Tips lang sa pagpili ng dorm, kasi nagdorm rin ako all around uste for 5 years including review.
1. Kung sigurado ka na sa uste, dapat as early as march (kasi nga aalis na yung mga gagraduate), nakapili ka na ng dorm or apartment. Maraming ka competition like yung mga ibang prospective students taga u-belt, reviewees, yung mga nagtratrabaho etc.
2. Pumili ka malapit sa building mo para tipid sa paglalakad if ever malate ka hehe. Like me, sa Espana side ako, kasi ang building ko ay sa Roque Ruano building.
3. Pumili ng nasa budget mo. Check the facilities like water, electricity, ventilation, FIRE EXIT, bathroom, kitchen
4. Check mo rin kung may curfew.
5. Pumili ka ng dorm na hindi sa side ng bintana mo ang sikat ng araw pag hapon.
6. Check mo rin kung abot ng baha ang kwarto mo. Siyempre pag tag-ulan, dapat iwas baha hehe. Mas ok siyempre pag nasa 2nd floor and above.
7. Check mo rin ang location kung malapit sa photocopy shop, church, market, mall, bookstore, coffeeshop, carinderia, laundry shop, computer shop
8. Dapat walking distance, sayang rin ang 6.50 pesos na pamasahe.
9. Check mo rin ang policies ng dorm na suitable para sa yo.
10. Check mo rin kung may 1month advance, 1 month deposit, or may contract na isang taon. Wag kayo pipirma ng isang taon, if ever natanggal ka sa uste, sayang rin yung kalahating taon na babayaran mo.
* It is advisable na pumili ng dorm sa kainitan ng araw para macheck mo kung kaya mo ang init ng dorm sa araw na yun. Manila yan, 2 to 5 degrees higher sa temperature sa provinces kasi nga yung "heat island effect" sabi ni Kim Atienza hehe.








Reply With Quote













