan habang umiiyak. Nakita natin ang klase ng pagpapalaki kay Jan Jan ng mga magulang nito, particularly ang kanyang ama na gustong-gusto na maging artista ang anak.


    Maraming Jan Jan sa ating paligid at magugulat tayo kapag nalaman natin na mas matitindi ang mga pinagdaraanan nila sa mismong kamay ng kanilang mga magulang.

  23. #19
    AIZA GALIT NA GALIT SA GINAWA NI WILLIE?!
    ni Jobert Sucaldito, Bandera

    sana naman, tigilan na ni Willie Revillame ang mga drama niyang bakit hindi raw unahin ng gobyerno ang napakaraming problema ng bayan kesa
    pagtuunan daw ng pansin ang simpleng pag-ma-macho dancing ng isang bata sa kanyang TV show.

    Iyan na nga ba ang sina-sabi natin, kapag may mga ganyang kontrobersiyang luma-labas, ang unang ga-gawin ay i-lihis ang atensiyon ng publiko.
    Hindi talaga hina-harap ang tunay na issue. You've committed a violation, naka-gawa ka ng isang pagkakamali, harapin mo. Huwag nang mag-turo
    ng ibang tao. Confront the issue squarely.

    May kanya-kanyang ahensiya ng gobyerno ang huma-hawak ng iba't-ibang uri ng problema at kalamidad sa bansa - at ang issue rito ay ang pang
    aabuso sa isang batang nagngangalang Jan-Jan sa programa niyo. And this is a serious case, huwag kayong umastang parang wala lang dahil
    basta may bata nang sangkot sa usapin, ibang istorya na 'yan. Kailangang mapangalagaan ang karapatan ng bawa't bata rito sa ating bansa.

    Kasi sa nakikita namin, instead of sincerely apologizing, gusto pa yata ni Willie na paniwalain ang sambayanan na wala siyang nagawang kasalanan
    o pagkakamali man lang. He may not be aware, pero he did. Ngayon, iyon ang dapat niyang ma-realize. Hindi 'yung kiyemeng pina-tawag pa ang
    mga magulang ng bata para ipag-tanggol sila. Marami nga ang nag-tanong sa amin kung totoo raw ba na inabutan ng Willing Willie ng malaking
    dahtung ang ama ng bata kaya gaoon na lang ang tono ng pag-ta-tanggol nito kay Willie at sa nasabing palabas. Ang sagot naman namin, ano ba
    sa tingin niyo?

    The issue here is - may kailangang panagutan ang Willing Willie dahil sa ginawa nila kay Jan-Jan. Iyon ang siguraduhin nilang malusutan.
    To prove to the world na wala silang kasalanan, galingan nila ang defense nila kumbaga. Kasi nga, nakaka-aliw nga naman tingnan na ang isang
    6-year old boy ay nakaka-sayaw ng isang very sexy dance number. Pero noong pa-ulit-ulit nang pina-gawa iyon sa bata, hindi na siya nakakatuwang
    tingnan, nakaka-awa na ang bata, 'di ba?

    Hay naku, akala kasi ng iba diyan, puro pera-pera na lang ang labanan sa mundong ito. Meron tayong moral obligation sa bawa't isa sa atin.
    Hindi mo naman kailangang maging moralista para maging tama, maging sensitive ka lang kahit paano sa iyong kapwa. Huwag nang i-tama ang mali,
    Willie. Mali talaga iyon, kahit saan mo pa anggulong tingnan.

    "Dapat sisihin diyan ang production ng Willing Willie. Huwag si Willie kasi host lang siya," anang isang supporter naman ni Willie. "Paano
    mo sisisihin ang production ng show gayong si Willie naman ang may control ng buong show, aber? Kapag gusto niyang gawin ang something sa show
    niya, sino kaya ang makaka-pigil sa kanya, sige nga? He calls every shot in the show, he controls the flow of the whole show, mind you,"
    sagot naman ng isang malditang kumontra.

    Na-pasok din ang pangalan ni Aiza Seguerra sa issue dahil grabe ang poot ng singer sa pangyayari. Galit na galit siyang nag-pahayag sa kanyang
    Twitter account ng kanyang mga saloobin. Ayon pa kay Aiza, parang hindi na raw natuto itong si Willie sa maraming beses nang pagkakamali at
    pang-hi-hingi ng patawad nang pa-ulit-uli ever since, na may point naman, 'di ba? Para kasing nakaka-sawa na ang pag-hingi ng sorry niya sa
    bawa't sablay na na-ga-gawa niya.

    Nag-pahayag naman si Willie na may patama sa mga artista na huwag na raw makialam dito, tumulong na lang daw sila sa ma-hi-hirap. Ang tanong,
    totoo ba talagang pag-tulong sa ma-hi-hirap ang pakay o pagkakitaan ang ma-hi-hirap? What do you think? Just asking!

  24. #20
    Reklamo Sa Inabusong Bata, Parang Tsunami Ang Epekto
    ni Salve Asis, PSN

    MANILA, Philippines - Nagsimula na pala kahapon ang imbestigasyon ng MTRCB sa pangu*nguna ni Chairman Grace Poe-Llamanzares sa issue ng pang-aabuso umano ng programang Willing Willie sa anim na taong gulang na bata na si Jan Jan Suan.

    Sa interview kay Chairman Llamanzares, sinabi niyang imbitado ang mga concerned citizen na makinig sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

    Pero bawal ang live coverage katulad ng sa Senate at Congress dahil puwede raw itong maka-distract lalo na sa mga taong magbibigay ng kanilang mga paliwanag sa issue.

    Sa kanilang website lang magkakaroon ng update.

    Parang tsunami ang lakas ng epekto sa marami nang ginawang pagsayaw na parang isang macho dancer ng anim na taong gulang na bata sa programa para kumita ng halagang P10,000.

    Nauna nang nag-sorry ang TV5 at ang host ng programa pero consistent ang programa sa pagsasabing wala silang kasalanan at ipinakita pa nila ang isang video pa na nagsasayaw ng malaswa ang bata nung apat na taon gulang pa lang ito - na isa pang mas matibay na ebidensiya na exploited nga ang bata at tino-tolerate ng magulang at ang the height pinagkakitaan pa imbes na sawayin.

    Sinabi ng magulang ng bata na wala silang nakikitang exploitation sa nangyari pero ayon kay MTRCB Chairman Llamanzares kung ‘yun ang tingin ng mga magulang ng bata, ang gobyerno na ang makikialam dahil menor de edad si Janjan.

    Walang bahid ang kredibilidad ni Chairman kaya walang puwedeng mag*sabi na nakikisawsaw lang siya sa issue.

Page 1 of 135 1 2 11 51 101 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

GILAS:

Gallant Gilas Pilipinas drops to 0-3 after 85-81 defeat vs Argentina

Gallant Gilas Pilipinas drops to 0-3 after 85-81 defeat vs Argentina

read more
SHOWBIZ:

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

Veteran actor Mark Gil passes away at 52

read more
MUSIC:

Eraserheads to release two new songs

Eraserheads to release two new songs

read more
SPORTS:

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

Philippine Army crowned V-League Open Conference champions

read more
UAAP:

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

Red Warriors keep Final Four dream alive with 64-55 win over Bulldogs

read more
CHIT CHAT:

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

read more