
Originally Posted by
anjuna234
Premyadong Direktor, Abonado Sa Barat Na Line Producer
ni Adela H, Abante Tonite
MALAKING katanungan kung paano napagsamang magtrabaho sa marami-raming indie movies ang premyadong direktor at barat na line producer.
Kilala si Direk sa malalaking pelikula, ha*ving worked with an outfit na nagturing sa kanya bilang “fair-haired boy” dahil sa marami niyang commercially-successful and critically-acclaimed films.
Nang mauso ang mga pelikulang pito-pito sa isang major studio, nag-isip din ang studio ni Direk na gumawa ng low-budget films.
Iyon bang ang production budget ay humigit-kumulang sa P2.8M.
Sabi ni Direk, “Hindi ko yata alam gumawa ng low-budget film.”
Maski pinauso ang mumurahing pelikula, at ibi*nando pa ang pito-pito sa halip na ilihim, hindi tinangkilik ang mga produktong ito.
Nagsalita ang moviegoers, “We want quality for our hard-earned money!”
Oo nga naman. Bakit magtatapon ng pera sa panooring mababa sa production value, samantalang andaming foreign films na hitik sa visual wizardy?
Short-lived ang pito-pito.
“Quality is EXPENSIVE,” ‘ika nga.
Pinalipas ni Direk ang sistema ng pito-pito. Hindi siya sumakay sa bandwagon ng katsipan.
After the so-called ‘pagmintis’, si Direk at mga kasangga pa rin ang tinawagan para ipagpa*tuloy ang sinimulang no-nonsense filmmaking at ang mas makatotohanang dictum, “Low budget begets low returns; big budget begets big returns.”
***
Odd couple si Direk at ang katambal niyang Line & Supervising Producer dahil iba ang kanilang upbringing sa paggawa ng pelikula.
Si Direk ay pam-big budget; si Line Producer ay pampito-pito.
Parating may conflict sina Direk at Line Produ*cer.
‘Pag may hininging requirements si Direk, automatically ay may pagtutol si Line Producer.
‘Pag hu*mingi si Direk ng crane para sa opening at closing scenes ng pelikula for a desired dramatic effect, ang standard answer ni Line Produ*cer ay, “Direk, wala po sa budget ang crane.”
“Ha? Importante sa akin ang crane! Maski man lang sa opening o ending ng pelikula!” pagdya-justify ni Direk. “Kung wala kang budget, ako ang magbabayad sa rental ng crane!”
Understandable ang pagtutol ni Line Produ*cer sa mga special equipment tulad ng crane, riles, dolly etc.
Bawat item ay may tinatawag na caretaker o tagapangalaga sa inarkilang gamit na binabayaran at pinakakain sa set.
Ang crane ay na*ngangailangan ng humi*git-kumulang sa sampung tagabuhat at tagabuo ng malahiganteng equipment, bukod pa sa sasakyang pagkakargahan ng mala*laking gamit.
Sa low-budget films, ang mga ganitong gamit ang unang nasasakripisyo.
But not in Direk’s set.
Nu’ng una, out of res*pect kay Direk, pumapayag si Line Producer matapos ang paliwanagan, “Sige po, Direk, aarkila ako ng crane (o anything). Gagawan ko po ng paraan…”
Ilang panahon ding ganyan at ganyan ang nangyayari.
Kapag may special requirements si Direk na med*yo expensive at wala sa budget, tumututol si Line Producer.
Inaasahan na ang pagmamatigas ni Direk, punctuated with his standard argument, “Kung wala kang pambayad, AKO ang magbabayad!”
Dumating ang panahong nagmuni-muni si Line Producer, “Bakit ganu’n?
I always end up giving in to Direk’s whims and capri*ces? ‘Pag nag-overshoot, ako naman ang nabubuntunan ng sisi ng aming producer.”
Esep-esep...
Kamakailan lang, patapos na ang shooting ng isang advocacy film ng grupo, may hiniling si Direk na special requirement. Marami nang big scenes na nakunan at nag-overshoot na ang budget sa principal photography.
Tumutol si Line Producer, “Direk, ma*laki na ang overshoot natin sa gastos sa armory requirements… sa rental ng mahahabang baril, sa mga ba*lang blangko, sa army truck, sa stuntmen, etc...”
“Kung wala kang pambayad, AKO ang magbabayad!” giit ni Direk.
Matagal na katahimikan.
Inasahan ng mga nakakarinig na staff ang usual ending ng ‘ritwal’ nina Direk at Line Producer.
Pero wala nang nari*nig mula kay Line Producer.
Payag na siyang mag-abono si Direk.