
Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreMakapiling Kang Muli
THE STORY. Ang Makapiling Kang Muli ay kuwento na iikot sa pag-ibig, kapangyarihan, pamilya, at paghihiganti.
Sina Martin (Richard Gutierrez) at Leilani (Carla Abellana) ay matalik na magkaibigan simula pa ng kanilang pagkabata.
Dating magkaibigan naman sina Martin at Louie (Mark Anthony Fernandez), ngunit nagkaroon sila ng alitan na siyang dahilan upang masira ang kanilang pagkakaibigan.
Ngunit sa pagbabalik ni Louie, makikilala niya si Leilani at magkakagusto dito, ngunit hindi siya papansinin ng dalaga.
Makikipag-ayos si Louie kay Martin upang gamitin itong mapalapit siya kay Leilani, at dahil sa kagustuhan magkaayos sila’y papayag si Martin.
Ngunit sa gagawin niyang iyon ay aaminin na ni Leilani na si Martin ang mahal nito, at doon din mapagtatanto ng binata na umiibig na siya sa kanyang matalik na kaibigan.
Ang pagkakaibigan nila’y masisira nang pumanaw ang ama ni Leilani, at ang sinisisi ng dalaga ay si Martin dahil siya lamang ang pinagsabihan niya ng sikreto ng kanyang ama.
Aalis ang pamilya nina Leilani, at doon makikilala ni Martin si Graciela (Sarah Lahbati) na kasintahan ni Louie na taga-Maynila.
Pareho silang bigo sa pag-ibig, dahilan upang mahulog ang loob sa isa’t isa. Ngunit bago pa man nila maamin ito’y gagawa na ng paraan si Louie upang tuluyan ilayo si Graciela kay Martin.
Matapos ang ilang taon ay makakalaya si Martin, magkaka-ayos sila ni Leilani, at muli silang babalik sa rancho ng mga Valencia upang maghiganti.
Sa kanilang pagbabalik, maharap kaya ni Martin si Graciela na kasal na kay Louie? Maamin kaya ni Leilani na si Martin pa din ang mahal niya bagamat may kasintahan na siya? Ituloy pa kaya ni Martin ang paghihiganti niya sa pamilya Valencia kapag nalaman na niya ang kanilang lihim?
Ang mga tanong na ito’y masasagot sa pagsisimula ng Makapiling Kang Muli sa June 6, Lunes, pagkatapos ng Luna Blanca sa Primetime Telebabad ng GMA-7.
The show starts with Richard Gutierrez as Martin in prison. From there, the story is told in flashbacks.
Jennylyn Mercado is the daughter of Gloria Romero, rich owner of Rancho Paradiso. She falls in love with a farmhand, James Blanco, but her mom is against it and forces her to marry Gabby Eigenmann. They have a son, who’ll grow up to be Mark Anthony Fernandez. But, she’s still in love with James so they elope. Magkakaanak din sila, pero ipapatapon ni Gloria Romero. He’d grow up to be Richard. Jennylyn will later be played by Rio Locsin and Gabby, by Mark Gil. Richard is raised by Robert Arevalo and becomes a farmhand.
Kababata niya si Carla Abellana, anak nina Jestoni Alarcon and Lani Mercado. When Mark Anthony falls in love with Carla, Richard gives way, but Mark had Jestoni killed so Carla goes to the city and becomes a lawyer. Dumating naman sa ranch si Sarah Lahbati who falls for Richard but ends up marrying Mark Anthony. Carla naman marries a doctor, TJ Trinidad. Mark frames up Richard and he’s jailed. That’s where he meets Dominic Roco, the son of crime lord Phillip Salvador, who’ll help them escape and help Richard take revenge on Mark’s family.”
Last edited by Jaehu; May 31, 2012 at 01:15 AM.
Pil. Star Ngayon, May 31, 2012
SEEN SCENE
SEEN: Physically fit si Mark Anthony Fernandez sa press launch ng Makapiling Kang Muli dahil hindi niya nalilimutan na mag-exercise kapag wala siyang taping.
Pil. Star Ngayon, May 31, 2012
Mark Anthony Ready Nang Mangampanya
ni Salve Asis
Ready na si Mark Anthony Fernandez na ikampanya ang kanyang mama na si Alma Moreno na wala na raw urungan ang pagkandidato na senador sa election.
Feeling ni Mark tama ang desisyon ng kanyang ina dahil nakita niyang kakandidato sa mas mataas na posisyon si Sen. Jinggoy Estrada so parang sasakto ang pagtakbo ng kanyang ina.
Anyway, busy na naman si Mark dahil kasama siya sa teleseryeng Makapiling Kang Muli na pinagbibidahan nila Richard Gutierrez, Sarah Labhati, and Carla Abellana.
Abante, May 31, 2012
MARK, suportado si ALMA sa Senado
Nakausap namin si Mark Anthony Fernandez sa press con. ng Makapiling Kang Muli at dito siya nagkuwento na suportado niya ang plano ng kanyang nanay na si Alma Moreno na kumandidato bilang senador sa 2013 elections.
Naniniwala si Mark na makakaya ni Alma ang pressure ng pulitika dahil dito raw magaling ang kanyang ina.
“Doon siya magaling, doon siya magiging masaya. Sa loob-loob ko, baka pupuwede dahil si Jinggoy (Senator Jinggoy Estrada), tataas sa ibang posisyon, so baka kailangan ng isang...kumbaga, isang lighter ambience o icebreaker (sic), so baka puwedeng ibigay kay Alma,” ang pahayag ni Mark.
Si Mark ang gumaganap na kontrabida ni Richard Gutierrez sa Makapiling Kang Muli. Ipinagmamalaki niya na bida-kontrabida ang kanyang role. Pinaghandaan ni Mark ang role niya sa primetime show na pinagbibidahan ni Richard.
Walang kakurap-kurap ang mga mata ni Mark na kasama sa paghahanda niya ang liposuction procedure ng Belo Medical Clinic. Nagpa-lipo raw siya kay Dra. Vicki Belo para mawala ang bilbil at love handles sa kanyang katawan.
MKM's story seems interesting to me.![]()
Just a quick observation. What happened to MAF? Why is he taking supporting roles lang? Why can't he be the bida? I noticed ha na medyo he's kind of corny sa mga sagot niya and too mabait kaya siguro supporting na lang. In his youth he had the edge and he acted better, he had more passion. Today he acts so old kaya he gets older roles tuloy. Sana he acts more relaxed kesa more uptight. He was not like this before, what happened? His craft is affected by his change of demeanor. Lighten up Mark! Wag masyadong safe and mga answers mo. Boring ka tuloy.
The show starts with Richard Gutierrez as Martin in prison. From there, the story is told in flashbacks.
Jennylyn Mercado is the daughter of Gloria Romero, rich owner of Rancho Paradiso. She falls in love with a farmhand, James Blanco, but her mom is against it and forces her to marry Gabby Eigenmann. They have a son, who’ll grow up to be Mark Anthony Fernandez. But, she’s still in love with James so they elope. Magkakaanak din sila, pero ipapatapon ni Gloria Romero. He’d grow up to be Richard. Jennylyn will later be played by Rio Locsin and Gabby, by Mark Gil. Richard is raised by Robert Arevalo and becomes a farmhand.
Kababata niya si Carla Abellana, anak nina Jestoni Alarcon and Lani Mercado. When Mark Anthony falls in love with Carla, Richard gives way, but Mark had Jestoni killed so Carla goes to the city and becomes a lawyer. Dumating naman sa ranch si Sarah Lahbati who falls for Richard but ends up marrying Mark Anthony. Carla naman marries a doctor, TJ Trinidad. Mark frames up Richard and he’s jailed. That’s where he meets Dominic Roco, the son of crime lord Phillip Salvador, who’ll help them escape and help Richard take revenge on Mark’s family.”
-------------------
Magkapatid pala ang roles nila Mark at Richard sa Makapiling Kang Muli. Excited na ako mapanood sa telebabad ang soap na ito.
After ng Ako Si Kimsamsoon, karamihan ng leading man roles ni Mark ay lagi siya ang underdog (as i suppose iyan talaga ang roles as leading man ng teleserye) kaya siguro minsan he also gets frustrated at makikita sa so so akting niya. But still nagagawa pa rin niya ng maganda ang character. Hindi nga lang as challenging as we all want him to portray. With his role dito sa Makapiling Kang Muli, i guess marami, including myself, ang natuwa at excited dahil he'll assume a role na gustong gusto natin makita in a long time sa kanya. That is, ang hinahanap nating lahat na 'bad boy acting' ni Mark. Bida-kontrabida naman si Mark sa MKM. He's part of the main characters.
Ngayon lang ulit ako naexcite panoorin ang teleserye ni Mark Anthony. I can't wait to see him in a bad boy role.
I love the premise of Richard and Mark's new tv series. Soooo interesting kasi they're not just magkapatid but kambal sila! Richard is the good boy while Mark is the bad boy. Bagay na bagay ang mga roles sa kanilang dalawa. I wish may isang matinding eksena sila together that will showcase their individual acting prowess.
Napansin ko kay Mark, mukhang masaya siya sa project. He mentioned sa isa sa mga interviews niya that he even did some research on his bad guy role. Iba talaga ang nagagawa kapag inspired si Mark to do the project. Yun bang hindi lang napilitan dahil ibinigay sa kanya. I'm sure he'll do well to make his role worth watching.
WahWahWah, i enjoyed reading your telemafias, Somewhere in Time. Looking forward to your next episodes.
Hi bunsong Mega, nasaan si Lipstick? Matagal na siya di nadadalaw dito.
Thank you sa lahat ng nagbasa ng SIT![]()
Aha! kaya pala tahimik dito madalas dahil kanya kanyang kwentuhan sa labas ng thread
Yey! 'bida-kontrabida' daw and role ni Mark sa MKM. Excited na talaga ako.
Nakakatawa naman yung mga write ups tungkol soap na ito. Maraming tungkol sa "handa na" sa love scene, kissing scene, etc. Yun lang ba talaga ang tingin nilang interes ng mga tao kila RG at leading ladies niya?
Si Mega kasi kapag wala siyang magawa nagpi pm yan sa mga Eggies.She does that pag nangungulit. Kaya sila Lipstick, Etxetera, Dream, Blue and i don't know kung sino pa, bina block siya pero alam naman niya yon.
Sila ni Blue madalas nagkakainisan dahil pinupuno ni Mega ng private messages ang inbox niya.
We're excited talaga sa role ni Mark sa Makapiling Kang Muli. Sigurado magaling ang pagkaka portray niya kasi madalas namemention ang name nila ni Richard sa mga articles. Those present sa press conference must have been impressed with his acting.
Sana nga mag change strategy na ang PR ni Richard. Kasi hindi na nakakatulong sa career niya ang "mainvolve sa kanyang leading ladies". Wrong promo materials ang kissing and love scenes much more ang nagkakamabutihan. Lahat naman ng tao alam na may boyfriend si Carla at si Sarah. And Richard too has a girlfriend na. Sana ang focus ng promo is on Richard's first major matured drama role na gagampanan niya sa Makapiling Kang Muli. Iyan i'm sure maraming mag aabang kung kaya niya o hindi.
Mark is at his best kapag medyo bad ang character like in Kamandag and ASKSS. Kaya lang as we all know leading man roles especially sa pinoy serye, laging inaapi at naapi. Kahit gustuhin man ni Mark magpakita pa ng emotions sa eksena, he is confined to controlled acting. Pero ngayon na bad boy ang character niyang si Louie Valencia sa Makapiling Kang Muli, walang limitations ang gagawin niya. Sobrang excited na kami kung ano ang extensions ng acting ni Mark sa soap.
For me i don't really mind kung he supports primetime actors like Richard and Dingdong. Afterall, seniority wise mas nauna silang kapuso keysa kay Mark na galing sa kapamilya.
Katuwa ang muling pagsasama nila Mark Anthony at Richard kasi parehong tatakbo sa goverment positions ang mga nanay nila. Si Alma sa senado at si Annabelle sa kongreso. Sabay sila mangangampanya para sa kanilang mga nanay.
Sobrang excited na rin kami panoorin ang Makapiling Kang Muli. I saw the full trailer pinapalabas sa tv ngayon. Ang galing ni Mark Anthony umarte!
Kakaiba ang plot ng Makapiling Kang Muli. Iikot sa buhay ng nagkahiwalay na kambal. Excited na ako panoorin sila Richard at Mark Anthony.