Hindi ko mabuksan ng maayos folders and files ko sa WD ko. Nung una, gumagana naman ng maayos. Pag ginamit ko sa PC, mac, o PS3, napapanood ko naman movies ko o nakikita ko pics ko. Pero, isang araw, ng ikabit ko siya sa mac ko, bigla na lang may lumabas na prompt na kelangan ko raw i-reformat 'yung WD ko. Sinara ko lang 'yung prompt window tapos nabuksan ko naman WD ko. Yun nga lang, ang tagal bago lumabas nung folders ko. Nung lumabas na, di ko naman mabuksan lahat. Pati simpleng file lang like a jpeg na dati mabilis naman mag-load e ambagal na. May naka-experience na ba sa inyo nito?Ano ginawa niyo? Umubra ba? Salamat sa mga tutulong. Andami ko lang talagang importanteng files na naka-store sa WD Passport ko na sana huwag mabura o mawala. Thanks uli.








Reply With Quote










