Laging issue ang nagbabagong ka-estudyantehan at landscape sa UP. Nadidisappoint sa nangyayari sa UP. We have to understand bakit nagiging ganto ang sitwasyon. Lahat nagbabago, si KC nga napunta kay Piolo eh, si Melannie Marquez naging cum laude pa sa isang business school. Ito pa kayang UP? Hindi magbabago?! Tsaka Diliman lang kasi yung tinitingnan nyo, abayan.
Natuwa ako dun sa KC Piolo > "I kissed a girl and I like it...
"
Metro Manila is a primate city, lahat ng mayayaman, may kaya, may pera, may pangarap para sa anak, saan mang sulok ng pinas ay pupunta ng Maynila at dito pag-aaralin. Karamihan ng pumapasa sa UPCAT ay galing private schools kaya sila ang may access sa information, may mga mangilan-ngilan ding galing sa mahirap na pamilya na gifted talaga. Sa mahal din ng tuition kaya yung ibang pumasa na hindi kaya ay hindi na tumuloy sa UP. For me,
hindi sila bobo, iba lang talaga attention span nila, iba din kasi naging kultura nila sa pamilya at paaralan nila nung high school eh. Bakit hindi na sila aware sa current events? Eh ang mga kabataan ba ngayon aware
ba talaga sa current events? Hindi na din naman, and hindi exception ang UP dun.
Tama ka sa sinabi mo malamang lahat ng mga students ganyan na ngayon.
Kapag pumapasyal ako ng UP ngayon, pansin ko talaga ang malaking pagbabago sa aking sintang paaralan, pero hindi ako nadidisappoint. Naiisip ko lang na sumasabay lang talaga at sumasalamin lang sya sa kung ano ba talaga ang lagay ng lipunan natin ngayon. Malaki din ang role ng mass media sa pagbabago ng mindset ng mga bata; BB, iPad, Facebook, Twitter, Taylor Swift (na kahit ako nagugulat na din sa bilis ng mga pagbabago)
pero hindi naman nagbabago ang layunin nila na mag-aral, makapagtapos, and through UP's culture, sense of deeper nationalism and social responsibility.
Yun siguro yung sana wish ko di mawala.
To TS:
Kawawa naman sya, bakit sya nag-drop? Siguro masyado lang talaga syang nag-dwell sa mga kwento mo nung UP haydays. But sana ipaliwanag mo din na hindi isolated ang UP, center of catalyst nga sya eh, pag may bago, nagbabago o magbabago sa lipunan, hindi exception ang UP dun. Habang ang Metro Manila ay lumalaki at sumasabay sa globalisasyon, hindi mo pwedeng maisabay ang UP na maya't maya rally (na kailangan talaga noon dahil Martial Law), na may notorious fratmen (dahil sa false publications against frats ngayon at noon wala masyadong balita), na lahat mahihirap pero matatalino (dahil marami ng mahirap ang hindi afford ang tuition sa HS pa lang, at karamihang matatalino ay ang may access sa information and healthy lifestyle), at open to the public parati ang campus (dahil wala pang issue ng terorismo noon sa MM).
So there, sana bilang ikaw ang impluwensya nya, ipaliwanag mo din ang hindi maiiwasang pagbabago sa ating lipunan at bansa. At tsaka hindi lahat sa UP ganun, punta syang Engg, CS Complex, Math, marami pa din ang simple lang mamuhay at ang nais ay iahon ang pamilya sa kahirapan. Tamang obserbasyon lang, wag lang tumingin sa college or sa mga classrooms. 