
Originally Posted by
chezzo-ominae
@CEEJAii06
Hmm, Masasabi ko na OK ang FEU Advertising Arts. In terms of Curriculum, Mix siya ng "Traditional Fine Arts" & Advertising. In the early years kasi, Focus muna kayo sa "Traditional Arts" na may basics of Advertising na. In the 2nd half of the course, Unti-unti nang pumapasok ang Advertising, Hanggang 4th year na solid Advertising na(though may Animation/Cartooning pa). Maganda naman ang outcome dahil Nananalo ang mga students ng mga Awards every year, lalo na sa Painting(Pinakamaraming napanalunan sa PLDT, at every year laging nananalo sa Metrobank, Shell, PetronArt etc.). Hindi rin papahuli ang Advertising dahil nananalo din sila sa Student Ad Congress, which nanalo sila ng Grand price at 1st runner-up sa 2 categories.
Faculty, Most of them ay nagtuturo rin sa ibang Art Schools like UST, Adventist & CSB. Mostly, Graduates sila ng UST/FEATI(Undergrad), UP(Post-Graduate) at isang FEU(Painting), at nirerequire silang kumuha ng Master's Degree bago magturo sa FEU.
Facilities: Ok rin ang Facilities ng FA Dept ng IARFA. Drafting Tables ang pinapagamit sa kanila for Drawing/Laboratory sessions. Plus, Upgraded Computers for Computer Graphic Subjects. They also has Darkroom & Photography room for Photography Classes. At ang dami nilang still life models. The problem is, may kulang rin naman. Naalala ko dun sa Advance Illustration namin, Naghahati kami sa 2 compressor para sa Airbrush sessions namin. Eh ang dami namin. So far, yun lang naman ang nakikita kong kulang sa Facility. Rooms, Malawak ang Rooms, Parang 2 rooms na pinagsama + Aircons na mabalasik kung magbuga ng Cold Wind(Parang requirement talagang mag-jacket sa klase)
@iamstan, welcome naman po kayo dito though iilan lang ang artist dito sa Campus Chat hehe.