share ko lang sa inyo
yung pinsan ko(girl) registered nurse sya dito,tapos nakakuha sya ng student visa sa aussie, nung nag aaral na sya dun nagkaroon sya ng boyfriend na pinoy at student visa din ang hawak nya, mag eexpired na sana yung visa nung guy pero nagpakasal sila nung pinsan ko kaya naextend sya, ngayon nagwowork na ng full time yung guy habang nag aaral yung pinsan ko, nag aapply na sila para mapermanent sila,
mag aapply din sana ako ng student visa pero may problema, heto yung problema ko,
icopy ko na lang yung post ko sa kabilang thread para di na ko magtype:
"guys tanong lang po, mag aapply po kasi sana ako sa aussie, student visa, at nung nag rereview na po ako para sa ielts exam, nalaman ko na kung sakaling maapprove ako, hanggang 6 months lang ako pwede dun at hindi na pwedeng mag extend at english course lang daw pwede kong kuhanin pagkatapos uuwi na dito sa pinas sa kadahilanang ako po ay 1year lang sa college at naka 45 units lang,
kailangan daw po at least 72 units ang nakuha ko dito para pagdating doon pwede akong kumuha ng ibang course at pwede din iextend yung visa,
wala na po bang ibang paraan? Kailangan ko pa po kasi mag aral ng isang taon eh para makumpleto yung 72 units, nakakadismaya po kasi inaasahan ko ng makakapag apply ako tapos hindi pa po pala pwede

"