SIKAT NA PBA PLAYER, BINUWELTAHAN NG “XXX”
Bubuweltahan ng “XXX” ngayong Lunes (July 26) ang PBA player na si Dennis Espino matapos humingi ng saklolo ang isang bente anyos na dalagita na diumano’y ikinukulong nito sa kanyang piggery farm.
Hindi raw pinapayagang umuwi sa kanyang pamilya si Mildred Eiman na dating sekretarya ng basketbolista, bagamat mahigit isang buwan na itong nag-resign bilang empleyado, dahil hindi pa ito nagbabayad ng P5,000 utang nito sa mga nabasag nitong plato at ang hindi pagbabalik ng mga papeles ng kumpanya ng basketbolista.
Samantala, isisiwalat naman ni Julius Babao ang aktuwal na operasyon ng sindikatong riding-in-tandem na nagnanakaw gamit ang kanilang motorsiklo habang ekslusibo namang nakunan ng bidyo ang pag-timbog ng pulisya sa nasabing grupo.
Video nasa part 3
http://pinoy-ako.info/index.php/XXX-...6-july-10.html








Reply With Quote





