in light of all the bashing, the trashing,
the identity theft, the name-calling,
the accusations against certain DYans,
the horrendous attempts at breaking up this group
and the non-stop attack on the character
and the loveteam of Dong & YanYan ...
i thought of looking for a song
that would encourage us
to be a better friend to one another
because that is where the strength of this group comes from :
not in how beautiful our banners & fanarts are
but in the willingness of those who have the talent to share this gift.
not in how quicly we are able to upload DY tv guestings
but in our eagerness to share their links & transcripts.
not in how moving & well-made our DYan-music videos are
but in the excitement we generate in choosing the background song for it.
not in how many members we can gather to watch SOP or any other DY guesting,
but in our willingness to brave the "elements", manmade or natural...
just so we can show our support to dong & yanyan.
not in how expensive our gifts to dong and yan are,
but in our joy at giving them whatever helps them to remember
where they both started as solo artists and as a loveteam.
not in how much dollars our members from overseas donate
but in the humility with which we offer what little we may have
in support of our local activities.
not in how many professionals there are in our group
but in our unabashed ability to use whatever connections we may have
to make our "addiction" a little less uncomfortable.
not in how reliable our sources are or how accurate our dreams & illusions are
regarding the true status of the relationship of dong & yanyan,
but in the fun we share in decoding these "bitaminas".
not in how many members we already have
or whose name gets greeted on air by dong or yan,
but in knowing that though we may have our own little cliques & affiliations,
we are still united in our love & kilig for dong & yanyan
and our respect for each other's uniqueness.
not in our ability to detect and ignore a pretender or a goat
but in the grace & poise that we exhibit as we defend our "home" and our members ,
and our collective effort at...
a year of love, faith & support for dingdong & marian -
a year of letting go of our inhibitions and releasing ourselves
from a used-to-be-a-happy-lurker status
to a true-blue DongYan addict
a year of finding our kindred spirits--
unrecalled usernames with unknown nicknames
and even unglimpsed faces & unrevealed personal details.
All that we knew of each other was the feel-good high that
we get whenever a "comrade" validates our observations
and affirms our kilig at even the quickest glance between the two,
the quickest touch on the arm, the sweetest smile,
the sparkle in their eyes...
a year of late-evening conferences (or early AM , depending on where you are!),
mostly held after that day's episode of the latest teleserye of our royal couple;
a year of attending as many SOP guestings , movie premieres,
mall tours, & other GMA show appearances of dd & mr--
with most of us braving the heat of the sun
or the enlarging leg muscles from the long hours of waiting outside the gma studio --
yet only too happy to be finally in the company of the DYan family...
a year of watching uploads , reading online journal articles,
visiting other showbiz sites to catch any news on dd & mr
a year of fighting bitter goats or other "beings"
whose main purpose is to hurt the reputation of yanyan & dong
and make the DYans let go of our love for them
a year of the highest-of-highs: when dong finally announced
the end of his relationship with K
and the lowest-of-lows: when dong dropped that (in)famous
"thank you K for the your love, understanding & support" line at Araneta last august;
and riding all sorts of waves in-between;
a year of making new friends, keeping them, discussing with them,
losing them, winning them back, yet losing them again...
in our quest for realigning only with those whom we know can help us in our DYan journey...
a year of changed lives...
changed daily routines...
changed priorities...
changed work mode...
changed nightlife and weekend habits ...
changed friendships...
changed outlook ...
changed impression of the local philippine showbiz scene...
A YEAR OF CARRYING ON...
OF KEEPING THE FAITH...
OF LIVING THE LOVE...
OF STANDING UP & SHOUTING ...
THAT THE DONGYANATICS FAMILY
WAS, IS , AND ALWAYS WILL BE ---
HERE FOR BOTH DINGDONG & MARIAN
AND FOR THE PEOPLE WHO HAVE BECOME FAMILY TO US...
NO LONGER JUST USERNAMES SHARING THE SAME ADDICTION
BUT KINDRED SPIRITS, SISTERS-IN-THE-FLESH, SOULMATES EVEN,
[B]Nag-umpisa sa Marimar ang tambalang DongYan
Karamihan sa amin, wala pa noong kamuwang-muwang
Kung sino si Marian, at bakit sya pinagkakaguluhan,
Mga buhay namin noo’y simple at tahimik,
Hanggang cable na palabas lang ang pinagtyatyagaan.
Hanggang isa-isa kaming nakapanood ng mga eksena nila
Naghanap ng mga makakasabay sa pagka-adik sa kanila,
Nagkakita-kita sa pinoy exchange, nagsisugod sa SOP –
At isang magandang samahan ang doo’y nag-umpisa.
Tuloy-tuloy ang suporta,
habang mga senyales ng malalim na pagtitinginan eh hinahanap-hanap talaga
Nag-iyakan kaming lahat sa pagluha ni Sergio sa kasal nya kay Marimar,
Feel naming hindi si Sergio ang nandun sa eksena,
Ramdam na ramdam namin ang tagos ng panunumpa nila.
Inakalang tapos na ang tambalang hinahangaan,
Kaya laking tuwa namin ng mabalitaan
Na muling hahataw ang aming mahal na tambalan.
May buntot at palikpik nga lang ang bidang si Marian.
Kinilig ang lahat sa “Don’t Lie To Me” tanungan
Parang na-feel naming may something nang nauumpisahan.
Kung paano alagaan ni Dong sa ilalim at ibabaw ng tubig si Marian.
Utang namin ito sa Palawan, at sa Dyesebel balsa scene na ang higpit ng mga yakapan.
Pinagpala pa rin kami, sa Ang Babeng Hinugot sa Aking Tadyang, ang DY show No.3
Tinira man ang storya, sinuportahan pa rin namin sila
Sa SOP, muli na naman kaming naiyak,
Sa farewell message ni dong kay marian, paghihiwalay alam mong ayaw din nila.
Sumunod ay nagkaroon na sila ng magkaibang mga ka-partner,
Hirap man sa kalooban nami’y pikit-mata pa ring DY supporter
Hininaan na lang ang tv pag may eksenang iba ang kasama,
Hiwalay man mga lakad nila, sige pa rin kaming present at patuloy na naniwala.
Sa promos ng You To Me, lalo kaming di-nagkanda-ugaga
Pati Special Screenings kinareer na rin basta lang maka-suporta,
Salamat naman at humataw ito sa takilya,
Pati US concert tour nila, DY fans pa rin ang nagdala.
At ngayon, isang linggo bago ipalabas ang pang-apat na pagtatagpo
Excited kaming lahat dahil super miss na miss na namin kayo
Mga eksenang makabagbag-damdamin at pagmamahalang totoo
Tagal na naming gusto ulit makita, kahit mag-iyakan pa lahat tayo.
Sa Endless Love, DongYan ay muling hahataw
Pagsasama-samahin ulit mga taga-hangang nanggaling kung saan-saan.
Kung ano mang fan group nanggaling, di na dapat pagdiskitahan,
Ang pagtaguyod kina dong at yan ang dapat ipagsigawan.
Ano man ang mangyari, nandito lang kami, mga tagahangang matindi
Walang iwanan, hanggang sa altar na namin kayo ihahatid.
Sa ligayang inyong ibibigay sa Endless Love gabi-gabi,
At sa lahat-lahat pa, taos-pusong salamat nang marami. DINGDONG & MARIAN, WE LOVE YOU ENDLESSLY !!!
Who doesn't know one of the Kapuso Network's hottest properties today? Dingdong Dantes isn't just another handsome face anymore; he's worked his way to the top and deserves to be there!
Basic Info Name: Dingdong Dantes Nickname: Dong Birthday: August 2 Birth Place: Manila Showbiz Anniversary: January 1, 1998
Personal Full name: Jose Sixto Gonzales Dantes III
Claim to fame:
He got "discovered"; he really wasn't planning on entering the industry.
Unforgettable moment:
He answers, "When I was given the chance to direct Kakabakaba because that is the one thing I really love to do aside from acting."
Favorites Dingdong's hit list:
1. He likes playing basketball and Play Station.
2. His favorite expression is "Whooooo!"
3. He's a secret goth behind the cam!
4. He's a toy collector.
5. He loves super heroes.
His most treasured item is his his Batman costume (really). Star Trivia: Dingdong is afraid of rats!
Q & A
On the spot:
What do you value most?
"My family."
What do you want to achieve?
"More success in life."
What is your advice to aspiring artists?
"Love your work."
Playing MariMar catapulted this lass to stardom. She has gone on to play many roles that showed different sides of her, from a superhero in Darna to a mysterious woman in Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. She will soon start playing Jenny in the Philippine remake of the Koreanovela hit Endless Love: Autumn In My Heart.
Basic Info Name: Marian Rivera Nickname: Yan-yan Birthday: August 12 Birth Place: Madrid, Spain Showbiz Anniversary: January 1, 2005
Personal Full Name: Marian Rivera Gracia
Claim to Fame:
Marian started ramp modeling and eventually ventured into TV commercials. Her first two were for Skin White and Sky Flakes.
Bet you didn’t know! Marian talks to her cars, and she believes they give her good luck!
Favorites
Marian’s hit list:
1. Her favorite funny movie is Harold and Kumar Go to White Castle!
2. She won dance competitions in school.
3. She used to have a pet Shi Tzu, but she had to give it away because she is allergic to dogs.
4. Her comfort food is anything chocolate.
Her most treasured item is a Sto. Niño ball that she brings with her at all times. It was given by her mother, and she considers it her lucky charm!
Star Trivia: Marian named her two cars “Cariño” and “Amigo!”
Q & A
On the spot:
Why did you enter showbiz? “Actually, hindi ko inisip kahit kailan na magsho-showbiz ako, kasi alam kong sobrang hirap [dito]. Dumating na lang sa point na dinala lang ako ng kapalaran ko na dito ako dapat.”
What’s your biggest dream? “Sino ba naman ang hindi may gustong sobrang maayos ang buhay, di ba? At siguro napatunayan ko na sa sarili ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa na hindi ako umaasa sa kung ano mang mayroon kami. Syempre lagi kong iniisip na lahat ng bagay, hindi forever. Kaya ako, gusto ko magkabahay ako at magka-business. Para kahit anong mangyari sa akin, may fallback ako.”
Who or what is your inspiration? “Yung mga taong nakapaligid sa akin na sobrang nagtitiwala sa akin at sobrang mahal ako. Na alam kong [masaya] sila kung saan man ako nandito ngayon.”
Describe yourself in three words. “Makulit, kalog, kaibigan.”
PEP: Describe Dingdong.
Marian: He's lovable! Oo naman, very lovable.
PEP: Kung dessert si Dingdong, ano siya at bakit?
Marian: Chocolate, dahil favorite ko ang chocolate at never akong magsasawa. Kahit anong brand, basta chocolate, favorite ko. Parang si Dingdong, hindi ako magsasawa.
PEP: Kung gamit sa bahay si Dingdong, ano siya at bakit?
Marian: Kaldero dahil mahilig akong magluto. Never magiging complete ang pagluluto kung walang kaldero. Ganun si Dingdong sa akin, hindi makukumpleto ang buhay ko kung wala siya.
PEP: Kung ulam si Dingdong, ano siya at bakit?
Marian: Sinigang dahil favorite ko yun, lalo na kung sinigang na hipon. Favorite naming dalawa ang hipon. Pareho kaming excited pag yun ang ulam sa taping. Siyempre, pinaghihimay niya ako.
PEP: Kung color si Dingdong, anong kulay siya?
Marian: White dahil totoong tao siya at sobrang bait. Mabait si Dingdong hindi lang sa mga kakilala niya, pati sa mga taong lumalapit sa kanya.
PEP: Kung flower si Dingdong, ano siya?
Marian: Sampaguita dahil kahit malayo siya, maaamoy mo na at magandang amoy ang dala niya. Ang sampaguita ay isinasabit sa mga santo, pero hindi ko sinasabing santo si Dingdong. Mabango talaga siya at madaling maamoy... Hindi naman ako mukhang in-love sa mga sagot ko, ano?
PEP: Kung song si Dingdong, ano kanta siya?
Marian: "So Sexy!" from my dance album dahil sexy siya para sa akin.
PEP: Kung sangkap ng halo-halo si Dingdong, ano siya?
Marian: Milk, of course! Dahil kahit maraming ingredients ang halu-halo, hindi kumpleto at hindi masarap kung walang gatas. Ang milk ang nagpapasarap sa halu-halo, aminin mo!
PEP: Kung cologne si Dingdong, ano siya?
Marian: Denenes. Cologne lang siya, amoy baby at hindi nakakasawa ang amoy. Ito ang ginagamit ko dahil amoy baby. Ganun si Dingdong, amoy baby.
PEP: Anong feature ni Dingdong na gustung-gusto mo sa kanya?
Marian: (Nilingon si Dingdong na nakaupo sa kanyang likod). Hindi feature, kundi smile niya. Dahil gusto ko 'pag nag-i-smile siya, ang ganda ng aura ng smile niya.
PEP: Ano ang una ninyong pinag-awayan ni Dingdong?
Marian: Wala! Hindi pa kami nag-away. Asaran lang. Pero one minute lang yun at nawawala agad.
PEP: Gaano ka-special si Dingdong sa kanya?
Marian: Sabihin na lang natin na malungkot ako 'pag wala siya at masaya ako 'pag nakikita ko siya.
PEP: Nagagawa ba siyang real woman ni Dingdong?
Marian: Hindi. Ang isang babae, ang tingin ko, nagiging buo ang isang babae 'pag may pamilya, may asawa, at may anak. Hindi lang love, boyfriend, at material things ang nagpapabuo sa isang babae. Bilib ako sa babaeng may anak at nag-aalaga ng anak. Magiging kumpleto ako 'pag nagkaanak na ako, may family, at may partner na sa buhay.
PEP: What is love with Dingdong as your screen partner?
Marian: Para sa akin, love is happiness and love is inspiration. Kapag may love sa buhay mo, lahat masaya at lahat magagawa mo.
Pinalagyan namin kay Dingdong ng maiisip niyang adjective ang pangalan ng leading lady niya na si Marian Rivera. "Bubbly" ang mabilis na sagot ni Dingdong sa Marian is...
PEP: Something romantic
Dingdong: Gorgeous.
PEP: Song that best describes Marian?
Dingdong: "Pretty Woman"(kinanta pa nito ang ilang lines at sumabay rin sa kanya ang ilang entertainment press)
PEP: Physically, ano ang attraction ni Marian?
Dingdong: Nose at shape ng kanyang mukha.
PEP: What flower symbolizes Marian?
Dingdong: Santan dahil 'pag hinugot mo sa ilalim ay may matamis.
PEP: Kung isang bagay sa bahay si Marian, ano siya at bakit?
Dingdong: Electric fan kasi presko ang pakiramdam. Very fresh, ang lamig-lamig ng dalang hangin, at hindi mabigat dalhin.
PEP: Kung junk food si Marian, ano siya?
Dingdong: Boy Bawang dahil kahit konti ang kainin, ang lakas ng lasa!
PEP: Kung ulam si Marian, ano siya?
Dingdong: Paksiw na lechon dahil bukod sa mahilig ako sa lechon, mas masarap ang lechon 'pag pina-paksiw.
PEP: Kung sangkap ng halo-halo si Marian, ano siya?
Dingdong: Ube dahil hindi kumpleto ang halo-halo 'pag wala yun.
PEP: Before Marian, ano ang tingin mo sa love?
Dingdong: Love is just right.
PEP: After Marian, ano na ang love sa 'yo?
Dingdong: It's right.
PEP: Ano ang terms of endearment ninyo ni Marian?
Dingdong: Marami. Nag-iiba araw-araw. Minsan, Yummy at DD; minsan tawag ko sa kanya ay Baby Girl. 'Pag galit ako, tinatawag ko siyang Proserfina at 'pag siya naman ang galit, ang tawag niya sa akin ay Dingdong.
PEP: Are you a boobs or a butt person?
Dingdong: I am a butt person, lahat sa baba.
Si Dingdong din pala ang nag-assure kay Marian na bagay sa kanya ang mag-shorts dahil maganda ang kanyang legs. Kaya kumportable na ngayong mag-shorts ang young actress. Saka kailangan din sa character niyang si Proserfina ang naka-shorts, kaya no choice si Marian kundi ang magsuot nito.
Marian at Dingdong, Magkasangga Laban sa Intriga
(Showbiz Central interview, Oct. 10, 2010)
(Segment hosted by Pia Guanio)
Code:
[B]Ilang pagsubok na rin ang pinagdaanan nila MR at DD. DD: Kailangan ng pressure sa buhay. Kung wala, hindi s'ya magiging exciting.
MR: Ako basta gusto ko lang forever akong masaya. Alam kong di pwedeng laging masaya pero sana kung may dumating mang pagsubok sa buhay ko, makayanan ko 'yon.
Kahit isa lang ang nasa sentro ng kontrobersiya, wala naman silang pag-aatubili upang ipaglaban ang isa't isa.MR: Mahal namin ang isa't isa. Nando'n ang trust namin sa isa't isa. May tiwala ako sa kanya, may tiwala s'ya sa akin kahit ano'ng mangyari.
DD: Kahit saan pa humantong 'yan ako ang number 1 na magtatanggol sa kanya. Kaya hindi pwede yung mga ganung bagay-bagay para sa kanya.
Ito na marahil ang susi sa likod ng kanilang tagumpay bilang on-screen partners mula pa sa "Marimar" hanggang sa kasalukuyan bilang sina Johnny & Jenny sa "Endless Love". At ito rin marahil ang dahilan kung bakit kahit wala mang marinig na mga salita mula sa dalawa, nararamdaman ng lahat ang katotohanan sa likod ng kanilang makahulugang mga pagtitinginan. Pero ngayong hapon, masusubok ang katatagan nina MR & DD para sa isa't isa sa kanilang pagharap sa mga matitinding katanungan hatid mismo ng kanilang mga pamilya, kaibigan, mga di matinag na tagahanga at ang mga di papipigil na manunulat at kolumnista. Tinanggap nila ang hamon ng SC upang harapin ang lahat ng kontrobersiya sa kanilang first-ever live press conference. MR & DD, magkasangga labansa mga intriga!PG: Welcome back to SC, you guys! Ngayong hapon, tinanggap n'yo ang hamon namin na harapin ang mga katanungan ng inyong panel of interrogators kaya kilalanin natin kung kani-kanino manggagaling ang mga matitinding katanungan.
List of interrogators:
Emily & Julianna - 2 well-informed fans
Janna Dominguez - one of MR's trusted friends
Gabby Eigenmann - one of DD's best friends
Dinno Erece - showbiz writer
Rose Garcia - Showbiz writer & DD's publicist
2 from DD & MR's family
PG: Kung sakaling may tanong kayo na ayaw n'yong sagutin, pwede n'yong gamitin ang inyong one & only save. But the other
one has to answer for the other so tulungan 'to.
Question from Emily: Kailan ang kasal? Ay! Joke lang! Joke lang po! This question is for DD: May kumakalat na rumors na baka hindi muna kayo gagawa ng project together ni MR. Kinakabahan kaming mga DY fans kung sakaling totoo ito. Hindi na nga ba kayo magkakatrabaho ulit with each other?
DD: Kahit ako wala sa posisyon para sagutin yan dahil walang kasiguraduhan kung ano talaga ang mga susunod na gagawin namin. Pero ang palagi ko na lang inaasahan dyan, just like before akala ko pagkatapos ng "Marimar" yun na ang huling pagsasama namin. But then again, 3 or 4 more shows were given to us, magkasama pa rin kami. So from this point onwards, we may not know kung ano ang mangyayari. But the point is we've been together in so many highlights & so many good points na sobrang memorable & I'm very thankful for that.
Question from Julianna: My question is for MR. Marian, gaano mo mami-miss si DD ngayong itong EL na ang huli n'yong pagsasamahang proyekto?
MR: Mami-miss? Ba't ko sya mami-miss e palagi kaming magkasama?
(Nagsigawan at nagtilian ang mga tao sa studio.)MR: O sige, kakambiyo ako. Siguro 'pag may ginawa syang iba pero most of the time...
PG: Wait! Let me ask you guys. Mas ok ba na magkatrabaho kayo or do you like it when there is a bit of distance between the two of you, nami-miss
nyo ang isa't isa? What's the story there?
DD: Noong umpisa ng EL, sobrang na-excite kami dahil magkakasama kami & syempre habang tumatagal, mas tumitindi ang samahan namin, mas lumalalim ang relationship. So at this point, binigyan kami ng project na magkasama. Akala ko magiging sobrang masaya pero ang nangyari hindi lang bilang co-actor ang pakikitungo namin sa isa't isa kasi yung concern mo higit pa sa pagiging katrabaho. Kumbaga ako ang mas napupuyat. Kung pwedeng wag ka nang mapuyat, ako na lang.
PG: Naks naman!
DD: Iba ang concern. So minsan di ka makafocus kasi nandoon ka para magtrabaho pero nandoon ka rin para mag-alala. So may pros ang cons.
PG: Ikaw ba Marian, do you feel the same way? Is it difficult for you to separate your feelings for DD na personal kapag nagtatrabaho?
MR: Oo, ganun din pero mas sya. Mas palagi sya na "O, halika na kain na tayo...midnight snack na, ubusin mo yan."...mga ganun.
PG: So given the chance, gusto mo pa bang makatrabaho ulit si DD?
MR: Oo naman.
DD: Tsaka noong patapos na ang EL, nag-usap kami pero hindi ko nasabi nang harapan sa kanya. Tinext ko lang na "Sobrang mami-miss kitang katrabaho". Parang ang hirap lang ma-realize kapag dumating na sa point na 'yon pero at least nasabi ko sa kanya kahit sa text lang.
Question from Janna: Ilang projects na rin ang napagsamahan ninyong dalawa. Para kay Marian, ano pa ba ang nagiging reaksyon mo 'pag si DD ay may nakaka-eksena na ibang aktres?
MR: Janna, alam mo yan...WALA! Bakit, Janna? Sagutin mo. Ikaw ang sumagot. Bakit wala?
Janna: Kasi secured na sila na para talaga sila sa isa't isa. Sana hindi na 'ko nagtanong di ba? Haha!
DD: Hindi, nagsasabi sya (MR) ng totoo. Hindi kasi pinagpapawisan ang kamay e. Hahaha!
MR: Totoo naman. Ano pa ba ang hihilingin ko sa isang Dingdong Dantes di ba?
(Muling nagtilian ang audience.)PG: Janna, satisfied ka ba sa sagot ni Yan?
Janna: Parang DongYan fan din ako. Kinikilig ako.
PG: Baka meron kang nalalaman na gusto mong i-share?
Janna: Aiiyee! Bawal! Hahaha!
DD: Hehe! Pinoy Henyo!
PG: Gabby? Your question please.
Gabby: Aaa...tao ba 'to? Hahaha! Bagay? Pwede!
DD: Sinusuot ba 'to? Haha!
Question from Gabby: Si Dong kasi maraming barkada yan sa industry na naging tatay na, may mga anak na. I think, siguro in
your life right now, gusto ko lang malaman kung naiinggit ka ba sa iba mong mga kaibigan na may anak na? Like do you see yourself
in, let's say, the next 5 years that you would have your own?
DD: Kung sa naiinggit, oo sobra. Kaya nga hanggang ninong na lang muna ako e. Ninong ako ng lahat ng mga anak ng mga kaibigan ko. At kung kailan e...ASAP sana, ASAP! But I mean it's every man's dream to have an offspring & that is one thing I look forward to.
PG: Ano'ng mas gusto mo, guy or girl? Li'l DD or li'l MR?
DD: Little Marian...little Marian.
PG: Para dalawa na yung princesses mo.
Question from Rose Garcia: My question is for DD. Dong, kahit gaano mo kamahal ang isang tao...alam naman natin na walang perpektong tao. Hanggang saan mo kayang idepensa o protektahan si MR kung halimbawa, nagkamali sya?
DD: Sa isang relationship, makikita mo ang lahat ng kagandahan at lahat ng kamalian. Ang importante do'n e kung papaano mo babalansehin. Kung hanggang saan sasamahan? E hanggang dulo talaga't walang iwanan...saka sasamahan ko rin syang bumili ng jacket kasi parang kinulang sa tela ang suot nya. Haha! (Medyo exposed kasi ang cleavage ni MR.)
Question from Dinno Erece: Para kay MR: Finale week na ng EL. Kahit papa'no ba nagpapasalamat ka dahil matatapos na ang EL?
MR: Pagpapasalamat in a positive way. Kasi pinagmamalaki ko ang istorya ang mga tao na nakasama ko. Ang hirap e. Lahat kasi nakita ko na nagpursigi, umarte na ayon sa character nila. Ang sarap. Siguro rin para matapos na ang lahat ng mga... (titingnan si Dong.)
DD: Ang alin?
PG: Spekulasyon?
MR: Spekulasyon...hindi, malungkot kasi ito na ang last na pagtatambal namin ni DD. Sa susunod hindi namin alam kung ano ang project namin. Pero sa ngayon, masaya kami na natapos namin ang EL na alam naming iiyak kayo sa ending.
Question from the family members: The 1st question is for DD. Gaano ka ba raw kakampante na boto na nga sa 'yo ang ama ni MR to be his future son-in-law when the time comes?
DD: Unang-una, mahirap sabihin. I don't want to assume kasi wala naman kaming masyadong napag-usapan noong nagkita kami dahil sa language pa lang limited na kami sa mga salita. So para ikumpirma ko pa kung ok ako o hindi, e mahirap dahil di ko na na-compose yung tamang sentence in spanish.
PG: May translator ka naman o. (referring to MR)
DD: Baligtad! Ako pa nga ang translator e. Pero ang masasabi ko lang is very positive yung feeling. I don't want to assume what that feeling is basta I know it's positive & it will lead me to something right.
PG: But DD, how important is his approval to begin with?
DD: Syempre maganda kung all factors ay nakikisang-ayon. With regards to his approval, syempre it's very important.
PG: Meron ka bang gagawing mga karagdagang hakbang para mapatunayan mo sa iyong sarili na sya'y boto sa 'yo?
DD: Maaari pero sana may pagkakataon kasi medyo malayo sya. I'm sure magkakaroon ng time, mas maraming chance na mapatunayan namin ang kaligayahan namin.
Question for MR: Marian, tanggap ng family mo si DD. Ikaw ba, handa nang makasama nang panghabang-buhay si DD?
DD: Bigat no'n a!
MR: Wow! Dahil dyan, sya (DD) ang sasagot nyan. Ibibigay ko sa kanya. Di ba may ganun?
DD: Ano ulit yung tanong?...Ako ba sasagot on her behalf?
PG: Yes, pero pa'no mo masasagot yon?
DD: Sagutin mo na kasi.
MR: Sige ganito na lang. Tatanungin kita: Sa tingin mo ba handa na akong makasama ka?
DD: Dati pa!
MR: Nyaaa!
PG: Pero ayaw nyang maging presumptious kanina.
MR: Ayaw mo pang sumagot ha!
DD: Yan po lamang ay aking opinyon. Maaaring mali ako pero opinyon ko yon.
MR: Ano yung sagot mo? Matagal na? Mabuti naman alam mo.
DD: E mabuti na yung nagkakaliwanagan. Hehe!
PG: MR, ikaw naman ang sumagot para kay DD. Sa tingin mo handa ka nang makasama ni DD habang-buhay?
MR: Bata pa lang ako, umunga pa lang ako, Dingdong na ang nasabi ko. Haha! Sige sasagutin ko na: Oo naman!
PG: Ok guys, thank you for being so game.
DD: Oh, anytime! We had fun, we had fun.
MR: Thank you!
(The segment ends with DD kissing MR's hand.)
:love::love::love:
credit to lori
Dingdong Dantes and Marian Rivera want to give each other "life-changing" gifts this Christmas
Code:
Rommel Gonzales
Kahit magkahiwalay ng ginagawang proyekto ngayon ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera, nananatiling very supportive sila sa isa't isa.
Ayon nga kay Dingdong, malaking tulong si Marian sa character na gagampanan niya sa bagong series na I ♥ You Pare, na pagsasamahan nila ni Regine Velasquez.
"Alam ninyo, to the point na pati yung ano ko dito, yung pagpapagupit, e, sa kanya ko nakuha ang idea dahil siyempre... I was toying on some certain looks, tapos, e, sa kanya nanggaling yun," banggit ni Dingdong sa taped interview sa kanya ng Startalk kahapon, December 11.
Sa hiwalay na panayam naman kay Marian, sinabi nitong: "Actually, yung character niya, binubuo niya pa. Pero pag kinailangan niya ng mga salitang bakla, alam niya kung sinong hahanapin niya. Ako yun!"
Sa I ♥You Pare kasi ay isang comedy role ang ginagampanan ni Dingdong, at ang role naman ni Regine dito ay isang drag queen kaya may mga eksenang ginagamitan ng gay lingo.
MARIAN'S VISIT. Pagkatapos ipalabas ang taped interview kina Dingdong at Marian, live na nag-guest ang aktres sa Startalk.
Ang unang napag-usapan ay ang tungkol sa pagpunta ni Marian, kahapon din, sa Brave Kids Foundation ng Philippine Children's Medical Center.
Kuwento ng Kapuso star, "Kasi ano, every year kasi, ini-invite nila ako para magpasaya ng mga bata. So, this year ulit, in-invite nila ako.
"Sabi ko nga, hindi sila ang dapat mag-thank you. Ako mismo ang dapat mag-thank you kasi para makapagbigay-saya ako sa mga bata, e, malaking bagay po yun para sa akin.
"Hindi ko alam, masyado yata akong malapitin sa mga batang may cancer."
Kaugnay nito, nung isang araw raw ay kinuha silang dalawa ni Dingdong na ninong at ninang ng isang batang may cancer.
SUPER INDAY COSTUME. Napadako naman ang usapan tungkol sa Super Inday and the Golden Bibe, ang pelikulang pinagbibidahan ni Marian na entry sa 2010 Metro Manila Film Festival.
Ano ang feeling niya na siya si Super Inday?
"Supper happy po kasi ang sarap gawin ng pelikulang ito, parang walang pressure-an.
"Masaya lang kami sa set, tapos nag-e-enjoy talaga ako kapag comedy ang ginagawa ko," sabi ni Marian.
Totoo bang may ipinabago siya sa costume ni Super Inday dahil ayaw niya ng masyadong maiksing kasuotan? O, si Dingdong ba ang may say sa costume niya at ayaw nito ng masyadong seksi?
"A, hindi!" mabilis na tanggi ni Marian.
"Si Dong ay hindi nangingialam sa kahit na anong damit na isuot ko.
"Ako talaga ang nag-decide na medyo habaan ng konti yung skirt, kasi nagmumukhang Darna, e.
"So, para maiba lang siya, pati yung kulay. Kasi parehas ding naka-boots, parehas ding ganun yung pang-itaas, so pinaiba ko lang.
"Pinalagyan ko ng something dito sa may itaas, pinahaba ko lang yung skirt.
"Tapos yun, may batya ako dito na wala sa Darna!" ang natatawang pagkukuwento ni Marian.
MARIAN'S EX-BOYFRIEND. Napadako naman ang usapan tungkol sa pagkikita ni Marian at ng ex-boyfriend niyang si Ervic Vijandre sa lobby ng GMA Network Center.
"Nagkita kami isang beses pa lang, nag-krus ang landas namin dun sa [GMA] old building, tapos...
"Wala naman kaming problema kasi hi-hello.
"So, yun lang, hanggang ganun lang," saad ng aktres.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ng boyfriend ngayon ni Marian na si Dingdong Dantes na wala ring problema kung magkita muli ang aktres at ang dati nitong kasintahan.
"Kami naman ang mga taong hindi namin basta-basta iiwan nang hindi maganda ang nakaraan," saad ng actor.
"Kumbaga, bilang mga mature at mga taong may values at dignidad, e, sinigurado naming mabigyan ng tuldok at mawakasan sa tamang paraan ang mga nangyayari sa nakaraan."
Sinang-ayunan naman ito ni Marian.
Aniya, "Tulad nga ng sabi ni Dong, hindi naman kami mang-iiwan ng past na hindi namin naayos nang mabuti."
Willing ba niyang makasama si Ervic sa isang project ngayong tila papasukin na rin nito ang showbiz pagkatapos ng Survivor Philippines Celebrity Showdown?
"Ay, oo naman! Bakit hindi?" sagot ni Marian.
"Pero siyempre, ang manager ko [Popoy Caritativo] ang sasagot niyan. Bahala na siya sa career ko."
DINGDONG IN SINGAPORE. Nasorpresa naman si Marian nang sa kalagitnaan ng interview sa kanya ay pumasok sa linya si Dingdong.
"Akala ko ba nagdyi-gym ka?" nagtatakang tanong ni Marian kay Dingdong.
At this point ay tinanong muna si Marian kung bakit hindi siya nakasama kay Dingdong sa Singapore para um-attend ng Asian Television Awards.
Nominado kasi si Dingdong sa kategoryang Best Drama Actor para sa kanyang pagganap sa Stairway To Heaven. Pero nabigo siyang makuha ang tropeyo. (CLICK HERE to read related story.)
Paliwanag ni Marian, "Naano nga ako na hindi ako nakasama sa kanya kasi kailangan kong mag-promote ng Super Inday.
"Madami akong school tours, meron akong mall shows.
"Kaya sabi ko nga sa kanya, pasensiya na siya at hindi ko siya masasamahan."
Sabi naman ni Dingdong, "Okay lang po. Sinabi ko nga, 'andun naman po siya in spirit."
Nagpasalamat naman si Dingdong sa pagkilalang iginawad sa kanya ng Asian TV Awards, kahit hindi siya nanalo.
"Opo, salamat po sa recognition ng Asian TV Awards," sambit niya.
"Ang saya po, masaya po ang experience. Kumbaga, I would love to do it all over again."
Pagkatapos nito ay nagkuwento na ang aktor tungkol sa naging experience niya sa pag-attend ng awards night sa Singapore.
"Ang ganda ng experience dahil may halong kaba at saka excitement.
"At saka siyempre, isa siyang prestigious event na kasama yung best of the best sa Asia.
"So, nararapat lang talaga na bigyan ng much respect yung invitation tsaka yung recognition."
Totoo bang pinagkaguluhan siya sa Singapore?
"Pumunta kami dun ng late 2009 para i-launch yung Marimar, pero ngayon lang po pala siya napapanood dun sa Singapore na dinub into Malay. Tapos, nasa kalagitnaan na siya ng pag-eere ng Marimar.
"Nung nasa hotel yung mga taga-doon, e, nakilala nila ako, tapos hinahanap si Marimar. Tapos, sinasabi nga nila na napapanood nga nila.
"So, random people nga na mga nakakasalubong ko. So, nakakatuwa naman na umaabot din tayo sa Singapore at naa-appreciate nila yung gawa natin doon," lahad ni Dingdong.
Dagdag pang kuwento ng aktor, "Tinatanong nila kung totoong maganda si Marimar, 'Is she really pretty?'
"Sabi ko, 'More than you can even imagine!'"
Tumawa naman si Marian sa narinig at sinabing, "Ano ba, dad, kinikilig na ako, ha!"
Ano naman ang feeling ni Marian na napapanood ang Marimar sa Singapore?
"Actually, in-open 'yan sa akin [ni Dingdong].
"Sabi niya, 'Alam mo ba yung mga tao dito hinahanap ka. Sabi nila, nasaan si Marimar?'
"Tapos, ang tawag sa kanya, 'Sergio.'
"Tapos, sabi ko, 'Talaga? Paanong nangyari?'
"Yun pala, pinapalabas nga yung Marimar doon, tapos nasa kalagitnaan.
"Na nakakatuwa lang na ipinapalabas doon yung Marimar."
CHRISTMAS GIFTS. Sa isang interview ay sinabi ni Dingdong na may tatlo siyang Christmas gifts kay Marian.
Ang una raw ay has something to do with Dyesebel.
Ang pangalawa ay "medyo expected" na raw ng aktres.
Ang pangatlo ay isang "life-changing" na regalo.
Ayon kay Marian, suot na niya ang isang regalo ni Dingdong—isang tube dress galing sa Singapore.
Pero ayon sa aktor, pasalubong lang niya 'yon at hindi pa 'yon ang Christmas gift niya kay Marian.
This time, si Dingdong naman ang inusisa ng Startalk hosts tungkol sa tatlong gifts niya kay Marian, lalo na ang sinasabing "life-changing" na regalo niya.
Pero bago nakasagot si Dingdong, tumatawang humirit si Marian ng: "A, next year po, bakla na po siya!"
Sakay naman ni Dingdong, habang tumatawa rin: "Life-changing yun, abangan nila yung transformation!"
Magpo-propose na ba siya kay Marian?
"A, hindi," sagot ng aktor.
"Kung sakaling iyon po yun, siyempre hindi ko naman sasabihing isang regalo iyon, e.
"At iba naman po yung Christmas gift.
"Usually po kasi talaga, pag Pasko, e, mahilig po kaming mag-imbento ng regalo sa isa't isa.
"Pero nasabi ko na kasi sa isang interview yun, medyo life-changing.
"Hindi naman po ganun kabigat ang ibig sabihin nun, pero medyo kakaiba lang na, kumbaga, hindi siya nabibili ng kahit na anong halaga, hindi siya yung tipo na parang normal na regalo.
"Pero siyempre, makaka... Alam n'yo yun? Something different, something different."
Ano naman ang regalo ni Marian kay Dingdong?
"Basta may ibinigay na ako sa kanya, pero gusto ko pa siyang bigyan ng isang bagay din na makakapagpabago din ng buhay niya," sabi niya.
Hindi raw ito nabibili.
Dagdag pa niya, habang tumatawa, ito ay "nasa puso ko."
Paano nila ise-celebrate ang darating na Kapaskuhan?
"Ano pa rin, katulad pa rin ng dati, pupunta kami sa bahay nila, tapos pupunta kami kina Lola.
"Yun, dun kami magse-celebrate, basta magkasama kaming dalawa," sabi ni Marian.
Sa huli ay nag nag-imbita si Marian na panoorin ang Super Inday and the Golden Bibe, at sinegundahan naman ito ni Dingdong.
Sabi ng aktor, "Siguro tamang-tama itong panahong ito para i-wish siya ng good luck sa darating na Super Inday.
"Sobrang importante para sa kanya itong project na ito.
"Tsaka nung ginagawa niya ito nitong nakaraang buwan, kakaiba ang dedication niya. Na sinabi niyang isa sa mga paboritong roles niya.
"Kaya sana makita nila yung kagandahan nito by watching it sa December 25. Dahil sigurado ako, just like her other projects, hindi siya mapapahiya."
Sagot naman ni Marian: "I love you, dad!"
Dingdong Dantes, Marian Rivera and Dennis Trillo for Endless Love @ Life & Style with Ricky Reyes
September 19, 2010
Code:
Ricky Reyes (RR): Ano ba ang ibig sabihin ng pagmamahal o love? 'Yan ay isa-isa naming ibibigay sa inyo sa pananaw ng 3 superstars ng Philippine television. Ang tinutukoy ko po ay walang iba kundi ang mga bida ng "Endless Love" na sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo & the apple of everyone's eye, Marian Rivera. Simulan natin sa definition ng "pag-ibig" or "love". How do you define "Love"?
Dennis Trillo (DT): Love is a monster.
RR: Monster?!
DT: Oo kasi halimaw s'ya na kapag dumapo sa’yo, kakainin ka ng buong-buo; wala siyang ititira sa’yo. Mag-iiba ka talaga. Gagawin mo lahat para magustuhan ka ng taong gusto mo.
Dingdong Dantes (DD): Ako para sa akin wala s'yang...siguro hindi s'ya noun para sa akin. Isa s'yang verb, isa s'yang action, isa s'yang bagay na ginagawa.
Marian Rivera (MR): Ito 'yung gift na binigay ni Lord sa 'yo na kahit sino e hindi pwedeng kumuha n'yan. Basta ibinigay mo sa tao 'yan, 'yung love mo, 'yun ang pinaka kayamanan n'ya.
RR: Anu-ano 'yung mga madalas na sweet nothings na ginagawa n'yo sa mga minamahal n'yo?
MR: Pag gising ko sa umaga ite-text ko sya...'Yung picture n'ya titingnan ko, sasabihin ko "Good Morning". Hahaha!
DD: Ako...Good morning, message lang.
DT: Ako ganun din. Kumustahin mo lang siya kung gising na ba siya, kung ano ang balita.
RR: Do you guys see love as a sacrifice?
MR: May sakripisyo s'ya pero sa ngayon, sa nararamdaman ko mas matindi 'yung love kaysa sa sakripisyo.
RR: Ano ang isasakripisyo mo para sa pag-ibig?
MR: Buhay ko!...haha!
RR: Ang bigat! DD, ano'ng isasakripisyo mo para sa pag-ibig?
DD: Para sa pag-ibig? A siguro maraming bagay.
RR: Gaya ng...?
DD: The best na kakayahan ko.
RR: Tsk! Mahirap ito, mahirap ito. Ano yung the best na kakayahan mo?
DD: 'Yun ang isang bagay na kapag ini-explore pa namin ng mahal ko. Kumbaga, hindi ko pa rin alam kung ano 'yon & together matutuklasan din namin kung ano 'yon.
RR: Talking about kakayahan, 'yan ba kapag umiibig ka iniisip mo pa ang gagawin mo or does it come out naturally?
DD: Lumalabas lang 'yan e. Kaya s'ya isang action, isang gesture. Hindi s'ya nabubuo sa isipan mo & kusang lumalabas 'yan.
RR: Anu-ano ang mga gesture ng pag-ibig para sa inyo?
DT: Isa na siguro 'yung kapag meron akong ginagawa na di ko naman madalas na ginagawa tapos all of a sudden, 'eto na ako ngayon. So 'pag nakita ko na ganun ako...Ah! Tinamaan na ako no'n.
MR: Ako wala kasi ako 'yung tipong tao na malambing talaga. Hangga't kaya kong ipakita't iparamdam, gagawin ko talaga 'yon. Kahit siguro sa sarili ko, 'wag muna ako s'ya na lang muna.
DD: Ako siguro kahit mali, para sa akin tama. Parang ganun, na magiging masaya ka pa rin.
RR: Ano ang mga mali na gagawin n'yo para sa pag-ibig?
DT: Marami na akong ginawang mali pero siguro tama 'yung sinabi ni Dong. Hangga't umiibig ka, kahit mali talaga, kahit ano pa 'yon, kahit ano'ng sabihin ng iba basta't mahal mo ang isang tao, wala ka nang pakialam ke mali. Bingi ka na't bulag.
RR: Kapag bingi't bulag ka pero happy ka...
MR: Ay, doon ako sa masaya ako't mapapasaya ko ang taong mahal ko.
RR: 'Yun bang pag-ibig na napi-feel na masaya, saan ba galing 'yon?
DD: Nanggagaling sa inspirasyon & sa ligaya na nabibigay mo sa taong 'yon.
RR: Ibang klase ka rin, Dong. Inspirasyon talaga...why?
DD: S'yempre kasi doon ka kumukuha ng lakas. Doon ka kumukuha ng dahilan para mas galingan mo 'yung mga susunod na gagawin mo sa buhay mo.
RR: Sa buhay mo o sa buhay n'yo together?
DD: Could be both.
RR: DT, sabi mo kanina may mga pagkakamali ka nang ginawa. Mga major-major na pagkakamali. Ano 'yung major-major na pagkakamaling 'yon?
DT: Katulad ng sinabi ni MR, kakalimutan mo na lahat kahit na buhay mo na 'yung isakripisyo mo, ang ibigay mo.
MR: Mali? Wala e kasi para sa akin basta para sa kanya lahat tama.
DD: Major-major na nagawa ko na? Secret!
RR: How far would you go for love?
MR: Ako kasi kapag mahal ko pinaglalaban ko e.
DD: Dapat hanggang dulo ipaglaban mo. Mula umpisa hanggang dulo.
RR: Ano 'yung umpisa?
DD: Umpisa ng committment. The moment na sinabi mo sa sarili mo na confimed, mahal ko ang taong 'to, 'yun ang umpisa ng committment. Ito ang umpisa & hanggang dulo na 'yon.
RR: Dennis, coming from Dong. 'Yang committment, napag-uusapan ba 'yan or does it come out naturally?
DT: Automatic na 'yan e. Natural nang lumalabas.
RR: Parang di na kailangang sabihing 'I love you' ?
DT: Well, di na kailangan pero minsan may time na kailangan din. Pero 'eto yung natural na lumalabas sa 2 taong nagmamahalan so di na pinaplano, di na pinag-uusapan kung ano yung next step. Kailangan mo lang is to go with
the flow, kung saan kayo dadalhin.
RR: Ano 'yong words of assurance na gusto mong marinig sa taong mahal mo?
MR: Actually, 'yung mga salita, mga matatamis na salita, wala e. Mga salita lang 'yon. Mas importante pa rin 'yung sinabi ni Dong na pinapakita, kahit di s'ya magsalita, sa tingin pa lang n'ya alam mo nang love ka n'ya na
ipagtatanggol ka n'ya, ipaglalaban ka n'ya. Yun ang mas mahalaga para sa akin. Pero tulad ng sinabi ni Dennis, may mga girls na gustong sinasabihan sila ng 'Mag-ingat ka...I love you.' Konting lambing which is kailangan
naman talaga.
RR: Kapag naririnig mo ang mga ganun, how does it feel bilang babae? Kasi yung ibang babae pakiramdam nila ine-echos lang sila.
MR: Mararamdaman mo naman e. Ang babae kasi may instinct 'yan, may pakiramdam lalo na sa akin. Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan.
RR: Anong "feel"?
MR: Wala...nagte-text kami ni Lord! Haha!
RR: Ano'ng sinasabi mo kay Lord?
MR: Thank you kasi masarap bilang babae na sabihan ka ng taong pinakamamahal mo na mahal kita. Siguro doon lang wala nang kapantay 'yon. Heaven talaga 'yon.
RR: Do you say 'Thank you'?
DD: Always, always.
RR: What do you say & how do you say it?
DD: Simple lang, thank you!
RR: Thank you for what? Thank you for what?
DD: For ahh...
RR: ...coming into my life? For making me crazy?
DD: Thank you for completing me. Haha!
DT: Ako madalas talagang magthank you. Ibinabalik ko. Halimbawa, may ginawa s'yang maganda lagi akong magte-thank you. Ibabalik ko yung favor palagi kasi nakakatuwa na may taong nagmamalasakit sa 'yo & kailangan ko talagang ibalik 'yon.
RR: Naranasan nyo na ba ang one-way na pag-ibig? Yung kayo lang ang nagmamahal?
DT: Hindi pa naman...ayokong dumating yon.
MR: Ayoko. Haha!
DD: Wala, wala.
RR: Kapag dumating sa inyo ang ganun, anong gagawin nyo?
DD: Hindi ko alam.
RR: Kasi di ba ang puso di naman natuturuan. Maski anong hirap ng tao, mayaman ka man, mabait o barumbado. Kapag naramdaman mo maloloka ka na lang. Anong gagawin nyo?
DD: Hindi ko alam. Siguro masisira ang ulo ko.
MR: Mahirap e. Mahirap na sitwasyon yan pag dating sa pag-ibig tapos one-way lang.
RR: You will not try to do anything & everything to win?
MR: Depende kasi kung gagawin mo ang lahat, ipaglalaban mo mauuwi din naman sa wala, para saan pa? Pero kung may nakikita kang pag-asa e di gumawa ka ng paraan. Pero kung wala, mahirap ipilit ang mga bagay na di talaga para sa isa't isa.
RR: Tama. Pero may kasabihan na "It's better to have loved and lost than never to have loved at all." Naniniwala ba kayo dyan?
DT: Simple lang naman ang sagot dyan e. Kung ayaw sa 'yo maghanap ka ng iba. Madami naman dyan e! Haha!
RR: Hindi naman ganun kadali 'yon ano!
DT: Oo pero kung ayaw sa 'yo, wala ka nang pag-asa e marami pa namang iba dyan.
RR: Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng "Endless Love"?
DT: Yan yung pakiramdam na kapag naramdaman mo, yan na ang pinakasiguradong feeling na mararamdaman mo sa buhay mo. Kasi nakita mo na yung babae or yung tao na gusto mong mahalin habambuhay at walang katapusang pag-ibig ang ibibigay mo sa kanya.
DD: Para sa akin ang endless love is when you see no other beginning.
RR: Ang bibigat naman ng mga binibitawan mong mga salita! Marian.
MR: Pag sinabi kasing endless ibig sabihin walang katapusan so yan yung pag-ibig na walang katapusan na hanggang saan ka dalhin ng...alam mo yon, yung buhay mo sa susunod na buhay mo, nandoon pa rin yung love.
RR: Guys, you told me that there should be no other beginning, right? But somebody told me that in our lifetime, every person is entitled to 2 to 3 true loves while the rest is just plain. Yung una, someone will come to you for a reason. Next, someone will come to you for the season. And the third will come to you for life.
MR: Aaay!
RR: Nasaan na ang endless love ninyo?
DD: Higit pa doon sa tatlo.
RR: Higit pa sa tatlo?
DD: Siguro yung pang-apat yon para sa akin.
RR: Oh my god! So for a reason, for the season, for life. Itong pang-apat ang endless love.
DD: Yes.
RR: Aaay, ang sweet! Dennis, para kay Andrew nasaan na ang endless love nya?
DT: Ah, si Andrew doon na sya sa pangatlo kasi all-out sya dito. Lahat binigay nya.
RR: Si Jenny, asan sa tatlo?
MR: Wala ang hina, si DT pangatlo si DD pang-apat. Ako doon sa panlima...hahaha!
RR: Aba, may panlima pa! Bago yan a! Ano yan?
MR: Yung tipong pag nakita mo sila Johnny & Jenny nagiging isa na. Yun yung panlima. Nagiging isa na lang sila.
DD: Bigat no'n!
MR: Hahaha!
RR: Okay guys, alam nyo ba na ang babae ay may strong feeling? Na ang babae pag mahal nya ang isang tao, alam nya ang bawat galaw?
MR: Oooohhh!
RR: Tama ba, Jenny?
MR: Tama.
RR: Alam nyo ba na ang babae, kapag di natutulog ang lalake, nararamdaman ng nagmamahal na babae? Korek ba, Jenny?
MR: Tama.
RR: Alam nyo ba na kapag ang lalake ay isip nang isip, nararamdaman ng babae?
DD: Sana.
DT: Kasi malakas talaga ang kutob ng mga babae. Halimbawa, may ginagawa kang di maganda, alam na nila kaagad. Nase-sense na nila.
MR: Oo lalo na kung malalim na yung relasyon na meron kayo. Mas higit pa doon ang mararamdaman mo.
RR: Alam nyo ba na kapag malungkot kayo, ramdam na ramdam ng nagmamahal sa inyo?
DD: A yon sigurado.
RR: Anong ginagawa nyo?
DD: Ayokong nakikita kasi syang malungkot e. So kahit di ko alam na dahil sa akin yon, pipilitin ko pa rin na paligayahin sya.
DT: Ako naman kapag naramdaman kong medyo nakakaramdam na sya na nalulungkot ako, babaguhin ko na rin ang sarili ko. Mag-iisip na ako ng masasayang bagay para hindi na sya mahawa sa kalungkutan ko.
RR: Jenny...Marian...Anong ginagawa mo kapag nakikita mong malungkot si Johnny at si Dong?
MR: Talagang dalawa sa 'kin. Haha!...Wala kapag mahal mo ang isang tao at nakikita mong malungkot sya, siguro pinaka-worst na yon, triple pa ang lungkot na mararamdaman mo. Kaya lagi mo na lang ipapakita & ipaparamdam
yung pagmamahal mo sa kanya. Yun lang e. Yun lang ang solusyon dyan e.
RR: Ang sarap naman. Anyway, thank you so much sa inyong tatlo. Dong, Marian, Dennis maraming salamat.
DD, MR & DT: Thank you, thank you!
RR: Sa inyo pong lahat na nagmamahal, i-disregard na po natin ang reason to fall in love, the season to fall in love, disregard natin ang for life, ang mahalaga tulad ng sinabi ni Marian, kailangan nararamdaman nyo na kayo ay iisa na lamang. :)
credit to LORI
Regal Entertainment's Mother Lily Monteverde hosted a belated birthday party for Marian Rivera last August 20 at the Imperial Palace Suites on T. Morato Ave., Quezon City.
The special occasion was attended by the lead star of Tarot, her family and friends in the entertainment business, GMA-7 bosses, sponsors and advertisers. Marian's rumored boyfriend Dingdong
Dantes showed up and even rendered Kamikazee's pop-rock OPM hit "Narda," specially dedicated to the birthday girl.
Trailer: Epic From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more