Pinaka-nakakatakot na Horror story na narinig mo noong bata ka pa | Buhay Pinoy | PinoyExchange

PEx Highlights

PSL: Foton VS Petron

Are you cheering for Foton? Or will you place your bets for Petron? Talk about the PSL finals here!

read more

UAAP Basketball: DLSU gets it!

There is no need for a game 3. DLSU takes home the crown! Talk more about the series here!

read more

Exchange gift ideas!

Looking for a unique exchange gift option? Check out some suggestions here!

read more

Overseas Christmas destination

Pack your bags and get ready for a holiday like no other. Where would you want to spend your holidays outside the Philippines?

read more

Favorite PBB moment so far

This season, ano ang pinaka tumatak na PBB moment sayo so far? Makipagkwentuhan na sa PEx PBB crew dito!

read more

Best shopping mall in the metro!

Where do you usually do your Christmas haul? It is the battle of the best shopping mall here!

read more

X
Results 1 to 6 of 6
  1. #1
    ~,~tambay~,~
    Join Date
    Nov 2010
    Location
    omnipresent :P

    Pinaka-nakakatakot na Horror story na narinig mo noong bata ka pa

    Hi there, share niyo naman ang pinaka-nakkakatakot na narinig niyo noong bata pa kayo at super pina-niwalaan niyo.
    Mine was: noong bata pa ako sabi ng lola ko ang mga batang pagala-gala pa sa kalaye pag gabi na kini-kidnap nung mga gumagawa ng tulay at ginigilitan ng leeg. yung dugo daw pampatigas ng semento para tumibay yung tulay. Yung lamang loob, binebenta sa palengke at ginagawang bopis, yung buto, binebenta daw sa Ajinomotto at ginigiling para gawing vetsin...


    grabe takot na takot ako diyan nung bata ako

    kayo? anong kwento niyo?

  2. #2
    Sungka Grandmaster reykjavik's Avatar
    Join Date
    Oct 2001
    Location
    Hey badoooooooops!
    This isn't even a real ghost story as in no names or scary locations like Balete Drive that I can attach any kind of credibility to but it scared me nonetheless.

    Some businessman fronted up at this hotel looking to stay there. They were fully booked but the manager said if you really want to stay there there was one room he could stay in but he had to follow one rule. No going out of the room until daybreak. The businessman said ok. They go up to the floor and to the room. It seemed he was the only one on that floor as it was completely silent. It seemed ok though so he wasn't worried. He went to bed as normal but he woke up because he felt like there was someone at his door. He creeps up to look on the hole in the door. He doesn't see anything but this red light.

    The next morning he checks out of the place and the manager asks him about his stay. He says it was ok then asks the manager why it seemed he was the only one on that floor. The manager says that floor is haunted by a ghost and no one wants to stay there. The businessman asks what this ghost looks like and the manager says "it's always a woman in black and she has red eyes".

    Hanggang ngayon tuloy takot ako sa ilaw sa radyo ko dahil lang sa kwento na yan.

  3. #3
    Quote Originally Posted by I_eat_people View Post
    Hi there, share niyo naman ang pinaka-nakkakatakot na narinig niyo noong bata pa kayo at super pina-niwalaan niyo.
    Mine was: noong bata pa ako sabi ng lola ko ang mga batang pagala-gala pa sa kalaye pag gabi na kini-kidnap nung mga gumagawa ng tulay at ginigilitan ng leeg. yung dugo daw pampatigas ng semento para tumibay yung tulay. Yung lamang loob, binebenta sa palengke at ginagawang bopis, yung buto, binebenta daw sa Ajinomotto at ginigiling para gawing vetsin...


    grabe takot na takot ako diyan nung bata ako

    kayo? anong kwento niyo?
    Well yung pinaka nakaktakot na na story ay hindi ko lang narinig kundi naranasan ko MISMO...

    naalala ko nong bata pa ako.. inutusan ako ng nanay ko na bumili ng gulay sa palengke.. habang naglalakad ako sa palengke ay may biglang lumapit sakin na matandang babae ay may ibinigay sakin na maliit na papel, at sinabi nya sakin na ibalot ko daw yung papel na yon sa isang pulang maliit na tela at gawin kong kwintas,at tandaan ko daw yung mga nakasulat don at kabisaduhin. Maari ko daw yon gamitin sa pag mamagic , mag lagay lang daw ng isang bagay sa isang panyo at balutin ko ito at basahin ko daw ang nakasulat sa papel, sabay alis ng matandang babae.

    Pag uwi ko sa bahay namin ay binuksan ko ang maliit na papel.. may naka sulat na hindi ko maitindihan... hindi ko alam kung anong klaseng salita yon, kung latin ba yon or what,... Parang LATIN

    Isang sentence lang sya na hindi naman tagalog , hindi rin englsh.. basta parang mahirap syang basahin at intindihin.. kaya hindi ko sya makabisado.

    Hanggang sa sinubukan ko na gawin yung sinabi ng matanda, kumuha ako ng panyo at naglagay ako ng isang bagay sa loob ng panyo , kumuha ako ng piso.

    nilagay ko yung piso sa loob ng panyo at saka ko nirolyo yung panyo, then saka ko binasa yung nakasulat na nasa papel na binigay sakin ng matanda na nasalubong sa palengke.

    pag kabasa ko sa sentece na naka sulat sa papel ay binuksan ko dahan dahan yung panyo ... nagulat ako at wala sa loob ang piso !!!!!! at mas lalo ako nagulat dahil nasa labas yung piso e samantalang binalot ko yon ng maigi sa panyo.

    At dahil bata pako noon, natuwa ako nong una kasi parang totoo ngang may magic...kaya inulit ko ulit yung ginawa ko,kumuha naman ako ng ballpen at nilagay ko ng dahan dahan sa parolyo sa loob ng panyo pagkatapos ay binasa ko yung nasa papel na sentence. At dahan dahan ko ulit binuksan yung pag kaka rolyo ng panyo... Aba ! at wala na naman yung ballpen sa loob ng panyo! kundi nasa labas ng panyo!!! Natuwa ako dahil .. gustong gusto noon nanonood ng mga magic magic sa tv.. pero di ako makapaniwala na totoo pala ang magic...

    Hanggang sa dinala ko sa school namin yung papel na maliit na yon na may LATIN na nakasulat. At ipinag magaling ko sa mga classmate ko ,...hangang hanga sakin ang mga classmate ko dahil ang galing ko daw mag magic !!!!

    Hanggang onetime pag uwi ko sa bahay namin... bigla ako napahinto at nag tanong sa sarili ko , Bakit nga ba nawawala sa loob yung nilalagay kong bagay sa panyo twing babasahin ko ang latin na mga salita na nasa papel?? Paano sya napupunta sa labas ng panyo samantalang binalot ko sya na parolyo sa panyo ng mabuti..pero kapag binubuksan ko na ang panyo ay wala sa loob yung bagay na binalot ko at napupunta sa labas?

    Dali dali akong umakayat sa taas ng bahay namin, at sinubukan ko ulit gawin yung mga ginawa ko sa school, dahil gusto kong mahuli at gusto ko makita kung paano nakakalabas yung bagay na ipinaloob at binalot sa panyo.

    Nong ginawa ko na ulit ang mga ginawa ko sa school ay mag isa lamang ako sa taas ng bahay namin, Habang dahan dahan kong binalot ang ballpen sa loob ng panyo ay binasa ko ulit ang mga salitang latin na nakasulat sa papel. At nong buksan kong muli ng dahan dahan yung panyo ay wala na naman yung ballpen sa loob ng panyo at lagi napupunta sa labas..

    Ngunit hindi na tuwa , galak , at excitement ang naramdaman ko ng mga oras na yon... kundi pag taas ng aking mga balahibo mula paa hanggang anit ng ulo ko, matinding takot ang naramdaman ko na parang may kakaibang elemento sa paligid ko na hindi ko nakikita pero nararamdaman ko kasabay na malakas ng pagtibok ng puso ko. At sa sobrang takot ko ay napatakbo ako at napahiyaw ng malakas pababa ng bahay namin.

    Medyo napakalma ko ang sarili ko ng makakita ako ng kasama sa bahay namin.. nagulat sakin nanay ko at mga kapatid ko sa pag hiyaw ko pababa. pero hindi ko naikwento sa kanila ang mga naramdaman ko dahil hindi ako makapag salita ng mabuti parang nanigas ang dila ko kaya naupo nalang ako sa isang tabi at nanahimik habang hawak hawak ko ang maliit na papel na may nakasulat na latin.

    At dahil may mga kasama na ako sa bahay namin sa baba ay nabawasan na ang takot ko ng mga oras na yon. Kaya sa sobrang takot sa anomang kahulugan mayron ang papel na hawak ko ay nilukot ko yon ng madiin sa aking kamay ,, at dali dali akong nag punta sa kusina namin at hinanap ko yung posporo namin.

    Pagka kita ko ng posporo ay sinunog ko ang maliit na papel na yon na may nakasulat na latin, hanggang sa tuluyan na syang maging abo at itinapon ko sa kanal sa labas namin. Don ko lubos nakilala si LORD JESUS ,,, na mahal nya ako dahil hindi nya ako pinabayaan na mapahamak ng dahil sa papel na yon. Nag papasalamat ako sa PANGINOON na hindi ko nakabisado ang salitang latin na yon na nasa papel samantalang isang sentence lang naman sya. Dahil isang malaking problemang dadalhin ko habang buhay KUNG nakabisado ko ang latin na yon na nasa papel.

    Kayat payo ko sa inyo na nakabasa ng aking karanasan ay.. hindi lahat ng latin or kakaibang salita na bigay bigay lang ng ibang tao sa inyo na kesyo agimat , anting anting , or magic .. ay wag na wag nyo agad SUSUNGGABAN upang hindi kayo mapahamak

  4. #4

  5. #5
    dahil walang kuryente sa lugar namin noong araw, usong uso ang pakikinig sa radyo, at pinakikinggan ko sa gabi kasama ko ang mga magulang at pinsan ko ay yung gabi ng lagim, whew todo talukbong pa ako ng kumot noon talaga hehehe

  6. #6
    Quote Originally Posted by reykjavik View Post
    This isn't even a real ghost story as in no names or scary locations like Balete Drive that I can attach any kind of credibility to but it scared me nonetheless.

    Some businessman fronted up at this hotel looking to stay there. They were fully booked but the manager said if you really want to stay there there was one room he could stay in but he had to follow one rule. No going out of the room until daybreak. The businessman said ok. They go up to the floor and to the room. It seemed he was the only one on that floor as it was completely silent. It seemed ok though so he wasn't worried. He went to bed as normal but he woke up because he felt like there was someone at his door. He creeps up to look on the hole in the door. He doesn't see anything but this red light.

    The next morning he checks out of the place and the manager asks him about his stay. He says it was ok then asks the manager why it seemed he was the only one on that floor. The manager says that floor is haunted by a ghost and no one wants to stay there. The businessman asks what this ghost looks like and the manager says "it's always a woman in black and she has red eyes".

    Hanggang ngayon tuloy takot ako sa ilaw sa radyo ko dahil lang sa kwento na yan.
    Creepypasta

    Quote Originally Posted by [email protected]_C View Post
    hindi mo pwedeng alugin ang itlog na butiki. mahihilo ka. katakot.
    hindi pwede sirain ang itlog ng butiki, makakabasag ng plato. Mapapalo ng ate.

    From capiz, dumating na mga aswang sa MM. Natutulog ako dati may bawang.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •