PHOTOS: ADMU Draws First Blood

The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals

read more

PROMO: The Hangover 3

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3!

read more

Philippine Road-trip Destinations

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!

read more

The Apprentice Asia

Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: The Great Gatsby

Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience

read more

Page 3 of 28 FirstFirst ... 2 3 4 13 ... LastLast
Results 41 to 60 of 553
  1. #41
    Napakaraming magagandang pelikula o kung hindi naman ay magaling ang performance ni Ms. Maricel Soriano sa mga pelikulang napanood ko. Ang best so far sa mga napanood ko, content-wise and acting-wise - Inagaw Mo ang Lahat sa Akin. I liked it even more than Ikaw Pa Lang ang Minahal. I also like the following movies -- A Love Story, Inang Yaya and Dahas.

  2. #42
    pinoy.. medyo dark kasi ang inagaw mo ang lahat sa akin.. kaya medyo di ko masyadong paborito hehe. gusto ko iyong tipong hinahaplos ako lagi hehe. pero magaling talaga ang inagaw mo ang lahat sa akin.

  3. #43
    1. Ikaw Pa Lang ang Minahal
    2. Inagaw mo ang Lahat sa Akin
    3. Inang Yaya
    4. A Love Story
    5. Dahas
    6. Mila
    7. Saan Darating ang Umaga


    magaling din ang Diamond Star sa mg comedy roles tulad ng Inday Bote.

  4. #44
    loids.. tagal mong nawala.. welcome back uli lol!

  5. #45
    off-topic pero since may plano daw na movie baka mapasali na rin ito dito in the future.
    ___________________________________________________________

    Roderick Paulate defends Maricel Soriano against negative issues

    Nonie V. Nicasio

    Friday, May 7, 2010
    02:11 PM

    Ipinagtanggol ni Roderick Paulate ang kanyang matalik na kaibigang si Maricel Soriano sa ilang mga negatibong isyung kinasasangkuta n ng aktres, na may kaugnayan sa pinagdaraanan daw nitong krisis o problema sa kasalukuyan.

    Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Roderick sa Golden Screen awards last Wednesday, May 5, sa Teatrino Greenhills. Nanalo siyang Best Actor in a Musical or Comedy para sa pagganap niya sa Ded Na Si Lolo.

    "Well, first of all, I don't believe that," simula ng aktor. "Na kahit busy ako, siguro naman alam n'yo na I'm very busy nitong 45 days na malapit nang matapos. At kaya nga 'yang mga tsismis na sinasabi sa akin ngayon, actually ay hindi ko alam at nalaman ko lang ngayong gabi.

    "Pero when it comes to my friend, so far after that taping [of Maricel's 5-Star Specials] na huli kaming nagkita, pero dapat malalaman ko kung may nagyayaring hindi maganda sa kanya, ano? But as a friend, sa pagkakakilala ko sa kanya, never kong masasabi na nagkaroon ng attitude problem iyang si Maria. Very professional kasi 'yon, e.

    "Pero masasabi kong medyo ano ha, maski ako, hindi lang siya, medyo istrikto kami pagdating sa trabaho. Hindi istriktong mayabang, ha, kundi masyado naming dinidibdib ang aming trabaho. Kasi yung pagmamahal sa work, we're very passionate—para palitan natin yung istrikto—we're very passionate sa trabahong ginagawa namin.

    "Kasi, bata pa kami, ito na yung bread and butter namin, 'eto na 'yong craft na pinangangalaga an namin. But yung attitude, I don't think so, I don't think so," diin pa ni Roderick.

    Namimili raw si Maricel ng story at ng mga taong makakasama o makakatrabaho?

    "Sa akin naman, ibabase ko na lang sa mga naririnig ko ngayon sa inyo. But I think tama naman 'yon, dapat naman na piliin mo ang role. Alam mo, sa edad namin ngayon ni Maricel na kaka-twenty five lang namin ni Maria pareho... O, Maria, hindi ka ba natutuwa?" biro ni Roderick, sabay dugtong na, "A, sa tingin ko naman ay natural lang na piliin na namin yung mga pelikula."

    "Tapos na kami doon sa era na trabahong kalabaw at lahat ng i-offer ay gagawin kahit na tumalon sa kabayo o saan-saan. Tama na. Kumbaga, ang sa amin ngayon, pumili ng tamang pelikula na magugustuhan namin at mabibigyan namin ng katarungan at kasiyahan para sa mga manonood. And I don't think that is an attitude. I don't call it an attitude problem. Kasi, dapat lang naman talaga sa isang artista na piliin ang mga proyektong ginagawa," pagtatanggol pa ni Roderick sa Diamond Star.

    Ibinalita rin ni **** sa PEP ang pagbabalik-tambalan nila ni Maricel very soon.

    "Mayroong plano. Kung maganda ang magiging takbo, sana 'yong sa amin ni Maricel...isa itong comedy. Luckily, baka sa Italy ito gagawin. Sana pagkatapos ng election. Comedy ito and I think, riot na naman ito. At saka mayroon ding plano na magsama kami sa TV5 ni Maria," banggit ng comedian.

    ENTERING POLITICS. Nilinaw rin ni Roderick sa PEP na ang kanyang pagsabak sa pulitika ay hindi nangangahuluga n na iiwan na niya ang showbiz. Tumatakbo ang aktor bilang konsehal sa 2nd district ng Quezon City.

    Aniya, "Siyempre, bago ko ito pinasok, ang prayoridad ko ay ang paglilingkod sa bayan. Siyempre, ang aasikasuhin natin ay yung District 2. Pero hindi ko puwedeng ihiwalay sa sarili ko ang paggawa ng pelikula o telebisyon. At sinasabi ko naman 'yan sa mga tao maski na ngayong nangangampanya ako.

    "Tinanong nila ako... In fact natutuwa ako, and totoo ito, quote me: 'Paano iyan, ikaw ang nagpapaligaya sa amin sa TV, kaya sana ay huwag mo rin namang iwanan'. Sila rin mismo ang nagsasabi, yung mga constituent, pero gusto raw nila akong maglingkod sa kanila, nagpapawala raw ng problema nila. So, sa mga depressed areas, marami tayong dapat na gawing proyekto doon. Kaya pagsasabayin ko, pero prayoridad ang mga tao. Kasi ang pelikula naman, naa-adjust 'yan, depende lang sa schedules."

    Bago nagtapos ang panayam namin kay Roderick ay muli siyang nagpasalamat sa karangalang natanggap niya sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress).

    "Maraming salamat sa Enpress sa karangalang ito. This is my third award para sa Ded Na Si Lolo, 'yong dalawa ay para sa Best Supporting Actor. Ang Enpress, ang ibinigay sa akin yung Best Actor.

    "Lubos akong nagpapasalamat sa pag-recognize ng Enpress sa performance na ginawa namin sa pagmamahal at sa saya lang na magkakasama kami, na binigyan ng karangalan dito at, siyempre, sa abroad. And I'm very thankful to God for this gift," pahayag niya.

  6. #46
    hmm...after elections pa talaga tatrabaho uli si maricel..

  7. #47
    dami kong napanood na movies ni marya. kahit yung comedy movies niya, she's very endearing. bawat movie niya kasi meron siyang scene na "memorable" sa akin. i hope she'll do more movies...

    pinaka-gusto ko si marya (Drama movies) at talagang hinde ko makalimutan sa:

    Drama
    Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin
    Ikaw Pa Lang Ang Minahal
    Inang Yaya
    Mila
    Soltera
    A Love Story
    Hinugot Sa Langit
    Dahas
    Filipinas
    The Graduates
    Kaya Kong Abutin ang Langit
    Saan Darating Ang Umaga
    Underage
    Abot Kamay ang Pangarap
    Minsan Lang Magmamahal
    Pinulot Ka Lang Sa Lupa
    Dinampot Ka Lang Sa Putik


    Comedy Movies:
    Batang Quiapo
    Inday Bote
    Inday Inday Sa Balitaw
    Super Inday
    Maria Went To Town
    Pustahan Tayo Mahal Mo Ako
    Bahay Kubo


    Horror Movies
    Numbalikdiwa
    Vampira
    T2

  8. #48
    Pssst....sasama ka ba? luciam124's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Location
    Tagaytay & Cebu
    @cherubim03

    ^^ korak! kahit sa Soltera eh. yung bath tub scene nia with Raymond Bagatsing memorable sa akin yun... neh kami kzi yun ng best friend kong baklita. ang pagkakaiba lang namin.. si best friend ang gumanap na marya at ako ang Raymond Bagatsing... neh, super emote ang best friend ko non dahil iniwan siya ng kanyang boyfriend sa isang equally rich but younger baklita. i told him naman kzi na huwag siang magpupuyat para nde sia magkaroon ng eyebugs eh hinde nakinig.. ayun, may iagaw sa kanya ang pinakamamahal na boyfriend ng isang baklitang wala pang eyebugs.

    hmmmppss *irap to d maximum tolerance*

  9. #49
    di ba nakakaganda rin po yung eyebugs sa face ng isang tao ms. luciam? kasama iyon sa imperfections natin. anong fave movies mo ni marya?

  10. #50
    Pssst....sasama ka ba? luciam124's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Location
    Tagaytay & Cebu
    Quote Originally Posted by cherubim03 View Post
    di ba nakakaganda rin po yung eyebugs sa face ng isang tao ms. luciam? kasama iyon sa imperfections natin. anong fave movies mo ni marya?
    oh u mean deep set eyes dahlin... *pout* hinde kazi natural ang 'eyebugs' nia neh. para lang siyang kulani na tumubo sa ilalim ng mga mata niya dahil sa kanyang pagpupuyat at pag-aasikaso ng bar business. bumabagay lang iyon sa mga naturalesa ang alindog like me and my Mother Dear - the one and only Diamond Star. isingit ko ba talaga ang sarili ko sa mga natural na ganda? *super tawa to d highest degree*

    hay naku enuf of that mhin thingie at ahaserang baklita. ayokong pagusapan ng husto ang mga karmatic beauties. ive heard kasi na purita na silang dalawa at ang best friend ko ay patuloy na yumayaman at gandara *irap to d highest degree*

  11. #51
    ayos tirada n luciam as usual hehe.

    gusto kong malaman sa inyo kung anong movies ang masabi niyoing.. walang kalatoy latoy umarte si maricel.. nag fail na ba siya sa inyo? so far ako hindi pa.. kahit hindi kasi maganda ang movie para sa akin.. ayos pa rin siya.

  12. #52
    Pssst....sasama ka ba? luciam124's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Location
    Tagaytay & Cebu
    Quote Originally Posted by cherubim03 View Post
    anong fave movies mo ni marya?
    Fave movies? hmmm tulad ng sinabi mo mahirap mamili coz sa mga movies na ginawa nia merong scene na makakarelate ang common tao. kung performance wise, content wise and kung gaano ka-remarkable yung character at yung movie sa industry, siguro ang choice ko ay ito (not necessarily in order):

    1) Ikaw Pa Lang Ang Minahal
    - Why not? Ito yung performance ni Marya na "humiwa" sa balat ko. Wala akong itatapong eksena, magmula simula hanggang matapos ang movie. Bawat scene niya naramdaman ko, yung pain ni Adela ang pagmamahal niya kay David at sa father niya. Nung inamoy at hinalikan niya yung bulaklak, walang dialogue, pero kitang kita mo sa kabuuan ng mukha niya at mata yung saya at pagmamahal na napi-feel niya ng time na iyon. Pag kinukumpara siya ng kanyang father sa namatay niyang ina at minamaliit siya, nakita ko yung pagkaawa sa sarili niya at kawalan ng confidence. Nung breakdown scene niya wih Charito Solis sa ulanan at mag-dialogue ng "Mamahalin nia ako para sa inyong lahat na hinde nagmahal sa akeeenn". Neh, parang gusto kong talunin yung screen at magdialogue sa kanila ng "Can i join you real actors?". Yung transformation niya from a timid to an empowered woman hayyy super palakpak talaga ako.. Fabulous!

    Ito rin yung panahon na down si maricel, both in personal and professional life. Every awards night nanood ako hoping and praying na manalo siya kahit isang award becoz naniniwala ako na she's really really deserving to win that time. Sad to say... wala.. with the exception of the "real ... the Young Critics Circle"

    Grandslam Best Picture ang Ikaw Pa Lang Ang Minahal...


    2) Kaya Kong Abutin ang Langit
    - Tatak ng isang Maricel Soriano ito. Siya lang wala ng iba. Bihira kasi sa isang artista na gumanap ng isang salbaheng character sa isang pelikula and yet mamahalin mo at maging Superstar yung artista. Box office hit at nagbigay ng nominations sa pelikula at kay Maricel. Ang Kaya Kong Abutin ang Langit ang nagbigay ng "niche" kay Marya sa movie industry. Nung panahon kasi na iyon, nag-uunahan ang mga sikat na teenage actresses at pati na ang major actresses na makuha ang pulso ng masa by playing damsel in distress role, yung inaaapi at kinakawawa and at the end magwawagi... Lumihis si Maricel. Ginampanan niya si Clarisse Gardamonte na isang social climber, manggagamit at barumbadang anak at kapatid. Kayang manakit ng iba makuha lang ang gusto sa buhay... Ang challenge kasi doon ay kung paano mo magagawang mahalin ka ng manonood despite the fact na ang role na bibigyan mo ng buhay ay yung tipo na puede kang kamuhian dahil salbahe ka. Classic na ito ngayon at "ayoko ng dyungit" ay magtatagal habang panahon... *flick ng hair*


    to be continued...

  13. #53
    hanep ang analysis ni luciam...

  14. #54
    Pssst....sasama ka ba? luciam124's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Location
    Tagaytay & Cebu
    Continuation... *irap*


    3) Hinugot Sa Langit
    - sino nga ba tayo para husgahan ang iba eh hinde naman natin alam kung ano ang mga pinagdaanan nila pero neh Wala Kang Karapatang Pumatay!.. fabulosa ang Hinugot Sa Langit. if i'm not mistaken, marya was barely 19 or 20 yrs old nung gawin niya ang pelikulang ito. totoo yung mga character na ginampanan ni maricel with amy austria, charito solis, et al. buhay na buhay. naipakita dito ang kaipokritahan ng mundo at tao, yung choice ng isang babae at naipakita iyon in a way na hinde preachy. bongga ang pagkakagawa ni Ishmael Bernal. pinakagusto kong scenes dito ay yung kausap niang mother nia sa phone, yung wala kang karapatang pumatay scene, yung abortion scene, yung nagmamakaawa siya kay Al Tantay... at yung final scene na nakita yung "buhay na aura" ni Maricel kumpara sa mga naunang scenes na she's really haggard and problematic... one of the best pinoy movies ever...

  15. #55
    Pssst....sasama ka ba? luciam124's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Location
    Tagaytay & Cebu
    4) Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin

    - Winner of Best Foreign Language Film at Nortel Palm Springs International Film Festival in USA.
    - Philippines entry to Oscars Best Foreign Language Film


    - Sige isatsat moooo!!! Ipangalandakan mo na ako ang pumatay kay Itay tsaka ko ipagsisigawan na naging kauli niya ang bunso niya.... kaulayaw! kabeeeett!


    - Ikaw na lang palagi ang maganda, ang matalino...ang nagniningning...ibinigay na nga sa iyo ang lahat pati ba naman ang pagmamahal ni Itay ay aagawin mo pa sa akin.... Haliparot! Malandi! Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin... lahaaaattttt!



    - ganon ka intense ang Diamond Star dito. hinde ko ma-imagine kung ibang actress ang gumanap sa role ni marya sa movie. very physical and taxing yung character. yung catfight nila ni Snooky Serna, very real. kung ibang artista iyon baka magrequest pa na dayain na lang yung scene pero ang dalawang actress ay "keber". wala pa akong nakitang ganong eksena sa mga pelikula sa buong panahon ko ng panonood ng tagalog movies. Unique siya. maganda ng cinematography at execution ng scenes, kaya hinde nakapagtataka na lumaban ito ng husto sa Oscars Best Foreign Language Film category.

  16. #56
    more more pa luciam..

  17. #57
    Pssst....sasama ka ba? luciam124's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Location
    Tagaytay & Cebu
    5) Mother Yaya

    - nehs, may i-cry to death ako sa movie na ito. ako pa? hinde ako basta umiiyak sa movie at pag umiyak ako, dahlins subdued ang performance ko. papahirin ko lang ang aking tears with my middle finger and that's it. pero dito sa Mother Yaya keber ang pag-emote ko sa loob ng sinehan. kinuha ko talaga ang panyo ng friend ko sabay cry with matching may i-cover ako ng aking strechable and widing beautiful lips.

    - walang Diamond Star dito. Si Norma na isang butihing ina at mapagmahal na yaya ang nakita ko. Pumasok si maricel sa character na ginagampanan niya at nakita ko ang puso ng isang ina. hinde siya isang dimensional na character lang dahil ipinakita dito na may "sungay" din si Norma na tulad ng isang ordinaryong tao, babae at ina. wala yung tinatawag na "big scenes" na usual na nakikita natin sa mga pelikula. pero yung pagiging natural at totoo nung mga character ay masasabi kong "eksena" na. damang dama ko yung bigat ng loob ni Norma habang lumalakad siya sa "tulay" palayo sa anak niya at nung tinawag siya ng anak niya at nagyakap sila --- hinde siya matatawag na crying scene pero umiyak ako. nung i-focus ang camera sa face ni Norma, gosh parang nakita ko yung mukha ng pagmamahal ng nanay ko at lola ko sa akin.

    - nung tinanggihan nung anak niya yung fake shoes at sinabi niyang yun lang ang nakayanan niya... parang dinukot yung puso ko. gusto kong umuwi at i-hug kong mommy ko dahil i realized na hinde man intentional ay nasaktan ko siya.

    - nung tahimik na umiiyak ang mag-ina matapos na pagbintangan ang anak na magnanakaw. doon mo talaga makikita kung ano pa ang kayang gawin ng isang magulang para lang maprotektahan ang anak niya.

    - nung magdecision si norma na huwag sumama sa abroad at piliin na makasama ang anak, pumalakpak ako. sasabihin ng iba, ka-ipokritahan! sa hirap ng buhay ngayon ang daming naglalabasan ng bansa mabigyan lang ng magandang bukas ang mga anak. but then, may choices tayo sa buhay at may kani kaniya tayong priorities. may tao na pera ang mas pahahalagahan at meron ding tao na naniniwala na mas mapapalaki nia na mabuting tao ang kanyang anak kung makakasama niya ito.

    sabi nga ni Maricel sa isang interview niya recently sa paendorso niya ng Mayor ng San Marcelino Zambales na si Anna Peralta, hinde lang pera ang makapagpapaligaya sa atin....at tanda ko ring sinabi niya na sa bawat pelikulang ginagawa ko ngayon, as much as possible i want to share a piece of myself.... si Norma ay si Marya...

  18. #58
    Banned by Admin
    Join Date
    Oct 2005
    Location
    land of the free
    Quote Originally Posted by cherubim03 View Post
    dami kong napanood na movies ni marya. kahit yung comedy movies niya, she's very endearing. bawat movie niya kasi meron siyang scene na "memorable" sa akin. i hope she'll do more movies...

    pinaka-gusto ko si marya (Drama movies) at talagang hinde ko makalimutan sa:

    Drama
    Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin
    Ikaw Pa Lang Ang Minahal
    Inang Yaya
    Mila
    Soltera
    A Love Story
    Hinugot Sa Langit
    Dahas
    Filipinas
    The Graduates
    Kaya Kong Abutin ang Langit
    Saan Darating Ang Umaga
    Underage
    Abot Kamay ang Pangarap
    Minsan Lang Magmamahal
    Pinulot Ka Lang Sa Lupa
    Dinampot Ka Lang Sa Putik


    Comedy Movies:
    Batang Quiapo
    Inday Bote
    Inday Inday Sa Balitaw
    Super Inday
    Maria Went To Town
    Pustahan Tayo Mahal Mo Ako
    Bahay Kubo


    Horror Movies
    Numbalikdiwa
    Vampira
    T2
    Wow grabe. Ang dami mo na palang napanood!

  19. #59
    Marian Rivera to do a remake of Maricel Soriano's Inday films

    Mell T. Navarro

    Sunday, May 9, 2010
    10:42 AM


    SUPER INDAY. Tila nahuli ng pelikula ang "kiliti" ng Dong-Yan loyal supporters.

    "It's very entertaining kasi, e," aniya. "Parang you don't have to think while you're watching it, you just get entertained... So, kailangan talagang pag-isipan ang next project para maganda."

    Mas epektibo kaya ang isang romantic comedy sa tambalang Dingdong-Marian on the big screen?

    "Si Marian is effective sa rom-com, or anything na comedy, kahit hindi romantic. Kasi, kahit yung sa Nieves [episode of Shake Rattle and Roll X), na-prove rin niya, di ba?"

    At this point, in-announce formally ni Ms. Roselle na gagawa ang Regal ng Super Inday movie para kay Marian. Ito ay remake ng mga nag-hit sa takilya na Maricel Soriano starrers noong 1980s tulad ng Inday Bote, Inday, Inday Sa Balitaw, etc.

    Ang plano ng Regal, "pagsasamahin mo lahat yung mga Inday films ni Marya. Yung buong Inday series ilalagay mo sa isang pelikula, si Marian yun."

    Tuwang-tuwa raw si Marian nang marinig niya ang offer. "Kasi, sobra niyang ina-idolize si Maricel, 'saka napanood niya raw lahat ng mga Inday series ni Marya."

  20. #60
    wag pagsamahin lahat ng inday sa isang movie, magulo lol!

Page 3 of 28 FirstFirst ... 2 3 4 13 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Watch New Trailers

Watch New Trailers




Caught Up Default

Sub title

Trailer: Fast and Furious 6
The entire gang's back and badder than ever, reuniting for their most high-octane adventure yet. view more


Trailer: Epic
From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more


Review: The Great Gatsby
Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more




Forums Directory