PEx Highlights

PHOTOS: Army Survives Ateneo Scare

Army wins against Ateneo despite blowing off a two-set lead, 25-22, 25-13, 28-30, 20-25, 16-14.

read more

Tolomia: FEU Needs to Work on Defense

Mike Tolomia says his squad still needs to improve their defense if they want to contend this season.

read more

The Unique Heroes of Marvel's Guardians

Know more about Peter Quill, Gamora, Drax, Groot and Rocket.

read more

PHOTOS: DLSU Completes Comeback Win vs UE

Prince Rivero came up big in the clutch, scoring two crucial baskets to help DLSU complete comeback bid over UE, 60-58

read more

Prepare to Go Into the Storm

From New Line Cinema, in association with Village Roadshow Pictures, comes the tornado disaster film Into the Storm.

read more

Review: Hercules

Bordering on ridiculous, Dwayne Johnson delivers and Hercules is a fun and entertaining ride.

read more

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 77
  1. #1

    EL PRESIDENTE (Filmbio of Emilio Aguinaldo)

    Pelikula ng buhay ni Emilio Aguinaldo tuloy na!

    Tuloy na tuloy ang pagsasapelikula ng El Presidente, ang filmbio ni General Emilio Aguinaldo na pagbibidahan ni Laguna Governor Jeorge Estre*gan.

    Isang malaking presscon ang ginanap kahapon para sa El Presidente at dinaluhan ito nina Jeorge a.k.a ER Ejercito, direktor Tikoy Aguiluz at ng script*writer na si Roy Iglesias.

    Excited si ER sa kanyang pelikula na gagastusan ng P100 million. May balak din na isali sa mga inter*national film festival ang movie project.

    Hindi ako nakasipot kahapon sa presscon ng El Presidente dahil sa Startalk. May nagkuwento lang sa akin na na-late nang dating si ER dahil nang*galing pa siya sa graduation ng kanyang panganay na anak sa PICC.

    Bukod sa El Presidente, gagawin din ni ER ang remake ng Asiong Salonga na ginampanan din noon nina Papa Erap Estrada at Rudy Fernandez sa pelikula. Si Tikoy din ang direktor ng Asiong Salonga na movie ni ER.

  2. #2
    Laguna Governor ER Ejercito to star in Emilio Aguinaldo biopic

    Rose Garcia

    Sunday, February 20, 2011
    05:46 PM

    Rating




    Share

    Naka-set na para sa Metro Manila Film Festival 2011 ang pelikulang El Presidente na tungkol sa buhay ni President Emilio Aguinaldo.



    Ayon sa gaganap na bida rito, na si Governor ER Ejercito, 1998 pa lang daw ay sinisimulan na nilang i-conceptualized ang pelikula. So far, nakaka-20 percent na daw ang naisu-shoot nila sa movie.



    "Mahaba e. Baka hindi pa tapos ang buwan ng November, post-prod pa kami. Kaya pipilitin namin bago mag-festival," ang kwento ni Governor ER.



    Matagal nang nag-lie-low sa paggawa ng pelikula si Governor ER at nag-concentrate sa kanyang posisyon bilang mayor ng Pagsanjan, at ngayon naman, bilang governor ng Laguna.



    Although in the last MMFF, he appeared in the movie, Si Agimat at Si Enteng Kabisote.



    Kaya puwedeng sabihin na napaka-espesyal ng El Presidente sa kanya para maisipan niyang muli na gumawa ng movie.



    "Gagawin namin dapat ito noong panahon ni [Pangulong] Erap [Estrada]. Kaya lang nagkaroon ng impeachment trial, nag-pull-out lahat ng investors. Ngayon, we have a pool of investors na naniniwala sa pelikula, kaya tuloy na tuloy na," aniya.



    Dugtong pa niya, "More than 10 years ang paggawa ng script. We tapped the best Philippine historian sa National Historical Institute. We got all the books about Aguinaldo. We even spent a lot of money, millions of money to translate a Spanish manuscript into Tagalog and English. We tapped Direk Jose Roy Abellana, Roy Iglesia, Direk Tikoy Aguiluz, Jose Victor Reyes para maayos ang script natin.



    "Sisiguruhin po natin na isang pelikula ito na maipagmamalaki natin sa global film market at pati na rin sa Hollywood. Nakakalungkot isipin na napakaraming pelikulang na-exhibit abroad tungkol sa prostitusyon, illegal gambling, corruption sa Pilipinas. Kaya ito ay isang feel-good film para maipagmalaki natin na tayo'y Filipino," ang sabi ni Governor ER.



    The Laguna governor said he has the same first name as Emilio Aguinaldo.



    Aniya, "Emilio Ramon ako, e."



    Kaya bata pa lang ay nandoon na raw ang paghanga at kuryosidad sa kauna-unahang Presidente ng Republika ng Pilipinas.



    "Na-intriga rin ako, dahil hanggang ngayon, wala pa ring pelikula tungkol kay Aguinaldo."



    Sa panahon ngayon, ano ang nakikita niyang role ni Aguinaldo?



    "Isa siyang bayani na talagang mabigat ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng demokrasya. Talagang masasabi na isa siyang survivor. After all those years, he died at the age of 95, nakapag-survive siya. Naitayo niya ang first Philippine republic, Philippine flag, national anthem, first Philippine Constitution."



    INTERNATIONAL MARKET. Governor ER said they have plans to market El Presidente internationally.



    "Yes, mapalad tayo because we have director Tikoy Aguiluz. Meron siyang Hollywood connection. He's a good friend of Quentin Tarantino, one of the best Hollywood directors."



    May naka-lineup na rin daw silang mga film fests abroad na sasalihan ng El Presidente next year.



    Aniya, "Sa tulong ni Direk Tikoy Aguiluz, palagay ko maraming parangal na matatanggap ang El Presidente."



    Si Batangas Governor Vilma Santos ang ina-eye ni Governor ER na siyang gaganap na leading lady sa El Presidente. Nakausap na raw niya ito pero naghihintay pa sila ng sagot.



    "I already talked to Governor Vilma Santos to play Maria Agoncillo who is also from Batangas. [Maria] is the second wife of Emilio Aguinaldo. Hinihintay ko pa ang kanyang go-signal. Mahirap ang schedule ng governor — hectic," aniya.



    On the other hand, si Senator Bong Revilla, na isang Caviteño ay pangarap din daw sana na magampanan ang buhay ni Aguinaldo. Pero nagkasundo na ang dalawa na si Governor ER ang gagawa ng movie.



    "Alam naman ni Senator Bong na matagal ko ng project ito. Na dream role ko ito 1998 pa. Hindi nga lang natuloy dahil sa impeachment, pero ngayon, full-circle na ang team ng El Presidente, " aniya.



    Mga 100 million pesos daw ang na-e-estimate niyang magiging budget ng movie.



    "Initial pa lang 'yan, posible pa rin na maragdagan. So far, hindi na namin iniisip ang commercial viability ng film. Ang justification lang ay talagang napapanahon na para gawin ang pelikulang ito tungkol kay Aguinaldo."



    THREE PRESIDENTS. Suportado rin daw ng dating Pangulong Joseph Estrada ang movie.



    Aniya, "Si Pangulong Erap kasi, incidentally, was the centennial President. Kaya isa siya sa mag-e-endorse ng pelikula bago mag-umpisa ito. Aside from Pangulong Erap, si Pangulong FVR (Fidel V. Ramos) and PNoy ang mga mag-e-endorse ng pelikula."



    Bukod sa El Presidente, gagawin din ni Governor ER ngayong taong ito ang Asiong Salonga (Kingpin ng Tondo). Ito ang ikatlong re-remake ng pelikula. Si Erap noong 1961, at si Rudy Fernandez naman noong 1978.



    He said with proper time management, he would be able to shoot the film and fulfill his duties responsibilities as Laguna governor.



    "Time management lang talaga. Kaya naman 'yan basta maganda ang schedule. And besides, we will shoot half of the film in Cavite and half in Laguna. Kasi, isa ang Laguna sa walong lalawigan na lumaban para sa rebolusyon at independencia ng Pilipinas."



    Bukod pa rito, magiging sobrang hectic nga raw ang schedule niya dahil may pinaghahandaan pa silang Bangkero Festival sa Pagsanjan at La Laguna Festival sa Laguna.



    Aniya, "Maraming ginagawa, halos wala nang pahinga, wala nang tulog."



    Sa isang banda, may paniniwala na si Gen. Emilio Aguinaldo raw ang nag-utos na magpapatay noon kay Andres Bonifacio. Isa rin ba ito sa tatalakayin sa movie?



    Ayon kay Governor ER, "Sa aking pag-aaral, hindi si Aguinaldo ang nag-utos ng execution ni Andres Bonifacio. Ang nagkusang pumatay kay Bonifacio at pati na rin kay Heneral Antonio Luna ay ang mga heneral ni Aguinaldo.



    "Ang mga nakapaligid kay Aguinaldo ang gumawa ng mga bagay na ito at hindi niya ito inutos. Ginawang isyu ito noong siya'y tumakbo bilang Presidente laban kay Manuel L. Quezon. Yun ang unang inisyu sa kanya, na siya ang nagpapatay kay Bonfacio, pangalawa kay Gen. Luna, at pangatlo, na kumita siya sa pagbenta ng Pilipinas. Ipapakita po natin sa pelikula ito [ang totoong nangyari]."



    Kasama rin ang former Prime Minister Cesar Virata, ang pamilya Abaya, ang National Historical Institute, at National Commission for Culture and the Arts sa mga sumusuporta sa paggawa ng pelikula, aniya.

  3. #3
    Plans afoot to include Ate Vi in Aguinaldo movie
    by Tonee Coraza
    Sunday, 20 February 2011 18:18
    Talbog ni Laguna Gov. ER Ejercito ang mainstream big movie productions sa kanyang pelikulang gagawin na El Presidente for MMFF 2011.

    Kasi may budget silang P100M to make this bio-epic tungkol sa kauna-unahang presidente ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.

    No holds barred ang kanilang budget dahil target nila ang international movie audience.

    Through it’s director Tikoy Aguiluz, na may connections internationally, balak nilang i-market ang pelikula abroad.

    At ang una nilang stop ay ang Hong Kong international filmfest.

    “Bale si Emilio Aguinaldo ang counterpart ni George Washington, ang kauna-unahang presidente naman ng Amerika. Kaya balak naming ipakita sa tao ang highlights ng kanyang 95 years in existence. Lalo na ang controversial points sa kanyang buhay, tulad ng summary execution ni Andres Bonifacio at ni Gen. Luna. Pati na ang Treaty of Paris kung saan binenta raw ang Pilipinas. Ipapakita namin sa moviegoers kung isang bayani ba or anti-hero si Aguinaldo,” paliwanag ni Gov. ER.

    To make the movie even bigger in scope, kinukuha nila si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto to play the 50-year-old second wife of Aguinaldo. And portraying the first wife, balak nilang kunin si Iza Calzado, dahil mabigat din daw ang magi-ging papel nito.

    Nag-usap na rin sina Gov. ER at Sen. Bong Revilla tungkol sa project dahil may balak din umanong isapelikula ni Bong noon ang buhay ni Aguinaldo kaya lang hindi itinuloy bilang respeto kay Direk Carlo Caparas, na may balak ding gawin ang naturang bio-pic.

    Pero hindi na rin ito nagawa ni Direk Carlo.

    “Bong and I knew each other way back noong mga bata pa kami. Sa katunayan, inaanak ko si Jolo at inaanak naman niya ang anak kong si Eric. Nag-usap na kami tungkol dito and he’s very happy that I will be doing the movie. Pagandahin ko raw ito nang husto. My mother is from Cavite kaya naman malapit din ako sa mga Caviteños,” kuwento pa ni Gov. ER.

    Ayon sa writer ng El Presidente na si Roi Iglesias, sinimulan na nila ang kanilang masusing research tungkol sa buhay ni Aguinaldo noong 1998 pa.

    Kaya lumalabas na more than 10 years in the making ang screenplay nito.

    At may balak silang mala-Gandhi ang magiging treatment nila sa pelikulang ito.

    Of course without saying it directly, they are eyeing the Best Foreign Movie category of the Oscars.

    Aba, mukhang mangyayari nga ito dahil sa ipina-kitang teaser palang ng movie sa press, grandioso na ito agad, huh!

    Pati ang ibinigay nilang budget sa press, three times sa normal na ibinibigay ng big movie outfits tulad ng Regal, GMA Films at Star Cinema.

    Bongga talaga si Gov. ER!

    * * *

  4. #4
    El Presidente pinakamaagang MMFF movie
    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated February 21, 2011 12:00 AM Comments (0)
    SHARE: facebook twitter yahoo! buzz Other social networks



    | Zoom Nasa ikalawang bu*wan pa lamang tayo ng 2011. At katatapos lang nating ipagdiwang ang Valentine’s Day. Marami pa ta*yong okasyon na ipagdiriwang at sa pagitan ng mga selebrasyong gagawin natin ay sumingit ang pa-presscon ng El Presidente: True Story of Gen. Emilio Agui*naldo. Hindi sana ito magiging lubhang kapansin-pansin kung hindi nalaman ng mga dumalo sa presscon ng pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011 ang pelikula na pangungunahan ni Jeorge Estregan. Nakatapos na ang research and production at nasa proseso na ang produksiyon ng pamimili ng mga artistang makakasama ni ER, tawag sa gobernador ng Laguna ng mga taong malalapit sa kanya.

    Dalawa sa mga kino-consider para gumanap ng role ng dalawang babae na nagkaroon ng mahalagang bahagi sa buhay ni Heneral Aguinaldo ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos. Kung papayag siya ay gagampanan niya ang role ni Maria Agoncillo. May role rin na babagay kay Iza Calzado, ang role ng unang naging asawa ni Aguinaldo.

    Si Tikoy Aguiluz ang magsisilbing direktor ng pelikula na bagama’t isang indie film ay may budget itong P100M. Si Roy Iglesias ang gagawa ng istorya at script.

    Nauna nang magsabi ng kanyang intensiyon na gawin ang biopic ni Aguinaldo si Sen. Bong Revilla, Jr. pero sinabi ni ER na hindi nila ito pag-aawayan ni Bong. Kinausap siya ni ER at ibinigay na niya rito ang pagkakataong gawin ang pelikula. Nabigyan ng inspirasyon ang gobernador ng Laguna na isapelikula ang buhay ni Aguinaldo nang makapanood ito ng isang oras na dokyu tungkol sa naging pangulo ng Republika ng Pilipinas. Napipisil niyang ibigay kay dating pangulong Joseph Estrada ang pag-iendorso ng pelikula.

    Marami ang siguradong magkakainteres na panoorin ang El Presidente para lamang malaman kung sino si Emilio Aguinaldo. Bibigyan ng linaw ng pelikula ang ilang isyu tungkol sa heneral na kahit itinuturing na isang bayani at naging unang pangulo ng republika ay sinasabi ring isang traydor, isang makapili na nagbenta ng Pilipinas and lived for 95 years. Matatalakay din sa pelikula ang sinasabing away nila ni Andres Bonifacio at ang ibinibintang sa kanyang pagpapapatay diumano sa bayani.

    Most awarded mayor si ER, nagawa niyang ibalik ang ningning ng Pagsanjan bilang tourist capital ng Laguna sa limang taong panunungkulan. Nasa unang taon siya bilang gobernador ng Laguna. Nagtapos siya ng advertising at visual communications sa UP, administration and community development program sa UP din, rice production self-sufficiency program sa IRRI, Los Baños, Philrice sa Science City sa Muñoz, Nueva Ecija, at masters degree in business economics sa University of Asia and the Pacific. Limang taon din siyang nagsilbi bilang pangulo ng Actor’s Guild of the Philippines.

    * * *

  5. #5
    Jeorge at Bong, agawan kay Aguinaldo?
    Jojo Gabinete

    Nagkaroon kami ng interest na mag-research sa Internet tungkol sa buhay ni General Emilio Agui*naldo dahil sa kanyang bio-flick na tatampukan ni Laguna Governor Jeorge Estregan.

    Si Aguinaldo ang ka*una-unahang pangulo ng Republika ng Pilipinas, pinakabata dahil naging presidente siya sa edad na 29 at may pinakamahabang buhay dahil sumakabilang-buhay siya sa edad na 94 noong February 6, 1964.

    Grand nephew ni Ge*neral Aguinaldo si former Prime Minister Cesar Virata at great-grand daughter niya ang GMA 7 news reporter na si Sandra Agui*naldo.

    Si Jeorge ang gaganap bilang Emilio Aguinaldo at si Tikoy Aguiluz ang direktor ng movie project na may budget na P100 million. “El Presidente” ang pamagat ng pelikula na mula sa panulat ng award-winning writer na si Roy Iglesias.

    Ayon kay Tikoy, most misunderstood si Aguinaldo dahil pinaratangan ito na traydor at makapili noong nabubuhay pa.

    Umaasa si Tikoy na makikilala ng kasalukuyang henerasyon ang tunay na Aguinaldo sa pamamagitan ng kanilang pelikula.

    Ang libro na isinulat ni Dr. Isagani Medina tungkol kay Aguinaldo ang pagbabatayan ni Tikoy sa kuwento ng El Presidente. Nagkaroon ng pagkakataon si Tikoy na makausap si Dr. Medina bago ito namayapa at ayon sa kanya, factual ang libro ng yumaong manunulat.

    ***

    May balita na plano rin ni Senator Bong Revilla, Jr. na isalin sa pelikula ang life story ni Agui*naldo at siya ang gaganap na bida dahil magkaba*bayan sila. Sa presscon ng El Presidente, ikinuwento ni Jeorge na alam ni Bong na gagawin niya ang life story ni Aguinaldo at para patunayan na wala silang feud, kinausap ng Laguna governor sa cellphone si Bong habang nagaganap ang presscon.

    Sandali lamang ang pag-uusap ng dalawang actor-politician dahil binawi agad ni Amay Bisaya ang cellphone nito dahil mauubusan daw siya ng load. Present sa presscon ng El Presidente si Amay at ito ang tumawag sa telepono ni Bong para makausap nito si Jeorge.

    Ipinagmalaki ni Jeorge na magkumpare sila ni Bong dahil ninong ito ng kanyang anak. Kasama rin si Jeorge sa cast ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote, ang entry ni Bong sa 2010 Metro Manila Film Festival. Tiniyak nga pala ni Jeorge na makakasali sa 2011 MMFF ang El Presi*dente.

    Share

  6. #6
    ER to do remake of 'Asiong Salonga'
    by Nitz Miralles
    Sunday, 20 February 2011 18:25


    Pinalakpakan ng press ang teaser ng El Presidente na pinalabas sa first presscon ng pelikulang tungkol sa buhay ni General Emilio Aguinaldo na entry ng Scenema Concept Interational. Maganda ang teaser na ipinakita ang big event sa buhay ni Gen. Aguinaldo, gaya ng Pugad ng Lawin at Battle of Manila.

    Si Tikoy Aguiluz ang director ng El Presidente na entry sa Metro Manila Film Festival at 100 million ang budget. Sa Cavite, Laguna ang location ng movie at magsi-set-up din ng studio. Para kay Laguna Gov. Jeorge “ER” Ejercito, si Aguinaldo ang George Washington ng ’Pinas at puwedeng i-exhibit ang movie abroad.

    Sabi ni Direk Tikoy at scriptwriter Roy Iglesias, pawang katotohahan lang sa buhay ni Gen. Aguinaldo ang makikita sa movie. Dagdag pa ni direk, gusto niyang may hand siya sa pagpili ng cast at say naman ni ER” gusto niyang si Batangas Gov. Vilma Santos ang gumanap sa role ni Maria Agoncillo ang second wife ni Aguinaldo at si Iza Calzado sa role ng first wife.

    Muling ire-remake ni ER ang Asiong Salonga at si Tikoy pa rin ang director at ito ang uunahing gawin dahil bago ang MMFF ang playdate. Gusto niyang makilala ng bagong henerasyon si Salonga, kaya ire-remake niya ito.

    * * *

  7. #7
    Tikoy Aguiluz probes the life of Emilio Aguinaldo in the biopic El Presidente

    Mell T. Navarro

    Friday, March 4, 2011
    03:25 PM

    Rating




    Share

    Isang ambisyoso at engrandeng pelikula ang nakatakdang gawin ng film direktor at Cinemanila International Film Festival director na si Tikoy Aguiluz—ang El Presidente.



    Ito ay ang film biography ng isa sa national heroes ng Pilipinas na si General Emilio Aguinaldo, ang una ring Presidente ng Republika ng Pilipinas. Gagampanan ng actor and Laguna governor Jorge Estregan, Jr.—ER Ejercito—ang papel ni Aguinaldo.



    Sa grand presscon ng El Presidente sa Zirkoh Morato kamakailan, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Tikoy.



    Matagal na hindi gumawa ng pelikula si Direk Tikoy. Ang huling pelikulang idinirek niya ay ang www.XXX.com noon pang 2003.



    Ilan sa mga memorable filma ni Direk Tikoy ay ang mga sumusunod: Boatman (1984), Balweg (1986), Bagong Bayani (1995), Segurista (1996), Rizal Sa Dapitan (1987), Biyaheng Langit (2000), at Tatarin (2001).



    EL PRESIDENTE. Ano ang pakiramdam niya at siya ang magdidirek ng El Presidente?



    "I'm very excited. Siyempre pag may magandang project, gagawin natin," sagot ni Direk Tikoy.



    "As I told earlier, this film is important for me and I'm really excited kasi napakaganda ng material. Napaka-interesting nung character ni Aguinaldo.



    "Meron na agad conflict. Meron na agad problema ang character. So, that will make a good story."



    Na-offer na ba ang El Presidente sa kanya ever since?



    "Meron akong sariling project na ginagawa noong 1997, Heneral Magdalo ang title. Film siya. Nagawa namin ang first draft [ng script], 1997, hindi natuloy. Kami-kami lang ang producer kaya hindi natuloy, e.



    "Pero nakaabot kami sa Cavite, kay Cesar Virata, na-meet namin yung Magdalo group. So, familiar na ako ng konti. Pero ngayon, more and more ay nadidiskubre ko pa lalo ang mga bagay-bagay about Aguinaldo.



    "So, nung tinawagan ako for this, sabi ko agad, 'Shoot!'" kuwento ni Direk Tikoy.



    Si Cesar Virata ay dating Prime Minister sa administrasyon ni Ferdinand Marcos. Siya rin ay grandnephew ni Emilio Aguinaldo.



    Siya ba ang first choice ng grupo ni Governor Estregan para magdirek ng pelikula?



    "May nakatrabaho na siya before, hindi lang natuloy. So, nagkatugma lang kami," sagot ng direktor.



    Bakit hindi natuloy ang Aguinaldo film niya noong 1997 na Heneral Magdalo?



    "E, the usual problem ng indie film—budget. Yun naman palagi ang problema, e. Hinanapan namin ng producer.



    "Ka-meeting pa namin si Cesar Virata and the family, the Magdalo group sa Tanza, pero mahirap talaga gumawa ng film on your own... Mahirap talaga!" sabi ni Direk Tikoy.



    HERO OR VILLAIN? Ipapakita rin ba sa El Presidente ang sinasabing "kasamaan" sa naging buhay ni Aguinaldo sa totoong buhay?


    "Oo naman, yung totoong kuwento," sagot niya. "Pero halimbawa, kung in-offer-an ako na gagawa ng pelikula, siyempre, mas gusto ko yung makulay na character. Mas complex.



    "May cinematic license pa rin. Meron siyempre. Kasi, once you interpret history [on the big screen], creative na yun, e, pero hindi na tayo mambobola. Hindi na tayo mag-iimbento."



    Bakit parang may puso sa kanya ang kuwento ng buhay ni Emilio Aguinaldo?



    "Complex kasi ang character niya, e, at ang story niya mismo. Saka, misunderstood siya, e. Para sa akin, he's the most misunderstood and underrated historical character. E, unfair naman masyado," sabi ni Direk Tikoy.



    Samantalang national hero rin siya, tulad ni Andres Bonifacio?



    "He should be!" sambit ng direktor. "Siya ang first president ng Pilipinas, e. Ipinagtanggol niya ang Pilipinas against the Spaniards and against the Americans, tapos ang naging reputation niya ay traydor siya. Hindi naman tama yun!"



    Yun ba ang lalabas sa pelikula niya—ang katotohanan?



    "Well, siyempre, pag pinakita mo ang tunay niyang pagkatao, lalabas na ang katotohanang yun. Bahala na ang viewers sa interpretation o pag-accept noon.



    "Mali rin siguro ang sinasabi ko. Mahirap kasing huhusgahan mo agad ang project na hindi mo pa alam ang kakalabasan. Kasi, pag hinusgahan mo, ibig sabihin, hinusgahan mo na agad ang character nung tao. Kung ano yung misconception mo, yun na 'yon.



    "Tinatanong ako, 'Bakit mo gagawin ang pelikula, e, traydor 'yan? Bakit mo gagawan ng sine ang isang traydor o Makapili?' Medyo nagre-react ako doon. Gawin muna natin ang pelikula at saka nila panoorin bago manghusga."



    THE RETURN. Sa kanyang pagbabalik-pelikula bilang direktor, hindi ba siya nalulula o nao-overwhelm sa laki ng pelikulang ito?



    "Hindi naman siguro. Kasi, nandiyan ang budget. Mas malulula ako kung walang budget! Mas nakakalula yun!" tawa niya.





    Bakit natagalan bago gumawa siya uli ng movie, as in after eight long years after?



    "E, naging busy ako sa Cinemanila... Saka naging busy ako working with young directors. Naging busy ako sa pagbiyahe sa mga [international] film festivals.



    "So, kumbaga, para akong nag-homework ulit. So, it was my own choice, yung process ko to learn again," sagot ni Direk Tikoy.



    ASIONG SALONGA. Bukod sa El Presidente ay gagawin din ni Direk Tikoy ang remake ng Asiong Salonga, ang 1961 film na pinagbidahan ni dating Pangulong Erap Estrada. Ang gaganap sa updated version ay si Governor Jorge Estregan din, na pamangkin ni Erap.





    "Exciting, actually!" bulalas ni Direk tungkol sa isa pa niyang ididirek na pelikula.



    "I'm very excited sa both projects. Kasi yung Asiong Salonga, ang ganda rin ng kuwento at ang ganda ng character, e.


    "Saka ang gagawin kong approach, medyo retro pero cutting-edge... I mean, yung 'now' ang approach. Pero it's a period film."



    May say ba siya sa pagpili ng kanyang cast in both films?



    "Sana naman," sabi niya. "Saka si Gov naman, he's so busy, hindi na makikialam 'yan sa cast."



    Sa puntong ito ay inamin ni Direk Tikoy na ang "first choice" bilang director ng Aguinaldo epic bio ay si Jose Mari Avellana. Kaya hindi niya inaasahan na siya ang kukuning final director ng grupo ni Gov. Jorge Estregan.



    "Actually, nag-usap na kami before and I told him na interesado ako sa Asiong Salonga. That was before. And then, binanggit niya ang Aguinaldo.



    "Ayoko namang pasukan dahil may director na naka-attach [that time], e, si Jose Mari Avellana.



    "Yung kay Asiong, maganda. Ang maganda ke Asyong, bagong approach naman ako na old material. Saka maganda yung character, anti-hero. Interesado ako sa mga anti-hero, e.



    "I find them very complex and very interesting. E, kasi, siyempre, challenging yung material. Hindi likeable.



    "For example, gagawa ako ng pelikula with Baron Geisler, lahat ng tao, titirahin ka kaagad. Pero kung tutuusin mo, si Baron Geisler, maganda ang kuwento niya. Puwedeng guilty siya, pero interesting.



    "Ako, gagawin ko kung may offer na something like that. So, hindi porke hindi ka popular, o may ginawa kang kasalanan, complex pa rin si Aguinaldo and that makes him interesting," paliwanag ni Direk Tikoy.



    GOV. VI AS THE WIFE. Inamin din ni Direk Tikoy na kinausap na rin ng grupo niya ang Star For All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto upang i-offer ang role ng isa sa mga asawa ni Aguinaldo.



    Napapayag ba nila si Gov. Vilma?



    "Hindi pa. Nag-usap na kami. Pero alam mo naman yun, superstar yun, e," sambit ni Direk.



    Paano pag pumayag si Governor Vi?



    "Oo naman. Ang experience ko kasi, kapag mas malaki ang star, mas medaling kausap, e. Mas mahusay. In terms of pagdirek mo, take one lahat yun.



    "Si Governor Vilma, walang Take 2-Take 2, Take 1 'yan! Both the first and second wives, definitely, may interesting personal lives ang mga ito."



    Si Iza Calzado na ba ang kukunin nila instead of Vilma, ayon sa usap-usapan?



    "Kinu-consider din si Iza, pero iba pa rin siyempre pag nagka-casting ka na in front of the camera. Lalabas sa video. Iba ang lalabas sa screen, e.



    "May gagawin kaming indie film ni Iza na pinaplano, horror-drama yun. That's our project together.



    "Hindi pa rin maumpisahan, wala ring funding. Kasama niya ang isang Thai actor. Meeting pa lang kami. Principal photography namin ay bago mag-June. Bago mag-rainy season."

    INDIE FILMS. Samantala, tila may confusion pa rin sa majority ng entertainment press tungkol sa tunay na kahulugan ng salitang "indie" o independent film, kumpara sa pelikulang produced ng isang major film studio, tulad ng Star Cinema, Viva Films, GMA Films, o Regal Entertainment.



    "Sinabi ko nga na this film [El Presidente] is an epic indie, e. Saka yung Prey nga ni Brillante Mendoza, two million dollars [ang production budget], e," sabi ni Direk Tikoy tungkol sa Prey. (Pero hindi ito kinumpirma o idinenay ni Direk Dante sa hiwalay na interview sa kanya ng PEP.)



    Patuloy ni Direk Tikoy, "Ang isang indie film kasi, ang definition talaga niyan, hindi gawa ng isang [major] studio. Ganoon lang kasimple yun. Pag hindi gawa ng studio, ibig sabihin, indie siya. Nasa atake yun.



    "Kaya ang sabi ko nga, ang indie natin dito, yung approach rin. New blood. Dapat ang approach natin ay approach ng new blood [filmmaking], which you learn from the indies."



    Ano ang nagbunsod sa kanya upang gawin ang El Presidente bilang comeback movie niya?



    "Hindi, meron akong ginagawang isang indie film ngayon," paglilinaw niya. "Kaya lang, may sinimulan kaming concept noong 1997, then tinawagan ako ni Gov after a few years. Tamang-tama, maganda yung project. Who can turn down an Aguinaldo project?"





    Malaki raw ang talent fee niya?



    "Ay, hindi ko alam 'yan!" tawa niya. "Presyong kaibigan."



    Sabi nila, wala raw suporta ang Philippine government sa local movie industry. Ito rin ang pinahayag na sentimiyento ni Governor Jorge sa presscon.



    Bilang isang veteran director, ano ang masasabi rito ni Direk Tikoy?



    "I think we should qualify that, e," buwelo niya. "Yung government support na 'yan. Kasi, meron tayong Film Development Council. Meron kang Film Ratings Board. Meron kang Film Fund. Meron kang NCCA [National Commission for Culture and the Arts]...



    "Ang sinasabi kasi ni Gov, e, yung the kind of support na ibinibigay ng governments ng Korea and India sa kanilang movie industry. Iba yun, e.



    "Dapat, ganoon. Unang-una, may quota system sila. Tayo, wala. Government yun, e.



    "Pangalawa, may film fund from the government, both local and national. Sa Australia, meron ding gano'n.



    "Yun siguro ang binabanggit ni Gov. Pero meron na sa atin na ano... Meron, kaya lang, kailangan dadaanin sa Congress, sa Senado....hanggang sa Presidente.



    "Kailangan siguro, ang industry mismo ang mag-lobby. For example, yung Metro Manila Film Festival, magkano na ang napupunta sa movie industry? Bumabalik uli, e. Fifty percent sa Mowelfund... So, that's support," saad ni Direk Tikoy .

  8. #8
    mukang walang PExer na interested dito. Mas gusto kasi ng pinoy ang baduy romance movies, tsk, tsk, tsk!

  9. #9
    Quote Originally Posted by jade_roswell View Post
    mukang walang PExer na interested dito. Mas gusto kasi ng pinoy ang baduy romance movies, tsk, tsk, tsk!
    sad but true.

  10. #10
    Quote Originally Posted by jade_roswell View Post
    mukang walang PExer na interested dito. Mas gusto kasi ng pinoy ang baduy romance movies, tsk, tsk, tsk!
    Ano na update sa film na ito? Happy Independence day! nga pala

  11. #11
    Mukhang hindi na naman papansinin to ng mga jologs na dudumog sa kung ano mang movie ni Ai-ai at Vic Sotto. Pero sana gandahan naman ang paggawa nito. Tulad ng sa Rosario. Period film to eh.

  12. #12
    At sana ibang artista na lang kinuha. Wala na bang iba? Makaluma na acting styles ng mga kinuha nila.

  13. #13
    this could have been a great MMFF entry.

  14. #14
    scoopbox: Nora Aunor will come home to portray Maria Agoncillo, the second wife of Emilio Aguinaldo, in the movie "El Presidente" with Gov. ER Ejercito. The Superstar will be in the country for a week to shoot her scenes. Nora will be staying in a hotel near the Aguinaldo Shrine. Suzette Ranillo brokered the deal between the governor and the Superstar. Her stay in the Philippines will be shouldered by ER's film production. about 4 hours ago

  15. #15
    Gov. ER Ejercito announces Nora Aunor's return to play an important role in Emilio Aguinaldo biopic

    Mell T. Navarro

    Monday, July 11, 2011
    10:06 AM

    Rating




    Share

    Pagkatapos ng Kingpin: The Asiong Salonga Story ay may isa pang pelikulang gagawin si Laguna Governor ER Ejercito. Ito ay ang El Presidente, na tatalakay sa buhay ng unang pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.



    Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Gov. ER sa Lagos del Sol Resort sa Laguna kahapon, July 10, ibinalita nito na pumayag na ang Superstar na si Nora Aunor upang gumanap sa isang mahalagang papel sa pelikula.



    "Pumayag na po si Nora Aunor to play the second wife of Emilio Aguinaldo," pag-aanunsiyo ng gobernador.



    Nabigla ang ilang mga kaharap na reporters ni Gov. ER sa balita niyang ito sa pagbabalik-bansa ni Nora upang gawin ang pelikulang magsisilbing "comeback movie" ng aktres na ilang taon na ring nanirahan sa Amerika.



    "Immediately, after we finish the film production of Kingpin, magpapagupit na po ako, magpapa-chato.



    "Then, papadalhan na po namin ng plane ticket si Nora, itse-check-in namin sa isang hotel na malapit sa Aguinaldo Shrine. All of her scenes will be shot in Aguinaldo Shrine, e.



    "We will be shooting with Nora ng one week. The scenes will be with me and Nora and yung secretary ni Aguinaldo, and hopefully nga with Quentin Tarantino [Hollywood director].



    "One week po kaming magsu-shooting. Tatapusin po namin ang mga eksena, yung iinterbyuhin ni Tarantino si Aguinaldo, kasama si Nora. Siya ang second wife, e.



    "Nora Aunor will be playing Maria Agoncillo, who's from Batangas."



    SECOND CHOICE. Inamin ni Gov. ER na ang first choice nila para sa nasabing role ni Maria Agoncillo ay si Batangas Governor Vilma Santos-Recto. Pero dahil sa conflict sa mga schedule ni Gov. Vi ay hindi na matutuloy sa nasabing proyekto.



    Ayon kay Gov. ER, "Originally, we were trying to get Gov. Vilma Santos, but unfortunately, her schedule would not accommodate our film.



    "Kaya hindi na po namin mahihintay na... Ang oras at panahon ay sayang.



    "Kaya sana po ay maging maayos ang aming pagsu-shooting, at walang maging problema sa ating National Artist na si Ms. Nora Aunor, na best friend ni Pangulong Estrada!" tawa nito.



    Ang tinutukoy ni Gov. ER ay ang alitan noon sa pagitan ng kanyang tiyuhin na si dating Pangulong Joseph Estrada at ng Superstar.



    Hindi ba kaya magkaroon ng intriga dahil tinanggihan ni Vilma ang role, pero si Nora ang gaganap?



    "Hindi naman niya tinanggihan. She wants to work with me, she likes the film.



    "Kasi, taga-Batangas si Maria Agoncillo. Kaso, talagang hindi kaya ng schedule.



    "Schedule lang ang problema, but she wants to do the film. Kasi, historical."



    Kaso nga'y nagmamadali na ang kanilang film production dahil nakaplano na palang simulan ang shooting sa buwan ng Agosto.



    "Well, si Nora lang naman ang ka-level ni Ate Vi," saad ni Gov ER.



    Alam kaya ni Nora na si Vilma ang first choice nila for the role?



    "A, wala kaming pinag-usapan na gano'n," sabi niya.



    THE RETURN. Wala pang confirmed na date ang pagbabalik ni Nora upang mag-shooting ng pelikula kasama siya?



    "Ini-schedule po namin ang kanyang pagdating," sagot ni Gov. ER.



    "Nag-i-email na po ang aming grupo sa grupo ni Nora. This year po yun.



    "We have to finish the one week shooting. We have to finish all our scenes.



    "Kasi, matanda na kami sa eksena namin dito, e. Ako [as Emilio Aguinaldo] ay mga 90 years old in a wheel chair, and si Nora ay mga 70 years old, so lalagyan kami ng prosthetics.



    "Kaya tatapusin namin lahat ng scenes."



    Dagdag pa ni Gov. ER, "Sasagutin po naming lahat ng expenses niya. Nasa kontrata po.



    "Yung kanyang titirhan, board and lodging, food, everything..."



    So, confirmed na ba talaga ang balitang ito?



    "Opo," mabilis niyang tugon.



    "Naghihintay na po si Nora. Lahat kami ay excited.



    "Suzette Ranillo is behind it. She's a good friend of my wife."



    Ayaw kumuha ni Gov. ER na "lesser actress" than the award-winning superstar?



    "Correct," sang-ayon niya.



    "We have to get the best. Kung napansin niyo ang Kingpin, puro best of the best 'yan sa film industry.



    "You cannot settle for amateurs. We want professionals. We want to work with professionals."



    "NATIONAL ARTIST." Pagkatapos humarap sa press ni Gov. ER, nilapitan agad siya ng PEP for our follow-up questions sa pagkuha niya ng serbisyo sa Superstar na si Nora Aunor.



    Ano ang pakiramdam niya na siya ang film producer na makakapagbalik-Pilipinas kay Ate Guy, upang gumawa ng pelikula after many years?

    "Magaling... Mahal pa rin niya si Erap!" malakas nitong tawa.



    Ilang taon na rin kasing hindi aktibo sa showbiz si Nora magmula nang manirahan ito sa Amerika ilang taon na ang nakakaraan. Siya lang pala ang makakapagpabalik kay Nora sa Pinas.



    "Natutuwa ako kasi isang karangalang makatrabaho ang isang National Artist," ani Gov. ER.



    Tanong namin, bakit niya natawag na "National Artist" si Nora, samantalang hindi pa naman ito officially declared ng pamahalaan?



    "Hindi ba, may award siya, National Artist yata?"



    "Hindi pa po," paglilinaw namin kay Gov. ER.



    "A, hindi pa ba... E, di, malapit na! He-h-he! Feeling ko kasi, she's a National Artist."



    Bakit niya nasabi 'yon?



    "E, icon na 'yan, e, pagdating sa film industry. She's an icon. So, I call her National Artist."



    Wala ba silang pagkakataong nagkasama sa isang project noon?



    "Wala pa... Si Erap [meron]... At mahal niya si Erap kaya niya tinanggap ang Aguinaldo [project]!" tumatawang biro nito.



    Seriously, sa palagay ba niya ay may kinalaman si dating Pangulong Erap sa desisyon ni Nora na tanggapin ang offer niya at magbalik-bansa sa malapit na hinaharap?



    "Maaari... Siguro ano... I don't know, mahirap magsalita, e," makahulugan nitong sagot.



    THE NEGOTIATION. Ang maybahay ba niyang si Pagsanjan, Laguna Mayor Girlie Ejercito ang kumausap kay Suzette Ranillo, na siya namang kumausap kay Guy sa Amerika, upang gawin ang Aguinaldo film?



    "Yeah, pero ako, kausap ko rin si Suzette. She's working on it."



    Hindi ba mahirap ang negosasyon?



    "Wala, sandali lang. Kung ano ang gusto niya, ibibigay namin."



    Kailan talaga ang official na pagdating niya at pagsisimulang mag-shooting ni Nora?



    "Immediately after this [Kingpin]. Baka August [2011]. Pipilitin naming August. "



    Sa lalong madaling panahon daw ay ipadadala na nila kay Nora ang film script.



    Nakapirma na ba ito ng kontrata para sa proyektong nabanggit?



    "Wala pa. Wala pa, pero positive lahat, e. Lahat ng signs, okey e. Nag-i-email na kami...



    "Sayang, kasi maganda ang pelikula. It's a historical film. It's a monumental film. Epic ito, e. Kaya dapat tanggapin niya."



    Gaano kamahal ang talent fee ng isang Nora Aunor upang magbalik-pelikula?



    "Mahal! Pero secret!" tawa ni Gov. ER.



    "Pero mahal talaga... Siyempre... Walang himala!" tawa niya uli.



    POSITIVE SIGNS. Bilang producer ng El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story, makakapagbigay ba siya ng assurance na talagang makakauwi si Guy?



    "Positive lahat ng signs, e," sabi niya.



    "Wala kaming nakikitang ano, e... Hindi kagaya kay Vilma, alam na namin agad na schedules. Alam na agad namin ang problema.



    "Pero kay Nora, walang negative, e."



    Aware kaya si Gov. ER na may ibang past transactions na ang naganap sa pagbabalik-bansa ni Nora, pero walang nangyari?



    "Hindi... Well, malakas ang feeling ko na may Erap factor... Kahit na hindi sila in good terms.



    "Baka ang tingin niya sa akin ay si Erap, younger version!" tawa nito.



    Anu-ano ang demands ng Superstar sa kanyang pagbabalik?



    "Siyempre, maganda ang kanyang titirhan. Maganda ang script. Magandang titirhan, maayos lahat ang kanyang mga pangangailangan.



    "Round-trip ticket po ito. Pati service car... Lahat ng gusto niya ay ibibigay namin."



    Full contract ang one week shooting na ito ni Nora for the movie?



    "Yes, one week, at full contract. Yun ang gusto ng producer namin, e."



    PATCHING UP. Ano ang pakiramdam niyang muli na siya ang makakapagbalik kay Nora sakaling matuloy nga?



    "Well, isang malaking karangalan dahil after what happened between her and President Erap... Well, maybe, I can patch up things.



    "Dahil napatawad na ni Pangulong Erap si Chavit Singson, at marami pang iba.



    "Maybe, I can patch up things between him and Nora. And even Perla Bautista. Si Ms Perla, di ba, is part of my movie?"



    Ganoon kalaki ang plano niya for El Presidente?



    "I mentioned that already, e, na 100 million pesos yung dalawang pelikula.



    "So, kung 30M ang Kingpin, baka nasa 70 to 80M ang Aguinaldo," sabi ni Gov. ER.



    NO ASSURANCE YET. Pagkatapos ng panayam namin kay Gov. ER, ang maybahay naman nito na si Pagsanjan Mayor Girlie Maita Ejercito ang aming nakakuwentuhan



    Sa pagkakaalam ni Mayor Girlie, paano ba nagsimula ang offer ni Gov. ER ng El Presidente kay Nora?



    "Kami ni Suzette, matagal nang wala kaming communication niyan dahil nasa States siya, e. Pero nag-usap sila ni Gov. Nag-uusap sila.



    "Binanggit ni Gov kay Suzette, 'Baka puwede mong makuha si Ate Guy para sa pelikulang Emilio Aguinaldo?'



    "Sabi naman ni Suzette, 'oo, sige'. Gagawin niya ang lahat... Nakausap na raw niya si Ate Guy. Pero hindi ko pa ma-confirm kung totoo na or what. "



    Ayon sa Mayora, matagal daw ang pinagsamahan nila ng kaibigan niyang si Suzette.



    "Kaibigan ko si Suzette, matagal na... 1994 pa, e. Barkada kami niyan. Best friends."



    Kung sakali, ano ang feeling niya ang pelikulang ito ang makakapagpabalik sa Superstar sa paggawa ng movies?



    "Kapag natuloy, e, di masaya. Kasi, malaking tulong rin 'yan kay Gov na nandiyan si Ate Guy.



    "Sana nga, talagang matuloy na matuloy siya na maging isa sa leading ladies of Emilio Aguinaldo."



    Pero paglilinaw niya, "Wala pang assurance. Hindi ko pa ma-confirm, kasi gusto ko, bago ako magsalita, yung totoong-totoo na talaga."



    Pero ang sabi ni Gov ER ay halos confirmed na dahil "positive" daw lahat ang kanilang communication.



    "Siguro nga," sambit ni Mayor Girlie.



    "Sana nga, oo... Kasi ako naman, hindi ako yung tipong mausisa, e.



    "Hindi rin ako masyadong nakikialam, hangga't wala siyang sinasabi.



    "Pero nandoon pa rin ako na talagang sumusuporta.



    "Sabi ko lang kay Suzette, 'Day, gawin mo lahat ang kaya mo para makuha siya [Nora].' Dahil gusto talaga namin si Ate Guy na maging leading lady ni Gov.



    "Ginagawa naman ni Suzette ang lahat. Ako ang taga-followup."

  16. #16
    Journal, July 14, 2011

    ni Noel Asiñas

    [snip]

    Sa pakikipag-usap namin kay Mayor Maita, inamin niyang naging link niya si Suzette Ranillo sa pakikipag-negotiate kay Nora Aunor para lumabas na second wife sa pagsasapelikula ng buhay ni Emilio Aguinaldo at pagbibidahan ni Gov. ER Ejercito.

    Malapit nang mag-shooting ng naturang pelikula as soon matapos ang Asiong Salonga movie niya with Carla Abellana.

    Nagiging paborito ni Gov. ER si Carla dahil ang Kapuso actress din ang gaganap na first wife ni ER sa kanyang Aguinaldo movie.

    -------------------

    Si Carla na naman ang leading lady ni Gov. ER! Grabeng busy naman ni Carla.

  17. #17
    sana kumita to. yung hype ng p[agdating ni guy sana nakatulong sa promo ng movie.

  18. #18
    PEP Scoopbox (Aug. 5, 2011): P7 million daw ang talent fee ni Nora Aunor para sa paglabas niya sa pelikulang "El Presidente" na tungkol sa buhay ni Emilio Aguinaldo.

  19. #19
    Pil. Star Ngayon, Aug. 6, 2011

    TAKE IT! TAKE IT!
    ni Lolit Solis

    Ngayon ang press con. ng El Presidente, ang pelikula na pagtatambalan nina Nora Aunor at Laguna Governor ER Ejercito. Bawal sabihin ang venue at oras or else, tiyak na dudumugin ng mga gaka ang malaking presscon ng pelikula nina Nora at ER.

    Ang idaos ang press con. sa mansion ni Gen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite ang original plan ng produ ng El Presidente. Hindi natuloy ang balak dahil hindi agad nabigyan ng permit ang request.

    Inilipat ang press con. sa Metro Manila at mas pabor ito sa entertainment press dahil para sa kanila, napakalayo ng Kawit, Cavite pero walang malayo o malapit sa mga gaka.

    Invited ako ni Jobert Sucaldito sa El Presidente press con. pero sinabi ko sa kanya na hindi ako makakarating kaya ipadadala na lang niya sa akin ang press kit.

    Knows ni Jobert na devoted ko sa Startalk ang araw ng Sabado. Hindi ako tumatanggap ng meeting at iniisnab ko ang press con. kapag Sabado dahil sa Startalk.

  20. #20
    Manila Bulletin, Aug. 6, 2011

    Nora Doesn't Mind Being Second Choice for Role in 'Presidente'
    by Crispina Martinez-Belen

    MANILA, Philippines - At her emotional meeting with the entertainment press upon her arrival last Tuesday noon (Aug. 2), at the Boracay Room of Edsa Shangri-La Hotel where she was billeted, superstar Nora Aunor said that she knew she was only second choice for the role of Maria Agoncillo in the film project “El Presidente.” But she liked the project so much, being historical and all, that she didn’t mind being second choice at all.

    (In a telephone call to us the other day, Gov. ER clarified that there was actually no first or second choice, he just wanted any one of them, Nora or Vilma Santos, for the project, “Kung sino sa kanila ang may time to do it. Nagkataon na uuwi si Nora, at si Vilma naman said she has two movies to do eh hindi na ako makapaghintay, so si Nora na,” he said.)

    They will start shooting “El Presidente,” a pet project of Laguna Gov. E.R. Ejercito (he plays the title role) on Monday in Cavite. Nora has given E.R. 10 days to do her scenes, after which she will start taping her mini-serye for TV5. Taping will most probably take 20 days for Nora who said she could only stay for three months. “May mga dapat akong ayusin at tapusin du’n kaya di ako makakapagtagal dito.” On her much-awaited return, Nora was accompanied by immigration lawyer Michael Gurfinkel and wife Millie.

    According to Perci Intalan, TV5’s head of creative production, “This is a teleserye na matatapos in one month. Short as it is but it’s as big and could even be bigger than the usual teleserye. This could even create a new genre, or set a trend…” The mini-serye will be directed by Mario O’Hara who directed the superstar in the much-awarded movie “Tatlong Taong Walang Diyos.”

    Perci did not say with whom Nora will be cast, but they are looking into the possibility of tapping the services of much-awarded dramatic actor Christopher de Leon, former husband of the superstar. For sure, some of TV5’s contract artists will be cast in the mini-serye.

    But is it true, Nora will be paid no less than a million pesos per taping day? She did not categorically answer in the affirmative, saying, “Lahat tayo nangangailangan ng pera, pero sana [let’s not dwell on talent fee numbers].”

    During her heyday, Nora was given to rumors of unprofessionalism.

    Lily Monteverde one time had to fetch her for a shooting, but she waited for naught the whole night at the sala of Nora’s Valencia home, which the producer later bought.

    However, the other night, the producer said, “Let bygones be bygones.”

    Mother Lily now intends to co-produce with TV5 a Nora movie which they are now conceptualizing.

    On her part, Nora admitted her faults and bad behavior in the past and even apologized to those she had hurt, including former Pres. Joseph “Erap” Estrada. “Ayokong mapahiya si Kuya Germs at ang TV5 na sumugal sa pagbabalik ko. I promise na hindi sila mapapahiya sa akin. Hindi ko sila bibigyan ng anumang problema.”

    By the way, there will be a Nora Aunor Fans’ Day on Aug. 7 at 1 p.m. at Broadway Centrum.

Page 1 of 4 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

Pope Francis to have an apostolic visit to the Philippines on January 15-19 next year

Pope Francis to have an apostolic visit to the Philippines on January 15-19 next year

read more
SHOWBIZ:

Sarah Geronimo crowned as 'Most Beautiful Star' in 2014 by YES! magazine

Sarah Geronimo crowned as 'Most Beautiful Star' in 2014 by YES! magazine

read more
PBA:

Azure Residences to be the official training headquarters for KIA Motors

Azure Residences to be the official training headquarters for KIA Motors

read more
PBB:

Manolo, Joshua, Jane and Fifth nominated this week

Manolo, Joshua, Jane and Fifth nominated this week

read more
SPORTS:

Army wins against Ateneo despite blowing off a two-set lead, 25-22, 25-13, 28-30, 20-25, 16-14

Army wins against Ateneo despite blowing off a two-set lead, 25-22, 25-13, 28-30, 20-25, 16-14

read more
UAAP:

FEU goes back to its winning ways after defeating UE, 73-63

FEU goes back to its winning ways after defeating UE, 73-63

read more
CHIT CHAT:

What's the story behind your username? Answer the PEx Slumbook here!

What's the story behind your username? Answer the PEx Slumbook here!

read more

Watch New Trailers

Watch New Trailers