hello .. ito na pala yung chapters 1,2, 3 and 4 ng fanfic ko.
wala pa akong title eh .. and taglish ito.
pasensya na haha .. share ko na muna. iedit ko nalang bukas
--------------
Chapter 1
after the SO taping:
nagkita sila ivan and tricia sa labas ng starbucks ..
ivan approached tricia.
ivan: trish .. wanna go out ? tara,pasyal tayo.
tricia: sorry ivan, im already tired .. maybe you could ask fretzie to come with you.
siguradong papayag yun .
ivan: ganun ba. its alright .. thanks then. get enough rest okay?
tricia: sige sige, uwi na ko ha .. bye.
ivan: take care!
(umalis na si tricia .. after a few mintues, pumunta si fretzie sa starbucks at nakita niya si ivan na malungkot habang umiinom ng frappucino.)
Fret: hey ivan! what's up? .. ang lungkot mu ata?
Ivan: nothing, just thinking ..
Fret: ano naman iniisip mo? oh ..before i forget, tricia called me .. she asked me a favor.
Ivan: ano yun?
Fret: kung pwede ako na lang daw ang sumama sayo sa mall .. hmm. AHA! kaya ka siguro malungkot kasi hindi ka niya nasamahan noh? yiee ..
Ivan: what are you talking about?? niloloko ko lang si tricia .. ba't ko naman siya aayaing mag-mall .. im already exhausted.
Fret: really?
Ivan: yeah . don't take it seriously .. hehe (then fake smile). okay, got to go. bye fretz! sorry , tricia disturbed you pa.
Fret: it's nothing. ok. bye ..
while si tricia ..
Tricia: sana masamahan ni fretzie si ivan ..
( she received a sms from fretzie )
-- from fretzie: tricia, ayaw naman daw pumasyal ni ivan eh .. he's tired already.
* naasar si tricia dahil nag-alala pa siya kay ivan na niloloko lang naman siya.
Tricia: arghh!! ginu-goodtime lang siguro ko nun ni ivan .. naistorbo ko pa tuloy si fretzie ..
asaaaar!!! (napasigaw si tricia)
Manong Driver: mam, ok lang po kayo?
Tricia: ayy ,, sorry manong .. nevermind.
Manong: si sir ivan na naman po problema niyo nu?
Tricia: bakit ko naman siya poproblemahin ?! mag-drive ka na lang dyan please?
Manong: ok mam .. sorry po.
Tricia: ok lang. wag ka lang tsismoso.
(tricia's mind: ano ba to?? bakit ko nga ba pinoproblema si ivan??)
@ivan's bedroom ..
* ivan can't sleep so he decided to call ann ..
Chapter 2
Ivan: hi ann ..
Ann: hello ivan. bakit ka napatawag?
Ivan: im sad
Ann: May problema ka ba?
Ivan: about trish ..
Ann: ah, alam ko na.. hindi mo parin nasasabi sa kanya?
Ivan: Hindi pa, di ko pa kaya eh.
Ann: Hay nako. torpe king ka talaga.
Ivan: Im afraid .. baka mailang siya sakin.
Ann: tsk. eh ako na lang kaya magsabi sa kanya?
Ivan: wag. ako na lang. sasabihin ko din naman eh.. humahanap lang ng tyempo.
Ann: sus. sige ka, baka maunahan ka pa ng iba jan. haha. joke
Ivan: wag naman sana.
Ann: hmm.kaya mu yan. basta if you need help, nandito lang ako.
Ivan: aww. thanks ann.. sige. baka nakaistorbo na ko sayo. bye. thanks uli. goodnight!
Ann: okay. goodnight torpe king.
* ivan was about to sleep when he received a sms from tricia ..
Tricia: hi ivan! free ka tom?
(ivan replied ..)
Ivan: hmm. yep..why?
Tricia: star city tayo!
Ivan:s sure. sige ba.
Tricia: ok, see you tom! punta ka na lang here sa house at 2pm. goodnight!
Ivan: ok. goodnight. sweetdreams.
(nawala bigla ang lungkot ni ivan at napalitan
ng excitement!)
Chapter 3
Dahil sa excitement, pumunta si ivan sa bahay ni tricia ng 1pm.
Ivan: hey trish .. let's go na !
Tricia: ang aga mo naman. excited?? haha!
Ivan: Haa? hindi ha ..
Tricia: eh ba't ang aga mo??
Ivan: ahh.. kasi .. ano eh. ayaw mu ba?
Tricia: aminin mo na kasing excited ka.
Ivan: ok, cge .. excited na kung excited ..
kasi .. you know . it's my first time there. hehe.
Tricia: Ahh .. okay. mag-eenjoy ka dun sigurado.
Ivan: so.. halika na!
Tricia: wait lang, may inaantay pa tayo!
Ivan: HAAAAA?? SINO??
Tricia: Owveeerrr ka naman mag-react! Oh, ayan na pala sila eh ..( James, Jenny and Fretzie came)
( Ivan was shocked. He thought na sila lang dalawa ni trish ang aalis .. )
James: Are we late?
Tricia: Nope. You're on time! sooo.. let's go na!
James: Let's use my car .. is it okay?
Ivan: BUT!
Tricia: sure.
(Ivan's mind: ba't kasi kasama pa si james!)
* Umupo si tricia sa front seat while si ivan naman nakapwesto sa back seat with jenny and fretz.
May naramdamang inggit si Ivan kay James.
Nakita niya kasi ang masayang kwentuhan ni Tricia and James
while they're on their way to Star City.
Chapter 4
setting: star city
sumakay sila James,Tricia,Ivan,Jenny and Fretzie sa iba't ibang rides
sa star city .. nang medyo napagod na . they decided to take a break.
James asked Tricia if she wants ice cream ad tricia nodded.
Umiral ang selos ni Ivan at nakatitig lang kina James at Tricia.
Fretz: Hey ivan, are you okay? mukang sa lahat ng nandito, ikaw lang nakabugnot!
Ivan: of course i am, iniisip ko lang kung anong oras rehearsal bukas.
Jenny: Yun ba talaga , eh ba' ka nakatitig kila tricia .. hmm. ang sweet nila no?
Fretz: o baka naman gusto mo din ng ice cream. haha (jen and fretz laughed)
Ivan: I hate ice cream! (habang nakatitig pa din kila james)
Jenny: UUy..selos ka no?!
Ivan: (Parang wala sa sarili) I will not anymore eat ice cream!
Jenny: you're jealous nga .. don't worry kami bahala!
Ivan: (bumalik sa katinuan ang isip) what? ha??
* Fretz and Jenn called Tricia and James
Fretz: tara, pasok tayo sa horror house!
Tricia: Ayokooo!
Jenn: Oh, ganun ba. good.. Ivan don't want to go inside too. right ivan?
Ivan: me ? ahmm .. yeah
Fretz: samahan mo na lang si tricia, sumakay kayo sa ibang rides! c'mon james .. come with us! (hinila si james at tinulak si ivan kay tricia)
James: hmm .. sure.
Jenn: so enjoy guys! text na lang namin kayo.
Tricia: uhh. sige .. enjoy din ..(blank face)
Ivan: Ayy! wait..sama na lang ako sa inyo!
James: ok, i'll stay with tricia na lang..
Ivan: oops .. just kidding, sige na pasok na kayo dun!
James: are you sure?
Ivan: OF COURSE! go ahead na!
(ivan's mind: yessss! this is the time! haha)
Ok i think tapos ko na ang book1. Yeah may book2 pa to. hinati ko na para di ako masyadong mapressured na magsulat. hahaha.
enjoy!
UNANG AKLAT - BATUBALANING PAG-IBIG
Unang Yugto - "Magkabilaan"
at Ivan's house, si Ivan nagshoshower.
(voiceover ni Tricia. I know what you're thinking. Ang Hot diba? Grabe biceps at triceps pa lang ulam na. Joke! Ang gwapo niya talaga. Come on. Kahit sino di makakaresist sa kagwapuhan niya. At hindi lang siya gwapo. Matalino, mayaman, magaling na athlete. What more can you wish for diba? A modern day prince talaga. Ivan, Ivan, Ivan kailan mo kaya makikita na tayo talaga ang itinadhana?)
next scene: Tricia nagaayos nakaharap sa salamin.
(voiceover ni Ivan. I know what you're thinking. Christmas tree ba? Who dares to dress up like that?! Nakaponytail tapos may headband pang may pagkalakilaking ribbon. Tapos sobrang colorful ng suot with matching knee socks pa. Girl, are you in kindergarten pa? Sana di na tayo magkita. Hindi ko talaga kayang tingnan ka. Haha. Tricia, Tricia, Tricia I'm just hoping you will disappear one day...)
Next scene...
Yaya ni Ivan: o tapos ka na magbihis. Sabayan mo na kuya mo magalmusal.
Ivan: Wait. DId I hear it right? Si kuya ba? He's here? You're kidding me right?
Yaya: Andiyan nga siya. Kaya sige na bilisan mo na diyan.
Bumaba na si Ivan at talagang nasorpresa nang makita niya ang kuya Marrki niya.
Ivan: Anong nangyare at bakit andito ka?
Markki: Woah. IS that how you greet your brother na matagal tagal ding nawala?
Ivan: Hindi ka man lang kasi nagpasabi na uuwi ka.
Marrki: Well. I'm here now. Wala bang welcome diyan?
(Ivan hugged his kuya.)
Marrki: May aasikasuhin lang ako dito for our business. Sabi nga pala ni Dad baka umuwi siya dito next month.
Ivan: ok (sagot ni ivan na parang nawalan ng gana kumain)
Marrki: So kumusta ang school? Kumusta ang lovelife? Ano nga pangalan nung babaeng gusto mo? Ano? sinagot ka na ba?
Ivan: Hindi pa eh. Pero sisiguraduhin ko na mapapasagot ko rin siya. I think she's the perfect girl for me.
Markki: Pero Ms. Perfect may not be Ms. Right man.
Ivan: Oh well, in her case...she's both. FRETZIE and I are just meant to be.
Marrki: Good luck!
next Scene sa bahay ni tricia
Yaya: Tricia, tapos ka na magayos? (yaya tinitigan si Tricia...) Bakit ganyan ka pa rin magayos.Para kang bata. Bakit di mo gayahin iyong mga suot noong mga bida sa pinapanood mong palabas.... iyong XOXO. ano nga iyon?
Tricia: Gossip Girl yaya. Eh hindi ko ata kakayanin magsuot ng ganon yaya. Tsaka comfortable naman ako dito yaya ah. Everytime colorful ang suot ko..feeling ko nagiging maganda ang araw ko. (with a big smile on her face)
Yaya: Pag ganyang ganyan ang ayos mo, pano ka pa magugustuhan ng Prince Charming mo...
Tricia: Ay naku Yaya, ayoko na sa kanya! As in totally... Zero! X! Absolutely Wala na...
Yaya: Talaga lang ha...(sabay tingin sa Isang poster ng pinagdikit dikit na pictures ni Ivan)
Tricia tumingin sa kung saan tumitingin si Yaya...
Tricia: Ay yaya, tatanggalin ko na yan.
Yaya: Wag na! Papagurin mo lang sarili mo kasi after 2 days ibabalik mo rin naman.
Tricia: tatanggalin ko na nga... pero tinatamad ako ngayon kaya wag na lang muna....Anyways, alis na ako yaya.
Yaya: di ka man lang magbrebreakfast?
Tricia: Sabay kami magbrebreakfast ni Ann yaya.
Next scene: Ivan and Tricia nasa kotse nila at parehong papuntang school)
Ikalawang Yugto Espesyal na Palamuti
Pagkapark ni Ivan ng kotse niya diretso agad siya sa tambayan ng barkada, sa isang kiosk malapit sa canteen. Kumpleto na ang barkada: Marion with his guitar, Diego with this PSP, Ben with this cellphone na malamang ay may inaayang kadate na naman and Ench na nilalaro ang bola niya.
Marion: Dude musta?
Ivan: Ok lang. kakarating lang ni kuya.
Ben: Kasama ba Daddy mo (sabay gaya sa Daddy ni Ivan.. "Ivan, ayusin mo pag-aaral mo para matulungan mo na kami ng kuya mo. Gayahin mo kuya. Dapat focus ka lang palagi.")?
Ivan: Yeah right Ben. maglaro ka na lang diyan.
Patuloy lang sila sa kwentuhan ng...
Ench: Ivan, chick mo o!
Naglalakad si Fretzie sa may pathwalk kasama ang dalawang friends niya.Si Marion naman napakanta ng "Isn't she lovely?"
Ivan: Ang ganda niya talaga.
Ben: Hindi lang maganda, sexy, matalino, sikat pa.
Ivan: Magiging kami rin SOON....
Ben: Bilisan mo na at baka maunahan ka pa.
Diego: Pero alam mo dude hindi kayo bagay. Ang dami niyong similarities. Magiging boring lang pag naging kayo.
Ench: At nagsalita si Mr. Psychology. Ano yan? Parang like repels like. At opposite attracts? Kung ganyan din naman, Ivan kalimutan mo na si Fretzie mo at maghanap ka na ng iba... Hanap tayo ha...
Sakto namang padaan si Tricia sa may kiosk..
Ench: There she goes. Ayan! Si Tricia dude...
Ben: Eh diba matagal na yang may gusto kay Ivan... since third grade ata tayo may gusto na yan kay Ivan eh. hahaha
Ivan: Mas pipiliin ko pang mahulog sa bangin kesa makasama yang si Tricia.
Marion: Ok naman si Tricia ah.
Ivan: Ok na palamuti sa bahay tuwing Christmas.
Sa may tapat na ng Kiosk si Trish...
Ench: Tricia, Hi daw sabi ni Ivan. 9sabay siko kay Ivan)
Ivan: HI Trish!
(Di naitago ni Tricia ang kilig nung nagHI si Ivan. Sobrang namula ang cheeks niya at nagstustutter nong magHI din siya)
Tricia: Sige una na ako....
Pagalis ni Tricia...
Tawa ng tawa sina Ench at Ben.
Ench: Dude! you see it. Sobrang kinilig sayo (sabay gaya kay Tricia..."Hi.i.i.i.i. Si-si-ge- u-u-na- na-a- a--ko")
Ben: Gustong gusto ka talaga noon. I'll bet kahit anong ipagawa mo doon gagawin niya basta for you... (sabay twinkle twinkle ng eyes...)
Ench: Kung ligawan iyon ngayon ni Ivan. siguro mga 2 seconds lang sila na
Ivan: Magiging kami lang in my third life...
at nagpatuloy sila sa kanilang usapan....
Sa may canteen...
Ann: B, bakit sobrang pula mo?
Tricia: B, OMG! Ivan just said Hi to me.
Ann: O tapos?
Tricia: Ano ka ba? NAG-HI si IVAN sa akin?
(ann blank face)
Tricia: Ito na ang simula ng aming forever and ever na relationship...
Ann: B kulang ka pa ata sa tulog. tulog ka muna...
Tricia: totoo nga. nagHi siya noong napadaan ako sa kiosk.
Ann: For sure, pinagtripan ka lang noon. Kalat na kalat kaya na Ivan is so into Fretzie.
Tricia: Wow B! ikaw na ang susunod na NegaStar. napakaNega mo naman. Sino ba bestfriend mo? ako o si Fretzie...
Ann: gusto ko lang na magising ka sa katotohanan...
(Si tricia ay hindi na nakikinig at paulit ulit na lang iniisip iyong nangyare. Matagal tagal na rin kasi siyang hindi nakausap ni Ivan)
Ikatlong Yugto Monarchy, Destiny!
Ivan: Ano bang klase natin today? I almost forgot. First day of class nga pala ngayon.
Ench: Masyaso ka kasing nabighani sa ganda ni Tricia ay este ni Fretzie pala. Haha
Ivan: Sige mangasar ka lang.
Diego: GE muna tayo ngayon. SSP. More on Pol Sci ata to eh.
Ben: GE lang pala. Wag na nating pasukan. Timezone na lang tayo.
Ench: Game!
Ivan: No. Pasok tayo. Parang gusto kong pasukan ang class na yan. I just don't know why. Weird.
Tricia: Ann, ano ba class natin ngayon?
Ann: SSP B. Politics ata. Check ko nga ulit.
Tricia: Ang boring naman niyan. Pwede bang magabsent.
Ann: B we're in college. Its time na siguro para magseryoso na tayo.
Tricia: Fine. Napabuntong hininga na lang si Tricia.
Ann: B kailan ka ba magmamature?
Tricia: Aba at nagsalita...
Ann: At least I'm trying na at nakikita ko naman na may improvement.
Tricia: Ieenjoy ko muna pagkabata ko B. Minsan lang tayo maging bata.
Ann: Ahmm. Trish college ka na. A year from now magdedebut ka na. So hindi ka na bata kaya try to grow up na.
Tricia: Opo Mommy. (Sabay lambing kay Ann)
Pagpasok ni Tricia sa room, napansin niya agad si Ivan. NapaOMG na lang si Tricia!
Tricia (pabulong na sinabihan si Ann): B I think 1.0 ko na ang subject na to. Ang swerte ko naman. Lagi akong inspired sa class nato. Ano kaya kung shift na lang ako sa course ni Ivan paka maging Summa cum laude pa ako.
Ann: Sira. Umayos ka nga....
Ben pabulong kinsa ivan, marion at diego: Ivan, kaya pala gusto mong pumasok dito. Nasense mong andito rin sa class nato ang Tricia babes mo!
Natawa sina marion at diego. Habang si Ivan naman ay irita. Hindi man napansin ni Tricia pero tinitingnan na rin siya ng mga kaklase niya, hindi dahil sa naamuse sila kay trica kundi natatawa sila sa getup nito na tipong balik 90s ba ala Jolina Magdangal. Uupo na sana si Tricia sa may bakanteng upuan malapit kinsa ivan pero hinila siya ni Ann sa kabilang side. Wala na ring nagawa si Tricia. Ayaw niyang magalit B niya sa kanya.
Bad trip pa rin si Ivan. Pero biglang dumating si Fretzie and her friends. Nabuhayan ulit ito.
Ivan: See! Sabi ko na nga ba. Hindi naman pala tuluyang magiging disaster ang class na to. Fretzie's here man.
Tinawag Ni Ivan si Fretzie at inoffer ang seat malapit sa kanila. Nakita iyon ni Tricia, medyo nasaktan pero keber na lang. Mabait lang talaga si Ivan (if you say so trish)
Pumasok na ang prof.
Prof Fidel: Good day to you. I'm Prof Fidel and I will be giving you some instructions for your first project.
Ben: Terror ata to dude. 1st day na first day magbibigay ng project.
Ench: Drop na lang natin. Gusto niyo?
Prof: Quiet! Gagawa kayo ng paper kung saan ididiscuss niyo what form of government will be best for our country.
Tricia naexcite bigla napasalita (ng medyo malakas na narining ng klase): B, ako gusto ko Monarchy. I'll be the princess tapos si Ivan ang Prince.
Buong klase napatingin kay Tricia. Natawa at nangagaloko.Si Ivan naman ay irita na naman (Sa isip ni Ivan. Kung ikaw na lang man din an princess, ay pupunta na ako sa pinakamataass na tower tapos tatalon.)
Prof: Ms?
Tricia: Santos ma'am...
Prof: Kung ganyan ka kababaw magisip, I advice drop mo na ang subject na ito.
At natawa si Ivan. Sobrang nahiya si Trish kaya natahimik na lang siya sa upuan niya.
Prof: So this project will be by pair. Girl and Boy.
Ben: Are we going to choose our own pair ma'am?
Prof: No. May pairings na ako dito.
(At sinabi na ni Prof ang mga pairings....)
De Guzman-Bercede
….
….
….
….
Dorschner-Santos
Parehong shocked si Tricia at Ivan pagkarinig ng mga pangalan nila...
Ikaapat na Yugto- I'll Never Get Over You Getting Over Me
Ben: Destiny pare. Dorschner-Santos. Dagdagan na lang ng Nuptial. Perfect na. Ang swerte mo naman Ivan akalain mo iyon si Tricia Santos ang partner mo. Habang ako sobrang malas. Fretzie. Ano bang nagawa ko sa past life ko at pinaparusahan ako ngayon?
Ivan: Dude. Titigil ka ba or sisiraan kita sa mga babaeng tinatarget mo ngayon?
Ben: Dude wala namang ganyanan. Chill lang.
Ivan: Ben palit tayo ng pair. Please. I swear kahit anong ipagawa mo or hingin mo i'll give it to you basta ba pumayag ka lang...
Ben: kahit ano? I'm fine with that. Ang tanong papayag kaya si Prof.
They tried to convince Prof pero hindi na ito pumayag.
Ivan: I swear idrodrop ko na ang subject na to.
Diego: Sure ka ba diyan pare? And how are you going to explain to your dad kung bakit ka nagdrop? Because of a girl? Good luck na lang pare.
Napabuntong hininga na lang si Ivan. Nakataas na ang white flag. No choice but to work with Tricia.
Inapproach ni Tricia si Ivan sa may kiosk (na at that time ay nagiisa lang) to ask kung kelan nila gagawin ang project. Unfortunately, wala lang reaksiyon si Ivan. Kinulit ng kinulit ni tricia hanggang sa sagutin siya nito.
Ivan: Will you please stop what you're doing. I swear you are the most annoying person i've met in my entire life.
Tricia (nalungkot): Sorry, hindi mo kasi ako sinasagot. Magtatanong lang naman sana ako sa project natin...
Ivan: and who are you kidding? Concern sa project? Or gusto mo lang talaga makasama ako. Well to tell you the truth. I don't like you and I will never ever like you. Wala ka man lang panama sa babaeng gusto ko.
Tricia (naiiyak na parang bata): Napakaconceited mo naman. (Sobrang nasasaktan na siya but she tried na hindi magmukhang kawawa). Kung hindi mo ako gustong makasama sa project, ok lang. Ako na lang gagawa. Pero walang sisihan ha pag mababa iyong score. (at seryoso siya nung sinabi niya to)
Ivan sa isip niya (natawa sa huling sinabi ni Tricia. Ang bata talaga.)
Ivan: Sorry sa sinabi ko. I'll try na gawin iyong project kasama ka. I'll let you know if ready na akong gumawa.
Umalis na si Tricia habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang sinabi ni Ivan na hindi siya nito gusto at kainlanma'y di magugustuhan.
3 days after...
Pagpasok ni Tricia sa room niya ay napatingin ito sa dingding kung saan nakalagay iyong poster ng mga pictures ni Ivan, napalitan na ito ng ibang poster. Kailangan niya ng magmove on sa Prince Charming niya. She was about to cry nang biglang may nagtext.
“Hi. This is Ivan. Meet you tomorrow at 4pm sa may McDo Quezon Ave for our project.”
Biglang napasmile si Tricia tapos dali daling kinuha ang malaking poster ng mga pictures ni Ivan sa baba ng cabinet niya at nilagay ulit ito sa dingding.
Ikalimang Yugto- Pseudo-First Date
Tinawagan ni Tricia si Ann that night para ikwento ang text ni Ian. Sinabihan din niya ito na pumunta sa bahay nila the next day to help her dress up.
The next day si Tricia ay aligaga na...
Ann: B, will you please calm down. Project ang pupuntahan mo at hindi date.
Tricia: B, anong turo sa atin sa Health dati ng definition ng date?
Ann: Date ang matatawag sa meetup kung planado I mean kung may nakaset na date at place,blah blah blah
Tricia: Anong text ni Ivan? Diba may place at time. Date na rin iyon.
Ann (rolls her eyes): Fine! It's a date but its not the kind of date you are thinking.
Tricia: Anong date ba iniisip ko?
Ann: Romantic date.
Tricia: of course not. (defensive mode) for project lang ito. Kaya go na B ano na susuotin ko.
Nilabas na ni Trish lahat ng sa tingin niyang pinakamagaganda sa closet niya. Akalain mong nagmukhang rainbow ang kama niya.
Ann: B masyadong pambata ang mga damit mo. Tara. Punta muna tayo sa mall to buy dress na medyo pandalaga.
Tricia: Ayos naman tong mga to ah.
Ann: If you really want Ivan na magustuhan ka, wag mo na suutin iyan. Try to dress up like....hmmm... Fretzie.
Tricia: Fretzie again. I don't have to.
Nainis si Tricia sa pagmention ni Ann kay Fretzie. She ended up with her usual get-up.
Ann: Pinapunta punta mo ko dito to help you pero hindi ka rin naman nakinig sa akin. Bahala ka na nga.
Tricia nasesense na pissed off na si Ann...
Tricia: I love you B (sabay kiss sa cheeks)....
415 na dumating si Tricia sa McDo. Andoon na si Ivan. He was wearing a fitting shirt tapos pants lang pero grabe mukha talaga siyang prinsipe.
Tricia: Hi!
Ivan: You're late.
Tricia: 15 minutes lang naman. Tsaka better late than never. Ok anong order natin? (excited na sabi ni tricia)
Ivan: Hindi tayo pumunta dito para lang kumain at magusap okay, we're here for the project.
Tricia: Alam ko pero alangan namang hindi tayo magorder. Papaalisin tayo ng McDo. Tsaka dapat bago tayo gumawa ng project eh busog tayo para mas marami tayong maisip.
Habang kumakain sila eh hindi man lang nagsasalita si Ivan. Disappointed na si Tricia. Hindi ganito ang ineexpect niya sa FIRST DATE nila.
Tricia: Ivan, anong gusto mong maging?
Ivan: Kumain ka na lan diyan
Tricia: Ang sungit mo naman. Nagtatanong lang naman. Siguro gusto mo maging businessman noh?I'll bet few years from now isa ka na sa pinakasikat n businessman dito.
Ivan: Pwede bang tumahimik ka na lang. Instead magtanong ka about sa personal kong buhay. Why not give your insights sa project natin ano?
Tricia (hindi man lang nagresearch about forms of government eh nahihiyang magbigay ng opinion): Ivan, hindi pa kasi ako nakapagresearch kaya wala akko masyadong masabi ngayon.
Ivan: kagabi pa kita tinawagan ah, wala ka man lang binasa simula kagabi.
Tricia: uhhmmm, nabusy ako eh.
Ivan: busy sa ano? (galit na)
Tricia (dahil natatakot na siya na baka magalit si Ivan): uhm. Monarchy na lang. Kasi parang masaya pag may royal family parang may titingalain ang mga tao. Uhm, basta (wala na siyang masabi)
Ivan: Yan lang ba masasabi mo. How stupid can you get pa? God! Kung alam ko lang na wala ka rin naman palang maitutulong sana di na lang ako nakipagmeet sayo. Lalabas muna ako may tatawagan lang.
Tinawagan ni Ivan si Ben.
Ivan: Dude, I can't believe this. Saang planeta ba galing tong si Tricia? Gagawin ko na lang magisa iyong project.
Pagkatapos magusap ng dalawa ay bumalik na sa loob si Ivan only to find out wala na si Tricia sa table nila.
And then narinig niya ang malakas na tawa sa may playplace ng McDo. It was Tricia playing with the kids sabay slide. Pinagmasdan niya lang ito habang naglalaro...Napangiti na rin siya ng makita kung gaano kasaya si Tricia. Matagal tagal din niyang pinagmasdan ito. Nakakahawa ang saya ni Tricia. Nang marealize niya kung ano na ang nangyayare sa kanya. Bigla niyang naisip na he should stop what he's thinking.
Umalis na si Ivan sa McDo nang hindi nagpapaalam kay Tricia.
Ikaanim - Aftermath
Part 6
2 days na rin mula noong McDo date nina Trish at Ivan, nakaupo lang si Trish sa kama niya habang naglalaptop para tapusin ang project nina Ivan. Balak niya na gumawa ng paper tapos ibigay na lang kay Ivan. If he doesn't like it, then so be it. Napatingin ulit siya sa pader wala na doon ang poster. Itinago niya ulit. Ayaw nga siguro ni Ivan sa kanya. Masakit palang maiwanan. Tomorrow, ibibigay niya na kay Ivan iyong ginawa niyang paper.
Si Ivan naman nasa kama niya na nakahiga thinking if he should say sorry to tricia sa nagawa niya. Alam niyang naoffend at nasaktan niya ito pero ayaw niya ng makausap to in any way. At bigla lang pumasok sa isip niya iyong nakita niya sa McdO- Tricia with a big sile on her face while playing with the kids. (Arrrggggh. Ivan better sleep now!)
The next day...
Pinuntahan ni trish si Ivan sa may kiosk. Kasama ni Ivan mga friends niya.
Tricia: Ito na iyong paper. Kung hindi mo gusto tapon mo na lang and then tell me na lang kung may ipapagawa ka.
Ivan: ok. (na hindi man lang tinitingnan si Tricia at walang kabuhay buhay)
Biglang dumating si Fretzie at ang mga friends niya...
Fretzie: Hi guys. Sama kayo sa event na inorganize ng org ko. 10Pm sa may SG.
Ben, Ench: sure.
Ivan: will be there Fritz (sabay ngiti). Ok lang ba kung sabay na tayong pumunta sa event?
Fretzie: Sure. Meet you at 9 sa house ko.
Ivan: see you later
Si Tricia ay nandoon lang the whole time. Di man lang nakakibo. Masyadong cold si Ivan sa kanya pero sobrang saya naman nito nung kausap si Fretzie.
Wake up Princess Tricia. Mukhang sa ibang princess na mapupunta si Prince Charming.
Ikapitong Yugto- SOBER
The event was a blast! Kitang-kita naman sa mga status at albums sa Facebook ng mga tao nakapunta sa event. Pero sa isang album lang talaga nakatingin si Tricia na may title na Hottest Couple of the Night. 7 photos na puro moments lang ni Fretzie at Ivan. Binasa niya mga comments at habang binabasa niya ang mga ito mas lalo niyang napagtatanto na mukhang no match nga siya kay Fretzie.
Depressed na depressed si Tricia sa sobrang depressed niya naisipan niyang....
matulog....
Ivan woke up somewhat wasted. Successful naman iyong event at ang nakaganda pa level-up na sila na fretzie. Biglang napaisip si Ivan (“I should be happy pero bakit parang may kulang?I know I'm happy.)
Ivan texting Fretzie.:I had fun last night. Hope we share more fun moments together.
Bumaba na si Ivan para makapagalmusal. Medyo late na siya nagising at medyo may hangover pa rin...Papasok na siya sa kainan ng...
Daddy Dorshner: At saan ka nanggaling?
Ivan: Dad! What a surprise. Kelan ka dumating?
Daddy: kagabi. I was hoping na andito ka pero sabi ni manang may event ka raw na pupuntahan.
Ivan: sorry dad nagpasabi sana kayo na dadating kayo di na sana ako pumunta sa event.
Dad: Ivan. I hope you already know your priorities by now. I hope you will not do anything that will disappoint me.
Ivan: Yes dad. By the way, Welcome back! (medyo sarcastic ang pagkasabi)
Bumalik na si Ivan sa room niya pagkatapos niyang kumain. Bigla siyang nadown. Parang gusto niya lang pumunta sa ibang lugar, gusto niya lang iyong feeling na makaescape....
Tama. Lalabas siya....At sana lang may maaya siyang sumama sa kanya...Kinuha niya ang celfone at tumawag.
Nagring ang phone ni trish kaya nagising ito:
Tricia: “Hello. Sige. Will be there in 2 hours.. Bye.”
Ikawalong Yugto- NIPS and PC
Takang-taka si Tricia kung bakit siya tinawagan nito. Kung kailan moving on na ang drama niya eh saka naman tatawag tawag itong si Ivan. Dapat matapos agad ang project. The more na makasama ko siya the more lang siyang masasaktan..
He doesn't know kung bakit siya ang tinawagan niya sa dinadami dami ng contacts niya sa phone niya. Magbabackout na sana siya pero she's in her way na.. Wala nga naman siyang choice. Lahat ng friends niya ay may hangover pa
sa isip ni Ivan
(inner Ivan1: wala kang choice? Pagdating naman ata kay Tricia lagi kang walang choice ehsi Fretzie wala namang hangover at wala ring ginagawa
inner Ivan2: Ayoko na siyang madistorbo
Ivan1: baka naman ayaw mo lang talaga. So bakit si Tricia?
Ivan2: bakit nga ba?)
Tricia nagwawave sa harap ng mukha ni Ivan: Ivan.... hello!!!!
Ivan bigla naging conscious: Oh hi...
Tricia: tulala ka. Ok ka lang? Anyways, gawin na natin ang paper para matapos na.
Ivan: Actually wala naman talaga akong balak gumawa ng paper.
Tricia: So bakit mo pa ako pinapunta dito?
Ivan: Gusto ko lang magsaya. Di kasi pwede mga friends ko. And then I saw your name sa phonebook kaya ikaw na lang tinawagan ko
Tricia (on her mind): Ok. Seems like i'm the last choice.
Tricia: And what am I supposed to do?
Ivan: wala. Samahan mo lang ako. Let's enjoy. Kalimutan mo muna na ikaw si Tricia at kakalimutan ko ring ako si Ivan. Tara?
Kinuha ni Ivan ang kamay ni Tricia sabay takbo papunta sa rentahan ng bike.
Sa isip ni Tricia
(inner Tricia1: Wow. HHWR-Holding hands while running. Ang sweet
innerTricia2: Ano bang nakain nitong si Ivan?
InnerTricia1: sakay ka na lang. Gusto mo rin naman.
InnerTricia2: i'm trying to move on na and here he is..
Inner Tricia1: bukas ka na magmove on. Enjoy the day first.)
Nagenjoy lang ang dalawa the whole day. Naghike, nagbike, nagboating, naglaro sa playground.
Ivan habang naghihike papunta sa kotse niya: By the way, I read your paper na. Ok iyong ginawa mo. Magaling ka naman pala eh. Hindi kanaman pala ganon kababaw (sabay mimick ni Ivan kay Tricia: Gusto ko monarchy. I'll be the Princess at si Ivan ang prince)
Nagblush si Tricia
Tricia: Hindi naman ako ganon kababaw or should I say kabobo eh. Once nagseryoso ako, tingnan mo masasabi mo talaga na Matalino pala si Trish.. Hahahaha
Ivan: then bakit hindi ka pa nagseseryoso?
Tricia: ewan. Siguro next year na pag 18 na ako. At least iyon baka mafeel ko na ang urgency na magseryoso.
Natawa na lang si Ivan
Ivan: You know what Trish I really had fun today.
Tricia: ako rin.
Ivan: nakakahawa ang pagkahyper mo. San mo hinuhugot energy mo?
Tricia (on her mind: Sayo. <3): Hindi ko rin alam eh kung bakit ganito ako. Hahaha
Hinatid na ni Ivan si trish sa bahay nila.
Tricia: So see you tomorrow. Sa school na natin gawin ang project natin.
Ivan: NO (napakafirm ng pagkasabi niya)
Nagulat si Tricia.
Ivan: I mean wag na lang sa school mas maganda kung sa labas tayo gumawa ng project. And Trish can I ask a favor?
Tricia: Ano iyon?
Ivan: sana walang makaalam na you know nagkita tayo ngayon.kahit sa bestfriend mo.
Tricia: ah o-o-o-kk-k-k-a-a-a-y
Ivan: And pagdating sa school sana gaya pa rin tayo ng dati
Tricia: Parang friends tayo pero secret lang sa iba?
Ivan (with a big smile on his face): Gotcha! We are secretly friends!!!
Parang nabuhusan ng malamig na malamig na ice si Trish. I know tingin ni Ivan sa kanya ay somewhat gullible pero she knows what he's thinking. He doesn't want others to know na friends sila. Parang nakakahiya for him na maging friend siya. Nevertheless, mas ok na rin to at least nakakausap niya si Ivan at may chance na maging close sila though secretly nga lang.
Ivan: Bye Nips.
Tricia: Anong Nips?
Ivan: yan na ang tawag at codename ko sa iyo. Nips.
Tricia (singing with action)): Wanna knnow what happen to a bag of nips. What goes on before it touch my lips and make a rainbow. Chocolate nips and make a rainbow...
Ivan: Haha. Nips kasi napacolorful mo...
Tricia: PC naman code name ko sa iyo. Alam mo na what it stands for.... Bye and Thanks PC
Ivan: Night Nips! Sweet dreams!
Ikasiyam na yugto - Comforter
Lumipas ang mga araw at mas naging mas close sina Tricia at Ivan. Halos every night sila naguusap at lumalabas din paminsan minsan. Kung iisipin mukha silang magboyfriend...Only that they are just FRIENDS. Secretly Friends.
Pagdating sa school, parang hindi nila kilala ang isa't isa. Inaasar pa rin si Trish ng mga kaibigan ni Ivan. At si Ivan nakikiasar din.
Ben: Tricia pwede ka bang pumunta dito? Medyo kailangan ko ng tulong para dito sa drawing ko.
Tricia: Ano namang maitutulong ko?
Ben: Wala pa kasing color 2ng drawing ko. Baka pwedeng gawin kitang pangkulay.
Tawa ng tawa ang mga kaibigan ni Ivan and surprisingly si Ivan tumatawa rin.Sa isip ni Tricia “Hanggang kailan matatapos ang ganitong set-up”. Gusto niya na ring itanong kay Ivan kung kelan to matatapos. Gusto niya na ring sabihin kay Ann ang nangyayare sa kanya lately but a promise is a promise. Hindi niya pwedeng sabihin kanino man ang tungkol sa kanila ni Ivan.
That night tumawag si Ivan...
Ivan: Nippy...
Tricia: yeah? (wala sa mood)
Ivan: Are you ok?
Tricia: No.
Ivan: Bat di ka kaya dumungaw sa window.
Tricia pumunta sa may window at nakita na si Ivan ay nasa labas. Lumabas si Trish
Tricia: bat andito ka?
Ivan: kailangan ko lang ng kausap.
Tricia: bakit di iyong mga kaibigan mong lalake ang puntahan mo.
Ivan: may problema ba?
Tricia: I just need to rest
Ivan: ok. Sige alis na ako. Bye.
The next day sa school. Super nagkukulitan ang magbarkada.
Ben: Ivan, may nakakita sa inyo kagabi.
Ivan: blank face
Ben: Dude, anong level na kayo ni fretzie?
Ivan: wala magkasama lang kami kagabi. Kwentuhan lang.
Marion: Ano namang napagkwentuhan niyo.
Ench: Kasal na ba?
Ivan: Wala.
Saktong dumaan si fretzie sa may kiosk...Hinila siya ni Ench palapit kay Ivan. Natapilok si Fretzie buti na lang nahawakan siya ni Ivan. Napasmile na lang si Fretzie pati na rin si Ivan. Sa sobrang close nila parang magkikiss na sila. And that was the time na napadaan si Tricia. Nagtuksuhan ang mga magkakaibigan at nakalagay pa sa likod ni Fretzie ang kamay na Ivan na para bang nagsasabi na This is my girl. Sobrang sakit nito para kay Trish. Sobrang nagseselos na siya.
Ikasampung yugto - A Kiss To remember
Dumaan ang mga araw at hindi na sila masyadong naguusap ni Ivan. Mas nagkakasama sila ni Fretzie lately. Natsitsismis na nga na sila na. Ang bigat bigat na sa pakiramdam. Kailangan ng magmoveon... Ngunit pangilan move on niya na ba to? Pangilang kuha at balik sa poster sa pader na ba ang nagawa niya?
One night, tumawag si Ivan...
Ivan (na tunog problemado): Nippy, I need to talk to you. Sobrang kailangan ko ng kausap ngayon.
Tricia (na sobrang bothered): okay. San ka ngayon? Puntahan kita.
Nagusap ang dalawa. Sinabi ni Ivan lahat ng disappointments niya, sa mga hinanakit niya with regards to his family. Si Tricia naman ay nakikinig lang at pinapalakas ang loob ni Ivan. Noong medyo nahmasmasan na si Ivan ay nagmakeface si Tricia (para patawanin si Ivan) at natawa naman ito.
Niyakap siya nito ng napakahigpit. And the moment na naglapit ang mga mukha nila, it just happened. Saksi ang buwan at mga bituin sa langin, ang mga puno at kuliglig sa paligid, nangyare na ang dapat na mangyare...indeed, it was a kiss to remember.
That night,si Tricia ay hindi rin makatulog. Sa isip niya ay nainlove na sa kanya si Ivan pero ayaw niya namang umasa. Baka nga wala lang iyong kiss na iyon kay Ivan. Ivan, Ivan, Ivan hanggang kailan mo ba lilituhin ang puso kong litong-lito na?
That night di rin makatulog si Ivan sa kakaisip what happened. He keeps on convincing his self na he has no feelings for Tricia and that si Fretzie talaga ang gusto niya. Sinasabi niya na nadala lang siya sa kanyang emosyon. But he keeps on touching his lips tapos napapasmile (Convince yourself Prince Charming but you know the truth and the truth is your falling for her)
Ikalabing-isang Yugto - Denial
Dumaan ang mga araw at parang wala lang nangyare. Gustong gusto ng tanungin ni Trish si Ivan about the kiss pero nahihiya siya. Sa isip niya baka magalit lang si Ivan, mailang at lumayo sa kanya. Hindi niya ata kakayanin iyon. Pero mukhang kahit di siya magtanong ay parang ganon na rin ang nangyayare. Di na siya masyadong tinetext or tinatawagan ni Ivan at hindi na rin sila masyadong nagkikita (school is not counted naman dahil hindi naman talaga sila nagpapansinan). Sobrang bothered na siya. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin. Naiisip nga niya siguro HORRIBLE kisser siya kaya ayaw na ni Ivan sa kanya. Hindi niya naman kasalanan, first time niya kaya iyon.
Si Ivan naman ay naguguluhan. Hindi niya rin alam kung ano ang nagtulak sa kanya para halikan si Tricia. Alam niyang wala siyang gusto kay Tricia (yeah right!) at nadala lang siya nung gabing iyon. Kakalimutan niya na nangyare iyon pero di niya maitatanggi. Tricia is a good kisser. He's on his way na para sunduin si Fretzie. Kay Fretzie niya na lang ibabaling ang attention niya.
Mas nagiging close na sina Ivan at Fretzie (base sa makikita mo physically). Madalas na na nagsasama ang dalawa at hindi ito lingid sa kaalaman ni Tricia. Gusto niya ng puntahan si Ivan at tanungin kung ano na nangyayare sa kanila pero wala siyang lakas ng loob. Baka madisappoint lang siya sa sasabihin nito.
Kaya tinext niya ito.
“Ivan, ano na nangyayare sa atin? Bakit parang bigla na lang nawala iyong friendship natin pagkatapos ng gabing iyon. Kinalimutan ko na iyon. Hindi ba pwedeng bumalik tayo sa dati?”
Nang mabasa to ni Ivan, nakadama siya ng lungkot. Namiss niya na rin si Tricia pero hindi niya alam ang isasagot dito kaya mas mabuting wag na lang siyang magreply (very coward Ivan). Ilang text din ang inignore ni Ivan at ilang tawag din ni Tricia ang hindi niya sinagot.
Dahil dito, si Tricia ay sobrang nalulungkot na kaya tinawagan niya na si Ann to finally tell her what's going on. Ikinuwento niya dito ang lahat lahat. Nashock si Ann sa sinabi ni Tricia dahil hindi talaga halata na there's something going on between her and Ivan. Disappointed rin si Ann sa behavior ni Ivan.
Ann: Jerk! Ano iyon B nahihiya siya na maging kaibigan ka?
Tricia: Siguro (sobbing)
Ann: Pero hinalikan ka niya diba? Siguro may feelings siya for you.
Tricia: wala naman siyang sinabi.
Ann: Ano ba ang nasa utak ni Ivan. Hindi ko mabasa. Lumalabas siya with Fretzie and secretly nakikipagmeet sayo? Jerk talaga!
Umiiyak lang si Tricia.
Ann: You know what bes. Bat di mo kaya siya iconfront? May event bukas I'm sure pupunta iyon doon kasi Fretzie is one of the organizers.
Tricia: Hindi ko siya pwedeng lapitan, remember?
Ann: Forget about that. Basta pupunta ka tom.
Ikalabindalawang yugto- Now or Never
Iyong event pala ay sort of get together lang. Kaya medyo nabawasbawasan ang kaba ni Trish kasi di naman pala pormal ang event. Nasa dulo lang siya at di man napansin ni trish pero nakatingin si Ivan sa kanya. Mixed emotions si Ivan- guilt, kaba, lungkot at longing na makasama ulit si Tricia ang nararamdaman niya.
At biglang bumalik sa isipan ni Tricia kung ano ang ipinunta niya dito. Hinanap niya si Ivan and good thing nakita niya rin ito. Sobrang standout kasi talaga. Nilapitan niya ito...
Tricia: Ivan, bat di mo na ako tinetext or tinatawagan?
Saktong dating naman ng mga kaibigan na Ivan at narinig ang sinabi ni Tricia.
Ben: Ano iyong narinig namin? Tinatawagan mo siya dude? Seriously?
Ivan: Yeah. In her dreams.
Ench, Ben, marion: Hahahaha.
Napahiya talaga si Trish. Umalis na sina Ivan pero nakita niyang tiningnan pa niya ito. Why is he so unfair to her? Pano niya pa nagagawang ipahiya siya sa harap ng mga kaibigan nito? She was about to cry na pero pinigilan niya. Kailangan niyang makausap si Ivan. Kung hindi na talaga maibabalik ang dati at least may closure man lang at hindi sila magkahiwalay na masama ang loob sa isa't-isa tipong past is past let's just move on. Lalapitan niya na sana ito ng biglang nagsalita ang emcee.
Emcee: And now for our icebreaker (with a big grin on his face), we will be having this little game. In a count of three, you will kiss the person you like
Halo-halo ang naging reaction ng mga tao.
Emcee: Oh come on. Were not kids anymore. Its just a kiss. (JUST A KISS paulit ulit sa utak ni Tricia)
Emcee: 1...
Hinihila na ng mga paa ni Tricia si tricia papunta kay Ivan
Emcee: 2
Ivan (on his mind): Will I kiss her or not?
Emcee:3
And then it happened
Hindi lubos akalain ni Ivan na mahahalikan niya ito.
Sobrang shock naman si Tricia at ganon na din si Fretzie.
Ivan kissed Fretzie.
Fretzie: That was unexpected. Hindi ko akalaing susunod ka sa sinabi ng emcee. (At natawa na lang ito)
Napasmile naman si Ivan and then she saw Tricia na maluha luha. She felt betrayed. Sobrang nabreak into pieces talaga ang puso niya. Umalis siya agad at napahinto sa may labas ng hall. Di niya na mapigilan ata talagang naiyak na siya. Sinundan naman siya ni Ivan pero di niya pinahalata kay Fretz na si Tricia ang susundan niya.
Ivan: Nips, are you ok?
Tricia: You think I'm okay (still sobbing), huh?
Ivan: I don't know what you're thinking.
Tricia: Ganon ka ba kamanhid?
Ivan: What do you want from me? Hindi naman tayo diba? So I don't think I owe you any explanation.
Tricia: Oo nga naman. Sino nga ba naman ako diba?
Ivan: Wait if this is about the kiss. I'm sorry kung nagawa ko iyon. Pero WALA lang iyon.
Tricia: Wala? (in disbelief)
Ivan: Yeah. Nadala lang ako nun pero wala lang iyon.
Tricia: May tanong ako sana sagutin mo. Kahit minsan ba may naramdaman ko for me?
Ivan: Trish stop that.
Tricia: Oo o wala
Ivan: Wala. I'm Sorry
Tricia: Sabi ko na nga ba. Ang ***** ko naman para di maisip na wala nga. Oh well kasi nga kung may gusto ka sa akin eh di sana noon pa sinabi mo na sa iba mong mga friends na friends tayo. At hindi ka mahihiya na makasama ako in front of many people. Di gaya kay Fretzie na hinalikan mo pa sa harap ng marami Oo nga naman. Sino ba naman ako ikumpara mo kay fretzie diba. I'm just a Nobody.
Ivan: Trish. I'm Sorry.
Tricia (napinipilit na hindi na umiyak): Thank you for all those fun moments we had together. I guess this is goodbye then. When we meet again, let's just pretend we don't know each other.
Paalis na si Trish nang biglang hawakan ni Ivan ang kamay niya. Bumitaw naman si Tricia at patakbo ng lumabas.
Huling Yugto- Goodbye
Hindi na bumalik si Ivan sa loob. Instead nagdrive ito papunta sa park kung saan una silang nagdate ni Trish. Hindi niya lubos maisip kung bakit umabot sa ganito. Pano niya nagawang saktan si Tricia. At handa ba siya na lumayo si Trish sa kanya. Tomorrow ay kakausapin niya ito at hihingi siya ng tawad.He needs to fix this soon.
Si Tricia naman ay sobrang lost. She never thought na ganon kasakit ang mareject ng taong minamahal mo ng lubos. Kailangan niyang makalimutan ang mga nangyare or tuluyan na siya mawawalan ng bait. She needs to go anywhere na malayo si Ivan. Kailangan niya ng magmove on for good at hindi niya magagawa iyon kung nakikita niya si Ivan. That night tinawagan niya ang mommy niya sa New Jersey.
Pumunta si Ivan kina Tricia the next day to say sorry and to tell her his true feelings. Pero sinabi ng katulog na wala daw ito. Umalis si Ivan na di mapakali.
Hindi pa naman nakakaalis si Tricia. In fact, nng pumunta si Ivan sa bahay nila ay nakadungaw lang siya sa may bintana. At habang nakikita niya ito ay mas lalo siyang nasasaktan. Nakapack na ang mga gamit niya. She's ready to go. And she's hoping na sa bagong lugar na pupuntahan niya ay makita niyang muli ang sarili or kung di man sana mabuo niya ang bagong Tricia. A much better one. Paalis na siya nang makita niya ang poster ni Ivan. Kinuha niya ito at hinawakan at naiiyak na naman siya
Tricia: Yaya, I don't think maibabalik ko pa to. Please. Throw it away or mas maganda kung susunugin niyo na yan.
What's with the "po" Kapams?! :confuse d:: p : lol:
I don't know how old anyone is e. Hehe. Just giving respect
Originally Posted by eMZone_BLinkLe
hahahaha....mas matanda ka kasi kay kuya miro (yes! alam ko na ang name niya)....hehehehe
@kapams/kuya miro: BTW,sorry at napagkamalan kitang babae sa una :hi ya:
It's ok. No offense taken
Originally Posted by iamalurker27
mas matanda ako kay miro? i doubt. hindi naman ako ganon katanda emz. :mec ry:
eh si miro nagmamasters na tapos considering na sa Ateneo siya nagGS at HS. malamang 18 na siya nagcollege or 17. AMF ba course mo Miro sa AdM? tapos nagmamasters siya ngayon. kaya i'm pretty sure mas matanda siya sa kin. mmagkaedad siguro sila ni Manong (char at nakiManong)
I didn't go to Ateneo for GS. I went there for HS up to now. I'm 21. Hehe.
Originally Posted by iamalurker27
Ok i think tapos ko na ang book1. Yeah may book2 pa to. hinati ko na para di ako masyadong mapressured na magsulat. hahaha.:rot lmao:

Bye Poster. Bye Ivan. Hello New Jersey.
natapos din! haha
Wow! Now I know the feeling of reading a cliffhanger novel. Hehe.
I don't know how old anyone is e. Hehe. Just giving respect
I didn't go to Ateneo for GS. I went there for HS up to now. I'm 21. Hehe.
Wow! Now I know the feeling of reading a cliffhanger novel. Hehe.
same age lang pala tayo eh! (o ayan royals ah inamn ko na edad ko... kaya sa bagets ako dapat... bagets pa naman ang 21. haha) and sorry about the GS part. akala ko lang kasi blue-blood ka since birth.

bitin na ending = tinamad ang writer kaya ganun.
tsaka nambitin ka eh kaya mambibitin din ako!
Haha, yeah! I know what I did. I just didn't know how hard it feels to read a cliffhanger novel.
Trailer: Epic From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more