PHOTOS: Alaska Crushes Ginebra

Alaska survived a late-game rally by Ginebra to win 104-90, leading the series at 2-0 and now one win away from the title.

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

PHOTOS: ADMU Ousts UST

The ADMU Lady Eagles overpowered UST in 4 sets, ousting the Golden Tigresses and advancing to the V-League finals

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: Star Trek

Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike.

read more

PROMO: Epic

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic!

read more

Page 4 of 50 FirstFirst ... 3 4 5 14 ... LastLast
Results 61 to 80 of 990
  1. #61
    Good Evening folks!

    Lyts.. asan na ang story? haha!

  2. #62
    foodie-slash-nursie nursekulit89's Avatar
    Join Date
    Nov 2008
    Location
    nurse's station
    oo nga MANONG LYTS, asan na ikaw?

    ---------------------------------------

    gandang gabi sa lahat

    kuya sen

    grabe ang saya namin ni MS. DULCE...weeeeeeeeh

  3. #63
    ^^
    hello naman po nursekulit!

    parang ang galing mo na mag ano...
    at tsaka...


  4. #64
    foodie-slash-nursie nursekulit89's Avatar
    Join Date
    Nov 2008
    Location
    nurse's station
    at tsaka anu kuya sen hahahaha

    *** ha

    ang galing talaga kumanta ni MS. DULCE hahahaha

    hahaha

  5. #65
    ^^
    tinuro ba sa iyo ang..
    at tsaka sinabi ba kung pano siya mag-alaga?

    kung terror siya sa klase, terror din siya sa bed?

  6. #66
    Extreme Violinist lyts07's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Location
    Office Guy

    Chapter 1: Stumble on Someone (The Prelude of Music) Continuation



    Nakalabas ako ng school sabay sa rush hour ng lahat nagmamadaling umuwi. Ang dating terminal na pinagaantayan ko ng bus para sumakay ay parang isang palengke sa dami ng pasahero, idagdag mo pa dyan ang lahat ng busina ng nagdadaang sasakyan. Para na akong bilasang isda dahil sa pawis isama mo na ang nanlalagkit na pakiramdam. Palipat-lipat ako ng pwesto para makakita ng masasakyan sa ilalim ng tulay, sa isang waiting shed at sa tabi ng bangketa.

    “Ano ba namang araw to parang malas ako ah”

    Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang aking mukha na pakiramdam ko’y umaagos sa pawis. Bigla akong nakakita ng isang bus na di naman puno at ang konduktor ay nagtatawag pa. Ayos! Nakasampa na ako sa bus, lumingon ako sa kahabaan ng bus walang bakante at tila “looser” ako pagdating sa upuan ko. Kaya sa hawakan ako nakakapit para di mabuwal sa pagkakatayo.

    “Wala ba talagang mauupuan?” bulong ko sa sarili ko, nararamdaman ko na ang sakit ng paa ko at namimintig na mga hita.

    “Sige lang tofie kaya mo yan” isang bulong sa kanang bahagi ng utak ko

    “Umupo ka na sa sahig, di mo na kaya yan!” boses sa kaliwang utak ko

    Pati tuloy sarili ko binubulungan ako nahahawa na rin ba ako sa ibang kawirduhan ng mga kaklase ko? Ah basta kaya ko to, higpitan mo lang ang kapit para di ka isang kalderong tumilapon sa unahan ng bus. Pero tumigil ang bus sa mataong lugar at parang mga sardinas na isiniksik sa loob ng isang lata. Buhay pa ba ako? Walang hangin ang init at ang ingay.

    “Ano tofie kaya mo pa ba?”

    “Tofie konting tyaga pa, makakaraos ka rin”

    Ayan na naman ang mga boses sa utak ko sa tuwing napupunta ako sa ipit na situasyon laging may bumubulong, baliw nga talaga ako, this time confirmed, positive! Baliw nga ako. Bawat abante, atras at hinto ng sasakyan pakiramdam ko nakasakay ako sa roller coaster ang kaibahan nga lang nakatayo. Huwag lang aatake si byahilo tiyak maliligo tong katabi ko ng halo-halo.

    Muli kong inayos ang sakbit ng bag ko sa balikat ko saka ko lang napansin asan ang pin ko? Eto na patay talaga. Ang pin ko nawawala! Kinapa ko sa bulsa ko. Kaliwa, kanan, asan ba talaga yung pin ko? Sa bag ko, lahat ng bulsa, lahat ng zipper, mga notebook bumaliktad lumabas lang ang pin ko kulang na lang itaktak ko pati bag ko pero wala asan ang pin ko?

    Tumingin ako sa sahig, hinawi ang mga taong nakatayo mahanap ko lang yung pin ko. Sumilip sa ilalim ng mga upuan kahit mukha na akong wirdo, sabagay wirdo nga naman talaga. Mula sa dulo ng bus hanggang sa unahan baka kasi tumalsik kasi yung pin ko. Malapit na akong bumaba at dapat mahanap ko yun. Kung pwede lang ipatigil ang bus at lahat kapkapan ginawa ko na.

    “Yan ang careless kasi”

    “Hindi ka careless, Tofie wag mong isipin yun”

    At letche ayaw talaga nilang tumigil sa pagbulong sa utak ko. Asan na ba napapunta yung pin? Wala na! Oras na para bumaba.

    “Manong may baba po sa terminal!” sigaw ko sa konduktor

    Tumigil ang bus sa terminal at nakiraan ako sa mga pasahero para tuluyang makababa. Muling nagtawag ang konduktor ng mga pasahero dahilan para bumagal ang bus sa pagandar. Pero ako tuloy pa rin sa paghahalungkat ng bag sa daan habang naglalakad palayo.

    “Christopher Alcaraz?!”

    May sumigaw ng pangalan ko sa bus, sa mismong bintana ng bus na sinakyan ko. Kaya paglingon ko laking gulat ko ng muli syang magsalita.

    “Ikaw pala si Christopher! O, heto saluhin mo!” sabay itcha ng isang bagay at shoot sa bag ko. Agad ko naman tinignan ang bagay na inihagis…

    “Ang Pin ko! Sala… Yumi?!”

    Nakangiti lang sya sakin habang umaandar palayo ang bus

    “Pambihira, alam mo na rin pangalan ko?”

    “Sa bookstore! Kaninang umaga!” sigaw ko

    “Ano? Di na kita marinig”

    Talagang pasaway ang kalye kung kailan may matinong kausap saka nagingay samantalang kanina kausap ko ang mga kutong lupa sa kaliwa at kanan ko, di sila nagiingay. Pero bago pa man masundan ng isa pang malakas na sigaw, humarurot ang bus palayo…

    “Baliw yung driver na yun may kausap pa, tinakbuhan ako. Pero di bale nakita ko sya ulit si Yumi!”

    Mahigpit ang kapit ko sa pin ko para di na muling mawala, isinara ko na rin ang zipper ng bag ko baka may isa pang mawala saking gamit. Pero bago yun isinalpak ko ang headset ko sa tenga ko at pinindot ang “play”.

    “Ayos pati ba naman mp3 player nakisabay sa byahe ko”
    -----------------------------------------------
    Limang dipang taong nagtutulakan
    sa abenidang aking napagdaanan
    Nag-aabang ng masasakyan, patungo kung saan,
    di ko malaman

    Sa aking dyipning sinasakyan,
    mayroong natanaw na mama
    Sa dinami-rami ng nagdaraan, ikaw pa ang nakita,
    ikaw pa ang nakita
    May kasamang dalaga, (may kasamang dalaga)
    ------------------------------------------------
    Bawat linya ng kanta parang sabay sa hakbang ko, baliw talaga ako dahil naglalakad walang kausap, walang ginagawa pero nakangiti.

    “Yumi!” sa tuwing mababanggit ang pangalan na yan “kilig to the bones” ako palagi parang Max’s fried chicken lang.
    -----------------------------------------------
    Para, mama sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan
    Para, mama sasakay po, limang dipang taong nag-uunahan
    Para na sabi (2X), para mama, para na diyan sa tabi.

    Para na sabi, Para na sabi, Para (3X) na diyan (2x) sa tabi
    Para na sabi para na sabi para na diyan sa tabi!
    -----------------------------------------------

    Blag!

    “Aray… aruyyy… ouch…..” yan ang napapala ng naglalakad ng nakangiti at nakapikit parang naglalakad sa luneta at nanaginip ng gising.

    “Hay! Yumi!”

  7. #67
    ^^
    hay naku... gusto ko to..
    Yumi nga naman..
    nice continuation.. at talagang si Yumi lang ang nasa-isip ni Tofie..

  8. #68
    foodie-slash-nursie nursekulit89's Avatar
    Join Date
    Nov 2008
    Location
    nurse's station
    weeeeeeeeeeeeeeh...tumbling ako dito sa chapter mo MANONG LYTS...hahaha, ang ingay, at ang init ng ambiance...ang galing ng pagkakagamit ng mga salita...hehehe

    hahaha...teka...di ba humarurot na papalayo yung bus...anu yun, bumaba si YUMI..hehehe...

    and nakakatuwa yung idea na nagtatalo yung dalawang bahagi ng utak ni tofie...hahaha

    and astig nung transition mula dun sa huling bagsak ng kanta tapos BLAG...wooooooh...tumbling ulet

    nakakatuwa din yung napiling kanta...

    astig galing galing...tuwa na naman nito si kuya sen...hahaha

    para sayo LYTS

  9. #69
    foodie-slash-nursie nursekulit89's Avatar
    Join Date
    Nov 2008
    Location
    nurse's station
    Quote Originally Posted by SenZei View Post
    ^^
    tinuro ba sa iyo ang..
    at tsaka sinabi ba kung pano siya mag-alaga?

    kung terror siya sa klase, terror din siya sa bed?
    opo...tinuro niya kuya sen

    oo nga eh...pinagpawisan ako kay MS. DULCE hahaha...

  10. #70
    ^^

    parang.. na-enjoy mo ata ang session niyo ha..
    at gumaling ka na sa kanyang..... pag-alaga ha..

  11. #71
    foodie-slash-nursie nursekulit89's Avatar
    Join Date
    Nov 2008
    Location
    nurse's station
    Quote Originally Posted by SenZei View Post
    ^^

    parang.. na-enjoy mo ata ang session niyo ha..
    at gumaling ka na sa kanyang..... pag-alaga ha..
    oo naman kuya sen

    na train nga din yung tamang posisyon ng dila ko at ngipin pag anu...hahaha

    medyo lang paggaling...balik daw siya para tuluyan akong pagalingin...

  12. #72
    ^^


    dapat pag-aralan mo pa ang tamang paggamit sa dila at ngipin para sa..

    at sabi pa nya sa akin, mandatory na daw ang pagbisita niya sa'yo para gagaling ka na sa...


  13. #73
    foodie-slash-nursie nursekulit89's Avatar
    Join Date
    Nov 2008
    Location
    nurse's station
    ah talaga kuya sen

    yehey, enjoy na naman kami ni MS. DULCE..hahaha

    apir tayo dyan kuya sen

    ----------------------------------------

    aba at mukhang nanunood lang si MANONG LYTS ah...hui...ang adek mo...hehehe

  14. #74
    ^apir!

    pagbutihin mo ang lessons mo ha para at least naman.. marunong ka na..

    mas paghandaan na niya ang pagbisita sa iyo bukas..
    humanda ka na ha..



    LYTS, post ka naman dito..

  15. #75
    foodie-slash-nursie nursekulit89's Avatar
    Join Date
    Nov 2008
    Location
    nurse's station
    marunong naman talaga ako kuya sen...di lang masyado natrain...hahaha

    ready na ready na ako kuya sen

    geh...goodnight na po kuya sen...tulugan na (goodnight din kay MS. DULCE )

    btw, tulog na din po si MANONG LYTS, hehehe..sakit daw ulo niya eh...hehe...ayun

    goodnight na din bespren

    GODBLESS US ALL

  16. #76
    Good Morning!

    @nursekulit: ok yan ha.. at least, kahit konti, marunong ka..
    at si Ms. Dulce, todo handa na sa..


    @lyts: post mo mamaya ang continuation ha..

  17. #77
    shot me out of the sky bigbro09's Avatar
    Join Date
    May 2008
    Location
    ure my kryptonite.
    Huwag lang aatake si byahilo tiyak maliligo tong katabi ko ng halo-halo.

    panalo to

    ----------

    haaaaayyyyyyyyy..... teka bakit naka 3 chapter ka sa chapter 1....

    anong pakulo yan mokong?

  18. #78
    ^
    mataas talaga ang chapter 1.. kumbaga, like a book..

  19. #79
    sino pa my links kwento ng "most valualble player\?"

  20. #80
    foodie-slash-nursie nursekulit89's Avatar
    Join Date
    Nov 2008
    Location
    nurse's station
    Good PM bespren LYTS

    abangan namin latest chapter mo

    Quote Originally Posted by SenZei View Post
    Good Morning!

    @nursekulit: ok yan ha.. at least, kahit konti, marunong ka..
    at si Ms. Dulce, todo handa na sa..
    hehehe...good afternoon kuya sen

    andito na po si MS. DULCE, magsisimula na daw po ulet kami ng session namin

    Quote Originally Posted by bigbro09 View Post
    Huwag lang aatake si byahilo tiyak maliligo tong katabi ko ng halo-halo.

    panalo to

    ----------

    haaaaayyyyyyyyy..... teka bakit naka 3 chapter ka sa chapter 1....

    anong pakulo yan mokong?
    kaway kaway sayo pareng bigbro

    hehehe, iba nga daw writing style ngayon ni MANONG LYTS

Page 4 of 50 FirstFirst ... 3 4 5 14 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Whats Happening

Sub title

The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more


PROMO: Epic
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic! view more


The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more


Caught Up Default

Sub title

Trailer: The Great Gatsby
Baz Luhrmann directs an ambitious, visually stunning tale of love, dreams, and tragedy in The Great Gatsby. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more


Review: One Piece
Is One Piece Film Z an epic nautical adventure worth experiencing? Find out in this review! view more


Review: Trance
Director Danny Boyle delivers tons of twists and turns in this well-written mind-bending action thriller view more




Forums Directory