Juday, tambak na ang commercial offers!
Finally, pinasundo na ako ni Juday kay Ryan Agoncillo kamakailan ng 4 p.m. dahil hindi ko alam ang pagpunta sa kanila sa Alabang. Ipinagluto ako ni Juday ng iba’t ibang putahe para sa Three King’s dinner namin.
It’s about time kasi na mag-usap na kami kung alin ba sa natambak na mga commercial offers ang papatulan niya.
Dumadami kasi ang mga offers habang papasok na ang buwan ng Enero na feelin*g nila ay ready to shoot na si Juday.
Aligaga na rin si Boss Vic del Rosario ng Viva films kung kelan puwedeng mag-start ng shooting ng “Ouija 2” si Juday with Claudine Barretto.
Pero ang usapan namin noon pa ni Boss Vic ay ipabasa kay Juday ang script at kung magugustuhan niya ang istorya eh walang problema kung magsisimula na silang gumiling or not.
Baka nabalitaan ni Boss Vic na gusto ni Mother Lily ay sa Regal films magbuwena mano si Juday ng “comeback” movie niya after “Hating Kapatid” nila ni Sarah Geronimo.
What I am eyeing and excited about ay ang MMFF entry ng Viva Films this 2011
Christmas na pagsasamahan nina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo at Juday na “Magkakapatid”.
With Sharon kasi, Juday did “Magkapatid” and with Sarah, “Hating Kapatid”. Now that the three are super-close na sa isa’t isa ay wala nang perfect title pa sa movie nila kundi ang “Magkakapatid”, debah Baby Gil? Ang bonus!









Reply With Quote


SHARON-JUDY ANN-SARAH MOVIE FOR 2011











