angelito ni bagito sisikat sa mundo
pumila lang po kayo malaki laki po ito
babae, bakla, kahit sino pa may gusto
angelito ni bagito para sa inyong lahat ito
sa tamang presyo pag nagkasundo
tiga kolekta po ako.
![]()

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreangelito ni bagito sisikat sa mundo
pumila lang po kayo malaki laki po ito
babae, bakla, kahit sino pa may gusto
angelito ni bagito para sa inyong lahat ito
sa tamang presyo pag nagkasundo
tiga kolekta po ako.
![]()
oi teka muna cipriano .. baakit tila binebenta mo ako
minana ko lang naman ang propesyong ito, kanino pa kundi sayo
ano nga palang ngalan nung sayo? yung aken angelito, sayo ba ay pedro?![]()
ngalan ng akin ay bruce banner
pag galit siya ay "The Hak"
![]()
![]()
![]()
![]()
may pangalan pala ang best friend nyo
ang akin naman ay si "Boy Sargo"
matakot kayo pag ito ay nagalit
at sasarguhin talaga kayo ng malupit
![]()
AKo'y labis na namangha
Sa aking mga nabasa
Mga Pexer pala dito
May mga tagong talento
Hindi ko akalain
Ito'y inyong kakakayanin
Kung kaya't galak sa aking puso
Ay totoong namumuo
Sige pa sige na
Gulatin, mamangha
Ituloy ang pagsulat
Ng mata ay mamulat.![]()
* I can still do it. Yes!
hindi na ako nag-iisa,
si sweetkay ay narito na.
lalaking tagarito,
magagalit mga angelito!
salamat naman sweetkay,
dito ay nagpost,yan ay okay.
huwag ka lang magtatampo,
mag tukso at biro dito.
si impulse,si bagito,ciprian,
si kentuten,si relzhope ay nariyan.
kasama na si silver steak,
water everywhere at peculiar chick.
lahat kami ditoy nanggugulo,
nakakaalis naman ng sakit ng ulo!
aba si sweet kay napatula
ako medyo napatulala
marunong pala siyang tumula
akala ko marunong lang magpaganda
nene may kasama ka nang babae
dito sa balagtasan thread
maghanda ka mamimiryenda
damihan mo ang sandwich spread
![]()
Birthday ng ate ko sa 24,imbes na greeting card padala ko,iginawa ko sya ng tula saka nilagay sa loob ng package na gift ko sa kanya.Heto yung tula ko para kay ate:
ANG ATE KO
Si ate ko nung isinilang,
panganay nga ngunit taas ay kulang.
Sa tingin ng aming magulang,
sya'y maganda at di kulang-kulang.
Kasupladahan,kasungitan at kamalditahan,
kuhang-kuha nya sa ina ng aming tahanan.
Ngunit puso naman ni ate,
di madamot at di maarte.
Sya'y nakapag-asawa,
sa edad na mahigit trenta.
Akala ng mga kapitbahay,
dalaga sya habang-buhay.
Asawa nya'y taga Alemanya,
nbyuda naman sya ng maaga.
Baka kako hindi nakatagal,
kay ate kong madaldal!
Ngayon sya'y nag-iisa,
at takot na syang mag-asawa.
Baka nga naman ang makuha,
pangit na't walang pera.
Mahirap din ang maging single,
walang kumakalikot sa kanyang tin^^.
Kinakalyo ng mga daliri,
sa kakakutkot ng kanyang a^^.
Ngayon ay January twenty four,
birthday nya't walang visitor.
Bakit nga naman iimbitahan,
sabi nya'y"trabaho at gastos lang yan!§
Anak nyang si Jan,
mapagmahal at mabuting nandyan.
Gagastos para sa kanya,
abay kahit na ganon,account ng anak,dinudukutan pa rin nya!
prof Ciprian, naisip ko lang po yan
ang isip ko kasi 80% puro kalokohan
pero 20% naman don is ginagamit ko sa seryoso
dahil pag 100% kalokohan ay sigurado hindi ako aasenso
![]()
Sa mga salitang namutawi
Ako's medyo napangiwi
Sapagkat sa inyong isipan
Tingin ninyo'y ulo ko'y walang laman.
Mabuti na lang pala
Naisipan kong tumala
Ngayon alam niyo na
Hindi lamang ako maganda.
![]()
sweetkay, pantay-pantay po tayo
walang bano at walang magaling dito
tambay ka dito at siguradong matutuwa ka
sa aming magkakaibigan na sobrang masaya
![]()
Ito ang aking pangako
Na hind mapapako
Ang pagdalaw dito'y gagawin
At sadyang aaraw arawin
Utak ko'y gumagana
Nagiisip nabibigla
Sapagkat balagtasan
Matagal ko ng tinalikuran
Ngunit dahil sa inyo
Napapag isip ako
Mukhang ang balagtasan
Aking babalikan.
![]()
Hindi ko man mapantayan
inyong mga kagalingan.
Narito ako hindi makipagtalastasan
kundi ang magbasa at pagaralan
inyong mga salitang binibitiwan.
![]()
Hindi pa nya natatanggap,
regalo aking niwrap.
Kaarawan naman nya'y bukas pa,
sana ay magustuhan nga nya.
Ako'y nagagalak,
balagtasan ay napaunlak.
Mga kabataang iba ng hilig,
may natitira pa palang makakaniig.
Dito ay welcome kayo,
huwag mahiyang dito'y dumayo.
Dulot ninyong kakayahan,
maeenganyo ibang kabataan.
Ang pagtula aking namana,
sa ama kong namayapa na.
Sa kanya ko natutunan,
lumikha ng tulang may katatawanan.
Noong sya'y nabubuhay pa man,
balagtasan sa radyo laging pinakikinggan.
Kahit sya'y tulog na,
ang radyo nya'y bukas pa.
aba aba, ang mga dugong makata
sadyang lumabas at umaariba
pinapakita ang husay at galing
nakakatauwa at nakakaaliw
akoy naaaliw
tumatawang parang baliw
sa mga tula ng mga tao
makakatang totoo.
meryenda na meryenda na
ayan na si kaka bumubuka bukaka
gusto ko ng empanada
softrinks na cocacola
paorder na rin ng french fries
sa aking gutom na tyan ito ang aking surprise.
nakakatuwa tumula
kesa sa tumunganga
hanep si peculiar chick
magaling din pala sa ganito
mahusay din sa balagtasan ito
patok na patok at click
![]()